Third Person Point Of View
Aligagang nag-unahan si Blue at Ashton sa pagtutulakan dahil ang kanilang mga tauhan ay nakagawa ng kapalpakan. "Tangina men! Maaga ata tayong bibisita ng impyerno." Bulong ni Ashton kay Blue habang hinihintay ang oras niya upang sumakabilang buhay.
"Manahimik ka nga! Kaysa maging maayos ang pakiramdam ko ay mas lalo lamang lumalala. Kung di lang sana pumalpak ang mga iyon hindi sana tayo nagbibilang ng kamatayan ngayon!" Hiyaw naman ni Blue sa kaibigan.
"Paano natin ipapaliwanag ang nangyari? Paano natin sasabihin kay boss na nakatakas ang taong matagal na niyang hinahanap?" Tanong pa ni Ashton muli bago humugot ng sigarilyo at sinindihan upang mabawasan ang kanyang kaba.
Ganoon na rin ang ginawa ni Blue, nagsindi na rin ng sigarilyo upang mabawasan ang tensyon naramdaman.
"Antayin na lamang natin na si satanas ang humusga sa atin ngayon."
Sabay pa sila ni Ashton na napatingin sa babasaging pintuan ng building. Nang makita nila ang demonyong kukuha sa buhay nila.
Isang guwapong binata ang lumabas ng isang gusali, puno ng matinding galit ang kanyang mga mata. Nakawala ang taong matagal na niyang hinahabol mula sa kanyang mga tangang tauhan. Gusto niyang pumatay, dahil sa kapalpakan ng kanyang mga tauhan.
Pinakawalan lamang ng mga ito ang taong matagal ng tinutugis. Ang animal na lalaking ilang taon ng hinahanap upang palabasin sa kanyang lungga at ng mapatay na ito ni Hendrix.
"Blue, tangina ka! Pinakawalan niyo ang taong iyon! Hindi ba ang sabi ko sainyo ay bantayan niyo siya? Bakit niyo hinayaan na makawala ang hayop na 'yan! " sigaw ni Hendrix ngunit walang bahid ng emosyon sa kanyang mukha.
Nanginginig naman sa takot si Blue sa tensiyon na nadarama mula sa lalaki. Sinong hindi matatakot kung ang lalaking na sa harapan niya ay mas masahol pa ang demonyo. Anghel man ang itsura nito ngunit hindi ang ugali. Dahil mas masahol pa ito sa demonyo at pinagsama-samang mga demonyo sa impyerno.
Sa tagal ng panahon na kilala niya ang kanyang boss, naroon pa rin ang takot na nararamdaman sa kanya. Lalo na ngayon na pumalpak sila sa pinababantayan nito. Tiyak na dugo na naman ang dadanak.
"Paumanhin, boss. Masyado siyang matalino kaya naman nagawa niyang makatakas. Pero makakaasa ka na hinahabol na siya ng mga tauhan natin," sagot ni Blue kay Hendrix.
"H-Hindi namin alam boss na bobo pala ang mga inutusan namin na bantayan ang lalaki mo—este ang lalaki," ani pa ni Ashton.
"Hindi ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito? Na kailangan kong mapatay ang hayop na 'yan pag-uwi ko ng pinas. Pero anong ginawa niyo? Pinatakas niyo!" Sa isang iglap nakatutok na kina Blue at Ashton ang baril ng binata.
Konting kalabit at dadanak ang mga dugo nila. Lahat ng santo ay tinawag na ni Ashton hababg si Blue ay nagpapanggap na matapang kahit na anong oras ay maiihi na siya sa kanyang suot na pantalon.
"P-Pero boss hindi naman namin alam na patatakasin nila ang kalaban. Sadyang matalino lamang siya at nagawa niyang takasan ang sampung tauhan natin."
Gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagkakaroon ng lakas ng loob na sagutin ang lalaki kahit na takot siya. Ayaw niyang mamatay dahil maraming babae ang iiyak kung sakaling mangyari iyon. "Na saan ang iba," malamig pang tanong ni Hendrix kay Blue.
"Papunta na sila ngayon dito kahit na anong segundo. Kaya, kumalma ka boss. Masiyado ka namang hot. Hindi porket hot kana eh uugaliin mo na." Biro pa ni Blue kahit na pinagpapawisan siya ng malamig.
"Siguraduhin mo lang dahil dugo mo ang padadanakin ko sa putanginang lugar na ito. Sinayang niyo lang ang oras ko mga hangal! Kapag hindi niyo nahanap ang putanginag hayop na 'yan. Sabay-sabay ko kayong ililibing ng buhay!" Dumagundong ang boses ni Hendrix sa buong lugar kaya naman tumahimik ang lahat.
"N-Narinig niyo ba 'yon? Padadanakin daw ni boss ang mga dugo niyo kapag pumalpak kayo," segunda ni Blue.
"Tanga! Kasama ang dugo sa mga dadanak dito!" Bira naman sa kanya ng kaibigan kaya sinamaan niya ito ng tingin.
Si Hendrix Montenegro ay isang kilalang business tycoon sa pilipinas. Ngunit sa kabila ng kanyang kayamanan ay isang sikreto pala ang nakakubli. Isa siya mafia boss ng kilalang grupo sa underground world. Dahil ipinama ito ng kanyang demonyong ama kaya naman sa murang edad ni Hendrix ay kinailangan na niyang pumatay.
"Pero boss ano ang gagawin ko sa babae mo? Mukhang siya ang nagbigay ng tip para tulungan ang kalaban natin. Nakakapagtaka lamang kasi na naroon sila matapos natin makapunta doon." Tanong pa ni Blue kay Hendrix.
"Kill her."
'Tangina! Demonyo talaga ang hayop! Matapos nitong pakinabangan ang babaeng iyon ay parang manok lang na kakatayin.' Ani pa ni Blue sa isipan.
"Pero boss hindi ba nalalapit na ang kasalanan niyo? Bakit ko siya papatayin? Pwede niyo naman ayusin kung meron kayong tampuha—" parang kidlat sa bilis ng dumaplis ang bala ng baril ni Hendrix sa pisngi ni Blue.
Natulala naman si Ashton ng kamuntikan na siyang matamaan sa mukha ng naligaw na bala.
"Do what fucking I told you without questioning me, Blue. Kung ayaw mong ikaw mismo ang isunod ko sa putanginang babae na 'yon."
"S-Sabi ko nga boss gagawin na. Pero boss paano pala ang mga baril natin na hindi nadeliver? Isa din iyon sa dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon." Isiningit na rin ni Blue ang isa pang problema ganoon din naman.
Maaari siyang mamatay kahit anong oras. Kaya lulubusin na niya upang hindi na dumanak pa mamaya ang dugo niya sa lapag.
Subalit hindi siya sinagot ni Hendrix ang tingin lamang nito ay nakatuon kay Blue. Akala ni Blue ay may sasabihin pa ang lalaki ngunit wala na. Umalis ito ng parang walang ginawa.
Siya si Hendrix Montenegro isang kilala at notorious na business tycoon. Ngunit kalakip ng kayamanan na meron siya ay isang sikreto na walang nakakaalam. Isa siyang Mafia Boss. Isang kilalang mamatay tao, mapa-bata man o matanda. May ngipin o wala. Basta ikaw ay humarang sa kanyang dadaanan ay hindi siya mangingimi na patayin ka.
Nasa kanya na ang lahat, kayamanan, kapangyarihan at kagandahang lalake. Ngunit isang bagay ang wala siya at hindi niya mararanasan. Ito ay ang magkaroon ng sariling pamilya.
Dahil walang kakayahan si Hendrix na magmahal. Ni minsan ay hindi niya naranasan ang umibig, hindi niya alam ang salitang pagmamahal. Ang tanging alam niya ay pumatay at umangkin ng mga teritoryo ng mga kalaban.
Itinatak ni Hendrix sa kanyang isipan na hindi siya maaaring magmahal. Magiging hadlang lamang ito sa kanyang mga gagawin. Hindi niya hahayaan na magkaroon ng kahinaan.
Tulad ng inaasahan nina Blue dumanak nga ang nakakatakot na dugo. Dahil lamang sa kapalpakan ng isang tauhan. "Ito lamang ang mangyayari kapag pumalpak pa kayo sa mga ipinag-uutos ko. Kung ayaw niyong magsi-danak ang mga walang kwentang dugo niyo ay ayusin niyo ang putanginang trabaho niyo." demonyong-demonyo ang pagkakasabi ni Hendrix ng sabihin iyon. Ang lahat naman ay kumilos upang sunugin ang mga katawang wala ng buhay ng umalis ang demonyo sa kanilang harapan. Namumutla ang lahat at nanginginig dahil kamuntikan na silang mawalan ng buhay. Si Hendrix naman ay nagtungo sa labas at sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Gigil na gigil pinaharuruot ang sasakyan nito. Dinala siya ng sasakyan sa isang parke kung saan ito ang naging takbuhan niya sa tuwing nawawala siya sa katinuhan. Ngunit sa kanyang paglalakad isang malamyos na tinig ang narinig niya. Para iyong anghel na umaawit na nagbigay ng kapayapaan sa kanina lamang na magulong isip. Isang magandang babae ang nakaupo sa swi
Tahimik ang lahat ng tao sa loob ng mansyong iyon. Tanging takot ang makikita sa mga mukha nila dahil sa oras na lumabas at bumaba rito ang demonyong si Hendrix ay siguradong katapusan na talaga nilang lahat. Sa isang mahabang sofa, tahimik na nakaupo doon ang kambal na sina Blue at Gray, tulad ng ibang tauhan ay bakas din ang takot at kaba sa mga mukha nila. Hindi naiwasan ni Blue ang mapahilamos ng mukha dahil sa takot at kaba. Paano ba naman pang limang doctor na ang nakahandusay sa may hagdanan ng mansyon dahil sa kadahilanang paghawak nito sa anghel ng boss nila.Gusto niyang bigwasan si Hendrix dahil sa taglay nitong kabobohan. Ayaw niyang ipahawak ang babae sa mga doctor. Mabuti nalang talaga at doctor ang pinsan nilang si Ryan. Kung hindi pa sila lumuhod sa pinsan nila ay hindi pa ito sasama sa kanila. Alam nila na hindi na mapaglagyan ang galit ng boss nila at kung sino man ang hahadlang sa dadaanan nito malamang sabog ang bungo. Maliban na lang sa mga katulong na babae sa b
Dalawang araw na ang nagdaan ngunit hindi parin nagigising ang dalagang tahimik na nakahimlay sa silid ni Hendrix. Dalawang araw na rin walang tulog si Hendrix dahil sa pag-aalo sa dalaga na palaging umiiyak. Hindi maiwasan nina Blue at Gray na maawa sa kalagayan nito dahil sa sobrang trauma.Simula din mapunta sa puder nila ang anghel hindi na kailanman nakarinig ng kahit na anong ingay. Para silang nakatira sa sementeryo dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang gumawa ng gulo. Maski ang mga trabaho nila underground ay hindi na nila nagagawa. Masiyadong naging busy ang boss nila sa pag-aalaga sa anghel nito na nakahimlay sa kanyang malaking kama. "Boss?" lakas loob na tawag ni Gray kay Hendrix na paulit-ulit hinahalikan ang kamay ng dalaga.Gusto niyang tawanan ito dahil para itong timang pero syempre hindi niya iyon ginawa. Takot na lamang niyang mamatay sa isang pitik nito. "Siguraduhin mong mahalaga iyan, Gray," babala nito at sa dalaga parin ang
"What the fuck is wrong with her, Ryan! Bakit tulog pa rin siya!" sigaw ni Hendrix sa kaawa-awang doctor na si Ryan. Nakatikim din ito ng isang malakas na suntok na naging sanhi ng pagputok ng labi nito, hindi mabilang nina Blue at Gray na tahimik lang din sa isang sulok kung ilang suntok na ba ang natamo ng pinsan nila. Paano ba naman nangako si Ryan na gigising ang dalaga noong isang araw ay tulog parin ito. Ang kinagagalit ni Hendrix ay marahil napadami ang pampatulog na tinurok nito sa babae."Tangina, Blue. Pang-ilang suntok na ba ngayon ang natamo ni Ryan?" bulong ni Gray sa kakambal nito."Pang lima na ata," sagot naman ni Blue pabalik. "Kapag ako nakawala na dito, humanda talaga kayong dalawa sa akin," hasik pa no Ryan saka padarang na pinunasan ang dugong na sa labi."Gumawa ka ng paraan dahil kapag hindi na nagising ang anghel ko. Sisiguraduhin kong isasama kita sa hukay at paulit-ulit kitang papatayin!" "Boss, okay lang ang babae mom. Sadyang pagod lang siya saka maramin
Mabilis niyang nilakad ang pasilyo papuntang silid kung na saan ang anghel. Naroon ang pagmamadali at ang saya na hindi niya mapagtanto kung saan nanggagaling. "Fuck! My Angel, " bulong niya sa sarili at mas binilisan ang paglalakad at kung maaari ay liliparin na niya upang makarating lamang sa anghel.Samantala, sa isang kuwarto sa Mansyon ng lalaki. Si Cassandra ay umiiyak, hindi niya alam kung na saan siya na mas lalong kinatakot niya. Natatakot siya na baka bumalik ang mga taong nanakit sa kaniya. Ang mga taong gusto siyang patayin gahasain. "H-Help me..." Mahinang bulong niya dahil baka na sa ibang bahay siya at saktan din siya tulad ng ginawa ng mga lalake sa kaniya. Gamit ang mahahabang kuko wala siyang pag-aalinlangang kinalmot ang sariling balat para kahit papaano ay mawala ang takot sa loob niya. Hindi siya maaaring maging mahina dahil kailangan niyang maging malakas. "H-Help..." muling bigkas niya di malaman kung may boses pa ba siyang nabibigkas. Sobrang iyak ang ginaw
"What the fuck is wrong with you pink!" nanggigitgit na sigaw Hendrix sa dalaga na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Tulad ng sinabi ni Ryan sa kanya ay hindi niya ito napamuwi. Kinailangan pang siya mismo ang susundo dito upang madala lamang to sa mansyon. Ang babaeng halos hubad na sa suot nitong damit at ang pumuputok nitong kulay ng buhok na tulad ng pangalan niya. Pink. "Why? ayaw mo na ba akong makita babe?" malandi nitong turan. Sa loob-loob ni Hendrix ay gusto nitong pasabugin ang bungo ng mawala ang kakatihan nigo sa katawan.Hindi bago kay Hendrix ang pinapakitang pagka-gusto sa kanya ng kapatid ng dalawang tauhan niya ngunit isipin palang niya na hinawakan siya nito ay pakiramdam niya pinagta-taksilan niya ang reyna. "Babe, " uling tawag nito, sa inis na nararamdaman ni Hendrix ay tinutukan niya ito ng baril sa sintido ng ulo niya. Hindi natinag ang dalaga bagkus humalakhak lamang ito sa harapan niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Pink. Kung ayaw mong paglamayan ka ng
"Queen, ano pong gusto niyong gawin? " tanong ng isa sa katulong niya. Umiling lang siya sa kanila and played with her doll. Binigay iyon ni Blue sa kaniya dahil goodgirl daw siya. Nagpaalam ito sa kaniya kahapon na aalis ulit ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito ngayon. "C-can you tell me where is Hendrix?" she asked the maid. Marahil ay wala sa pag-iisip ngayon ang dalaga hindi maitatangi na napakaganda at napakabuti nito. Why they are smiling? she's not clown naman. '' We don't know Queen,'' sagot ng katulong.Naintindihan naman ni Cassandra ang sinabi niya. Lima silang palaging nakasunod sa kaniya at sampu naman ang mga lalaking nakapalibot sa kanila. "P-puwede niyo tawagan si Hendrix? " she just miss Hendrix, simula kahapon ay hindi na niti sil nakita. Ngunit walang sumunod sa gusto niya nanatili ang mga 'tong nakatayo sa harapan niya. Napayuko naman siya dahil sa pagkadismaya. "Maglaro nalang tayo, " nanlaki ang mga mata ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Napalu
Hindi maipinta ang itsura nina gray at blue dahil ginawa silang coloring books ni Cassandra. Ang mas nakakaiyak pa dito ay ang gamit niyang panulat ay ang marker na sigurado ay matagal bago mabura sa mga mukha nila. "Subukan niyong tumawa, sisiguraduhin kong lalabas kayo ng may pasa sa mukha kahit babae pa kayo. " banta ni Blue sa mga katulong na kasama nila. Natakot naman ang mga 'to kaya minabuti nalang nila na sa iba tumingin. "Fvcking bitch stop smiling! " Gray warned. Habang puno ng marka ng isda ang abs niya. Napamura siya dahil sa ganda ng abs niya ay baboy na baboy na ngayon. Nabaling naman ang tingin ni Blue sa kakambal hindi niya mapigilan hindi matawa dahil sa itsura nito. dahil ang tiyan nito ay may mga drawing na isda. "Tangina ka, Blue! " singhal nito sa kaniya dahil sa pagtawa niya. Kumpara kay Gray ay medyo maayos pa ang kaniya dahil ang kaniya ay simpleng puso lang ngunit sa may bandang nipples niya. "Astig ng mga drawing mo, Queen, " biro nila sa isat-isa dahil
Hendrix and Cassandra arrived at the Mansion silently. Hindi niya kinikibo si Hendrix na nakakunot ngayon ang dalawang kilay. Pinilit niyang kausapin ang dalaga ngunit hindi siya nito kinikibo bagkus kumapit lang ito sa braso ni Pink ng tuluyan na silang makauwi. "Cassandra come the fvck here." malamig na tawag ni Hendrix kay Cassandra na mas nagbigay ng takot sa dalaga. Napahilot na lang ng sintido si Hendeizx dahil pakiramdam niya ay magkakaproblema na naman siya. Alam ni Cassandra na hindi maganda ang inaakto niya pero wala siyang pakialam basta ang alam niya ay galit siya sa binata. Aaminin ni Cassandra na sobrang insecure siya sa babaeng lumapit sa binata kanina, ang babaeng iyon ay di hamak na mas maganda pa sa kaniya kung titignan at mas matalino. "No! " Cassandra shouted. Nagkatitigan sila ng binata. Ngunit mabilis na nag-iwas si Cassandra dahil sa malamig na mata ng binata. "Anyare? " biglang singit ni Blue ng makapasok sa living room at may dala din itong mga baril. Mga b
Cassandra awoke frustrated and irritated. Dahil gusto pa niyang matulog sa tabi ng binata dahil hindi niya matandaan kung ano bang oras sila nakauwi. Basta ang alam niya ay pagod na pagod siya at gusto pa niyang matulog pero dahil matigas ang ulo ng binatang kasama niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nito. Gusto niyang irapan ang binata dahil tulad ng madalas nitong ginagawa, heto siya at sinusubuan na naman siya kahit kaya naman niya at may dalawang kamay siya. "Ako na, " asar na kuha niya sa kutsara sa kamay ni Hendrix ngunit inilayo lamang ito ng binata sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang subuan nito kung kaya naman niyang kumain mag-isa. Hindi nito sinasagot ang tanong na 'yon bagkus tititigan lamang siya ng nakakalusaw na nagpapabilis ng tibok ng puso niya kaya sa huli ay hahayaan na lamang niyang gawin ang gusto ng binata. Dahil kahit anong gawin o sabihin niya eh hindi rin naman nito pinapyagan. "Gusto lamg kitang pagsilbi
"Saan ba tayo pupunta, Hendrix? " hindi alam ni Cassandra kung pang ilang beses na niya itong naitanong sa binata na tahimik lamang sa tabi niya. Hindi siya sinasagot nito na lalong kinaiinit ng ulo niya, ang madalas na paghaplos at paghalik sa kaniya ang inaatupag nito. Nasanay na siya sa binata, hindi na bago sa kaniya kung bigla na lamang siyang halikan nito. Wala talaga siyang ideya kung saan sila pupunta pero kung pagbabasehan sa mga suot nila ay siguro sa mall lang ang punta nilang dalawa. "Malls, " simpleng sagot ni Henddrix at muling bumalik sa paghalik sa namumulang pisngi na ngayon ng dalaga. Nakukuntento na lamang ang binata sa simpleng halik sa pisngi at labi nito, gusto man niyang mas gawan ng higit pa roon ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa kundisyon ng babae. Ngunit sa oras na gumaling na ito ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makakatayo sa gagawin niya. Gustong magmura ni Hendrix dahil sa isiping iyon, hindi iyon nakatulong bagkus mas lalong uminit ang pakira
Dalawang oras bago siya nakauwi sa mansyon niya bugnot na bugnot siya dahil sa pesteng traffic sa edsa. Ang bulaklak na kanina na fesh ngayon ay hindi na at ang ice cream at tsokolate na parang naging tubig na. ''A-nong nangyare?'' nag-aalalang tanong ni Cassandra ng makitang papasok ang binata. Sinalubong niya ito kahit na may hiya siyang nararamdaman dahil pakiramdam niya ay sobrang normal na lang sa kaniya ang lahat. Nakita ni Henderix ang dalaga na papalapit sa kaniya. "Hendrix," Ani ng dalaga sa kaniya. Mabilis niya itong nilapitan at binigyan ng isang halik sa noo. "How are you, baby?" malambing nitong tanong. Nahihiya man ay inabot nito ang bulaklak at ang lusaw ng tsokolate at ice cream. Nakita pa niya kung paano nagulat ang dalaga at masaya iyong tinanggap. "S-salamat, " simpleng pasasalamat ngunit nagbigay ng matinding ligaya sa binata. "Wala bang kapalit diyan?" tanong ni Hendrix na nagpatigil kay Cassandra sa pagtingin sa mga bulaklak na nasa bisig niya. Nagtataka siy
know, to your office?'------Fbuddy. Hendrix recieved an anonymous letter to his office, ilang empleyado na nga ang nasibak niya dahil sa pagiging tanga ng mga ito. Hinayaan nilang magpapasok ng letter sa loob ng opisina niya na hindi naman nila alam kung anong laman. Gusto niyang pilipitin ang mga leeg nito dahil sa pagiging bobo nila, sa tagal na nilang nagtatrabaho sa kaniya ay hindi pa rin nila alam ang rules na paulit-ulit niyang sinasabi. Kung hindi lang nagkaproblema ang iilan sa mga business niya ay hindi nito iiwan ang reyna niya. Ngunit kailangan niya itong asikasuhin dahil sa mga tangang tauhang hinayaan niyang humawak dito. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa babaeng p*ta na nagpadala ng letter sa kaniya. Nanginig ang laman niya dahil sa sobrang galit, paano kung makita ito ng dalaga. Paano kung iwanan o magalit ito sa kaniya? hindi niya hahayaan 'yun kaya bago pa ulit makagulo ang babaeng 'yon ay kailangan na niya itong ligpitin. Lalo pang nakadagdag sa init ng ulo niya ng
Paglipas ng mahigit tatlong oras muling pinuntahan ni Hendrix at ang tatlong tauhan niya kung na saan si Cassandra. Hindi na ito tulad kanina na tulala bagkus tahimik lamang ito ngunit makikita sa mukha nito na muli na ngang nakabalik ang dating Cassandra. Aaminin nilang tatlo pati si Hendrix ma gusto nila ang childish na Cassandra kaysa sa babaeng kaharap nila sa mga oras na 'to. Mahinhin ito, tahimik at mahiyain hindi katulad ng Cassandra noon na bibo, masayahin at walang kahihiyan kung ano man ang ipaggaw sa kanila. Pinanitili ni Hendrix ang blankong mukha kahit sa loob-loob nito ay ang labis na kalungkutan. Naupo siya sa isang mahabang sofa habang pinagmamasdan niya ang babae na seryosong kausap si Pink. Nakasunod lamang ang tingin ni Hendrix sa kahit anong galaw ng babae tila ba anumang oras ay mawawala iyon sa kaniya. Pinahigpit niya rin ang mga nagbabantay sa maaaring lusutan ng babae kapag nagtangka itong tumakas. Kahit magmakaawa pa sa kaniya ito o kahit kamuhian pa siya, hi
Hindi alam ni Pink kung ilang basong alak na ang nainom niya dahil sa sobrang nerbyos na nararamdaman. Pabalik-balik din ang paglalakad na ginagawa dahil sobrang takot at pag-iisip kung ano nga ba ang dapat niyang sabihin kay Hendrix. Tulala lamang ito at hindi kumikibo, makailang ulit yapang niyugyog ang dalaga ngunit wala pa rin itong reaksyon. Hindi niya alam kung kailan lalabas ang lalake, wala din siyang marinig na ingay mula sa loob ng silid na 'yon. Ang silid na iyon ay ginawa sa ganitong klaseng pagpaparusa. Hindi niya din magawang pumasok dito dahil sa takot na nararamdaman.Hindi niya napansin ang pagkapudpod ng kuko niya dahil sa pagkagat niya na naging dahilan ng pagdudugo. Malnarism na ito ng babae sa tuwing takot o ninenerbyos sila. Ilang sandali pa ng lumabas ang lalake sa silid na iyon, kasunod nito ang dalawang kuya niya. Tulad ng inaasahan niya ay madilim at puno ng galit ang mukha nito. Napaatras siya ng magtama ang mga mata nila, hindi niya magawang titigan ang mga
Pagkauwi ni Hendrix nakita niya ang mga tauhan niyang nag-iinuman na kinainit ng ulo niya. "Fvck! Mga tarantado! hindi ko kayo pinapalamon at pinapasweldo ng malaki para lamang mag-inom sa oras ng trabaho niyo! Hindi niyo alam na may nakapasok sa kuta ko na mga kaaway dahil sa ginagawa niyo! papatayin ko kayo kapag hindi niyo nahanap ang mga taong 'yon! " nagulat ang mga bantay sa mansyon ng dumagundong ang boses nito sa tabi nila. Nawala ang kalasingan nila dahil sa pagbabanta nito hindi nila malaman kung paanong nakapasok ang mga taong 'yun kung mahigpit naman ang pagbabatay nila kahit umiinom sila. Naisip nina Blue at Gray na tahimik lamang na nakasunod sa demonyong nagwawala na ngayon. Nag-aalala si Hendrix sa babae kaya inuna niyang tinungo ang silid kung nasaan ito ngunit ganoon na lamang ang paninigas niya ng marinig ang usapan ng kung sino sa loob ng silid niya. Kinasa niya ang hawak na baril na kanina pa niya hawak. Inireserba niya ang mga bala na 'yon sa mga pangahas na p
"Patayin silang lahat at walang maiiwan na buhay. " malamig na sambit ni Hendrix. Gustong magmura ng paulit-ulit ni Gray dahil sa binigkas ng lalake dahil maliban sa kanilang tatlo ay wala ng natitirang buhay, isa lang ang ibig sabihin nito at patayin din ang mga mahal sa buhay ng mga taong 'to at walang matitirang buhay ni isa. Wala ni isa ang kumibo sa kanilang dalawa ay nagtinginan lang. Damay na ang pamilya ng mga gago kahit bata pa 'yan o matanda wala silang magagawa kung di ubusin ang mga 'yon. "Susundin ba natin siya? " tanong nito sa kakambal. Hindi nila alam kung kaya ba nilang gawin ang pinapaggawa nito. Nasa benteng katao ang napatay niya ibig sabihin ay kailangan din iligpit ang bawat pamilya nila. Pwede na talagang palitan ni Hendrix si satanas sa impyerno, mas masahol pa ito kay satanas baka nga pati satanas ay lumuhod sa kaniya kapag nagkit silang dalawa. "We don't have a choice, tayo ang mamatay pag hindi natin siya sinunod. " ani ni Blue sa kakambal. Si Gray nalan