Share

CHAPTER 8

Author: PENRELIEVER
last update Last Updated: 2021-04-22 16:25:10

CHAPTER 8

NAKABABA na nga kami, nasa hapagkainan na kami ngayon kasama ang kaniyang Mama na nakangiti habang nakatingin sa'ming dalawa.

"Bakit ang tagal niyong bumaba?"Nakangising tanong ni Ma'am na ikinabuntong hininga ko naman.

Base na mga ngite ni Ma'am, alam kung iba ang iniisip nito.

"Naku po, 'yang anak niyo po ang sarap iuntog ang ulo sa pader, ang tagal bumangon."Paninisi ko sa kaniyang anak na mahina naman nitong ikinatawa.

"Talaga?"Nakangising sabi nito na ikinatango ko naman.

"Talagang talaga po. Kung pwede lang pong lasonin ang anak niyo, kanina ko pa ginawa."Mataray na sabi ko na ikinatawa naman nito ng malakas.

"You're funny, pero 'wag mo naman sanang lasonin ang anak ko."Natatawang sabi nito na mahina ko naman na ikinatawa.

"Oo naman po, wala naman po akong lason kaya hindi ko lalasonin ang anak niyo. Isa pa, baka mawalan pa ako ng trabaho pag nilason ko ang anak niyo."Sabi ko sa kaniya.

"By the way, may boyfriend ka na ba?"Tanong ni Ma'am sa'kin at naramdaman ko naman na natigilan si Xiewez sa kaniyang pagsasandok ng kanin.

Mahina naman akong natawa at saka umiling. "Naku po, wala po akong boyfriend ngayon pero listahan po ng mga nabusted, hindi ko na po mabilang sila. Isa pa, ayokong mag boyfriend boyfriend na 'yan e alam ko naman na maghihiwalay lang din naman sa dulo. Ang gusto ko 'yung pang matagalan hindi pang madalian."Sabi ko sa kaniya na ikinatango naman nito.

"Grabe, akala ko may boyfriend ka na."Natatawang sabi nito na ikinatawa ko sabay iling.

"Sus, hindi ko kailangan ng jowa, kasi ang kailangan ko ay pera."Sabi ko sa kaniya na mahina naman nitong ikinatawa.

"Pero, ayoko rin na minamadali ang pagkikita ng pera like magda-drugs ako para lamang makakita ng malaking halaga, like duh ang ganda ko para lang maging isang drug addict o drug sealer o dealer ba 'yan."Dagdag ko pa na mahina naman nitong ikinatawa.

"Dapat lang, masama ang magbebenta ng drugs at saka mas lalong masama ang gumamit ng mga drugs."Seryosong sabi nito.

"Pero bakit ganun, bakit hindi hinuli ng mga pulis ang mga nagbebenta sa Drug Store? e halata naman na drugs ang mga binenta nila kasi nga Drug e."Nakangusong sabi ko na malakas na ikinatawa ni Ma'am, na dahilan para mabulunan si Xiewez.

"Nakakabobo kang kausap."Sabi ni Xiewez na ikinairap ko naman.

Napatingin naman ako sa gawi niya at saka iniripan siya, "Duh, hindi naman kita kinausap a, tsaka bahala kang mabobo mag-isa." Mataray na sabi ko na ikina-iling nito at hindi muli ako binigyang pansin na ikina-ingos ko.

"Tss."

Umalis na ito sa hapagkainan at saka bumalik ulit ito sa kaniyang kwarto na ikinabuntong hininga ko naman.

Seriously? Ano bang meron sa kwarto niya at pabalik-balik siya doon?

"Ewan ko nalang sa anak niyo po, nakapa-attitude."Mataray na sabi ko na mahina nitong ikinatawa.

"Naku, pagpasensiyahan mo na ang anak ko, ganiyan lang talaga siya simula ng ma-imbalido siya."Malungkot na sabi nito na ikinabuntong hininga ko saka ngumite.

"Naku, okay lang po tsaka medyo nasanay naman ako sa attitude ng anak niyo po e."Natatawang sabi ko sa kaniya na ikinangite naman nito.

"Sana nga hindi ka magsawang alagaan ang anak ko lalo na't minsan hindi ako masyadong  maka-alaga sa kaniya dahil sa trabaho ko kaya umaasa ako sa'yo na alagaan siya."Nakangiting sabi niya na ikinangite ko naman.

"Ako na po ang bahala sa anak niyo, pero may request sana ako sa'yo, Ma'am."Sabi ko na ikinakunot naman nito at saka muling ngumite.

"Anong request mo?"Takhang tanong niya.

"Pwede ko bang murahin 'yang anak mo, nakakainis kasi e."Sabi ko sa kaniya na mahina nitong ikinatawa.

"Mura lang ba? Bakit hindi pwedeng mahal nalang."Pang-aasar niya na ikinangiwi ko naman.

"Sus si Ma'am naman, inasar pa ako."Sabi ko na mahina naman nitong ikinatawa.

"Baka 'yang mura na 'yan maging mahal a."Nakangising sabi niya na ikina-ingos ko naman.

"As if naman."Natatawang sabi ko na ikinatawa naman nito.

"Anyways, kailangan ko ng magtrabaho ngayon, ikaw na ang bahala sa anak ko."Sabi nito at saka tumayo na.

Mga nasa fifthy above na ang age ni Ma'am pero parang dalaga pa rin kung tingnan ito, si Xiewez naman kahit hindi ko aaminin, gwapo rin naman siya. Nasa lahi na talaga nila ang pagka-gwapo at pagka-ganda.

Isang napakalaking SANA ALL talaga sa pamilyang Western.

Napabuntong hininga naman ako saka tumayo para ligpitin ang mga kinainan namin, ang mga plato ay inilagay ko na sa lababo para itoy linisan, inshort huhugasan ko ang mga plato.

Nang matapos na akong maghugas ay nag-sanitize naman ako bago ako umakyat patungo sa kwarto ko.

Actually, magkatabi lang ang kwarto ko at ang kwarto ni Xiewez, inilipat kasi ako ni Ma'am sa kwartong katabi nito para daw pagmay kailangan daw si Xiewez ay madali ko lang itong lapitan. Kaya nga hindi ako makakahindi e.

Akmang papasok na sana ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Make me some coffee."Utos nito sa'kin na ikinabuntong hininga ko.

Humarap naman ako sa kaniya."Okay,"Tipid kong sabi.

Akmang bababa na ulit ako nang magsalita ulit siya. "Are you tired already?"Mahinang tanong nito pero sapat na para marinig ko.

Tumingin ulit ako sa kaniya at saka nginitian ko siya. "Okay lang po kung mapapagod ako, besides trabaho ko po ang pagsilbihan po kayo."

Walang emosyon naman niya akong tiningnan. "Forget it, I'm not craving for coffee anymore. You can go to your room, then rest now."Sabi nito at saka walang emosyon na pinindot ang button sa kaniyang wheelchair at ang mga wheels nito ay umandar na kahit na hindi ito ginalaw ng kaniyang mga kamay.

High-tech na talaga ang mga ibang kagamitan ngayon.

Oh well, hindi naman pala siya iinom ng kape so I guess, papasok na ulit ako sa kwarto ko para makapaghinga muna sandali. Kanina pa nananakit ang mga balikat ko e.

Binuksan ko na ang pinto ng aking kwarto bago ako pumasok, agad naman akong napatakbo papunta sa malambot at malaking kama saka ko ibinagsak ang aking katawan doon.

Napangite naman ako dahil sa lambot at sa bango ng kamang 'to.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa pagod.

NAGISING naman ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin, dahan dahan ko namang iminulat ang aking mga mata.

Nanlaki tuluyan ang mga mata ko ng makita ko si Xiewez na walang emosyon na nakatingin sa'kin na ikinadagundong ng puso ko.

Agad naman akong napatayo at saka inayos ang magulo kung buhok, saka ko siya tiningnan.

"A-Ano p-po ang ginagawa niyo dito?"Nauutal na tanong ko sa kaniya, kung kanina ay ang kapal ng mukha ko, ngayon ay hindi na.

Naiilang kasi ako sa mga tingin niya. Wait... ang assumera ko naman ata!

"My mom wants me to wake you up, but when I got here, you sleep soundly like you're in your own dreamland."Walang emosyon na sabi nito na pekeng ikinatawa ko naman at saka napakamot sa batok ko kahit na hindi naman makati.

"Pasensiya na po kayo kung nakatulog ako, anyways sana po ginising niyo nalang ako."Sabi ko sa kaniya na ikinatingin naman nito sa'kin.

Walang buhay ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin. Ano na naman kaya ang nangyari sa lalaking 'to, pabago-bago nalang ng mood.

"I was about to, but you wake up in your own."Malamig na sabi nito na ikinatango ko naman.

Ngumite naman ako sa kaniya. "Okay, tara na po sa baba baka po naghihintay na si Ma'am. By the way, ano pala ang kailangan ni Ma'am?"

Nagkibit-balikat naman ito. "I don't know, try to ask her not me."

Umingos naman ako at hindi muling nagsalita. Nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako sa kaniya.

Naabotan ko naman si Ma'am na nakangiting nakatingin sa'min, nasa sala siya habang may inaayos na gamit.

Tumingin naman ito sa gawi ni Xiewez, "Bakit ang tagal mo?"

Nag-iwas naman ng tingin si Xiewez at hindi sinagot ang tanong ni Ma'am na mahina naman nitong ikinatawa.

Tumingin naman ito sa'kin, "Anyways... May regalo pala ako sa'yo."Masayang sabi nito na ikinakunot ko naman.

"Po?"

"May regalo ako sa'yo..."Pinakita naman niya ang bag na dala niya at saka ibinigay naman niya ito sa'kin. "Buksan mo."Nakangiting sabi niya na ikinabuntong hininga ko bago ko ito buksan.

Agad naman akong napangite at napatili ng makita ko kung ano ang niregalo ni Ma'am sa'kin.

Nakangiting tumingin ako sa gawi niya, "Maraming salamat po, Ma'am. Though, nakakahiya po, hindi na po sana kayo nag-abala."

"Sus... may nagrequest lang na ibigay 'yan sa'yo— I mean, nagustuhan mo ba?"

Agad naman akong tumango, "Yes po. Opo, nagustuhan ko ng sobra sobra."

Ngumite naman ito. "Glad to hear that, sige bumalik ka na sa kwarto mo tapos may maliit na ref doon mismo sa kwarto mo, ilagay mo 'yan para hindi 'yan matunaw."

Nakangiting tumango naman ako sa kaniya, napatingin naman ako sa gawi ni Xiewez na nakatingin rin pala sa'kin bago ito umiwas ng tingin at bumalik sa kwarto nito.

Ma'am, you made my day!

•End of Chapter 8•

Related chapters

  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 9

    CHAPTER 9MASAYA akong pumasok sa kwarto at saka niyakap ang bag na naglalaman na regalo ni Ma'am.Umupo naman ako sa isang silya na malapit sa laptop, binuksan ko naman ang laptop ko... kahit na mahirap kami, may pambili rin naman kami ng laptop. Laptop nga lang.Binuksan ko na bag na binigay ni Ma'am at saka nagningning naman ang mga mata ko ng makita ko ang mga laman nito.My baby chocolates!!Kinuha ko ang isang bar ng chocolate at saka binuksan bago ko ito kinain. Habang nagbabrowse ako sa internet tungkol sa mga chocolates... napakunot ang mga noo ko sa nakikita ko.This chocolates seems so familiar.CHOCOPOLOGIE CHOCOLATE TRUFFLE by Fritz Knipschildt, the most expensive chocolates, sells at $2,600Halos lumuwa ang mga mata ko dahil ang chocolate na kinakain ko ay ang chocopologie chocolate truffle.Mahabangin!Kung icoconvert ko ang dollar to pesos, mga 130,000 above pala ito.Jusmeyosantisima! Napatingin naman

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 10

    CHAPTER 10HABANG kumakain ako ng chocolate, napatingin naman ang gawi ko kay Xiewez na nakatingin sa kaniyang laptop, mukhang naramdaman niyang tumingin ako sa kaniya, umangat ang tingin nila at nagtama ang aming mga mata."What?"Walang emosyong sabi niya na ikina-iling ko naman at saka nag-iwas ng tingin bago ko ipinagpatuloy ang pagkain ko ng chocolate."You like that chocolate?"Tanong nito na ikinatigil ko sa pagnguya.Tumingin naman ako sa kaniya, "Yes, I love it very very very much."Nakangiting sabi ko sa kaniya na ikinatango naman nito saka ibinalik ulit ang kaniyang tingin sa kaniyang laptop.Wala na naman si Ma'am dahil pumasok na ito sa kaniyang work. Busy kasi siya kasi sa dami ba naman ng kompanya nila, sinong hindi mabi-busy doon?Buti nalang at bawat kompanya niya ay may sekretarya na tutulong sa kaniya kaya medyo nabawas-bawasan ang kaniyang mga gawain.Actually, nagpaalam pa ito sa'min na hindi siya makakauwi ngayon at mamaya

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 11

    CHAPTER 11HINDI na muli itong nagsalita bagkus ay ibinalik niya ang kaniyang tingin sa kaniyang laptop na ikinabuntong hininga ko naman saka pumunta sa isang sofa at humiga."Are you tired?"Tanong nito habang patuloy parin ito sa pagtatype ng kung ano-ano sa kaniyang laptop.Nagbuga naman ako ng hangin bago siya sinagot. "Hindi naman, mas bet ko lang talaga na humiga."Akmang magsasalita na sana ito ng bumukas ang pinto, niluwa nito ang isang matangkad na lalaki, medyo malalaki ang katawan nito saka macho.Ang walang emosyon nitong mukha ay napalitan ng ngite ng makita niya si Xiewez na ang talim na nang kaniyang mga mata."What the fuck are you doing here?"Malamig na sita nito sa lalaking kakadarating lang.Mahina namang natawa ang lalaki bago ito naglakad papalapit sa direksyon namin at saka umupo ito, mismo sa tabi ko kaya agad akong napaayos ng upo. Kung kanina ay nakahiga ako, ngayon naka-upo na."By the way, who's she?"Tanong ni

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 12

    CHAPTER 12HINDI na ako nag-abalang magpalit ng damit total naka t-shirt ako na kulay gray na medyo may kalakihan, at saka naka-ripped jeans lang ako.Hindi ko na rin inayos ang buhok ko total Bar naman ang pupuntahan namin hindi kung anong fashion show.Actually, van 'yung ginamit ni Killian na maging transportasyon namin papuntang Myk's Bar na kung saan doon sila mag-iinoman kasama ang iba pa nilang kaibigan.Habang ako naman ay taga bantay lang ni Xiewez, parang naging bodyguard niya ako. Sumasideline rin pala ako bilang isang bodyguard, hindi lang isang katulong."Ano daw nangyari sa isang 'yon?"Tanong ni Xiewez. kay Killian, hindi naman ito nag-abalang lingonin si Xiewez dahil busy ito sa pagmamaneho."Na-busted ang gago at saka iniwan siya kaya ayon nagwawala, tapos si Ryuu naman ay inaya tayong mag-inoman para daw sa kaibigan nating sawi sa putang-inang pag-ibig na 'yan."Sabi nito na ikinatango naman ni Xiewez."Gago lang talaga

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 13

    CHAPTER 13NAPATIGIL kaming dalawa ni Xiewez sa pagdaldal nang huminto na ang van ni Killian. Mukhang nakarating na kami sa aming destinasyon... sa kanilang destinasyon pala.Naunang bumaba na si Killian at saka tinulungan niyang makababa si Xiewez na nahihirapang bumaba dahil nakaupo lamang ito sa kaniyang wheelchair kaya ang ginawa ni Killian ay binuhat niya mismo ang wheelchair para makababa si Xiewez.Sumunod naman akong bumaba at saka isinara ang pinto ng van nito.Naunang naglakad si Killian at sumunod naman nito si Xiewez na walang emosyong nakaupo sa kaniyang wheelchair habang ang kaniyang kamay ay busy sa pagpipindot-pindot para gumana ang wheelchair at ito na mismo ang maging paa ni Xiewez pansamantala.Nang makapasok na kami sa Bar, lahat ng taong nandoon ay napunta sa'min ang kanilang mga atensyon, nagtatakha sila kung bakit daw may taong naka-wheelchair ang pumasok sa Bar.Rinig na rinig namin ang mga bulong-bulungan nila pero h

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 14

    CHAPTER 14TUMIGIL naman ang Van ng nasa tapat na kami sa bahay ko. Bago pa ako makalabas ay nagsalita si Killian."Aren't you planning to go back as a Seaman? I know how much you value your job, so I was just thinking if you will go back to your job."He said and I looked at him flatly."Do you think that I can go back to my job?"Malamig na sabi ko.Hindi naman ako makakabalik sa trabaho ko dahil imbalido na ako. We've tried everything, I tried everything para mapagamot ako kaso wala paring nangyari.I'm still an invalid person and a worthless one.I can't never go back to my job."Your father—nevermind. Anyways, you should take her inside."Sabi nito at tumango naman ako."Oh wait, I can't carry her because of my condition, I hate to ask you for doing this but can you carry her to my room?"Malamig na sabi ko sa kaniya at tumango naman ito.Fuck! Kung hindi lang sana ako imbalido, hinding-hindi talaga ako hihingi ng tulong m

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 15

    CHAPTER 15NAPAMURA naman ako dahil kanina pa ako luto ng luto ng soup para sa kaniya but still, it tastes horrible. So horrible that you could've imagine.Fuck! I even follow all the instructions yet it still taste that bad. Halos maka-limang subok na ako sa pagluluto, ngunit hindi pa rin ito naperpekto.I know, I can't cook but fuck... I didn't know that my cooking skills really tasted bad.I can't let her taste this! Baka ito pa ang maging dahilan sa paghimatay niya."Damn it!" I hissed when the last soup still tastes horrible."Shit! Shit! Fuck! Argh! I give up!"Inis kong sabi at saka kinuha ko ang mga plato na ginamit ko at saka hinugasan ito.Napabuntong hininga naman ako at saka napatingin sa kape. I guess, I don't have a choice. Atleast, coffee isn't that hard to make.NANG matapos na akong gawin ang kape, I make sure that it tastes good. Pumunta na ako sa kwarto ko kung saan nandoon si Yvey.Dala dala ko na ang kape na t

    Last Updated : 2021-04-22
  • HER INVALID LOVER   CHAPTER 16

    CHAPTER 16NAPAMULAT ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama mismo sa mga mata ko.Napahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit na para bang pinupokpok ito ng martilyo dahil sa sakit.Napa-igik naman ako at saka napakunot ang noo ko dahil wala ako sa kwarto ko.Nanlaki ang mga mata ko at saka napatingin sa katawan ko dahil naka-bra lang ako.Napatili naman ako at saka kinuha ang kumot at kinumutan ko ang sarili ko.Napatingin naman ako sa tabi ko... nalaglag naman ang panga ko at gulat na napatakip sa bibig ko."Argh...I'm still sleepy..."He said huskily, ginulo nito ang kaniyang buhok at saka napatingin sa'kin.'A-Anong ginawa mo sa'kin?"Nauutal na sabi ko sa kaniya at mas lalong humigpit ang hawak ko sa kumot nang nginitian niya ako."Hmm... guess?"Nakangising sabi nito na ikinanlaki ng mga mata ko."A-Ano?"He tsked. "As if I could do that to you, I can't even move my leg how much more to

    Last Updated : 2021-04-22

Latest chapter

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 14-END

    EPILOGUEI AM driving papuntang Sweet Lethal Cafe para bugbogin ang pinsan kung tanginang gago. Walang hiya ang isang yun, sinaktan niya ang pinakamamahal na kapatid ng babaeng future wife ko.Ipinark ko ang kotse ko at saka naka-sunglasses na lumabas, kahit na gabi ay naka-sunglasses ako. Who cares? I love this new style of me.Inis naman akong pumunta sa direksiyon niya pero ang gago, natuto pang tumawa. Mas lalo akong nagalit.So, it is true that he really cheated on her. He cheated my future wife's sister? He doesn't even mind if he hurt someone.And seeing him like this makes me want to smack his head. Pumunta ako sa direksiyon niya at saka umupo sa kabilang upuan kaharap niya.Walang emosyon ko siyang tiningnan."Why did you hurt her?"Ngumiwi naman ito at saka naging malungkot ang expression nito. "Because I have to dahil baka mapapahamak siya lalong lalo na't pinagbantaan ako ng babaeng yun, hindi ko alam na kasapi pala siya sa isang

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 13

    NAKARATING na sila Vien, Yung ex niya na torpe at saka si Ryuu. Lumapit naman si Ryuu sakin at saka niyakap ako."Damn. I miss you so much."Malambing na sabi niya akmang hahalikan niya sana ako ng hinila siya ni Papa palayo sakin na ikinatawa ko naman."Ikaw ba ang boyfriend nitong anak ko?"Striktong sabi ni Papa sa kaniya at tumango naman ito."Yes. I am."Kampanteng sagot ni Ryuu sa kaniya."Hiwalayan mo siya."Sabi ni Papa na ikinaawang ng mga bibig namin sa sinabi nito."I can't, Sir. I love your daughter so much, alam kung masyadong maaga pero dahil si Pag-ibig ang kalaban namin, mapapaaga talaga. There's no time, no age, no year limit when it talks about love. I love your daugther so much, I'm willing do anything just to prove to you that I really love her. If you want to know how much I love her, listen to my heartbeat dahil siya lamang ang kayang patibokin ng ganito kalakas ang puso ko."Seryosong sabi niya sa Papa ko at saka tiningnan niya naman s

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 12

    NAGPAALAM na ako kina Ryuu. Nasa loob na ako ng eroplano habang ang tingin ko ay nasa himapapawid at nakasaksak ng earphone ang tenga ko.Namimiss ko kaagad sila lalong lalo na si Ryuu. Ilang araw kaya ako doon sa Paris? Makakauwi ba ako kaagad? Ano bang problema nila Mama?Bakit pinauwi agad nila ako sa Paris agad-agad? Bakit naramdaman ko na may tinatago sila sakin?NAPAMULAT ang mga mata ko ng makalapag na ang eroplano. Bumaba na ako sa eroplano kasama ang mga bagahe ko. Hinahanap ko kung nasaan sina Mama at si Papa.Napangite naman ako ng makita ko sila na kumakaway papunta sakin. Lumapit naman ako sa kanila at niyakap sila."I miss you two."Masayang sabi ko na ikinatawa naman nito."I miss you too."Sabay na sabi nilang dalawa.Si Papa ang bumuhat ng bagahe ko, hindi naman ito mabigat. Sumakay na kami sa sasakyan na pagmamay-ari namin."So, how's your trip?"Tanong sakin ni Mama."It's fine."Tipid kung sabi."So how's yo

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 11

    NASA isang restaurang kami ngayon kasama ang ex nitong si Vien. Yung gagong lalaking gusto kung kidnappin pero iba ang nakidnapped ko. Yung nakidnapped ko ay ang pinsan niya."So, how's life?"Natatawang tanong ng gagong ex niya, tinaliman ko naman siya ng tingin."Wag mo kaming ma how's life dahil baka hindi ako makapagpigil na isaksak ko ang tinidor na hawak ko sa lalamunan mo."Pagbabanta ko naman sa kaniya at mahina itong natawa."Kumusta ang pangkidnapped sa pinsan ko?"Pang-aasar niya na ikinainis ko.Tiningnan ko naman si Vien na walang imik. "Hoy Vien, ilayo mo sakin ang gagong yan dahil baka mapatay ko siya." Inis na sabi ko at mahina naman itong natawa."Sus. Manahimik ka na nga, Ate. Pansinin mo yang katabi mo, kanina pa yan naghihintay na mapansin mo."Pang-aasar niya sakin na ikinairap ko naman."Tss. Manahimik ka nga rin, magpansinan kayo ng ex mo."Pang-aasar ko sa kaniya na ikinatawa naman niya."Sus.. Friends na kami."Nakangiting

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 10

    TAKHA niya naman akong tiningnan na para bang hindi siya makapaniwala sa naging tanong ko."Seriously? Hindi mo alam kung sino ang nagpalaya sa mga bata?"Gulat na sabi niya.I looked at her flatly. "Magtatanong ba ako kung alam ko ang sagot?"Umirap naman ito at saka tinuro si Ryuu na nakapamulsa habang nakatingin sakin. "He is."Kumunot naman ang mga noo ko dahil sa sinabi niya. "Please explain it to me."Naguguluhang sabi ko sa kaniya."Well, ganito kasi yun.. Ryuu was the one who pretend to be their alliance but the truth is he is just a spy. Yes, he is also part of our organization, He is Ryuu Xevier Saito, my cousin."Nakangiting sabi niya na ikinalaglag panga ko."Your what!??"Gulat na pasigaw kung sabi sa kaniya.She smiled sweetly. "He's my cousin."Napanganga ulit ako sa sinabi niya. I can't believe it like what the hell is going on? That explain why kung bakit medyo pareho sila ng shape sa mukha at sak parehong singkit.W

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 9

    NAPABALIKAWALAS ako ng may tumawag sakin, dali dali ko 'tong sinagot."Yes?" Sabi ko sa kabilang linya."Agent Deadly we need you."Malamig na sabi ng nasa kabilang linya na ikinaseryoso ko naman."Okay. What do you want me to do?"Walang emosyong tanong ko sa kaniya."I need you to send me the coordinates. The killers are alreasy moving, they are torturing the innocent children for money and ransom. That's why I wanted you to tract them down, I will send you the other agents who are capable of handling this situations."Malamig na sabi niya at saka pinatay ang tawag.Napakuyom naman ako sa aking sariling kamao. Those shitting killers are alreasy making their moves.They hurt the innocent one. Hinding-hindi ko 'to mapapalagpas. I opened my high tech computer, I press something in it at saka I tried to located those bastards.Napangiti naman ako ng makita ko kung asan sila ngayon. I really love this high tech of mine. Kaya nitong mang-trac

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 8

    MAG-iisang linggo na kaming nandito sa mansiyon, kanina pa tawag ng tawag si Vien na papauwiin na niya ako kasi namiss niya daw ako.Ano bang nasaisip ng isang galung-gong na 'to?Lumabas ako at saka humiga sa may bermuda na damohan at saka nag-iisip.Naramdaman ko naman ang presensiya niya pero hindi ko naman 'to pinansin."Hey.... Do you really badly want to go home?"Mahinang sabi niya pero nararamdaman ko naman ang pagtutol nito."Yeah. Besides, namimiss ko na rin ang kapatid ko. You can also visit me in our house if you want to."I straighforwardly said to him.Nag-iwas naman ito ng tingin. "Okay then. Let's get you home, today."Kumunot naman ako noo ko at saka tiningnan siya. "Why are you sound dissappointed?"Ngumuso naman ito. "It sounds like you don't want me by your side that's why you badly wanted to go home."Umirap naman ako saka niyakap siya. "It's not like that. I love being with you because I feel safe pero hindi n

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 7

    NAPANGITE naman ako ng yumakap siya sakin na para bang nanlalambing ito. Inilagay niya ang kaniyang baba sa aking balikat habang ang kaniyang mga kamay ay nakayapos sakin."May problema ka ba?"Tanong ko sa kaniya at agad naman itong umiling na ikinangite ko naman."Nagpapalambing lang ako sayo."Sabi niya na mahinang ikinatawa ko."Tss. Ikaw talaga. By the way, bakit nandito parin tayo sa mansion ko?"Bumitaw naman ito sa yakap at saka nakangising tiningnan ako. "Kasi kinidnapped kita."Umirap naman ako."Tch. Ako nga yung nangidnapped sayo e."Mahina itong natawa at saka pinisil ang ilong ko. "This time ako naman ang kikidnapped sayo.""Sus.. Kung ano ano pa ang sinabi, hindi mo naman ako kailangang kidnappin e.""Ganun ba.""Yeah.""By the way, balik na tayo sa bahay ko at sa bahay mo."Sabi ko na ikinalukot ng kaniyang mukha."Why? Hindi ka ba masaya kasama ako?"Malamig na sabi niya kaya mahinang sinampal ko ang kaniy

  • HER INVALID LOVER   SIDE STORY 6

    INIS akong bumangon sa higaan dahil sumasakit parin ang hita ko. Bumaba ako para hanapin si Vien.Nang makababa na ako ay napahinto ako sa pagkilos ng masilayan ko muli ang kaniyang mukha.Ano ang ginagawa niya dito?"What are you doing here?"Tanong ko kay Ryuu, napatingin naman ito sakin."I'm here to visit you."Tipid nitong sabi na ikinataas ng kilay ko."I'm fine.""Tss... yan ba ang okay sayo? E, halos hindi ka na nga makalakad e."Sabi niya at iningusan ko naman ito."Tss.. okay na nga ako e, kaya na nga kitang ibalibag diyan!"Inis na sabi ko na ikinatawa naman ng mahina.Lumapit siya sa direksyon ko at saka hinapit niya ang bewang ko. Napatigil kami ng may tumikhim.Tinaasan ko siya ng kilay. "May sakit ka ba, Vien?"Ngumise naman ito." Oo, sumasakit na ang ngipin ko dahil sa katamisan niyong dalawa."Umirap naman ako sa kaniya."Inalalayan lang niya ako."May pang-aasar ang sumilay sa kaniyang l

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status