"Sir ito na po ang mga paper bag," ngiting sabi ng katulong nila Keegan nang iabot nito sa lalaki ang pinakuha nitong mga paper bag. Glittered black gold ang design nito at hindi basta paper bag lang. Kinuha naman ito ni Keegan habang sinasabi, "Thank you, Lisa." Sobrang galang sobrang bait na mabagsik ang pakikitungo ni Keegan rito at mukhang wala namang problema sa patakaran dito sa mansion ng mga Carreon. Mukhang maayos naman ang pamamalakad ni Hector. Bakit kaya ito naging member ng El Trado? Maayos naman itong ama sa dalawang anak. Inabot naman ni Keegan sa kaniya ang mga paper bag na iyon, saktong may tumawag. "Keegan!"Boses ni Hector kaya sabay silang napaharap dito. "Yes Dad?""Can I talk Caitlin alone?" tanong nito. Napatingin naman si Keegan sa kaniya na alangan mag-Oo. Para bang nag-aalala. Nagkatinginan naman sila ni Hector, at para iwas hinala para kay Keegan tiningnan muna niya ang lalaki. "Okay lang."Ngumiti ito, at tumingin sa ama. "Sige Dad. Puntahan ko lang si K
"Pa ang ganda-ganda po ng damit ko," ngiting wika ni Angela kay Hake, habang nakaharap sa salamin. "Sana makita to ni Lola Ma.""Nakikita ka naman ni Lola Ma sa langit," tugon naman ni Hake. "Hindi lang talaga siya natin nakikita." "Talaga po? Bakit po ganoon hindi natin siya nakikita tapos tayo nakikita niya?" tanong naman ng inosente. "Dahil angel na siya, guardian angel mo na siya ngayon, at binabantayan ka niya palagi," sagot naman ni Hake. May kumatok sa kwarto kaya naputol ang usapan nila. Bumukas rin ito, "Tol, tara na." Si Ian iyon. Tumingin siya sa anak niya. "Tara na, Angi, alis na tayo.""Papa, maganda po ba sa china?" tanong naman nito nang tumayo na siya hawak ang kamay nito. "Siguro kasi nga isasama tayo doon ni Uncle Ian diba?" sagot naman niya, inayos pa niya ang lock ng sapatos nito. "Sana ganito din po ang bahay doon no? Iyong kama po sana kasing lambot ng higaan dito sa hinihigaan natin," ngiting-ngiti na sabi nito. "Maganda din ang higaan doon, Angi at bibi
"Kompleto na ba ang lahat? Aalis na tayo," tanong ni Maxim habang hawak ang kamay ni Arian at katabi lang din nito ang kuya na si Alec dala-dala ang jar na may lamang abo ni Andrei. Napatingin naman si Clary sa mga kasama nila. Napansin niyang wala si Cassandra, "Wala pa si Cassy eh.""Nasaan siya?" tanong ng Mom niya. "Call ko," ani naman ni Caitlin sabay atupag ng cellphone. Bumuntong-hininga na lang ang ina niya, animo'y naiinip. Siya naman tumingin kay Knox tumingin rin ito sa kaniya. Iyong tipong mag-asawa na sila pero biglang naging awkward ang tinginan nilang iyon at talagang dinagdagan pa nito dahil kumindat ito sa kaniya. Dahil doon natawa siya, at mas lalong naging awkward pa dahil nagtama ang paningin nila ng mommy niya, tumingin rin si Knox rito, at sinamaan ito ng tingin ng mommy niya. Tumikhim-tikim na lang ang asawa niya. Alam niyang excited ito dahil ang dahilan ng pagbalik nila sa China ay kasal nila. Ngunit ng biglang, "Christian ano ba?!"Ang dinig niya sa pang
Galit na galit si Lilith nang mapanood ang balita tungkol sa lalaking nahulog sa building sa airport. Naging malinaw sa kaniya kung bakit hindi na sumasagot sa tawag niya ang inutusan niya kanina. Nahuli yata ito ng mga Moretti kaya ganoon kabrutal ang sinapit. Galit na galit siyang nagwawala at naluluha sa sobrang frustration. Sukdulan hanggang langit ang galit niya kay Knox Wolthorn na tinuturing na impyerno ng buhay niya ang makitang buhay ang bagong babae nito. "Hâyôp ka! Inütïl!" Pinagtutulak niya lahat ng gamit niya sa ibabaw ng desk sa opisina niya sa Davenel. Sobrang stress niya, namamawis siya sa inis, sobrang depress siya sa pinagdadaanan niya ngayon. Hindi niya matatanggap sa sarili niyang may nagpamukha sa kaniya na hindi siya karespe-respeto. Humagulhol siya ng iyak, at nagpasyang magtawag ng phone. Sa kabilang linya naririnig niyang nagri-ring ito. "Lilith," boses ni Jasper. "I hate this! She's still alive! She's still alive!" tili niyang sagad sa lalamunan at humag
Pagdating ng China, humiwalay sila Yun Xiao sa kanila at dinala naman sila ng kanilang ina sa mansion nila Marcus na ngayon ay mapupunta na kay Ian. Sa ibabang kalsada palang sila ay manghang-mangha na siya sa ganda ng mansion na nasa itaas. Exterior pa lang ang nakikita nila pero nanghahatak na ito ng attention. "Nakakalaglag panga naman itong bahay," puna ni Hake. Si Ian halos hindi makapagsalita, halatang kabado at naintindihan niya ang nararamdaman nito. Paakyat hanggang sa gate ang sasakyan, nila at huminto ito sa tapat ng kasalukuyang nagbubukas na gate. May dalawang guards na nagbukas doon, at parang pang-sundalo pa ang galaw. Si Knox, tahimik lang ito sa tabi niya, at halatang pagod, mukhang inaantok pa. Pagpasok naman nila sa gate unang makikita nila, ang malaking swimming pool sa kanan. Huminto naman ang sasakyan sa tapat ng hagdan, isang metro ang lapad at gawa sa clear glass and handrail nito. Maiksing hagdan lang iyon at dinala sila nito sa isa pang malaking swimming
Napatingin naman si Clary sa tawang-tawa na asawa niya na parang may naalala. Kumunot naman ang noo niya habang tinitignan itong ngumunguya ng cookies. "Tingin-tingin mo?" tanong nito. "Nyare sa'yo?" tanong naman niya. Gabi na kasi at naroon sila sa veranda ng mega mansion ni Ian. Sa kinaroroonan nila kasi maaliwalas, malamig at preska ang hangin. Bukod doon makikita ang lawak ng kumikislap na city sa di kalayuan. Silang dalawa lang ni Knox doon, si Caitlin kasi may sariling mundo, pero nasa veranda rin may distansya lang sa kanila. "Hindi lang ako maka-get over kay Ian," sagot nito at nagkatitigan silang dalawa. Naglalaro ang daliri niya sa baso ng gatas na hawak niya pero nakapatong rin sa square na lamesa. Dahil sa sinabi nito natawa rin siya, kaya sumabay na ito lalo. "Pinanganak ka kasing mayaman kaya hindi ka relate," bara niya. "Bakit? pinanganak naman siyang mayaman ah," rason naman nito. "Pero hindi siya namuhay mayaman, ngayon palang. Kasi imagine ha..." Nataas siya n
Three days later. In Moretti.Sa kabila ng pagtitiis ni Knox, ang iwasang mahalikan ang asawa, mayakap sa loob ng tatlong linggo, may reward din talagang naghihintay para sa kaniya. Dahil ngayon, suot na niya ang Chang Pao na pinaghalong kulay pula at itim, ito ay kasuotang pangkasal ng mga Chinese. Ang itim nito na parang blazer pero Ma Gua kung tawagin at may desinyong logo ng Moretti ang Phoenix bird.Masayang-masaya siyang humarap, sa mga lalaking kaibigan niya. Kasama niya ngayon si Yun Xiao, Zhou Shen, shempre humabol sila Darwin, Barth and Walter. Hindi dapat mawawala ang tatlong ito sa kasal niya, mga paborito niyang alipuris. Sempre hindi magpapahuli ang tiyohin niyang si Marvi Wolthorn, kasama rin nila ang dalawang bata na si Alec and Arian. Pero si Arian kasama ni Margarette na inaayusan sa kabilang section. Si Xiang Fei lang ang wala sa kanila dahil nandoon naman iyon kasama nila Clary. Pinayagan silang makarating rito sa Moretti ngunit habang papunta ang mga ito sa luga
Sa main hall, naroon na ang Queen, sa trono niya, hindi naman maalis ni Keegan ang mata niya roon lalo na't may suot itong korona. Cream at gold ang suot nitong damit na may magandang desinyo. Pagpasok kasi nila sa main hall na iyon, deretso sila sa harap at yumuko rito, talagang nirerespeto ito ng lahat dahil lahat ng mga tao rito yumuyuko sa babaeng iyon. Dinala naman siya ni Caitlin sa gilid ng ailse upang abangan ang bride and groom. Bahagya siyang dumikit kay Caitlin at nagtanong, "So siya ang mommy mo?"Tumingin ito sa kaniya at tumango. "Oum, ganda ba? Kamukha ko?""Oo kamukha mo, pero grabe anak ka pala ng reyna, so prinsesa tawag nila sayo?" tanong pa niya."Third Chen Princess Chen Cai," sagot nito."Bali ikaw ang bunso sa inyong tatlo?" tanong pa niya. "Hindi, may first princess pa kasi, iyong kapatid nila Marcus, si First Chen Princess Chen Mei, pero namatay iyon," sagot nito. Napaawang ang mga labi nila. Parang naubos naman ang pamilya ni Ian, kawawa naman. "Sino ang
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal