Cypher's POV
"Oh my bad." I looked at the one who did it as I found Keira who's grinning at me widely. Nagsimulang mag-ingay ang mga estudyante sa cafeteria. "Minsan kasi tumingin ka rin sa dinaraanan mo."
Ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyante sa aming gawi. Nagbubulungan ang iba sa kung ano ba ang nangyari; ang iba naman ay pumapanig kay Keira na tila ba sinasabi na tama lang ang kaniyang ginawa. Dahan-dahang umangat ang aking tingin. I really don't know what's her problem, or maybe because of what I did earlier.
"What? I already said that it was my bad. I'm sorry," saad niya nang nanatili ang malamig kong tingin sa kaniyang gawi.
"What's happening here?" Nakita kong nahawi ang daan sa likuran ni Keira at lumabas doon ang tatlong lalaki.
Binalot ng katahimikan ang buong paligid, ngunit may iilan akong narinig na tumili. Napukaw ang atensyon ko sa isang lalaking naglakad palapit kay Keira. His black messy hair and his dark eyes screams something; danger. Sa paraan pa lang ng kaniyang tindig ay tiyak na mapupukaw niya ang mata ng bawat makakakita sa kaniya. I saw how Keira clung her hands onto his arms as she acted so innocently.
"Zero, I told her I'm sorry, pero mukhang galit pa rin siya sa akin. I didn't mean naman na matapunan siya ng spaghetti." I glanced at the guy she's referring to. Nakakunot ang noo nito habang matiim na nakatingin sa akin. Bumalik ang tingin ko kay Keira.
"Lucky you, I still have the patience, but it's not that long so don't start with me," saad ko bago ko siya tuluyang lampasan. "May I excuse?" saad ko sa mga studyante na nakapalibot sa amin. Since I already lost my appetite, I decided to just buy a drink. Ah! I'm very thirsty.
"Ano pang tinutunganga niyo riyan!?" Bigla nagsibalikan sa kani-kanilang mga table at upuan ang mga studyante sa lakas ng sigaw ni Keira.
I just ignored them and decided to just open the can. Napatingin ako sa gawi nina Keira, at napangiwi na lamang kung paano nito masyadong inilapit ang sarili sa lalaking nagnga-ngalang Zero. I also noticed the two men on their table, na pawang may mga kasama ring mga babae.
Iniwas ko na lang ang tingin ko roon saka ko ininom ang hawak kong coke. Ah! I need a thrill. I'm going to be bored here.
Alas otso ng gabi nang natapos ang huling klase, ngunit hanggang ngayong alas dyes na ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, siguro dahil natulog lang ako kanina dahil sa wala naman masyadong klase.
Nang hindi na ako mapakali sa higaan ko ay naisip kong bumangon na lang. Kinuha ko ang aking jacket sa aking higaan bago ako lumabas ng kuwarto. Tulog na si Farris kaya naman hindi niya ako napansing bumaba. Lumabas ako ng dorm dahil alas dose pa naman bago ang curfew. Nang nasa corridor na ako ay may iilan akong nakitang estudyante na naglalakad-lakad. I even saw some students doing their make out session. Gross.
Nang nakaramdam ako ng gutom ay naisip kong pumunta sa cafeteria. Kung tutuusin, puwede namang sa dorm na lang ako kumain, ngunit mas gusto ko ang ambiance sa cafeteria. May mga ilang estudyante akong nakita na kumakain pagkapasok ko pa lang sa loob.
Ilang minuto ang nakalipas nang narinig ang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking jacket at tiningnan ang screen. Napaangat na lang ang aking kilay nang nakita ang pangalan ni Seike.
"What do you need?" bungad ko nang nasagot ko ang tawag.
"Cypher! Help!" Napatayo ako nang wala sa oras nang nakarinig ako ng mga putok ng baril at sigaw sa kabilang linya.
"What's happening?"
"Puntahan mo kami—fuck! Chavis Hotel, Reception hall!" Balak ko pa sanang magtanong nang bigla na lang namatay ang tawag. Napamura na lang ako at nagmadaling lumabas ng cafeteria, ngunit hindi ko inaasahan na may mababangga ako, at sa lakas ng impact niyon ay bahagya akong napaurong. Pag-angat ko ng tingin ay napansin ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.
Zero.
"My fault. Sorry," saad ko at nagmadali na lang akong lumabas ng cafeteria. I was about to go at the entrance gate when I remembered that the students aren't allowed to go outside. Shit! Saan ako daraan?
Naisip kong pumunta sa likod ng girls dormitory, at doon bumungad sa akin ang isang mataas na pader. It's high but I think I can climb it.
Naipagpag ko ang aking dalawang kamay bago ako bumwelo sa pagtalon at walang kahirap-hirap na naakyat ang pader. Kinailangan ko pang maglakad nang mga ilang metro sa taas niyon upang makahanap ng magandang talunan paibaba.
Nang bumungad na sa akin ang kalsada ay kaagad akong tumalon paibaba. Napansin ko na walang dumadaan na sasakyan sa parteng ito at masyado ring liblib ang lugar, ngunit may napansin ako sa may bandang dulo na mga kalalakihan doon at mukhang nag-iinuman. May mga motor ding nakaparada sa paligid. Patakbo akong pumunta roon at hindi naiwasang maagaw ang kanilang atensyon.
"Excuse me? P'wede bang makahiram ng motor?" Sa biglaang pagsulpot ko ay naagaw ko ang kanilang atensyon. Pawang mga nakaangat ang kanilang kilay sa akin, tila nagtataka sa biglaan kong pagsulpot.
"Pasensya na, pero hindi p'wede. Paano naman namin malalaman kung ibabalik mo sa amin 'yan o hindi?" tanong sa akin ng isang medyo may kalakihan ang katawan.
"Well I can pay you. Five thousand?" Nagkatinginan sila dahil doon. "Deal?" tanong kong muli para lang masigurado na pahihiramin nila ako.
"Deal."
Pagkarating ko pa lang sa parking lot ng Chavis Hotel ay katahimikan na kaagad ang bumungad sa akin. Pumunta ako sa reception hall na sinasabi sa akin ni Seike, at hindi ko inaasahan na sa pagpasok ko sa loob ay mga nagkalat na bangkay ang bubungad sa akin, ang mga dugong nagtalsikan sa dingding ay pawang mga natuyo na.
Damn! Am I late? Nasaan sila?
"Cypher, behind you!" Napalingon ako sa aking likuran nang narinig ko ang boses ni Seike.
Kaagad akong nakaiwas nang isang katana ang balak na tumarak sa aking ulunan. Kaagad akong nakakuha ng tubo sa may bandang gilid ko at ito ang ginamit kong pansangga sa katanang hawak ng isang babae, ngunit sa talas ng hawak niyang katana ay madali niya itong naputol. Napaatras ako nang muntik na akong mahagip ng dulo ng kaniyang katana. Yumuko ako at kaagad siyang pinatid sa paa dahilan para siya ay matumba at mabitawan ang katanang hawak. Sinipa ko sa malayo ang katana nang binalak niya itong hawakan.
"Cypher!" sigaw ni Seike na ikinalingon ko, eksakto naman na inihagis niya sa akin ang isang baril. Kaagad ko itong nasalo, at bago pa muling makatayo ang babaeng kanina ay balak akong patayin ay kaagad ko nang kinalabit ang gatilyo ng hawak kong baril, dahilan para matamaan ito sa ulo at mawalan ng buhay.
Napagawi sa aking paningin ang dalawang babae at dalawang lalaki na sa tingin ko ay kasama ni Seike. Mukhang sila lang ang naatasan sa ganitong sitwasyon.
"Nasaan ang iba?" tanong ko nang nakalapit ako sa gawi ni Seike at ang apat niyang kasama.
"Kasama sila ni Amethyst. Sa Houston Hotel." Nagawi ang tingin ko sa babaeng nasa may kaliwa ni Seike na blonded at hanggang balikat ang buhok. Maputi siya at medyo mas mataas sa akin nang kaunti. Napatango-tango ako.
"They're our new members," saad ni Seike. "This is Avery." Turo niya sa babaeng blonde ang buhok. Ngumiti ito sa akin, tumango lang naman ako. "Winz." Turo niya sa babaeng nasa kaniyang kanang bahagi. Unlike Avery, Winz is morena, and has a brown dark straight her that touches her chest. Kumaway ito sa akin. "And this is Deltran." Nabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ni Avery.
"Nice meeting you, Cypher." Tumango ako rito.
"And Demetry." Sumunod na itinuro ni Seike ay ang lalaki na katabi ni Winz.
"Nice names. By the way, welcome to the group."
Gaya ng ipinangako ko ay bumalik na ako sa lugar kung saan hiniram ko ang motor na ginamit ko kanina. Pagkadating ko palang sa lugar na iyon ay tanaw ko na na inaabangan ako ng mga lalaki ang aking pagdating. Bumaba ako sa motor matapos ko itong iparada.
"Thanks for the ride." Balak ko na sanang kuhanin ang limang libo sa bulsa sa aking wallet nang hinawakan ng isang lalaki ang aking braso.
"Teka. Kahit hindi mo na pala kami bayaran ng pera, dahil may naisip na kaming kapalit." Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa aking braso at pabalya 'yong inalis bago nilibot ang tingin sa kanila.
"What do you want then?" Nagkatinginan sila at malagkit na muling bumaling sa akin ng tingin.
"Ikaw." Kaagad na nagtawanan ang lahat nang sabihin iyon ng isang lalaki. Napaangat ang aking kilay at itinuro ang aking sarili gamit ang aking hintuturo.
"Me?" They're kidding, aren't they?
"Oo ikaw! Kaya sumama ka na sa amin!" Balak na sana akong kaladkarin ng isang lalaki, ngunit mabilis kong naitaas ang kanan kong palad upang pahintuin sila na naging epektibo naman.
"Wala bang iba? You wouldn't like what I can do kung ipagpapatuloy niyo ang hangarin niyo." Dahil hanggang sa maaari ay hindi ko gustong makasakit ng mga inosenteng tao.
"Huh! Pinagbabantaan mo ba kami? Wala kaming ibang gusto. Iyon lang, kaya sumama kana sa amin."
"Well then , you leave me with no choice." Mabilis kong hinablot ang braso ng isang lalaki at kaagad 'yong pinilipit patalikod bago ko ito sinipa sa likuran na ikinasubsob nito sa semento.
Kaagad kong nasalag ang kamao ng isa nang binalak ako nitong suntukin sa mukha. I twisted his arm that made him scream, iniyuko ko ito at tinuhod sa dibdib. Tumalon naman ako nang may nagtakang patirin ako sa paa. Tinadyakan ko naman ang isa sa dibdib dahilan ng pagtalsik nito sa tatlong papasugod sa aking direksyon.
Umilag ako nang may nagtangkang humampas sa akin ng tubo sa aking tagiliran. Kaagad akong tumalon at sinipa paitaas ang tubo na hawak ng isa. Pagkasalo ko sa tubo ay kaagad ko itong ginamit para paluin sa ulo ang isa pang papasugod dahilan para dumugo ang ulo nito at matumba. Paulit-ulit lang ako sa aking ginagawa hanggang sa natumba silang lahat sa malamig na semento habang namimilipit sa sakit.
"Tama na! Tama na! Suko na kami! Pasensiya na!" sigaw ng isa habang namimilipit ito sa sakit.
Well, I'm not that heartless not to pay them for borrowing their motorcycle. Dumukot ako ng limang libo sa bulsa ng aking jacket at pabalyang itinapon sa kanilang pagmumukha.
"Bayad ko. Thanks for the ride."
Cypher's POV Second day of classes, sucks! Halos mamungay na ang dalawa kong mata dahil sa walang sawang pagkukuwento ng professor namin sa history. Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang magmulat ng mata habang lumilipad ang isip ko sa kawalan, hanggang sa namalayan ko na lang na ini-dismiss kami ng prof. Kaagad akong tumayo at nagtungo sa cafeteria nang nakaramdam ako ng gutom. Sigawan na kaagad ng mga studyante ang bumungad sa akin nang nakapasok ako. Napansin kong nakapalibot sila sa gitna na tila may pinapanood na kung ano. Panibagong palabas? Wala na sana akong balak na tingnan pa kung ano ang nangyayari, ngunit napahinto ako nang narinig ko ang isang pamilyar na boses, "Ang sama mo! Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo 'di ba!?""Oh really? I know. Hindi pa ako matanda para magkaroon ng memory los
Cypher's POV Weekend and I'm out of the campus. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa isang store nang biglang may humatak sa aking braso. "Girl, club tayo." Inalis ko ang kamay ni Amethyst sa aking braso. "I'm not interested." "Oh come on, Cypher. H'wag mong lunurin ang sarili mo sa ganitong klase ng buhay. You know it's boring," she said making me realized how boring my life is. Tsk. Balak ko pa sanang magprotesta nang bigla niya akong hinatak papasok sa kaniyang sasakyan. This woman, hindi talaga ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag. Wala na akong nagawa kun'di makisabay sa gusto niya. Ilang araw na rin ang lumipas at wala pang nagbibigay sa amin ng trabaho. I checked my wrist watch and it's already 8 PM. Samu't-saring ingay ang aking narinig nang nakarating kami sa loob ng bar. May mga usok pa akong nakita dahil sa mga taon
Cypher’s POV I'm in the cafeteria while enjoying my favorite ham and cheese pizza, when someone called my name. Nakita ko ang tumatakbong si Denise, Farris, at Sumi papunta sa table ko habang may malawak na ngiti sa kanilang mga labi. I raised my brow. Kailan pa sila nagsimulang mapalapit sa isa’t isa? As for Denise, well Sumi is her roommate, but Farris? I shrugged my shoulders. Maybe she’s really that friendly.“Good morning, Cypher!” sabay-sabay nilang bati sa akin bago naupo sa tatlong upuan sa aking table.“Who said you can sit there?” tanong ko sa kanila na ikinanguso ni Denise."Ang KJ mo talaga." Natawa sina Farris at Sumi dahil do’n."Just kidding," I said as a grin formed on my lips."Really? Nagbibiro ka sa lagay na 'yan, Ate Cypher? Hindi halata, promise," si Sumi. Tinatawag niya kaming tatlo na ate dahil siya ang pinakabata sa amin
Cypher’s POV Nakita ko ang aking sarili sa loob ng isang clinic nang nagmulat ako. Napalibot ang paningin ko sa paligid, may kurtinang asul na nakaharang sa tigkabila kong gilid kaya napaupo ako nang maayos. Tiningnan ko kung ano’ng oras na. Nanlaki na lang ang mata ko nang nakitang alas otso na pala ng gabi. I slept for the whole day then? Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong sumakit.“Cypher! Mabuti naman at gising ka na.” Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Denise, Sumi, at Farris habang may bitbit ang mga ito na basket.“Gosh! Sinabi ko na sa `yo na kumain ka kanina ng breakfast. Iyan tuloy, nihimatay ka,” sermon sa akin Farris. Natigilan ako sa sinabi niya. It’s true that I didn't eat breakfast, but I think that’s not the reason why I collapsed. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi
Cypher's POVKasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Seike katapat ng isang five star hotel. Dito namin napiling huminto matapos naming makalabas ng university.“Kasama natin sina Avery sa masquerade. They have their own invitations,” panimula niya.“So what’s the main reason?”“Flashdrive.” Napatingin ako sa kaniya nang may pagtataka. Is he serious?“What about it?”“Kailangan natin 'yong makuha sa isang tao. Which is the main celebrant in the party.” Napahalukipkip ako sa sinabi niya.“Para lang sa isang flashdrive dadalo ang karamihan sa atin? Is it too important?” I mean, they can do it without me. We are just in the same place, so what’s the difference?But then the truth is, I don't want to go. Dahil ayaw ko sa mga ganoong klase ng event.“Yes, because it’s his order.” Natahimik ako sa aking narin
Cypher’s POV Naramdaman ko ang isang butil ng tubig na pumatak sa aking mukha. Pinakiramdaman ko ito hanggang sa nagsunod-sunod na ito sa pagpatak. I opened my eyes to see the dark clouds in front of me, at ang hindi mabilang na patak ng ulan na tumatama sa aking mukha. Napabangon ako sa pagkakahiga, at napalingon ako sa aking gilid kung saan nakita ko si Zero. Napapikit ako nang mariin nang naramdaman ang kirot mula sa sugat na nasa aking ulo.“Hey, wake up.” Tinapik ko ang braso ni Zero, hanggang gumalaw ang kaniyang mata at nagmulat bago sinalubong ang aking tingin. Napabangon siya mula sa pagkakahiga, at sinapo ang kaniyang ulo.“My head hurts. Crap.” Nagawi ang tingin ko sa kaniyang sentido at napansin na ang dugo mula roon.“Your head is bleeding.” Balak ko na sanang hipuin ang sugat niya sa ulo, ngunit naramdaman ko na lang ang kamay n
Cypher's POV“Heto na nga pala ang trycicle na maghahatid sa inyo sa siyudad,” wika sa amin ni Aling Adelya habang tinuturo sa amin ang isang tricycle. Bandang alas otso nang nagising kami ni Zero. Pinakain muna kami ng agahan ni Aling Adelya bago niya kami kinuhaan ng masasakyan. Why is that there are some people that are willing to help you, even if that was the first time you met that person?Aling Adelya is kind, at hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan.“Is she serious na riyan tayo sasa— ” Siniko ko si Zero sa may tagiliran na ikanadaing niya. Tsk. Ang arte. Pasalamat pa nga siya at may masasakyan kami.“Maraming salamat po sa tulong, Aling Adelya.” Iniisip ko lang kanina na hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan, but here I am, saying those magic words.“Walang anuman. Sige na, sumakay na kayo.” Bahagya niya kaming itinulak papasok sa loob ng tri
Cypher's POVSince the theme of the party are blue and red, I chose to wear blue dress and a blue mask. Hindi ko napigilan ang mapangiwi dahil sa suot kong off shoulder dress, pero ayos na 'to sa akin, kaysa naman magsuot ako ng masyadong revealing. It’s an elegant dress yet simple. May taste talaga sa fashion si Seike.Bumaba na ako sa aking kuwarto at tumungo sa sala kung saan prenteng nakaupo sa sofa si Seike. He’s wearing a blue tuxedo with a white long sleeve under, and a blue necktie para terno kami. His hair is in a messy style, na nagpatingkad sa kaniyang hitsura.“I know, I’m handsome. Huwag mo akong pagnasaan,” pang-aasar niya sa akin. Here he goes again, ang kaniyang pagkamahangin.“Tsk. Tara na.” Pinauna ko siya sa paglabas ng aking apartment. Since trouble always following me, hindi na ako umaalis ng walang dalang kahit ano’ng weapon.I brought my silver sling bag where my gun is.
Cypher’s POV Madaling araw na nang umalis ako sa mismong unit ni Zero. He’s still sleeping, kaya hindi niya alam na umalis ako. Balak ko ngayong bumalik sa aking apartment dahil may pasok pa ako pagdating ng umaga. Susulitin ko na ang mga nalalabing araw ko rito sa Pilipinas. Natulog muna ako nang mga ilang oras dahil hindi naman masyadong maagap ang aking pasok. I checked my phone and found out a lot missed calls came from Zero. Napaikot nalang ang dalawa kong mata, nasisiguro kong nap-paranoid na 'yon ngayon dahil sa pag-alis ko sa kaniyang apartment. Tsk. That guy. Pinatay ko ang aking cellphone dahil baka maisipan na naman niyang tumawag. Pagkarating ko ng university ay dumiretso kaagad ako sa dorm. I still have thirty minutes before my first period starts. Prente akong nakahiga sa ak
Cypher’s POV Life isn't fair. Life has never been fair. I could still remember those times that we suffered in that organization. Mahirap, sobrang hirap. Lalo na't puros pasakit lamang ang aming nararanasan. We've learned to fight, yes, pero sa kabila pala ng lahat ng kabutihan ng ibang mga tao ay may kaakibat ding masamang pagpaplano. When me and Seike survived the plain crashed, I really don't know where should I start. Iniisip ko, na paano pa ako makakapag-simula kung ang kaisa-isa kong pamilya na si Rus ay nawala rin sa akin? Paano ako magsisimula kung ang kalahati ng buhay ko ay kinuha na sa akin? Paano ako magsisimula kung ang mga taong gustong-gusto kong protektahan ay bigla nalang nawala sa akin? How am I supposed to live without him? Without my twin that the only family that I had. Those
Cypher’s POV Life taught me how to be a strong person despite of everything that I've experienced. Kill to live, or die without fighting, these are my only choices that I have. Though killing thousands of lives won't ever bring back the lives of the people that I love. I maybe like those people who killed them, but they taught me how to kill, they just created a monster like me, a monster that will going to bury them in hell. I'm hiding for more than a year, and it’s time for me to come out. I’m coming out for them, if they’re done chasing us, then I’m the one who will gonna chase them now. Bumangon na ako sa aking pagkakahiga at kinuha ang aking cellphone. I dialed his number as I waited for it to ring. Nang natapos ang ikatlong ring ay kaagad na itong sinagot ng nasa kabilang linya.“Cy...&
Cypher’s POV I woke up from my bed while my hands are shaking. I dreamth again.... Napahilamos nalang ako sa aking mukha saka ako bumaba ng aking higaan at dumiretso sa kusina. My knees are shaking, at hindi ko mapagilang gapangan ng matinding kaba sa tuwing napapanaginipan ko iyon. Why it has to be like this? Dalawang taon na rin ang nakakalipas, pero paulit-ulit pa rin akong sinasampal ng katotohanan; katotohanang kinubli ko sa loob ng dalawang taon; katotohanang kahit kailan ay alam ko namang hinding-hindi ko matatakasan. I closed my eyes and closed my fist. Hindi pa, hindi ko pa kayang harapin ang katotohanan. I chose this life, not because I wanted to escape from the truth, but for me to get ready. Dahil kahit kailan, alam kong hinding-hindi matatahimik ang aking kaluluwa hangga’t hindi nagbabayad ang mga taong
Denise’s POV Abala ako sa pag-aayos ng mga utensils dito sa kitchen ng restaurant ni Kuya Badong. It’s been a week since Cypher’s birthday, akala talaga namin nawawala si Cypher, iyon pala umuwi siya ng apartment noong mga panahon na iyon, tumawag kasi sa akin si Kuya Badong noong gabi na iyon at nalamang nakita pala niya si Cypher na umuwi. I blamed myself for that night actually, simula kasi noong gabi na iyon ay hindi na siya pumasok sa eskwelahan, hindi ko pa siya nabibisita sa kaniyang apartment dahil kadarating ko lang din kanina galing ng university. I don’t know but I think Cypher has a problem, hindi niya lang sinasabi. Though palagi naman 'yong tahimik at hindi mahilig magkuwento. Ni wala nga akong ideya sa kung ano ang mayroon sa nakaraan niya. I mean, me and Kuya Badong didn’t even know where she came from, or kung may pamilya
Chapter 43: PreviouslyTwo years ago....Halos hindi na magkamayaw ang mga tao sa pagsayaw habang patuloy na sumasabay sa tugtugin. Everyone was drunk except for the one group of boys and girls at the corner of the bar.“Para kay Cypher!” sigaw ni Peia saka itinaas ang hawak nitong baso na may lamang alcoholic drink. Nakaakbay naman dito ang binatang si Seike na hindi pa tinatamaan ng kalasingan dahil sa walang humpay nitong katatawa.“Come on, Cy! It’s your birthday. Loosen up!” wika ng natatawang si Seike sa dalaga, pero imbis na sundin ang sinabi nito ay ngumisi lamang ang dalaga saka tinungga ang isang shot ng tequila, dahil doon ay naghiyawan ang kanilang mga kasama at nangunguna pa nga roon si Seraphina.“Your twin will definitely sue you after this,” wika pa ng nakangising si Seraphina na namumungay na ang mga mata at halatang lasing na,
Denise’s POV Napansin kong bumalik ng gymnasium si Farris at mukhang badtrip ito dahil na rin sa magkasalubong niyang mga kilay. What happened? At ano nang nangyari kina Cypher at Zero? “Ano’ng nangyari? Bakit hindi mo pa sila kasama?” Nakiusap kasi ako sa kaniya na sundan sina Cypher at Zero dahil panigurado akong magagalit talaga si Cypher. “I really don’t understand, Denise! She punched Zero! Bakit hindi man lang niya na-appreciate 'yong ginawa ni Zero for her!?” inis niyang wika. Lumapit ako sa kaniya at tinapik ko ang kaniyang likuran. “It’s normal, you know Cypher isn’t fond of celebrating her birthday,” I told her, bahagya namang kumunot ang noo niya sa labis na pagtataka. “What do you mean?” Napabuntong-hininga naman ako dahil doon. Sana pala hindi ko nalang ni-consider si Zero para i-surprise si Cypher, sigurado akong itatanggi na naman ni Cypher na
Cypher’s POVMabilis kong nahablot ang aking bag sa katabi kong upuan at isinuksok ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon. Hindi ko puwedeng ipagsawalang bahala na lamang ang aking narinig. They can hurt me, but not Denise. No, not her.“What happened?” tanong sa akin ni Boss Raze na napatayo na rin.“Emergency,” I told him. I am very sorry for my cocky attitude this time.Hindi ko puwedeng isakripisyo ang buhay ni Denise sa kahit na ano’ng bagay. She’s important, marami pa namang time para makausap ko si Boss Raze.“I’ll go with you.” Napahinto ako sa paglalakad nang hinablot niya ang aking braso kaya naman napabaling ako sa kaniya. I was about to protest, but he's still forced to go with me. “You know I can help,” and with that ay wala na akong nagawa kun’di ang isama siya.Sumakay ako sa kaniyang sasakyan at itinuro sa
Cypher’s POV Hindi maiwasang kumunot ng aking noo habang nakatingin ako sa pintuan ng cafeteriaat kumakain ng pasta. For the whole week ngayon ko lang napansin na hindi ko na nakikita si Keira kasama si Zero. Not that I want them to be together, but I really don't know what's going on between them. Hindi ko na rin kasi madalas makita si Keira, kaya naman kampante na ako na hindi binabantayan si Zero. And speaking of Zero, I’ve never seen him for a week, same as with Trace and Xaver. Huling usap namin ay noong kinompronta niya ako tungkol sa nangyari sa party ni Boss Raze, and speaking of my boss— isang linggo na rin mula noong nakausap ko siya. I’ve never agreed that I would date him, pero dahil kailangan ko talaga ang mga impormasyon na nalalaman niya ay mukhang wala na akong magagawa. And he’s the one who schedul