Chapter 4
"HE'S MY BOSS"Airah POV:
Natapos ang buong araw na lutang ang aking isip.
Hindi kasi ako makaisip ng paraan kung paano makatakas sa kamay nila. Idagdag mo pa na ang lalaking kasama ko sa isang kwarto, talagang 'di ako tinitigilan.Napatingin na lamang ako sa katabi ko na si Jutay. Oo, Jutay na talaga ang tawag ko sa kanya. Kasi ang liit ng alaga niya nung nahawakan ko ito hahaha.
Pero abah! Ang loko, feel na feel ang pagyakap sa akin. Siya yata tong
may binabalak na masama sa katawan ko.Aalisin ko na sana ang pagkakayakap nito kaso talagang hinigpitan niya pa lalo. At this point, napatingin na lamang ako sa kanyang mukha. And I realized na sobrang gwapo niya pala. 'Yong ilong niya, ang tangos. At 'yong pilik-mata nito, ang haba. Isabay mo pa na parang kissable ang lips ng binata.
Shet! Namula bigla ako nang maalala ko ang nangyaring halikan namin kahapon.
"I love you." mahinang sambit nito habang tulog-mantika.
Tsk. Nananaginip yata ang Jutay na 'to.
"I love you, Sarah." muling saad niya.
Pero sa mga oras na 'yon natigilan ako. Lalo pa't narinig ko na may pangalan siyang binigkas.
'Di ko alam pero tila kumirot ang puso ko.
Ang weird masyado.
I was about to close my eyes para sana matulog kaso biglang gumalaw ang kamay nito patungo sa aking dibdib.
Tangina! Iba na yata to!
Nang maramdaman kong hawak niya na ang isa kong suso hindi na ako nag-dalawang isip na sampalin siya.
"Ouch fuck!" Daing niya na maging siya ay nagulat sa pagsampal ko.
"Manyak kang jutay ka!" sigaw ko habang pinaghahampas ko ito.
Masyado niya akong chinachansingan.
"Shit! Stop it!" pagsasaway niya sa akin.
"Stop mo mukha mo! Gago ka! Potah!" mariing mura ko sa kanya.
Iba't iba na rin na pagmumura ang sinambit ko dahil sa halo-halong emosyon na umaapaw sa damdamin ko ngayon.
"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong nito na para bang walang alam.
"Abah, nagdedeny ka pa! Para sabihin ko sayo, hindi ako easy to get! Ulol! Kaya wag mong mahawak-hawakan ang suso ko!" sigaw ko rito. Kulang na lang ay sumabog ang mukha ko ngayon sa galit.
This is the first time that I encounter a boy like him. At first time rin na may humawak sa papaya ko. Kaya hindi ko mapapalampas ito.
"Tsk. Sorry." sambit niya sa akin kaya tumigil naman ako sa paghahampas.
"Akala ko kasi pader 'yon." dugtong na wika nito dahilan para magbago ang isip ko.
"Lintik ka! Anong pader ba ang sinasabi mo ha?! Hoy Jutay, may dede ako!" galit na tugon ko habang pinipigilan ko ang aking sarili na di siya saktan.
Pero bigla itong tumayo at naglakad. So inexpect ko na lalabas na sya ng kwarto, kaso huminto ang binata at muli akong nilingon.
"Jutay ka ng jutay sa akin, bra lang pala ang nagdadala sayo. Dapat band-aid na lang ang ginamit mo, total utong lang ang meron ka."
After nyang sabihin 'yon, kumaripas na siya ng takbo. Potaaahhh! Ginagalit niya talaga ako!
Inis na inis akong lumabas ng kwarto para sana habulin ang lalaki pero sa kasamaang palad nabunggo ko ang ate nito.
"S-sorry ho." hinging paumanhin ko sa babae. At bakas sa mukha nito na siya pa yata ang concern sa akin.
"No, no. Ako ang dapat na magsorry sayo. Nasaktan ka ba?" tanong niya habang nakatingin sa aking tiyan.
Shet. Buntis pala ako sa paningin nito. Kaya kung makapagreact siya talagang may pag-aalala sa boses.
"H-hindi naman po ate." pilit na sagot ko naman.
"Ano ba kasing ginagawa mo at parang nagmamadali ka?" muling tanong ng dalaga.
"Ah hahabulin ko sana 'yong kapatid mo. I mean, susundan ko sana hehe." pagkokorekta ko.
"Ikaw talaga. Mag-ingat ka nga. 'Wag kang maging magalaw masyado lalo pa't buntis ka." sermon nito sabay akbay sa akin.
"Halika na, mom is waiting for us. Sumabay ka na raw sa amin magbreakfast. Kasi mamaya, isasama kita." ngiting wika niya.
Gusto ko sanang tanungin siya kung saan kami pupunta kaso napangunahan naman ako ng hiya.
So gaya ng sabi niya, sabay-sabay nga kaming nag-almusal.
Gusto ko sanang kotongan ang lalaking katabi ko para sana makaganti sa panlalait niya sa akin kanina pero pinigilan ko dahil nasa harapan namin ang mom nito.
At 'di nagtagal, natapos na kaming kumain.
"Mom, ipapaalam ko sana itong si Airah. Isasama ko siya sa mall . Para naman, mabilhan ko siya ng mga damit pambuntis.", saad ni ate Leny sa Ginang.
Ngumiti naman ito kasabay ng pagsang-ayon.
"Good idea Leny. Isama mo na rin itong kapatid mo." suhestyon naman ng ina sabay tingin kay Jutay.
"Fuck. Ayokong sumama. May lakad kami ng barkada ko ngayon." pag-tatanggi ng lalaki sabay alis sa harapan namin.
"Tsk. Hayaan mo na yon mom. Habang hindi pa sila kasal ni Airah, bigyan natin sya ng oras makapagbonding sa barkada niya." saad muli ni ate.
"Sabagay. One week na lang at ikakasal na sila." sambit nito na akin namang ikinagulat.
"O-one week? T-teka, ba't parang 'di po yata ako nainform?", tanong ko sa kanila.
Masyado kasing mabilis. Parang kahapon lang ako nandito sa kanila tapos mababalitaan ko agad ang kasalan na 'yan.
"We decided na ipakasal na kayo agad next week dahil sa araw na 'yon saktong nandito na rin ang asawako." ngiting sagot ng Ginang.
"P-pero hindi pa po ako pumayag."
"Well, kahit hindi ka naman pumayag, wala ka ng magagawa ro'n. And beside, sabi ni Leny, eto yung gusto mong mangyari diba? Ang panagutan ka ng anak ko? So ayan, ginawan na namin ng paraan." mahabang wika niya ulit.
"Pero kasi--" akma pa sana akong magsasalita kaso pinigilan na ako ni ate Leny.
"Sssshh. Stop! 'Wag ka ng magsalita pa Airah. Let's go na.", wika ni Ate Leny sa akin sabay hawak sa braso ko.
I'm dead! Wala na akong kawala pa kapag nangyari na kinasal na kami.
Chapter 5"HE'S MY BOSS"Airah POV:Dahan-dahan ng pinaandar ni ate Leny ang kanyang kotse papuntang mall na tinutukoy nito. Talagang ingat na ingat din siya sa kalagayan ko.Habang tumatagal na kasama sila, nakokonsensya na tuloy ako.Nakokonsensya na ako dahil sobrang bait at caring nila sa akin. Kaya natatakot ako na baka dumating ang araw na magalit lahat sila sa akin. Nakakatakot tuloy na umamin ng katotohanan lalo pa't ang alam nila ay buntis ako.Sa tuwing naglalakad kaming dalawa ni ate Leny, 'di ko maiwasan na di mailang sa kanya. Pano ba naman, ngayon ko lang napagtanto na kanila pala itong mall."Hi ma'am Leny.""Goodmorning ma'am Leny.""Hello Ma'am.""Magandang araw sayo ma'am."I-ilan lamang yan sa mga naririnig ko na bati ng mga saleslady sa mall.Tanging matamis na ngiti lamang ang naitutugon ng babaeng kasamako."Leah! Come here!" tawag nito sa isang saleslady.
Chapter 6"HE'S MY BOSS"Airah POV:Natapos ang araw na laman ng isip ko ang tungkol sa message ni Sarah.Hindi ko alam, pero talagang hindi ako mapakali simula nang mabasa ko ang message na 'yon.But on my other side, medyo nasiyahan ako dahil alam ko na kapag dumating si Sarah, maaring makaalis na ako sa kamay ng ate at mom niya.Pero ba't ganon? Parang umaapaw ang lungkot ko. Hays ewan. Naguguluhan na ang sarili ko."Goodmorning." ngiting bati sa akin ng lalaking nasa unahan ko. Ang ngiti niya, kakaiba ngayon."G-goodmorning." sambit na tugon ko sa kanya."Parang tulala ka yata? Kanina ka pa tinatawag ni mom. Hindi mo ba naririnig?", punang sambit nito."G-ganon ba, p-pasensya na." saad ko rito."It's okay. Halika na, may pupuntahan pala tayo.""H-huh?" tanging bigkas ko.Wala na akong nagawa pa nang bigla n'yang hawakan ang aking kamay. Ngayong araw na to, ibang- iba ang kilos niya na tila b
CHAPTER 7"HE'S MY BOSS"Airah POV:Nang makabalik si Jutay galing sa Cr, nagsimula na kaming kumain lahat sa isang mahabang lamesa.Marami akong natuklasan at nalaman tungkol sa lalaking 'to dahil sa mga sinasabi ng madre tungkol sa kanya.Kesyo raw mabait, gentleman, magalang, mapagmahal at higit sa lahat may respeto ang binata. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero base sa pinapakita niya ngayong araw na 'to, I know na bukal talaga sa loob niya ang tumulong.Natapos ang oras namin sa pakikipagkulitan sa mga bata.Nakakatawa nga dahil si Jutay, nakipaglaro pa talaga."Pasensya na hija, napagod ka ba?", tanong sa akin ng isang madre nang tumabi ito habang umiinom ako ng mineral water."M-medyo lang po mother. Ang bibilis kasing tumakbo ng mga bata." hingal na sagot ko.Yes, nakipaghabulan rin ako sa mga bata para kahit papano mapasaya ko sila."Ganon talaga ang mga 'yan. Masyadong mabibilis kaya nag-
CHAPTER 8"HE'S MY BOSS"Airah POV:Hindi ako mapakali ngayong gabi habang nakahiga ako sa kama na katabi si Jutay.Sa ilang araw na nandito ako sa kanila, masyado ng gumugulo ang isip ko.Parang may kung anong tumutulak sa akin para tuklasan kung ano talaga ang meron sa kanilang pamilya.Napabangon ako ng wala sa oras dahil gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin. Tiningnan ko muna si Jutay habang natutulog ng mahimbing bago ako lumabas ng kwarto.Dahan-dahan kong hinihakbang ang aking mga paa patungo sana sa hardin. Pero bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses ng mom ng lalaki habang may kausap sa phone.Kaya ang ginawa ko, sumanday ako sa isang dingding para hindi niya ako makita."Naimbestigahan mo na ba?" tanong nito sa kausap niya sa telepono.Hindi ko maintindihan sa una ang pinag-uusapan nila.Pero habang tumatagal, may kutob ako na kilala ko kung sino ang pinaiimbestigahan ni
Chapter 9"HE'S MY BOSS"Airah POV:Hindi ako pinatay.Pero ang kapalit ng pagiging buhay ko, sobrang hirap.Kailangan kong maging katulong ni Jutay at hindi lang 'yon, kailangan ko ring makuha ang loob nito at mabaling sa akin ang pagtingin niya.Hindi ko alam kung magagawa ko ito. Dahil sa pagkakaalam ko, masyado siyang inlove kay Sarah. At ilang araw na lang babalik na ito sa buhay ng binata.Lutang akong bumalik sa kwarto at minasdan ang mukha ng lalakinglolokohin ko.Sabi ng mom nito, 'wag ko raw sabihin sa iba ang plano naming dalawa tungkol sa pagpapa-ibig na gagawin ko.Ang unfair diba?Gustuhin ko mang umamin kay Jutay, hindi ko magawa dahil ako naman ang malalagot sa mom nito."Oh? Buhay ka pa?" gulat na tanong nito nang magising siya."Ay hindi. Kaluluwa ko lang to at nagpaparamdam na ako sayo." pilosopang saad ko sa kanya.Bahagya syang ngumiti dahil sa tinugo
"CHAPTER 10"HE'S MY BOSSJUTAY POV:Tanaw na tanaw ko ngayon ang maraming guards na nakabantay at nakapalibot sa bawat sulok ng mansion namin. Mas nadagdagan yata ang bilang ng guards dito dahil ako na mismo ang binabantayan nilapara hindi makalabas.Ito ang naging kaparusahan ko nang tulungan ko si Airah na makaalis sa kamay ni mom.Kaya halos dalawang araw na akong nanatiling nasa loob ng mansion at hindi man lang nakakatapak sa labas.Simula kasi nang tulungan ko ang dalaga, mas lalong naging strikta si mom pagdating sa akin.Kinuha niya lahat ng credit cards ko at maging ang kotse na binigay niya sa akin.Tumunog naman bigla ang aking cellphone, kung saan nakita ko mismo sa screen na si Sarah ang tumatawag.Agad ko itong sinagot at tila ba nawala ang lungkot sa aking mukha."Bhoo, andito na ako sa airport. Nasaan ka na ba?" tanong nito sa kabilang linya.Doon lang bumalik sa ala-ala ko na ngayon
Chapter 11"HE'S MY BOSS"Airah POV:"Airah! Sandali!" hingal na tawag sa akin ng isang lalaki habang ako'y naglalakad.Paglingon ko, nakita ko si Jake na tumatakbo palapit sa gawi ko.Narito na ako ngayon sa loob ng campus. Medyo malayo pa ang classroom namin kaya kailangan ko ring maglakad ng ilang minuto patungo ro'n."Oh? Napaano ka?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya."Wala. Long time no see ha? Balita ko nagkasakit ka raw, sabi ng mga kaibigan mo." wika nito sa akin.Siya si Jake, classmate ko at kaclose ko na rin kahit papa'no. Kung gwapo lang ang pag-uusapan, may ibubuga ang binata.Mabait din siya at matalino kaya medyo gumagaan rin ang loob ko kapag kausap s'ya."Yah, nagkasakit nga ako. Siguro ang dami kong namissed na lesson." malungkot na sambit ko naman.Ang mga kaibigan ko talaga, eto pala 'yong sinabi nilang palusot."Marami nga Airah. But don't worry, kung gusto mo tuturuan
Airah POV:Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.Masyado akong nagulat sa nalaman ko.Magkakilala silang tatlo. At higit sa lahat pinsan pala ni Jake si Sarah.Pero bakit gano'n? Bakit parang pinaglalapit lagi ang landas namin ni Jutay?Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. I admit na nasaktan ako sa nakita ko kanina.At sa totoo lang, namiss ko si Jutay.Namiss ko ang mukha niya. Namissko ring kausapin s'ya.Namiss ko ring sigawan siya. Pero ba't parang hindi ko magawang lapitan ang binata para kamustahin man lang?"Ganito 'yon Airah, magsisimula muna tayo sa mathematics since 'yon ang pinakamahirap na subject. Halos dumugo nga ang utak ko no'n. So ano ready ka na ba?""--Hey, Airah? I'm asking you, kung ready ka na?" sambit ni Jake sa akin habang winiwave nito ang kamay sa aking mukha.Doon naman ako nabalik sa sarili at napatingin sa kanya."Huh?" tano
Chapter 100 of He's My Boss (Book 2 Finale)"Nakahanda na ba ang lahat?", tanong ni Mommy Gina na halatang pawis na pawis sa sobrang pagka-busy.Tinitingnan niya ang bawat design na ginamit sa okasyon na 'to."--Yung mga pagkain, siguraduhin niyo na masarap ang pagkakaluto.", muling sabi niya sa mga tauhan.Nasa hacienda kami ngayon kaya gano'n na lamang ang tao dito sa amin.Nandito na rin ang mga kaibigan ko, but sad to say, wala dito sila Jake and Maxine.Ang pagkakaalam ko, pumunta si Jake sa abroad para do'n mismo ipagpatuloy ang pag-aaral.Samantalang si Maxine, alam naman natin na workaholic ang dalaga.Kahit may sakit, trabaho pa rin ang inuunahan. Gano'n talaga kapag business woman ka, wala ng oras para sa ganitong bagay."Ahm, ako na lang ang gagawa ng salad.", pag-iinsist kong sabi sa isang babae.Pero biglang sumingit si Mommy Gina at inagaw ang hawak ko."Airah, hija, 'wag ka munang gumalaw-g
Chapter 99"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:Buwan-buwan akong sinasamahan ni Gino sa check-up.Tinupad nga nito ang pangako sa akin na hindi niya ako pababayaan.Ang pinaglihi kong prutas ay mangga na sinasawsaw sa ladies choice.Wala eh, eto ang trip ng dila ko na gusto ko laging kainin.Kahit gabi, pinapabili ko si Gino sa palengke. At kapag wala s'yang mabili, nagwawala ako sa bahay at hindi siya kinikibo.Kaya ayon, gumagawa siya ng paraan para makahanap ng mangga.And that is my happitot in life!"My wife, hindi ba sabi ng doctor, konti lang ang kainin mo?", sambit habang nakatingin sa kinakain ko."Bakit ba? Ang sarap kaya ng ulam natin, kaya gusto kong kumain ng marami. Besides, wala rito si Doc, kaya pagbigyan mo na ako.", nguso kong sabi.The food that he cooked is my favorite.Kaya natatakam talaga ako."Hays. Bakit ba ang kulit-kulit mo? Manganganak ka na, Air
Chapter 98 of He's My Boss (Book 2)Airah's POV:Araw na ng kasal namin ni Gino.Araw na kung saan ihaharap niya ako sa altar at mag-iisang dibdib na kami.Sa wakas, magiging legal na kami sa harapan ng maraming tao lalo na sa harapan ng Diyos.Parang kailan lang, ang daming pagsubok ang dumaan sa relasyon namin.Pero heto at kami pa rin talaga ang tinadhana.I learned so much lesson about love.Nagawa kong magparaya at magsakripisyo pagdating sa pag-ibig.But still, nakamit ko rin ang totoong saya.Ang saya na kailan man hindi na mawawala sa akin.Pangmatagalan na ang pagsasama namin ni Gino kaya pinapangako ko na magiging mabuti akong asawa at ina sa anak namin."Are you ready, Airah? Nasa church na ang kapatid ko, and he's waiting for you.", saad ni Ate Leny at inalis ang hibla ng aking buhok sa pisngi.Bahagya n'yang hinawakan ang balikat ko para pakalmahin ako.Siguro nakita nito a
Chapter 97"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:"Cheers para sa kasal bukas nila Airah at ng anak ko!", panimulang sambit ng mom ni Gino.Siya ang unang tumaas ng baso na may laman na wine, kaya nagtaasan na rin kami.Ang saya isipin na lahat ng mahahalaga sa buhay ko, ay nandito at kasama ko.Kahit na magkakaroon na ako ng sariling pamilya, hindi ko sila malilimutan."And also cheers, para sa magiging pamangkin ko!", pahabol na bigkas ni Ate Leny dahilan para magtawanan kami."Iba rin talaga ang dugo ni Gino. Masyadong malakas at kambal agad! Sana makahanap ako ng katulad mo.", pagbibiro ni Annie na naging hudyat para maging maingay ang kalooban."I'm unique. Wala ka ng mahahanap na tulad ko.", pagmamayabang ng katabi ko.Bahagya ko s'yang siniko para tumigil na ito. Alam ko kasi na iiral na naman ang kayabangan niya kapag hindi ko pa siya pinigilan."Nga pala, may pangalan na ba kayo para sa baby niyo?"
Chapter 96"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:It's been one week since magpropose muli si Gino sa akin.Sariwa pa rin sa isipan ko ang nakakakilig na pangyayari.And now here, kasama ko na si ate Leny habang pumipili kami ng wedding gown.Hindi ko na inaya si Gino, since iba rin ang trip niya sa buhay.Beside, her sister said, mas maganda kapag hindi nakita ng lalaki ang isusuot ko para ma-surprise siya."Oh, ba't parang iba ang ngiti mo, Airah? Nababaliw ka na ba?","Hindi po ate. Bukod kasi sa matutuloy na ang kasal namin ni Gino, naging okay ulit tayo. Akala ko nga, hindi mo na ako mapapatawad.","Pakiusap 'yon ng kapatid ko. Sinabi n'yang bigyan kita ng pagkakataon, so I did. Kaya 'wag na 'wag mo ng bibiguin o sasaktan pa ang little bro ko. Dahil masyadong masakit sa part namin na makitang nadudurog at nagiging miserable ang buhay niya nang dahil sayo.","Yes ate. Hindi ko na siya iiwan pa.","Ed
Chapter 95 of He's My Boss (Book 2)Gino's POV:Hindi ako mapakali sa labas ng room habang tinitingnan ng doctor ang asawa ko.Sinugod ko si Airah dito sa malapit na hospital nang mawalan siya ng malay.And shit!Binabalutan ako ng pag-aalala, dahil baka maapektuhan ang nasa sinapupunan niya."Sino ang kamag-anak ni Mrs. Airah Magalang?", tanong ng doctor nang lumabas ito.Awtomatikong napalingon ako at mabilis s'yang nilapitan."I'm her husband, Doc. Kumusta ang kalagayan niya?", agad na sambit ko."She's now fine. Wala ka ng dapat ipag-alala.", turan nito dahilan para makahinga ako ng maluwag."P-pero yung anak ko, okay lang ba?", muli kong tanong."Yes. The twins are okay.","T-twins?", nagtatakang saad ko."Opo, Mister. Kambal ang dinadala ng asawa mo.","Oh God! Salamat! Maraming salamat.", ang paulit-ulit kong sinabi."Walang anuman. Pero gusto kong malaman mo na maselan ang
Chapter 94"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:I don't know how to react right now.Hindi ko alam kung matatawa ako, o ikahihiya ko si Gino.Nang dumaan kasi ang nagsasayawan na mga babae, bigla n'ya akong hinatak sa gitna at sumabay siya sa pagsasayaw.And guess what, hindi man lang kami sinita ng mga pulis, sa halip tawang-tawa pa ang mga tao. Ang iba, kinukuhanan kami ng video dahil sa ginagawa ng mokong na 'to."Gino, tumigil ka na nga.", giit kong turan sa lalaki.Habang sinasabi ko 'yon, nakangiti ako para ipakita na hindi ako galit.Mahirap na, pangit pa naman ako pagdating sa camera."Just dance, my wife. We're here to enjoy.", masayang wika ni Gino.Wala akong nagawa kundi ang makisabay sa trip niya.Feeling ko tuloy, kami ang leader ng Magayon Festival dahil sa kalokohan nito.Natapos ang pagsasayaw, marami ang nagpapicture sa akin, este, kay GINO!Oo, kay Gino lang sila nagpap
Chapter 93"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:Naging masigla at masaya ang araw namin ni Gino.Simula nung magkaintindihan kami, nagawa n'ya ng humingi ng tawad mismo sa Kapitan.And now here, gumawa siya ng paraan para magkakuryente kami.Nakakatuwa dahil hindi siya nakaramdam ng pagod at tuloy-tuloy sa pagtrabaho.Taga-linis.Taga-igib.Taga-hugas.Taga-laba.Taga-luto.'Yan ang paulit-ulit n'yang ginagawa na hindi man lang ako pinapatulong.Feeling ko, isa akong reyna sa bahay na 'to."Oh, mag-juice ka muna, Gino.", sambit ko at ibinigay sa kanya ang baso na may juice na laman."My wife, hindi ka na dapat nag-abala. Hindi ba sabi ko, ma-upo ka lang d'yan.", turan nito sa akin."Bakit? Bawal na ba kitang pagsilbihan? Besides, nakakaboring pala kapag nakatunganga lang.", nakanguso kong bigkas."Hays. Kung 'yan ang gusto mo, then sige. Basta 'wag ka masyadong gagalaw, baka ma
Chapter 92"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:"LINTEK KA GINO! GANYAN NA BA KAKITID ANG UTAK MO AT NAGAWA MONG PAGSIGAWAN ANG KAPITAN DITO SA BARANGAY?!",Ayan agad ang bungad na sermon ko sa lalaki.Binitawan ko na rin ang kamay ko dahilan para makahinga siya ng maluwag."My wife, h-hindi ko naman alam eh.","--Tsaka, si Steph ang m-may kasalanan.", he said na tila gustong magpaliwanag.Kaso ewan ko ba, ang hirap pakalmahin ng sarili ko."Ayan! D'yan ka magaling! Sa babae mo!", pagduduro kong bigkas nang marinig ko ang pangalan ng kasama niya kanina."H-hindi ah! Hindi ko babae si Steph. We're just friend.", pagdedepensa niya."Wow! Isang araw ka palang dito, may friend ka na? Ang landi mong lalaki!", saad ko muli na halos umusok na ang aking ilong sa sobrang galit."Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin, Airah?", pagtatanong niya."Dahil nakakainis ka! Hindi mo magampanan ang pagiging asawa