REGINALD DAEWOON...Pagkatapos n'yang makipag-usap kay Drake at makabuo sila ng plano ay nagpaalam na s'ya sa kaibigan na uuwi na muna. Malaki ang pasasalamat n'ya rito dahil hindi ito pumayag na ganon-ganon na lang ang gagawin nila sa matanda.Marami din s'yang natuklasan na iba pa tungkol sa gurang at bilib s'ya sa bilis ni Drake sa pagkuha ng mga impormasyon sa isang tao. Dinaig pa nito ang isang hacker sa bilis makakuha ng mga impormasyon tungkol sa isang tao. Kanina lang tumawag si Nicollai dito ngunit pagdating n'ya ay mayroon na agad itong mga report na hawak tungkol sa kanilang superior."Ninong Red wala bang pang burger d'yan?" hirit ni Trina ng mapadaan s'ya sa mga ito sa living room. Nasa sala pa rin ang dalawang bata at hindi pa nagsawa sa kakalaro."Bawal sa bata ang burger Trina, hindi maganda sa kalusogan yan. Kumain kayong dalawa ng gulay para tumangkad kayo at tumubo yang mga bungal na ngipin n'yo," sagot n'ya sa kan'yang inaanak ngunit tinaasan lamang s'ya nito ng ki
REGINALD DAEWOON..."What did you just say Atara?" gulat na tanong n'ya kay Atara."Nothing! Kapag interesado ka na sa offer ko sayo, just let me know Red. Ingat ka!" sagot ng babae at agad s'yang tinalikuran para pumasok sa loob ng bahay ng kapatid nito. Naiwan s'yang nakatulala at hindi agad nakahuma habang nasa manibela ang dalawang palad.Nakalimutan n'ya na sana ang pangalan na yon, pero ipinaalala na naman ni Atara sa kan'ya at ngayon ay unti-unti na namang nanumbalik sa kan'yang isip ang nakaraan."Fvck!" malutong na mura n'ya at pilit na inaalis sa isip ang tungkol sa kan'yang nakaraan. Ayaw n'ya ng isipin pa ito dahil alam n'ya na mas dadagdag pa ito sa kan'yang mga iniisip.Sobrang gulo na ng kan'yang utak at ayaw n'ya ng magdagdagan pa ngunit parang tukso naman na hindi mawala sa kan'yang isip ang pangalan ni Maddy."Putang'ina!" inis na mura n'ya at pinaharurot ang sasakyan pauwi sa kan'yang bahay. Pagkarating sa bahay ay agad s'yang umakyat sa kan'yang silid at pabagsak n
REGINALD DAEWOON..."Tumayo ka na d'yan Braxx at bumalik ka na sa ninang Atara mo! Baka hinahanap ka na nila," utos n'ya rito at iniwan ito para bumalik sa kusina. Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo n'ya sa pakikipag-usap dito ngunit may bahagi ng kan'yang puso na masaya na nasa pamamahay n'ya ito.Binalikan n'ya ang patatas na iniwan kanina para balatan. Ayaw n'ya munang ma stress ng dahil kay Braxx."Marunong akong magbalat ng patatas Mr. Cole," nagulat s'ya ng bigla itong magsalita mula sa kan'yang likuran. Akala n'ya ay umalis na ito ngunit hindi pa pala at sinundan pa talaga s'ya hanggang dito sa kusina.Napabuntong hininga s'ya ng marahas at ibinaba ulit ang hawak na peeler at patatas bago hinarap ang makulit na bata na ilang beses n'ya ng pinapalayas ngunit hindi pa rin umaalis sa kan'yang pamamahay."Young man hindi ba sinabi ko na sayo na umuwi ka na!" sita n'ya rito ngunit napakamot lang ito sa ulo at nagpapaawa ang mukha na sinalubong ang kan'yang tingin. Para talaga s
REGINALD DAEWOON..."Marunong ka n'yan? Baka masugatan ka!" saway n'ya rito ng mahimasmasan sa pagkakatulala kanina dahil sa mga sinabi ng bata. Agad n'ya itong inawat ng makita na binabalatan na nito ang patatas."Mag-isa nga lang ako dad eh, hindi ba? Kaya marunong ako nito, kapag hindi ako matuto ay magugutom ako. Mom did try to hire someone to accompany me at home but I refuse," sagot nito sa kan'ya. Nang marinig ang sinabi ng bata ay parang may mga kamay na kumurot sa kan'yang puso.Napakabata pa nito para iwan ng ina na mag-isa. Hindi n'ya lubos maisip kung paano ito nabuhay na mag-isa at palaging wala ang ina nito."Why?" nagtatakang tanong n'ya sa huling sinabi nito sa kan'ya."Ayaw ko ng may kasama sa bahay," walang preno na sagot nito sa kan'ya na lihim n'yang ikinatawa. Parehong-pareho silang dalawa ng bata at ngayon ay unti-unti ng nabubuhay ang kan'yang pagdududa rito.Magkamukha silang dalawa at parang pinagbiyak na bunga at ang lahat ng mga katangian nito, ugali at mga
REGINALD DAEWOON...Magana nilang pinagsaluhan ang kan'yang niluto. Magana na kumakain si Braxx at natutuwa s'ya habang pinapanuod ang bata na hindi magkandauga sa pagnguya ng pagkain."Ilang araw kang hindi pinakain ng ninang Atara mo Braxx? Para kang gutom na halimaw kapag kumain," tanong n'ya sa bata at sinaway ito."Nakakain na ako kanina dad bago ako pumunta dito," sagot nito habang puno ang bibig ng pagkain na ikinasalubong ng kan'yang kilay."Nakakain ka na pero para ka pa ring gutom?" nagtataka na tanong n'ya rito. "Hindi ka naman siguro mabulate sa t'yan no pero kakakain mo lang pero parang gutom ka na naman," dagdag na sabi n'ya rito."Eh kasi naman ang sarap nitong pinakain mo sa akin, dad. Sino ba ang hindi gaganahan ng kain kapag ganito ang pagkain," sagot nito at sinubo ang natirang hiwa ng steak sa plato.Nakita n'yang isinarado na nito ang mga kubyertos tanda na tapos na itong kumain kaya nagsalubong ang kan'yang mga kilay."Are you done?""Yes dad! Thanks for the
REGINALD DAEWOON..."This is your room Braxx. Pansamantala muna ito, bukas na bukas din ay tatawagan ko ang mga kaibigan ko na may-ari ng construction company and interior company para ipa-renovate sa kwarto na gusto mo ang silid na ito. How was that?" pagkausap n'ya sa bata ng ihatid n'ya ito sa silid na pinili n'ya na ipagamit kay Braxx."Hmmmm! Sounds interesting dad, pero ayos na din naman sa akin ang ganitong silid. You don't need to call your friends to renovate this room. Ayos na sa akin to," tanggi ng kan'yang anak. Oo, anak na ang turing n'ya rito kahit sa ganito kaikli na panahon na nagkakilala at nagsama silang dalawa.Bahala na kung saan hahantong ang lahat. Gusto n'ya lang na e-enjoy ang mga ganitong panahon na may tumatawag pa sa kan'ya na daddy. Hindi n'ya alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw kaya habang kasama n'ya pa si Braxx ay gagawin n'ya ang papel ng isang ama."Are you sure?" naniniguradong tanong n'ya sa bata."Yup! Ayos na sa akin ang ganito dad
REGINALD DAEWOON...Naikuyom n'ya ng mahigpit ang kan'yang mga kamao at igting ang mga panga na nakatingin s'ya sa resulta ng kanilang DNA test ni Braxx.The kid is not his son. Negative ang resulta at alam n'ya sa kan'yang sarili na isang malaking disappointment ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Umasa s'ya na lalabas na anak n'ya si Braxx ngunit isang sampal sa kan'yang pagmumukha ang resulta na nasa kan'yang harapan.Ngunit hindi natapos doon ang kan'yang plano dahil gagawin n'ya ulit ang ginawa n'ya kanina but this time ay sa kaibigan n'ya na isa ding doctor. Baka nagkamali lang s'ya sa pagkuha kaya naging negatibo ang resulta.O baka naman ay hindi n'ya lang matanggap sa kan'yang sarili na hindi n'ya anak si Braxx dahil umaasa talaga s'ya na sa kan'ya ang bata.Ngayon lang s'ya nakaramdam ng sakit sa puso at pagkadismaya na ganito. Parang bigla s'yang nanghina ng makita ang resulta ng DNA test nilang dalawa ng bata."This can't be! Malakas ang kutob ko na anak ko si B
REGINALD DAEWOON...Naghintay s'ya ng halos isang oras bago bumalik sa kan'yang harapan si Dark. Bitbit nito ang isang papel na agad na inabot sa kan'ya.Nanginginig ang kan'yang mga kamay na tinanggap ang hawak na papel ng kaibigan. Dahan-dahan n'yang binasa ang nakasulat sa naturang papel mula sa taas hanggang sa ibaba kung saan ay nakalagay ang resulta ng isinagawang test sa kanilang dalawa ng bata "N-Negative," mahinang pagbasa n'ya sa nakasulat sa baba. Para s'yang binagsakan ng langit ng mabasa ang resulta. Nanghina ang kan'yang buong katawan at wala sa sarili na nabitawan n'ya ang hawak na papel."I'm sorry Red pero hindi mo anak ang sinasabi mong anak," paghingi ng paumanhin ng kan'yang kaibigan. Makikita sa mga mata nito ang simpatya sa kan'ya at alam n'ya na nasasaksihan din nito ngayon ang sakit na bumalatay sa kan'yang mga mata."Fvck! Are you sure about this Dark? Ginawa mo ba ng maayos ang test? Baka nagkamali ka lang Dark, ulitin mo!" utos n'ya sa kaibigan. "I alread
REGINALD DAEWOON... "Whooohhhh! That was awesome!" bulalas ng halos karamihan ng makabawi sa pagkagulat. "More! More! More!" sigaw naman ng iba na parang natutuwa sa nakikitang laban ng dalawa. Matandang babae na nakatungkod at isang malakas, malaki ang katawan, bata at mayabang na lalaki ang kalaban. Sino ang hindi ma excite lalo na ng makita ng lahat ang duguan at namamaga na mukha ng lalaki habang ang hinamon nitong matanda ay hindi man lang nahahawakan ng kalaban. "Fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang sumugod ang lalaki kay Black Lily. Ngunit ang inakala n'ya na madadali na ito ng lalaki ay hindi nangyari. Kung bibilangin n'ya ay tatlong hakbang lang paatras ang ginawa ni Black Lily para mailagan ang ataki ng lalaki. Ngunit hindi nito binigyan ng pagkakataon na makabawi ang kalaban. Hindi pa ito nakakabalik sa maayos na posisyon ay bumagsak ulit ito sa sahig dahil sa paghataw ng matanda ng hawak na baston sa maselan na parti ng katawan nito. Makikita na hindi naman kalakas
REGINALD DAEWOON... Naghiyawan ang lahat ng e-anunsyo ni Cassandra ang nakagawiang duel sa mga bagong opisyal na myembro ng underworld. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng lahat ay ganon naman ang pagkalabog ng kan'yang puso dahil sa sobrang kaba. Hindi n'ya alam kung bakit ganito ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kinakabahan s'ya na hindi mawari. Siguro ay dahil napakatanda na nito para sumubok pa sa dwelo. Rules sa underworld na ang lahat ng bagohan na pillar ay kailangan na sasabak sa dwelo para malaman ang kakayahan ng mga ito. Kung makitaan ba ito ng kakayahan na protektahan ang underworld kung sakaling may gustong sumira at magpabagsak dito. Kung kaya ba nitong protektahan at ilaban ang underworld against the enemy. Kailangan na malakas at marunong makipaglaban ang lahat ng nasa taas. At para malaman ito ng lahat ay kailangan na makikipag dwelo ang bagong opisyal at ito ang pinakamahalagang pangyayari sa pagtitipon na iyon. "Whooooohhh! No offense pero kaya mo pa
REGINALD DAEWOON...Nasa underworld sila ng araw na iyon. Kasama ang kan'yang mga kaibigan at mga asawa nito ngunit hindi sila nag-uusap. Kapag nasa underworld sila ay parang hindi sila magkakilala at nag-uusap lang sila gamit ang kanilang mga mata.Kanina pa s'ya hindi mapakali sa kan'yang kinauupoan sa paghihintay kay Black Lily na ipakilala. Ngayong araw ipapakilala sa lahat ang mga bagong pillar ng underworld kaya halos lahat ng myembro ay nasa underworld.Lahat ng mga malalaking tao ay nandoon kaya sobrang higpit ng seguridad ng bawat isa. Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga nakakaharap mo sa lugar na ito dahil bawat isa ay may mga lihim na agenda.Nakatayo s'ya sa sulok habang may hawak na isang baso ng whiskey na kinuha n'ya sa mga waiter na naglilibot para magbigay ng mga inumin. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid para magmanman.Namataan n'ya ang ibang kaibigan na kan'ya-kan'ya ng pwesto sa mga sulok ng lugar. Hindi pa nagsisimula ang assembly at hindi pa rin lumalaba
REGINALD DAEWOON... Dalawang linggo na ang nakalipas ng matapos silang mag-usap ni Goldy. Marami s'yang gustong malaman tungkol sa kan'yang ina at gusto n'ya itong tawagan ngunit naisip n'ya ang sinabi ng kan'yang daddy sa kan'ya noon. Pagdating ng tamang oras ay sasabihin ng mga ito sa kan'ya ang lahat. Marami din s'yang iniisip na iba sa ngayon kaya ipinagpaliban n'ya na lang muna ito. Naalala n'ya din na kailangan n'ya pa palang hanapin si Laurice. Naunsyami na ang paghahanap n'ya sa kan'yang kapatid dahil sa sunod-sunod at hindi inaasahang pangyayari sa kan'yang buhay. Pero kahit ganon ay hindi n'ya naman kinakalimutan ang kan'yang paghahanap dito kahit ilang dekada na ang dumaan sa kan'yang paghahanap. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag-asa at malakas ang kan'yang paniniwala na buhay pa ito. Nagpatong-patong na ang kan'yang mga kailangan gawin at mga iniisip at kailangan n'ya ng magbawas para naman gumagaan-gaan naman ang kan'yang trabaho. Nagmamaneho s'ya patungo sa secre
REGINALD DAEWOON... "What is our plan now?" tanong n'ya kay Goldy habang nagmamaneho sila pauwi. Matapos ang mahabang pag-uusap nila ay mas pinili n'yang intindihin ito kaysa magalit sa dalaga. Dahil kung tutuusin ay mas malaki ang sinakripisyo ni Goldy kaysa sa kan'ya kaya wala s'yang karapatan na magalit dito. Naipaliwanag na nito ang side nito at kahit alam n'ya na marami pang mga bagay na tinatago si Goldy sa kan'ya ay ipinagwalang bahala n'ya na lang muna ito. Katulad sa nangyari ngayon kapag dumating ang araw na magsasabi na ito sa kan'ya ay pipiliin n'ya pa rin na intindihin ito kaysa magalit sa kasintahan. Siguro ay ganon lang katindi ang pagmamahal n'ya kay Goldy kaya nasasapawan ng pagmamahal ang mga tampo n'ya sa dalaga. Tunay nga ang kasabihan na love works in mysterious ways at isa na s'ya sa nakaranas ng ganon. Kahit ano pa ang tampo, galit at inis n'ya ngunit nasasapawan lang ito palagi ng pagmamahal n'ya kay Goldy. Pero kahit ganon ay wala s'yang kahit na katiting
REGINALD DAEWOON... "I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi n'ya ng tawad sa kasintahan habang pareho nilang sapo ang kani-kanilang pisngi at pareho din na umiiyak. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad Red! Desisyon ko ang lahat at ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Sa pagtago ko kay Braxx mula sayo at sa paglayo ko sa anak natin. Soon, you will understand why I did all of those. Basta ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang anak natin at mailayo sa kapahamakan," sagot ng kasintahan sa kan'ya. Sunod-sunod s'yang tumango dito at mas sinapo pa ng mahigpit ang pisngi ng dalaga. Inilapit n'ya din ang kan'yang sarili para halikan si Goldy sa noo. Mariin itong napapikit ng dumampi sa noo nito ang kan'yang labi. "I love you! Mahal na mahal kita babe," puno ng pagmamahal na sabi n'ya sa kasintahan habang sapo pa rin ang pisngi nito. Alam n'ya sa kan'yang sarili na mahal n'ya si Goldy at totoo ang kan'yang nararamdaman dito. "Mahal na mahal din kita Red! Kayong dalawa ng an
REGINALD DAEWOON..."Fine! Kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo ay ayos lang basta sa susunod na may malalaman pa ako tungkol sayo ay hindi ko maipapangako kung magiging maayos pa rin tayo. I just want you to be honest with me Goldy dahil ganon din ako sayo. Wala akong inilihim at alam mo ang lahat sa akin," matigas na sabi n'ya rito ng hindi ito sumagot sa mga tanong n'ya.Parang may kung anong pumipigil dito na hindi masabi sa kan'ya ang totoo.Nakamata lamang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita kaya wala s'yang nagawa kundi ang bumuga ng hangin para alisin ang bigat na nararamdaman sa kan'yang puso. Sa hitsura ng kasintahan ngayon ay malabong mapakwento n'ya ito ng gusto n'yang malaman.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid hanggang sa magawi ang kan'yang tingin sa isang mesa sa sulok kung saan ay may iba't-ibang prosthetic mask na nakapatong. Dali-dali s'yang lumapit dito at isa-isa itong tiningnan ngunit wala sa mga ito ang kan'yang hinahanap."That's Liam's project," narinig n
REGINALD DAEWOON..."I'm sorry, Red," mababa ang boses na paghingi ni Goldy ng paumanhin sa kan'ya. Walang kahit isa sa kan'yang mga tanong ang sinagot ng babae. Napailing s'ya habang mapait na ngumiti dito.Umasa s'ya na sasagutin nito ang kan'yang pakiusap para maayos n'ya ang lahat at makapamuhay na sila ng maayos at tahimik na tatlo ng anak nila ngunit bigo s'ya sa may makuhang sagot mula rito."How can we fix this kung ayaw mong magsalita, Goldy?" puno ng hinanakit na tanong n'ya sa kasintahan. Nagbuga ito ng hangin ngunit hindi pa rin nagsalita. Wala s'yang magawa kung ayaw nitong ibuka ang mga labi para sabihin sa kan'ya ang lahat.Walang mangyayari kung pipilitin n'ya ito. Mas lalo lang magulo ang lahat at mag-aaway lang sila. Mahal n'ya ito at nasaktan s'ya ng malaman ang paglilihim nito sa kan'ya ngunit hindi kabawasan iyon sa kan'yang pagmamahal sa babae.S'ya na lang ang gagawa ng paraan para malaman ang lahat dahil kung hihintayin n'ya ito ay baka abutin na sila ng syam-s
REGINALD DAEWOON..."Ikaw? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong n'ya sa babae ng makabawi mula sa pagkagulat. Hindi n'ya inaasahan ang biglang pagsulpot nito sa lugar kung saan s'ya dinala ni Goldy."This is my house, remember? Dito mo ako sinundan noon," nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya. Napasapo s'ya sa kan'yang ulo ng marinig ang sagot nito. Hindi ito nagsisinungaling, dito n'ya ito sinundan noon at dito n'ya rin ito naabutan."Got your tongue cut, Red?" tanong ng babae sa kan'ya ng hindi s'ya nakapagsalita na agad n'ya namang ikinatingin dito. Ibang-iba ang tono nito at hindi s'ya pwedeng magkamali.Naririnig n'ya sa babae ang boses ni Goldy ng mga oras na iyon. Mariin n'ya itong pinakatitigan at sinusundan ang bawat galaw ng eyeballs nito at ng labi para malaman ang totoo. At sa bawat galaw ng labi nito at galaw ng mga mata ay may napagtanto s'ya sa kan'yang sarili ngunit gusto n'yang siguraduhin kung tama ang kan'yang hinala.At ng hindi pa s'ya makuntento