The cold breeze of December blew one fine afternoon. Halos tahimik ang buong paligid nang makaalis na ang mga nakiramay para sa paglibing sa aking mga magulang, at tanging huni lang ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon sa puno ang ingay sa buong paligid.
Matapos makapagbigay ng pakikiramay ang mga malalapit na kaibigan at kung gaano sila nalungkot sa biglaang pagkawala ng aking mga magulang, pinili kong magpaiwan sa mga puntod. Wala sa sariling nakatayo at nakatitig ako sa tatlong lapida habang yakap ko ang larawan na iginuhit.Napahagulgol muli ako nang maramdaman ang mabining hangin na humaplos sa balat ko. Pakiramdam ko ay yapos iyon ni Mommy.I missed them so much!Bakit kasi ako?Sa dinami-rami ng bata sa mundo, bakit kailangan ako pa talaga ang mawalan ng mga magulang?Ang malala ay sabay Niyang kinuha sila sa isang iglap!"Here. Tahan na," a manly voice echoed at my back.Napasinghap ako. Kaagad kong nilingon ang nagsalita. Behind me was a young man in his white button-down polo and maong short. Malabo man ang paningin, malinaw ko pa ring naaninag ang mga madidilim niyang mga mata.Nakalahad ang kanyang kamay para iabot sa akin ang puting panyo at sa kaliwa naman, hawak niya ang itim na payong at dali-daling sinukob ako."R-Ryu..." I called, almost a gasp, as I locked his body with my skinny arms. Sa isang iglap, kasabay ng mga luha ay bumuhos ang malakas na ulan. But the moment I saw him standing up in front of me in the middle of the rain... he gave hope to me. Like a rainbow after the rain, he lightened up my gloomy sky.I was thankful that I have him—as a friend. Kahit hindi naman talaga iyon ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.Ryu was three years older than me. Pero hindi naman yata masama na magkaroon ka ng paghanga sa mas matanda sa iyo."I-I'm sorry," nahihiya kong sabi matapos kong pakawalan siya sa mahigpit na yakap.Nag-init bigla ang mga pisngi ko!My eyes avoided his gaze. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.I breathed slowly to calm myself.To calm the loud beats of my heart.And to calm my shaking knees.He chuckled. "It's okay. Come here. I know you need it right now."Nagpatianod naman ako nang hinila ako ni Ryu at muling ikinulong sa isang bisig niyang malaya. Mas lalo tuloy naghuramentado ang puso ko sa pagkakadikit ng mga katawan namin.Iginiya niya ako papasok sa kotse niya na ikinatuwa kahit papaano ng aking puso.Sa loob ng kotse, tahimik si Ryu. Habang ako ay nakatitig lang sa portrait ng family ko kasabay ng pagragasa ng luha sa mga pisngi ko. Maliban sa mahihinang pagsinghot ko, wala nang iba pang ingay sa loob habang nagpapatila kami ng ulan doon. But like my tears, the rain seemed won't stop!Mabango sa loob ng kotse lalo pa na naghalo ang panlalaking pabango, panigurado na kay Ryu iyon. I already smelled that mint scent when I was with him. Pero ngayon, hindi ko magawang ma-appreciate ang bango dahil sa pagbabara ng ilong ko sa kakaiyak.Ryu sighed problematically. "Kuya Ramon, sa Panganiban Coast tayo..."Hindi sumagot ang driver.Naramdaman ko na lang ang pag-andar ng kotse hanggang sa matanaw ko na ang malawak na puting baybayin kalaunan.Tumila na ang ulan kaya't kitang-kita na ang matingkad at pinong puting buhangin na nakalatag sa dalampasigan. Dahil sa sobrang pagkamangha, hindi ko napigilan ang sariling bumaba kaagad.Ryu stopped me.Ramdam ko ang pag-aalala sa baba ng tawag niya sa pangalan ko. Pero huli na dahil nakaapak na ang likod ng doll shoes ko sa buhanginan. Agad akong tumakbo palapit sa dagat. And suddenly, salt air filled my nostrils.Bahagyang sumabog ang buhok ko nang umihip ang may kalakasang hangin. Kasabay rin noon ay ang paglagkit ng balat ko.Oo, nasa isang isla kami nakatira pero ni minsan, hindi pa ako nakalapit nang ganito sa dagat.Hooked and fascinated, I almost won't stop running until I felt that my shoes were both soakings.I stopped.Narinig ko ang mababa at mahihinang halakhak na nakasunod sa akin."It seems like it is your first time, huh?"I shrieked when I heard his low baritone voice at my back. I heaved a sigh, freeing myself from the devastation and loneliness that I had been facing since my parents died.Siguro hindi naman masama na makaramdam ng kaunting saya matapos ilibing ang mga magulang ko."Ahm... oo," amin ko.Nag-init ang mga pisngi ko nang marinig ko ulit ang mararahan niyang halakhak."Come here," aniya sabay pulupot ng mga braso niya mula sa likuran ko.Lumakas ang pagpintig ng puso ko at tila tumigil ang lahat na bagay na nasa paligid nang lumapat ang katawan niya sa likod ko. Nagbigay iyon nang kakaibang init at nagpadaloy ng kuryente sa buong sistema ko. Nagpagising sa mga paruparong nananahimik sa loob ng tiyan ko."I hope you feel better now..." sabi niya, mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.Ingrata ako kung sasabihin kong walang epekto ang yakap niya sa akin. Yes, I still mourning my parents' loss. Pero gumaan kahit papaano ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahil kay Ryu.Ryu Dela Costa is quite popular in the school, not because he's intelligent and talented. It was because he's sporty and handsome, and his sex appeal is oozing!Alam ko iyon lalo na kapag naririnig ko ang pagtatapat ng kapuwa batang babae sa kanya at palihim na pinapantasyahan siya.At the age of thirteen, I know he has a girlfriend now. Meredith ba ang pangalan noon? Cheska? Mary? Or Elizabeth?I don't know.Lahat kasi sila, kini-claim na nobyo nila si Ryu."Thank you for today, Ryu," I said shyly as my eyes drifted to the beautiful sunset.Parehong nakaupo kami sa buhanginan, nakasilong sa ilalim ng puno ng niyog at nagpapahinga matapos ang mahabang paglalakad namin sa dalampasigan.The orange blast of the sunset on us relaxed every bit of me. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinapanood ang paglubog ng araw.Magaan.Maaliwalas.Nakatutunaw."Anything for you," he whispered, and then he stood up after. "Maggagabi na. Uwi na tayo."I let out a sigh.Bigla akong nalungkot na uuwi na kami. Sobrang bilis talaga ng oras lalo na kapag nag-i-enjoy ka sa iyong ginagawa. Tumayo ako at pinagpagan ang puwetan ng aking itim na bestida.I cleared my throat.Inipon ko ang lakas para itanong ang kanina pang gumugulo sa isipan ko. "Sabi mo kanina... I should smile and be happy. Paano ko gagawin iyon kung... w-wala na ang mommy at daddy ko?"Nagbara ang lalamunan ko at namasa ulit ang mga mata nang itanong iyon.Hindi siya kumibo.Yumuko ako para pigilan ang pagtulo ulit ng mga luha ko.I took a deep breath and continued talking. "Siguro... madali lang sabihin iyon para sa iyo dahil... nariyan pa ang mga magulang mo—""Magulang lang," putol niya sa akin.Napaangat ang mga mata ko sa kanya at kumunot ang noo. Nakita ko ang hilaw niyang ngiti bago siya nag-iwas ng tingin sa akin. "Huh? Anong ibig mong sabihin? Kasama mo si Engineer Dela Costa, 'di ba?"Humina ang boses ko nang bigkasin ko ang huling mga salita."Uhm." Ryu nodded."Don't tell me..."A gasp escaped from my mouth as realization hit me. My hand immediately flew to my mouth to cover its sudden opening. Hindi kaya...Hinarap niya ako at seryosong lumapit para yakapin."It means..." I trailed off; my eyes grew even more extensive. "I'm so sorry, Ryu."Umiling siya at mapait na humalakhak. "Sorry? Para saan naman?""Ahm... For asking?" I said, guilty. He laughed at me because of that.Hindi ko inakala na ang isang masiglahing si Ryu, may pinagdaraanan din pala kagaya ko.His mother died because of a heart attack a year ago. Gaya ko, sa isang iglap lang kinuha sa kanya ang mama niya. Hindi ko alam. Pero tama nga siya, hindi lang ako ang may pinagdaraanan na ganito. Marami pa ang may mas mabibigat na dinadala kaysa sa akin.Madilim na nang maihatid ako ni Ryu sa mansyon. Sinalubong ako nina Yaya Dores at Tita Ingrid na may pag-aalala sa kanilang mga mukha. I told them that I was okay. Pero hindi iyon sapat kaya pilit tinanong ni Tita Ingrid kung saan ako nanggaling.I just told her that I fell asleep in some random coffee shop near the Cemetery because of the hard rain. Sa huli, naniwala naman sila at hinayaan na akong magpahinga matapos makapaghapunan."Kanino mapupunta ang kustodiya ng bata, Attorney Agoncillo?" si Tita Ingrid, puno ng interes ang kanyang boses."Relax, Miss Concepcion! Take it easy, okay? Nang hindi naman napaghahalataan na sa mana ka lang interesado at hindi sa bata.""And who do you think you are? Ikaw ba ang kinakausap ko?" tumaas ang boses ni Tita Ingrid."I'm Riley Dela Costa, Celestine. Baka nakalimutan mo." A bark of manly laughter thundered."Goodness! I know! Hindi ako bobo, Engineer Dela Costa!""Riley and Celestine, please stop arguing like a child! Hayaan niyo muna akong tapusin kung anong nakasaad dito sa papel, puwede ba?"Pababa pa lang ng hagdan kinabukasan, dinig ko na ang mga boses nila sa salas. Tila napaka-importante ng pinag-uusapan nila. Kagigising ko lang at tutungo sana ako sa dining room para sa agahan nang umagang iyon. Pero dahil sa lakas ng mga boses nila, tila nagtatalo, kaya natigilan ako. Napukaw ang kuryusidad kaya himbes pumunta ng hapag, umikot ako at dumiretso sa salas kung saan sila naroroon. In front of Tita Ingrid was a respected man in his black tuxedo and had thick eyeglasses standing up at the tip of his Greek nose. His eyes were almost shut as he read the context of the paper laid beneath his black suitcase.As I remembered, he was Attorney Renato Agoncillo, our family lawyer. And beside him, a family friend, Engineer Riley Dela Costa, also in his corporate attire. Mukhang papasok pa lang sila ng opisina. It was one fine Sunday in January. Isang buwan na rin ang nakalilipas nang mawala ang mga magulang ko. Pero tila kahapon lang nangyari ang lahat. Hanggang sa puntong iyon ng buhay ko, umaasa pa rin ako na baka panaginip lang ang lahat. Na bukas, magigising akong naririto na silang muli. Inubos ko ang oras nang mag-Bagong Taon sa pag-iyak at pagkulong sa aking kuwarto. Ilang beses akong kinatok ni Yaya Dores pero hindi ko siya pinagbuksan. Gusto ko lang nang mga oras na iyon ay ang mapag-isa. Gusto ko ng katahimikan kahit hindi naman nangyari nang magsapit ang hatinggabi dahil sa ingay ng mga paputok sa labas. Nagdalawang-isip din akong ipagpatuloy pa sana ang pag-aaral nang magpasukan. Kung hindi dahil kay Yaya Dores, hindi na sana ako makukumbinsing pumasok pa."Hija..." tawag ng boses ng isang matanda sa likuran ko.Horror spread on me and in an instant, cold enveloped my body. My hand flew on the top of my chest as if it could stop my heart from beating fast. Nanginginig ang kamay, pinunasan ko ang namuong pawis sa noo ko.Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Yaya Dores lang pala ang kumalabit sa akin.Akala ko ay iyong multo na sa movie na pinanood ko kagabi!"Yaya Dores, nakakagulat ka naman po!" Yaya Dores chuckled. "Pasensiya na, Hija. Handa na kasi ang pagkain mo sa hapag. Inakyat kita sa kuwarto mo pero wala ka na roon." I nodded.Huminga ako nang malalim at naiiling na lang na ikinalma ang sarili. Kumunot ang noo ko nang makitang sumisilip si Yaya Dores sa salas, kung saan ako nakatingin kanina."Bakit ba kasi narito ka lang sa hamba at nagtatago?" Bumuntong-hininga si Yaya Dores saka kunut-noong hinarap ako. "Kung puwede ka namang makisali sa usapan nila?" Umiling ako. "Hindi po ako kailangan doon, Yaya Dores. Bata pa po ako para makisali sa usapan ng matatanda.""Karapatan mo iyon, Hija! Lalo pa't kayamanan ng mga magulang mo ang pinag-uusapan nila doon..." I bit my lower lip.Bigo akong nag-angat ulit ng tingin kay Yaya Dores. Yes, I have the rights. Pero gaya nang sinabi ni Attorney Agoncillo sa usapan... bata pa ako. Walang pang kakayahan. Wala pang maiintindihan. At wala pang karapatan sa mana ng mga magulang ko not until I reached the legal age.At isa pa, sino ba naman ang makikinig sa boses ng isang bata lamang?Wala."Hija..." nag-aalalang tawag ni Yaya Dores. Marahan niyang inabot ang siko ko. Agad akong umiling. Pagod na ngiti ang umukit sa labi ko. Those decisions came from my parents. Siguradong malinaw ang mga isip nila nang gawin ang desisyon na iyon. Sino ba naman ako para kuwestyunin iyon? Iniwan na ako ni Yaya Dores dahil may gagawin pa raw siya sa kusina. Samantalang ako, pinagpatuloy ang palihim na pakikinig sa tatlo kahit gusto nang itigil dahil medyo mainit na ang batuhan ng mga salita nina Tita Ingrid at Engineer Dela Costa sa isa't isa. Tita Ingrid accused that the last will was a fraud. Ayon sa kanya, may ginawang kalokohan daw sina Attorney Agoncillo at Engineer Dela Costa sa papel."I knew it! Iyon din ang dahilan kung bakit naririto 'tong Engineer na ito, 'di ba?" Galit niyang dinuro si Engineer Dela Costa. "This is all a scheme!"Kay Tita Ingrid napunta ang custody ko, ang Leesteel, ang mansyon, at ang iba pang mga ari-arian na naiwan nina Mommy at Daddy. At kay Engineer Dela Costa naman, ang pamamahala ng LEC."This is all a fraud, Attorney Agoncillo!" Tita Ingrid told the attorney with her veins drawn lines on her neck and temple.Attorney Agoncillo shook his head, dismay was written on his face. "Iyan ang nakalagay sa papel ng mag-asawa, Miss Concepcion. Accept it or not. In time, kapag nasa tamang edad na si Miss Lee, siya naman ang magpapalakad sa mga naiwan ng mag-asawa." But Tita Ingrid didn't buy Attorney's explanations! Malaki pa rin ang pagdududa niya sa naging desisyon. At patuloy niyang ipinipilit iyon."Tell me! I know may minapula kayo sa papel na iyan!"Nasapo na lang ni Attorney Agoncillo ang kanyang noo habang patuloy na naiiling. Samantalang, nabulabog ang katahimikan ng mansyon ng mapanuyang halakhak ni Engineer Dela Costa. Dahilan iyon para mas magalit si Tita Ingrid."I'm the aunt! Parehong dugo ang dumadaloy sa mga ugat namin ni Akemi. At ikaw? Sino ka ba ha? Sino ka ba para pagkatiwalaan nina Akem at Oseanna?" Tita Ingrid pointed a finger at Engineer Dela Costa.Engineer Dela Costa is a family friend. Kababata siya ni Daddy. Isa rin siya sa kasama ni Daddy nang itayo ang LEC. Daddy trusted him so much. Kaya ang sabihin ni Tita Ingrid na hindi siya mapagkakatiwalaan?I doubt it. Karapat-dapat naman talagang mapunta kay Engineer Dela Costa ang LEC. Alam kong maaalagaan niya iyon at mapapalago pa. He's a trustworthy person. I know. Kaya nga buo ang tiwala ni Daddy nang ipaubaya sa kanya ang pamamahala ng Leesteel noong nabubuhay pa ito.Engineer Dela Costa just gave Tita Ingrid sarcastic chuckles as his reply.I sighed.Hinayaan ko ang sarili kong matangay ng mga iniisip, gaya ng mabilis na paglipas ng mga araw. Sumapit ang sumunod na Linggo. Wala sa sariling sinundan ko ng tingin si Yaya Dores nang iwan ako sa salas at umakyat siya sa hagdan. Lumuwas ng Maynila si Tita Ingrid kaninang madaling araw. Nanatili ako sa salas matapos niyang magpaalam. Hindi ako gutom nang yayain ako ni Yaya Dores ng agahan. Pero nang dalawang oras na ang lumipas, hindi ko na mapigilan ang sariling lantakan ang pagkain na hinatid ni Yaya Dores. I burped loudly after the last spoon of fried rice that I put inside my mouth. Agad akong sumimsim ng tubig sa baso at napadighay muli. Ang bigat ng pakiramdam ko. Tila ngayon lang ulit ako nabusog nang ganito katindi. Biglang kumunot ang noo ko nang sumilay saglit sa aking isipan ang nangyari noong nakaraang linggo dito sa salas nang mahagip ng mga mata ko ang maliit na piraso ng papel. Nakapatong iyon sa ibabaw ng mga magazine na nakapatong sa ilalim ng center table.Tita Ingrid tore the paper Attorney Agoncillo holding that day. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan niya at ni Engineer Dela Costa nang araw na iyon. Iyong hindi isang simpleng hidwaan ang namamagitan sa kanilang dalawa. Like it was deep-rooted. Hiling ko lang, sana ay maayos na ang problema nila sa isa't isa. My parents trusted them and I know, they both deserve it! Malinaw na ang isip at kalooban ko nang magpasya akong maglakad-lakad muna sa labas ng mansyon. Magpapababa sana ako ng kinain bago aakyat ulit sa kuwarto at matulog.Kalmado na.Tahimik na.Not until I reached the staircase at the entrance. In a snap, my face got heated.Kaagad tumambol nang malakas at mabilis ang aking puso.Anong ginagawa niya rito?"R-Ryu—" my lips trembled.Then, I saw how a sweet smile crept on his red thin lips after licking it. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ano ba naman, Akemi! Simpleng maong shorts at itim na T-shirt lang ang suot niya! Kung makabuka ka ng bibig ay sa harap niya pa mismo!"Hi!" He waved his hand. I bit my lower lip and smiled inwardly. "H-Hello...""Kumusta? You feeling okay now?" he asked when he reached the step where I was standing; he kissed me... on my cheek. I was stunned.Hindi ako nakasagot.Tila na estatwa na ako sa kinatatayuan dahil sa ginawa niya.Hinalikan niya ako—sa pisngi!Hihimatayin yata ako.Ryu waved his hands in front of my face. "Okay ka lang?"Tumango ako, wala sa sarili."Talaga? Mukhang hindi. May sakit ka ba? Namumula ka," nag-aalala niyang tanong at hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko para sumagot."Ayos ka lang?""H-hindi---I mean... Oo... Wala akong lagnat," pautal-utal kong sabi. Defensively, I shook my head as I pushed his hand away from me. Susubukan niya sanang ilapat muli ang likod ng palad niya para suriin kong mainit nga ba ako? Ramdam ko ngang mainit ako pero alam kong hindi iyon dahil sa lagnat. Dahil iyon sa---are you crazy, Akemi?! Bukod sa bata ka pa, kakamatay lang din ng mga magulang mo! Ryu's thick brows furrowed. His narrowed-eyes told me that he was not buying my alibi. Umangat ang parehong kamay niya na tinampal ko, muling tatangkaing suriin ang temperatura ko. But I already took a step back and shook my head again. "I am okay, Ryu," natatawa kong sabi at halos halata ang pagkailang sa panginginig ng boses ko. He nodded. Ngunit halata sa hitsura niya na hindi pa rin siya kumbinsido."Bakit naririto ka nga pala?" I asked to sway the topic and loosen up myself."Just checking on you---""Wala namang problema, Ryu. Wala naman akong sakit... or anything.
Nagsiliparan ang mga ibon mula sa terasa. My eyes grew wider as horror spread on my body. Medyo kumirot ang lalamunan ko sa biglaang pagsigaw. Pigil ang hiningang humakbang ako papalapit sa tokador. Manginig-nginig ang mga tuhod at kamay kong inobserbahan ang pulang likido sa salamin.My heart pounded as I saw those words again."Goddamnit! You make me laugh so hard, Akemi! Until now, you're still the Akemi that I've known!" sabi niya sa gitna ng kanyang mga tawa. "Freaking timorous lady!"Lumabas si El Sandra mula sa banyo. Tuwang-tuwa siya sa naging reaksyon ko at sa pagkawaging takutin ako.Pinadaan ko ang hintuturo sa salamin at natanaw ang mukha kong maputla!Ketchup. Ketchup lang pala, hindi dugo. Naalala ko, ganito rin ito noong nakaraan. Ang pinagkaiba lang, totoong dugo ang ginamit noon na panulat sa nakatatakot na mga letra.She is dead. You are next.Limang taon na ang nakalipas pero tandang-tanda ko pa rin ang mga salitang iyon hangg
Salubong ang mga kilay, higit ni Ryu ang braso ko hanggang sa marating namin ang parking lot kung nasaan ang kotse niya. Sobra akong naiirita lalo pa na ngayon lang siya nagpakita matapos ang limang taon. Pagkatapos ay ganito pa?"Sabing nasasaktan ako, Ryu, eh!"Nang matauhan, kaagad niyang pinakawalan ang braso ko. Napatingin at napahawak ako roon. Matingkad ang pamumula at ramdam ko ang hapdi sa parte na hinigit niya.Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kaagad nahanap ang mga mata niya. His hooded eyes were dark, cold, and in critical. Like I pushed his patience in limit as I saw how his jaws struggled to move for a clench.Sa limang taon na hindi pagkikita, pagti-text, o kahit tawag man lang, haharap siya sa amin---sa akin nang ganito? I guess I should be the one to act like that because in the first place, he never finds a way to communicate me! To ask how am I after leaving me without his words!Nag-alala ako nang sobra sa biglaan n
"Sino ang may gawa noon?" I asked them, almost pleading. Walang nagsalita. Walang umimik. Walang sumagot. Kung kailan naniniwala na ako na baka nga hindi simpleng aksidente lang ang nangyari kina Mommy at Daddy, saka naman sila natameme.Gusto kong pilitin sila. Magmakaawa. Lumuhod. Sabihin lang nila sa akin ang lahat kaso biglang dumating si El Sandra. Sobra siyang galit na inaway sina Ren at Ryu. Ano raw ba ang ginawa nila sa akin at bakit ako lumuluhod?She was too worried about me. She was too angry and argued with Ren and Ryu. She cared for me.Or so I thought."I really don't get why I am freaking here! This is all your fault. Gosh, 'di naman dapat ako kasali rito!" It was Saturday afternoon and the blazing sun above almost burned my skin. The trees around the place were big and towering. And the land was covered with high wild grass. The birds flew as El Sandra screamed. "Gosh! It's too freaking hot! My skin, damn! I forgot to bring my sunblock here!" Hawak ang itak, pawi
Isang malutong na sampal ang sinalubong sa akin ni Tita Ingrid nang umuwi siya ng mansyon. Pinagbuhatan niyang muli ako ng kamay sa pangalawang pagkakataon. Napabaling sa kaliwa ang mukha ko at uminit ang parte kung saan dumapo ang kanyang palad. Hinawakan ko ang pisngi ko, umaasang maibsan ang hapding nararamdaman mula roon."How dare you see that bastard guy again, Akemi? Did you know that his family is a traitor?" she screamed angrily.The tears that I was shedding already pooled in my eyes. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Tita Ingrid. Pero kita ko ang matinding galit sa kanyang mukha nang sugurin niya ako sa salas. "Hindi ko po alam ang sinasabi mo, Tita Ingrid." I faced her with full of confusion on my face."Hindi mo alam?" Tita Ingrid laughed, there was sarcasm in her voice. "What is the reason behind why they went abroad? Think of it, Akemi! You're brilliant as your mother, so tell me, what's the reason why they left the country?"Napakurap ako at napailing. Hindi ko
Tumigil ang kotse sa tapat ng isang malaki at matayog na building ng probinsya. Nagkukumaripas na binuksan ni El Sandra ang pinto ng backseat at bumaba, hindi hinintay na pagbuksan pa siya ni Manong Roger. Kaagad niyang hinigit ang braso ko palabas ng kotse hindi pa man ako nakababa nang tuluyan.Papasok sa hotel, hindi niya pa rin binitiwan ang braso ko. Nagrereklamo ako pero hindi niya ako pinapakinggan. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ni El Sandra rito. Pero malaki ang kutob ko na may malaking selebrasyon ang nagaganap ngayon sa loob base na rin sa magarang suot niya."Saan ba kasi tayo pupunta, El Sandra? Bakit tayo naririto? Anong gagawin natin diyan sa loob ng hotel?" Kinakabahan na ako habang pilit pinipigilan si El Sandra sa paghila niya sa akin.Tumigil siya at binitiwan ang braso ko, saka naiirita na hinarap ako. Her perfectly shaped brows rose up and she looked at me with disgusts. "Look. I am helping you here, okay? Kaya, please lang, maki-cooperate ka naman!" she fir
Nagdaan ang mga araw, naging lihim ang relasyon namin ni Ryu. Bukod sa amin ay wala ng iba pang nakakaalam kahit man ang malalapit naming mga kaibigan. Dahil din sa pagiging lihim ay halos naging patago rin ang mga pagkikita naming dalawa.Gaya ngayon, nakatanggap ako ng isang text message mula sa kanya tungkol sa pagkikita namin mamayang hapon.Ryu:I'm excited to see you, Mademoiselle. See you later! I love you.Magtitipa na sana ako ng reply nang biglang may kumatok sa pinto. Mabilis kong itinago sa loob ng drawer ng night stand ang cellphone.Hindi alam ni Tita Ingrid na gumagamit na ako ng cellphone kahit ilang taon na ang nakalipas. Hindi rin naman nila nakikita ang patago kong paggamit nito. Delikado lalo't hindi ko alam kung pwede na nga ba akong gumamit kahit nasa tamang edad naman na ako. At kahit nakikita ko si El Sandra na mayroon ding sariling cellphone at malaya itong ginagamit kahit sa harap pa mismo ni Tita Ingrid.It was sunny Saturday morning in the month of August.
Is it possible to feel different emotions in one snap of time?Ganoon kasi ang naramdaman ko matapos akong ihatid ni Ryu sa mansyon. Dahil nakatuon sa mga dayuhang emosyon na hatid niya, hindi ko namalayan ang mabilis na pagpatak ng oras kaya inabot kami nang hatinggabi sa Panganiban Coast, nalulunod sa kasiyahan. Ngunit muling nakaahon ako sa saya nang makapasok ako ng mansyon at nanaig naman ang takot."Where have you been at this late night? Ito ba ang itinuturo sa 'yo nitong si Dores? Ang umuwi ng ganitong oras?" With her nude lingerie, Tita Ingrid stood up like a tiger in front of me.Namilog nang husto ang mga mata ko dahil sa pagkagulat nang maabutan sila sa salas. "G-Gising pa po kayong lahat?"Mabilis akong nilapitan ni Yaya Dores at ipinatong ang makapal na sweater sa aking mga balikat. Pero hindi noon nabawasan ang lamig na nararamdaman ko, lito kung dahil ba iyon sa nipis ng suot kong bestida o dahil sa takot para kay Tita Ingrid."I-I will explain myself, Tita Ingrid."
Life is full of games.Iyon ang mga katagang tumatak sa isip ko nang mga oras na paalis kami ng bansa ni Marl. Sinabi iyon sa akin ni Miss Aguirre habang ang mga maiinit na luha, lumalandas sa aking mga pisngi. Habang ang masasakit na karanasan, bitbit sa aking dibdib na tila isang mabigat na bagahe. Habang ang puot, galit, at paghihinagpis ay baon sa aking pag-alis.Bago ko nilisan ang lugar kung saan puro mapait na karanasan ang natamo, nag-iwan ako ng isang pangakong babalik muli roon.Muling tatapak bilang isang babaeng malakas, matatag, at matalino. Muling magbabalik para maningil sa mga taong nagbigay ng sakit. Muling magbabalik para singilin ang mga taong nagkaroon ng atraso. Muling magbabalik para sa laro ng paghihiganti.Sa pag-uwi, iyon lamang ang laman ng isipan ko. Ang laro kung saan ako ang nagmamay-ari. Ang laro kung saan ako lamang ang may karapatang gumalaw at iligtas ang sarili. Ang laro kung saan dapat ako lang ang panalo. But I was wrong. Because the game that I pla
Hearing her aggressive voice along with the sounds of the pouring rain and thunder boiled my blood intently. I am soaking but the cold that sweated on my skin didn't do anything to stop the flames that started to burn inside my beating heart."Kill her now. What are you waiting for, Ron Marl? Shoot her!" she yelled imposingly under her umbrella.Gulong-gulo sa mga nangyayari, nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Tears poured down my cheeks as I saw how eager she was just to kill me. Bakit? Dahil ba sa mga mana ko? I can give it to her if that what she wants.Willingly."I'll give you the chance! Bakit hindi mo pa gawin ngayon? Hinayaan kita diyan sa kabaliwan mo ng maraming taon," mariin niyang sinabi, halos magngalit ang mga bagang. "Prove to me that you can do it now!"Unbelievably, I looked at Marl straight into his eyes. His jaw clenched as he held the gun towards me. I swallowed as I saw the pain passed through his eyes. I know that he can't hurt me. Naniniwala pa
March 22. Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito. Yes, that's the day where I was born. Especial para sa iba. Pero sa akin, bakit puro yata trahedya ang nangyayari sa tuwing sumasapit ang araw na ito?Hilo pa dahil sa chemical na nasinghot, unti-unti kong minulat ang mga mata ko. But my hope is gone when all I can see was totally darkness. Bagama't nakapiring ang mga mata ko, umuuga ako at tumatambol ang ulo mula sa kinahihiligan dahil sa pagtakbo ng sinasakyan namin.I sighed as I realized that my life was in danger. Kailangan kong mag-isip nang maayos at huwag papadalus-dalos. I know what happened to me, I was kidnapped. Hindi man gaya noong araw na iyon, pero pareho naman ang lakas at bilis ng pagkalabog ng puso ko. Na halos hindi ako makahinga nang maayos.But this isn't the right time to be weak, to be frightened. Dahil sa mga oras na ito, ako lang mismo ang makakatulong sa sarili ko.Ako lang.So, I stayed silent.Pinakiramdaman ang lahat."Yes. We succeeded. I know. Bu
Hirap dahil sa nakapiring ang mga mata, hindi naman ako binitiwan ni Ryu. He guided me. The fresh air from the woods relaxed every bits of me. Kahit pa bothered ako sa mga damo at tuyong dahon na naaapakan ko.I inhaled all the fresh grass scented air as I trusted Ryu in leading our way. Not until my nose wrinkled when a sweet scented candle somewhere reached my nostrils. At medyo hindi ko nagustuhan ang amoy.Kumunot ang noo ko't napahawak sa braso ni Ryu nang mahigpit. "Where are we? Dami mong pakulo, ah! Mabuti na lang at hindi ako naka-pumps ngayon kundi, kanina pa ako nadapa sa damuhan."He chuckled on my ears as he squeezed my hand. Tila kabado siya sa lahat. "Just shut your eyes, baby. Okay?"I smiled and wrinkled my nose again, inhaling all the positive vibes. "Sabi mo, eh," I said monotonously as I shrugged my shoulders.He chuckled. And someone's deep voice chuckled too somewhere. Bahagya akong napatigil na ikinahinto rin ni Ryu nang medyo pumatag na ang kinalalakaran namin
I didn't know, but my tears pooled my eyes like waterfalls. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung galit ko, 'yung inis ko. Ang tanging nararamdaman ko lang, ang sobrang pag-iinit ng mukha ko. As if that they'd kissed in front of me. Eh, hindi naman. Nagtitigan lamang sila. Pero sa tingin ko, sapat na rason naman yata iyon para magalit ako, right?"Are you alright, Engineer Lee?" sabay abot ni Engineer Vasquez ng panyo niya mula sa likuran ko. "Paano si Miss Devilliana?"Humihikbi kong tinanggap ang panyo at agad pinatuyo ang mga luha na ayaw paawat. "L-let her," I said after I'd sneezed. "Naroon naman si Engineer Dela Costa. I'm sure, hindi niya pababayaan si Channel."The old Engineer chuckled a bit. Na tila katawa-tawa ang mga napapanood niya. "Correction. Your fiancée, Engineer Lee. I think, you really have a big problem."Natameme ako't nag-iwas ng tingin. That hits me. I'm his fiancee. Kaya bakit nagkakaganito ako? I should at least trusted him, right? Nga lang, hindi ko map
Kung hindi pa sinabi ni Tita Ingrid, hindi ko na sana maalalang malapit na nga pala ang araw na iyon. Actually, there still one month before that day. Pero gaya nang mga nakaraan, hindi ako masaya sa nalalapit na pagsapit nang kaarawan ko.Ilang taon din akong nanginig sa takot at mas piniling mag-isa sa tuwing sumasapit ang araw na iyon. Because all the horrible memories always came flashed on my mind furiously... and v-vividly. Na tila hanggang sa araw na iyon, nangyayari pa rin ang lahat. Na sa mga oras na iyon, hinahabol pa rin ako ni Kamatayan."Ano'ng plano mo kung ganoon, Akemi? Magsi-celebrate ka ba ng birthday mo? Alam mong minumulto ka pa rin hanggang ngayon ng nakaraan mo, hindi ba?" si Michaela sabay sulyap kay Marl na tahimik na nagbabasa ng diyaryo sa kabilang upuan.Problematically, I sighed heavily as I massaged my temple slowly. Kahit isang linggo na ang lumipas simula nang makausap namin si Tita Ingrid, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko.Wel
Hindi ko alam, pero may parte sa akin ang gumuho nang makita ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Marl. I know, I am being selfish here again. Pero ano nga bang magagawa ko? I love Ryu so much. Noon pa man. Ngayon na nagkaroon ako ng pagkakataon para mahalin siyang muli, hindi ko na iyon sasayangin pa."Hey. Sorry. Kanina ka pa ba rito?""Nope." I smiled and gazed at his Lamborghini parked at the sideway. "Medyo kakababa ko pa lang naman."I was standing near the entrance of a coffee shop outside the SunRise building, a condominium property by LEC, when Ren popped out in front of me. Taliwas sa hinala ni Marl kanina. Gusto ko sana siyang isama rito para makita niyang mali ang iniisip niya, pero paglabas ko ng kuwarto ko, wala na siya.To be honest, I feel sorry for him. Alam ko na sa simpleng galaw ko o desisyon ko, apektado siya. Pero gusto ko sanang ipaintindi sa kanya na... he deserves someone else better than me. 'Yung babaeng makakapagbigay ng pantay na pagmamahal sa kanya o higit
I didn't know but when they stood up in front of me, I calmed down. Like they brought peace to my struggling mind. I know I suspected them, but now that they showed up at the Police Station, I felt at peace and, surely, I will not be jailed tonight."What is the meaning of t-this, Ryu?"My lips trembled as tears fell down my cheeks. Not that I am problematic with my situation, but because I am glad that they are here. Like they are the solution that I am waiting for. In order for me to clean my name. To clean the mess that I caused. To clean everything that I stained.Ryu hushed me and gently wiped out my tears. "As I've said I will help you, baby. They're here because they want to correct everything," he said softly. "Maling makulong ka sa kasalanan na hindi mo ginawa.""Pero p-paano sila makakatulong? Kung ako mismo 'yung itinuturo ng mga ebidensiyang sinasabi nila?"That videos. Hindi ko alam kung bakit ako ang nakarehistro roon. Lalo na sa video clip na ipinalabas ni El Sandra sa
Before ending the game you've started, you should always choose the right way no matter what happened. Iyon ang ginagawa ko ngayon. Yes, I admitted. May kasalanan ako. Pero hindi ako ang pumatay kay Rose o kahit pa kay Miss Aguirre. Someone planned all of this. Para mabuntong sa akin ang sisi. But the question is... who is this person? Bakit ginagawa niya ito sa akin?Actually, I have four names on my mind playing right now: El Sandra, Tita Ingrid, Engineer Riley Dela Costa, and that... Mister Eldeamor Fruego. I don't know if one of them is the real culprit, but they have valid reasons to stain not only my name... but also our family's name.Lee is a well-known in the business world. In a snap of time, naging in demand at matunog ang mga kompanyang itinayo ni Daddy sa kahit na anong larangan ng negosyo. Pero kaakibat ng paglago at pag-angat nito, may mga tao palang handang gumawa ng krimen para sirain ang pangalan na pinaghirapang i-angat nina Mommy at Daddy.They did that for the bus