Kinabukasan, nag-away si Mama at si dad.
Siguro kasi hindi natulog si Mama sa kuwarto nila?
Pero mula noon, madalas ko nang makasabay si Mama kumain ng hapunan. Sa gabi naman, tinatabihan n’ya `ko hanggang sa makatulog ako, at pinakabitan n’ya kina manong Johnny ng deadbolt ang pinto ko, para `di na makabalik `yung mamaw.
Masaya na sana ako noon, kaya lang, isang buwan lang pala itatagal nito.
Pina-renovate ni dad yung poolhouse sa likod ng bahay namin, tapos pinalipat nila ako roon.
”Dito ka na titira mula ngayon.” Sabi ni dad, “Bawal ka nang pumasok sa main house, lalo na sa gabi, naiintindihan mo ba?”
Tumango ako at tumingin sa Mama ko.
”O, `di ba, anak? Ang ganda ng bagong bahay mo! Solong-solo mo `yan!” masaya n’yang sinabi.
“Pero Ma, bakit bawal na `ko sa bahay?”
“Anak, alam mo kasi, may mga alpha na `di kaya’ng makisama sa mga omega. Para kasi sila’ng mga hayop na malilibog masyado!” dagdag n’ya, pa
- One Way Talk - Do you believe in fated pairs and tales of 'forever'? a. Oo naman! Nahanap ko na and forever ko! b. Walang forever! Isang malaking kalokohan lang `yan, ever! c. Sana all may forever... d. (post your own answer below) And since walang forever free, ay ilo-lock na po natin ang susunod na mga kabanata ng storyang ito :) Sana po ay patuloy pa rin ninyo ako'ng samahan sa pagsalaysay sa mga kakaibang kaganapan sa napaka swerteng buhay ni Joshua Safiro :D at kung nais nyo pa po ako'ng suportahan, ay pwedeng-pwede nyo ako ibili ng kape sa aking ko-fi account -- pakihanap na lang po si psynoidal Salamat pong muli! Kita-kits po uli sa susunod na kabanata!
Well Trained na si Beck nang binigay s’ya sa `kin ni Mama. Marunong na s’ya ng ‘sit’, ‘shake’, ‘fetch’ at iba pang tricks! Napaka bait ni Beck, hindi kami naghihiwalay, in fact, natutulog s’ya sa paanan ng kama ko gabi-gabi! Pati nga mga kaklase ko, tuwang-tuwa sa kan’ya, hindi kasi s’ya umuungol, ni hindi tumatahol, at lagi pa’ng gumagalaw `yung napaka cute n’yang putot na buntot! Kaya lang, ewan ko ba kung bakit lagi n’yang inuungulan sina Kuya. Namimiss ko na nga sila, eh, pero sabi nga nila dad, bawal na raw ako’ng lumapit sa kanila. Bihira na rin kami magkita, lalo na kasi naging busy si Kuya Win matapos n’yang maka-graduate sa medical school, si War naman ay busy sa huli n’yang taon sa engineering. Dumaan pa ang ilang buwan. Nasanay rin ako na kami lang ni Yaya ang magkasama sa bahay namin sa likod ng malaking mansion, kasama ang baby ko’ng si Beck. Sila ang sumusundo sa `kin sa school araw-araw. “Josh! Bukas `wag mo’ng kalimutan `yung r
Binuksan `uli ni Atty. Ivy ang ilaw sa kuwarto at lalo ako’ng napatitig sa bagong pasok na lalaki. Mukhang dala n’ya ang cinnamon rolls ko, kaya s’ya na late. “Mrs. Diaz, Mr. Safiro, this is my collegue, Atty. Del Mirasol,” pakilala ni Atty Ivy sa amin. “Good morning, Mrs. Diaz, Atty. Louie Del Mirasol po.” nakipag kamayan siya sa Mama ko, “Mr. Safiro...” Iniabot din n’ya ang kamay n’ya sa akin, at parang’ng batang mahiyain ako’ng dahan-dahan na naglahad ng kamay. Sobra! Pakiramdam ko, nagliliyab ang mukha ko. Naghihintay s’ya sa `kin, ang ganda pa ng ngiti n’ya! Inilapit ko na ang kamay ko, at inabot n’ya iyon, at... Parang nakuryente ako nang nagdikit ang mga daliri namin! Nagulat ako at hahatakin sana pabalik ang kamay ko, pero bigla hinablot ni Atty. Del Mirasol ang makay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Napatitig kami sa isa’t-isa. Dumaloy `uli `yung kuryente sa kamay namin, at para ba’ng umikot `yun sa buong katawan ko!
Hindi ko na masyadong napansin ang mga pinirmahan ko noon. Masyado ako’ng na-overwhelm sa balita nila sa `kin, lalo na `yung tungkol sa biglaang paglipat ko. Kinabukasan, pagpasok ko sa school, nilapitan ko agad ang mga kaibigan ko para ipaalam sa kanila ang bad news. ”Benjo...” tawag ko sa seatmate ko, pero ini-snub n’ya ko at lumabas ng kuwarto. Napatingin ako sa isa ko pang kaibigan na si Finn, papalapit s’ya sa `kin, nakasimangot. ”Josh! Ba’t `di mo sinabing aabsent ka kahapon?” ”H-ha?” ”Alam mo ba na umasa kami nina Zion sa promise mo’ng design, `yun pala mag-aabsent ka?!” ”Ay! Oo nga pala!” napakapit ako sa bibig ko. ”Naku! Sorry, nalimutan ko!” ”Nalimutan? O sinadyang kalimutan? Mula nga nang tumaas ang grades mo, yumabang ka na!” ”H-ha?” ”Oo nga,” lumapit sa amin si Ion, ”porket maganda-ganda lang ang drawing mo, akala mo na kung sino ka! Feeling mo ba ikaw na pinakamagaling dito sa class natin?!
Pagdating namin sa pina-reserve na cafe ni Mama, sinalubong ako ni Atty. Ivy at ni Atty. Louie. “Happy 19th birthday, Josh! O, nasaan na ang mga classmates and friends mo?” tanong sa `kin ni Atty. Ivy. Napatingin naman ako sa paligid. Sa cafe na may mga banderitas pa at banner ng pangalan ko with matching portrait. Nakaayos na ang isang mahabang dessert buffet table na punong-puno ng mga cakes at pastries, ang gaganda ng mga design ng cakes dito, pati na ang mga ngiti ng servers na sumalubong sa `kin, pero may kulang. ”N-nasaan si Mama?” tanong ko kay Atty. Ivy. Lumapit sa akin si Atty. Louie noon at kumapit sa balikat ko. ”Josh, umalis lang sandali ang Mama mo, may importante daw kasing nangyari sa opisina, kaya kinailangan n’ya munang umalis, pero babalik daw s’ya agad...” Biglang bumigat ang dibdib ko noon. Sumikip ang paghinga ko at tuluyan na ako’ng napangawa na parang bata. ”G-gusto ko si Mama!” sigaw ko, ”Bakit wala nana
”Mukhang close na agad kayo ni Atty. Del Mirasol, ha?” tanong sa `kin ni Yaya nang pauwi na kami. ”Si Louie?” napangisi ako sa tuwa, ”Ang gwapo n’ya, `no? Ang bait-bait pa!? Alam mo ba, alpha pala s’ya?” ”Mm, alpha pala s’ya...” ”Oo, Yaya, at saka ang bango-bango n’ya! Amoy cinnamon rolls! Ang sarap-sarap n’yang amuyin! Pati nga si Beck, love na rin s’ya, eh! `Di ba, bhebhe Beck?” ”`Wag mo’ng sabihing inamoy mo s’ya?” tanong ni Yaya na bahagyang natawa. ”Opo! Napaka bango n’ya talaga! Gusto ko nga s’yang kainin, eh! Pero mas gusto ko s’yang i-hug nang mahigpit na mahigpit hanggang sa matabunan ako ng amoy n’ya!” Natahimik si Yaya. ”Alam mo ba, may tatlong anak na raw s’ya, `yung dalawa mas matanda pa sa `kin, pero matagal nang patay `yung asawa n’yang omega, at 14 years na s’yang walang kasama! Kawawa naman s’ya `di ba?” ”Mm,” sagot ni Yaya na busy sa pagmamaneho. ”Ang tagal nun, `di ba? 14 years? Feeling ko, `d
Ang galing talaga ni Atty. Louie! Napapayag n’ya sina Principal Villa na isama ako sa grade 12 kahit pa mababa ang score ko sa exam! Matapos doon ay sinama ako ni Mrs. Villa sa class namin kung saan pinakilala n’ya ako sa mga magiging kaklase ko. “Good afternoon, class, I would like to introduce to you a new classmate, this is Mr. Joshua Safiro who will be joining us for the rest of the school year.” Nagbulungan ang mga kaklase ko. Co-ed ang school, kaya for the first time, may mga kaklase ako’ng babae at malamang, pati na mga beta at alpha! “Mr. Safiro, would you like to introduce yourself?” “Yes, Ma’am!” Humarap ako sa mga kaklase ko at ngumiti. “Hello, nice to meet you all, I am Joshua Bernard Leonides Safiro, but you can call me Josh, I’m from St. Davies’ Academy, I am now I9 years old, and I am taking up the Arts and Design strand.” “St. Davies’? That makes you an omega then,” sabi ng blond na lalaki na nakaupo sa may gitna ng classroom.
Agad ako’ng nangiti. `Di ko napigilang tumulo ang isang luha ko. “Y-yes, please, Aveera!” tumakbo ako papalapit sa kan’ya at kumapit sa kanyang braso, “A-akala ko, galit kayo’ng lahat sa `kin!” “Ugh! What’s your problem?!” Tumitig sa `kin ng masama ang mga mata n’yang kulay pine green. ”Don’t be so clingy! At bakit ka umiiyak?!” “S-sorry...” Bumitaw ako sa kan’ya at suminghot. ”B-bigla kasi silang nagalit sa `kin...” ”They’re just following the dominant alpha in the class,” sabi n’ya. “Dominant alpha?” napatingin ako sa kan’ya, “Si teacher Villa?” “Idiot!” pinitik n’ya `ko sa noo. ”Ow!” ”Since when did a female become an alpha? I meant Carlos, of course!” “Si Juan Carlos? Alpha s’ya?” “Wow, ang galing, napansin mo rin?” Tinitigan ako ni Aveera na tumaas ang isang kilay. “Hindi nga, eh, bakit parang ang tapang ng pabango n’ya? Ang sakit sa ilong!” Natawa si Aveera, tapos ay kumapit
”Students, for today, we have a special person to introduce to you all.” sabi ni Principal Villa sa morning assembly. “Last week, we were saddened by the news that our dear superintendant, Sir Wilhelm Johannes Safiro, had passed away in Australia, but today, we are blessed to welcome into our mids, his only child and heir, Mr. Joshua Safiro!” Nagpalakpatan ang mga tao sa loob ng malaking gymnasium na napuno ng bulungan, “Mr Safiro, can you please come up stage and impart some words to your fellow Erminguardians.” Nanlaki ang mga mata ko at napatunganga sa principal. “Josh, umakyat ka raw sa stage,” bulong ni Aveera sa tabi ko. “Wow, Josh, I can’t believe that’s you?!” sabi ng mga kaklase ko. Mukhang `di na sila galit sa `kin. “Come on, I’ll escort you to the stage,” sabi ni Carlos na ngumiti sa akin. “A-Aveera...” napatingin ako sa kaibigan ko, “I-ikaw na lang sumama sa `kin...” “HA?” napatingin ito sa paligid at pansin kong pi
John Denver Daniel (This is a ‘From Top to Botom’ side story from my version of the omegaverse. You may look for ‘From Top to Bottom’ in my stories here to read about the characters here, but this is pretty much stand-alone and self explanatory.) I used to believe in God. Naniniwala ako na as long as I trust in him, be good, and pray hard enough, ibibigay n’ya lahat nang hinihiling ko. Malalampasan ko ang lahat ng mga pagsubok sa buhay kung magtitiwala ako sa kanya, dahil walang imposible sa Diyos. Ipinagdasal ko na mapansin ako ng crush ko na si Nathan, at sinagot n’ya ang kahilingan ko. But I let him down because of my own stupidity. Natakot ako’ng mapagalitan at mawalan ng scholarship. Dahil doon, nabali-wala lahat ng blessings ni God sa akin. At sa huli, iniwasan niya ako at ipinagpalit sa iba. I prayed again, ’Please, please, God, let us get back together again, show me a sign!’ And he answered me with a phone call. Inisip ko noon, binigyan ako ni God ng bagong chance. `Di
Nais nyo ba'ng magbasa pa ng ibang mga kwentong nagaganap sa Omegaverse? :D Eto naman ay storya ng isang alpha na iniligtas ng kanyang 'anghel' na pinamagatang "Seeing Angels". Pero `wag kayong papaloko sa title, dahil hindi ito tungkol sa mga anghel, bagkus, ito ang storya ng isang tao na nagmula sa impyerno. Babala lang po, hindi po ito pambata >:D . ==================== . I saw an angel when I died. He was beautiful and glowing and had gentle lilac eyes. In fact, I was wondering where he was taking me, since we all know that whores go straight to hell. "There's someone else in here!" His brilliance hurt my eyes. Heaven is such a bright place, compared to the hell I’ve lived in for the past 9 years, and this being of pure light was like a beacon, engulfing me, slowly burning me into ashes. "Are you alright?" His hands are like ambers, burning my skin. I didn't know whether I laughed or cried. One thing was for sure, though, he was an angel, and he has come to take me aw
Ngayon naman ay alamin natin kung paano nagkakilala sina Tito Eric at ang kanyang habibi na si Dr. Aahmes Abdel. Sabi nila, opposites attract, at magandang halimbawa nito ang dalawang genious na ito. ==================== . Old clothes and stale coffee. That was my first impression of him. That was what he smelled of. There I was, stark hopping mad with anticipation, ready to meet this brilliant mind that is well known through out the international scientific community for his advanced and unparalleled research concerning the omega gene. Then I see this... uncouth man in front of me, sipping tepid coffee from a chipped cup in his pajamas. “Sino `to?” he asked the lab assistant who ushered me inside the maze-like laboratory. “Sir, this is Dr. Aahmes Abdel!” the assistant said excitedly, “In the flesh!” He looked back at me from head to toe and smiled. Then he turned to his assistant with the same fake smile stuck in his face. “Sino `yun?” “Sir, s’ya `yung sikat na scientist n
Muli po, maraming-maraming salamat sa lahat nang tumangkilik sa "Good Luck Charm"! Sana po y lubos kayong nasiyahan sa storyang ito, at kung sakaling medyo bitin o naghahanap pa kayo ng kasagutan sa ilang katanungang inyong naisipan sa pagbasa nito, ay narito ang ilang karagdagang kwento tungkol sa ibang mga tauhan sa ating storya :) Eto po ang maiksing intro sa kwento ni Nathan Del Mirasol, ang pasaway na unico hijo ni Atty. Louie Del Mirasol. ==================== ’It's survival of the fittest, baby.’ sabi ng magandang artista sa telebisyon. Siya ang pinaka sikat na babaeng artista dito sa Pinas, pati na rin abroad. Well, at least hindi na sila tinatratong parang mga diyosa ngayon. Matapos kasi makapaglabas ng gamot ang isang Filipino scientist para sa covid22, ay unti-unti nang dumarami `uli ang population ng babae sa mundo. Nang una ay naging national treasure ang mga female born dahil iilan lang sa kanila ang natira, pero matapos lumabas ang Secondary Genders ng mga lalaki,
And that is the last chapter of our novel, "Good Luck Charm" Sana po ay nagustuhan ninyo ito at napulutan ng aral :D (meron ba? ehehehe) Maraming-maraming salamat po sa lahat ng inyong suporta sa pagbasa at pagtapos ng kuwento'ng ito! :) Sana po at tuluyan nyo pa ako'ng masuportahan by reading, following, voting for and leaving comments on my stories! :D And if you wish to support me further, you can always do so by buying me a cup of ko-fi here: ➜ ko-fi.com/psynoidal I thank you in advance for your generosity! :D And did you know? I've been planning to turn this novel into a web comic, but sadly, I haven't found an NSFW artist that could work on it on a 50-50% profit basis. Baka may kakilala kayo? :D Anyway, mukhang suntok sa buwan pa ang pangarap kong iyon ^^' For now, I'm happy that there are people reading it :) So thanky you once again! And I'll see you in my other stories! - Ako g.vecino . alex rosas . psynoid al
Chapter 12 Hindi ako pinansin ng mga tao sa pag-alis ko. Sino nga ba ako, kung `di isang side character lang sa love story nina Jinn and Rome na pang box-office hit ang peg? Eto na ang grand happy ending na hinihintay nila.Well, happy rin ako para sa kanila.“You happy now?” O-oo sana ako sa paglingon ko, nang makaharaap ko ang nanay ni Rome na naghihintay sa labas ng sunken area. “You just gave my son a lifetime of hardships and misery!”Muli ako’ng lumingon sa malalaking TV screens sa magkabilang side ng stage.Nakayapos si Rome sa dibdib ng mate n’ya, at punung-puno ng saya ang mukha nilang dalawa habang ini-interview ng MC ng battle of the bands turned grand pasabog.“Does that look miserable to you?” tanong ko sa kan'ya.“Ngayon lang `yan. Habang masaya pa ang mga tao sa paligid nila. Habang sikat pa si Jinn at mahal ng kan'yang mga fans. `Di magtatagal, pagsasawaan din s’ya at mababaliwala, and when the make-up fades and the lights die away, then, they will know just how mi
Chapter 11 ”Yuu Jinn! Si Yuu Jinn Gunn!””We love you Yuu Jinn!” Tili ng mga tao sa paligid.Pati si Rome, napatitig sa stage at mukhang maiiyak.Tumingin rin ako sa entablado. Sure enough, nandoon si Jinn, kinakausap ang MC at pinalilibutan ng ilang mga fans n’ya.Lalong humigpit ang kapit sa `kin ni Rome.”H-halika... alis na tayo, ate Aveera.” Hinatak n’ya ko paalis.”Sandali, nasa direction na `yan ang bodyguard mo,” pigil ko sa kanya, ”Kung babalik tayo, baka makasalubong naman natin ang mommy mo.””I don’t care. Ayoko’ng makita si Jinn,” matigas n’yang sinabi.“Kahit pa balak ng mama mo na ipa-abort ang baby ninyo?”That did it.Namutla si Rome na nanlaki ang mga matang napuno ng luha. Nanginig ang mga labi n’ya at `di na nagawa pang makapagsalita. Ni `di na s'ya nakalakad pa.“Let’s just stay here for a while,” sabi ko sa kanya. "Hintayin nating mapunta lahat ng atensyon kay Jinn, tapos saka ako
Chapter 10Nakaupo na sa isang mesa ang mommy ni Rome nang dumating kami sa cafe. Nakakapagtaka, naunahan pa n’ya kami na halos walking distance lang ang layo rito.Tumayo s’ya nang makita kami at itinipa ang mga braso para yakapin ang anak n’yang nag-aalangan lumapit sa kanya.Maganda s’ya, artistahin, walang kakulu-kulubot sa makinis n’yang mukha, `di mo iisiping dalawa na ang anak. Hanggang balikay ang light brown na buhok nito na mukhang bagong cellophane at naninilaw ang katawan sa suot na mga gintong accessories.S’ya ang tipong babae na pag nakita mo, alam mo’ng mayaman at `di mo ma r-reach, also, hindi papayag na makanti mo man lang. Kitang-kita naman sa dalawang bodyguard na nasa tabi n’ya, maliban kay kuya Jun sa likod na masama ang tingin sa `kin.“Mommy! I’m so sorry...” `yun ang unang-unang sinabi ni Rome, at doon pa lang, alam ko, talo na kami.“It&
Chapter 9 ”Nako, eh, sira-ulo pala `yang syota mo, eh!” sabi ni Albert, ”Dapat pala, inubos mo mga tanim ni mama, baka kunsakali matamaan mo s’ya!””Anong matamaan, eh, ang lalayo ng bato ni kuya Rome!” tumatawang sabi ni Alvin, ”Type mo pa rin, eh, `no? `Di mo masaktan? Aminin!”“May punto rin naman `yung jowa mo, eh, wala rin ako’ng tiwala kay Star! Kahit sa mga labas n’ya `pag ume-extra s’ya sa TV, kung `di s’ya mayaman na mayabang, eh, basagulerong tambay ang role n’ya!” sabi ni Andrew.“Pero imbes na magalit, dapat nag-usap na lang muna kayo,” payo ni papa, “Paano kayo magkaka-ayos kung uunahin mo ang galit?”“Tama, iho,” si mama. “Pati tuloy `yung mga halaman ko nadamay sa away n’yo...”“S-sorry po talaga, tita...” sumisinghot na sagot ni Rome, “kasi naman... sa dinami-raming kantang pagpipilian, `yun pa ang naisipan n’ya!”“Nya-ha-ha-ha-ha! Oo nga, eh! Insulto!” gatong pa ni Albert.“Well, given na bobo talaga si Jinn sa ganyang bagay, a