"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Ang kapal niya, sobrang kapal!" Sa sobrang pag-aalburoto niya sa galit hilang-hila niya ang buhok niya habang walang prenong nagkakaragdag ng mga paa sa kinakatayuan. Natawa si Viana sa ginagawa niya at sinabi pang, "Balat buwaya ba?" "Hindi lang balat buwaya, buwayang statwa talaga! Kaya nga matigas, hindi marunong mahiya, makonsensya, sarili lang ang iniisip, mayabang pa! Akala mo kung sinong diyos umaasa lang naman sa baril niya! Bakit ba pinauso ang baril na iyan? Yumayabang tuloy ang mga tao, umaastang matapang, pero kung walang armas mga talunan naman!" Nasira tuloy ang maayos na pagkasuklay ng buhok niya ng bitawan niya. Gumulo pati ang bangs niya at pailing-iling na lang si Viana. Napabuga siya ng hininga. "Pero..." she trailed off, napatingin si Viana sa kaniya, matapos nitong sumilip sa loob ng pitser upang tingnan ang juice na tinimpla. "Pero?" tanong nito nang hindi siya nakapagsalita agad. "Hindi ba leader ng mafia si Walt
Sandaling natigilan si Knox sa sinabi ni Clary. Ngunit inasahan na niya ito, lalo na't alam ni Viana na mayroon siyang Mrs. Lilith Davis Wolthorn, but that was then, hindi na ngayon. Bumawi siya kaagad nang mapagtanto na inalam ng babaeng ito ang background niya. Tumaas ang sulok ng labi niya at sinabing, "Kung wala akong asawa, ibig sabihin ba niyan okay lang sa'yo ang mayroon tayo ngayon?" Bumusangot ito. Mas lalo siyang naaliw sa mukha nito. Gandang-ganda na siya rito, nadagdagan pa ng bumusangot. "Sinong nagsabi sa'yo na mayroong tayo? Nanaginip ka ba?" Akalain mo nga namang nabara siya ng ganoon? Dapat bang binabara ang isang Knox Wolthorn? Kumalma lang siya, at nagsalita, "Oo nga pala, bigla kong nakalimutan na one night—""Hake, Ian..." Pinutol nito ang pagsasalita niya. Kumurba ang ngiti sa mga labi niya nang agad itong umawat para hindi matuloy ang sasabihin niya. "Sa labas na lang kayo mag-hintay, sandaling meeting lang naman ito." Tinitigan siya nito taas-baba na parang
Nakatanggap si Knox ng mensahe mula kay Barth na sinasabing may nagmamanman sa kanila ni Clary. Alam na niya kung sino ang may utak noon, kaya inutusan niya si Barth na atakihin ito. Kalmado lang ang kilos niya, hindi nahahalata ni Clary ang pasimpleng pagdukot niya ng phone. Shempre wala naman itong pakialam. Tungkol naman sa kasunduan na sinabi niya rito, wala siyang natanggap na pagpayag, pero hindi na bali iyon, kaya naman niyang pasunurin ito sa mga gusto niya at wala itong may magagawa. Pagkatapos niyang maihatid si Clary sa mansion ni Viana, agad siyang umalis. Ang ibang alalay nito ngayon ay mga tauhan pa niya, nagpapanggap lang silang hindi magkakilala. Tumungo siya sa hideout kung nasaan si Barth, bihag na nito ang lalaking nakita nitong nagmamanman. Binigay ni Barth sa kaniya ang phone nito, at binasa ang conversation ng amo nito. Walang duda si Lilith ang nag-utos. Tumingin siya sa lalaki at umismid. Agad itong nagmakaawa nang magbunot siya ng baril. "S-Sir maawa ka, s-
Nadatnan ni Ruby ang kapatid niyang nakaupo sa loob ng opisina nito at mukhang nag-aalburoto na naman sa galit. Tinapunan niya ng kaniyang tingin ang kamao nitong nakakuyom sa ibabaw ng desk. Depressed pa itong naghilamos ng mukha at napahinto nang makita siyang pumasok. "Problemado ka na naman," puna niya matapos niyang isara ang pinto at nag-cross ng mga braso. Tila sinikap nitong huminahon at umiling. "Wala, lilipas din ito." She released her crossed arms at humakbang palapit dito. "Anong nangyare ba?" "Anong ginagawa mo dito?" tanong nito, binaliwala ang tanong niya. "Kagagaling ko lang sa hospital, ang sabi ng doctor, bukas pwede nang mag-discharge si Mom. But, ang dahilan kung bakit ako nandito is about Hake," aniya. Napasinghal ito ng hininga, "Iyon na nga ang pinoproblema ko eh. Mukhang malaking tao ang gâgô. Hindi man lang makapasok ang mga inutusan kong kunin ang anak niya sa hospital." "Naoperahan na ang anak niya, plus mahigpit ang bantay. Naka-exclusive room pa, ma
Walang ganang tiniklop ni Clary ang invitation card mula sa Luminara, isang sikat ring hotel na magpapatupad ng Gala night party para sa nalalapit na anibersaryo three days to go. Malapit si Viana sa kompaniya na ito, minsan na rin niyang nakaharap si Natalie Lumiere, ang prinsesa ng Luminara pero ang kasalukuyang CEO ngayon na Dominic Lumiere never pa niyang nakilala. Huminga siya nang malalim, kasalukuyan siyang naka-roba, nakatayo sa terasa ng mansion at nakatingin sa malayo. Si Viana naman ay nakalumbid ang mga binti na nakaupo lang sa lounge chair habang pinagmamasdan ang reaction niya. Tila hindi ito makatiis at nagtanong pa, "Ayaw mo?" Sandaling tumingin siya rito. Nakapusod ang lahat ng buhok niya na parang korona na lang ang kulang reyna na siya. Sumabay sa paggalaw ang manipis ngunit mahaba niyang white gold na hikaw lalo na nang tumango siya at pasimpleng ngumiti, "We can't ignore them. Lalo ka na, CEO ng Azara Gems.""At mas lalo ka na, may-ari," pagklaro rin nito. Umis
Tumayo si Knox, kunot na kunot ang noo niya rito nang lumapit ito sa kaniya at agad ba hinawakan ang buhok niya. "Curl..." puna nito. Tiningnan naman siya ni Diane sa pasilip na paraan at nilipat nito ang paningin kay Knox na nakatitig sa kaniya. "Gusto ko ng bagong style, may problema ba doon?" sarkastiko niyang tanong, tumaas pa ang kilay. "Eh...sino siya?" tanong naman ni Diane nakaturo ang hinlalaki nito kay Knox. "Boyfriend niya," biglang sagot ni Knox na siyang dahilan ng pagbilog ng mga mata niya rito. "She grew increasingly more beautiful," anito binabaliwala ang reaction niya. Hindi niya maiwasang mapalunok at mapaiwas ng tingin. "She has transformed into an even more extraordinary woman than before, surpassing her original hair. Kahit na mas gusto ko ang orihinal niyang buhok, ang appearance pa rin niyang ito ngayon ay mas tumaas ang maturity and power, making her absolutely stunning. Atleast kahit papaano hindi ako nagmukhang kuya niya." Pumutok ang tawa niya pero hindi
Bumigay lang si Clary ng emotion nang wala ng Ruby and Tristan sa paligid niya. Nasa loob na kasi siya ng sasakyan ni Knox, si Hake at Ian naman ay doon sa sasakyan niya. Binilinan naman ni Knox ang mga ito na manatili lang sa paligid nila dahil siya na ang bahala kay Clary. Lingid naman sa kaalaman ni Clary nagpadala na rin ng utos si Knox kay Darwin na mag-hire ng tauhan upang dukutin si Ruby. Simple lang naman ang utos niya, gusto lang niyang ipasira ang buhok ng babaeng iyon gawa nga nang sinabunutan nito ang buhok ni Clary. Siya ang nagbayad ng pagpapaayos no'n kaya hindi niya pwedeng baliwalain ang ginawa ng babaeng iyon. Mahaba rin ang buhok nang Ruby na iyon kaya ang utos niya ay ipaputol, mga hangang balikat. Pero dapat gagawin lang iyon kapag naayusan na rin ng buhok ang babae. Kahit maliit na bagay walang pinapalagpas si Knox Wolthorn, lalo na kung ang simpleng bagay na iyon ay bakas ng hindi pagrespeto sa kaniya. Pakialam ba niya kung matanggalan ng buhok si Clary? Per
"Your lawyer is correct, pwede nang buksan ang kaso, but it's essential to remember that the law is blind," ani ni Knox sa kaniya nang mabuksan ang topiko tungkol sa plano niyang pagsampa ng kaso. Tila may himalang dala ang hangin nang humantong sila sa ganoong pag-uusap. Nakita naman kasi niyang nag-e-effort ang lalaki para maging okay siya. Hindi naman maganda kung tuloy-tuloy ang pagmamasungit niya. "Huwag mo ring maliitin si Jasper. Kung nagawa niya sa'yo iyon, malaki ang posibilidad na mas higit pa doon ang kaya niya. Tandaan mo, kung si Hake at Ian lang ang alas na mayroon ka, iyon ang pupuntiryahin niya," dugtong pa nito. Naintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Huminga siya nang malalim. "Alam ko ang barko na ginamit nila. Nakita ko iyon matapos kong tumalon sa dagat," aniya. "At panigurado ang barkong iyon ay wala na rin. Kung ako nga naman ang krîmînal, buburahin ko ang lahat ng bakas ko," pagharang na naman nito. Kumunot ang noo niya. "Pinipigilan mo ba akong mag
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal