Share

Chapter Twelve: Once Again

Author: La Tigresa
last update Last Updated: 2021-05-22 06:49:34

Isinilid ni Tan ang papeles sa hawak na envelope bago ibinalik ang tingin sa monitor ng computer na nasa kanyang desk. It was ten in the evening. Imbes na nasa ospital, nasa opisina siya ng CEO ng De Marco Textile. Ang opisinang iyon ay dating inookupa ng kanyang papa.

Ang bunsong kapatid ng papa niya, si Uncle Alissandro ang kasalukuyang direktor ng kompanya. Nasa eighteenth floor ang opisina nito. He met with him earlier.

“It’s a very hard decision to make but thank you for doing this for the sake of your grandfather’s legacy, Tan,” he remembered him saying.

Indeed it was. Just the thought itself brought pain in his heart.

Sumungaw si Gilda, ang executive secretary ng kanyang papa sa malaking pinto ng opisina. Lumapit ito sa kanya. Nasa late forties ang edad nito, almost gray-haired at puwedeng ihilera sa mga ka-look-alike ni Miss Minchin sa suot nitong makapal na eyeglasses. Just that she was short-haired.

“Aren’t you going home yet?” tanong ni Gilda nang makitang nagtatrabaho pa rin siya. “Don’t overwork yourself yet, Tan. Mas nakakapagod kapag nag-umpisa ka na sa totoong trabaho bilang chairman.”

“Thanks, Gilda. You can leave now. Kanina pa nasa ‘baba si Paul, hinihintay ka,” tukoy niya sa panganay nitong anak na susundo rito pauwi.

Kanina pa nananakit ang likod ni Tan sa maghapong trabaho sa Textile. Ni hindi siya nakapunta sa ospital kagaya ng naunang plano. He would be filing his resignation this week. Marami pa siyang kailangang asikasuhin bago ang inaugural press conference.

“Yeah. I told him to come at eleven, alas-nuwebe pa lang, nandito na,” naiiling na sabi nito. “You should be going, too. Makati pa ang uuwian mo. And you’re newlyweds. Siguradong naghihintay na ang asawa mo sa ‘yo.”

Saglit lang na natigilan si Tan, pagkatapos ay itinuon muli ang atensiyon sa notes na tine-take down.

“By the way, I’ve already booked your flight to US. Confirmed and issued na ang tickets. Na-e-mail ko na sa ‘yo ang mga kailangan mong dokumento. If you don’t need anything, mauuna na ‘ko,” paalam nito.

Actually, pangatlong paalam na iyon ni Gilda. Kanina pa niya ito itinataboy pero hindi naman siya maiwan basta-basta. Si Gilda kasi ang nakakaalam ng mga dokumento at kopya ng mga papeles na kailangan niyang pag-aralan.

Halos isang oras pa ang lumipas before Tan decided to call it a day. Iniligpit niya ang mga gamit. Bitbit na niya ang briefcase nang mapatingin sa glass wall ng malawak at modernong opisina na iyon. Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Gilda kanina.

Naghihintay si Elaine sa kanya.

Lumakad siya papunta sa nakasarang pinto na magdadala sa kanya sa viewing deck. Sinalubong siya ng malakas na hangin pagsampa niya sa platform ng observatory.

Dahil nasa top floor ang CEO’s office, Tan could see Quezon City’s amazing night view. This used to be Elaine’s favorite spot sa De Marco building.

They usually dine here kasama ang hipag niyang si Thera. Siya lang pala ang kumakain, drinking buddies kasi ang dalawang babae. Sa likod ng isip niya noon, bagay ang dalawang magsama. They must be real sisters in their previous lives.

Six months after their wedding was Elaine’s twenty-second birthday. He surprised her with a dinner kasama ang mga magulang. She was aloof and awkward the entire night. When he asked her what was the problem, she ended up getting angry. Siya ang matiyagang susuyo kahit hindi niya alam kung saan siya nagkamali.

Habang tumatagal, napansin niyang umiiksi nang umiiksi ang pasensiya ni Elaine sa kanya. One day, she demanded for annulment and money that totally shocked him. Bago iyon, sunod-sunod na ang pag-withdraw nito ng pera sa sariling account. He didn’t ask her though dahil alam niyang pagtatalunan lang nila iyon. She was always short-tempered and defensive.

Hindi niya gustong bitawan si Elaine. He tried to talk to her over a hundred times. He loved her so much he could not live without her. Until it hurts so much he was forced to let her go.

Marami siyang tanong, but he could not dare ask one single question.

How could she change so much after few months of marriage? Why did she have to leave and hurt him like that? When did she stop loving him? No, the right question was, did she ever love him? O siya lang ba talaga ang nakita nitong daan para maiahon ang sarili sa hirap?

Kahit ang pagmamahal na ipinakita ni Elaine sa kanya, hindi na niya masiguro kung totoo nga ba. Dahil kahit noong mga panahong kailangang-kailangan niya ang presensiya at suporta ni Elaine, pera pa rin ang naging bukambibig nito.

After she left him, Tan did not try looking for her. He was scarred and hurt and angry. Hanggang malaman niyang nasa Amerika ang babae. Ang pagmamahal na gusto niyang ilaan lang para dito, unti-unting napalitan ng galit.

But everything was all in the past now. Iyong mga tanong na na-piled up sa utak niya, matagal na niyang isinara. He wouldn’t be asking questions and he wouldn’t be looking for answers anymore. The past three years of his life has been very painful and tiring.

Hindi iyon ang buhay na pinangarap niya para sa kanila ni Elaine. All he ever wanted then was to take her away from everything that was scaring her. He wanted to protect her, manatili sa tabi nito ano man ang mangyari.

But she kept pushing him away.

When he asked her to marry him, without hesitation, Elaine answered yes. Na parang siguradong-sigurado ito na hindi pagsisisihan ang desisyon. Ang conviction sa tono ni Elaine nang mga sandaling iyon, parang magaan na kamay na humahaplos sa kanyang puso.

He married her despite their huge age gap and indifferences. Sa kabila ng katotohanang halos wala naman siyang alam tungkol sa babae.

Tan was a fool for believing she married him because of love. He was the only one left scarred.

Halos ilang linggo bago ang thirty-fifth birthday niya at ang nakatakdang pagsasara ng Textile, lumitaw si Elaine pagkatapos ng tatlong taon na pananahimik at pagtatago.

She offered help but Tan knew better. Bumalik ito para sa malaking perang puwedeng makuha sa kanya kagaya ng dati. Naniniwala siya, this time, hindi na ito makokontento sa limang milyong piso lang.

Ngayon, pansamantalang bumalik sa buhay niya si Elaine. For a moment, his quiet yet lonely life would become hectic and chaotic again.

Isinuksok ni Tan ang isang kamay sa bulsa ng suot niyang slacks. Saka tumalikod para bumalik sa pinanggalingan.

Nakatitig si Elaine sa PET bottle sa side table. Sinulyapan niya ang oras sa alarm clock na katabi lang niyon. Alas-diyes ng gabi. Wala pa rin si Tan at kanina pa siya silip nang silip sa gate na parang timang. Maririnig naman niya ang ugong ng kotse nito kung sakali pero para siyang sinisilihan.

That felt like a déjà vu. Noon, ganoong-ganoon siya habang naghihintay sa pag-uwi nito. Kahit nag-text o tumawag na ito na gagabihin o uumagahin sa pag-uuwi, para pa rin siyang tangang maghihintay—nagpupuyat sa wala.

Hindi siya nakakatulog hangga’t wala ito, ang mga braso nitong nakapaikot sa katawan niya. Mas madali siyang nakakatulog kapag nakadikit ang mainit nitong balat sa kanyang balat. O kapag naririnig niya ang mahina nitong hilik at nararamdaman ang mainit at mabango nitong hininga sa uka ng kanyang leeg.

Few years ago, ganoon lang ay mahimbing na ang tulog ni Elaine. Ngayon, kailangan pa niya ng tulong ng sleeping pills o uminom ng ilang bote ng beer bago siya antukin. Wala siyang tulog kagabi pero ni hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Kinuha niya ang cell phone, nag-iisip kung ite-text si Tan. Dahil hindi mapigil ang pangangati, mabilis siyang nag-type, saka ipinadala iyon sa number ng lalaki.

Huminga nang malalim si Elaine, dinampot ang baso ng tubig, saka uminom ng gamot and tucked herself to bed.

Binuksan ni Tan ang switch ng ilaw pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay. Niluwagan niya ang suot na kurbata, saka akmang lalakad papunta sa kuwarto niya nang masulyapan ang living room.

Lumakad siya papunta sa kusina. Kagaya ng sala, malinis na malinis din iyon. Napansin niya ang natatakpang nonstick casserole pot sa mesa. Kaldereta ang laman niyon. It smelt nice pero agad din niyang ibinalik ang takip. Akmang itutuloy niya ang pagpasok sa silid nang makita ang ilang bote ng whiskey at wine sa counter.

Kumunot ang noo niya. Lumapit sa ref, only to find out it was stuffed with canned beer. Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon niya ang kuwarto ni Elaine, saka isa-isang sinamsam ang mga alak at inilagay iyon sa trash bin.

Bumalikwas si Elaine. Nilingon niya ang orasan sa side table. Alas-nuwebe ng umaga! Nalaglag ang mga balikat niya. Kaya pala pumapasok ang sinag ng araw sa maliliit na siwang ng kuwarto.

Hindi siya makapaniwalang mahaba ang itinulog niya. Usually, kahit nakainom ng sleeping pill, alas-sais ay dilat na siya.

She groaned. Disappointed sa sarili, bumangon siya sa pagkakahiga. Malamang nakaalis na si Tan. Ni hindi man lang niya ito nakita.

Ang tanong, umuwi ba ito?

Kinuha ni Elaine ang cell phone sa side table nang maalalang tinext nga pala niya ito bago siya natulog. Nalungkot siya nang makitang walang pumasok na message maliban sa chat ni Drew sa Messenger at e-mail ni Anne sa kanyang G***l account.

Kinuha niya ang tuwalya sa towel rack, saka lumabas ng kuwarto para maligo. Pero nagulat siya nang paglabas ng pinto, saka namang paglabas ni Tan ng banyo.

Napalingon ito sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata, kumabog ang kanyang dibdib.

“Kalma,” she told herself habang inuutusan ang sariling magbawi ng tingin. But heck, she could not take her eyes away from him.

May nakasampay na tuwalya sa balikat ni Tan. He was half naked—tanging pajama trousers lang ang suot. Tumutulo pa ang tubig sa buhok pababa sa magandang katawan nito.

Gumagapang ang amoy ng aftershave at body wash galing sa banyo. Kumurap siya. Natauhan nang maalala ang sariling ayos.

Alanganing ngumiti si Elaine sa lalaking sa halip na gantihan siya ng tingin, walang salitang itinuloy ang pagtalima papunta sa sariling kuwarto.

When his bedroom door closed, mabilis siyang bumalik sa kuwarto. Hinagis niya ang tuwalya sa kama, saka mabilis na nagsuklay. Pumasok siya sa banyo, naghilamos at sepilyo bago pumunta sa kusina at halos hindi magkandatutong naghanda ng almusal.

Hawak na niya ang sibuyas at chopping board nang mapansin ang kaserolang iniwan niyang nakapatong sa mesa. When she checked, ni hindi iyon nagalaw.

Huminga si Elaine nang malalim. Should she still cook him breakfast kung hindi naman siya sigurado kung kakainin nito? Ipinilig niya ang ulo. Gabi na nakauwi si Tan, malamang pagod na ito at kumain na rin sa labas.

Kumilos siya para ituloy ang pagluluto. Nang matapos hiwain ang sibuyas, lumakad siya papunta sa ref para kunin sa freezer ang meat.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ng refrigerator, natigilan si Elaine. Bukod sa mineral water at ilang bottled milk and juices, nawawala ang isang dosena niyang canned beer.

Lumipad ang tingin niya sa counter. Wala rin doon ang rhum at wine na kasama sa binili niya kahapon.

“I threw it all away. Bawal ang alkohol sa loob ng bahay na ‘to,” sabi ng flat na boses mula sa bungad ng kusina.

Napapihit si Elaine paharap kay Tan. Alam nito kung ano ang hinahanap niya. Nakasuot na si Tan ng long sleeves na navy blue at itim na slacks at medyas. Though he wasn’t wearing his working shoes yet, in her eyes, he was already perfect. Nakasampay ang itim na coat sa braso nito habang bitbit sa isang kamay ang briefcase.

Napansin niya, wala pa ring suot na kurbata ang lalaki. She used to help him with that. At pagkatapos, susuklian siya nito ng halik at yakap.

Nang akmang tatalima si Tan, mabilis na humabol si Elaine. “Magluluto ako ng almusal. Sabayan mo muna akong kumain bago ka umalis.”

He threw her an exasperated look. She swallowed hard, parang gusto niyang maiyak sa hostility sa mga mata nito. “Stop acting like a good wife, Elaine. Hindi bagay sa ‘yo.”

She flinched at the sting of Tan’s words. Huminga siya nang malalim nang lumakad ito papunta sa pinto at marinig niya ang pagbukas at pagsara niyon.

Mula nang planuhin ang pagbabalik, alam ni Elaine na mahirap at madilim ang daang pinili niya. But she decided to bravely walk that long and dark alley dahil naniniwala siyang sa dulo niyon, naroon si Tan, hinihintay siya.

Ang pambabale-wala nito sa kanya ngayon, wala pa iyon sa kalahati ng sakit na ipinaranas niya rito noon.

Tan was worth every cut and pain. She wouldn’t give up just because it hurts.

Related chapters

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirteen: Fight, Flight or Freeze

    Nakatitig si Elaine sa kawaling nakasalang sa burner. Para siyang tangang naghiwa ng sibuyas gayong fried egg lang naman ang plano niyang lutuin. Itinabi niya ang sibuyas at nag-umpisang magprito ng itlog bago pa siya abutin ng tanghali.Nilingon niya ang kuwarto ni Tan. Lumapit doon matapos i-set sa low fire ang niluluto. Sinubukan niyang pihitin ang seradura pero na-disappoint lang siya nang malamang naka-lock iyon.Bagsak ang mundong bumalik siya sa kusina. Magkaroon kaya ng pagkakataon na makakasabay niya itong kumain sa hapag? Malungkot ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Definitely. But it would take time.Hinain ni Elaine ang sunny-side-up egg at naupo sa mesa. Wala siyang ganang kumain. Ilang segundo siyang nakatitig lang doon bago napilit ang sariling lantakan iyon. Thankfully, pagkatapos ng apat na beses na buntong-hininga at dalawang beses na pagtitig sa kawalan ay naubos niya ang laman ng pinggan.Matapos kumain, isinuot niya ang disposabl

    Last Updated : 2021-05-22
  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Fourteen: Safe

    “Seeyou at theinauguration, Mr. De Marco.”Nakangiting tinanggap ni Tan ang pakikipagkamay ni Mr. Davis. Ito ang isa sa mga foreign investor ng Textile na few months ago ay nagbabantang mag-pull out ng investment.The meeting lasted longer than he expected. It was past eleven in the evening at palabas pa lang sila ng in-house restaurant ng De Marco Hotel sa Makati. Ang hotel ay pag-aari ng tiyuhin niyang si Theo James o TJ sa nakararami.Nang makaalis ang kotse ni Mr. Davis, saka lang tumalima si Tan para sumakay sa kotse niya na inihatid ng valet. Malapit lang ang hotel sa inuupahan nilang bahay sa Guadalupe. It was more or less half an hour drive.Nang maigarahe ang kotse sa bakuran ng bahay, dumeretso si Tan sa loob. Pagdaan niya sa tapat ng kusina, nakita niya agad ang natatakpang bowl sa mesa. Pero sa halip na lumapit, tumuloy siya sa sariling silid. Nagtatanggal na siya ng necktie nang tumunog ang cell phone niya. Ang mama niya ang

    Last Updated : 2021-05-22
  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Fifteen: Torn

    Nadatnan ni Tan si Elaine sa gitna ng sala. Maayos na ang pagkakasuot nito sa maluwag na jacket na nakasampay sa mga balikat nito kanina. Umabot ang pagkaka-zipper niyon hanggang lampas sa tapat ng dibdib nito. Hiding her torn shirt.Akmang lalakad siya papunta sa kusina para ibalik ang trash bin nang magsalita si Elaine.“‘Yong lalaki sa labas… Siya ‘yong…”“That doesn’t sound like my concern, Elaine. Matulog ka na,” maiksing sabi niya, totally dismissing her. He saw her bite her lower lip, pagkatapos ay tumalima ito at tahimik na pumasok sa sariling silid.Huminga nang malalim si Tan nang marinig ang pag-ingit ng pinto ng kuwarto ni Elaine pasara. Nag-angat siya ng tingin. His eyes darted on her bedroom door.Binuksanni Elaine ang ilaw nang makapasok sa kuwarto. Naupo siya sa gilid ng kama matapos abutin ang cell phone na naiwan sa side table. Ite-text niya si Drew tungko

    Last Updated : 2021-05-22
  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Sixteen: Face to Face

    Bago pa magdalawang salita si Tan, mabilis nang nakalabas ng kuwarto si Elaine. Hindi dahil sa galit sa boses ng asawa kundi dahil ayaw niyang makita nito na isang singhal na lang, iiyak na siya.Halos tulirong lumakad siya papunta sa kuwarto, nag-lock at naupo sa gilid ng kama. Akala ba niya wala na sina Tan at Janine? Hindi ba at nasampal pa nga siya ni Mrs. Crisostomo?Alam niyang pinaninindigan ni Tan na sa papel lang ang kasal nila pero iyong may relasyon pa ito at si Janine habang kasal sa kanya, kaya ba talagang gawin iyon ni Tan?Ipinilig ni Elaine ang ulo. Hindi ang uri ni Tan ang kayang mamangka sa dalawang ilog. He was like his grandfather, Daniel, ng ama nitong si Chase, ng kakambal na si Sean. They were all one-woman kind of men.But those men were faithful dahil mabubuting tao ang naging asawa ng mga ito. How about her? All those months they were together, ilang buwan lang ba ito naging maligaya sa piling niya?Why was she even surpri

    Last Updated : 2021-05-22
  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Seventeen: Drunk

    Tumalima si Tan para ipasok sa loob ng bahay ang natutulog na si Elaine sa kanyang mga bisig. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng lalaking sinusundan sila ng tingin.She moaned softly. Naramdaman niyang isiniksik nito ang mukha sa kanyang dibdib—parang naghahanap ng init. The woman reeked of liquor. Humalo iyon sa cologne na gamit nito. Gayunman, mas nangingibabaw pa rin ang natural na pambabaeng amoy nito—bagay na pamilyar sa kanyang pang-amoy sa kabila ng mahabang panahong dumaan.Ipinilig ni Tan ang ulo para alisin ang agiw doon. Maingat niyang inilapag si Elaine sa kama. Kumawala ang ungol ng protesta sa lalamunan nito. Humawak sa braso niya na parang pinipigilan siyang umalis sa tabi nito.Mabilis niyang binawi ang braso sa mainit na kamay ni Elaine, napaso bigla.Gusto niyang sipain ang sarili. Kanina, walang pagdadalawang-isip na inagaw niya sa mga bisig ng lalaking iyon si Elaine. Ngayong nasa loob sila ng silid, para siyang na

    Last Updated : 2021-05-22
  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Eighteen: All of a Sudden

    Mariing ipinikit ni Elaine ang mga mata nang marinig na sinubukan ni Tan na pihitin ang seradura ng pinto ng kuwarto niya. She gripped her chest and bit her lower lip, waiting for the pain in her chest to subside.Unti-unti, her over breathing returned to normal. Luhaan at pawisan na pinakawalan niya ang dibdib na daklot-daklot.Gayunman, wala siyang balak labasin si Tan. Hindi niya ito hahayaang makita siya sa ganoong ayos. Hindi ang awa nito ang gusto niya, but his forgiveness and acceptance.Nasapo ni Elaine ang luhaang mukha.Guilt.It had been eating her up for the past three years.Kahit mahirap, deserve niyang mag-isa iyong indahin. Hanggang mapatawad niya ang sarili.Sa labas ng kuwarto, itinaas ni Tan ang nakakuyom na kamay para kumatok. The door was locked. Hawak niya sa isang kamay ang susi ng bahay na ibinigay ni Marco sa kanya kanina.Bakit siya bumalik? Para ibalik kay Elaine ang susi? He’d be lying kung sas

    Last Updated : 2021-05-22
  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Nineteen: Pained

    “Makiki-share na lang ako kina Danielle at Jenna.” Tumayo si Elaine sa kinauupuan. Akmang lalakad papunta sa tent ng dalawa nang pigilan siya ni Tan sa kamay—na agad naman nitong pinakawalan.“Just look how small their tent is. Sa dami ng bitbit nila, bags pa lang, puno na ang space ng tent,” sabi nito, itinuro ang tent ni Danielle na ilang metro lang ang layo mula sa kinaroroonan nila.Oo nga, maraming bitbit si Danielle. Tatlong porter ang inupahan nito para magdala sa mga bagahe paakyat sa bundok. Bukod pa siyempre sa dalang gamit ni Jenna, ang best friend nito.Okupado ng maraming alalahanin ang isip ni Elaine nitong mga nakaraang araw. Hindi na niya naisip ang tungkol sa tent at basta na lang nag-impake ilang oras bago ang biyahe. Pero ano ang gagawin niya? Matulog sa labas kaysa makipagsiksikan kina Danielle at Jenna?Nangigkig si Elaine sa lamig nang biglang umihip ang hangin. Nayakap niya ang sarili.Tan sighed

    Last Updated : 2021-05-22
  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Twenty: Turn of the Tide

    “I-is she having a heart attack or something?” tanong ni Richard. Halos magkandabuhol-buhol ang dila nang makita ang paghahabol ni Elaine ng hininga.Kung si Tan ang tatanungin, gusto niyang patayin si Richard right then and there. Pero hinayaan niya itong kumaripas ng takbo dahil natakot matapos makita ang nag-aapoy niyang tingin.He knew better. Elaine wasn’t having a heart attack, she just felt like she was having one. Her eyes were out of focus, she looked like she was separated from her surroundings habang nakaguhit ang matinding takot sa mga mata nitong bahagyang nanlalaki.Naninikip ang dibdib na naupo si Tan sa tabi ni Elaine. Kinuha niya ang kamay nitong nakahawak sa dibdib. Her hand was cold to the touch. Para siyang paulit-ulit na dinidibdiban nang kumapit ito sa kamay niya, mahigpit.Pinahid niya gamit ang hinlalaki ang luhang namalisbis sa mga mata nito. Nakita niyang kumurap si Elaine. Tumitig sa kanya bagaman halos wala pa

    Last Updated : 2021-05-22

Latest chapter

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Epilogue

    One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Special Chapter Two

    Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Special Chapter One

    Handcuffed(Continuation of Chapter Thirty-three)Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.“I’m treating you

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Seven: Letting Go

    Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para ako

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Six: Broken Souls

    But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.Perhaps she was a little dif

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Five: All He Ever Needed

    Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.Maingat, kuma

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Four: Save Me, Heal Me

    Pinakatitigan ni Elaine ang repleksiyon sa salamin. She was glowing, hindi halatang kabado at nag-aalala habang ipinaparada ang kotse sa loob ng bahay na inuupahan nila. Puwede niyang tawagan si Tan para sabihing uuwi siya pero mas pinili niyang maghintay na lang doon.Marami siyang kailangang sabihin at ipaliwanag sa asawa. Sandra called. Inamin na nito ang lahat kay Tan. Though the clever doctor laughed in the end saying na wala siyang karapatang mag-file ng reklamo dahil immediate family member niya ang pinagsabihan nito.Elaine was thankful though. Parang may mabigat na bagay na naalis mula sa pagkakadagan niyon sa kanyang dibdib. No matter how hard she tried to work up her courage, hindi niyamagagawang aminin kay Tan ang lahat kung hindi sa tulong ni Sandra.Palaging sumisingit ang takot na baka hindi siya tanggapin ng lalaki. Baka iwan siya ng mga taong mahal niya dahil hindi siya katanggap-tanggap—dahil may kulang at may hindi buo sa kan

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Three: Hand-Cuffed

    “Ma’am…”Dumilat si Elaine. Tumambad sa kanya si Anne na alanganin ang ngiti. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siya sa inuupahang bahay ni Tan kundi nasa loob ng Ainsdale. Wala si Tan kagaya ng inaasahan. Ang akala niyang totoo kanina, panaginip lang pala.“Nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ka but your phone keeps ringing. Baka importante.”Kumilos siya. Hinagilap ang cell phone sa handbag.“Sorry, I must have dozed off. Anong oras na?” tanong niya habang kinakalkal ang bag.“I must have dozed off.”Elaine was surprised to hear herself say that. Ni minsan ay hindi pa siya nakaramdam ng antok sa oras ng trabaho.“Almost closing time na, Ma’am. Seven o’clock.”Halos kalahating oras siyang nakatulog. Halos walong oras na siyang naghihintay kay Tan. Ang sabi ni Drew, tiyak na yayayain siya ng asawa na kumain sa labas. Pero bak

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Two: Second Chance

    Kung ilang metro o minuto ang nilakad ni Elaine habang tahimik siyang nakasunod sa kabilang bahagi ng daan, Tan did not mind checking. Ang alam niya, bukod sa halo-halo ang emosyon sa kanyang dibdib, hindi niya maalis ni minsan dito ang tingin.Banayad na inililipad ng hangin ang nakalugay nitong buhok, ang laylayan ng suot na blusa na sumasabay sa bawat hakbang nito. Just like before, everything she wore fit perfectly to her slender body. The same body he’d adored and worshipped.Tan came to a realization that for the last three years, he had never gone an entire day without longing for her. The yearning was deep and strong it was consuming him. At marahil, sinadya niyang maipagkamali at palitan ang damdaming iyon ng galit.Why was the question that was too painful for Tan to ask. At ang mga sagot sa mga bakit na iyon ang kinatatakutan niyang marinig mula nang magkrus muli ang kanilang mga landas.Bakit siya iniwan ni Elaine? Bakit ang dal

DMCA.com Protection Status