"Ano po 'yang niluluto niyo?" usisa ni Colet nang madatnan nila si Rose sa kusina ng sobrang aga.Nginitian lang sila ni Rose at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Lumapit na ang tatlo sa kanya at sinilip ang ginagawa niya, napansin nila ang makintab sa kanyang daliri. Nagkatinginan silang tatlo at sabay na naghagikgikan."Nagproprose na po ba ulit si Senyorito sa inyo at mukhang nasa mood kayo ngayon ah?" panunudyo ni Renalyn.Natatawang umiling si Rose, "Hindi naman ibig sabihin na kapag may suot na singsing ay ganoon na agad. Regalo lang ito ni Xavion, at saka ganito na talaga ang mood ko. Huwag na kayo magtaka." pabirong tugon niya."Tama nga naman si Ma'am Rose, kayo talaga napakamalisyosa niyo. Kung ano naiisip niyo, nadadamay tuloy ako." wika naman ni Yanna na inirapan naman agad ni Colet.Binalingan ni Colet ang casserole pan na nakasalang. "Pero ano po muna 'yang niluluto niyo?" pangungulit pa nito."Miso soup."Kumunot ang noo ng tatlo. Wala naman kasing masyadong mahilig sa so
Habang nasisiyahan sa panonood ng pelikula si Rose sa living room, dumako ang atensyon niya sa taong pababa ng hagdan. Mas maaliwalas na ang mukha nito kung ikukumpara kaninang umaga. Mukhang kagigising lang din dahil sa buhok nitong magulo na nagpapadagdag sa kanyang angking kakisigan. Napaayos siya kaagad ng upo.Sinalubong niya ang pagbaba ni Xavion."Kumusta ka na, Xavion? Kumusta na ang pakiramdam mo? May lagnat ka pa ba? Masakit pa ba ang sugat mo?" sunod-sunod na tanong niya.Naglakad ito patungo sa kusina, nilagpasan siya pero sumunod pa rin siya."I'm fine, Rose. The fever's gone, and the wound's okay." he answered gruffly.Napangiti siya sa sagot nito. "Mabuti naman. Pero ngayon na mas maayos ka na, mayroon akong isang munting hiling." wika niya na ikinatigil ni Xavion."What is it?" nagugulumihanang tugon nito."Eh, alam mo, gusto ko sanang..." Napakagat siya sa kanyang labi.Inipon ni Rose ang sapat na lakas ng loob para sabihin ito kay Xavion. Gusto niya lang talaga saman
Sa Spy Creek Garden, habang nakasakay si Rose sa likod ni Xavion, di-mabilang na tanawin ang kanyang nasaksihan. Ang kanyang mga mata'y nagningning sa tuwa at paghanga, habang ang init ng araw ay nagpapalakas ng kanyang saya.Ang buhok ni Rose ay sumasayaw sa hangin, at ang kanyang ngiti ay parang sumisimbolo ng kaligayahan na nararamdaman niya. Sa tuwing may makikita siyang magandang bulaklak o tanim, hindi niya napigilang mapatawa at magpahayag ng kanyang paghanga.Hindi niya mapigil ang paghanga sa kagandahan ng paligid. Nagsisimula nang magsilbing ilusyon ang paligid na mistulang isang paraiso. Gayunpaman, si Xavion ay tahimik at seryoso sa kanyang pagmamasid, tila walang pakialam sa mga natatanaw nilang kagandahan."Grabe, Xavion! Ang ganda-ganda dito! Parang sa mga pelikula lang!" parang batang bulalas niya."Yeah." maikling sagot ni Xavion."Bakit parang hindi ka na-e-excite? Hindi ka ba nagugulat sa kagandahan dito?""What else should I expect? It's just plants.""T-teka, ibab
Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Xavion, nagpakita ng galit sa kanyang mga mata. Napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Rose."Anong nangyari, Xavion? Paano siya nawala? Nagkasakit?" kuryosong usisa niya.Tumalikod na si Xavion na ipinagtaka niya. "She was killed."Parang nabuwal sa gulat si Rose sa narinig. "Pinatay?" ang biglang sigaw ni Rose, hindi makapaniwala sa narinig.Inayos nito ang isang pot na parang matutumba. "Someone took her life deliberately, and I've been searching for justice ever since." wika niya, "And this garden, made me feel like I was a failure, it made me weak that it reminds me of how coward I am."Napakalalim ng damdamin ni Rose habang pinag-uusapan nila ang sakit at kahirapan. Naramdaman niya ang hagupit ng lungkot at pagkasuklam nito sa mundo. Naiintindihan niya na kung bakit ganoon na lang makitungo si Xavion sa mga tao na nakapaligid sa kanya. Hindi niya alam na ganoon kabigat iyon.Even how dangerous a monster could be, there's always be a pie
Habang dahan-dahan bumababa sa hagdan si Rose, hindi niya maiwasan na habulin ang kanyang hininga. Ang bigat ng tiyan niya, pakiramdam na para siyang may bitbit na kalahating sako ng bigas. Halos mag-aapat na buwan na rin ang tiyan niya at habang tumatagal ay mas lalo siyang nahihirapan. Hindi niya naman aakalain na sobrang hirap pala talaga ang magbuntis. Hindi ito biro. Maiingat na hakbang lang ang ginagawa niya. Hindi naman ganoon kahaba ang hagdan na tinatahak niya. Simula nang lumaki na ang tiyan niya ay lumipat na sila ng kwarto sa baba, ang kwartong iyon ay nasa pangalawang palapag lamang at hindi naman gaano kalayo ang distansya nito sa baba. Hinawakan niya ang malaking tiyan niya. Kitang-kita ang kaba sa mga mata niya. Sa bawat hakbang niya, para bang tumitibok ang puso niya nang mabilis. Nang biglang bumukas ang pinto, napangiti si Rose nang makita si Nikolas. "Rose!" sigaw ni Nikolas, namangha pa ito nang masilayan ang malaking tiyan niya. "Nikolas!" Hindi alintana ang
Natulala si Rose sa mga sinabi ni Nikolas, at hindi niya alam kung paano mag-rereact dahil hindi niya inaasahan ang biglaan nitong pag-amin. Hindi niya man lang naihanda ang sarili. Sa maikling panahon na nagkasama sila ay wala siyang inaasahang aabot ng ganito ang nararamdaman sa kanya ng binata.Malayo siya sa magiging tipo nito. Ano nga ba ang panama niya sa klase ng buhay na mayroon ito. A nobody like her don't deserve him."Nabibigla ka lang, Nikolas..." nasabi niya, ang kanyang mukha ay puno ng gulat at pagkabigla. "Imposible ang sinasabi mo—"Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Nikolas ang magkabilaan niyang pisngi, ngumiti ito ng bahagya. "Gusto mo bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ako umalis?""Nikolas, hindi sa—""Dahil sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa 'yo. I tried holding back my feelings for you dahil sa pagkakaibigan natin pero narealize ko, wala naman akong dapat na ikatakot, hindi ba? Alam kong maraming proseso para magustu
Sa gitna ng kalmadong gabi, habang ang kaladilim ay sumisilay sa paligid, si Rose ay nakaupo sa isa sa mga upuan doon sa terasa habang ang ukulele na bigay ni Nikolas ay nakapatong sa kanyang kandungan. Tinitingnan niya ang mga nagkikislapang bituin. Ang mahinang pagtugtog ng mga kuwerdas ay nagpaparamdam ng kalinawan sa katahimikan ng silid, a soothing melody that matched the rhythm of her thoughts.She couldn't shake off the heaviness in her heart from the earlier conversation with Nikolas. Ang bawat salitang binitawan nito ay malinaw pa sa kanya, stirring up a whirlwind of emotions that she struggled to make sense of.Gusto niyang maniwala, pero binabagabag siya ng kanyang puso. Bakit napakahirap magdesisyon?Napabalik siya sa kanyang kamalayan nang marinig ang pagbukas ng pintuan at nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Xavion, ang kanyang pagdating ang nagpabasag sa katahimikan. Nakatayo lang ito roon, ang kanyang mga braso ay nakalapat sa kanyang dibdib. Malamig ang ekspresy
Damang-dama ang galit ni Don Stevino nang sumulpot ito sa headquarters ng Cirrino Lazaro. Ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan ay nakatayo sa harap niya, ang mga ulo ay nakayuko sa kahihiyan, habang inaabangang ibunton nito sa kanila ang kanyang galit.Lumapit ito sa nangunguna sa grupong iyon."Binigyan ko kayo ng isang simpleng gawain," nagngangalit si Don Stevino, "Isang gawain, at hindi mo man lang magawa."Pagkuwa'y pinagsusuntok nito iyon, walang nangahas na kumibo. Nagpalitan ng sulyap ang mga subordinates ni Don Stevino, alam na alam ang kahihinatnan ng kanilang pagkabigo. Minamaliit nila ang grupo nina Xavion at Draco, at ngayon ay nahaharap sila sa galit ng kanilang makapangyarihang amo."G-Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya, Don Stevino," nakipagsapalaran ang isa sa mga lalaki, nanginginig ang boses sa takot. "Pero hindi sila basta-basta. Iilan lamang sa amin ang nagawang makaligtas." pahayag nito.Ang mga mata ni Don Stevino ay kumislap sa galit. "Excuses!" umun
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya. Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit. Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an