Share

Chapter 1

Author: psynoid_al
last update Last Updated: 2022-03-08 01:31:01

Sabi ni Mama, pinanganak daw ako’ng swerte, kasi, ipinanganak ako sa year of the Dragon. Full moon pa raw nang gabing `yun, at may dalang white flower in full bloom ang papa ko nang pinuntahan n’ya kami sa ospital.

Pero matapos manganak ni Mama, hindi na raw sila nagkita ni papa, kasi nalaman n’ya na kasal na pala si papa sa iba. Umuwi kami ng probinsiya noon nang hindi nagpaalam sa kan’ya.

“Alam mo ba, napaka-swerte talaga ng baby ko, kung hindi ka pinanganak nang gabing `yon, hindi `ko mabibisto na may asawa pala papa mo! Kung sakali, hanggang ngayon, niloloko n’ya pa rin ako!” madalas ikuwento `yan sa `kin ni Mama nang 5 years old na `ko.

“Bakit po may ibang asawa si papa?” tanong ko minsan nang malaki-laki na ako. ”Bakit ka po niya niligawan kung kasal na siya?”

“Kasi wala raw siya’ng anak sa asawa n’ya,” sagot ni Mama. “Kaya nga napaka-swerte talaga nang ipinanganak kita.”

Sa lahat nga ng bagay, lagi kaming swerte.

Nanghiram si Mama ng kaunting puhunan sa lolo ko sa probinsya at naglako kami ng mga panahi tuwing hapon. Lagi n’ya ko’ng kasama, matapos ang klase ko sa umaga. Ako ang living mannequin n’ya, ako rin ang tagaalok at ang tagasigaw n’ya ng paninda.

Tuwang-tuwa ang mga suki namin dahil ang cute-cute ko raw, mestizo’ng-mestizo, blondie na, blue pa ang mga mata, mana kay papa. Mapa damit panglalaki o pambabae man, lahat bumabagay sa `kin!

Nang makaipon kami nang konti, naki-hati naman si Mama ng puweto sa kumare n’ya sa palengke, at nang malaki-laki na ang kita namin, bumili naman siya ng dalawa pang high-speed na makina at umupa ng mananahi.

“Kita mo, anak, napaka swerte mo talaga!” lagi n’ya’ng sinasabi sa `kin, “`Di magtatagal, magkaka-fashion line na tayo, at magkakaroon tayo ng mga branches sa buong mundo!” Niyakap n’ya `ko ng mahigpit at pinaghahalikan, “Ikaw talaga ang good luck charm ko!”

Talagang mahal na mahal ako ni Mama, at mahal na mahal ko rin siya. Sa lahat ng bagay, magkasangga kami, sa lahat ng problema, magkasama.

`Di nagtagal, dumami mga makina namin at mananahi, nakapag-ipon kami ng sapat at nakabalik sa Manila. Nakakuha si Mama ng pwesto sa mall at nagbukas kami ng ’Pilapil Clothes Line’ for young men and women na agad sumikat dahil sa ganda ng mga designs n’ya.

“Ms. Pilapil, ang gaganda talaga ng mga design ninyo!” bukambibig ng mga suki namin, “At napaka pogi pa ng model mo, tisoy na tisoy!”

“Naku, eto ang goodluck charm ko!” pagmamalaki ni Mama na paborito ako’ng kurutin sa pisngi at paghahalikan, “Kung hindi dahil sa kan’ya, `di ako aabot dito ngayon!”

“Alpha po ba ang anak ninyo?”

Ito naman lagi ang tanong nila tuwing nakikita ako.

“Hindi!” sagot ni Mama, “Omega ang anak ko, napaka swerte! Kaya n’yang magbuntis at magluwal ng buhay!”

Tama, isa ako’ng omega.

Hindi ko nga maintindihan, kung bakit `pag sinasabi ni Mama na omega ako, natatahimik ang mga kausap n’ya. Minsan, may nagsabi pa sa `kin na kawawa daw ako sa mga alpha? Ewan ko nga ba kung bakit.

Mababait naman ang mga alpha na kilala ko, tulad ng Kuya Chris ko sa probinsya na lagi ako’ng binibigyan ng candy `pag bumibisita kami sa kanila. Pati na rin si Mr. Esguera na may ari ng apartment namin dati na lagi ako’ng pinapahiram ng bisikleta ng mga anak n’ya. Mababait rin ang mga nakikilala ko’ng alpha na suppliers ni Mama sa patahian namin.

Wala rin naman ako’ng problema sa pagiging omega ko. Binibilhan ako lagi ni Mama ng mga gamot at sinisigurado na iniinom ko `to nang maayos at sa oras araw-araw. Lagi rin n’ya ako’ng hinahatid at sinusundo sa school ko na pang-omega lang. Ganyan ako kamahal ni Mama kaya alagang-alaga ako sa kan’ya, ako kasi ang goodluck charm n’ya.

Pero, parang nagbago ang lahat mula nang makilala n'ya si Mr. Diaz noong senior high ako.

“Joshua, anak, I want you to meet my soon to be partner, Mr. Diaz, balak n’ya’ng makipag merge sa atin.”

“Merge? Siya po ba ang may-ari ng Diaz Accesories?”

Nabanggit nga ni Mama dati `yung tungkol sa business opportunity na inalok ni Mr. Diaz sa kan’ya.

“Oo, anak,” inakbayan ako ni Mama. “Pero from now on, hindi lang kami magiging basta business partners lang.”

Tumingin siya kay Mr. Diaz na ngumiti at umakbay din sa `kin.

“Joshua, gusto mo ba’ng magkaroon ng Daddy?” tanong n’ya.

“Po?” napaisip ako, “Hindi naman po namin kailangan ng Daddy, kaya po namin ni Mama mag-isa. Bakit?” tumingin ako kay Mama. “May nag-aalok po ba?”

Natameme si Mr. Diaz at natawa naman si Mama.

“Ako sana...” sabi ni Mr. Diaz.

”Wow, Mama, may nagkamali?!” biro ko.

”`Oy, ikaw, bata ka, ha? Umayos ka!” pinanlakihan n’ya `ko ng mata.

Kinasal sila three months later. Engrande! Si Mama pa mismo ang nagdesign ng wedding dress n’ya, pati na rin ng buong entourage! First time ko `yun makita siya’ng ganoon kaganda! Dati kasi, kahit magaganda ang mga tahi n’ya, bihira siya’ng mag-ayos, dahil natural naman ang beauty n’ya.

Napaka saya n’ya talaga noon!

Masaya rin ako, s’yempre, for 18 years, dalawa lang kaming magkasama ni Mama, ngayon, may Daddy na ko, at may dalawa pa’ng bagong Kuya, at sinama pa nila kami sa kanilang mansion!

“Dito ang kuwarto mo. Katabi mo ang kuwarto nina Kuya Edwin at Kuya Edward mo, pero since pareho na sila’ng nasa college, madalas sila’ng busy, kaya `wag ka’ng mag-iingay masyado,” sabi ng bago ko’ng Daddy na may pagka-strikto. “And since omega ka at pareho’ng alpha ang mga anak ko, kinakailangan na lagi kang umiinom ng gamot mo. Maliwanag ba?”

“Opo Daddy,” tumatango ko’ng sagot.

“Kailangan din may dala ka laging suppressant injection for emergencies,” dagdag pa n’ya.

“Opo Daddy,” sagot ko `uli, nakangiti.

“Now, since marami kaming kailangang ayusin ng mama mo, madalas kaming wala sa bahay,” patuloy n’ya, “you can do whateve you want and go anywhere, basta `wag lang sa kuwarto ng mga Kuya mo, maliwanag ba?”

“Okay po Daddy.”

“`Pag may kailangan ka, tumawag ka lang sa isa sa mga maids, okay?”

“Okay.”

“O, handa ka na ba, dear?” tawag ni Mama na lumabas mula sa room nila. Bihis na bihis s’ya at ang bango-bango pa!

“Handa na, nasabihan ko na rin si Joshua tungkol sa house rules.”

“Ok, Josh, anak, mag-ingat ka, ha, mula ngayon, si manong Johnny na ang mag d-drive sayo sa school.” Niyakap n’ya `ko nang may panggigigil at hinalikan ng ilang ulit sa mukha.

“Mama, naman! Lipstick mo!”

“`Wag kang aalis nang wala si manong Johnny, ha?” pinunasan n’ya ang mga iniwan n’yang marka.

“Okay po, Mama.” niyakap ko rin siya at hinalikan pabalik, ”Ingat po kayo ni Daddy!” h*****k din ako sa pisngi ng bago ko’ng Daddy bago sila umalis.

”Sige, mauna na kami.”

Related chapters

  • Good Luck Charm   Chapter 2

    Tulad nang sinabi ni Mama, si manong Johnny na nga ang naghatid-sundo sa `kin sa school. Okay naman, wala halos nagbago sa schedule ko, kaya lang mula noon, bihira ko nang makita si Mama. Sa umaga na lang kami nagbabatian, bihira pa, tapos nagmamadali pa lagi silang umalis.Ang mga bagong Kuya ko naman, tanghali ang pasok sa college. Tulog pa sila pag-alis ko sa umaga, at gabi na kung umuwi.Inisip ko, sa weekends na lang ako babawi. At least, magkakasama kami, at mararanasan ko rin magkaroon ng malaking pamilya! Pero kahit sa weekends, halos wala pa rin ako’ng kasama.Lumipas ang unang dalawang Linggo na halos `di kami nagkikita, kaya ang saya ko nang sa wakas ay makasama ko si Kuya Edwin sa hapag kainan pagdating nang ika-tatlong Linggo!”Good morning Kuya Edwin!” bati ko sa pinaka matanda ko’ng Kuya. ”Buti nagkasabay din tayo kumain! Akala ko talaga sa sobrang laki ng bahay, hindi na tayo magkikita!””Mm

    Last Updated : 2022-03-08
  • Good Luck Charm   Chapter 3

    Naging close na kami mula no’n, para talaga kami’ng tunay na magkakapatid! Kaya lang, lagi ako’ng inaasar ni War, at lagi namang napapagalitan ni Kuya Win.“Josh!” biglang pasok ni War sa kuwarto ko habang nagpapalit ako ng school uniform. “Laro tayo games!”“Wow, `yan ba `yung bagong labas sa laro?” inalis ko ang sando ko at binuksan ang aparador para kumuha ng kamiseta. Pagsara ko ng pinto, nasa tabi ko na si War.”Ang payat mo, bakit ba kahit tambakan kita ng pagkain, `di ka pa rin tumataba?” kinapitan n’ya `ko sa magkabilang bewang at kiniliti!“A-ha-ha-ha-ha! `Wag! War! A-ha-ha! Tama na!” malakas pa naman ang kiliti ko!”Mmm! Ang puti-puti mo talaga!” pinaghahalikan n’ya `ko sa batok, tapos niyakap n’ya ko sa tiyan habang pinanggigigilan! ”Ang bango ng baby bro ko!””Ha-ha, niregaluhan ako ni Mama ng bagong colog

    Last Updated : 2022-03-08
  • Good Luck Charm   Chapter 4

    Mula noon, madalas na kaming magkasama ng mga kapatid ko sa hapon. Tingin ko, naawa sila sa akin, nang sabihin ko na lonely ako. Kaya napaka saya ko dahil `di na ko nag-iisa lagi sa bahay.Kaya lang, tingin ko, hindi magkasundo sina Kuya Win at War. Madalas ko sila nakikitang masama ang tingin sa isa‘t-isa. Pero okay lang, at least `di sila nagbabangayan.Sa dalawa, si Kuya Win ang matalino, habang mas magaling naman sa sports si War, Kaya `pag may `di ako maintindihan sa school kay Kuya Win ako nagpapaturo matapos maghapunan.”Napaka simple naman nito’ng math problem na `to ba’t `di mo maintindihan?” tanong s’ya sa `kin minsan habang tinuturuan ako sa kuwarto ko.”Ha? Teka, saan nanggaling `yung number 25?””Kukunin mo nga kasi muna ang value ng N.””Eh, `yung X?””Hay,” yumuko si Kuya Win at isinulat `uli ang equation sa papel ko, ”Ayan, bago m

    Last Updated : 2022-03-08
  • Good Luck Charm   Chapter 5

    Mula noon, nag-aral na `ko nang mabuti! Ayaw ko kasing maparusahan ni Kuya Win, pero sa totoo lang, parang `di naman `yun parusa, kasi, matapos ng pangatlo’ng mali ko, parang sumasarap na s’ya!Ang sarap kasi’ng mangiliti ni Kuya Win, eh, `di tulad ni War na laging nanggigigil!Kaya lang nakakatakot magalit si Kuya, baka damihan pa n’ya lalo mga math problems na sasagutan ko!Kinagabihan, kinulit nanaman ako ni Kuya War. Nagtitimpla ako ng gatas nang bigla n’ya `kong hatakin sa balakang!”Ay tokwa!” agad n’yang tinakpan ang bibig ko.”Shh! Baka magising sina dad, kakapasok lang sa kuwarto para matulog.””Ikaw naman kasi! Hilig mo’ng nanggulat!” hinampas ko s’ya sa braso.Mag-aalas onse na nga, `di lang ako makatulog kaya naisipan ko’ng gumawa ng hot milk.”Ba’t ba gising ka pa? Sabi ni Daddy may exam ka raw bu- Ack!” inil

    Last Updated : 2022-03-08
  • Good Luck Charm   Chapter 6

    “Josh, gising ka pa?”Patulog na ako nang pasukin ako ni War sa kuwarto nang gabing iyon.”O, bakit?” Nagpigil ako ng hikab habang nakahiga sa kama.”`Di pa `ko inaantok, eh, laro muna tayo.””Ha? Inaantok na ko, kakatapos lang naming mag-aral ni Kuya Win.””Bakit ba lagi ka’ng inaantok pagkatapos n’yong mag-aral, `di na tuloy tayo nakakapaglaro.” Ngumuso si War habang palapit sa `king kama.”`Pag kasi mali ang sagot ko, lagi n’ya `ko pinaparusahan! Nakakapagod!””Bakit, lagi ka ba’ng mali?” natatawang tanong ni War na umupo sa kama ko.”Uy! Hindi ha, nag-aaral na `ko nang mabuti! Mahirap na, baka mapanisan ako!””Ha?” napasimangot sa `kin si War. Gumapang ako palapit kay War at bumulong sa tenga n’ya.”Pag kasi mali ang sagot ko, kinikiliti ako ni Kuya, tapos `pag nakaka

    Last Updated : 2022-04-12
  • Good Luck Charm   Chapter 7

    Talaga’ng `di na ko bumalik sa kuwarto nina Kuya! Kaya pala pinagbawalan ako ni Dad dati, alam n’ya siguro na pagtutulungan ako ng dalawa! Si Mama naman, tuwang-tuwa dahil tumaas ang mga grades ko sa school dahil sa pag-tutor sa `kin ni Kuya Win. “Naku! Ang galing-galing naman ng Josh ko! Balita ko, umabot ka raw sa top 10 ng class n’yo?” bati sa `kin ni Mama nang dumating ang resulta ng midterm exams namin. “Opo Ma! Magaling po kasi magturo si Kuya Win!” pagmamalaki ko habang kumakain ng cinnamon roll. “Sige, pagpatuloy n’yo `yan,” sabi naman ni dad na busy sa kanyang cellphone, “Ikaw, War, `yung mga projects mo sa engineering, naipasa mo na ba lahat?” “Opo, dad, “ ngumiti siya ng pilyo, “isa na lang po ang kulang, ipapasa ko bukas.” Buti pa ganito, eh, bihira kami’ng magsama-sama buong pamilya, pero `pag nagkakasama kami sa umaga, nagiging good boy si War, at pati si Kuya Win, `di ako pinagagalitan lagi. Kaya lang, may pupunt

    Last Updated : 2022-04-18
  • Good Luck Charm   Chapter 8

    Nagkabati `uli kami nina Kuya. Pero mula noon, `di na talaga `ko pumasok sa kuwarto nila! Kahit pa kulitin ako ni War na `di s’ya makatulog o kailangan n’ya ng payo sa love life, `di ko na s’ya pinagbigyan. Buti nga `di nagalit sa `kin si Kuya Win, eh, tuloy pa rin ang pag-tutor n’ya sa `kin, at tuloy pa rin ang pagtulong sa kin si War para maalis `yung natitirang panis sa katas sa loob ng birdie ko. “Ayan, pumasok ka sa kuwarto na `yan... buksan mo `yung second door...” ”E-eto ba?” ”Oo... ngayon buksan mo `yung treasure box sa kaliwa...” ”W-war, ayan ka nanaman, eh!?” “Dali, buksan mo `yung kahon, may time limit `yan.” “Ahh...” napindot ko ang sa kanan. “Hala!” sumabog ang kahon. “Sabi ko sa kaliwa, eh!” ”E-eh... kasi naman... `di ako makapag laro dahil sa ginagawa mo!” Tinaas ko ang kapit ko’ng kontroller at sinilip ang kamay n’yang nasa loob ng shorts ko. ”Dahil d’yan, kailangan kitang p

    Last Updated : 2022-04-18
  • Good Luck Charm   Chapter 9

    Nang gabi’ng `yun, kinausap ako ni Mama at ni Dad. ”Sabi ni War, pinilit mo raw s’ya pumasok sa kuwarto mo,” sabi ni dad. ”Naamoy ka raw n’ya kaya `di s’ya nakapagpigil ng sarili.” ”Ho?!” nagulat ako sa sinabi n’ya! ”S-si War po ang pumasok sa kuwarto ko! Sabi po n’ya tutulungan n’ya `ko, kasi...” natigilan ako. ”Kasi ano?” ”Kasi... may estrus ako... kaya tinulungan n’ya ako’ng magbihis...” ”Ano? Nagpapasok ka ng alpha sa kuwarto mo, eh alam mo’ng may estrus ka?!” galit na bulyaw ni Dad. Napakagat ako sa labi, nagpigil ng luha. ”Josh, `di ba sabi ko sa `yo, `wag kang maglalalapit sa mga Kuya mo, lalo na `pag in heat ka?!” mahinahon na sabi ni Mama, ”`Di ba’t kabilin-bilinan din namin na `wag kang papasok sa kuwarto nila? Dapat `di mo rin sila pinapapasok sa kuwarto mo!” ”Josh, alam mo namang pareho’ng alpha ang mga Kuya mo, parang lason sa kanila ang amoy mo, lalo na kapag in-heat ka!” sabi pa ni Dad. ”Umiinom nam

    Last Updated : 2022-04-19

Latest chapter

  • Good Luck Charm   Sneak Peek: Tiger Eyes

    John Denver Daniel (This is a ‘From Top to Botom’ side story from my version of the omegaverse. You may look for ‘From Top to Bottom’ in my stories here to read about the characters here, but this is pretty much stand-alone and self explanatory.) I used to believe in God. Naniniwala ako na as long as I trust in him, be good, and pray hard enough, ibibigay n’ya lahat nang hinihiling ko. Malalampasan ko ang lahat ng mga pagsubok sa buhay kung magtitiwala ako sa kanya, dahil walang imposible sa Diyos. Ipinagdasal ko na mapansin ako ng crush ko na si Nathan, at sinagot n’ya ang kahilingan ko. But I let him down because of my own stupidity. Natakot ako’ng mapagalitan at mawalan ng scholarship. Dahil doon, nabali-wala lahat ng blessings ni God sa akin. At sa huli, iniwasan niya ako at ipinagpalit sa iba. I prayed again, ’Please, please, God, let us get back together again, show me a sign!’ And he answered me with a phone call. Inisip ko noon, binigyan ako ni God ng bagong chance. `Di

  • Good Luck Charm   Sneak Peak: Seeing Angels (english)

    Nais nyo ba'ng magbasa pa ng ibang mga kwentong nagaganap sa Omegaverse? :D Eto naman ay storya ng isang alpha na iniligtas ng kanyang 'anghel' na pinamagatang "Seeing Angels". Pero `wag kayong papaloko sa title, dahil hindi ito tungkol sa mga anghel, bagkus, ito ang storya ng isang tao na nagmula sa impyerno. Babala lang po, hindi po ito pambata >:D . ==================== . I saw an angel when I died. He was beautiful and glowing and had gentle lilac eyes. In fact, I was wondering where he was taking me, since we all know that whores go straight to hell. "There's someone else in here!" His brilliance hurt my eyes. Heaven is such a bright place, compared to the hell I’ve lived in for the past 9 years, and this being of pure light was like a beacon, engulfing me, slowly burning me into ashes. "Are you alright?" His hands are like ambers, burning my skin. I didn't know whether I laughed or cried. One thing was for sure, though, he was an angel, and he has come to take me aw

  • Good Luck Charm   Sneak Peak: Old Clothes and Stale Coffee

    Ngayon naman ay alamin natin kung paano nagkakilala sina Tito Eric at ang kanyang habibi na si Dr. Aahmes Abdel. Sabi nila, opposites attract, at magandang halimbawa nito ang dalawang genious na ito. ==================== . Old clothes and stale coffee. That was my first impression of him. That was what he smelled of. There I was, stark hopping mad with anticipation, ready to meet this brilliant mind that is well known through out the international scientific community for his advanced and unparalleled research concerning the omega gene. Then I see this... uncouth man in front of me, sipping tepid coffee from a chipped cup in his pajamas. “Sino `to?” he asked the lab assistant who ushered me inside the maze-like laboratory. “Sir, this is Dr. Aahmes Abdel!” the assistant said excitedly, “In the flesh!” He looked back at me from head to toe and smiled. Then he turned to his assistant with the same fake smile stuck in his face. “Sino `yun?” “Sir, s’ya `yung sikat na scientist n

  • Good Luck Charm   Sneak Peek: From Top To Bottom

    Muli po, maraming-maraming salamat sa lahat nang tumangkilik sa "Good Luck Charm"! Sana po y lubos kayong nasiyahan sa storyang ito, at kung sakaling medyo bitin o naghahanap pa kayo ng kasagutan sa ilang katanungang inyong naisipan sa pagbasa nito, ay narito ang ilang karagdagang kwento tungkol sa ibang mga tauhan sa ating storya :) Eto po ang maiksing intro sa kwento ni Nathan Del Mirasol, ang pasaway na unico hijo ni Atty. Louie Del Mirasol. ==================== ’It's survival of the fittest, baby.’ sabi ng magandang artista sa telebisyon. Siya ang pinaka sikat na babaeng artista dito sa Pinas, pati na rin abroad. Well, at least hindi na sila tinatratong parang mga diyosa ngayon. Matapos kasi makapaglabas ng gamot ang isang Filipino scientist para sa covid22, ay unti-unti nang dumarami `uli ang population ng babae sa mundo. Nang una ay naging national treasure ang mga female born dahil iilan lang sa kanila ang natira, pero matapos lumabas ang Secondary Genders ng mga lalaki,

  • Good Luck Charm   Thank You

    And that is the last chapter of our novel, "Good Luck Charm" Sana po ay nagustuhan ninyo ito at napulutan ng aral :D (meron ba? ehehehe) Maraming-maraming salamat po sa lahat ng inyong suporta sa pagbasa at pagtapos ng kuwento'ng ito! :) Sana po at tuluyan nyo pa ako'ng masuportahan by reading, following, voting for and leaving comments on my stories! :D And if you wish to support me further, you can always do so by buying me a cup of ko-fi here: ➜ ko-fi.com/psynoidal I thank you in advance for your generosity! :D And did you know? I've been planning to turn this novel into a web comic, but sadly, I haven't found an NSFW artist that could work on it on a 50-50% profit basis. Baka may kakilala kayo? :D Anyway, mukhang suntok sa buwan pa ang pangarap kong iyon ^^' For now, I'm happy that there are people reading it :) So thanky you once again! And I'll see you in my other stories! - Ako g.vecino . alex rosas . psynoid al

  • Good Luck Charm   TPBS Chapter 12 (end)

    Chapter 12 Hindi ako pinansin ng mga tao sa pag-alis ko. Sino nga ba ako, kung `di isang side character lang sa love story nina Jinn and Rome na pang box-office hit ang peg? Eto na ang grand happy ending na hinihintay nila.Well, happy rin ako para sa kanila.“You happy now?” O-oo sana ako sa paglingon ko, nang makaharaap ko ang nanay ni Rome na naghihintay sa labas ng sunken area. “You just gave my son a lifetime of hardships and misery!”Muli ako’ng lumingon sa malalaking TV screens sa magkabilang side ng stage.Nakayapos si Rome sa dibdib ng mate n’ya, at punung-puno ng saya ang mukha nilang dalawa habang ini-interview ng MC ng battle of the bands turned grand pasabog.“Does that look miserable to you?” tanong ko sa kan'ya.“Ngayon lang `yan. Habang masaya pa ang mga tao sa paligid nila. Habang sikat pa si Jinn at mahal ng kan'yang mga fans. `Di magtatagal, pagsasawaan din s’ya at mababaliwala, and when the make-up fades and the lights die away, then, they will know just how mi

  • Good Luck Charm   TPBS Chapter 11

    Chapter 11 ”Yuu Jinn! Si Yuu Jinn Gunn!””We love you Yuu Jinn!” Tili ng mga tao sa paligid.Pati si Rome, napatitig sa stage at mukhang maiiyak.Tumingin rin ako sa entablado. Sure enough, nandoon si Jinn, kinakausap ang MC at pinalilibutan ng ilang mga fans n’ya.Lalong humigpit ang kapit sa `kin ni Rome.”H-halika... alis na tayo, ate Aveera.” Hinatak n’ya ko paalis.”Sandali, nasa direction na `yan ang bodyguard mo,” pigil ko sa kanya, ”Kung babalik tayo, baka makasalubong naman natin ang mommy mo.””I don’t care. Ayoko’ng makita si Jinn,” matigas n’yang sinabi.“Kahit pa balak ng mama mo na ipa-abort ang baby ninyo?”That did it.Namutla si Rome na nanlaki ang mga matang napuno ng luha. Nanginig ang mga labi n’ya at `di na nagawa pang makapagsalita. Ni `di na s'ya nakalakad pa.“Let’s just stay here for a while,” sabi ko sa kanya. "Hintayin nating mapunta lahat ng atensyon kay Jinn, tapos saka ako

  • Good Luck Charm   TPBS Chapter 10

    Chapter 10Nakaupo na sa isang mesa ang mommy ni Rome nang dumating kami sa cafe. Nakakapagtaka, naunahan pa n’ya kami na halos walking distance lang ang layo rito.Tumayo s’ya nang makita kami at itinipa ang mga braso para yakapin ang anak n’yang nag-aalangan lumapit sa kanya.Maganda s’ya, artistahin, walang kakulu-kulubot sa makinis n’yang mukha, `di mo iisiping dalawa na ang anak. Hanggang balikay ang light brown na buhok nito na mukhang bagong cellophane at naninilaw ang katawan sa suot na mga gintong accessories.S’ya ang tipong babae na pag nakita mo, alam mo’ng mayaman at `di mo ma r-reach, also, hindi papayag na makanti mo man lang. Kitang-kita naman sa dalawang bodyguard na nasa tabi n’ya, maliban kay kuya Jun sa likod na masama ang tingin sa `kin.“Mommy! I’m so sorry...” `yun ang unang-unang sinabi ni Rome, at doon pa lang, alam ko, talo na kami.“It&

  • Good Luck Charm   TPBS Chapter 9

    Chapter 9 ”Nako, eh, sira-ulo pala `yang syota mo, eh!” sabi ni Albert, ”Dapat pala, inubos mo mga tanim ni mama, baka kunsakali matamaan mo s’ya!””Anong matamaan, eh, ang lalayo ng bato ni kuya Rome!” tumatawang sabi ni Alvin, ”Type mo pa rin, eh, `no? `Di mo masaktan? Aminin!”“May punto rin naman `yung jowa mo, eh, wala rin ako’ng tiwala kay Star! Kahit sa mga labas n’ya `pag ume-extra s’ya sa TV, kung `di s’ya mayaman na mayabang, eh, basagulerong tambay ang role n’ya!” sabi ni Andrew.“Pero imbes na magalit, dapat nag-usap na lang muna kayo,” payo ni papa, “Paano kayo magkaka-ayos kung uunahin mo ang galit?”“Tama, iho,” si mama. “Pati tuloy `yung mga halaman ko nadamay sa away n’yo...”“S-sorry po talaga, tita...” sumisinghot na sagot ni Rome, “kasi naman... sa dinami-raming kantang pagpipilian, `yun pa ang naisipan n’ya!”“Nya-ha-ha-ha-ha! Oo nga, eh! Insulto!” gatong pa ni Albert.“Well, given na bobo talaga si Jinn sa ganyang bagay, a

DMCA.com Protection Status