Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Knox at napaluhod kahit nakikita pa siya ng mga tauhan niya. Unti-unti siyang pinâpâtây ang pag-aalala niya kay Clary na baka kung anong gawin ni Marcus rito. "Tangina, hindi ko kayo mapapatawad lahat!" Panay ang piga sa ulo at halos i-untog niya ito sa sahig. "We cannot kill Ian," wika pa ni Cassandra. "We cannot kill them, dahil mapapakinabangan natin sila."Pumikit siya, pinigilan niya ang emotion niya at tumingala. Tumango-tango siya, "Yeah. We cannot kill them...this time." "So what's your plan?" tanong nito.Hangga't maari ayaw na niyang ipaalam ang isa pang isla niya, pero sa ngayon wala siyang choice dahil paparating na ang mga tauhan niya mula sa Auckland. Sumagot siya, "To keep my people safe first then attack." "To keep your people safe? Marami nang nawala sa mga tao mo," ani naman nito. Naghaplos siya ng basang-basa sa luha niyang mukha. Tumayo siya at huminga na tila kalmado lang at dinuro ang mukha ni Cassandra. "I'll kill y
Sa china, kasalukuyang nasa loob ng high-end restaurant si Shadow Phanter leader ng D'Arco at naghihinay sa isang babaeng kikitain niya. Pina-ikot-ikot lang niya ang vintage wine na laman ng baso niya habang naghihintay. Mga kalahating oras siyang ganoon, hangang sa dumating ang babae. Mabagsik na leader na siya ng D'Arco pero hindi niya minamaliit ang Moretti Queen na si Chen Huimei. Tinitigan niya ito papalapit, hawak-hawak ang itim na hand bag sa harapan. Kumikintab sa reflection ng ilaw ang kulay ng kuko nitong may magandang disenyo na pinaghalong maroon at itim na mayroon pang silver beads na maliliit. Ganoon din ang reflection ng silver beads sa fitted dress nitong suot. Parang hindi lang tumatanda. Nang makalapit ito sa kaniya, sinenyasan niya itong umupo at uminom ng alak. Umupo naman ito at tumitig sa kaniya. "Spill the beans." "The golden ship," deretsong sabi niya kahit na malaki ang posibilidad na iinit ang tenga nito. Tumaas ang sulok ng labi nito at sinabing, "And I
"Boss, sinugod ni Hake si Ian sa selda!" Gising na si Darwin, at kasalukuyan niyang kinakausap ito, pero biglang ganoon ang binalita ng tauhan niyang sumulpot. Nagkatinginan sila ni Cassandra. "Sinong Ian?" tanong niya. "Ang traidor, Boss," sagot nito. Tumayo siya, at walang pasabing naglakad palabas ng kwarto ni Darwin. Naramdaman niyang sumunod si Cassandra, at ganoon din ang tao niyang nag-report. Bumalik siya sa selda at nagpupumiglas si Hake sa hawak ng mga tao niya. "Boss, ayaw magpapigil eh," sumbong ng isa. "Hindi ka masa-satisfy na patayin lamang siya," ani ni Cassandra, naninermon kay Hake."Hayop siya! Bakit pa siya buhay? Wala siyang puso!" hagulhol na sigaw ni Hake. Tumapat siya sa selda ng magkambal at nakita niyang puno ng pasa si Chen Xui nakagapos si Ian at depressed itong nakasiksik sa gilid. "Hindi natin siya pwedeng patayin sa ngayon. Unahin natin ang kapatid niya.""Li Wei!" angal ni Cassandra. "W-Walang kasalanan si Ian, Boss. Dinukot nga siya nila. Wag s
"Ang location ng restaurant ay Orchid Island, Boss. At ang kasunod nito, papuntang south ay Y'Ami, sakop na ng Pilipinas at pinakadulo na ito," ani ng tauhan ni Knox bilang resulta ng pag-research nito. Tumingin siya kay Art na naghihintay rin ng resulta. Nagtanong siya, "So posible kaya na iyon ang teritoryo nila?" "Ayon kay Ian, sunod na isla raw ang pinuntahan nila ay papuntang North," singit naman ni Cassandra. "Ang malapit na isla ng Taiwan at Pilipinas ay itong Orchid Island and Y'Ami." "Hindi gaano kalaki ang islang iyon pero may mga katabing isla pa ito," singit naman ng kaniyang uncle Marvi. "Baka pati iyon sakop nila.""Hindi natin alam ang kilos ng mga kalaban," singit naman ni Maxim. "Malay natin parating na pala sila lalo na't alam nila baldado ang teritoryo natin. Wala tayong panahon para magmanman pa para siguradohin kung iyon nga ba talaga ang isla nila." Nagpatunog ng dila si Barth at napakamot pa ng ulo. "Oo nga boss, medyo mahirap ito."Nagtaas ng kamay si Art.
"Where are they now?" tanong ni Shen kay Fei. Sumagot naman si Fei, "I'm sure those are gone."Tumango ito. "The guards should chase them so that those two Madame, your mom, and my sister can escape." Dire-diretso lang ang lakad nila, papunta sa naghihintay na barko. Halos lahat ng D'Arco susugod sa Dreadblood, bukod sa sandamakmak na grupo na mula dito sa isla mayroon pang sasabay sa kanila mamaya na gamit ang mga helicopter. Nang makaakyat na sila sa barko agad silang pinagalitan ni Marcus. "The duration of our wait here feels equivalent of two days' journey to Palawan."Napangiwi lamang siya. At tumikhim-tikhim lang si Shen. Sinamaan sila nito ng tingin saka tumalikod at sumenyas na aalis na. Sumigaw naman ang isang tao nito na lalarga na at pinasa ang utos sa nakarinig para makarating sa capitan ng barko. Nauna na rin kasi sa pagbyahe ang mga nasa unahan, bali barko nila ang huling naiwan sa pampang. Tamad na lang siyang lumapit sa upuan at umupo roon. Naalala niya ang sinabi
Matabang na tinolang manok at kanin ang agahan nila. May kasabay silang dalawang lalaking halatang may mga pamilya niya. "Anong plano natin sa mga ito, sir?" tanong ng isa. "Dalhin pagbalik, alangan hayaang matuyo dito," sagot naman ng isa at nilipat pa ang isang bawl ng tinola sa harapan nila. "Ulam pa.""Ayoko na hindi masarap ang luto," sagot naman ni Caitlin, na nakailang sandok na ng kanin. Busog na ito sigurado. Napaangat ng mukha ang lalaki sa harap nila at napaawang pa ang labi kay Caitlin. Napatingin rin siya sa kapatid niya at ang isa namang lalaki at natawa at tinawag ang kasama. "Sarge, hindi raw masarap ang luto mo!"Napatingin si Caitlin sa tinawag nito at ang binigyan niya ng hikaw ang lumingon. "Kailangan niyang iluwa iyan."Pumatol pa ang kapatid niya. "Nasa tabi kayo ng dagat pero wala kayong asin," rason naman ni Caitlin. Asar na sinamaan ito ng tingin ng sundalo. "So hindi masarap?" "Pasalamat ka gutom ako," rason naman ng kapatid niya. Minsan talaga hindi niy
Nakarating na sa pinaka-north part ng Pilipinas ang submarine na sinasakyan ng Moretti Queen, Huimei. Alam niya ang mga tao niya sa ibabaw ay nakarating na rin. Umangat ang submarine. Lumabas siya at tiningnan ang karagatan. May mga helicopter na rin sa ibabaw na ang sakay ay mga tao niya rin. Hinawakan niya ang device sa tenga niya, "Any update?" "Mother, the atmosphere is remarkably serene in the island! It is evident that the people of D'Arco have departed! There's only a small contingent of guards dutifully stationed!" Sandali siyang huminga, umaktong kalmado lang pero sa loob-loob nag-aalala na siya sa mga anak niya. Kinausap niya ang tauhan na nasa tabi niya. "Pass my order to those on the yachts. Task them with meticulously searching the area to locate my daughters. Retrieve them safely. Once they are secure, proceed to burn down the shelter, leave no trace behind." Agad na sumunod ang nasa tabi niya. "The queen orders to those on the yacht! Check the island, retrieve the M
Lumarga ang panig ni Knox and Art mula sa Spratly upang salubungin ang mga D'Arco. Puno ng galit ang puso niya kaya matinding laban ang ibibigay niya.Sakay ng submarine ang ilan sa mga Moretti, sa mga barko naman ang nasa panig ni Knox, ang ilan sa mga tao niyang mula sa Auckland ay gumamit ng mga fighter jet isa sa mga ito naroon si Cassandra kasama si Barth. Siya naman ay kasama sa isang mga barko, nasa isang barko rin si Maxim, ibang barko rin ang nasa ama nito. Nasa Submarine nakasama si Art. Ang dalawang magkalaban, Dreadblood and D'Arco ay parehong Moretti ang pinagmulan, ngunit nagkamali ng pamamaraan ang D'Arco kaya nasa kaniya ang simpatya ng Moretti. Ilang oras ang biyahe nila, nakatanggap na siya ang report mula kay Bath. Sandamakmak na barko ang makakasalubong nila. Nagtaas siya ng kamay ginalaw ang sunod sa hinliliit, agad na sumigaw ang tauhan niya. "Speedboat!" _Sa posisyon naman ni Barth at Cassandra, since nasa ibabaw sila, makikita nila ang mga kumikislap na il
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal