KABANATA 1
❝Dauntless❞Natulala ako habang naglalakad. Hawak-hawak ko na ang porselanang papel na ibinigay sa amin ni Guro bago kami umuwi.
Hindi man makapaniwala, muli kong binaba ang tingin sa papel para basahing muli ang nakasulat dahil baka namamata lang ako pero ganoon pa rin ang nangyari nang basahin ko ulit.
Find Dios Sovran, the Supreme God.
Ilang buntong hininga ang ginawa ko. Totoo ba talaga 'to? Ang misyong ibinigay sa amin ay hanapin ang matagal nang nawawalang Pinakamataas na Diyos. Ano ang pumasok sa isip ni Guro para ipagawa sa amin ito na kung kahit ang pinakamalakas at pinakamatalinong tao sa buong Nervana El Rius ay hindi ito mapagtagumpayan?
Walang sino mang makakahanap sa kaniya dahil ginusto niyang mawala at hindi nagbigay nang palatandaan. Naglaho siyang walang balak na magpahanap. Kaya bakit ito ang ibinigay sa amin gayong alam nang kahit na sino na hindi namin ito mapagtatagumpayan?
Mahirap itong gawin. Hindi ko alam kong magagawa namin ito. Ngayon pa lang, alam ko nang hindi kami makakapagtapos sa El Rius Ludimier. Mayroon man kaming tapang, lakas at talino ay tiyak hindi ito o-obra sa kapangyarihan nang Pinakamataas na Diyos. Saan kami magsisimula?
Sumasakit lang ang ulo ko. Mas mabuting itigil ko na lang ang pag-iisip tungkol sa misyon namin dahil umuurong ang utak ko. Parang pinupukpok nang martilyo ang aking sentido sa kakaisip. Nakakahilo.Tinahak ko ang daan pauwing bahay namin. Nang madaan ako nang bayan, ang nagsisigawang tao agad ang umagaw sa pansin ko. Marami sila at may hawak-hawak na banderang kinakaway sa ere. Ang iba ay may hawak pa na trumpeta.
Nagpo-protesta na naman sila laban sa Hari. Kahapon lang nang ipabalita sa buong Ludimier na tataasan ang buwis para sa mga magsasaka at manggagawa. Kaya ito sila ngayon, nagtipon-tipon para magprotesta. Batid naman sana nilang wala silang magagawa sa utos nang Hari. Mapapatay lang sila kung ipagpipilitan nila.
Ganito ang sitwaston sa ilang daang taong lumipas. Hindi tumitigil ang away at mga sakuna. Hindi pa natatapos ang isa, darating ulit ang panibago. Lalong lumalagap ang rebelyon sa paglipas nang mga taon. Dahil na rin ito sa mga sakim sa kapangyarihang mga pinuno. Inaasam nilang maging maunlad ang kaharian pero hindi nila naiisip na ang mga tao ang naapektuhan at naghihirap.Umiling ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad para mabilis na makauwi. Wala rin naman akong maitutulong sa kanila. Nang marating ang malayong parte nang bayan, sa kagubatan nang Fliore De Cereses, pumasok ako sa pamilyar na daan at narating ang isang maliit na kubong kinatitirikan nang aming maliit na tahanan. Napapalibutan nang evergreen tress ang bahay at mga mayayabong na bulaklak na tanim ni Lola sa bakuran."Inay, Lola, nandito na po ako!" Magiliw akong pumasok at inilapag ang bag sa mesang gawa sa kaboy sa maliit naming tanggapan. Mayroong tulip at rosas sa payak naming flower vase.
Agad akong dumiretso sa kusina at doon naabutan ang Inay at si Lola na naghahanda nang pagkain namin.
"Oh, nandito na pala ang mahal na prinsesa!" bumungisngis ako sa tinuran ni Lola at lumapit para sumilip sa niluluto nila.
"Ano pong lulutuin n'yo?" tanong ko. Tipid na lumingon sa akin si Ina."Ang paborito mong sinabawan na manok." Sagot niya kaya lumaki ang ngiti ko. Nakita ko nga ang kinatay na manok."Tiyak marami na naman akong kain nito! Sige po, akyat po muna ako para magbihis at babalik din agad!" Paalam ko. Tumango si Mama at Lola sa akin kaya pumanhik na ako at umakyat sa kwarto. Isa lang ang kwarto sa bahay kaya halo-halo ang gamit naming tatlo pero maayos itong nakaparte sa mga lalagyan. Walang kama dahil sa lapag lang kami natutulog.Nagpalit ako nang aking saya at damit at nagsuot nang isang lumang puting bestida na lagpas sa aking tuhod. Binunghay ko ang mahabang buhok na nagiging kulay ginto sa tuwing natatamaan nang sikat nang araw. Ito'y hindi pangkaraniwan sa mga dalagang kaedad ko at palaging umaagaw nang atensiyon nang iba. Pinagmasdan ko rin sa maliit na salamin ang aking mukha.
Maputi ako. Fair as snow, tawag nga nila. May maliliit akong wrinkles sa ilong at parteng pesnge pero hindi naman ito pangit o marumi tingnan. Naging halata lang dahil sa kaputian ko. Kung naiinitan, namumula ang aking pesnge. Maninipis naman ang labi ko at perpekto ang hugis nang aking mga kilay. Katulad nang buhok, kayumanggi ang kulay nang aking mga mata at nagiging ginto sa tuwing matamaan nang araw. Hindi ako katangkaran, normal lang. May mga kaedad akong matanggkad sa akin, mayroon ding maliit kaysa sa akin.Ilang pasada pa sa sarili sa salamin, nagpasya na akong tumayo para bumaba. Nang nasa pinto na ako palabas, nahagip nang tingin ko ang isang maliit na pahabang kahon sa gilid nang pintuan at sa ibabaw nito'y isang litraro nang isang babae. Agad kumunot ang aking noo at yumuko para ito'y abutin.
Pinagmasdan ko ang litrato. Nanindig ang balahibo ko at nakaramdam nang pagtataka.
Sino ang babaeng ito?
Bakit ito nasa kahon ni Lola?At higit sa lahat, bakit ko siya kamukha?Hindi lang magkamukha, magkamukhang-magkamukha kami na para bang nananalaming lang ako maliban sa suot nitong sinauna at malinis na naka-ayos ang kulay gintong buhok niya. Siya'y nakangiti at nakakahumaling ang dala nitong halina sa sino mang makakita nang larawan.Labis gumulo ang pag-iisip ko. Bakit kami magkamukha? Si Ina ay ang tunay kong Ina pero bakit hindi naman kami magkamukha masyado?
Ibinaba kong muli ang litrato at ibinalik sa ibabaw nang kahon.Sino ang babaeng iyon?
Naghahanda na nang pagkain sina Ina sa hapag kaya kahit gumugulo pa ang isipan, tumulong ako sa pagkuha nang tubig. Umupo kami at tahimik na kumain.
Dalawang bagay na ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Ang misyong ininatang sa amin at ang babaeng kamukha ko.Ngunit sa dalawa, ano ang madaling bigyan nang kasagutan?
"Nagpadala nang sulat ang Akademya. Mayroon daw kayong misyong gagawin para sa pinal nin'yong pagsusulit, anak?" biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang magsalita si Ina. Si Lola ay tahimik lang at nakikinig.
Bahagya pa akong nagulat dahil nalaman nila bago ko pa ito masabi sa kanila. Pinadalhan pala nila nang sulat ang mga magulang namin. Walang duda, ito'y isang seryosong misyon at aabutin nang matagal kaya pinaalam na nila ito sa magulang namin."Opo, Ina," sagot ko. Tapos na akong kumain.
"Aabutin daw nang tatlong buwan ang misyong iyon at ngayon pa lang, nag-aalala na ako. Baka mahirap ang ibibigay sa in'yong misyon at malagay ka sa kapahamakan. Nag-aalala ako, Arza,"
Lumunok ako. Mahirap nga, Ina, at delikado. Pero mas mabuti na lang na hindi ko sabihin dahil tiyak mag-aalala lang kayo. Ayaw ko nang mangyari 'yun."H'wag ka po mag-alala, Ina, titiyakin kong magiging ligtas ako hanggang sa matapos ang misyon namin. Hindi naman pa po kami aalis sa ngayon. Kung aalis man na kami, sisiguraduhin kong uuwi po akong ligtas at makakapagtapos pa sa ERLA." Paninigurado ko kahit hindi ko rin alam kung mangyayari nga ba.
"Pero hindi mo maaalis sa amin ang mag-alala, anak. Kung pwede ka lang naming protektahan sa lahat nang oras, gagawin namin." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nang Ina."Matanda na ang anak mo, Arizona, kaya na niya ang sarili niya. Tama na ang pag-aalala at supportahan nalang natin siya. Iyon ang kailangan nang prinsesa natin." Ngayon ay sumabat na si Lola kaya tipid akong ngumiti.
Bigla na naman ulit pumasok sa isip ko ang litrato kaya nangati akong magtanong tungkol dito."Pasensiya na, Ina. Hindi ko lang talaga maisip na ang laki na nang prinsesa natin at kaya na niyang tumayo sa sarili niya. Biruin mo, ilang buwan na lang makakapagtapos na siya at magkakaroon nang misyong hindi sigurado ang kaniyang kaligtasan."
Hindi ko talaga mawawala ang pag-aalala ni Ina. Tatlo na lang kaming magkasama. Hindi mayaman at nabubuhay lang kami sa pagbebenta nang bulaklak sa bayan. Kung ano mang aabutin ko sa misyon ay magdudulot nang labis na pag-aalala sa kanila. Kaya dapat maging ligtas ako.
"La," biglang pumasok sa isip ko ang gustong itanong."Ano iyon?" sabat ni Lola kaya napunta sa kaniya ang tingin ko.Tumikhim ako at lumunok bago muling nagsalita."Kanina, nang palabas na ako, nakita ko iyong kahon mo nang mga gamit at may nakita akong isang larawan sa ibabaw. Pasensiya na po at pinakealamanan ko ang litrato.""Litrato? Anong litrato ang nakita mo?" tanong niya.
"Litrato po nang isang babae na kamukhang-kamukha ko, La. Gusto ko lang po sanang tanungin kung sino siya? At... bakit magkamukha kami?" nag-aalangang tanong ko. Namalat agad ang aking lalamunan.
Si Ina at Lola ay nagkatinginan. Para bang nag-usap sila sa pagitan nang kanilang tingin. Napansin ko iyon kaya mas nagtaka ako.Umawang ang labi ni Ina habang hindi nakasalita agad si Lola. Nag-aalangan pa siyang nagsalita, batid ko kahit itago niya."Wala. Wala iyon, apo," aniya.Bumaba ang tingin ko sa mesa at muling umakyat sa kanila. Naabutan kong muling nagkatinginan silang dalawa kaya tumikhim ako.May pagtatanong ang akin ekspresyon.
"Sabihin na lang natin, Ina. Wala namang problema kung malaman niya." Mahinang usal ni Ina.
I stared at them hopefully. Hoping to convince them to tell me who the woman is.
"Ahh..." pekeng ngumiti si Lola.
"Siya ay isa sa ating mga ninuno, anak. Lola siya nang lola nang lola mo," tipid na ngumiti nang malaki si Ina.
Bahagyang gumaan ang pagtataka ko. Nasagutan ang aking pagtataka.
"Ganu'n po ba? Pero bakit magkamukha kami?" tanong ko muli.
"Hindi naman impossibleng maging magkamukha kayo, apo. Siya ay iyong ninuno, nanggaling kayo sa isang angkan. Ang dugong nananalaytay sa kaniya ay nananalaytay rin sa sa iyo."
Hinaplos ni Lola ang aking kamay."Matagal ko na kase iyong tinatago at nakalimutan ko kaninang iligpit nang maghalungkat ako nang mga gamit. Iyon lang kase ang nag-iisang iniwan sa akin nang aking Ina bago siya mamatay. H'wag mo nang bigyan masyado nang atensiyon. Wala lang iyon,"Ganoon naman pala. Siya ay isa sa mga ninuno namin. Kaya ba magkamukha kami?
Wala nang maraming tanong. Maari nga.
Agad din naman akong nakumbinse dahil magkamukha nga naman kami ni Lola. Hindi malayong maging magkamukha rin kami nang babae sa larawan.Nagkaroon nang sagot ang tanong sa utak ko kaya naging magaan ang aking pakiramdam nang gumabi at matulog ako.Nang sumunod na umaga, maaga akong pumasok at tumungong silid aklatan nang ERLA para pag-usapan ang binigay sa aming misyon ni Guro kahapon.Doon na nagsimula ang realidad na kakaharapin namin. Sa malaki at mataas sa aklatan nang El Rius Ludimier Academy, nagtipon kaming anim para maghanap nang impormasyon kung paano namin sisimulan ang misyon. Nag-usap kami nang masinsinan. Mahirap dahil wala kaming alam. We don't know where to start, where to go and who to seek.
"Paano tayo magsisimula? Sino? Ano? Saan? Gosh! Nakakabaliw ang misyong ito!" reklamo ni Akhira na nakatingin din sa nilatag naming mga libro sa pabilog na mesa kung saan kami nakapalibot. Tapos na kami sa pagplano sa maaari naming gawin sa oras na makahanap kami nang daan at simulan ang tunay na misyon.
"Gosh, so true! I hate Prof. Gauther now!" sabat naman ni Khione. Kapwa sila nagkatinginan at nang mapansin ang ginawa, nag-irapan sila sa isa't isa. Napa-iling nalang kami sabay nina Prudence at Gihon. Si Rithius ay tahimik lang na nakasentro ang atensiyon sa mga libro.
"Anong gagawin natin sa mga librong ito?" Gihon asked.Prudence licked his lowerlip and brushed his hair."We're going to find clues where to start this mission." Halatang nahihirapan na ring sagot niya. Kahit siya na matalino sa amin ay nahihirapan sa misyong ito.Paano kami makakahanap nang daan?
Without saying anything, nauna akong kumuha nang libro at binuklat para maghanap na. Wala nang panahon pa para magsayang nang oras kaya sila'y sumunod ding kumuha nang libro.
Naging seryoso kami. Sa loob nang isang oras, walang nagsalita. Lahat ay sentralisado sa paghahanap nang possibleng paraan sa mga libro nang kasaysayan."Arghh! My head is spinning na! Hindi ko na yata kaya ito!" Khione complained after two hours of reading the thick Political book of Nervana.Nang lingunin ko si Akhi ay ganoon din ang mukha niya at mukha nang masusuka sa kakabasa sa book of Ancient Poetry. Si Gihon ay seryoso lang pero alam ko ring gusto nang sumuko. Si Prudence ang siyang mabilis sa pag-ungkat nang mga libro at ta-tatlo ang librong mga binabasa. Nang lumingon ako sa malayong gilid, natanaw ko si Rithius na nanatiling seryoso at tahimik din na nagbabasa habang nasa pesnge ang kamay. He look blunt and uninterested but I know he's worrying for our mission too. Nakakainggit lang dahil kaya niyang itago ang tunay na nararamdaman.
Inabot kami nang tatlong oras. Apat na oras. Hanggang sa magtanghalian at pansamantalang natigil ang paghahanap namin. Pero nanatili kaming bigo. Kahit isa, wala kaming nahanap. Bukod sa malaki at makakapal ang mga libro ay nakakalito rin ang liit nang titik nito.Sa mga nababasa ko, puro mga gawa lang nang malalaking tao ang nakalagay at wala manlang nakalagay sa mga Diyos at Diyosa na para bang binura ito.Para na akong mababaliw. Si Khione at Akhira ay wala nang tigil sa kakareklamo habang ang mga lakake ay tahimik lang pero pinagpapawisan na. Kahit si Rithius ay naging mas atentibo sa binabasa. Paminsan-minsang kukunot ang noo niya sa binabasa.
We were desperate to find clue until 4:00 pm came. Still, now clues find. Nagbigay na nang paunang paalala na magsisira na ang aklatan kaya mas dinalian namin ang paghanap. Ang kaninang tatlong libro ni Prudence ay naging pito na. Parang ako ang mauubusan nang dugo sa ginagaga niya.
Muling nagpaalala ang Librarian at ito'y palatandaang sasara na ang aklatan sa loob nang dalawang minuto kaya halos yakapin na ni Prudence ang mga librong binabasa. Ganoon din kami.Like we were in the edge of a deadly fall with our lives endangered. Like a cat trapped in a branch of a huge tree with bees, very desperate to find its way out.And just as before the lights turned off, pabagsak na binitawan ni Prudence ang librong binabasa niya at inagaw lahat ang aming atensiyon."I think I know now we're to start!" he exclaimed very tense kaya pati ako ay parang sinalang na rin sa apoy sa kaba at kabog nang dibdib. Halos mabingi ako.
Mariin akong pumikit at nanalanging sana maging maayos ang misyon naming ito. Nagsalita muli si Prudence.
"In order to find the Surpeme God, we need to find someone who's connected to him. A human." Aniya.
"S-sino? At buhay pa ba 'yun? Matagal nang panahon ang nangyari at hindi tayo nakakasiguradong may buhay pa sa mga taong naging malapit sa kaniya," halata ang kaba sa kanilang mga tinig. Habang ako'y nanatiling nakapikit at naghintay nang sunod niyang sasabihin.
"You forgot something."
Pero iba ang sumasagot nang hindi inaasahan. Naimulat ko ang mata. Naningkit ang mata ni Prudence sa sinabi ni Rithius."What is it?" takang tanong ni Prudence.Rithius craned his neck and pointed the Historical book of curses. We all looked to it dumbly, without any idea. Iyon ang binabasa niya kanina pa.Ano ang ibig niyang sabihin?"Care to elaborate?" usal ko. Mahihirapan na nga kami, paiisipin pa niya.
He glanced at me seriously. Pero agad din namang siyang umiwas.
"When Dios Sovran casted the curse, one human survived." He said. Kumabog ang dibdib ko. Gusto ko nang marinig. Kinakabahan ako sa paghihintay.
Pansamantalang natahimik ang lahat sa sinabi ni Rithius. Nagkatinginan si Prudence at Gihon, kapwa napapaisip kung sino ang tinutukoy ni Rithius."Ang kanang kamay niya!" Gihon exclaimed. Umawang ang labi ko."He's alive." Prudence murmured. Kaming mga babae ay natahimik pero bagsak ang mga panga sa narinig.
Ang kanang kamay niya? Tao ang kanang kamay ni Dios Sovran? Bakit hindi ko ito alam? Walang nakwento si Lola."Now, I know it," Prudence marked a particular page in the book of History at nakita naming lahat ang pangalang binilogan niya.
"Elmodor Veu Dorzan."He then looked at us, very determined to start and finish this mission."He will be our key to start this dauntless mission."KABANATA 2❝Misyon❞Iyon na sa tingin ko ang susi nang paghanap namin sa sagot. Nang sumunod na araw, maaga ulit kaming nagtipon sa silid aklatan nang Akademya at puspusang naghanap nang datos tungkol kay Eldomor Veu Dorzan. Lahat ay nagsaliksik.Mabuti at hindi kami obligadong pumasok at hinayaang bigyan nang solusyon ang binigay sa aming misyon. Ganoon din ang ginagawa ng iba naming kaklase na sa ibang departamento ng akademya nag-aaral. Buong araw kaming nagbabad para maghanap nang kasagutan.Nang sumunod na araw, nagtaka ako nang makita ang tatlong bagong mukha na nakaupo sa mesa namin kasama ang aking kasamahan."Magandang umaga, Arza," bati sa akin ni Gihon. Kumpleto na ang pangkat sa pabilog na mesa at mukhang ako na lang ang kanilang hinihintay. Pinasadahan ko sila nang tingin. Si Prudence at Akhira ay nasa ikala
KABANATA 3❝Hangganan❞"Mag-iingat ka. Siguraduhin mong makakabalik ka nang buo at walang galos. Naiintindihan mo ba, anak? Ipangako mo." Si Ina ay walang tigil na hinahaplos ang pesnge ko. Parang tutulo na ang luha sa mata niya kaya hindi ko rin mapigilang mapasinghap at manubig ang mga mata.Nalulungkot ako kase kinakailangan ko muna silang iwan sa ngayon. Sa loob ng tatlong buwan."Opo. Pangako, Ina," usal ko at mapait na ngumiti sa kaniya. Halos hindi ako makagalaw dahil pakiramdam ko, ayaw niya akong bitawan. Naiiyak na siya kaya parang maiiyak na rin ako.Mahigpit ko siyang niyakap at hinagkan ang kaniyang pesnge ng ilang beses. Sigurado akong kakailanganin ko ang presensiya nila sa ano mang haharap sa amin sa misyon.Nang kumawala ako kay Ina, si Lola naman ang tiningnan ko na matatag pa rin at puno n
KABANATA 4❝Kamatayan❞"Nandito na tayo.""Pero anong ginagawa natin dito kung Lostrous ang hinahanap natin?" nagtatakang tanong ni Leviticus. "Hangganan ito ng Ludemier at Terremoir,"Sang-ayon ako. Tama nga siya. 'Tsaka sabi ni Rithius may alam siyang palatandaan kaya bakit kami rito napunta?Ang tanong ko sa isipan ay natigil nang namalayan kong nakababa na pala si Rithius sa kabayo niya at naglakad sa isa sa pinakamalaking puno ng acacia sa gitna nang pagitang lupa. Sobrang laki nito na pwede nang pagtaguan ng benteng tao.Pinagmasdan namin ang ginawa niya. May kung ano siyang hinipan sa katawan ng acacia hanggang sa maging lantad sa aming paningin ang mga salitang naka-ukit dito. Hindi gaanong malaki ngunit sakto na para mabasa namin sa layong ito."Ludemier... Terremoir... Lostrous
KABANATA 5 ❝Hangal❞ Akhira's POV "Nagawa natin! Nahanap natin!" Hindi ko napigilang huwag mapatili. Abot-abot ang tahip nang dibdib ko sa tuwa habang pinagmamasdan ang hinulmang pintuan na bigla nalang tumuhaw matapos tadyakan nang bruhang si Khione. "We did it again! Nahanap natin!" I screamed happily. Nag-uumapaw ang saya ko kaya maligaya kong nilapitan si Arza at pinagkukuyog ang balikat. Ngumiwi siya sa ginawa ko. Pero hindi naman nagreklamo kaya niyugyog ko pa siya. "Shall I do the pleasure?" Darius asked. Lumipat kay Prudence ang paningin ko at hindi ko naiwasang mamula nang masilayan ko na naman ang gwapo niyang mukha. Tipid lang siyang naglahad nang kamay kaya humakbang na si Darius. Pigil ang hininga naming lahat nang iangat niya ang kamay na dapat sanang bubukas sa pintuan pero hi
KABANATA 6❝Nagkait❞Khione's POV"Are you okay, Kiro?" I asked my horse. Kulay kayumanggi ang kulay nang kabayo ko at pinangalanan ko itong Kiro. Ito na ang naging gabay ko hanggang sa lumaki. Ang palaging kasama ko saan man ako magpunta. At ngayon, kasama ko sa misyon. Panibagong paglalakbay na naman ito kasama siya.Nakalimutan ko ang inis habang hinihimas ang likuran niya. Nagne-ney naman siya na para bang nasasarapan sa paghipo ko kaya mas hinaplos ko pa ang likuran niya. Nangiti na ako."Masarap ba? Gustong gusto mo? Gustong gusto ba ni Kiro 'to?" umakyat sa ulo niya ang haplos ko. Magawq pa niyang kaya napahagikhik ako. Sumasagot ang kabayo ko."Opo. Ipagpapatuloy ko pa." Ani ko at pinagpatuloy ang paghaplos sa kaniya. Sa sarap siguro nang haplos ko, napapapikit na siya
KABANATA 7❝Balang araw❞Akhira's POV"Wala ka talagang naidudulot na mabuti sa aking litse ka! Puro kamalasan ang naabot ko dahil sa 'yo!" halos mabingi ako sa sigaw ni Tiyay sa akin kaya ang nagawa ko na lang ay ang mapapikit at indahin ang sermon niya."Malas ka sa buhay ko! Kaya ka iniwan nang mga litse mong magulang dahil malas ka!" kumirot na naman ang aking dibdib dahil sa napili niyang topiko.Akalala siguro niya, dahil bata pa lang ako, hindi ko maiintindihan ang mga sinasabi niya. Pero hindi niya alam, para akong sinaksak nang ilang beses kase malinaw na malinaw kong naiintindihan ang mga sinasabi niya.Batang lang ako, pero ako'y nakakaintindi rin.Inabanduna ako nang aking mga magulang dahil malas akong anak. Iniwan nila ako sa Tiyahin ko dahil hindi nila ako mahal. Ni-hindi manlang nila a
KABANATA 8❝Like❞Khione's POVI know she's a crazy lunatic baddass girl pero hindi naman umabot sa isip ko na gagawin niya ang sinabi kong saksakin niya ang sarili niya.My gods! Sinong tao ang sasaksakin ang sarili dahil lang sa sinabi ng iba ito? No one would do it unless she's Akhira Mearai Chalde! Gosh! She's crazy!Gusto ko nalang mag-walk out at mag-backout sa misyong ito but I still have my pride and integrity.Ano na lang ang sasabihin nila kung gawin ko iyon? Ayaw kong pagtawanan ako. Kaya kahit mainit ang ulo ko sa kaniya ay hindi ako nagreklamo.I'm trying my best to contribute something in this mission! Gayong nagsalita naman ako bilang parte nang samahan ay galit na naman siya sa akin. Well, we're either kase naiinis din ako sa kaniya."Akhira!"Halos mamutla ako na
KABANATA 9❝Alak❞Khione's POVNagmistula akong kamatis sa loob ng aking kumot sa sobrang pang-iinit ng pesnge ko. Shit. Kinikilig ako. Totoo ba 'to?Baka biro lang 'yun ni Gihon! Knowing him, he's the dorkiest man I know!Iyon na ata ang pinakamasaya kong tulog sa buong buwan. I keep repeatedly thinking Gihon's word kaya dala-dala ko ito hanggang sa panaginip ko.Ang rupok ko talaga! Hindi ko rin masisisi ang sarili kung bakit ako nagkakaganito. Even I, I like myself too!Tunog nang nagsasanggaang sandata ang gumising sa akin nang sumunod na umaga. Bumangon ako nang hindi minumulat ang mata at niyakap ang sarili. Unti-unti, iminulat ko ang aking mata at agad nalaglag ang aking panga."Lakasan n'yo naman! Ang hina n'yo!""Sugod! Lakasan mo, Lev!"
❝Attack❞Arza's POVLahat kami ay nagulat nang matumba si Akhira at mawalan ng malay. Bago pa man ako makatakbo, naramdaman ko nang may kung anong tumama sa leeg ko dahilan para mapaluhod din ako sa lupa at tuluyang bumagsak.Biglang umikot ang paligid sa paningin ko at bago tuluyang mawalan ng malay, nakita kong bumagsak din ang mga kasamahan.Sa isang nakakasilaw na liwanag, namulat ang mata ko ngunit nang bumalik ang aking paningin, bumungad sa akin ang madilim na paligid.Napahawak ako sa dibdib sa unti-unting pagkabog ng dibdib ko.Nasaan ako?"Panahon na..."Napaiktad ako nang marinig na may bumulong sa aking tenga. Nanindig ang balahibo ko sa boses nitong may nakakahindik na misteryo."Parating na..."Kumunot ang aking noo. Isang malamig na hangin ang dumapya sa katawan ko kaya niyakap ko ang sarili
❝Kakaiba❞Akhira's POVIkaw ang isa sa apat. . .Ikaw ang isa sa apat. . .Ako ang isa sa apat? Ano ang ibig sabihin ng matanda? Ako ang isa sa apat na hindi ordinaryo sa amin?Natawa ako sa isipan. Malaking kalokohan!Anong hindi ordinaryo ang sinasabi niya? Kung pagiging abnormal ang pagsasabihan, insulto iyon sa akin. Baka 'pag si Khione sinabihan niya nang ganu'n, maniniwala agad ako.Nagulo tuloy isipan ko kaya naman nawala ako sa pag-iisip nang pumasok kami ng salamin o nang lagusan pala patungong Marais.Pagka-balik nang tamang pag-iisip ko, nagulat na lang ako nasa kagubatan na naman kami kami. Ngunit hindi nakakatakot ang katahimikan dahil masarap sa tenga ang kanta ng mga ibon."Kalokohan," usal ko ulit sa sarili. Napa-iling ako.
❝Agamis❞Akhira's POVMaagang gumising at naghanda ang aming grupo para sa pagdaong ng barko sa Agamis. Sa wakas ay napalitan ko na ang aking damit na saya sa isang mas komportableng damit at nilakip ang aking espada sa gilid.Dumadanak ang aking pawis sa pagod at hingal. Hinamon ko nang duelo ang kanang kamay ni Ginoong Suvettre kaya ganito nalang ako kapagod. Hindi ko ianasahan na magaling siya kaya nahirapan akong talunin siya.Isang mabuting palad na lang na nagawa kong patalbugin ang hawak niyang espada. Ngunit sa aking palagay ay tsamba lamang iyon dahil nadulas siya sa nagkalat na langis sa sahig.Pero s'yempre, mamamatay muna ako bago aminin na tinalo ako ng babaeng kanang kamay ni Suvettre Von Dorzan. Walang nakakita kanina kaya nagagawa ko pa ring i-taas ang noo sa kabila ng pagkasira ng astig ko.Ang aking ibang kasa
❝Pagkita❞Khione's POV"Kumusta ang pag-uusap nin'yo? Bakit kayo natagalan?" agad na usisa ni Akhira nang makalabas sa kubon ang dalawa kaya napa-irap ako. Mapapel. Kanina ay akala mo kung sinong close kay Gihon. Tsk."Anong sabi niya?" desperadang tanong niya. She look very desperate. Hindi makapaghintay.Tipid na tinitigan siya ni Prudence habang blanko namang dumiretso si Rithius para pumunta sa likurang bahagi ng barko para roon tumayo at hinarap ang papalubog na araw.I gulped. I just realized that it's just the second day we entered Lostrous. Bakit ang bagal ata gumalaw ng oras sa kahariang ito? Parang feeling ko ang hina lumakad ng mga kamay ng orasan sa kahariang ito?Napa-isip ako. Maybe I can ask Meda later. There are still so many things I need to ask and discover in this kingdom. But I ca
❝Dorzan❞"Magandang pagbati sa in'yo. Ako si Suvettre Von Dorzan, ang kapitan ng barkong ito.""Dorzan?" kami'y napa-tindig at hindi man nagkatinginan, tiyak iisa ang nasa loob ng aming utak."Kaano-ano mo si Elmodor Veu Dorzan?" hindi na nag-atubiling magtanong si Prudence sa narinig.Nahagyang nagulat ang pinuno ng mga Pirata at agad din namang nakabawi at malakas na tawa."Sino ang Elmodor na tinutukoy nin'yo?" malutong siyang tumawa na namayani sa buong barko. Tiningnan pa niya ang mga tauhan na nagulat sa pagtawa niya ngunit nang tingnan ay pilit ding natawa.Nasira ang ekspresyon ko. Kumunot din ang noo ko."Kaano-ano mo si Elmodor, ang kanang kamay ng Pinakamataas na diyos?" diretsang tanong ni Rithius. Katulad ni Prudence, nag-aasam nang kasaguta
❝Save❞Arza's POVTila may nag-utos sa aking tawagin siyang ganoon. Kusang gumalaw ang aking dila at sumunod ang aking labi. I don't know her name but an unknown power told me to call her Amaidea.Iyon ba ang pangalan niya?Yumakap ang isang tipid na ngiti sa kaniyang manipis at maputlang labi. Amaidea nga ang pangalan niya. Nakita ko kung paano lumambot ang mata niya nang tawagin ko siya sa pangalang iyon."Magtiwala ka lang sa kaniya. Magtatagumpay kayo..." tila bulong iyon na magpabalik sa akin sa totoong nangyayari. Bigla nalang siyang naglaho matapos sabihin ang mga katagang 'yun.Magtiwala ka lang. Magtatagumpay kayo.Ano ang ibig niyang sabihin? Bigla akong kinapos nang hininga. Biglang pumasok sa isipan ko na nasa ilalim ako nang madilim na dagat kaya labis akong natakot.
❝Fell❞Arza's POVNakakagulat ang mga bagong kaalaman. Nakaramdam muli ako ng hilo kaya naisandal ko ang aking ulo sa balikat ni Akhira. Hinayaan niya ako at hinaplos ang aking pesnge.Sa dulo ng aking mata, nahuli ko ang nag-aalalang paninitig sa akin ni Rithius na pinili ko lamang h'wag bigyan ng pansin. Nakinig pa ako sa kwento ni Andromeda."What do you mean? Base on our research in the library, Lostrous is the kingdom with the domain of vast forests. Ibig mo bang sabihin na may disyerto rin dito?" natawa si Leviticus sa sariling inusal.Andromeda smirked and folded her two hands in her thigh."Mukha bang impossible?" usal niya."What do you think why the gods choose Lostrous to be their territory instead of the other kingdoms?"Kumunot ang noo ko. Nagkatinginan kami ni Akhira, kapwa napa
❝More❞Dare's POVNagising ako sa pakiramdam ng mainit na bagay na nakalagay sa aking noo at dibdib. Hindi ko pa naimumulat ang aking mata, nalaman ko na agad kung anong gamot ang kasalukuyang nagpapagaling sa akin dahil sa mabango nitong amoy.Malagma. Isang uri ng dahong herbal na makikita mo lamang sa puso ng isang malaking lawa na nakakapaggaling nang kung ano mang halusinasyon ang pumasok sa isipan ng isang tao.I felt like I reclaimed my strength. Unti-unti, naramdaman ko ang pagdaloy pabalik ng aking lakas sa lahat ng aking mga kaugatan. Umihip ang malamig na hangin kaya napagdesisyunan ko nang imulat ang aking mga mata.Isang tagpo ang bumungad sa akin. Dati pa man, namulat at natuto nang manggamot ng mga tao kaya naninibago akong ako naman ngayon ang ginagamot ng babaeng kakakilala pa lamang namin."Gising kana." Aniya at na
❝Suicide❞Still Gihon's POV"Holy sh*t!" agad kong kinuha ang espadang namamahinga sa aking gilid at akmang iiba ng daan pabalik nang mariin hawakan ni Prudence ang balikat ko."Don't!" he stopped me pero pagalit kong piniglas ang kaniyang kamay sa aking balikat."The girls are in danger! Ano? Hahayaan na lang natin silang malagay sa panganib?!" I spat angrily and tried moving but Rithius lowered his run and looked at me warningly.Nagkapantay kami. I don't know but I hate his guts. I clenched my jaw."Do not mind what you hear. Focus on the plan." He coldly uttered kaya parang umusok ang aking tenga sa iritasyon.I laughed full of sarcasm. "Plan? Do I even included in the plan? I don't even know what's your plan, dude! At ano? Hahayaan n'yo nalang na mapahamak ang mga babae?!" I spat and removed Prudence's hold on me.&n