Annies POV:
KINABUKASAN:
Nagising ako na nasa kama ako ng ospital. Naalala kong nawalan nga pala ako ng malay. Luminga-linga ako, hinahanap ko si Dave. Alam kong hindi niya ako iiwan sa ganoong kalagayan.
Pero bigo akong Makita siya. Napatingin ako sa ulo nang taong nakayukyuk sa kama ko. Hindi ko malaman kung sino ito dahil sa nakayuko. Dahan dahan akong bumangon at sinipat mabuti kung sino ang naka subsob sa gilid ng kama.
Bigla itong bumango
"Kuya Edmon 'wag ka nang mandamay pa ng ibang tao!" sigaw nanaman ni Annie.Hindi ko maintindihan kung bakit pilit pa niyang kinakausap ang lalaking ito na nababaliw na dahil lang sa pagkaganid sa yaman at kapangyarihan."Edmon alam mo bang lalo mo lang dinadagdagan ang mga kasalanan mo." sabi naman ni Dhino."Bakit kung susuko ba ako ngayon! Mapapawalang sala ba ako!?" Nanlalaki ang mga matang sagot nito kay Dhino.&nb
Annie's POV:Gabi na nang magising ako. Nilinga-linga ko ang paningin ko habang nakahiga pa rin. Nakikita ko na naman ang puting kisame ng lugar na kinaroroonan ko. Alam kong naririto na naman ako sa lugar na pinanggalingan ko kanina.Binalik ako dito sa ospital, itinaas ko nang bahagya ang ulo ko upang maabot ng paningin ko ang kalawakan ng loob ng silid na pinagdalhan sa akin ni Dave. Nakita kong walang ibang taong nakaupo sa sofa. Pero nakita ko ang ulo nang nakayukyuk na tao sa gilid ng kama ko. Alam kong si Dave ito.
"Ano ba! Ba't ba sunod ka nang sunod sa'kin?!" inis ko bulyaw sa kanya. "Bakit ba ang sungit mo? Tinatanong ko lang naman kung ano bang pakiramdam mo? Para makatawag ako ng doktor." "Puro ka na lang doktor! Nandito na nga tayo sa ospital! Magtapat ka nga may sakit ba ako?" naiirita kong tanong sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang bilis kong maiinis sa kanya. Para bang may kung anong dahilan at naiinis ako sa kan
Annie's POV: Ang lahat ay naging masaya sa pag gising ni Papa. Kahit na may kaunti pa kaming alalahanin dulot ng mga nangyari kay kuya Salmon. Sumasailalim si kuya Salmon sa isang matinding gamutan patungkol sa kanyang (PTSD) Post traumatic stress disorder. Dahil dito ay madalas na makaranas ng trauma trigger ang Kuya Salmon, na siyang nadalas ding maging sanhi ng heart atack niya. May kung ilang beses din na ilang ulit nang nalalagay sa alanganin ang buhay niya. Sa tuwing makararanas siya nito lahat kami ay nagkakaroon ng matinding kalungkutan. Maging ako ay nakaranas rin ng stress dulot naman ng aking pagbubuntis. Masaya ako sa nalalapit na pagdating ng magiging anak namin ni Dave. Ang pagmamahalan namin ni Dave ay patuloy pa ring nababalot ng pangamba dahil sa patuloy pa ring malaya si Kuya Edmon. Sa paglipas ng mga araw at buwan ay ipinagpatuloy pa rin namin ang buhay. Gumawa ng par
Mabilis akong nakalakad palayo at pumara ng isang puting taxi. Hinanap ko muna ang I.D niya at tiningnan ang operator ng taxi. Nadala na kasi akong magsasakay basta basta ng hindi tintingnan ang driver at operator nito. May sasakyan ako pero hindi ko dinala dahil sumabay ako sa sasakyan ni Carol kanina. Kasabay din namin sina Joan at Shiela. Ang akala ko pa naman ay magiging maayos ang araw na ito ng pamamasyal namin at makakapamili kami ni Dave ng gamit para sa baby namin. Pero ano 'tong nangyari sa'min? Isang binatang lalaki na halos dalawang taon lang ang tanda ko sa MARVIN na iyon na sinasabi niyang anak niya! At tinatawag siyang PAPA! Napahawak ako sa noo ko sa isiping iyon. Nagtaka naman ang matandang driver. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya kung saan ako punpunta at basta ko na lang siya pina andar dahil nakita ko si Dave na lumabas ng mall.
Annies Pov: Four months later: Apat na buwan pa ang lumipas. Hindi naging maganda ang impresiyon ko kay Marvin na adopted son ni Dave. Ewan ko ba pero hindi ko ito nagustuhan. Marahil dala na rin ng hindi namin magandang unang pagkakakilala. Isapa ay antipatiko itong magsalita at may pagkamayabang. Hindi ko rin nagustuhan ang pagtawag-tawag niya ng Papa kay Dave kahit na alam niyang hindi siya pinapayagan ni Dave. Noon naman daw kasi ay parang wala lang ang turing sa kanya nito. Hindi niya raw akalaing aarte ito na parang anak talaga sa kanya. Nalaman ko ring dati palang gangster ito sa America. Kaya naman sinikap niyang mapagbago ito. Hindi naman talaga totally adopted niya ito. Kundi pinag-aral lang at itinuring na ngang ganoon. Ang akala niya ay kinalimutan na siya nito pagkatapos maka- graduate ng business add. s
Tiningnan ko si Dave ng mga oras na iyon kung ano ang magiging reaksiyon nito sa mga naririnig niya. "Dave alam mo ba ang kaugnayan ng pamilya mo sa mga Villegas?" tanong ni Papa kay Dave. "Well, ang lam ko lang po noong bata pa ako naabutan ko pa ang ilang miyembro ng pamilya nila na tapat na naninilbihan sa aming pamilya. Hanggang ngayon ay may mangilan-ngilan pa ring Villegas ang apelido sa mga nasasakupan ko sa Batanggas at sa Cavite. Noon pa man ay mayaman na po kasi ang aming angkan. At hindi na ako magtataka kung kaingitan sila ng ilang pamilya rin. Ang tungkol naman sa kaapihang dinanas niya mula sa pamilya ng mga Santivaniez, maaaring maraming Santivaniez sa mundo hindi lang ang angkan ko."
Nakarating ako sa mansion nila Annie. Kung saan pinili niya munang mag-stay bago dumating ang aming kasal. Isa pa napagkasunduan naming doon na manuluyan upang makasama ni Annie ang mga magulang niya at marami pang mga taong mangalaga sa kanya habang nagbubuntis siya.Mabilis kong hininto ang sasakyan sa tapat mismo ng mansiyon. Agad akong bumaba at hinahanap si Annie. Napansin kong wala ni isang tao sa buong mansion. Na siyang ipinagtaka ko. Mukhang maling pumayag akong manirahan kami ni Annie sa lugar na ito samantalang hindi pa nahuhuli si Edmon."Annie! Annie!" malakas kong sambit.Nagbabakasakali akong naririto pa siya at hindi pa lang nakaka-alis. Pero wala akong narinig kahit na kaunting boses manlang ni Annie.Habang nagpapalinga-linga ako ay nakarinig ako nang kaunting kaluskus banda sa kusina. Mabilis
Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakinggan ang pasasalamat ng presidente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang Badong ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay n
Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie."Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag. ********Six months later:Annie's pov:Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang. Kasalukuyan kaming narito sa batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bak
Dave's pov:Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng buong NBI."Kamusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin."Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo?" sabi nito na nanlilisik ang mga mata."Hindi mo ba alam na anak ko si Churles! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin."Anak mo pala siya!" mariin kong sagot."Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo."Anak! na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan."Alam mo, Ikaw pa rin h
Six months later: Annie's Pov: Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako. Iyon din ang sabi ni mama. Kapag daw natutulog na ako at saka dumarating ang asawa ko, binabantayan daw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Bagyo at asikasuhin multi ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni
Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. At nakita ko ngang nasa malayo na ang mga pulis at ang lahat ng mga kasama ko kanina sa loob ng mansion. Nakita ko rin na kinukuha na rin ng rescuers si Don Fabian na noo'y wala pa ring malay. Mas gusto ko sanang siya na lang ang naiwan doon at hindi si Churles. Ngunit naunawaan kong tama siya, mawawalan ng saysay ang lahat kung hindi niya pagdudusahan ang kanyang mga kasalanan sa batas. "Sir Dave, may tama ka," sabi ni Alvin at simon na sumalubong sa akin. Napasampay naman ang braso ko kay Alvin. "Simon, siguruhin mong mga pulis at NBI ang makakakuha kay Don Fabian." Tumango naman ito at agad na sumunod sa inutos ko. Pinuntahan niya si Don Fabian na kasalukuyang nakagapos na. Nang naroon na sila sa campo na medyo malayo na sa mansiyon ngunit tanaw pa rin namin ito. Hanggang sa naubos ang oras at tuluyang sumabog ang buong mansion. Hindi gumana ang planong naisip ko. Nakita naming tinupok ng ma
Nang makapaglabas na ng ilang baul ang tauhan ni Don Fabian ay pinagtulungan naming mga kalalakihan ang pagbuhat sa malaking aparato kung saan naroon ang bomba. Maliban kay Churles na kinuha ang mga lubid na kanina ay nakatali sa mga bihag at siya niyang itinali kay Don Fabian na wala pa ring malay."Isa...dalawa...tatlo...." bilang namin habang sabay-sabay na binubuhat ang aparato. Hanggang sa naipasok namin ang aparato sa loob ng silid at saka namin iyon muling isinara. May tatlong oras na nalalabi upang makatakas kami bago sumabog ang bomba.Samantalang naririnig na namin ang mga paghuhukay na ginagawa nila sa labas para mailigtas lamang kami sa nalalapit na pagsabog.Nakita nila ni Dhino at Shiemen ang kaunting lamat sa pader na nalikha ng mga tao sa labas. Habang pilit nilang hinuhukaya at tinitibag ang pader sa labas. Sinikap nilang mabasag ang mga salamin sa bintana ngunit napakatibay ng mga salamin dahil sa sobrang kapal at gawa sa mamahaling materyales.
Habang nag-iiyakan ang lahat ay nagising si Don Fabian. Tumawa na naman ng malakas."Ano, natatakot na ba Kayo!" sabay tawa ng napakalakas. "Ano ngayon ang gagawin niyong lahat?" tanong nito na halos baliw nang nagsasalita."Hayup ka!" sa sobrang galit ni Churles ay nasapak na niya ito at sinundan pa ng napakarami pang suntok. Natigilan na lamang siya ng makita niyang wala na naman itong malay.Samantalang kausap ko ang mga ka-team ko na kasalukuyan nang gumagawa ng paraan para maaccess nila ang security system ng buong mansion ni Don Fabian. Lahat ng data ay nasa computer na nila. At malaki ang tiwala ko na maha-huck nila ito.Habang ginagawa nila iyon ay tinignan ko ang bomba, meron na lamang kaming apat at kalahating oras para maka alis sa mansiong iyon."Hello Chip! Gumawa kayo ng paraan upang makaligtas kami, magpadala kayo ng mga kagamitan para magiba ang mga pader!"
"Ano! Huwag kayong kikilos ng hindi ko gusto! Subukan niyong galawin ang mga bihag niyo siguradong mamatay 'tong amo niyo!" sigaw ni Churles na idiniin pa ang bisig niya sa leeg ng matanda. Nakatutok sa sintido nito ang forty-five caliber na baril na hawak niya. "Sige na Dave! Lapitan mo na sila!" baling sa akin ni Churles. Mabilis naman akong nakalapit sa mga bihag. Mabilis kong kinalagan si Shimen, at Salmon upang matulungan nila akong kalagan ang iba. "Salamat Dave,"sabi ni Shiemen na agad namang kinalagan si Carol, at ang iba pang naabot niya. Nakatali ang mga kamay at paa nila. Sinunod ko naman si Salmon, at si Dhino.At nang makalagan ko na sila ay pinalabas ko na sila upang makalapit sa mga pulis. "Bilisan niyo lumabas na kayo, Dhino kayo nang bahala sa anak ko." sabi ko dahil nilapitan ko naman si Edmon, na noon ay nakahandusay at halos hindi na makakilos. "Edmon kaya mo pa ba?" tanong ko. Ngunit sinigawan ako nina Shimen at Salmon.
Si Don Fabian ay nakaupo sa upuang kumikinang sa ginto at umaastang parang hari. Naisip kong maaaring nababaliw na ito. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi na niya alam kung saan niya ilalagak at gagamitin kaya kung ano-ano na lang ang naiisip nito."Ano Don Fabian? Inaakala mo na bang hari ka kung nakaupo ka na sa mamahaling upuan mo? Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang usapang ito!" malakas kong sigaw sa kanya."Kalma ka lang Dave! Darating din tayo sa gusto mong mangyari!" At sinabayan pa nito ng malakas na tawa."Sige lang tumawa ka! Pwede ba? Ilabas mo na ang pamilya ko! Pakawalan mo na sila!" sigaw kong muli sa baliw na matanda.Tumayo muna ito sa kinauupuan nito at lumakad ng bahagya papunta sa amin. "Ano Dave ang hari pa ang lalapit sa'yo?" seryoso nitong sabi sa kanya nang makalapit sa amin ni Churles. Si Charles naman ay bahagyang niluwagan ang pagkakatali sa mga kamay ko sa aking likod