Share

Kabanata 3

Author: Hakudennn
last update Last Updated: 2021-10-13 08:32:00

KABANATA 3

❝Hangganan❞

"Mag-iingat ka. Siguraduhin mong makakabalik ka nang buo at walang galos. Naiintindihan mo ba, anak? Ipangako mo." Si Ina ay walang tigil na hinahaplos ang pesnge ko. Parang tutulo na ang luha sa mata niya kaya hindi ko rin mapigilang mapasinghap at manubig ang mga mata.

Nalulungkot ako kase kinakailangan ko muna silang iwan sa ngayon. Sa loob ng tatlong buwan.

"Opo. Pangako, Ina," usal ko at mapait na ngumiti sa kaniya. Halos hindi ako makagalaw dahil pakiramdam ko, ayaw niya akong bitawan. Naiiyak na siya kaya parang maiiyak na rin ako.

Mahigpit ko siyang niyakap at hinagkan ang kaniyang pesnge ng ilang beses. Sigurado akong kakailanganin ko ang presensiya nila sa ano mang haharap sa amin sa misyon. 

Nang kumawala ako kay Ina, si Lola naman ang tiningnan ko na matatag pa rin at puno nang tiwala ang ekspresyon. Doon ako nabuhayan ng loob. Pinapalakas niya talaga ang loob ko.

"Naniniwala akong kaya mo. Malakas ang loob kong babalik ka at mahahanap nin'yo siya." Aniya at ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik at siya naman ang tinungo ko't niyakap.

"Maraming salamat sa tiwala, la. Pangako, babalik po ako. Babalik ako sa in'yo." I whispered in her. Naramdaman kong hinaplos niya ang likuran ko at taman na tumango sa aking tinuran.

"Aasahan ko, apo. Mag-iingat ka."

Para nang tutulo ang aking luha. Pinipigilan ko lang dahil ayokong magpakita sa kanila ng kahinaan. Ayaw kong ipakita sa aking mga kasamahan na iiyak.

Narinig ko ang pagtunog ng kabayo sa likuran namin kaya winala ko na ang namumuong luha sa mata at sa huling beses, nginitian ko ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko.

"Mahal na mahal ko po kayo, Ina, Lola," 

Tuluyan na akong tumalikod at bumungad sa akin ang naghihintay na kasamahan, kapwa nakasakay sa kanilang kabayo. Dumako ang tingin ko sa libreng kabayo sa tabi ni Akhi at ito ang nilapitan.

"H'wag po kayong mag-alala, kasama po ako ni Arza. Pinapangako ko pong sasamahan siya at tutulungan sa anu-mang oras. Ibabalik ko po siyang buo, La, Tiya,"

Tumango ang aking pamilya.

"Aasahan ko, anak. Mag-ingat kayo sa paglakbay. Nawa'y suma-inyo ang basbas ng mga diyos."

Nagdadalawang isip akong umalis dahil tiyak mangungulila ako sa kanila. Hindi tiyak ang panahong susuungin namin. Labis itong mapanganib kaya sana gabayan ako ng mga diyos na mapagtagumpayan namin ang misyong ito.

"Opo, Tiya,"

Nauna kong isampay sa kabayo ang aking mga dala bago ako umangkas. Mabuti at marunong ako mangabayo dahil tinuro sa akin ni Lolo ng bata pa lang ako. Isa iyon sa pinakahindi ko makakalimutang ala-ala kaya pinapahalagahan ko ito at sinasanay palagi sa tuwing mahiram ko ang kabayo ni Akhira, si Akhiro.

Tipid kaming nagkatinginan ng kaibigan at nang maging handa na ako, tumango si Prudence sa lahat bilang tanda na aalis na kami. Kanina ay sila ang pormal na nagpaalam sa akin kina Ina. Doon nabawasan ang pag-aalala ni Ina dahil pinangako mismo ni Rithius sa harapan ko na gagabayan niya ako at hindi hahayaang malagay sa panganib.

Pinalo ko ang kabayo kaya nagsimula itong gumalaw, kasunod sa mga kasamahan ko. Puno nang paninibugho ang aking dibdib. Hindi ko maiwasang malungkot dahil mawawala ako sa piling ng Ina at Lola pero nakakaramdam din nang kakaibang sensasyon dahil sa misyong tatahakin namin.

Magsisimula na. Nalulungkot ako ngunit kinakabahan din sa kabilang dako.

"Mag-iingat kayo!" bago lumiko ang aming kabayo palabas sa kakahuyang ng Fliore De Cereses, narinig ko pa ang malakas na pagsigaw ni Ina.

"Tulungan n'yo ang isa't-isa! H'wag nyo sana hahayaang magkawatak-watak kayo! Mag-ingat kayo!"

"Gagawin ko, Ina." Bulong ko sa sarili.

Inilihim ko na lang ang aking ngiti at itinuon sa daang tinatahak ang atensiyon. Nasa pinakahuli ako kaya natatanaw ko silang lahat. Siyam kami sa paglalakbay na ito. Si Prudence, Gihon, at Leviticus ay ang nasa pinakauna at seryosong nag-uusap. Si Dare, Khione, Akhira at Darius ang humahabol. Seryoso ang dalawa, si Akhi ay halata ang tuwa sa ekspresyon habang si Ione naman ay mukhang inaaway ang kabayo niya dahil magalaw ito at parang nahuhulog na siya. Nangiti ako nang makita ang kanilang iba't-ibang reaksiyon hanggang sa maligaw ang tingin ko sa isang seryosong mata na nasa akin ang pukos.

Napalunok ako sa paninitig sa akin ni Rithius. Ngayon ko lang namalayan na halos magkasabay lang ang kabayo namin.

Hindi tulad nang akala ko, hindi siya umiwas nang tingin at pinagmasdan pa ako kaya nakaramdam ako nang pagkailang. To ease the akwardness, tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. Seryoso lang siyang umiwas nang tingin. Napako naman ang tingin ko sa kaniya.

Membro ng isa sa pinakamalakas na angkan sa buong Nervana si Rithius. Isa siyang dugong Ghaditi at malaki ang kanilang kontribusyon sa larangan nang pag-ungkat ng ginto at metal at iba pang yamang mineral na ginagawang kagamitan ng mga sundalo sa apat na kaharian. Sa pagkakaalam ko, siya ang tanging tagapagmana ng kaniyang balong Ama. Wala siyang ina dahil namatay raw ito sa malubhang sakit ng siya'y sanggol pa lamang.

Hindi na ako magtataka kung bakit hindi siya nakikipag-usap sa amin dahil talagang iba kami sa kaniya. Ako at si Akhira ay lumaking mahirap. Mabuti pa ako, may Ina at Lolang kinagisnan, habang si Akhira ay namulat na walang mga magulang at ang isang malayong kamag-anak na ang nagpalaki sa kaniya. Mabuti sana kung mabait ito, ngunit ang Tiya niya ay nuknukan sa sungit kaya naging mapangahas siya. 

Malakas ang loob niya sa mga ganitong bagay at mas gugustuhin tumagal sa ibang lugar kaysa sa mamuro sa bahay ng Tiyahin niya. Si Khione, Prudence at Gihon naman ay lumaki mula sa mayayamang angkan sa Ludemier. Isa sa mga mayamang angkan sa Ludimier ang kanilang Pamilya at nakukuha agad ang gusto sa isang pitik lang ng kamay. 

Kaya hindi na nakakapagtakang maarte at pilyo si Khione dahil wala rin siyang mga kapatid sa mga mayamang magulang. Siya'y tinuring na milagro ng mga ito dahil ang ina niya'y walang kakayahang magdala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan kaya tinutularan lang ang mga bisyo.

 Si Dare at ang kambal naman ay nasa normal na estado lamang ayun sa aking pagkakarinig sa kanilang usapan kahapon. Bukod doon, wala na akong ibang alam sa kanila ngunit tiyak na mga manggagawa rin ang kanilang angkan at namumuhay na sakto sa pang-araw-araw ang kinikita.

Tatlong buwan ang misyon namin. Siguradong may mapaghihihangahan kami pero sagot namin ang aming pagkain at kagamitan sa misyong ito. Kahapon, bago kami umuwi, hinati-hati namin ang mga kakailanganin at kung sino ang dadala.

Si Gihon at Khione ang siyang bahala sa mga pagkain namin. Si Rithius ang sa dadalhin naming ginto at pilak para sa paglalakbay at tiniyak niyang bastante ito sa mga hindi inaasang mangyayari. Si Darius, Dare at Leviticus naman ang sa mga pangangailangan namin iba bukod sa pera at pagkain. Habang kami naman ni Akhira ang tagadala ng mga espada at panangga.

Si Akhira ang matalino sa mga ganito kaya siya ang inaasahan ko. Magaling din siya sa pakikipaglaban kaya buo ang loob kong maliligtasan namin kung may haharapin man kaming kaaway. Sa tulong nang panalanging sa mga diyos at diyosa. Kahit papaano'y marunong din ako pumana. Iyong ang gamay ko.

Pero sana walang mangyaring away. Mas gugustuhin ko ang mapayapang paglalakbay. Sana mahanap namin ang Lostrous at makita si Elmodor. Sana magtagumpay kami.

Diretso ang lakad nang aming mga kabayo sa ilalim nang matayog na kaguban ng Ludimier. Dalawang oras na ang tahimik naming paglalakabay at nangangawit na ang mga balikat ko sa paghawak nang pangontrol sa kabayo. Tiniyak lang din namin normal lang ang lakad ng hayop para hindi agad ito mapagod.

"Ang sakit na nang balikat ko! Hindi ba muna tayo magpapahinga?" reklamo ni Khione.

Tamad siyang nilingon ni Akhira.

"Dalawang oras pa lamang tayong naglalakbay, pagod kana agad? Paano pa kaya kung abutin tayo ng tatlong buwan?" sarkastikong saad ng kaibigan kaya agad umusok ang ilong ni Ione.

"Tsee! You're so pakeilamera! Hindi naman ikaw ang kinakausap ko!" Khione taunted and glared at her. She whipped her horse to reach Akhi and even surpassed her.

"Yuck, you should thank me for talking to you 'cause nobody wants to listen. I'm just concern you would look baliw in your horse while whining." Isang pamilyar na salita ang binanggit ni Akhi kaya tumakas ang tawa sa labi ng mga lalake sa unahan.

Khione sneered.

"What's so funny? And you!" she pointed Akhira. "Stop copying my words. Mangagaya ka!"

Iyon na naman ang mitsa nang walang katapusang sagutan ng dalawa. Wala talaga silang pagbabati at nakakarindi na ang kanilang sigawan. Pati ang mga hayop sa dinadaanan namin ay nabubulabog sa kanilang boses.

Wala silang pinipiling lugar. Ni-hindi nila naisip na maaring may mga bandido sa paligid at pwede kaming marinig.

Mga isip bata talaga. Parang wala lang kami sa gitna nang paglalakbay at nasa silid lamang sila.

"Ano ba kayo, tama na 'yan. Nasa gitna tayo ng kagubatan." Saway sa kanila ni Dare. Pinabilis at inilebel niya ang kabayo sa kanila.

"Patigilin mo kase iyang bruhang bratinilya na iyan. Ang ingay ng bunganga." Pinabilis ni Akhi ang kabayo para makasabay sina Prudence.

"Ikaw ang tumahimik! Bruha ka! Sumasabat e hindi naman ikaw ang kinakausap ko!" sabat naman ni Khione kaya napakamot na ng batok ang kambal. Si Dare ay bumuntong hininga at mas nilapitan siya. Sila ang nag-usap at nakakagulat na tumahimik agad si Khione. Nagbubulungan na nga sila sa katunayan.

Natahimik ulit ang paligid. Si Rithius ay nasa tabi ko pa rin at seryoso ang tingin sa unahan. Ang tahimik talaga niya. Paano ko ba siya mapapagsalita?

Bumuntong-hininga ako. Siguro masabuting tumahimik na lamang ako kaysa ang isipin iyon.

"Saan ba talaga ang tungo natin?" Reklamo na iyon ni Dare nang inabot na kami ng apat na oras sa paglalakbay.

 Nasa gitna pa rin kami ng kagubatan at batid kong nasa teritoryo pa rin kami ng Ludemier. Tila umiikot lamang kami.

"Patungo tayo sa hangganan ng Ludemier at Terremoir. Huwag kayong mag-alala, malapit na tayo--at nandito na nga pala tayo," naputol ang salita ni Prudence nang malingat ang atensiyon niya sa unahan. Nalingat din ang amin.

Walang mataas na pader o bakal na harang ang humati sa dalawang kaharian dahil ang palatandaan nito ay ang magkaibamg kulay nang lupa. 

Kayumanggi ang sa Ludemier habang mapula-pula naman ang sa Terremoir. Nagmistula itong may linya sa gitna at kinulayan para magtandang nasa pagitan na pero ito'y natural na kulay ng lupa lamang.

Tumigil kaming lahat. Nasa hangganan na nga kami.

"Nandito na tayo."

Related chapters

  • Gods of the dauntless    Kabanata 4

    KABANATA 4❝Kamatayan❞"Nandito na tayo.""Pero anong ginagawa natin dito kung Lostrous ang hinahanap natin?" nagtatakang tanong ni Leviticus. "Hangganan ito ng Ludemier at Terremoir,"Sang-ayon ako. Tama nga siya. 'Tsaka sabi ni Rithius may alam siyang palatandaan kaya bakit kami rito napunta?Ang tanong ko sa isipan ay natigil nang namalayan kong nakababa na pala si Rithius sa kabayo niya at naglakad sa isa sa pinakamalaking puno ng acacia sa gitna nang pagitang lupa. Sobrang laki nito na pwede nang pagtaguan ng benteng tao.Pinagmasdan namin ang ginawa niya. May kung ano siyang hinipan sa katawan ng acacia hanggang sa maging lantad sa aming paningin ang mga salitang naka-ukit dito. Hindi gaanong malaki ngunit sakto na para mabasa namin sa layong ito."Ludemier... Terremoir... Lostrous

    Last Updated : 2021-10-20
  • Gods of the dauntless    Kabanata 5

    KABANATA 5 ❝Hangal❞ Akhira's POV "Nagawa natin! Nahanap natin!" Hindi ko napigilang huwag mapatili. Abot-abot ang tahip nang dibdib ko sa tuwa habang pinagmamasdan ang hinulmang pintuan na bigla nalang tumuhaw matapos tadyakan nang bruhang si Khione. "We did it again! Nahanap natin!" I screamed happily. Nag-uumapaw ang saya ko kaya maligaya kong nilapitan si Arza at pinagkukuyog ang balikat. Ngumiwi siya sa ginawa ko. Pero hindi naman nagreklamo kaya niyugyog ko pa siya. "Shall I do the pleasure?" Darius asked. Lumipat kay Prudence ang paningin ko at hindi ko naiwasang mamula nang masilayan ko na naman ang gwapo niyang mukha. Tipid lang siyang naglahad nang kamay kaya humakbang na si Darius. Pigil ang hininga naming lahat nang iangat niya ang kamay na dapat sanang bubukas sa pintuan pero hi

    Last Updated : 2021-10-21
  • Gods of the dauntless    Kabanata 6

    KABANATA 6❝Nagkait❞Khione's POV"Are you okay, Kiro?" I asked my horse. Kulay kayumanggi ang kulay nang kabayo ko at pinangalanan ko itong Kiro. Ito na ang naging gabay ko hanggang sa lumaki. Ang palaging kasama ko saan man ako magpunta. At ngayon, kasama ko sa misyon. Panibagong paglalakbay na naman ito kasama siya.Nakalimutan ko ang inis habang hinihimas ang likuran niya. Nagne-ney naman siya na para bang nasasarapan sa paghipo ko kaya mas hinaplos ko pa ang likuran niya. Nangiti na ako."Masarap ba? Gustong gusto mo? Gustong gusto ba ni Kiro 'to?" umakyat sa ulo niya ang haplos ko. Magawq pa niyang kaya napahagikhik ako. Sumasagot ang kabayo ko."Opo. Ipagpapatuloy ko pa." Ani ko at pinagpatuloy ang paghaplos sa kaniya. Sa sarap siguro nang haplos ko, napapapikit na siya

    Last Updated : 2021-10-22
  • Gods of the dauntless    Kabanata 7

    KABANATA 7❝Balang araw❞Akhira's POV"Wala ka talagang naidudulot na mabuti sa aking litse ka! Puro kamalasan ang naabot ko dahil sa 'yo!" halos mabingi ako sa sigaw ni Tiyay sa akin kaya ang nagawa ko na lang ay ang mapapikit at indahin ang sermon niya."Malas ka sa buhay ko! Kaya ka iniwan nang mga litse mong magulang dahil malas ka!" kumirot na naman ang aking dibdib dahil sa napili niyang topiko.Akalala siguro niya, dahil bata pa lang ako, hindi ko maiintindihan ang mga sinasabi niya. Pero hindi niya alam, para akong sinaksak nang ilang beses kase malinaw na malinaw kong naiintindihan ang mga sinasabi niya.Batang lang ako, pero ako'y nakakaintindi rin.Inabanduna ako nang aking mga magulang dahil malas akong anak. Iniwan nila ako sa Tiyahin ko dahil hindi nila ako mahal. Ni-hindi manlang nila a

    Last Updated : 2021-10-23
  • Gods of the dauntless    Kabanata 8

    KABANATA 8❝Like❞Khione's POVI know she's a crazy lunatic baddass girl pero hindi naman umabot sa isip ko na gagawin niya ang sinabi kong saksakin niya ang sarili niya.My gods! Sinong tao ang sasaksakin ang sarili dahil lang sa sinabi ng iba ito? No one would do it unless she's Akhira Mearai Chalde! Gosh! She's crazy!Gusto ko nalang mag-walk out at mag-backout sa misyong ito but I still have my pride and integrity.Ano na lang ang sasabihin nila kung gawin ko iyon? Ayaw kong pagtawanan ako. Kaya kahit mainit ang ulo ko sa kaniya ay hindi ako nagreklamo.I'm trying my best to contribute something in this mission! Gayong nagsalita naman ako bilang parte nang samahan ay galit na naman siya sa akin. Well, we're either kase naiinis din ako sa kaniya."Akhira!"Halos mamutla ako na

    Last Updated : 2021-10-26
  • Gods of the dauntless    Kabanata 9

    KABANATA 9❝Alak❞Khione's POVNagmistula akong kamatis sa loob ng aking kumot sa sobrang pang-iinit ng pesnge ko. Shit. Kinikilig ako. Totoo ba 'to?Baka biro lang 'yun ni Gihon! Knowing him, he's the dorkiest man I know!Iyon na ata ang pinakamasaya kong tulog sa buong buwan. I keep repeatedly thinking Gihon's word kaya dala-dala ko ito hanggang sa panaginip ko.Ang rupok ko talaga! Hindi ko rin masisisi ang sarili kung bakit ako nagkakaganito. Even I, I like myself too!Tunog nang nagsasanggaang sandata ang gumising sa akin nang sumunod na umaga. Bumangon ako nang hindi minumulat ang mata at niyakap ang sarili. Unti-unti, iminulat ko ang aking mata at agad nalaglag ang aking panga."Lakasan n'yo naman! Ang hina n'yo!""Sugod! Lakasan mo, Lev!"

    Last Updated : 2021-10-27
  • Gods of the dauntless    Kabanata 10

    KABANATA 10❝Lostrous❞Arza's POV"Pasensiya na talaga, Khi," Levi who's fair as white pleaded in front of Khione. Namumutla ito sa hiya.Kitang nagsisisi siya na hinayaan niya si Khione na inumin ang alak nila o sa madaling salita ay ang kanilang gamot sa inabot na pangbubugbog kay Akhira."Pasensiya talaga. Hindi namin agad nasabi,"Pero kung tutuosin, wala naman talaga silang kasalanan. Si Khione itong matigas ang ulo. Palibhasa kase, lumaking arogante. Gusto siya lang ang nasusunod.Inilipat ko ang tingin kay Khione na nag-uunat na ngayon."It's okay. Ako nga dapat ang huming ng paumanhin." Ani naman nito at nahihiyang napakamot ng kilay.Good thing, she realized she's wrong. Masyado siyang reckless, iyon tuloy ang naabot niya."Palibhasa pabida. Nangunguha nang hindi naman sa kaniya. Tss

    Last Updated : 2021-10-28
  • Gods of the dauntless    Kabanata 11

    KABANATA 11❝Swallow❞"Takbo!"Iyon na ata ang pinakamabilis na ginawa namin sa aming buong buhay nang sabay-sabay. Ang humarap sa likuran at sabay na tumakbo nang mabilis."Shit," Rithius murmured while running fast. Pinauna nila kaming mga babae habang sinasangga ang mga palasong humahabol sa amin. Ni-hindi ako lumingon para tingnan ang dalawa pang taong nasa hulihan namin na siya talagang hinahabol nang mga hindi ko alam kong anong klaseng tao.Sila'y naka bahag at maitim ang mga mukha. Maingay rin ang kanilang mga sigaw na tila mga tunog ng uwak. They're creepy. Para silang mga sinapian ng demonyo."Bilisan n'yo! Sa kanan!" walang salita naming sinunod ang mga hulihan sa amin at lumiko sa kanang bahagi ng kagubatan at mas binilisan pa ang takbo."Gosh! This is a suicide!" Khione whined. Wala rin naman s

    Last Updated : 2021-11-05

Latest chapter

  • Gods of the dauntless    Kabanata 24

    ❝Attack❞Arza's POVLahat kami ay nagulat nang matumba si Akhira at mawalan ng malay. Bago pa man ako makatakbo, naramdaman ko nang may kung anong tumama sa leeg ko dahilan para mapaluhod din ako sa lupa at tuluyang bumagsak.Biglang umikot ang paligid sa paningin ko at bago tuluyang mawalan ng malay, nakita kong bumagsak din ang mga kasamahan.Sa isang nakakasilaw na liwanag, namulat ang mata ko ngunit nang bumalik ang aking paningin, bumungad sa akin ang madilim na paligid.Napahawak ako sa dibdib sa unti-unting pagkabog ng dibdib ko.Nasaan ako?"Panahon na..."Napaiktad ako nang marinig na may bumulong sa aking tenga. Nanindig ang balahibo ko sa boses nitong may nakakahindik na misteryo."Parating na..."Kumunot ang aking noo. Isang malamig na hangin ang dumapya sa katawan ko kaya niyakap ko ang sarili

  • Gods of the dauntless    Kabanata 23

    ❝Kakaiba❞Akhira's POVIkaw ang isa sa apat. . .Ikaw ang isa sa apat. . .Ako ang isa sa apat? Ano ang ibig sabihin ng matanda? Ako ang isa sa apat na hindi ordinaryo sa amin?Natawa ako sa isipan. Malaking kalokohan!Anong hindi ordinaryo ang sinasabi niya? Kung pagiging abnormal ang pagsasabihan, insulto iyon sa akin. Baka 'pag si Khione sinabihan niya nang ganu'n, maniniwala agad ako.Nagulo tuloy isipan ko kaya naman nawala ako sa pag-iisip nang pumasok kami ng salamin o nang lagusan pala patungong Marais.Pagka-balik nang tamang pag-iisip ko, nagulat na lang ako nasa kagubatan na naman kami kami. Ngunit hindi nakakatakot ang katahimikan dahil masarap sa tenga ang kanta ng mga ibon."Kalokohan," usal ko ulit sa sarili. Napa-iling ako.

  • Gods of the dauntless    Kabanata 22

    ❝Agamis❞Akhira's POVMaagang gumising at naghanda ang aming grupo para sa pagdaong ng barko sa Agamis. Sa wakas ay napalitan ko na ang aking damit na saya sa isang mas komportableng damit at nilakip ang aking espada sa gilid.Dumadanak ang aking pawis sa pagod at hingal. Hinamon ko nang duelo ang kanang kamay ni Ginoong Suvettre kaya ganito nalang ako kapagod. Hindi ko ianasahan na magaling siya kaya nahirapan akong talunin siya.Isang mabuting palad na lang na nagawa kong patalbugin ang hawak niyang espada. Ngunit sa aking palagay ay tsamba lamang iyon dahil nadulas siya sa nagkalat na langis sa sahig.Pero s'yempre, mamamatay muna ako bago aminin na tinalo ako ng babaeng kanang kamay ni Suvettre Von Dorzan. Walang nakakita kanina kaya nagagawa ko pa ring i-taas ang noo sa kabila ng pagkasira ng astig ko.Ang aking ibang kasa

  • Gods of the dauntless    Kabanata 21

    ❝Pagkita❞Khione's POV"Kumusta ang pag-uusap nin'yo? Bakit kayo natagalan?" agad na usisa ni Akhira nang makalabas sa kubon ang dalawa kaya napa-irap ako. Mapapel. Kanina ay akala mo kung sinong close kay Gihon. Tsk."Anong sabi niya?" desperadang tanong niya. She look very desperate. Hindi makapaghintay.Tipid na tinitigan siya ni Prudence habang blanko namang dumiretso si Rithius para pumunta sa likurang bahagi ng barko para roon tumayo at hinarap ang papalubog na araw.I gulped. I just realized that it's just the second day we entered Lostrous. Bakit ang bagal ata gumalaw ng oras sa kahariang ito? Parang feeling ko ang hina lumakad ng mga kamay ng orasan sa kahariang ito?Napa-isip ako. Maybe I can ask Meda later. There are still so many things I need to ask and discover in this kingdom. But I ca

  • Gods of the dauntless    Kabanata 20

    ❝Dorzan❞"Magandang pagbati sa in'yo. Ako si Suvettre Von Dorzan, ang kapitan ng barkong ito.""Dorzan?" kami'y napa-tindig at hindi man nagkatinginan, tiyak iisa ang nasa loob ng aming utak."Kaano-ano mo si Elmodor Veu Dorzan?" hindi na nag-atubiling magtanong si Prudence sa narinig.Nahagyang nagulat ang pinuno ng mga Pirata at agad din namang nakabawi at malakas na tawa."Sino ang Elmodor na tinutukoy nin'yo?" malutong siyang tumawa na namayani sa buong barko. Tiningnan pa niya ang mga tauhan na nagulat sa pagtawa niya ngunit nang tingnan ay pilit ding natawa.Nasira ang ekspresyon ko. Kumunot din ang noo ko."Kaano-ano mo si Elmodor, ang kanang kamay ng Pinakamataas na diyos?" diretsang tanong ni Rithius. Katulad ni Prudence, nag-aasam nang kasaguta

  • Gods of the dauntless    Kabanata 19

    ❝Save❞Arza's POVTila may nag-utos sa aking tawagin siyang ganoon. Kusang gumalaw ang aking dila at sumunod ang aking labi. I don't know her name but an unknown power told me to call her Amaidea.Iyon ba ang pangalan niya?Yumakap ang isang tipid na ngiti sa kaniyang manipis at maputlang labi. Amaidea nga ang pangalan niya. Nakita ko kung paano lumambot ang mata niya nang tawagin ko siya sa pangalang iyon."Magtiwala ka lang sa kaniya. Magtatagumpay kayo..." tila bulong iyon na magpabalik sa akin sa totoong nangyayari. Bigla nalang siyang naglaho matapos sabihin ang mga katagang 'yun.Magtiwala ka lang. Magtatagumpay kayo.Ano ang ibig niyang sabihin? Bigla akong kinapos nang hininga. Biglang pumasok sa isipan ko na nasa ilalim ako nang madilim na dagat kaya labis akong natakot.

  • Gods of the dauntless    Kabanata 18

    ❝Fell❞Arza's POVNakakagulat ang mga bagong kaalaman. Nakaramdam muli ako ng hilo kaya naisandal ko ang aking ulo sa balikat ni Akhira. Hinayaan niya ako at hinaplos ang aking pesnge.Sa dulo ng aking mata, nahuli ko ang nag-aalalang paninitig sa akin ni Rithius na pinili ko lamang h'wag bigyan ng pansin. Nakinig pa ako sa kwento ni Andromeda."What do you mean? Base on our research in the library, Lostrous is the kingdom with the domain of vast forests. Ibig mo bang sabihin na may disyerto rin dito?" natawa si Leviticus sa sariling inusal.Andromeda smirked and folded her two hands in her thigh."Mukha bang impossible?" usal niya."What do you think why the gods choose Lostrous to be their territory instead of the other kingdoms?"Kumunot ang noo ko. Nagkatinginan kami ni Akhira, kapwa napa

  • Gods of the dauntless    Kabanata 17

    ❝More❞Dare's POVNagising ako sa pakiramdam ng mainit na bagay na nakalagay sa aking noo at dibdib. Hindi ko pa naimumulat ang aking mata, nalaman ko na agad kung anong gamot ang kasalukuyang nagpapagaling sa akin dahil sa mabango nitong amoy.Malagma. Isang uri ng dahong herbal na makikita mo lamang sa puso ng isang malaking lawa na nakakapaggaling nang kung ano mang halusinasyon ang pumasok sa isipan ng isang tao.I felt like I reclaimed my strength. Unti-unti, naramdaman ko ang pagdaloy pabalik ng aking lakas sa lahat ng aking mga kaugatan. Umihip ang malamig na hangin kaya napagdesisyunan ko nang imulat ang aking mga mata.Isang tagpo ang bumungad sa akin. Dati pa man, namulat at natuto nang manggamot ng mga tao kaya naninibago akong ako naman ngayon ang ginagamot ng babaeng kakakilala pa lamang namin."Gising kana." Aniya at na

  • Gods of the dauntless    Kabanata 16

    ❝Suicide❞Still Gihon's POV"Holy sh*t!" agad kong kinuha ang espadang namamahinga sa aking gilid at akmang iiba ng daan pabalik nang mariin hawakan ni Prudence ang balikat ko."Don't!" he stopped me pero pagalit kong piniglas ang kaniyang kamay sa aking balikat."The girls are in danger! Ano? Hahayaan na lang natin silang malagay sa panganib?!" I spat angrily and tried moving but Rithius lowered his run and looked at me warningly.Nagkapantay kami. I don't know but I hate his guts. I clenched my jaw."Do not mind what you hear. Focus on the plan." He coldly uttered kaya parang umusok ang aking tenga sa iritasyon.I laughed full of sarcasm. "Plan? Do I even included in the plan? I don't even know what's your plan, dude! At ano? Hahayaan n'yo nalang na mapahamak ang mga babae?!" I spat and removed Prudence's hold on me.&n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status