NAGMAMADALING lumabas ng cottage ni Adrielle si Cougar nang maibaba niya ang dalang briefcase sa sahig. Ang init ng pakiramdam niya habang nagsisimula namang lumitaw ang ilang butil ng pawis mula sa kanyang noo. "Shit!" usal niya bago mabilis na pinunasan ang pawis at bahagyang ipinagpag ang kuwelyo ng suot niyang T-shirt. "Lintek, kailangan ko yatang maligo, ah." pabulong na aniya sa sarili.Dahil sa kanyang naisip ay mabilis niyang tinumbok ang dagat at nang makarating doon ay kaagad niyang hinubad ang suot na damit bago nagmamadaling lumusong sa tubig. Inilublob niya ang sarili sa hanggang leeg na tubig bago lumangoy nang pabalik-balik. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang perpektong hubog ng katawan ni Adrielle.Sandaling tumigil sa paglangoy si Cougar at ipinilig ang kanyang ulo para pilit na alisin sa kanyang balintataw ang hubad na katawan ni Adrielle nang bigla siyang matigilan. Kumunot ang kanyang noo bago nagmamadaling lumangoy pabalik sa dalampasigan. Bitbit ang hinub
"BABAE?" nanunuksong tanong ni Cresent kay Cougar pagkatapos na magpaalam ng huli kay Adrielle na may dadalawin siyang kaibigan sa hospital. Nasa hospital ang isang agent ng Falcon Surveillance at napagkasunduan nilang dalawa ni Trevan na doon na lang magkita. Napatigil naman sa akmang pagsubo ng hawak na mansanas si Adrielle nang marinig ang sinabi ni Crescent. Wala namang problema sa kanya kung may dadalawin ito sa hospital pero bigla siyang na-curious sa magiging sagot ng lalaki. Ibinaba niya ang hawak na prutas at humalukipkip habang hinihintay na magsalita si Bob.Mahinang tumikhim si Cougar bago tumango. Wala sa loob na napasulyap siya sa gawi ni Adrielle na wala namang ibang reaksyon maliban sa sandaling pagkunot ng noo nito bago muling dinampot ang kapirasong mansanas at isinubo.Pumalatak si Crescent. "Sinasabi ko na nga ba," abot-langit ang ngisi na turan nito na sinundan pa ng palakpak. "Sige na, humayo ka at magpakarami." Nanunuksong dugtong pa ng isa sa mga bodyguard ni
Eksaktong pagpasok ni Adrielle sa loob ng cottage niya ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa loob ng back pocket ng suot niyang cotton short. Dinukot niya iyon at binuksan. Kaagad niyang nakita ang pangalan ni Crimson sa maliit na screen kaya mabilis niyang in-unlock ang hawak na aparato.[I sent you something. Check your email. Dad's order.]Iyon ang nakalagay sa message. Mabilis na naglakad si Adrielle patungo sa maliit na mesa kung saan naroon ang laptop na ipinadala ni Emman sa kanya kanina. Nasabihan na marahil ito ng Daddy niya kaya maaga nito iyong ipinahatid sa resort.Umupo siya sa gilid ng kama at inabot ang laptop. Ipinatong niya iyon sa unan at kaagad na binuksan. Pumunta siya sa kanyang email at mabilis niyang nakita ang file na ipinadala ni Crimson. Pinasadahan niya iyon ng tingin bago tumatango-tangong tumipa sa keyboard.[Got it!]Maikling tugon niya sa email ni Crimson bago pabagsak na humiga sa kama pagkaraang maibalik sa ibabaw ng maliit na
Halos isang oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang umalis si Cougar. Nang tingnan ni Trevan ang oras sa kulay itim na relong nakasabit sa itaas ng pinto na papasok sa maliit na kusina ay nakita niyang halos mag-alas nuebe na ng gabi.Isang bungalow house na nasa labas ng Manila ang pinagdalhan sa kanya ni Cougar. Hindi iyon tago pero hindi rin gaanong matao. Dito daw muna siya pansamantala habang may inaayos ito. Babalikan daw siya ng kaibigan niya pagkalipas ng tatlong araw. Bago ito umalis ay siniguro muna ni Cougar na may sapat siyang suplay na pagkain at iba pang mga kailangan para sa loob ng tatlong araw. Nag-take out na rin sila ng hapunan kanina sa nadaanan nilang fast food restaurant. Binilinan din siya nito na huwag lumabas kapag hindi kailangan at huwag basta-basta magbubukas ng pinto kapag may kumakatok. Tawagan din daw niya kaagad ito kapag may nangyari o emergency.Napahugot ng buntong-hininga si Trevan. Ngayon pa lang ay namimiss na niya ang mga babies niya. And w
Sa isang kilalang club sa kahabaan ng Malate ay naroroon ang isang kilalang negosyanteng intsik na si Mr. Teng. He owns a hotel chains in the country and some resorts. He is well-known in business industries at marami rin siyang charity foundation na tinutulungan. Kilala siya ng lahat bilang isang pilantropo at matulunging negosyante.But that was what everyone knew dahil ang totoo ay isa si Mr. Teng sa mahigpit na karibal ng Octagon and Lion Guerrero doesn't want him to live anymore.Behind his handsome and smiling face is a devil. Behind those laughs is an evil plan. Magaling siyang magpanggap. Magaling umarte at magaling magtago ng totoong katauhan. Akala ng lahat ay tumutulong siya ngunit sa bawat perang lumalabas sa bulsa niya ay triple ang balik sa kanya."Mr. Teng, bukas na ang dating ng shipment ng mga order nating karne mula sa kausap nating supplier sa ibang bansa." turan ng isa mga lalaking kasama niya sa loob ng VIP room sa club na iyon.Ang sinasabi nito ay ang mga karne n
"WHO'S WITH YOU?" "Bob," walang anumang sagot ni Adrielle kay Reaper. Tinawagan niya ito kagabi para sabihing ihanda nito ang ilang mga kailangan niya dahil luluwas siya ng Manila. Nang malaman nito iyon ay kaagad nitong sinabi na magkita sila.Nagsalubong naman ang mga kilay ni Reaper. "Why is he with you?" bakas ang pagka-disgusto sa tinig tanong niya kay Adrielle. Lumingon si Reaper sa isang bahagi ng Manila Bay kung saan naroon nakatayo si Bob. Umigting ang kanyang mga panga at kumuyom ang mga palad bago niya ibinalik ang pansin nang magsalita si Adrielle."Bodyguard ko siya, malamang ay kasama ko siya kahit saan ako magpunta," naka-irap na tugon ni Adrielle sa kaibigang kakaiba ang ikinikilos. "Parang ikaw, kung nasaan si Russ ay naroon ka rin naman, hindi ba?" aniya pang sinabayan ng paghalukipkip. Head bodyguard ni Russet si Reaper at sa kasalukuyan ay nasa Maynila ang kapatid niya dahil may ipinapagawa rin dito ang Daddy nila."But—""Let us not talk about Bob, Reap," putol
BAGOT na tumayo nang tuwid si Cougar mula sa pagkakasandal sa bintana ng sasakyang dala nila ni Adrielle. Tinapunan niya ng tingin si Adrielle na nasa kalayuan kasama si Reaper. Sa pagkakaalam niya ay kababata at matalik na kaibigan ito ng babae. Bahagyang naningkit ang kanyang mga Mata habang palihim itong pinagmamasdan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito at ng head bodyguard ni Russet.Papunta sana sila sa Recto kung saan nakatira ang Ninang nito pero nagpadaan muna ito sa Manila Bay dahil may usapan daw ito at si Reaper na magkita roon.Mahigit dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang pagtangkaan nito ang buhay ni Trevan. At isang palaisipan sa kanya kung bakit hindi nito itinuloy ang balak. Basta ang sabi daw nito sa kaibigan niya ay ipagpasalamat daw ni Trevan ang ikalawang buhay sa kapatid nito. Sino sa pitong mga kapatid nito ang tinutukoy nito at bakit?Mabuti na lang at naisipan niyang bumalik sa bahay na pinagdalhan niya kay Trevan dahil naiwanan niya roon ang
WALANG KIBONG bumabas ng sasakyan si Adrielle nang tuluyan silang makarating sa Recto Avenue sa Manila. Hindi na rin niya hinintay na ipagbukas pa siya ni Bob ng sasakyan. Sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang nakalugay niyang buhok bago siya tumingala sa signage na nakalagay sa itaas ng club.DAZZLING SWANSumilay ang tipid na ngiti mula sa sulok ng kanyang mga labi nang mabasa niya ang mga letrang nakasulat doon. Ah, matagal na panahon na rin simula nang huli niyang makita ang club na pag-aari ng Ninang Beverly niya. Malaki na ang ipinagbago ng dating maliit lamang na bahay-aliwan. Ang dating luma at tatlong palapag na gusaling katabi ng Dazzling Swan ay wala na roon. Na-extend ang club hanggang sa dating gusali at mayroon na ring parking space sa gilid. Inikot niya sa paligid ang kanyang paningin at muli siyang binalot ng lungkot lalo na nang mapatingin siya sa bahay ni Mang Estong kung saan mayroong maliit na tindahan sa harapan. Tandang-tanda niya pa na paborito nilang dalawa
PAGDATING SA ISANG may kahabaan ngunit madiolim na kalsada sa bahaging iyon ng Malate ay bumaba na si Adrielle. “You stay here and wait for my signal, d’you understand?” bilin niya kay Zin na kaagad namang tumango.“Okay,” sagot naman ng lalaki sa kanya. Hindi niya p’wedeng salungatin ang bilin ni Adrielle kahit pa gusto niya itong tulungan na mailoigtas si Anya. Mas malaki ang maitutulong niya kung mananatili siya sa loob ng sasakyan at ituro na lamang dito ang tamang daan para mas madali nitong matunton ang kaibigan niya.Malaki ang abandonadong hotel na pinagdalhankay Anya. Marami ring guwardiyang nakakalat sa loob at labas ng hotel. Mayroon ding mga CCTV pero wala namang imposible sa kagaya niyang Blade. And he wouldn’t be one of Neon’s Blade for nothing…“I’ll go ahead,"Hindi na hinintay ni Adrielle ang magiging sagot ni Zen dahil kaagad na siyang tumalikod pagkatapos niyang isukbit sa kanang balikat ang dala niyang maliit na backpack.Lakad-takbob ang ginawa ni Adrielle papun
“ZEN…”“I’m on it, Neon,” kaagad namang tugon ni Zen mula sa kabilang linya. Isa si Zen sa limang Blades ni Neon. “Okay, good.” tumatango-tangong turan niya sa kausap habang ang mga mata ay seryosong nakatutok sa kaharap na laptop. May sinusundan silang lead tungkol sa bagong location ni Anya. Alam ni Adrielle na kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito ay nakikipaglaro sa kanya. Someone is luring her to a rat’s hole!“Are you sure about this, Neon?” tanong ni Zen pagkaraan ng ilang saglit, pagkatapos niyang maipadala sa babae ang files na kailangan nito.Walang nakuhang tugon si Zen mula kay Adrielle na kasalukuyan namang abala sa pagbabasa ng report na ipinadala ng lalaki.Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Adrielle. “I’ll get Anya…” walang emosyong usal niya bago ibinaling ang pansin sa isa pang laptop na nasa kanyang harapan.Mabilis na tumipa ng sagot si Adrielle para sa email na kanyang natanggap at nang maipadala iyon ay kaagad siyang tumayo. Kasalukuyang nasa kanila
PAGKAGALING sa opisina ng kanyang Papa ay kaagad na dumiretso si Adrielle sa basement kung saan naroon at tiyak niyang naghihintay sa kanya si Crimson. Pagkababa niya sa basement ay natuon ang pansin ni Adrielle sa pet bed na nakalagay sa paanan ni Crimson. Abalang-abala ito sa kung ano mang tinitingnan sa kaharap na monitor habang si Pixie naman ay tulog na tulog. Muntik nang matawa si Adrielle nang makita niya ang kapirasong hiwa ng mansanas na nakasubo pa rin sa nahihimbing na biik. "Crim," tawag-pansin niya sa kapatid bago lumapit sa nakasaradong refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng mansanas. Mabilis namang lumingon si Crimson at napakunot ang noo nang makita ang hawak ni Adrielle. "Ibalik mo 'yan!" nakasimangot na aniya sa bunsong kapatid. Umirap naman si Adrielle bago tila walang anumang kinagat ang hawak na prutas pagkatapos niya iyong punasan gamit ang laylayan ng suot niyang sando. "Masamang magdamot sa kapatid." Sabi ni Adrielle habang ngumunguya. Umismid si
NAKATAYO si Cougar sa rooftop ng mansion ng mga Guerrero kasama si Raksha nang mula sa malayo ay matanaw niya ang paparating na itim na motorbike. Sinenyasan niya ang head bodyguard ni Azure na naging malapit na rin sa kanya na iabot nito sa kanya ang hawak nitong binocular. Walang salitang ibinigay ni Raksha kay Cougar ang binocular. May kausap ito sa cellphone kaya hindi na ito nagtanong sa kaibigan. Mabilis na itinapat ni Cougar sa kanyang mga mata ang hawak na binocular para tingnan kung sino ang paparating. Kumunot ang noo niya nang makilala ang pamilyar na motorbike na minsan na niyang nakita. "Allie..." tiim ang anyo na usal ni Cougar habang hindi pa rin inaalis ang binocular sa kanyang mga mata. Narinig naman iyon ni Raksha na nagkataong tapos nang makipag-usap. Kumunot ang noo ng bodyguard ni Azure nang marinig nito ang hindi pamilyar na pangalan mula kay Cougar. Ipinasok niya sa bulsa ng suot ng pantalon ang hawak na cellphone bago walang salitang kinuha ang binocular mul
"TURN ON THE TELEVISION and go to WCK news channel, hurry!" Iyon ang mga salitang kaagad na bumungad kay August nang sagutin niya ang tawag ni Trigger na kasalukuyan namang nasa Manila. Resident doctor ang lalaki sa isang kilalang hospital sa lungsod. Sa susunod na araw pa ang balik nito sa Quezon pagkatapos ng tatlong araw na duty sa hospital. Kumunot ang noo ni August dahil sa labis na pagtataka ngunit kaagadi ding sinenyasan si Brixx na buksan ang malaking television. Naroon siya sa training ground kasama ang isang bodyguards. Naroon din sina Kimhan, Azure at Russet pati abg bodyguard ni Adrielle na si Cougar na kahapon lang nakabalik mula sa Palawan dala ang biik na sinasabi nitong alaga daw ng boss nito. "Go to WCK News, Silva," utos ni August sa kanyang head bodyguard na kaagad namang sumunod.["Isa pong bangkay ng naaagnas na ng hindi kilalang babae ang hindi sinasadyang natagpuan ng isang residente ng Baryo Sapang-Bato sa bakanteng lupa na ito na siyang ginagawang tambakan n
"WHERE ARE YOU?" mahina ang boses tanong ni Adrielle sa kanyang kausap mula sa hawak niyang cellphone. Pasado alas diyes na ng gabi at tahimik na ang buong paligid. Tanging huni na lamang ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid at ang panaka-nakang ingay na nagmumula sa tunog ng kuwago na nasa kalayuan. Alas otso pa lang kanina ay nagpahinga na si Nanay Tilde dahil inatake ng rayuma ang matandang babae. Si Codie naman ay kay Eunice natulog samantalang ang talaga niyang si Pexie ay iniwan niya sa kanyang silid na mahimbing na rin ang tulog. Si Cougar naman ay nasa kuwadra dahil nanganak ang isa sa anim na kabayong talaga ng lalaki.Walang sagot na narinig si Adrielle mula sa kausap pero naagaw ang pansin niya ng tatlong beses na pagpatay-sindi ng ilaw mula sa hindi kalayuan. "Okay, I'm coming..." aniya sa kausap bago nagmamadaling naglakad palayo sa farmhouse. Dumating sa Pilipinas ang isa pa sa limang Blades na hawak niya para tulungan siyang mahanap si Anya. Nalaman din niya mula
"SI ALLIE ho, Nanay Tilde?" Tanong ng bagong dating na si Cougar.Alas singko pa lang ay nasa manggahan na si Cougar para tulungan ang ilan sa kanyang mga magsasaka na nag-spray ng pesticide sa namumulaklak na mga mangga. Pagkatapos ay pumunta naman siya sa niyugan para bisitahin ang mga nagko-kopra bago siya tumuloy sa palayan para tingnan kung maayos ba ang tubo.Nabili niya ng farm halos pitong taon na ang nakakaraan gamit ang mga naipon niya tapos nagloan na rin siya sa bangko para may pangdagdag siya. Then after two years ay nadagdagan iyon nang ibenta sa kanya ang katabing lupa at yun nga ang niyugan. Nagmigrate na sa America ang pamilya ng dating may-ari ng lupa kaya napunta iyon kay Cougar. Sunod niyang nabilli ay ang katabing lupa naman. Bakante iyon noong nabili niya tapos pagkaraan ng isang taon ay pinataniman niya ng mga mangga. Hindi alam ng Dad niya dati na nakabili siya ng lupa sa dulong bahagi ng Palawan pero nang magkaroon ng problema ang isang agent ng Falcon Survei
NAPIKIT si Adrielle nang makita niyang dahan-dahang bumababa ang mukha ni Cougar palapit sa kanya. Dama din niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang balat at nagbigay iyon sa kanya ng nakakakiliting pakiramdam. Kumuyom ang magkabila niyang mga kamay na nakatukod sa kama at bahagya ring lumalim ang kanyang paghinga. Alam niya kung ano ang gustong gawin ng lalaki pero hindi na siya makagalaw. Pakiramdam ni Adrielle ay bigla siyang na-paralize lalo na nang tuluyang lumapat ang mainit at may kalambutang mga labi ni Cougar sa mga labi niya.Mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa bedsheet at isang mahinang ungol din ang pilit na kumawala mula sa loob ng bibig niya.It was her first kiss, for goodness' sake! Sa edad niyang bente-kuwatro ay hindi pa niya naranasang magka-boyfriend dahil umiikot lang naman ang buhay niya sa training at mga misyon. Wala ring nagkakalakas ng loob na manligaw sa kanya dahil intimidating daw ang dating niya. At si Cougar—siya pa lang ang kaisa-isang
ALAS OTSO na ng gabi pero buhay na buhay pa rin ang mga tauhan ni Cougar sa farm. Naglagay sila ng mga mesa na pinagdugtong-dugtong sa labas ng farmhouse at doon nagkasiyahan. Bumaha ng mga anak at pulutan habang nagkakantahan. "Miss El, kanta ka po," tawag ng asawa ng isa sa mga tauhan ni Cougar. Napatigil sa akmang pagtungga ng hawak na beer si Adrielle nang marinig niya ang sinabi na iyon ng babae. Sandali siyang natigilan bago ngumiwi."No, please..." Tanggi niya habang mahinang iwinawasiwas ang kamay. "Hindi ako marunong kumanta." nakangiwing dugtong pa niya. Napangiti ang babae bago inabot ang hawak na microphone kay Adrielle. "Kami rin naman, Miss El pero kita mo naman, sige pa rin kami sa pagkanta. Tayo-tayo lang naman ang nandito." Pangungulit nito sabay kuha ng song book kung saan nakalista ang mga kanta na p'wedeng pagpilian. Napakamot sa ulo si Adrielle sabay abot ng microphone. Mukhang hindi rin naman siya titigilan ng babae kaya pagbibigyan na lang niya. Isa pa ay bak