Share

CHAPTER 9

Author: PENRELIEVER
last update Last Updated: 2021-04-22 18:09:39

CHAPTER 9

MASAYA akong pumasok sa kwarto at saka niyakap ang bag na naglalaman na regalo ni Ma'am.

Umupo naman ako sa isang silya na malapit sa laptop, binuksan ko naman ang laptop ko... kahit na mahirap kami, may pambili rin naman kami ng laptop. Laptop nga lang.

Binuksan ko na bag na binigay ni Ma'am at saka nagningning naman ang mga mata ko ng makita ko ang mga laman nito.

My baby chocolates!!

Kinuha ko ang isang bar ng chocolate at saka binuksan bago ko ito kinain. Habang nagbabrowse ako sa internet tungkol sa mga chocolates... napakunot ang mga noo ko sa nakikita ko.

This chocolates seems so familiar.

CHOCOPOLOGIE CHOCOLATE TRUFFLE by Fritz Knipschildt, the most expensive chocolates, sells at $2,600

Halos lumuwa ang mga mata ko dahil ang chocolate na kinakain ko ay ang chocopologie chocolate truffle.

Mahabangin!

Kung icoconvert ko ang dollar to pesos, mga 130,000 above pala ito.

Jusmeyosantisima! Napatingin naman ako sa ibang chocolates na sobrang dami na halos hindi na nito kasya ang malaking bag na ibinigay ni Ma'am sa'kin. Actually, isa lang siyang packbag ngunit may kalakihan ito kaya madami din ang mga tsokolate.

Kinuha ko naman ang isang chocolate at binasa ang pangalan at saka tiningnan ko ito sa google kung magkano ba nag piraso nito o bar.

WISPA GOLD CHOCOLATE by Cadbury is the second most expensive chocolate, sells at $1,600.

Gaya nga ng una, nanlaki pa rin ang mga mata ko at hindi pa rin makapaniwala. Ang mahal ng mga tsokolateng 'to.

E, doon nga sa kanto, makabili nga ako ng apat na chocolate gamit ang singko pesos e. 

Napatingin rin ako sa iba pang chocolate na binili ni Ma'am at saka muli akong nagsearch.

LE GRAND LOUIS XVI by Debauve and Gallais, these chocolates sells at $900

Huminga muna ako ng malalim dahil sa mga nababasa ko, parang ayaw ko nang kainin ang mga 'to dahil sa sobrang mahal.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag-google ng mga chocolates na binili ni Ma'am para daw sa'kin. 

CHOCOLATES WITH EDIBLE GOLD by Delafee, sells at $508

Jusme, ang mahal talaga. Kung alam ko sana na ganito pala ka mahal ang niregalo nila sa'kin edi sana hindi ko nalang ito tinanggap dahil sa sobrang mahal.

Inubos ko na ang chocolate na kinain ko kanina at saka ang ibang chocolates naman ay inilagay ko sa ref para hindi ito matunaw.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang nakain ko na chocolate ay napakamahal, mga dollar dollar pa.

Wala sa sarili akong lumabas sa kwarto ko at bumaba na sa hagdan, naabotan ko naman si Ma'am na kinikilig habang nanonood ng anime.

Para talaga siyang teenager.

Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya na ikinatingin naman nito sa gawi ko, nag-angat naman ito ng tingin at saka nginitian ako.

"Bakit ka nakangiwi at parang wala sa sarili?"Takhang tanong nito sa'kin.

"Ma'am naman...Bakit ang mahal ng binili niyong chocolates sa'kin, okay lang naman sa'kin kung ang chocolates na bibilhin mo ay 'yong hindi kamahalan, nakakahiya po."Nahihiyang sabi ko sa kaniya na mahina naman nitong ikinatawa.

"Pasensiya na, hindi kasi ako ang bumili doon e."Natatawang sabi niya na ikinakunot ko naman.

"Ano po ang iyong ibig sabihin?"Nakakunot na tanong ko sa kaniya.

"May nagpabili lang sa'kin noon-"

Napatigil ito sa pagsasalita ng nagsalita si Xiewez, na nasa hagdanan na. Napatingin naman si Ma'am sa gawi nito.

"Ma! Where's my coffee?!"Sigaw nito na mahinang ikinatawa naman ni Ma'am.

Akmang tatayo na ito sa kaniyang kinauupuan ng magsalita ako, "Ma'am ako na po ang magtitimpla ng kape para sa kaniya."

Ngumite naman ito sa'kin at saka bumalik sa kaniyang pag-uupo. "Salamat."

Pumunta na ako sa kusina para ipagtempla siya ng kape. Kahit hindi ko na i-search ang mga kapeng nandito, alam ko nang mamahalin ang mga ito.

Pamilyang Western nga naman.

Nang matapos na akong magtempla ng kape ay pumunta na ako sa gawi ni Xiewez na walang emosyong nakipag-usap sa kaniyang ina.

Nang makalapit na ako sa kaniya, nag-angat naman ito ng tiningin sa'kin pero sinuklian ko lamang siya ng isang ngite bago ko ibinigay sa kaniya ang kape.

That chocolate made my day kahit na medyo mamahalin- hindi pala medyo, kasi ang mahal talaga. 

Tinanggap niya naman ito at saka humigop ng kapeng tinimpla ko para sa kaniya.

Tumingin naman ako sa gawi ni Ma'am na nakangiting nakatingin sa'min ni Ma'am.

"Bagay kayo."Sambit nito na ikinabulunan ko kahit wala naman akong hinigop o ininom rather.

Si Xiewez naman ay patuloy pa rin sa paghihigop ng kaniyang kape na para bang hindi nito narinig ang sinabi ng kaniyang ina, o sadyang nagbibingihan lamang ito.

Naku, maissue 'to si Ma'am.

Natatawang tumingin ako sa kaniya at saka napakamot sa sarili kong batok, kunwari makati ito. "Ah...hehe... okay?" Nakangiwing sabi ko na ikinahalakhak naman nito.

"You're so cute. You are really cute... but you're much cuter if you and my son end up being each other."Nakangising sabi niya na mas lalong ikinalawak ng pekeng ngite ko.

Ano ba dapat ang irereact ko? Isa pa, nandito lang naman ako para magtrabaho hindi para sa love love na 'yan e.

"Gano'n po ba? Okay."Kunwaring tawa ko kahit hindi naman nakakatawa.

Hindi ko naman kasi alam kong anong irereact ko o sasabihin ko.

Ano ba dapat ang maganda, ang Sana All? o Enebe pereng teleg, hende nemen... gano'n?

Napatingin naman ako sa gawi ni Xiewez na walang emosyong nakatingin rin pala sa'kin habang umiinom pa rin ito ng kape.

Kaya hindi agad naubos kasi tinitipid ang paghigop, kasi nga mainit.

Napabalik naman ang tingin ko kay Ma'am at saka nginitian siya. "Sa totoo lang po, hindi ko po alam kung anong irereact ko. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito." Natatawang sabi ko na mahina naman nitong ikinatawa.

"I understand. Anyways, 'yong mga magulang mo ba ay hindi ka pinapayagan na magkaroon ng boyfriend?"Tanong nito na ikina-iling ko naman.

"Hindi naman po sa gano'n, actually pinayagan naman nila ako kasi daw alam ko na kung anong tama at kung anong mali, kung ano ang mga limitations kasi daw malaki na ako. Isa pa, ang hindi pa pumapayag na magkaroon ako ng boyfriend ay ang aking inner self."Natatawang sabi ko na ikinakunot naman nito.

"Bakit naman?"Takhang tanong niya.

"Kasi po, gusto ko pong unahin muna ang magulang ko bago po ako papasok sa isang relasyon. Ang unang motto ko po ay 'Family comes first before lovelife'."Nakangiting sabi ko na ikinatango naman nito.

"So, what if okay na ang pamilya mo, natulungan mo na sila at nasustentuhan, are you ready to enter into a relationship?"Tanong nito sa'kin.

Bakit ba nagtatanong si Ma'am about sa ganiyan? Anyways wala naman akong ibang gagawin kun'di ang sagutin ang mga tanong ng iyon.

"Maybe, if God permits so why not."Nakangiting sabi ko pero deep inside parang gusto kong magtalon-talon with matching backflip dahil sa ingles ko.

"By the way, I just want to hear your opinion... What if your boyfriend cheated on you, what will you do?"Tanong nito sa'kin na ikinakunot ko naman.

"Para kanino po ba 'yang tanong na 'yan, Ma'am?"Takhang tanong ko sa kaniya na mahina naman nitong ikinatawa.

"Actually, I have a bestfriend, my kumare to be exact and I found out recently that her boyfriend was actually cheating on her. So, what if you are in her position, what will you do?"Tanong nito.

"Anong position ba, Ma'am? sixty-nine po ba?"Wala sa sariling tanong ko na ikinakunot niya naman na ikinanlaki ng mga mata ko.

"Ang ibig kong sabihin ay- wala po. Sa tanong niyo po, paano pag niloko ako ng boyfriend ko? Uhmm... mas mabuti nalang kung maghiwalay nalang kami, pero bago po 'yan ay gusto kong marinig mismo sa kaniya kung bakit niya ako niloko kung pwede niya namang sabihin sa'kin ang totoo na hindi niya na ako mahal dahil maiintindihan ko naman 'yon at saka isa pa, papakawalan ko siya kung may iba na siya dahil kung mahal niya talaga ako, hindi siya maakit sa iba, hindi siya hahanap sa iba at mas lalong hindi niya ako sasaktan. Kaya kung magkaboyfriend man ako, gusto ko na pag wala na siyang nararamdaman para sa'kin, gusto kong sabihin niya ito sa'kin para pakawalan ko siya."Nakangiting sagot ko.

Oha! pang Miss Universe na ang sagot ko. 

"Hindi mo man lang ba siya ipaglalaban man lang? 'Diba nga may kasabihan na pagmahal mo ay ipaglaban mo."Sabi nito na mahina ko naman ikinatawa.

"Paano pag ang ipinaglaban mo ay iba na ang ipinaglaban?"Nakangising sabi ko sa kaniya.

"Well, that's it? You'll give up that easily?"

Umiling naman ako sa sinabi niya at saka ngumite. "Ma'am, hindi po ako 'yung tipong tao na madaling sumuko. Pero kung ipaglaban ko naman siya tapos wala na pala siyang naramdaman sa'kin kasi napunta na sa iba, ano pa ang halaga ng pagmamahal ko sa kaniya? Isa pa, kung mahal niya talaga ako, hindi naman siya ma-iinlove sa iba e. So pag na-inlove na ito sa iba, ibig sabihin hindi ako sapat para sa kaniya kasi kung sapat ako para sa kaniya ay hinding-hindi siya hahanap ng iba."

"Wow. You are really matured when it comes to relationships."Manghang sabi niya na mahina ko namang ikinatawa.

"Opinyon ko lamang 'yan, Ma'am. Pero kung gusto talaga nilang ipaglaban kahit wala namang kasiguraduhan, edi go."Natatawang sabi ko.

"Sabagay, you have a point."

"Teka nga, bakit ba tayo napunta sa love love na 'yan?"Natatawang sabi ko na mahina naman nitong ikinatawa.

Napatingin naman ako kay Xiewez na parang walang paki-alam sa nangyari sa kaniyang paligid.

Okay, isang mahalagang anunsiyo, may bago pong planetang nabuo, planet XD.

•End of Chapter 9•

Related chapters

  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 10

    CHAPTER 10HABANG kumakain ako ng chocolate, napatingin naman ang gawi ko kay Xiewez na nakatingin sa kaniyang laptop, mukhang naramdaman niyang tumingin ako sa kaniya, umangat ang tingin nila at nagtama ang aming mga mata."What?"Walang emosyong sabi niya na ikina-iling ko naman at saka nag-iwas ng tingin bago ko ipinagpatuloy ang pagkain ko ng chocolate."You like that chocolate?"Tanong nito na ikinatigil ko sa pagnguya.Tumingin naman ako sa kaniya, "Yes, I love it very very very much."Nakangiting sabi ko sa kaniya na ikinatango naman nito saka ibinalik ulit ang kaniyang tingin sa kaniyang laptop.Wala na naman si Ma'am dahil pumasok na ito sa kaniyang work. Busy kasi siya kasi sa dami ba naman ng kompanya nila, sinong hindi mabi-busy doon?Buti nalang at bawat kompanya niya ay may sekretarya na tutulong sa kaniya kaya medyo nabawas-bawasan ang kaniyang mga gawain.Actually, nagpaalam pa ito sa'min na hindi siya makakauwi ngayon at mamaya

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 11

    CHAPTER 11HINDI na muli itong nagsalita bagkus ay ibinalik niya ang kaniyang tingin sa kaniyang laptop na ikinabuntong hininga ko naman saka pumunta sa isang sofa at humiga."Are you tired?"Tanong nito habang patuloy parin ito sa pagtatype ng kung ano-ano sa kaniyang laptop.Nagbuga naman ako ng hangin bago siya sinagot. "Hindi naman, mas bet ko lang talaga na humiga."Akmang magsasalita na sana ito ng bumukas ang pinto, niluwa nito ang isang matangkad na lalaki, medyo malalaki ang katawan nito saka macho.Ang walang emosyon nitong mukha ay napalitan ng ngite ng makita niya si Xiewez na ang talim na nang kaniyang mga mata."What the fuck are you doing here?"Malamig na sita nito sa lalaking kakadarating lang.Mahina namang natawa ang lalaki bago ito naglakad papalapit sa direksyon namin at saka umupo ito, mismo sa tabi ko kaya agad akong napaayos ng upo. Kung kanina ay nakahiga ako, ngayon naka-upo na."By the way, who's she?"Tanong ni

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 12

    CHAPTER 12HINDI na ako nag-abalang magpalit ng damit total naka t-shirt ako na kulay gray na medyo may kalakihan, at saka naka-ripped jeans lang ako.Hindi ko na rin inayos ang buhok ko total Bar naman ang pupuntahan namin hindi kung anong fashion show.Actually, van 'yung ginamit ni Killian na maging transportasyon namin papuntang Myk's Bar na kung saan doon sila mag-iinoman kasama ang iba pa nilang kaibigan.Habang ako naman ay taga bantay lang ni Xiewez, parang naging bodyguard niya ako. Sumasideline rin pala ako bilang isang bodyguard, hindi lang isang katulong."Ano daw nangyari sa isang 'yon?"Tanong ni Xiewez. kay Killian, hindi naman ito nag-abalang lingonin si Xiewez dahil busy ito sa pagmamaneho."Na-busted ang gago at saka iniwan siya kaya ayon nagwawala, tapos si Ryuu naman ay inaya tayong mag-inoman para daw sa kaibigan nating sawi sa putang-inang pag-ibig na 'yan."Sabi nito na ikinatango naman ni Xiewez."Gago lang talaga

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 13

    CHAPTER 13NAPATIGIL kaming dalawa ni Xiewez sa pagdaldal nang huminto na ang van ni Killian. Mukhang nakarating na kami sa aming destinasyon... sa kanilang destinasyon pala.Naunang bumaba na si Killian at saka tinulungan niyang makababa si Xiewez na nahihirapang bumaba dahil nakaupo lamang ito sa kaniyang wheelchair kaya ang ginawa ni Killian ay binuhat niya mismo ang wheelchair para makababa si Xiewez.Sumunod naman akong bumaba at saka isinara ang pinto ng van nito.Naunang naglakad si Killian at sumunod naman nito si Xiewez na walang emosyong nakaupo sa kaniyang wheelchair habang ang kaniyang kamay ay busy sa pagpipindot-pindot para gumana ang wheelchair at ito na mismo ang maging paa ni Xiewez pansamantala.Nang makapasok na kami sa Bar, lahat ng taong nandoon ay napunta sa'min ang kanilang mga atensyon, nagtatakha sila kung bakit daw may taong naka-wheelchair ang pumasok sa Bar.Rinig na rinig namin ang mga bulong-bulungan nila pero h

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 14

    CHAPTER 14TUMIGIL naman ang Van ng nasa tapat na kami sa bahay ko. Bago pa ako makalabas ay nagsalita si Killian."Aren't you planning to go back as a Seaman? I know how much you value your job, so I was just thinking if you will go back to your job."He said and I looked at him flatly."Do you think that I can go back to my job?"Malamig na sabi ko.Hindi naman ako makakabalik sa trabaho ko dahil imbalido na ako. We've tried everything, I tried everything para mapagamot ako kaso wala paring nangyari.I'm still an invalid person and a worthless one.I can't never go back to my job."Your father—nevermind. Anyways, you should take her inside."Sabi nito at tumango naman ako."Oh wait, I can't carry her because of my condition, I hate to ask you for doing this but can you carry her to my room?"Malamig na sabi ko sa kaniya at tumango naman ito.Fuck! Kung hindi lang sana ako imbalido, hinding-hindi talaga ako hihingi ng tulong m

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 15

    CHAPTER 15NAPAMURA naman ako dahil kanina pa ako luto ng luto ng soup para sa kaniya but still, it tastes horrible. So horrible that you could've imagine.Fuck! I even follow all the instructions yet it still taste that bad. Halos maka-limang subok na ako sa pagluluto, ngunit hindi pa rin ito naperpekto.I know, I can't cook but fuck... I didn't know that my cooking skills really tasted bad.I can't let her taste this! Baka ito pa ang maging dahilan sa paghimatay niya."Damn it!" I hissed when the last soup still tastes horrible."Shit! Shit! Fuck! Argh! I give up!"Inis kong sabi at saka kinuha ko ang mga plato na ginamit ko at saka hinugasan ito.Napabuntong hininga naman ako at saka napatingin sa kape. I guess, I don't have a choice. Atleast, coffee isn't that hard to make.NANG matapos na akong gawin ang kape, I make sure that it tastes good. Pumunta na ako sa kwarto ko kung saan nandoon si Yvey.Dala dala ko na ang kape na t

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 16

    CHAPTER 16NAPAMULAT ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama mismo sa mga mata ko.Napahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit na para bang pinupokpok ito ng martilyo dahil sa sakit.Napa-igik naman ako at saka napakunot ang noo ko dahil wala ako sa kwarto ko.Nanlaki ang mga mata ko at saka napatingin sa katawan ko dahil naka-bra lang ako.Napatili naman ako at saka kinuha ang kumot at kinumutan ko ang sarili ko.Napatingin naman ako sa tabi ko... nalaglag naman ang panga ko at gulat na napatakip sa bibig ko."Argh...I'm still sleepy..."He said huskily, ginulo nito ang kaniyang buhok at saka napatingin sa'kin.'A-Anong ginawa mo sa'kin?"Nauutal na sabi ko sa kaniya at mas lalong humigpit ang hawak ko sa kumot nang nginitian niya ako."Hmm... guess?"Nakangising sabi nito na ikinanlaki ng mga mata ko."A-Ano?"He tsked. "As if I could do that to you, I can't even move my leg how much more to

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 17

    CHAPTER 17"M-MA'AM?!"Gulat at hindi makapaniwalang sabi ko at agad na kinuha ang kumot na nahulog kanina sa sahig at ibinalot ko ito kaagad sa katawan ko."Holy mother of— may nangyari ba sa inyo kagabi?"Nanlalaking mata na tanong nito sa'kin na ikina-iling ko naman kaagad."Wala po ma'am, promise. Wala po talaga."Agad kong sabi sa kaniya na ikinakunot niya naman."Bakit nakahubad ang pang-itaas mo kung walang nangyari sa inyo? Pordyos por santo! Hindi lang ako nakauwi kahapon, may kababalaghang naganap sa bahay na 'to."Sabi nito na ikinangiwi ko naman."Magbibihis lang po ako saglit ma'am, babalik rin po ako."Sabi ko at tumango naman siya bilang pagsang-ayon.Halos gusto ko nang murahin ang sarili ko dahil sa mga kagagahan na ginawa ko.Bakit ba ako nalasing kahapon? Letsugas naman oh!Agad akong nagtungo sa kwarto ko at saka pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos na akong maligo ay agad akong nagbihis, at saka bumaba na ako.

    Last Updated : 2021-04-22

Latest chapter

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 14-END

    EPILOGUEI AM driving papuntang Sweet Lethal Cafe para bugbogin ang pinsan kung tanginang gago. Walang hiya ang isang yun, sinaktan niya ang pinakamamahal na kapatid ng babaeng future wife ko.Ipinark ko ang kotse ko at saka naka-sunglasses na lumabas, kahit na gabi ay naka-sunglasses ako. Who cares? I love this new style of me.Inis naman akong pumunta sa direksiyon niya pero ang gago, natuto pang tumawa. Mas lalo akong nagalit.So, it is true that he really cheated on her. He cheated my future wife's sister? He doesn't even mind if he hurt someone.And seeing him like this makes me want to smack his head. Pumunta ako sa direksiyon niya at saka umupo sa kabilang upuan kaharap niya.Walang emosyon ko siyang tiningnan."Why did you hurt her?"Ngumiwi naman ito at saka naging malungkot ang expression nito. "Because I have to dahil baka mapapahamak siya lalong lalo na't pinagbantaan ako ng babaeng yun, hindi ko alam na kasapi pala siya sa isang

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 13

    NAKARATING na sila Vien, Yung ex niya na torpe at saka si Ryuu. Lumapit naman si Ryuu sakin at saka niyakap ako."Damn. I miss you so much."Malambing na sabi niya akmang hahalikan niya sana ako ng hinila siya ni Papa palayo sakin na ikinatawa ko naman."Ikaw ba ang boyfriend nitong anak ko?"Striktong sabi ni Papa sa kaniya at tumango naman ito."Yes. I am."Kampanteng sagot ni Ryuu sa kaniya."Hiwalayan mo siya."Sabi ni Papa na ikinaawang ng mga bibig namin sa sinabi nito."I can't, Sir. I love your daughter so much, alam kung masyadong maaga pero dahil si Pag-ibig ang kalaban namin, mapapaaga talaga. There's no time, no age, no year limit when it talks about love. I love your daugther so much, I'm willing do anything just to prove to you that I really love her. If you want to know how much I love her, listen to my heartbeat dahil siya lamang ang kayang patibokin ng ganito kalakas ang puso ko."Seryosong sabi niya sa Papa ko at saka tiningnan niya naman s

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 12

    NAGPAALAM na ako kina Ryuu. Nasa loob na ako ng eroplano habang ang tingin ko ay nasa himapapawid at nakasaksak ng earphone ang tenga ko.Namimiss ko kaagad sila lalong lalo na si Ryuu. Ilang araw kaya ako doon sa Paris? Makakauwi ba ako kaagad? Ano bang problema nila Mama?Bakit pinauwi agad nila ako sa Paris agad-agad? Bakit naramdaman ko na may tinatago sila sakin?NAPAMULAT ang mga mata ko ng makalapag na ang eroplano. Bumaba na ako sa eroplano kasama ang mga bagahe ko. Hinahanap ko kung nasaan sina Mama at si Papa.Napangite naman ako ng makita ko sila na kumakaway papunta sakin. Lumapit naman ako sa kanila at niyakap sila."I miss you two."Masayang sabi ko na ikinatawa naman nito."I miss you too."Sabay na sabi nilang dalawa.Si Papa ang bumuhat ng bagahe ko, hindi naman ito mabigat. Sumakay na kami sa sasakyan na pagmamay-ari namin."So, how's your trip?"Tanong sakin ni Mama."It's fine."Tipid kung sabi."So how's yo

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 11

    NASA isang restaurang kami ngayon kasama ang ex nitong si Vien. Yung gagong lalaking gusto kung kidnappin pero iba ang nakidnapped ko. Yung nakidnapped ko ay ang pinsan niya."So, how's life?"Natatawang tanong ng gagong ex niya, tinaliman ko naman siya ng tingin."Wag mo kaming ma how's life dahil baka hindi ako makapagpigil na isaksak ko ang tinidor na hawak ko sa lalamunan mo."Pagbabanta ko naman sa kaniya at mahina itong natawa."Kumusta ang pangkidnapped sa pinsan ko?"Pang-aasar niya na ikinainis ko.Tiningnan ko naman si Vien na walang imik. "Hoy Vien, ilayo mo sakin ang gagong yan dahil baka mapatay ko siya." Inis na sabi ko at mahina naman itong natawa."Sus. Manahimik ka na nga, Ate. Pansinin mo yang katabi mo, kanina pa yan naghihintay na mapansin mo."Pang-aasar niya sakin na ikinairap ko naman."Tss. Manahimik ka nga rin, magpansinan kayo ng ex mo."Pang-aasar ko sa kaniya na ikinatawa naman niya."Sus.. Friends na kami."Nakangiting

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 10

    TAKHA niya naman akong tiningnan na para bang hindi siya makapaniwala sa naging tanong ko."Seriously? Hindi mo alam kung sino ang nagpalaya sa mga bata?"Gulat na sabi niya.I looked at her flatly. "Magtatanong ba ako kung alam ko ang sagot?"Umirap naman ito at saka tinuro si Ryuu na nakapamulsa habang nakatingin sakin. "He is."Kumunot naman ang mga noo ko dahil sa sinabi niya. "Please explain it to me."Naguguluhang sabi ko sa kaniya."Well, ganito kasi yun.. Ryuu was the one who pretend to be their alliance but the truth is he is just a spy. Yes, he is also part of our organization, He is Ryuu Xevier Saito, my cousin."Nakangiting sabi niya na ikinalaglag panga ko."Your what!??"Gulat na pasigaw kung sabi sa kaniya.She smiled sweetly. "He's my cousin."Napanganga ulit ako sa sinabi niya. I can't believe it like what the hell is going on? That explain why kung bakit medyo pareho sila ng shape sa mukha at sak parehong singkit.W

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 9

    NAPABALIKAWALAS ako ng may tumawag sakin, dali dali ko 'tong sinagot."Yes?" Sabi ko sa kabilang linya."Agent Deadly we need you."Malamig na sabi ng nasa kabilang linya na ikinaseryoso ko naman."Okay. What do you want me to do?"Walang emosyong tanong ko sa kaniya."I need you to send me the coordinates. The killers are alreasy moving, they are torturing the innocent children for money and ransom. That's why I wanted you to tract them down, I will send you the other agents who are capable of handling this situations."Malamig na sabi niya at saka pinatay ang tawag.Napakuyom naman ako sa aking sariling kamao. Those shitting killers are alreasy making their moves.They hurt the innocent one. Hinding-hindi ko 'to mapapalagpas. I opened my high tech computer, I press something in it at saka I tried to located those bastards.Napangiti naman ako ng makita ko kung asan sila ngayon. I really love this high tech of mine. Kaya nitong mang-trac

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 8

    MAG-iisang linggo na kaming nandito sa mansiyon, kanina pa tawag ng tawag si Vien na papauwiin na niya ako kasi namiss niya daw ako.Ano bang nasaisip ng isang galung-gong na 'to?Lumabas ako at saka humiga sa may bermuda na damohan at saka nag-iisip.Naramdaman ko naman ang presensiya niya pero hindi ko naman 'to pinansin."Hey.... Do you really badly want to go home?"Mahinang sabi niya pero nararamdaman ko naman ang pagtutol nito."Yeah. Besides, namimiss ko na rin ang kapatid ko. You can also visit me in our house if you want to."I straighforwardly said to him.Nag-iwas naman ito ng tingin. "Okay then. Let's get you home, today."Kumunot naman ako noo ko at saka tiningnan siya. "Why are you sound dissappointed?"Ngumuso naman ito. "It sounds like you don't want me by your side that's why you badly wanted to go home."Umirap naman ako saka niyakap siya. "It's not like that. I love being with you because I feel safe pero hindi n

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 7

    NAPANGITE naman ako ng yumakap siya sakin na para bang nanlalambing ito. Inilagay niya ang kaniyang baba sa aking balikat habang ang kaniyang mga kamay ay nakayapos sakin."May problema ka ba?"Tanong ko sa kaniya at agad naman itong umiling na ikinangite ko naman."Nagpapalambing lang ako sayo."Sabi niya na mahinang ikinatawa ko."Tss. Ikaw talaga. By the way, bakit nandito parin tayo sa mansion ko?"Bumitaw naman ito sa yakap at saka nakangising tiningnan ako. "Kasi kinidnapped kita."Umirap naman ako."Tch. Ako nga yung nangidnapped sayo e."Mahina itong natawa at saka pinisil ang ilong ko. "This time ako naman ang kikidnapped sayo.""Sus.. Kung ano ano pa ang sinabi, hindi mo naman ako kailangang kidnappin e.""Ganun ba.""Yeah.""By the way, balik na tayo sa bahay ko at sa bahay mo."Sabi ko na ikinalukot ng kaniyang mukha."Why? Hindi ka ba masaya kasama ako?"Malamig na sabi niya kaya mahinang sinampal ko ang kaniy

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 6

    INIS akong bumangon sa higaan dahil sumasakit parin ang hita ko. Bumaba ako para hanapin si Vien.Nang makababa na ako ay napahinto ako sa pagkilos ng masilayan ko muli ang kaniyang mukha.Ano ang ginagawa niya dito?"What are you doing here?"Tanong ko kay Ryuu, napatingin naman ito sakin."I'm here to visit you."Tipid nitong sabi na ikinataas ng kilay ko."I'm fine.""Tss... yan ba ang okay sayo? E, halos hindi ka na nga makalakad e."Sabi niya at iningusan ko naman ito."Tss.. okay na nga ako e, kaya na nga kitang ibalibag diyan!"Inis na sabi ko na ikinatawa naman ng mahina.Lumapit siya sa direksyon ko at saka hinapit niya ang bewang ko. Napatigil kami ng may tumikhim.Tinaasan ko siya ng kilay. "May sakit ka ba, Vien?"Ngumise naman ito." Oo, sumasakit na ang ngipin ko dahil sa katamisan niyong dalawa."Umirap naman ako sa kaniya."Inalalayan lang niya ako."May pang-aasar ang sumilay sa kaniyang l

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status