SA PENTHOUSE NAGHINTAY si Laura habang tinatapos ni Rave ang trabaho. Pagkapasok niya pa lang sa penthouse ay bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa silid na ‘yon. Tandang–tanda pa niya ‘yon.
“Ayokong isipin. Ayokong isipin,” paulit–ulit niyang sinasabi sa sarili.
Inabala na lamang niya ang sarili sa paghilata sa sofa sa sala. Kanina, pinadalhan siya ng pagkain ni Rave kaya ‘di siya nagutom. Natapos na rin niya ang pinapanood na movie. Tawang–tawa siya, ‘di na niya namalayan ang oras.
Bumukas ang pinto ng penthouse tanda na dumating na si Rave. Agad siyang tumayo para salubongin ito.
“Kumusta?” tanong niya agad dito. “Nainis ba siya sa’kin? Nagalit ba siya sa’yo? Nasira ko ba ang business deal n’yo?” Isa rin ‘yan sa mga inaalala niya kanina. Kahit na nakangiti si Mr. Go kanina, hindi pa rin siya mapakali. Hindi lang simpleng pagkabunggo ang nangyar
HABANG NAGLILINIS NG working room ni Rave si Laura, aksidente niyang napatid ang trash bin nito sa may mesa nito. Kumalat ang mga nakalamkumos na papel sa sahig. Mabilis na lumuhod siya sa sahig para linisin ang kalat. Natigilan siya nang mabasa ang pangalan niya sa ilan sa mga papel. Bakit naman kaya may pangalan niya roon? Alam niyang sulat kamay ‘yon ni Rave. Limang papel lang naman ‘yong nasa loob kaya inabala na rin niyang basahin ang mga ‘yon. ‘Yong unang nabasa niya. Mukhang bored lang talaga si Rave. Puro Laura lang ang isinulat nito. Parang nag–doodle lang ito ng pangalan niya. Baliw ‘yon. Talagang pangalan pa talaga niya ang pinag–trip–an. ‘Yong pangalawa, natawa siya. Nakasulat doon ang, Laura likes me. Laura likes me not. At ang huling nakuhang sagot nito ay, Laura likes me not. Halatang pinanggigilan ni Rave ang huling mga salita. May malaking ‘x’ pa sa katawan ng papel. Baliw! ‘Yong pangatlo, malaking
KANINA PA NAPAPANSIN ni Laura ang panaka–nakang pagsulyap ng anak ni Mr. Go na si Liam sa kanya. Hindi siya naiilang dahil wala naman siyang makitang malisya sa uri ng tingin nito. Kanina nang ipakilala silang dalawa ni Ross ni Rave sa mga Go ay napansin na niya agad ang gulat na reaksyon ni Liam. Hindi niya alam kung bakit, pero naalala niya rito ang unang reaksyon ni Mr. Go noong una silang magkita sa Sanjercas. Hindi kasama ng anak ni Mr. Go ang asawa nito dahil kapapanganak pa lang ng asawa ni Liam. Mabilis naman na nagkasundo sila Ross at ang anak na babae ni Liam na si Keziah. Magkasing–edad lang ang mga ito. Mabait naman ang dalawa, kapag tungkol sa business ang topic ay si Liam at Rave ang nagkakaintindihan. Paminsan–minsan ay sumasabat si Mr. Go pero hinahaluan naman ng matanda ng biro ang mga suhistiyon at opinyon nito. Sa tingin niya ay mabait naman ang mag–ama. Malakas ang kutob niyang mako–close ni Rave ang deal sa pagitan ng mga Sanjerca
“ANONG PINAG–USAPAN N’YO ni Mr. Go?” basag ni Rave sa loob ng kotse. Nasa likod silang dalawa ni Ross. Nakatulog na sa hita niya ang bata. “Ah, ‘yon? Tinanong niya lang kung naiilang ba ako sa kanila. Napapansin ko kasing iba sila makatingin.” “I noticed that too.” Tinignan siya nito saglit mula sa rearview mirror. “Bakit daw?” “Kamukha ko raw ‘yong kakilala niya noon. Saka may hawig din daw ako sa yumao niyang anak na babae. Mukhang ‘yon din ang napansin ni Liam kaya panay rin ang tingin niya sa akin. Nakita mo na ba ‘yong anak ni Mr. Go, Rave?” Umiling ito. “No, I haven’t seen Lucy in person. Ang alam ko lang ay labas pasok siya sa ospital noon. Masyadong pribado ang pamilyang Go.” Napatango–tango siya. “Kaya pala.” Kung siya rin ‘yon, ganoon din yata ang magiging reaksyon niya. Maiiyak siguro siya kapag may nakita siyang kamukha ng nanay niya. “Ang daldal mo kanina, ah?” Kahit ‘di niya tignan si Rave, narinig niya ang pagngi
NAGISING SI LAURA na wala na sa tabi niya si Rave. Inayos niya ang pagkakabalot ng kumot sa kanyang katawan saka iginala ang tingin sa buong paligid. Na saan kaya si Rave? Napansin niya agad ang puting T–shirt ni Rave na suot nito kagabi. Inabot niya ‘yon sa may paanan ng kama at isinuot. Maluwag at malaki ‘yon sa kanya at hanggang sa itaas lang ng tuhod niya. Bumangon siya mula sa kama at tinungo ang direksyon ng banyo. Hindi pa siya nakakalapit sa may pinto nang maramdaman niya ang mainit na mga bisig na pumaikot sa baywang niya. Napaawang ang labi niya sa gulat. Alam niya ang amoy na ‘yon. Pati ang mainit na hininga na tumatama sa sensitibong balat sa bandang leeg. “Laura,” anas nito sa may tainga niya. “Marry me.” Natigilan siya sa sinabi nito. Bago paman siya makapagsalita ay marahan na siya nitong pinihit paharap dito. Nakangiti ito sa kanya. Naalala niya ang nangyari sa kanila kagabi. Buong gabi siya nitong inangkin. Buo
“I SEE, THEY’RE BACK.” “Naikwento kasi ni Kevin sa’kin ang tungkol sa relasyon ni Rave at ng mga magulang ni Hannah. Sabi niya, simula nang mamatay si Hannah ‘di na naging maganda ang relasyon nila.” Niyaya siya ni Mykael sa loob ng opisina nito. Muli ay namangha siya sa interior design ng opisina nito. Syempre, magpapahuli ba naman ang opisina ni Mykael? Minimal design pero nandoon pa rin ‘yong feeling na makakapagsabi ka talaga na masarap magtrabaho. Mixture of white and mint green ang kabuoan na kulay ng opisina nito. Mula sa floor to ceiling na glass panel wall ay matatanaw ang papalubog na araw at unti–unting pagkalat ng mga iba’t ibang kulay ng mga ilaw sa mga kalapit na mga gusali. “Even when Hannah was still alive hindi na nila gusto si Rave para sa anak nila. May sarili kasing isip si Rave. Isa sa mga rason kaya ayaw nila rito. Wala itong pakialam sa opinion ng ibang tao. He was a bit full of himself, in a good way. Although Rave’s decisions
“SA TINGIN MO BA hindi namin alam kung anong klaseng babae ‘yang pinalit mo sa anak namin?” Natigilan si Laura nang marining ang boses ng ina ni Hannah sa library ng bahay. Bahagyang nakaawang ang pinto. Mukhang hindi yata ‘yon nasara nang maayos. Maingat na sumilip siya sa loob. Parehong nakaupo ang tatlo sa maliit na sala roon. Hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha ni Rave dahil nakatalikod ito sa kanya. Nakaharap sa kanya ang dalawang matanda. Sina Donya Luisa at Don Roberto. “Hindi ka na nahiya kay Hannah, isang hamak na babae lang sa bar ang ipinalit mo at gusto mong maging ina ni Ross. Are you out of your mind, Rave? Alam ba ito ni Emiliana?” dagdag pa ng ginang. Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi basta–basta ang pamilya ni Hannah. Marahil madali para sa mga ito para pa–imbestigahan ang pagkatao niya. “She’s not what you think of –” “We don’t care about her. Our concern is, hindi kami papayag na tumayong ina ang bab
"ANONG GINAGAWA mo rito, hija?” kalmadong tanong ng ginang sa kanya, bakas pa rin ang disgusto sa boses nito.“Maari ko po ba kayong makausap?” lakas na loob na sabi niya. “Kayo pong dalawa. Kahit ilang minuto lang po.”Binalingan ng donya ang apo. “Ross, puntahan mo muna ang Manang Melai mo sa garden. Kayo na muna ang maglaro. Mag–uusap muna kami ng M–Ma… Mama Lara mo.”“Sige po, Lola.” Binalingan nito ang lolo nito. “Lolo, si Twinkie po?”“Natutulog sa doghouse niya sa garden. Puntahan mo na lang apo.”“Okay po.” Bumalik naman sa kanya si Ross at yumakap sa baywang niya. Ibinaba niya ang tingin sa bata saka hinaplos ang buhok nito. “Mama, mamaya po, i–tour po kita.”Ngumiti siya. “Sige, mamaya.”Kumalas na sa pagkakayakap sa kanya si Ross. Sinundo ito ng isa sa mga katiwala at naglakad na ang mga
5 YEARS AGO“Fuck you!” mura ni Mykael kay Rave sabay suntok sa mukha nito. Gumanti siya ng suntok kay Mykael. “Kill yourself! Rot in hell. Do what you want. Kung ayaw mong tulungan ka namin. At least, think about your son. Live for your son, damn it!”“Ano ba kayo, tama na!” awat ni Kevin sa kanila. “Sino kayo para pangunahan ako?” Hinila ni Kevin si Mykael palayo sa kanya. Marahas na pinahid niya ang dugo sa gilid ng bibig gamit ng likod ng kamay niya. Madilim na tinignan niya si Mykael. “I told you, I’m okay. I’m fucking fine! Hindi ko sinabing mangialam kayo at kausapin n’yo ang mga magulang ni Hannah. ““You’re not okay!” giit pa rin ni Mykael. “You’re obviously dying inside, Rave. Bakit ba sinasarili mo ang lahat? You can sha
Oyy!Lumaban si papa, matapang, oyy!Lumaban si papa, matapang, aww!Tawang–tawang si Laura nang makita ang video ni Rave. Ito raw ‘yong initiation video nila Rave, Mykael, at Kevin dati. Si Kevin nagbigay ng copy sa kanya. Traydor talaga ang ‘sang ‘yon. Sabi ni Kevin sa kanya, 18 pa raw sa video na ‘yon si Rave. Ang bata–bata pa nito sa video at ang kinis–kinis ng legs ng asawa niya.Laban–laban, o bawi–bawi!Laban–laban, o bawi–bawi!Gayang–gaya ni Rave ang stepping ng Sexbomb habang nakasuot ito ng sobrang ikli na puting shorts. Ang kinis talaga ng legs. Nakasuot ng mahabang wig si Rave at naka pulang spaghetti blouse at rubber shoes na minidyasan pa nito nung uso noon na medyas na may pa ruffles.
“‘YONG SINULAT MO sa mga paper planes,” basag ni Laura sa kalagitnaan ng first dance nila bilang mag–asawa. Pero sa pagkakataon na ‘yon. Totoo na talaga. Totoong kasal at sa totoong pari. “Akala ko talaga nakalimutan mo na ‘yon.”“How can I forget that when you’re in my mind every day?”Natawa siya. “Ay talaga?”“I had a hard time looking for the perfect song that will tell Rave’s love for Laura. Don’t ask how I did that because it was a disaster. Thank God, I survived that stage of my life.”“Bakit feeling ko hiningan mo rin ng advice sila Mykael, Kevin at Peter?”“Na sana ‘di ko na lang ginawa.”Lalo siyang natawa. “Sinabi ko na e.”“Paano ba ako nagkaroon ng mga ganoong kaibigan?” Napailing–iling na lang si Rave.“Kasi nga kailangan mo sila sa buhay mo.”
SA WAKAS AY NAKALABAS na rin ng ospital si Lawrence. Sa ngayon ay nasa poder na ito ng totoo niyang ama. Inaayos na ng attorney ng papa niya ang adoption papers ni Lawrence para maging legal na anak ito ng papa niya.Alam lahat ng ama niya ang tungkol sa kanya at sa kapatid niyang si Lawrence dahil nagpaimbestiga ito sa kanya simula nang makita siya nito roon sa resort nila Rave. Malaki ang hawig niya sa nanay niya at sa yumaong anak nito na babae kaya kinutuban na ito.Ibinalita na rin sa kanila ni Peter ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang kinilalang ama. Natagpuan ang bangkay nito na palutang–lutang sa dagat sa Cebu. Ayon kay Peter, sinadyang patayin ang ama base na rin sa ilang balang bumaon sa katawan nito.Kahit na hindi naging maganda ang trato ng kinilala niyang ama ay nalungkot pa rin siya at naiyak sa kamatayan nito. Lalo na para kay Lawrence na siyang totoo nitong anak. Pinagdasal na lamang niya ang kaluluwa ng kanyang yumaong ama at tiyahin.
“I KNOW YOUR MOTHER, Laura.”Matamang nakatitig lamang si Laura kay Mr. Anthony Go. Hinayaan niyang ikuwento nito ang lahat. Nagulat siya nang makita ito. Sinabi sa kanya ni Rave na may gusto raw kumausap sa kanya tungkol sa totoo niyang ama. Hindi niya inasahan na si Mr. Go pala ang taong gusto siyang kausapin.“Ang m–mama ko po? Paano po?”“Laura, hija. Patawarin mo sana ako kung hindi ko nagawang mahalin pabalik ang ‘yong ina.” Kumunot ang noo niya.Mahalin? Bakit?“Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa aking namayapang asawa. At lubos ko ‘yong pinagsisihan. Kung alam ko lamang na nagbunga ang gabing ‘yon ay sana nagawa kong tulungan si Laurine.”“H–Hindi ko po kayo maiintindihan...”“Nakilala ko ang ‘yong ina sa isang bar. Kamukhang–kamukha mo si Laurine, Laura. Your mother was the most beautiful girl in that b
NAINGAT NI RAVE ANG mukha sa malaking bahay ng mga Rodriguez. Humugot siya nang malalim na hininga. Ito ang unang beses na kakausapin niya ang mga magulang ni Hannah para ipaliwanag ang sarili. Tama si Laura at ang mga kaibigan niya. Hindi masamang sabihin ang totoo niyang nararamdaman. Hindi masama para ipagtanggol ang sarili lalo na kung nasa tama.Kung ano man ang maging tingin nila pagkatapos ng sasabihin niya, ang mahalaga ay nagawa niyang linawin ang mga maling bagay tungkol sa kanya.“We understand, Rave.” Nagulat siya sa naging reaksyon ng ina ni Hannah sa mga ipinagtapat niya. “We have judged you unfairly. Napag–isip–isip namin ni Roberto na naging unfair kami sa’yo. Laura had put a little sense in us. Naging emosyonal kami dahil sa pagkamatay ni Hannah. Wala kaming ibang masisi kundi ikaw lang.”“Kinalimutan namin ang saya na nakita namin sa anak namin noong nabubuhay pa lamang siya,” Don Roberto ad
HE NEVER REALIZED it nor until she left. Until she turns her back at him. He was too harsh. He couldn’t contain his anger. He didn’t want other people to be treated badly because of him. He didn’t want others to worry. If he can, he would do his best to keep everything by himself. It works better for him that way. But I guess, it didn’t, instead, I’ve hurt them more. 5 YEARS AGO “Kung ano man ang mangyari sa akin, promise me Rave, you’ll keep smiling.” Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Hannah sa kanya. She was smiling at him like it was just normal for her to say that. “Don’t say that.” Humigpit ang hawak nito sa kamay niya saka inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Nakaupo sila sa isa sa mga bench sa garden sa ospital. Naka schedule na this week ang pangangak ni Hannah – C section dahil sa heart risk nito.
NAKAUPO SIYA SA isa sa mga bench sa garden ng ospital. Dala–dala niya ang mga paper planes na naipon niyang bigay ni Rave sa kanya. Inilagay niya ang mga ‘yon sa isang transparent jar. Naingat niya ang mukha sa kulay kahel na kalangitan na unti–unti nang kumakalat sa buong paligid.Walong paper planes.Walong paper planes ang ibinigay ni Rave sa kanya. Inabot niya sa tabi ang jar at binuksan ‘yon. Isa sa mga napansin niya dati pa ay ang mga numerong isinulat ni Rave sa may pakpak ng mga paper planes. Hindi niya alam kung bakit, pero baka gusto lang nitong maalala niya ang unang paper plane na ibinigay nito sa kanya.Kinuha niya ang paper plane na may number one sa pakpak nito.Noong una ay nilaro–laro lang niya ‘yon nang may mapansin siyang kakaiba sa katawan ng paper plane. Tila ba may bumakat na litra sa katawan nito. Kumunot ang noo niya. Ano kaya ‘yon? Mabilis na itinabi niya muli ang jar at sinira ang porma n
5 YEARS AGO“Fuck you!” mura ni Mykael kay Rave sabay suntok sa mukha nito. Gumanti siya ng suntok kay Mykael. “Kill yourself! Rot in hell. Do what you want. Kung ayaw mong tulungan ka namin. At least, think about your son. Live for your son, damn it!”“Ano ba kayo, tama na!” awat ni Kevin sa kanila. “Sino kayo para pangunahan ako?” Hinila ni Kevin si Mykael palayo sa kanya. Marahas na pinahid niya ang dugo sa gilid ng bibig gamit ng likod ng kamay niya. Madilim na tinignan niya si Mykael. “I told you, I’m okay. I’m fucking fine! Hindi ko sinabing mangialam kayo at kausapin n’yo ang mga magulang ni Hannah. ““You’re not okay!” giit pa rin ni Mykael. “You’re obviously dying inside, Rave. Bakit ba sinasarili mo ang lahat? You can sha
"ANONG GINAGAWA mo rito, hija?” kalmadong tanong ng ginang sa kanya, bakas pa rin ang disgusto sa boses nito.“Maari ko po ba kayong makausap?” lakas na loob na sabi niya. “Kayo pong dalawa. Kahit ilang minuto lang po.”Binalingan ng donya ang apo. “Ross, puntahan mo muna ang Manang Melai mo sa garden. Kayo na muna ang maglaro. Mag–uusap muna kami ng M–Ma… Mama Lara mo.”“Sige po, Lola.” Binalingan nito ang lolo nito. “Lolo, si Twinkie po?”“Natutulog sa doghouse niya sa garden. Puntahan mo na lang apo.”“Okay po.” Bumalik naman sa kanya si Ross at yumakap sa baywang niya. Ibinaba niya ang tingin sa bata saka hinaplos ang buhok nito. “Mama, mamaya po, i–tour po kita.”Ngumiti siya. “Sige, mamaya.”Kumalas na sa pagkakayakap sa kanya si Ross. Sinundo ito ng isa sa mga katiwala at naglakad na ang mga