Benj Pov.
Dalawang taon na ang nakalipas simula nang mawala siya parang tumigil ang mundo ko pagkatapos niyang magpakamatay. Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa akin nagpakamatay siya siguro kung hindi ako nagselos maaring buhay pa siya.Isang linggo matapos ang incident inilibing ang bangkay ni Nick pero hindi ako dumalo dahil hindi ko siya kayang makitang ililibing. Para akong dinudurog ng ilang milyong beses kapag naiisip ko na wala siya. Nagkulong lang ako sa loob ng kwarto, hindi kumausap ng kahit sino kahit na mga magulang o kapatid ko. Para sa akin isang malagim na bangungot ang nangyari sa amin, minsan iniisip ko kung sana isa lang yung masamang panagip na kapag nagising ako nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.Took.. took.. took.." Kuya dinalhan kita ng pagkain" tawag mula sa labas ng room ko. Dalawang taon na araw araw akong dinadalhan ng pagkain ni Venice dito sa condo ko.Lumayas ako ng bahay dahil sa pressure na ibinibigay ng mga magulang ko. Gusto nilang maging maayos agad ako kahit na hindi ko pa kaya masyadong masakit ang mga nangyari at tanging panahon lang ang makakahilom sa malalim na sugat sa puso ko." Kuya miss na kita" narinig ko ulit ang kanyang paghikbi tumayo ako at binuksan ang pinto." Halika ka" sabi ko bago siya niyakap ng sobrang higpit parang kailan lang malaki na siya." I'm sorry kung napapabayaan kita patawarin mo si Kuya" umiiyak kong sabi habang yakap yakap parin siya." Huwag kang humingi ng tawad Kuya naintindihan kita nandito lang ako palagi para sayo " tugon niya tanging siya at si Gray nalang ang handang dumamay sa akin." Sige na umalis kana baka magalit si Daddy at Mommy kapag nagtagal kapa dito"Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya bago siya makaalis." Magpakatatag ka babalik ulit ako bukas" nakangiti niyang saad tumango ako at bumalik sa loob ng kwarto.Binuksan ko ang ilaw sa loob at inikot ikot ang tingin sa buong paligid. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano yun kagulo matagal tagal na rin akong hindi makapaglinis kaya sobrang dami ng alikabok. Napangiti ako bigla kapag nalaman ni Nick na ganito ang ayos ng kwarto ko sigurado papagalitan niya ako. Dinampot ko ang walis at nagsimulang maglinis inayos ko rin lahat ng mga kalat sa loob." Nick I'm sorry napapabayaan ko na ang mga gamit na ibinigay mo" bulong ko habang hawak hawak ang isang teady bear na regalo niya nang 5th anniversary namin.Matapos kung pulutin ang mga kalat sa sahig hinawi ko ang malaking kurtina na nakatabon sa window ng condo ko. Nang tumama ang liwanag ng araw sa aking mga mata napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. Dalawang taon na rin akong hindi nasisilakan ng liwanag mula sa araw nataktakpan kasi yun ng makapal na kurtina na inilagay ko bilang panharang sa bintana ng condo." Goodmoring Nick" bulong ko sa hangin saka nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.Naglakad ako papunta sa veranda at pinagmasdan ang buong paligid." Happy 8th anniversary Nick" bulong ko ulit habang nakatingala sa langit unti unting umagos ang luha sa mga mata ko.Yakap yakap ko ang sarili habang patuloy na umiiyak." I miss you so much hindi mo lang alam kung gaano ko gusto na makita at mayakap ka pero kahit sa panaginip hindi mo ako dinadalaw. Para akong mababaliw Nick pakiusap kahit minsan lang gusto kong naramdaman ang presensiya mo" humahagolhol kong saad ilang sandali pa naramdaman ko ang pag ihip ng malamig na hangin.Ngumiti ako ng bahagya ng maramdaman na parang mayroong yumakap sa aking likuran. Tumagal yun ng ilang segundo at alam kong siya yun." Thank you and I love you Nick " Bumalik ako sa loob ng condo para maligo pagkatapos kong naramdaman ang presensiya niya para akong nabuhayan ng loob. May kung anong pwersa ang tumutulak sa akin na kumilos. Pumasok ako sa banyo at hinayaang mabasa ang katawan ko ng malamig na tubig. Nang humarap ako sa malaking salamin nakita ko ang sarili ko na ibang iba sa dating Benj. Sobrang haba ng buhok at bigote ko sa mukha, namumugto ang mga mata ko, sobrang laki din ang pinayat ko. Kinuha ako ng shave at sinumulang alisin ang mahabang bigote sa mukha ko. Pagkatapos kung maligo simulan ko na ring gupitin ang mahaba kong buhok. Habang naggugupit napatingin ako sa mga bruises, scratch sa kamay ko ito ang dulot ng mga ginawa ko noon. I tried to commited suicide pero sa tuwing gagawin ko yun naliligtas ako ni Mommy at Daddy.Pakiramdam ko ang kamatayan mismo ang umiiwas sa akin. Nang makita ko ang mga luha sa mga mata ni Mommy at Venice doon lang ako natauhan napaselfish ko dahil nagdudusa sila dahil sa akin. Especially my little sister nagkaroon siya ng truama ng makita akong duguan sa kwarto ko. Nagsimula akong kamunghian ni Daddy dahil sa mga pinagagawa ko kaya nangako ako sa kanila na hindi na ako magpapakamatay. Pero kailangan kong lumayo sa kanila kumuha ako ng condo para magkulong at para maghilom ang sugat sa puso ko. Pero sadyang mahirap kalimutan ang lahat until now hindi parin ako buo siguro nasa process pa ako ng paghilom. Hindi ko rin alam kung kaya ko bang kalimutan si Nick dahil para sa akin siya ang buhay ko.Tumingin ako ulit sa salamin at tiningnan ang bagong ayos ko." Hindi na masama" saad ko bago kumuha ng damit sa drawer. Plano kong lumabas ngayon para pumunta ng cemetery gusto ko siyang dalawin.Sinuot ko ang damit na ibinigay niya isang buwan matapos siyang nagpakamatay. Binilhan niya ako ng damit basi sa paborito niyang kulay pero ayaw na ayaw ko sa kulay asul kaya hindi ko isinusuot. Pero ngayon tingin ko maganda ang kulay na asul dahil napakapayapa tingnan. Lumabas ako ng condo at nagmaneho papuntang sementeryo pero bago yun dumaan muna ako ng tindahan para bumili ng bulaklak at kandila. Nang nakalipas ang limang minuto narating ko ang cemetery dahan dahan akong naglakad papasok habang bitbit ang mga dala ko. Pakiramdam ko sobrang bigat ng mga hakbang na ginagawa ko ito rin ang unang pagkakataon na dumalaw ako sa kanya o makita ang puntod niya. Nick PerezBorn December 20, 1990 - Died August 13, 2012Nagsindi ako ng kandila sa puntod niya nilagay ko rin ang bulaklak na binili ko. Pinikit ko ang aking mga mata at nag alay ng dasal para sa kanya." Happy 8th anniversary Nick mayroon pala akong ibibigay sayo" inilibas ko ang singsing na binili ko pa 2 years ago na hindi ko naibigay sa kanya dahil sa mga nangyari." Nick isusuot ko ang singsing na to tanda ng pagmamahal ko sayo. Pinapangako ko na mamahalin kita hangang sa huling hininga ko" sambit ko bago sinuot ang singsing sa daliri ko ang kapares nito nilagay ko sa taas ng puntod niya.Humiga ako sa tabi ng puntod niya habang nakatingala sa langit. Habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan hindi ko siya maiwasang maalala na kung dahilan bakit ulit kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Bigla nalang ako nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa pag iyak pinikit ko ang aking mga mata at natulog sa tabi ng kanyang puntod gaya ng ginagawa ko dati nang buhay pa siya. Ang matulog sa tabi niya habang kayakap siya ay pinakapaborito kong gawin dati.Fast Forward" Benj wake up" I heard a gentle voice na tumatawag sa akin na miss ko ang boses na yun.Nang buksan ko ang aking mga mata nakita ko siyang nakatayo sa harap ko." Nick" sabi ko habang gulat na gulat inilahad niya ang kanyang kamay at inalalayan akong tumayo.Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang umiiyak." I miss you so much"" I miss you too" tugon niya hinawakan niya ang mukha ko. I miss his hand na palaging humahawak sa aking mukha. His soft and warm hands, his gente voice, his hug and kisses." Masaya akong dinalaw mo ako" saad niya kaya mas lalo akong napaiyak." I'm so sorry.. Im really sorry" paulit ulit kong sabi" Huwag kang humingi ng tawad dahil wala kang kasalanan kaya huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Tandaan mo palagi mahal na mahal kita" sabi niya bago ako hinalikan sa noo.The next thing I knew nanaginip lang pala ako para sa akin yun ang pinakamagandang pananginip ko sa loob ng dalawang taon." Thank you Nick" bulong ko bago pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.Napatingala ako bigla sa langit ng makita ang magandang kulay kahel na kalangitan. Sobrang ganda ng sunset na nagdagdag ng ibang kulay sa asul na langit. " Benj" may narinig akong boses mula sa likuran ko boses na huli ko pang narinig 2 years ago. Boses ng isang tao mahalaga sa buhay ni Nick." Tita" sabi ko ng lumigon ako sa kanya tatanggapin ko kung magagalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nagpakamatay si Nick.." I'm glad to see you here" saad niya bago ako binigyan ng isang mahigpit na yakap." Tita I'm sorry" sambit ko habang umiiyak parin" Don't say sorry hindi mo kasalan ang mga nangyayari at walang gustong mangyari yun"Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya." Stop crying baka magalit si Nick dahil pinaiyak kita" pabiro niyang sabi kaya napangiti ako ng bahagya.Nang bumitaw kami sa pagkakayakap sa isat isat she started to talk about Nick."Alam mo ba naaalala ko dati ng una kang ipinakilala ni Nick bilang boyfriend niya diba nagbalat ka ng onions dahil doon naiyak ka habang nagbabalat at ng makita ni Nick na may mga luhang lumalabas sa mga mata mo agad siyang tumakbo papalapit sayo dahil akala niya inaway kita" pagkukuwento niya." Opo naaalala ko po yun" tugon ko na nakangiti" Alam mo ba inaway niya ako ng makaalis ka kahit na ilang beses kong sinabi na hindi kita inaway pero ang naging tugon niya sa akin.. kahit na dahil nagawa parin kitang paiyakin" dagdag pa niya.Biglang gumaan ang loob ko dahil masarap sa pakiramdam na mayroon akong nakakausap na taong sobrang lapit sa kanya. Bago gumabi umuwi na din kami hinatid ko muna si Tita sa bahay nila bago dumeretso sa condo. Habang tinatahak ko ang daan pauwi isang park ang nakakuha ng attensiyon ko. Hininto ko ang sasakyan sa katabing parking space at bumaba ng sasakyan. This is where our story begin dahil dito kami unang nagkakilala ni Nick. Lugar na puno ng mga masasayang alala naming dalawa, dito kaming unang nag date, dito namin pinagdiwang ang unang monthsary and anniversary naming dalawa. Seeing this place it bring back our memories.Tatawid na sana ako sa kabila ng may nakita akong batang babae tumatakbo siya patawid habang ang mga sasakyan ay patuloy na humahaharot sa kalsada. Mabilis akong kumilos para itulak ang bata sa gilid bago pa siya masagasaan ng paparating na truck. Ngumiti ako ng makita siyang ligtas habang nakahandusay sa sahig naramdaman ko ang malakas impact ng pagkakabangga sa akin. Hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko habang iniinda ang matinding pagkahilo." Nick " bulong ko bago pinikit ang aking mga mata" Benj gising... Benj gising" isang maliit na boses ang tumatawag sa akin.Nang maiulat ko ang aking mga mata isang batang babae ang nakita kong nakaupo sa tabi ko. Sandali siya ang batang babae na niligtas ko kanina mabilis akong bumangon at sinuri ang katawan ko wala akong nakitang mga gasgas, hindi rin ako nakaramdam ng matinding sakit sa katawan, big sabihin?" Huwag kang mag alala hindi kapa patay maligayang pagdating sa lugar kung saan tinatawag na loop"" Huh!!?" Naging reaksiyon ko saka inikot ikot ang tingin sa buong paligid. Sandali ito yung park na pupuntahan ko sana bago nangyari ang aksidente." Ate" tawag ko sa babaeng dumaan sa tabi ko" Hindi ka niya naririnig dahil nasa loob tayo ng loop" paliwanag ng batang babae." Sandali ano ba ang loop?" Kunot noo kong tanong" Loop tell secrets, unfold truth, offer opportunity to change the past and solve conflict" tugon niyaSobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari at sa mga sinasabi niya." Kung hindi pa ako patay mas mabuti pang patayin mo nalang ako para makasama ko na si Nick sa kabilang buhay" pakiusap ko sa kanya." Ano gagawin mo akong kriminal alam mo ang sama sama mo" taas kilay niyang tugon."I'm sorry" mahina kong saad" Don't worry may gusto akong itanong sayo" seryoso niyang sabi." What is it?" Rinig na rinig ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang itatanong niya." Naniniwala kabang nagpakamatay siya?" " Huh!! Si Nick ba ang tinutukoy mo?"" Yes I am referring to your lover who died 2 years ago"" Ang sabi ng mga nagpulis nagpakamatay siya kaya naniwala ako" tugon ko" Naniwala ka dahil sinabi nila kahit na mayroong pagdududa sa puso mo mas pinili mong maniwala, nakakalungkot isipin yun" sabi niya parang alam niya ang mga nangyari." Sandali sino kaba?" " Maaaring isa akong multo, maari ring isa akong anghel o di kaya demonyo, pwede ring tagasundo ng kaluluwa ng mga namayapa. Nasa sayo kung ano ang gusto mong itawag sa akin"" It doesn't matter gusto kong malaman ang tungkol kay Nick"" Okay I will tell you the truth hindi siya nagpakamatay" walang pag alinlangan niyang sabi." What? What does it mean?"Benj Pov. " What? What does it mean?" " Bakit hindi mo alamin?" Isang makahulugang ngiti ang namuo sa labi niya. Pumalakpak siya ng dalawang beses at biglang naglaho sa harap ko. Nandito parin sa park umupo ako sa bench habang nag iisip sinusubukang intendihin ang mga nangyari. " Miss nakikita mo ba ako?" Tanong ko sa isang babae na umupo sa tabi ko. Nakita ko na kumunot ang noo niya bago tumango ibig sabihin wala na ako sa loop na sinasabi ng batang babae. Pambihira this is to much to handle parang mababaliw na ako. Tumunog ang cellphone ko kaya natauhan ako galing sa malalim na pag iisip. Venice is calling.. Dahan dahan kong ipindot ang answer botton" Kuya na saan ka?" Tanong niya sa kabilang linya" Huh!! nasa park ako ngayon" tugon ko " What's wrong bakit ganyan ang boses mo sandali hulaan ko kinakabahan ka baka hindi magustuhan ni Kuya Nick ang hinanda mong surprisa tama ba" " Huh! Kuya Nick surprisa?" Sabi ko dahil sa gulat " Oo diba ngayon ang 6th year anniversary
Benj Pov."12th loop?" " 12th loop means 12th chances see you in the second loop Benj" " Tabi" malakas na sigaw sa paligid ko " AHHH" sigaw ko ng makita ang papalapit na kotse sa akin napapikit ako ng mga mata habang hinihintay ang pagbangga ng sasakyan sa akin." Scretch" tunog ng biglang paghinto " Magpapakamatay kaba?" Galit na sigaw sa akin nang minulat ko ang aking mga mata nakita ko ang kotse na nakahinto malapit sa akin. " Iho ayos ka lang ba?" Tanong ng isang matandang babae sa akin, hinila niya ako palayo sa daan." Umupo ka muna dito" Pinaupo niya ako sa bench pakiramdam ko nanginginig parin ang buo kong katawan. Inabutan niya ako ng tubig kinuha ko naman yun at iniinom. " Maraming salamat" saad ko " Muntik kana kanina masagasaan mabuti nalang nagawang mag preno ng driver sa susunod mag iingat ka" paalala niya."Maraming salamat po" " O siya maiwan na kita dito" paalam niya bago umalis kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tiningnan ang oras at taon. August 13, 7:00
Benj Pov. Mabilis akong bumaba ng hagdan pagdating ko sa baba nakita ko silang kumakain ng almusal. " Benj hindi kaba papasok?" Tanong ni Mommy " Mom may gagawin ako kita nalang tayo mamaya" tugon ko bago lumabas ng bahay. Time check 7:00 am, august 13, 2010 bumalik ulit ako 2 years ago this is my 2nd loop on friday. Bago dumating ang araw na to matagal kong pinagplanuhan ang mga gagawin ko. Tinungo ko ang resort kung saan nakahanda ang anniversary surprise sinabihan ko ang organizer na hindi matutuloy ang surprise namatay si Nick sa pagkalunod kailangan ko siyang ilayo sa tubig para hindi na yun maulit. Sunod kong pinuntahan si Gray sa kanyang condo nagulat siya ng makita akong nakatayo sa pintuan ng condo niya. " Benj anong ginagawa mo dito?" Tanong niya mukhang kagigising lang niya. Pumasok ako sa loob para kausapin siya" Huwag ka munang pumasok sa school ngayon may ipapagawa ako" nakangiti kong sabi.Umupo siya sa harap ko at nakinig sa mga sasabihin ko " I'm counting on y
Benj Pov. " Naniniwala kana ba na mayroong taong gusto pumatay sa kanya?" Bigla nalang sumulpot ang batang babae sa harap ko, kahit na masakit kailangan kong tanggapin na walang nagawa to save him. " Naniniwala na ako" tugon ko habang umiiyak " Huwag mong masyadong dibdibin ang mga nangyayari tiningnan mo ang isang magandang naidulot ng loop" makahulugan niyang sabi. Tama siya ngayon napatunayan ko na mayroon talagang gustong pumatay sa kanya. " Benj isang paalala muli bago ako aalis huwag mo masyadong dibdibin lahat baka kasi hindi ka aabot sa huling loop" Hindi ko maintendihan ang mga sinasabi niya bigla nalang ulit siya nawala sa harap ko. Bumalik ako 2 years later napagdesisyonan kong umuwi nalang ng condo para doon mag- iisip ng mga susunod na plano. Pagdating nakita ko ang sasakyan ni Daddy sa harap ng condo. Lumabas ako ng sasakyan at pumasok sa loob nakita kong nakaupo sa sala si Daddy at Venice, si Mommy naman naghahanda my pagkain sa kitchen. " Anong ginagawa niyo d
Benj Pov. Another friday has come nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam. Bumahing ako ng tatlong beses hinawakan ko ang noo ko at gaya ng inaasahan medyo mainit temperature ng katawan ko. Hindi ako pwedeng magkasakit kailangan ko pang iligtas si Nick ngayong araw. Pagkatapos kung tumayo nakaramdam ako ng kunting pagkahilo. Naalala ko kahapon nabasa ako ng ulan habang tumatakbo palabas ng condo." Kuya wake up" sigaw ni Venice bago binuksan ang pinto ng kwarto ko." Are you okay?" Tanong niya lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko." Kuya mayroon kang lagnat" natataranta niyang sabi " Venice don't worry I'm fine" nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa drawer.Kumuha ako ng damit dahil plano kong puntahan ngayon si Nick sa apartment niya." Benj, Venice" " Mom mayroong lagnat si Kuya" sabi ni Venice kay Mommy kaya lumapit siya sa akin bago pa niya mahawakan ang noo ko lumayo na ako sa kanya. " Mom ayos lang ako" saad ko with assurance " Saan ka pupunta?" Tanong niya ng
Benj Pov. " Nick please huwag mo akong iwan" " Benj gising" " Nick" naghahabol ako ng hininga matapos magising sa loob ng isang hospital room. " Paano ako napunta dito?" Tanong ko sa sarili " Benj si Kathlyn to ayos ka lang ba?"Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama " Kathlyn paano ako napunta dito?" Tanong ko sa kanya ang huling natatandaan ko nawalan ako ng malay malapit sa flower shop. " Si Nick na saan si Nick?"" Benj patay na si Nick 2 years ago" sagot niya ibig sabihin hindi ko ulit siya naligtas. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng pagkahilo" Magpahinga ka muna ang sabi ng Doctor may sakit ka at tungkol sa tinatanong mo mayroong isang batang babae na tumawag sa akin kanina ang sabi niya puntahan daw kita sa park" paliwanag niya sigurado ang misteryosong batang babae ang tinutukoy niya. " Pinuntahan kita at dinala dito sa hospital" " Maraming salamat Kathlyn" " Wala yun tatawagan ko ba sina Tito at Tita?" Tanong niya umiling iling lang ako baka kung ano na
Benj Pov. Nakatutok lang ang tingin ko sa cellphone na hawak ko ilang araw na akong naghihintay ng reply mula kay Irish pero bigo parin akong makatanggap ng text message mula sa kanya." Benj nandiyan kaba?" Tumayo ako sa sofa ng marinig ang boses ni Kathlyn sa labas. Pagbukas ko ng pinto nakita ko ulit siyang may hawak na plastic bag. " Hulaan ko pagkain yang nasa loob?" Nakangiti kong tanong tumango lang siya bago pumasok sa loob. Dumeretso siya sa kusina ako naman bumalik aa pagkakaupo sa sala. " Benj handa na ang pagkain kumain na tayo" " Mukhang tataba ako kapag araw araw kang magdadala ng pagkain dito" pabiro kong sabi umupo ako sa upuan na nakaharap sa kanya. " Ayos lang sa akin kung araw araw kitang dalhan ng pagkain" sabi niya sumubo ako ng chicken curry napangiti ako ng biglang naalala si Nick." Si Nick na naman ang nasa isip mo?" " Bakit mo nalaman?" " Siya lang ang taong dahilan ng ganyang ngiti" tugon niyaKatahimikan ang sunod na namayani tumigil ako sa pags
Benj Pov. " Did I tell you to stop" sigaw ni Daddy bago ako sinuntok ng panglimang beses." Hindi siya pinatay" I insisted kahit na alam kong hindi siya titigil sa pagsuntok sa mukha ko. " Hon please enough huwag mong saktan ang sarili mong anak" pakiusap ni Mommy pumagitna na siya sa amin ni Daddy. " Benj huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan na ikakasira ng pangalan ko" sabi niya na may pagbabanta.Ito ang pangalawang beses na nagawa niya akong saktan dahil lang sa pag- uungkat ko sa mga nangyari 2 years ago. " Benj I'm sorry" umiiyak na saad ni Mommy sinubukan kong pigilan ang mga luha ko at nanatiling matapang para kay Nick. "Mom sundan mo si Daddy baka kung ano pa ang mangyari sa kanya" hinalikan niya muna ako sa noo bago hinabol si Daddy palabas ng condo. Kumuha ako ng first aid kit para gamitin ang sarili kong sugat. " Benj ayos ka lang ba?" " Kathlyn bakit nandito ka?"" Akin na yan ako na ang gagamot diyan" nilagyan niya ng gamot ang mga sugat ko. " Bakit to ginaw
Benj Pov. " Dad you're finally awake" Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko maigalaw. May nakita akong batang lalaki na nakaupo sa tabi ng hospital bed. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. " Mr. Montefalcon kamusta ang pakiramdam mo?" " Ayos lang" " Dito ka muna tatawagin ko lang si Dr. Adrian"Umalis ang nurse palabas ng kwarto " Who are you?" Tanong ko sa batang lalaki " dad I----- Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit " Arrghhh" " Benj can you hear me?" Unti unting lumalabo ang aking paningin. Hindi ko makikita ang mga taong nasa harap ko pero naririnig ko sila. Ilang sandali pa everything went black. Meanwhile Sobrang dilim ng buong paligid habang tumatagal pakiramdam ko nahuhulog ako sa walang hanggang kadiliman, ayaw ko dito dahil para akong nasasakal. " Benj" Sandali boses yun ni Nick " Kuya" Boses ni Venice ang sunod kong narinig " Benj" Boses naman ni Mommy ang narinig ko dahan dahan kong minulat ang
Benj Pov. Thursday Hinarap ko ang taong dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin." Dad" Tinitigan niya lang ako gamit ang isang matalim na tingin" Masaya kana ba dahil nakakulong ako dito" " Kasalanan mo kung bakit ka nandiyan Dad" " Anong kailangan mo sa akin?" " Gusto kong malaman kung bakit mo siya pinapatay may mali ba siyang nagawa?" Hindi siya nakasagot " Dad Im asking you" "Gusto ko lang ng mga bagay na makakabuti sayo" " Para sa akin ba talaga o para sa kabutihan mo. Hindi mo matanggap na mahal namin pareho ang isat isa. O baka naiingit kalang dahil kailangan niyong---- " Enough" sigaw niya kaya natahimik ako " I'm begging you answer my question honestly" " I'm sorry gusto ko lang magkaroon ka ng magandang buhay kasama na doon ang pagkakaroon ng isang mabait na asawa na magiging Ina ng mga anak mo. Gusto kong makapagtapos ka ng pag aaral para mahanap ng magandang trabaho yun lang" " Yun lang ang dahilan mo" sabi ko habang nakakuyom ang mga kamao ko." If y
benj pov. ninth loop ( 4:50 pm) isang nurse ang naglalakad sa hallway ng hospital sinundan siya ni kathlyn hangang sa makapasok ito sa storage room. " miss bawal pumasok dito tanging authorized person lang----- hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa malakas na suntok ni kathlyn na tumama sa tiyan niya. nang mawalan ng malay ang nurse hinubaran siya ni kathlyn at kinuha ang suot nitong damit. pagkatapos lumabas siya ng storage room na parang walang nangyari. isang papel at ballpen ang sunod niyang kinuha sa nurse table bago dumeretso sa hospital room ni nick. matapos kong makalabas sa hospital room ginamit niya ang pagkataon para masagawa ang kanyang pinaplano. " hello again nick you're lucky dahil nakaligtas ka sa operation pero ang malas mo kasi hindi ka makakaligtas sa akin" tinanggal niya ang oxygen na nakakabit sa katawan ni nick pagkatapos dali daling lumabas ng hospital room.tenth loop (5:30 pm) lumapit siya kay nick at hinablot ang wallet nito naghabulan
Benj Pov. first loop (5:50 pm) " Na saan ako?" Sandali si Nick yun sinundan ko siya papunta sa gilid ng dagat. " Lumabas ka" sigaw niya " Nick anong ginagawa mo?" Tanong ko Sinubukan ko siyang hawakan pero lumulusot lang ang kamay ko sa kanya mukhang hindi niya rin ako naririnig. " Nick" Napatingin ako sa taong tumawag sa kanya " Kathlyn" gulat kong sabi "Diba sinabi ko na sayo na layuan mo na si Benj" sabi ni Kathlyn bago siya hinawakan sa leeg." Hinding- hindi ko gagawin yun dahil mahal na mahal ko siya" sagot ni Nick." Hindi ako nagkulang sa pagbabala sayo now it's time for you to die" " Stop it" sigaw ko Sinubukang kumawala ni Nick pero wala siyang magawa laban kay Kathlyn. She is trained assassin kaya bilang isang karaniwang tao wala kang kalaban laban sa kanya." Bitawan mo ako" pagpupumiglas ni Nick " I'm sorry Nick hindi magiging akin si Benj kapag nandiyan ka sa tabi niya" Hindi ko siya kayang panoorin na nahihirapan sinuntok niya si Kathlyn sa tagiliran kaya
Benj Pov. " Kuya tingnan mo ang news dali" sigaw ni Venice mula sa sala.Nasa kusina ako ngayon na naghahanda ng almusal namin" Kuya bilis" " Sandali ano ba yun?" Matapos kong mailagay ang pagkain sa plato pinuntahan ko siya sa sala. Naglalakad palang ako papalapit rinig na rinig ko na ang boses ni Daddy. " Narinig natin ang pagproklama ng isang kaabang-abang na pag iisang dibdib ni Benj Montefalcon at Kathlyn Villa" sabi ng reporter." Venice kumain ka ng breakfast babalik muna ako sa mansion kailangan kong kausapin si Daddy" " Kuya bumalik ka agad"" Okay I promise" Hinalikan ko muna siya sa noo bago umalis pagdating ko ng mansion hinanap ko agad si Daddy at Mommy." Benj umalis kana" bungad ni Mommy na halatang takot na takot." Mom bakit ganyan ang mukha mo may ginawa ba si Daddy sayo?"" I'm sorry" bulong niya bago ako niyakap " Mabuti naman at umuwi kana" Bumitaw ako sa pagkakayap kay Mommy at humarap sa kanya." Dad wala ka na ba talagang natitirang hiya sa katawan mo.
Benj Pov. Nagising ako habang hinihingal sinubukan kong kapain ang dibdib ko para tingnan ang sugat na gawa ng pagtama ng baril. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong nakitang sugat. Pero bago ako nawalan ng malay naramdaman ko ang pagbaon ng bala sa dibdib ko hindi kaya? " Arya na saan ka?" Sumulpot siya sa harap ko gaya ng dati mayroon siyang sugat. " Ayos ka lang?" " Oo naman" Sa isang kumpas ng kanyang kamay unti unting lumabas ang bala sa bandang dibdib niya. " Maraming salamat kung hindi dahil sayo matagal na akong namatay" " I can't let you die dahil responsibilidad ko ang buhay mo habang nasa loob ka ng loop" " Anong nangyari kay Nick?" " He died at exactly 6:00 pm gaya ng dati pasensiya na hindi kita pwedeng patagalin sa loop lalong lalo na kung ikakamatay mo" " I understand" nakayuko kong sabi " You should be happy dahil nakita ang mukha niya" Naalala ko bigla si Kathlyn " Siya ba talaga ang pumatay kay Nick?" " Nagdududa ka parin hindi kita masisisi
Benj Pov." Mom na saan si Daddy?'" tanong ko ng makapasok sa loob ng bahay. " Benj anong nangyar?" " Mom kailangan kong makausap si Daddy ngayon mismo" " Anong nangyayari dito?"Nakita ko si Daddy naglalakad papasok ng bahay sinalubong ko siya ng isang malakas na suntok na dahilan kung bakit ito napaatras. " Anong problema mo?" Sigaw niya sa galit " Tama na Benj tumigil kana" saway ni Mommy " Mom huwag mong kampihan ang cheater na katulad niya" " Cheater anong ibig mong sabihin?" " Dad huwag kang magmalinis dahil nakita ko kayo" saad ko habang umiiyak.Bigla naman siyang natahimik sa sinabi ko " Diba hindi kayo nakapagsalita dahil totoo" " Benj ano ba ang sinasabi mo?" " Mom listen to me niloloko ka lang ng lalaking yun, he has a lover" Inaasahan ko na magugulat siya pero hindi ganoon ang naging reaksiyon ni Mommy. Para bang alam na niya ang totoo. " Felix diba sinabi ko sayo na tigilan mo na ang mga kalokohan mo para sa mga anak natin" "Naniniwala kaba talaga na
Benj Pov. " Dito ka lang ako na ang bahalang tumulong sa kanya" sabi ni Gray bago lumabas ng sasakyan. Mahirap paniwalaan na kaya niyang tapatan ang kakayahan ni Blue. Mukhang hindi siya madaling mahuli, lumabas ako ng sasakyan para magbantay sa labas baka mayroon siyang ibang kasabwat. Sunod sunod na putok ng mga baril ang narinig ko mula sa di kalayuan. " Bumalik ka dito" Sandali boses yun ni Gray hinanda ko ang sarili para pinigilan si Jessie sa pagtakas. Gaya ng inaasahan ko tumatakbo siya palabas ng condo. " Benj lumayo ka" Mabilis ang mga sunod na pangyayari sa isang iglap may baril na nakatutok sa ulo ko. " Jessie Alfonso" madiin kong sabi " Nagkita tayo ulit Benj" nakangisi niyang usal " Itapon mo ang hawak mong baril Gray kung ayaw mo siyang mamatay" sabi niya na may pagbabanta " Go on kill him" Nagulat ako ng marinig ang sinabi ni Blue naglalakad siya papalapit sa amin habang hawak hawak ang isang sigarilyo. " Ano na ang ginagawa ng mukong na to" nasa isip ko
Benj Pov. Thursday " Benj mayroon na akong lead kung saan siya nagtatago" " Tell me" "Magkita nalang tayo sa dating lugar" Agad kong binaba ang phone at naglakad palabas ng bahay. " Saan ka pupunta?" Napatigil ako ng hinarangan ni Daddy ang dadaanan ko. " Hmm...may kikitain lang ako" tugon ko " Sino?" " Dad bakit intresado kang nalaman?" " I just want to make sure na ligtas ka alam mo naman ang mga nangyayari ngayon. Maraming patayan kaya hindi ligtas lumabas ng bahay" " I see don't worry Dad mag iingat ako" sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad. " Answer my question sino ang kikitain mo?" Lumingon ako at humarap ulit sa kanya " Si Kathlyn magkikita kami ngayon" pagsisinungaling ko Ngumiti siya bago tinapik ang balikat ko " She is a good person kung pipili ako ng taong pakakasalan mo, I will choose her" " Hindi ito ang tamang oras para pag usapan yan Dad" " Tama ka kailangan mo munang makapagtapos ng pag aaral" " I'll go ahead" Lumabas ako ng mansion at sumaka