Tumalima si Tan para ipasok sa loob ng bahay ang natutulog na si Elaine sa kanyang mga bisig. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng lalaking sinusundan sila ng tingin.
She moaned softly. Naramdaman niyang isiniksik nito ang mukha sa kanyang dibdib—parang naghahanap ng init. The woman reeked of liquor. Humalo iyon sa cologne na gamit nito. Gayunman, mas nangingibabaw pa rin ang natural na pambabaeng amoy nito—bagay na pamilyar sa kanyang pang-amoy sa kabila ng mahabang panahong dumaan.
Ipinilig ni Tan ang ulo para alisin ang agiw doon. Maingat niyang inilapag si Elaine sa kama. Kumawala ang ungol ng protesta sa lalamunan nito. Humawak sa braso niya na parang pinipigilan siyang umalis sa tabi nito.
Mabilis niyang binawi ang braso sa mainit na kamay ni Elaine, napaso bigla. Gusto niyang sipain ang sarili. Kanina, walang pagdadalawang-isip na inagaw niya sa mga bisig ng lalaking iyon si Elaine. Ngayong nasa loob sila ng silid, para siyang na
Mariing ipinikit ni Elaine ang mga mata nang marinig na sinubukan ni Tan na pihitin ang seradura ng pinto ng kuwarto niya. She gripped her chest and bit her lower lip, waiting for the pain in her chest to subside.Unti-unti, her over breathing returned to normal. Luhaan at pawisan na pinakawalan niya ang dibdib na daklot-daklot.Gayunman, wala siyang balak labasin si Tan. Hindi niya ito hahayaang makita siya sa ganoong ayos. Hindi ang awa nito ang gusto niya, but his forgiveness and acceptance.Nasapo ni Elaine ang luhaang mukha.Guilt.It had been eating her up for the past three years.Kahit mahirap, deserve niyang mag-isa iyong indahin. Hanggang mapatawad niya ang sarili.Sa labas ng kuwarto, itinaas ni Tan ang nakakuyom na kamay para kumatok. The door was locked. Hawak niya sa isang kamay ang susi ng bahay na ibinigay ni Marco sa kanya kanina.Bakit siya bumalik? Para ibalik kay Elaine ang susi? He’d be lying kung sas
“Makiki-share na lang ako kina Danielle at Jenna.” Tumayo si Elaine sa kinauupuan. Akmang lalakad papunta sa tent ng dalawa nang pigilan siya ni Tan sa kamay—na agad naman nitong pinakawalan.“Just look how small their tent is. Sa dami ng bitbit nila, bags pa lang, puno na ang space ng tent,” sabi nito, itinuro ang tent ni Danielle na ilang metro lang ang layo mula sa kinaroroonan nila.Oo nga, maraming bitbit si Danielle. Tatlong porter ang inupahan nito para magdala sa mga bagahe paakyat sa bundok. Bukod pa siyempre sa dalang gamit ni Jenna, ang best friend nito.Okupado ng maraming alalahanin ang isip ni Elaine nitong mga nakaraang araw. Hindi na niya naisip ang tungkol sa tent at basta na lang nag-impake ilang oras bago ang biyahe. Pero ano ang gagawin niya? Matulog sa labas kaysa makipagsiksikan kina Danielle at Jenna?Nangigkig si Elaine sa lamig nang biglang umihip ang hangin. Nayakap niya ang sarili.Tan sighed
“I-is she having a heart attack or something?” tanong ni Richard. Halos magkandabuhol-buhol ang dila nang makita ang paghahabol ni Elaine ng hininga.Kung si Tan ang tatanungin, gusto niyang patayin si Richard right then and there. Pero hinayaan niya itong kumaripas ng takbo dahil natakot matapos makita ang nag-aapoy niyang tingin.He knew better. Elaine wasn’t having a heart attack, she just felt like she was having one. Her eyes were out of focus, she looked like she was separated from her surroundings habang nakaguhit ang matinding takot sa mga mata nitong bahagyang nanlalaki.Naninikip ang dibdib na naupo si Tan sa tabi ni Elaine. Kinuha niya ang kamay nitong nakahawak sa dibdib. Her hand was cold to the touch. Para siyang paulit-ulit na dinidibdiban nang kumapit ito sa kamay niya, mahigpit.Pinahid niya gamit ang hinlalaki ang luhang namalisbis sa mga mata nito. Nakita niyang kumurap si Elaine. Tumitig sa kanya bagaman halos wala pa
It was four o’clock in the afternoon nang marating nila ang Ranger’s Station. Kagaya ng una, ang Vizcaya trail ang daang pinili nina Danielle. Pagkatapos magbigay ng tip para sa tour guide, nilapitan siya ni Tan.“Malapit lang ang presinto dito. Sasamahan kitang magpa-blotter at mag-file ng complaint laban kay Richard bago tayo umuwi.”“W-wala akong planong magsampa ng reklamo,” sagot niya.Kumunot ang noo ni Tan. “Pagkatapos ng ginawa ng lalaking iyon sa ‘yo… Muntik ka nang…”Natigilan si Elaine. She raised her eyes at him, studied him nervously. Nakita ba nito nang atakehin siya ng panic kagabi? Hindi niya maalala. At kagabi pa siya hindi mapakali. Disoriented siya. Ni hindi niya alam kung ilang minuto tumagal ang episode bago tumigil.“There were witnesses…” sabi ni Tan. Parang nababasa ang tanong sa isip niya. “That asshole assaulted and harassed you. H
Pinuwersa ni Elaine na bawiin ang tingin kay Tan. Ayaw niya, pero kusang lumanding ang kanyang mga mata kay Janine na nanatili sa kinauupuan. Kinuha nito ang water goblet sa mesa at dahan-dahang uminom doon.Elaine flinched nang maramdaman ang pagpisil ni Marco sa kanyang balikat. She raised her eyes at him. Nagbaba ito ng tingin. Tumiim ang mga bagang nang makitang nagkikislapan sa luha ang mga mata niya.She swallowed the imaginary lump in her throat. Bago pa tumulo ang mga luha, mabilis siyang iginiya ni Marco palabas ng pinto.Sa huling pagkakataon, nilingon niya si Tan. Nakatingin ito sa kanila, ang emosyon sa mga mata nito, dahil nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha—hindi niya mabasa.Mariing kagat ang labi, nanginginig ang baba niya sa pagpipigil ng emosyon. Gusto niyang umiyak pero parang napipigil iyon ng mahigpit na hawak ni Marco.Habang naglalakad palabas ng restaurant, hiniling ni Elaine na sana humabol si Tan. Sana kunin nito
Bumungadsa harap ni Marco ang tiyuhin na si Tito Ralph pagkabukas na pagkabukas niya sa front door. Nakahalukipkip ang may-edad nang lalaki habang nakatingin sa kanya na parang inaasahan na nitong siya nga ang iluluwa ng pinto.“Napapadalas ang pag-uwi mo nang late, Marco. Dumaan ako sa presinto, ang sabi, kanina ka pang alas-singko umalis. Alas-dose na, ngayon ka pa lang nakauwi.”Hinubad niya ang suot na sapatos at inilagay iyon sa shoe rack malapit sa pinto.“Nakipagkita ka na naman sa kanya?”Kahit hindi itanong, alam niyang si Elaine ang tinutukoy nito. Tumuwid siya sa pagkakatayo. “Kumain lang kami sa labas, ‘To.”“Hindi ka naman umaasang…”Ngumiti siya. “Maliligo lang ako, ‘To. Nangangamoy na ‘ko.”Napailing na sinundan ni Tito Ralph ang paghakbang niya papunta sa kuwarto.Nang makapasok sa kuwarto, naupo si Marco sa gilid ng kama.
Elaine’s head was spinning. Her eyes were begging him to spare her but the man didn’t even flinch a little.Then the elevator door opened.Awtomatikong napahawak siya sa leeg nang pakawalan ng lalaki. She gasped for air. Walang lakas ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Dinadalahit ng ubo.Tumalungko ang lalaki sa tabi niya. “This is the price you need to pay for being alive, Elaine.”She was slowly drifting off pero narinig niya ang sinabi nito. In a blink of an eye, she saw flashes of images and noises burst through.“This is the price you need to pay for turning your back on your father, Elaine!”“Mamatay ka na! Mamatay ka na!”Elaine went still. Her whole body trembled in fear. Ang takot na gumagapang sa dibdib niya, hindi niya alam kung saan nanggagaling. O kung kailan titigil.August 18, 2017QuezonCity, Philippin
Mabilisna iniharang ni Tan ang kanang kamay sa pagitan ng pinto ng elevator para pigilin iyon sa pagsasara. Nang muli iyong bumukas, tumambad sa kanya si Elaine na nakasalampak ng upo sa loob—naghahabol ng hininga.“Elaine…”Kahit tila trapped sa sariling mundo, tumingin ito sa kanya. Her troubled and alert gaze darted at him. Bagaman tila tagos-tagusan ang alertong tingin, nakaguhit sa mga mata ni Elaine ang emosyong kapareho ng nakita niya sa mga mata nito sa Benguet.Takot.Na para bang may isang taong aatake o umatake rito. His throat tightened.“Stay with me, Elaine. Those flashbacks weren’t real. You can get through it,” he said. His voice calm and soothing.Tumulo ang luha sa mga mata ni Elaine.Napasunod ang tingin niya sa kamay nito nang humawak ito sa leeg. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mga daliring nag-iwan ng marka sa makinis at maputi nitong balat. As if s
One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.
Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw
Handcuffed(Continuation of Chapter Thirty-three)Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.“I’m treating you
Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para ako
But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.Perhaps she was a little dif
Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.Maingat, kuma
Pinakatitigan ni Elaine ang repleksiyon sa salamin. She was glowing, hindi halatang kabado at nag-aalala habang ipinaparada ang kotse sa loob ng bahay na inuupahan nila. Puwede niyang tawagan si Tan para sabihing uuwi siya pero mas pinili niyang maghintay na lang doon.Marami siyang kailangang sabihin at ipaliwanag sa asawa. Sandra called. Inamin na nito ang lahat kay Tan. Though the clever doctor laughed in the end saying na wala siyang karapatang mag-file ng reklamo dahil immediate family member niya ang pinagsabihan nito.Elaine was thankful though. Parang may mabigat na bagay na naalis mula sa pagkakadagan niyon sa kanyang dibdib. No matter how hard she tried to work up her courage, hindi niyamagagawang aminin kay Tan ang lahat kung hindi sa tulong ni Sandra.Palaging sumisingit ang takot na baka hindi siya tanggapin ng lalaki. Baka iwan siya ng mga taong mahal niya dahil hindi siya katanggap-tanggap—dahil may kulang at may hindi buo sa kan
“Ma’am…”Dumilat si Elaine. Tumambad sa kanya si Anne na alanganin ang ngiti. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siya sa inuupahang bahay ni Tan kundi nasa loob ng Ainsdale. Wala si Tan kagaya ng inaasahan. Ang akala niyang totoo kanina, panaginip lang pala.“Nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ka but your phone keeps ringing. Baka importante.”Kumilos siya. Hinagilap ang cell phone sa handbag.“Sorry, I must have dozed off. Anong oras na?” tanong niya habang kinakalkal ang bag.“I must have dozed off.”Elaine was surprised to hear herself say that. Ni minsan ay hindi pa siya nakaramdam ng antok sa oras ng trabaho.“Almost closing time na, Ma’am. Seven o’clock.”Halos kalahating oras siyang nakatulog. Halos walong oras na siyang naghihintay kay Tan. Ang sabi ni Drew, tiyak na yayayain siya ng asawa na kumain sa labas. Pero bak
Kung ilang metro o minuto ang nilakad ni Elaine habang tahimik siyang nakasunod sa kabilang bahagi ng daan, Tan did not mind checking. Ang alam niya, bukod sa halo-halo ang emosyon sa kanyang dibdib, hindi niya maalis ni minsan dito ang tingin.Banayad na inililipad ng hangin ang nakalugay nitong buhok, ang laylayan ng suot na blusa na sumasabay sa bawat hakbang nito. Just like before, everything she wore fit perfectly to her slender body. The same body he’d adored and worshipped.Tan came to a realization that for the last three years, he had never gone an entire day without longing for her. The yearning was deep and strong it was consuming him. At marahil, sinadya niyang maipagkamali at palitan ang damdaming iyon ng galit.Why was the question that was too painful for Tan to ask. At ang mga sagot sa mga bakit na iyon ang kinatatakutan niyang marinig mula nang magkrus muli ang kanilang mga landas.Bakit siya iniwan ni Elaine? Bakit ang dal