REGINALD DAEWOON...Nabudol nga s'ya ni Trina at ngayon ay pinag planuhan n'ya kung paano bawiin kay Drake at kay Howald ang nabudol ng inaanak n'ya sa kan'ya.Damay na din si Howald dahil ito ang tatay ni Joshua na kinababaliwan ng kan'yang inaanak na uhugin pa nga pero lumalandi na.Hanggang sa nakatulog na lang s'ya ay ganon pa rin ang kan'yang iniisip. Kung paano mabawian ang dalawang kaibigan dahil sa pambubudol ng anak ni Drake sa kan'ya.Kinabukasan ay maaga s'yang nagising. Nakasanayan n'ya na— na nagigising ng maaga dahil sa kan'yang trabaho.Nakatanggap s'ya ng report mula kay Spike at ang laman ng report nito ay ang record ng cctv sa loob ng club ng nagdaang gabi.Pinag-aralan n'ya ng mabuti ang naturang mga kuha at naagaw ang pansin n'ya ng isang babae na senswal na sumasayaw sa harapan ng mga parokyano.Umigting ang kan'yang panga habang nanunuod dito hanggang sa mapatay ang ilaw at iyon na nga ang senaryo na nagkagulo ang lahat.Ang kasunod na nakita sa screen ay ang pag
REGINALD DAEWOON...He was stunned when he saw the woman. Hindi dahil sa ganda ng mukha nito kundi sa kan'yang nararamdaman sa babae.Parang may pamilyar na pakiramdam s'ya na nararamdaman dito ngunit hindi n'ya maipaliwanag ng maigi.Pakiramdam n'ya ay matagal n'ya na itong kilala ngunit sigurado s'ya na ngayon n'ya lang nakita ang babae na nasa harap n'ya."Ano ang kailangan nila?" tanong nito sa kan'ya. Hindi agad s'ya nakahuma lalo na ng marinig ang boses nito. Hindi s'ya pwedeng magkamali, narinig n'ya na ang boses na iyon ngunit hindi n'ya lang matandaan kung saan."Excuse me Mr. kung wala kang kailangan baka pwede na umalis ka na! Nakakaabala ka na kasi," sabi nito sa kan'ya. Doon lang s'ya parang nataohan at nahimasmasan sa pagkatulala."Ahmmm, I'm sorry but I need to search your house," sagot n'ya rito. Hindi n'ya alam kung bakit ganon ang lumabas sa bibig n'ya.Search our house? For what? Anong kasalanan namin?" nakakunot ang noo na tanong nito sa kan'ya."May hinahanap akon
REGINALD DAEWOON...Bumalik s'ya ng syudad na magulo ang isip. Ngayon lang s'ya naging ganito sa kan'yang sarili at ang nagpapagulo ay mga babae.Hindi naman s'ya ganito dati. Katunayan ay isa s'yang matalinong tao at hindi nauuto ng kahit na sino pero sa sitwasyon n'ya ngayon ay napagtanto n'ya na mukhang mga babae ang magpapasakit sa kan'yang ulo.Pinilit n'yang alisin sa isip ang mga ito para makapag-isip s'ya ng mabuti. Hindi pwede ang ganito at hindi s'ya dapat namomroblema.Dapat ang mga babae ang namomroblema sa kan'ya dahil gwapo s'ya. Sa isiping iyon ay mahina s'yang natawa. He needs to bring back the old Reginald Daewoon Cole. Ang tao na masayahain at puno ng kalokohan pero hindi kailanman naiisahan ng kahit na sinong kalaban.Nagbuga s'ya ng hangin at mahinang naipokpok ang kamao sa manibela ng kan'yang sasakyan ng biglang tumunog ang kan'yang cellphone.Inabot n'ya ito at sinilip at nakita n'ya ang isang mensahi mula sa hindi kilalang numero."Club the Malibu at nine pm.
REGINALD DAEWOON...Ilang segundo s'yang natulos sa kan'yang kinatatayuan habang nakatingin lamang sa babae na sumasayaw sa unahan.Ngunit ng maalala ang nangyari sa kabilang club noong nakaraan ay iwinaksi n'ya ang kan'yang nararamdaman na kakaiba sa babae.Naupo s'ya sa isang sulok na may kadiliman at inilibot ang kan'yang mga mata sa paligid. Hindi n'ya muna iniisip ang babae na sumasayaw ngunit hindi n'ya din inaalis ang posibilidad na nandito ito ngayon dahil may gagawin na naman ito sa lugar na ito.Gusto n'yang makilala ang babae sa likod ng maskara na suot nito at kung ano ang trabaho nito maliban sa pagiging stripper.Pero may pakiramdam s'ya na hindi ito totoong stripper at kung ano man ang rason nito ay malakas din ang kan'yang kutob na ang babae ang pumatay sa target nila noong nakaraang gabi.Naisip n'ya ang nagpadala sa kan'ya ng mensahi kanina na may transaction na mangyayari sa lugar na ito ngayong gabi at ang pagtagpo nilang muli ng babaeng stripper na nagngangalang H
REGINALD DAEWOON...Nag-uusap ang parehong grupo ng bigla na lamang may sumulpot sa kan'yang tabi na isang lalaki.Mabilis ang kan'yang mga kilos na agad na sinakal ito para hindi makagawa ng ingay ngunit hindi n'ya nabantayan ang kamay ng lalaki na bumunot ng baril at muntik pa s'yang matamaan ng magpaputok ito.Mabuti na lang at agad s'yang nakailag habang sakal-sakal ito sa leeg ngunit dahil sa putok ng baril ay agad naman na nabulabog ang mga naroon at nagsipulasan."Fvck!" malutong na mura n'ya at mabilis na tinapos ang buhay ng lalaki at nagtago sa kabilang pader."Hanapin n'yo!" malakas na sigaw ng kalbo na drug baron ng Sudan at Sumatra. Nagsimula na s'yang hanapin ng mga taohan ng dalawang grupo at nagsimula na din ang pag-ulan ng mga bala sa buong lugar.But he is Reginald Daewoon Cole at hindi ang tipo n'ya ang umaatras sa laban kahit mag-isa lang s'ya. Bahagya s'yang lumabas mula sa kan'yang pinagtataguan at pinaulanan ng mga bala ang mga kalaban.Walang mentis sa bawa
REGINALD DAEWOON..."Goldy?" gulat na tawag n'ya sa pangalan ng babae ng makilala n'ya ito. Imbes na magulat ito ay nginisihan lamang s'ya ng babae at tinapik sa braso."Hoy dugo, anong ginagawa mo rito?" "Anong dugo? At bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat ay ikaw ang tinatanong ko n'yan?" sita n'ya sa babae."Red ka di ba? So, ang dugo ay kulay pula kaya dugo ang itatawag ko sayo," nakangising sagot nito sa kan'ya."Eh kung tawagin din kaya kitang tae? Goldy ang pangalan mo di ba? At ang tae minsan ay kulay gold din lalo pa kung nakakain ka ng bulok na pagkain," pabalang na sagot n'ya rito. Sinamaan s'ya nito ng tingin bago tinalikuran ngunit hindi pa ito nakakalayo sa kan'ya ay sunod-sunod na putok ang maririnig sa buong lugar kaya mabilis n'yang hinablot si Goldy at nagtago sa isang pader."Shit! Kailangan nating makaalis dito at baka madamay pa tayo," sabi n'ya habang hawak-hawak ang kamay ng babae. "Mauna ka na, iwan mo na ako dito," sagot ng dalaga sabay baklas ng kama
REGINALD DAEWOON...Nakatunganga s'ya ng araw na iyon. Nasa bahay lang s'ya at hindi pa rin mawala-wala sa isip n'ya ang nangyari noong nakaraang gabi.Hanggang ngayon ay nasa isip n'ya pa rin si Goldy at pati na ang stripper na dumagdag pa sa gulo ng kan'yang isipan. Ngayon lang to nangyari sa kan'ya na ginulo ng dalawang babae ang kan'yang isip.Kailangan n'yang alamin ang kaugnayan ng dalawang babae. Malakas ang kutob n'ya na may koneksyon ang dalawa at iyan ang kan'yang gustong malaman.Malakas din ang kan'yang kutob na may koneksyon sa kanilang misyon ang dalawang babae dahil sa dinami-dami na nilang misyon na ginawa ay ngayon lang lumitaw ang dalawa.At itinaon pa talaga na nasa misyon sila bago nagpakita ang dalawang babae. May parte ng kan'yang isip na nagsasabi na iisa lang ang dalawang babae ngunit mayroon ding bahagi ng isip n'ya na nagsasabi na magka-ibang tao ang dalawa.Naguguluhan pa rin s'ya at gusto n'yang alamin ang totoong pagkatao ng dalawang babae na nagpapagulo
REGINALD DAEWOON..."Captain Goldy Marie Jones? Fvck!" lihim na sabi n'ya dahil hindi n'ya inaasahan at hindi s'ya makapaniwala na isa din itong military na kapareho nilang tatlo ni Spike at Nicollai at ang masama ay isa pa itong opisyal."Reporting to duty sir," sabi nito at sumaludo sa kanilang general."Have a sit captain Jones," utos ng kanilang general kay Goldy. Naupo ito sa kan'yang harapan at nakasunod lamang ang kan'yang tingin sa babae. Nabaling ang tingin nito sa kan'ya at nakita n'ya kung paano umangat ang sulok ng labi nito na parang sinasabi sa kan'ya na "ano ka ngayon Red? Gulat ka no?"At dahil sa isiping iyon ay nagtagis ang kan'yang mga bagang at lihim na naikuyom ang mga kamao sa ilalim ng mesa."Let's start! Evans and Collins, you can leave now," " boses ng kanilang general sabay lapag ng mga folder sa kani-kanilang harapan ngunit nagulat s'ya at nagtaka ng pinalabas nito si Nicollai at Spike."Bakit sila aalis general? Hindi ba kasama ko sila sa misyong ito?" hin
REGINALD DAEWOON... "Whooohhhh! That was awesome!" bulalas ng halos karamihan ng makabawi sa pagkagulat. "More! More! More!" sigaw naman ng iba na parang natutuwa sa nakikitang laban ng dalawa. Matandang babae na nakatungkod at isang malakas, malaki ang katawan, bata at mayabang na lalaki ang kalaban. Sino ang hindi ma excite lalo na ng makita ng lahat ang duguan at namamaga na mukha ng lalaki habang ang hinamon nitong matanda ay hindi man lang nahahawakan ng kalaban. "Fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang sumugod ang lalaki kay Black Lily. Ngunit ang inakala n'ya na madadali na ito ng lalaki ay hindi nangyari. Kung bibilangin n'ya ay tatlong hakbang lang paatras ang ginawa ni Black Lily para mailagan ang ataki ng lalaki. Ngunit hindi nito binigyan ng pagkakataon na makabawi ang kalaban. Hindi pa ito nakakabalik sa maayos na posisyon ay bumagsak ulit ito sa sahig dahil sa paghataw ng matanda ng hawak na baston sa maselan na parti ng katawan nito. Makikita na hindi naman kalakas
REGINALD DAEWOON... Naghiyawan ang lahat ng e-anunsyo ni Cassandra ang nakagawiang duel sa mga bagong opisyal na myembro ng underworld. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng lahat ay ganon naman ang pagkalabog ng kan'yang puso dahil sa sobrang kaba. Hindi n'ya alam kung bakit ganito ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kinakabahan s'ya na hindi mawari. Siguro ay dahil napakatanda na nito para sumubok pa sa dwelo. Rules sa underworld na ang lahat ng bagohan na pillar ay kailangan na sasabak sa dwelo para malaman ang kakayahan ng mga ito. Kung makitaan ba ito ng kakayahan na protektahan ang underworld kung sakaling may gustong sumira at magpabagsak dito. Kung kaya ba nitong protektahan at ilaban ang underworld against the enemy. Kailangan na malakas at marunong makipaglaban ang lahat ng nasa taas. At para malaman ito ng lahat ay kailangan na makikipag dwelo ang bagong opisyal at ito ang pinakamahalagang pangyayari sa pagtitipon na iyon. "Whooooohhh! No offense pero kaya mo pa
REGINALD DAEWOON...Nasa underworld sila ng araw na iyon. Kasama ang kan'yang mga kaibigan at mga asawa nito ngunit hindi sila nag-uusap. Kapag nasa underworld sila ay parang hindi sila magkakilala at nag-uusap lang sila gamit ang kanilang mga mata.Kanina pa s'ya hindi mapakali sa kan'yang kinauupoan sa paghihintay kay Black Lily na ipakilala. Ngayong araw ipapakilala sa lahat ang mga bagong pillar ng underworld kaya halos lahat ng myembro ay nasa underworld.Lahat ng mga malalaking tao ay nandoon kaya sobrang higpit ng seguridad ng bawat isa. Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga nakakaharap mo sa lugar na ito dahil bawat isa ay may mga lihim na agenda.Nakatayo s'ya sa sulok habang may hawak na isang baso ng whiskey na kinuha n'ya sa mga waiter na naglilibot para magbigay ng mga inumin. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid para magmanman.Namataan n'ya ang ibang kaibigan na kan'ya-kan'ya ng pwesto sa mga sulok ng lugar. Hindi pa nagsisimula ang assembly at hindi pa rin lumalaba
REGINALD DAEWOON... Dalawang linggo na ang nakalipas ng matapos silang mag-usap ni Goldy. Marami s'yang gustong malaman tungkol sa kan'yang ina at gusto n'ya itong tawagan ngunit naisip n'ya ang sinabi ng kan'yang daddy sa kan'ya noon. Pagdating ng tamang oras ay sasabihin ng mga ito sa kan'ya ang lahat. Marami din s'yang iniisip na iba sa ngayon kaya ipinagpaliban n'ya na lang muna ito. Naalala n'ya din na kailangan n'ya pa palang hanapin si Laurice. Naunsyami na ang paghahanap n'ya sa kan'yang kapatid dahil sa sunod-sunod at hindi inaasahang pangyayari sa kan'yang buhay. Pero kahit ganon ay hindi n'ya naman kinakalimutan ang kan'yang paghahanap dito kahit ilang dekada na ang dumaan sa kan'yang paghahanap. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag-asa at malakas ang kan'yang paniniwala na buhay pa ito. Nagpatong-patong na ang kan'yang mga kailangan gawin at mga iniisip at kailangan n'ya ng magbawas para naman gumagaan-gaan naman ang kan'yang trabaho. Nagmamaneho s'ya patungo sa secre
REGINALD DAEWOON... "What is our plan now?" tanong n'ya kay Goldy habang nagmamaneho sila pauwi. Matapos ang mahabang pag-uusap nila ay mas pinili n'yang intindihin ito kaysa magalit sa dalaga. Dahil kung tutuusin ay mas malaki ang sinakripisyo ni Goldy kaysa sa kan'ya kaya wala s'yang karapatan na magalit dito. Naipaliwanag na nito ang side nito at kahit alam n'ya na marami pang mga bagay na tinatago si Goldy sa kan'ya ay ipinagwalang bahala n'ya na lang muna ito. Katulad sa nangyari ngayon kapag dumating ang araw na magsasabi na ito sa kan'ya ay pipiliin n'ya pa rin na intindihin ito kaysa magalit sa kasintahan. Siguro ay ganon lang katindi ang pagmamahal n'ya kay Goldy kaya nasasapawan ng pagmamahal ang mga tampo n'ya sa dalaga. Tunay nga ang kasabihan na love works in mysterious ways at isa na s'ya sa nakaranas ng ganon. Kahit ano pa ang tampo, galit at inis n'ya ngunit nasasapawan lang ito palagi ng pagmamahal n'ya kay Goldy. Pero kahit ganon ay wala s'yang kahit na katiting
REGINALD DAEWOON... "I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi n'ya ng tawad sa kasintahan habang pareho nilang sapo ang kani-kanilang pisngi at pareho din na umiiyak. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad Red! Desisyon ko ang lahat at ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Sa pagtago ko kay Braxx mula sayo at sa paglayo ko sa anak natin. Soon, you will understand why I did all of those. Basta ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang anak natin at mailayo sa kapahamakan," sagot ng kasintahan sa kan'ya. Sunod-sunod s'yang tumango dito at mas sinapo pa ng mahigpit ang pisngi ng dalaga. Inilapit n'ya din ang kan'yang sarili para halikan si Goldy sa noo. Mariin itong napapikit ng dumampi sa noo nito ang kan'yang labi. "I love you! Mahal na mahal kita babe," puno ng pagmamahal na sabi n'ya sa kasintahan habang sapo pa rin ang pisngi nito. Alam n'ya sa kan'yang sarili na mahal n'ya si Goldy at totoo ang kan'yang nararamdaman dito. "Mahal na mahal din kita Red! Kayong dalawa ng an
REGINALD DAEWOON..."Fine! Kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo ay ayos lang basta sa susunod na may malalaman pa ako tungkol sayo ay hindi ko maipapangako kung magiging maayos pa rin tayo. I just want you to be honest with me Goldy dahil ganon din ako sayo. Wala akong inilihim at alam mo ang lahat sa akin," matigas na sabi n'ya rito ng hindi ito sumagot sa mga tanong n'ya.Parang may kung anong pumipigil dito na hindi masabi sa kan'ya ang totoo.Nakamata lamang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita kaya wala s'yang nagawa kundi ang bumuga ng hangin para alisin ang bigat na nararamdaman sa kan'yang puso. Sa hitsura ng kasintahan ngayon ay malabong mapakwento n'ya ito ng gusto n'yang malaman.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid hanggang sa magawi ang kan'yang tingin sa isang mesa sa sulok kung saan ay may iba't-ibang prosthetic mask na nakapatong. Dali-dali s'yang lumapit dito at isa-isa itong tiningnan ngunit wala sa mga ito ang kan'yang hinahanap."That's Liam's project," narinig n
REGINALD DAEWOON..."I'm sorry, Red," mababa ang boses na paghingi ni Goldy ng paumanhin sa kan'ya. Walang kahit isa sa kan'yang mga tanong ang sinagot ng babae. Napailing s'ya habang mapait na ngumiti dito.Umasa s'ya na sasagutin nito ang kan'yang pakiusap para maayos n'ya ang lahat at makapamuhay na sila ng maayos at tahimik na tatlo ng anak nila ngunit bigo s'ya sa may makuhang sagot mula rito."How can we fix this kung ayaw mong magsalita, Goldy?" puno ng hinanakit na tanong n'ya sa kasintahan. Nagbuga ito ng hangin ngunit hindi pa rin nagsalita. Wala s'yang magawa kung ayaw nitong ibuka ang mga labi para sabihin sa kan'ya ang lahat.Walang mangyayari kung pipilitin n'ya ito. Mas lalo lang magulo ang lahat at mag-aaway lang sila. Mahal n'ya ito at nasaktan s'ya ng malaman ang paglilihim nito sa kan'ya ngunit hindi kabawasan iyon sa kan'yang pagmamahal sa babae.S'ya na lang ang gagawa ng paraan para malaman ang lahat dahil kung hihintayin n'ya ito ay baka abutin na sila ng syam-s
REGINALD DAEWOON..."Ikaw? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong n'ya sa babae ng makabawi mula sa pagkagulat. Hindi n'ya inaasahan ang biglang pagsulpot nito sa lugar kung saan s'ya dinala ni Goldy."This is my house, remember? Dito mo ako sinundan noon," nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya. Napasapo s'ya sa kan'yang ulo ng marinig ang sagot nito. Hindi ito nagsisinungaling, dito n'ya ito sinundan noon at dito n'ya rin ito naabutan."Got your tongue cut, Red?" tanong ng babae sa kan'ya ng hindi s'ya nakapagsalita na agad n'ya namang ikinatingin dito. Ibang-iba ang tono nito at hindi s'ya pwedeng magkamali.Naririnig n'ya sa babae ang boses ni Goldy ng mga oras na iyon. Mariin n'ya itong pinakatitigan at sinusundan ang bawat galaw ng eyeballs nito at ng labi para malaman ang totoo. At sa bawat galaw ng labi nito at galaw ng mga mata ay may napagtanto s'ya sa kan'yang sarili ngunit gusto n'yang siguraduhin kung tama ang kan'yang hinala.At ng hindi pa s'ya makuntento