Maligayang nagsasalo-salo si Divine at ang kambal sa hapagkainan nang marinig nila ang malakas na doorbell. Natigilan silang tatlo habang iniisip kung sino ba ang possibleng bisita na naririto ngayong gabi.
"Continue eating your foods, you two. Titingnan ko lang kung sino ang nasa labas." Aurora and Zaurus nodded while looking at the closed door of their apartment. Tumayo na si Divine at lumapit sa entrance para tukuyin kung sino ang bisita. Day off ngayon ni Maria at wala namang bisitang pumupunta sa tahanan nila kaya wala silang kaide-ideya kung sino ang nasa labas. Divine cautiously opened the door, and to her surprise, she realized that it's her best friend who has been away for several months! "I'm back!" magiliw na sigaw nito, dahilan para bumilog ang kaniyang mga mata sa gulat at ngumiti nang malawak. "Zion!" Divine couldn't hide her happiness after realizing that he's really here. Agad niya itong niyakap nang mahigpit at sinabayan naman iyon ng tawa ng kaibigan. "Gosh, girl! I missed you so much!" Zion hugged her back with a wide smile on his face. Narinig ng kambal ang boses ni Divine na tinatawag si Zion kaya nagkatinginan sila at agad na tumayo para puntahan ang bagong dating na bisita. Their eyes sparkled when they saw the person they had been missing for months. "Tita Z!" sabay nilang sigaw nang makumpirma na si Zion nga ang kayakap ng ina nila. They quickly ran in their direction with enthusiasm. Kumalas sa yakap si Zion nang marinig ang boses ng mga pamangkin niya. Mas lumawak ang ngiti nito at sinalubong ang yakap ng kambal. "Zaurus, Aurora! Nandito na ang pinakamaganda niyong Tita! OMG! Na-miss ko kayo!" sigaw nito nang may matinis na boses. Mangiyak-ngiyak na ito nang niyakap siya ng kambal. Sa pag-uwi nito sa Pilipinas, ang best friend niyang si Divine at ang kambal ang pinakanasasabik siyang mayakap. Malaki man ang mansyon na inuuwian niya at kahit naroroon ang mga magulang niya, ang apartment na ito pa rin ang itinuturing niya bilang tunay na tahanan. That mansion is where his parents could only express their high expectations of him. Walang bukambibig ang mga ito kundi ang mga bagay na nagdadahilan kung bakit nababawasan ang tiwala ni Zion sa sarili. Pero sa lugar na ito, kaya ni Zion maging totoo. Kaya nitong ipakita ang tunay na pagkatao nang walang nararamdaman na takot ng panghuhusga. This is his safe haven—his real family. Binuhat niya ang kambal gamit ang malakas na bisig papasok sa apartment. Si Divine naman ang nagbitbit ng mga gamit nito at nagsarado ng pinto. Tulad ng inaasahan ni Divine, napakarami nanaman ng mga dala nitong pasalubong para sa kaniya at sa kambal. Kasama pa ang mga souvenirs na nakuha nito mula sa iba't ibang bansa na napuntahan. At siyempre, hindi mawawala ang mga mamahaling tsokolate, mga damit at sapatos na labis nagpatuwa kina Zaurus at Aurora. They continued their dinner and the mood turned happier than earlier because of Zion's presence. Kumain na ito sa mansyon kasama ang pamilya pero marami pa rin itong nakain sa apartment dahil mas nakakagana raw kapag sila ang kasama. Zion liked Divine's cooking more than the lavish yet boring food in his parents' home. Napuno ng sigla at pagkuwekuwentuhan ang apartment kasama si Zion. He told them all about his experience in the different countries he landed in. Tuwang-tuwa naman ang dalawang bata habang pinakikinggan ang mga naging karanasan ng Tita Z nila hanggang sa nakaramdam na ang mga ito ng antok. Zion and Divine put the twins to bed. Ayaw pa sana nitong matulog dahil mas gusto nilang makausap si Zion pero hindi pumayag ang ina nila. They are too young to stay late at night. Pinangako naman ni Zion na magbobonding sila bukas kaya nakatulog na rin ang mga ito. After the twins fell asleep, Divine prepared two wine glasses for herself and Zion. May dala kasi itong wine galing Europe at gusto niya rin matikman 'yon. Pumunta sila sa balcony ng apartment at doon uminom. Madilim na ang gabi ngunit maliwanag pa rin ang paligid dahil sa city lights at sa ilaw na ibinabahagi ng buwan at mga tala. It's such a perfect view. Divine took a sip of her wine glass as she looked at her best friend. Nakatulala ito sa kalangitan habang tahimik na hawak ang glass na hindi pa nababawasan. She realized that something bad had happened, so she decided to speak to lighten the mood. "We were just talking about you last night. Miss na miss ka na ng kambal at ikaw ang bukambibig nila. Minsan, hindi ko napipigilan mapaisip kung ako ba talaga ang ina o ako." biro niya dahilan para mawala ang pagkaseryoso ng mukha nito. Umirap ito at humalakhak. "Mas maganda raw kasi ako, kaya siyempre, ako ang mamimiss nila." Ngumiti si Divine nang makita ang Zion na palagi niyang hinahangaan. 'Yung Zion na kaya pa rin ngumiti sa kabila ng dami ng problemang iniinda. She is well aware of how strong he is, and that's what makes her proud as his best friend. "Ano ang problema? Is it about your parents again?" tanong niya dito habang nakatingin sa maliwanag na buwan. Napansin niya na natigilan ito, dahilan para makumpirma na 'yon nga ang dahilan ng malungkot na mga mata nito. "You know me too well, bestie." Zion chuckled while looking at her. "We had a family dinner at hindi nanaman maganda ang kinalabasan no'n. My father was asking me and my brother about our relationship status. Hinihingian na rin kami ng apo ni tanda kaya badtrip na badtrip ako. Kung alam mo lang ang pagpapanggap na ginagawa ko kanina, mababaliw ka talaga." Divine is aware of Zion's attitude. Kilalang kilala niya ang kaibigan katulad ng kung gaano siya kakilala nito. Zion is playful, a jerk who doesn't seem to take things seriously. Pero ang totoo, magaling lang talaga itong magtago ng tunay na nararamdaman. He might look like a troublesome guy on the outside, but he's actually a soft-hearted and sensitive person deep down. Si Divine lang ang nakakaalam ng katotohanan na 'yon kaya sa kaniya lang din ito nakapaglalabas ng tunay na sama ng loob. "Their expectations of me are too high, I can't keep up. Ginawa ko naman ang lahat para maging isang mabuting anak para sa kanila, pero kulang pa rin, Divine. Masaya sila kapag nakikita ang mga tagumpay ko at kapag naipagmamalaki nila ako sa mga tao, pero kapag bumabagsak o nagkakamali ako, kinasusuklaman nila ako na para bang wala akong nagawang tama sa mundo." She couldn't understand his parents at all. Napakahusay ni Zion at sobrang laki na rin ng napatunayan nito. Why can't they be happy and proud of him? He's such a precious person who deserves the happiness of the world. "Sinabi pa ni Dad na wala raw siyang anak na bakla. He was saying that the reason why I never had a girlfriend is probably because I'm gay. Alam ko na sinabi niya lang 'yon para laitin at inisin ako, pero hindi ako nakapalag kasi wala siyang kaalam-alam na totoo ang sinabi niya." He started to cry between his words. Kumapit si Divine sa braso nito para iparamdam sa kaibigan na hindi siya mawawala sa tabi nito. "Mukhang habambuhay ko na lang talaga itatago ang totoong ako... na bakla ako. Kasi hindi nila ako matatanggap kahit kailan. Magiging kahihiyan ako at pandidirian nila ako... kahit pa si Mom." Gustong lumuha ni Divine pero ayaw niyang mas malungkot ito kaya yakap na lang ang inalay niya sa kaibigan. "Everything is going to be okay. You are such a sweet person, at marami ang nagmamahal sa iyo. Mahal na mahal ka namin ng kambal at mananatili kaming nakakapit sa'yo kahit ipagtabuyan ka pa ng buong mundo." she assured with utmost love and sincerity. Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa labi nito at niyakap siya pabalik. "Thank you, bestie! Hulog ka talaga ng langit sa akin! Kayo ng mga pamangkin ko!" Hearing what he said made her heart warm. Sobra siyang natutuwa kapag may nagagawa siyang bagay na nakakatulong sa kaibigan niya. Zion is her only best friend—the person he trusts the most. Ang nag-iisang taong nanatili sa tabi niya noong panahon na sobra siyang nahihirapan. He is like a brother to her— or should she say, a sister. "Oo nga pala, si Kuya..." Kumalas siya sa yakap nito nang marinig ang sinabi niya. Isa lang naman ang 'kuya' na puwedeng tukuyin nito, si Ziancio. Bigla tuloy siyang kinabahan dahil dito. Huminga nang malalim si Divine. "What about him?" "Nag-usap kami kanina. Like normal brothers and sisters. Ang astig, 'no? Bihira lang mangyari 'yon." Ibinalik ni Zion ang tingin sa kalangitan at ngumiti nang mapait. "Naiintindihan ko naman kung bakit hindi siya malapit sa akin. I am the fruit of his father's affair with my mother. Ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang biological mother niya. The woman who gave birth to me was the reason why his own family got broken. Pero kahit ganoon, kahit hindi niya ako pinapansin minsan, hindi niya ipinaramdam sa akin na sinisisi niya ako." Hindi niya mapigilang mapangiti. That is Ziancio... the person she loved to the moon and back. Hindi 'yon magagalit sa kapatid dahil wala naman itong kasalanan. Ziancio might be a cold and rude guy sometimes, but he is still the kind man she fell in love with. "He was my idol. However, that cool image of him in my head changed when he impregnated you and he can't even remember about it. He's not even aware that he has children! Virgin pa raw siya, sabi niya! Nakakaloka! Virgin, my ass! Hindi siya aware na nakabuo na siya ng kambal nang isang putukan lang..." She felt her cheeks burn upon hearing what he said. Ziancio believes that he's a virgin? Ibig sabihin, she is his first and last? Pareho nilang first at last ang gabing iyon?! "Galit ako sa kaniya, kasi kinalimutan niya ang gabing iyon. It was your first time with the man you love, pero wala naman siyang maalala. And he even said that he's interested in someone right now... talantado talaga.” Kumirot ang dibdib ni Divine. So he’s liking someone right now… “Kung hindi ko lang siya kapatid, kanina ko pa sinampal ang chaka niyang mukha." dagdag nito. Ramdam na ramdam ni Divine ang panggigigil ni Zion sa kapatid kaya malakas siyang natawa at hinimas ang braso nito bilang pagpapakalma. Noong sinabi niya ang nangyari tungkol sa kanila ni Ziancio, halos sugurin na nito ang nakatatandang kapatid para utusan ito na panagutan siya. However, Divine stopped him and pleaded to keep it a secret forever. Ayaw niya kasing mapilitan si Ziancio na panagutan siya dahil lang sa pagkakamali na 'yon. Mabuti na lang natanggap ni Zion ang desisyon niya. "Hayaan mo na 'yon. It was also my fault anyway. I let that happen, and I am the one who chose to hide the truth. Ang mahalaga, masaya na ako kasama ang kambal at kaya ko silang buhayin nang maayos." Hindi niya mapigilang maalala ang gabing iyon. Oo, labis niyang pinagsisisihan ang nangyari pero malaki ang pasasalamat niya sa bunga na ibinigay ng pagkakamaling iyon. Dahil sa kambal, nagkaroon siya ng silbi sa buhay. Kaya kung maibabalik niya ang oras, hindi niya pipigilan ang gusto mangyari ng kaniyang puso sa oras na 'yon. "What if ako na lang ang pakasalan mo?" Muntik nang mapamura si Divine dahil sa sinabi ni Zion. Masyadong seryoso ang pagbigkas nito sa salitang binitawan, at muntik niya nang isipin na purong lalaki ito na nag-pro-propose sa kaniya. "Kilabutan ka nga, Zion!" Hinampas ito ni Divine habang ngumingiwi. Siguradong puro bardagulan lang ang everyday routine nila kung magpapakasal sila. Zion rolled his eyes at her. "Arte! Ako na 'to, oh! Para literal na best friends forever tayo, 'til death do us apart. Tapos hindi na rin ako pipilitin ng Mom and Dad ko na magpakasal sa sinong nakakadiring babae. Ikaw lang kaya ang woman na kaya kong tiisin! Aakuin ko na rin ang kambal. I can give you a wonderful life tapos ibibigay ko rin ang apelyido na nararapat naman talaga sa kanila. At isa pa, magkamukha naman kami ng mga pamangkin ko kaya wala maghihinala—" "Loko ka!" Humalakhak si Divine dahil sa ideyang pumasok sa isipan nito. "Gagamitin mo pa talaga kami ng mga anak ko para itago ang sikreto mo. Ayokong pakasalan ka, 'di ba allergic ka sa babae?" Divine couldn't help but imagine the scene where Zion would marry her. Baka mag-away lang sila kung sino ang magsusuot ng wedding gown. Himbis na kasal, fashion show ang magaganap at competition kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa. Hindi kasi talaga nagpapatalo ang best friend niya. "Duh! Assuming naman nito ni vakla! Apelyido lang naman ang in-o-offer ko, hindi ang body, soul, at heart ko!" pagbawi nito kaya mas lalong lumakas ang tawa nilang dalawa. "Pero Zion, please remember that me and the twins will always be by your side no matter what happens. Kung itatakwil ka ng parents mo, nandito kami para kupkupin ka..." "Ahh! So sweet naman talaga ng bestie babe ko. Pa-kiss nga—" "Basta ikaw ang taga bayad ng bills." pagpuputol niya sa sinasabi nito kaya naningkit ang mga mata ni Zion. Ngumiwi ito dahil sa sinabi niya. "Oo na! Sanay naman akong maging sugar mommy, e!" ... Doon na nagpalipas ng gabi si Zion dahil pagod na pagod rin ito sa mula sa trabaho. Ayaw din nitong bumalik sa sariling bahay dahil hindi raw nito gusto makasama ang mga magulang. Wala si Marie ngayon kaya sa kabilang kuwarto na lang ito natulog. Maagang naghanda si Divine para sa trabaho. Naka-plantsa na ang mga uniporme ng kambal, nakahanda na ang almusal at mga gamit nito. Bago umalis, ginising niya muna si Zion para bilinan ito at magpaalam. "Zion, papasok na ako. Ikaw na bahala sa kambal, ha?" Kumurap-kurap ito nang magising sa boses niya. "Pakisapak si Kuya Ziancio pagkakita mo sa kaniya, please. Binangungot ako ng gago sa panaginip ko." wika nito na hindi niya naman sineryoso. Masyado yatang malala ang nangyari kagabi kaya pati sa panaginip ay bumisita ang kapatid nito. Umiling-iling na lang siya at muli itong pinaalalahanan sa pagbabantay ng kambal. Tatawagin niya dapat si Marie para pumunta sa apartment pero dahil nandito naman si Zion, pinagpahinga niya na lang ito. Zion is also the one who insisted on leaving the kids with him. Babawi raw ito sa mga pamangkin nito. Bumyahe na siya papunta sa kompanya at kararating niya pa lang pero natambakan agad siya ng gawain. Mas nagiging busy ang opisina dahil sa panibagong project na inihahanda nilang gawin. At bilang assistant ng CEO, malaki ang tungkulin niya sa pag-aasikaso nito. Divine entered Ziancio's office with a pile of paperwork in her hands. Nakita niya ang pagkunot ni Ziancio sa mga papel na inilatag niya sa desk nito. "Paperworks," she uttered and sighed. Ziancio rolled his eyes at the papers. Pati ang mga papel ay sinusungitan nito. Divine felt him staring at her but whenever she looked back, he would avoid her gaze. Nararamdaman niya rin na parang may gusto itong sabihin ngunit hindi nito magawang magsalita. Palala yata ng palala ang saltik sa ulo ng boss niya. What's wrong with him this time? "Divine, come here." Nagulat siya nang bigla siyang tawagin nito. He's finally talking to her like a normal boss. Agad siyang lumapit dito. "Yes, Sir?" Ziancio took out a box from his drawer, then showed it to her. Napansin nito ang pagtataka na bumakat sa mukha ni Divine kaya binuksan nito ang kahon at muling ipinakita sa kaniya. It's a silver necklace with a blue butterfly pendant. Nakita rin niya na mula ito sa isang luxurious at international brand dahil sa kahon nito. "Necklace." Ziancio mumbled, looking away. "I can see that it's a necklace, Sir. It's wonderful." wika niya, hindi sigurado kung ano ang gusto nitong marinig mula sa kaniya. His eyes narrowed as if he didn't like what she said. Tumayo ito nang walang imik. Nagulat na lang siya nang kinuha nito ang kaniyang kamay at inilagay ang kahon sa palad niya. Why is he giving it to her? Her brows furrowed, completely confused. "Are you asking me to throw this away—" "Why would you throw that away? Hindi mo ba nagustuhan?" nanunuyo ang boses ng boss niya kaya natigilan siya. She blinked as she was trying to comprehend his intentions. Teka, why is he asking her if she likes it or not? "Huh?" Kumunot ang noo niya at muling tiningnan ang kuwintas na nasa palad niya. "It's beautiful. I like it?" Napaisip si Divine. Maybe he is asking her opinion to know if the woman he will give it to will like it or not? Wala naman kasing kaalam-alam sa taste ng babae ang boss niya kaya normal lang na hihingin nito ang opinyon niya. "I got it somewhere... pero pambabae. Alangan naman suotin ko 'yan, kaya sa'yo na lang." Halos magdikit na ang kilay niya dahil sa labis na pagtataka. Ziancio kept looking away from her... and his face is turning red. Teka, he's giving it to her? Pero bakit naman may nagbigay dito ng kuwintas na pambabae? At bakit niya 'yon tinanggap? Nagkibit balikat siya. Maganda naman ang kuwintas. Siguro, regalo na rin ito sa kaniya bilang assistant nito ng sampung taon. Tatanggapin niya na lang ito dahil deserve niya naman siguro 'yon kasi siya lang ang assistant na nakatiis sa ugali ng boss niya. Puwede niya rin 'yon isanla kapag nagipit siya. "Thank you, Sir. Wala nang bawian, ah!" Lumawak ang ngiti niya habang tinitingnan ang kuwintas. Iniisip niya kung magkano ang pera makukuha kung isasanla niya 'yon. Naramdaman niya ang paglapit ng lalaki kaya napatingin siya dito. "Give it to me," Parang bulang naglaho ang ngiti niya kasabay ng pagkalaglag ng panga niya. He gave it to her, and now he's taking it back? Niloloko ba siya ng boss niya?! Gusto niya sanang murahin si Ziancio pero pinaalaa niya sa sarili na boss niya ito. She pouted with disappointment and frustration before giving it to him. Ang lalaking 'to, para talagang gago. He really knows how to play with her! Halos sumpain niya na ang lalaki sa kaniyang isipan pero natigilan siya nang maramdaman niya ito sa likuram niya. A familiar spark ran through her veins when she felt his hands sway her long hair. Para siyang statwa na naninigas sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga mata. It took her seconds to realize what he was trying to do. He himself put the silver necklace around her neck. Hindi siya gumalaw hanggang sa tuluyan na nitong naisuot ang kuwintas sa kaniya. Why did he have to put it around her neck? Ganito ba si Ziancio sa lahat ng babae? Bumalik ito sa harapan niya para tingnan kung bagay ba sa kaniya ang kuwintas. "It looks beautiful on you." He stared at her eyes. "You're so pretty." Muntik nang manghina ang tuhod niya dahil sa sinabi nito. Kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha. "A-Akala ko babawiin mo. Sinusumpa na kita sa isipan ko kasi akala ko pinagtritripan mo ako." Uwiwas siya ng tingin habang pinapakalma ang sarili. This is the first time he has acted this way toward her! Imagination niya lang ba na nagiging romantic ang boss niya sa kaniya? "Of course I wouldn't do that. You seem to like my gift very much." Tumawa pa ito. "S-Sir," She couldn't look into his eyes. Gusto niya magsalita. Magtanong kung bakit nito ginawa 'yon pero hindi siya makapagsalita. Damn it! What a hot smile and laugh he has! He smiled at her, which made her heart melt completely. "Let's have a lunch together. Gutom ako. I can't work properly whenever I'm hungry." Huh? Si Ziancio, hindi nakakapagtrabaho kapag gutom? Eh palagi nga itong nagpapalipas ng gutom, e! Minsan pa nga, cup noodles lang at kape ang nagiging laman ng tiyan nito kapag nagtatrabaho. Wala siyang nagawa nang nauna na itong maglakad paalis ng opisina. Napakurap siya nang maraming beses bago sumunod sa lalaki. Weirdo. Tahimik lamang siya hanggang sa makasakay sila sa kotse. Hindi niya na itinanong kung saan sila pupunta. Knowing him for 10 years, nakakasiguro naman siya na hindi siya kikidnapin nito. Nakaupo siya sa front seat at tahimik na nakatuon sa bintana habang nagmamaneho ang boss niya. Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan, hudyat na nakarating na sila sa— kung saan man siya dinala ni Ziancio. Nag-park ito ng sasakyan at naunang lumabas ng kotse. She was about to leave the car and follow him but the door opened itself. Inangat niya ang tingin sa taong nagbukas ng pinto at nakita si Ziancio na inilalahad ang kamay para sa kaniya. "Wow, gentleman?" She sarcastically asked. He smirked. "Matagal na," Tumawa siya at umiling-iling. She thought that Ziancio was just probably playing around, so she did not give it any other meaning and accepted his hand. Namamanhid na rin kasi ang paa niya at masakit ito dulot ng mataas niyang takong kaya nagpaalalay na siya sa pagbaba ng sasakyan. Mas nakakahiya naman kasi kung matutumba siya sa pagbaba. Pagkababa sa sasakyan ay agad niyang binawi ang kamay at pasimpleng umiwas ng tingin sa lalaki. Himbis na magpakahibang, inilibot niya na lang ang mga mata para malaman kung nasaan sila. Her eyes brightened when she saw the entire place. It's wonderful. Punong-puno ng mga rosas ang labas kaya sobrang romantic tingnan ng lugar. Bumungad sa kanilang pagpasok ang malaking chandelier sa kisame at classical music na tumutugtog sa buong lugar. Divine followed her boss to a table for two. Tiningnan niya ang paligid at nakita ang mga mag-nobyo at mag-asawa na masayang kumakain. Divine blushed upon realizing that most of the people here are couples. Bakit ba kasi dito siya dinala ng boss niya? Baka mapagkamalan pa silang magkarelasyon. "Welcome, Sir and Ma'am!" May isang waitress ang lumapit sa kanila kaya napunta ang atensyon niya dito. "Today is our restaurant's 3rd anniversary and we are giving away free keychains for couples who are visiting our place." Gusto niyang matawa dahil sa sinabi nito. Kung saan saan kasi siya dinadala ni Ziancio, 'yan tuloy, napagkamalan pa silang mag-nobyo. "No, he's my boss—" "We'll take that." pagpuputol ni Ziancio sinasabi niya kaya pinanlakihan niya ito ng mata. Why is he not denying that they are a couple?! Kinuha nito ang dalawang keychain na anghel ang disenyo. He gave the other one to her so she looked at it. May hawak na magkabiak na puso ang dalawang anghel, at kapag ipinagdikit ito, mabubuo iyon. It's obviously a couple keychains. "Have a nice date, Ma'am and Sir." Gusto niya pa sana sabihin sa waitress na walang sila ni Ziancio pero umalis na ito. She couldn't help but feel embarrassed. Nagtataka rin siya kung bakit hindi 'yon itinanggi ni Ziancio. Siya lang ba ang nahihiya? "Sir, bakit mo kinuha? They are for couples." bulong ni Divine nang makaalis ang waitress. Ilang segundong natahimik ang lalaki, tila naghahanap ng maaring idahilan. "Because it's free." Kailan pa naging interesado ang boss niya sa mga libre? He could've bought millions of those keychains if he wanted them. Nagkibit-balikat na lang siya at hinayaan ang boss niya na mag-order. Muntik na lumuwa ang mga mata niya sa sobrang mahal ng presyo ng mga pagkain pero mabuti na lang libre lahat ni Ziancio. Sobrang tuwa niya dahil nalibre siya ng masasarap at sosyal na pagkain. Ilang saglit lang ay dumating na ang order nila. Hindi naman gano'n kagutom kanina si Divine pero halos maglaway na siya nang makita ang pagkain sa lamesa. Damn these rich people! Ang sarap ng mga pagkain nila! She didn't want him to notice her excitement, so she started eating quietly. Mas masarap ito sa inaasahan niya kaya busog na busog siya. Si Ziancio naman ay tahimik din habang kumakain. Nararamdaman niya ang tingin nito sa kaniya pero masyado siyang busy sa pag-try ng iba't ibang putahe na bago sa panlasa niya. Minsan lang siya makapunta sa ganitong lugar kaya susulitin niya na. Pagkatapos niya kumain, doon niya pa lang napansin na kanina pa siya tinititigan ng kaniyang boss kaya nakaramdam siya ng hiya. Ubos na rin ang pagkain nito, kaya uminom na siya ng tubig at tumayo. "Thank you for treating me, Sir. You're the best boss!" wika niya bago tumalikod. Namumula siya, sh*t! Ayaw niyang mapansin nito ang totoo niyang nararamdaman sa oras na ito kaya nanguna siya sa paglalakad. Naramdaman niya na tumayo na rin si Ziancio at sinundan siya sa paglalakad paalis ng restaurant. "Let's go back to the office. Madami ka pang papeles na aasikasuhin at i-a-arrange ko pa mga schedule mo.” Sinubukan niyang ibahin ang usapan para hindi na siya maapektuhan sa ipinaparamdam ng lalaki. “Teka, baka kaya ka nagiging mabait sa akin dahil gusto mong takasan ang trabaho—" "You will have to always eat lunch with me from now on." Huminto ang paa niya sa paghakbang dahil sa sinabi nito. Napalunok siya sa habang iniisip kung tama ba ang narinig niya. "H-Huh? Bakit? P-Paano kung ayoko?" Hindi niya mapigilang mautal habang iniisip kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Ziancio. "Hindi ka puwede umayaw sa boss na nagpapasahod sa'yo." He chuckled, dahilan para mapalingon siya sa lalaki. It was a wrong move because meeting his deep eyes weakened her knees. Napalunok siya habang nararamdaman ang dumadagundong niyang puso. He is very strange today. Inakala niya na wala na ang feelings niya kay Ziancio. She thought that she had already moved on, pero bakit nangyayari ito? "Why are you doing this?" Kung nagagawa niya pang magbiro at tumawa kanina, ngayon hindi na. She could feel it again. The same feelings she had for Ziancio years ago. The feelings she tried really hard to forget. Natatakot siya na muling mag-alab ang nararamdaman niya na 'yon. Baka muli siyang mapaso at makagawa ng pagsisisihan niya. "Because I'm bored. Ayokong mag-isa kumain." He smiled without breaking their eye contact. Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa ganda ng ngiti nito. Why is her heart beating so fast right now? Halos sumabog na ang kaniyang isipan dahil parang muli niyang naramdaman ang pana ni kupido na akala niya ay kaya niya nang iwasan! Yeah, right. He is doing this because he is bored. Habang siya, nababaliw na!"Mommy, where is our daddy?"Naibuga ni Divine ang iniinom na mainit na kape nang marinig ang tanong ni Zaurus sa kaniya. Nakatuon kanina ang atensyon niya sa palabas ng telebisyon pero biglang nagkagulo ang isipan niya dahil sa isang tanong na 'yon.Nanlalaki ang mga mata niya nang tumingin sa anak na lalaki. "H-Huh?"Si Aurora naman ang lumapit para magsalita. "Our teacher told us that every child has a father, but we don't know who's ours. Muntik namin isipin na baka si Tita Z ang Daddy naman kasi kamukha naman namin siya, pero naalala namin na imposible 'yon mangyari kasi allergic daw si Tita Z sa mga babae. Tita Z is the only person you're close with but he is your best friend so it's imposible for him to be our father."Wala siyang ibang naisagot kundi isang pilit na tawa. Divine tried her best to hide her nervousness from them."Wala naman kayong daddy. 'Di ba sabi ko, an angel from heaven gave you to me? Ako ang inatasan nila bilang maging mommy niyo at—""Mommy, you can't foo
"Huwag kayong magkukulit, ha. Stay behave lang kayo habang pumipili si Mommy ng mga bibilhin." paalala ni Divine sa mga anak bago magsimula sa pamimili. Narito sila sa mall, maraming tao kaya kailangan nilang mag-ingat."Okay po, Mommy!" sabay na tugon nina Zaurus at Aurora sa nanay nila. Divine smiled, appreciating her children's understanding and willingness to follow her. May tiwala naman siya na kayang magpakabait ng mga anak niya habang magiging abala siya sa pagtingin ng mga pagkain at sangkap na bibilhin kaya hindi siya nababahala.Kumuha siya ng cart para magsimulang mag-grocery. Alam niya naman na sinusundan siya ng kambal kaya itinuon niya ang atensyon sa mga bilihin nang sa gano'n ay makapili agad siya ng mga kailangan. Gusto niya na matapos agad ang pag-gro-grocery dahil ayaw niyang mainip ang kambal. Pupunta pa sila sa sinehan kasama si Zion na susunod mamaya sa kanila. May kinailangan pa kasi itong asikasuhin kaya nauna na silang pumunta sa grocery para dederetso na lang
“Nawawala ang kambal!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Divine kay Zion habang kausap ito sa telepono. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kamay dahil sa labis na takot na kaniyang nararamdaman.She was so busy with shopping that she wasn’t able to look after the twins properly. Madalas niya naman itong nakakasama sa pag-shopping at hindi naman lumalayo ang mga ito sa tabi niya tuwing busy siya kaya naman hindi na siya masyadong nabahala na mawawala sila. They were always behaved when going out with her, pero hindi dapat siya nabahala! Namalayan niya na lang na wala na pala ang kambal na sumusunod sa kaniya at hindi niya mahagip ang dalawang anak sa buong grocery store. Nagpatulong na siya ngayon sa isang guard habang hinahanap ang kambal sa buong mall.Galit na galit siya sa sarili dahil masyado siyang nakampante at napabayaan niya sina Zaurus at Aurora. She wouldn’t be able to forgive herself if something bad happened to them!“Papunta na ako diyan. I am driving my way, so wait for
Lakas-loob na pumasok si Divine sa trabaho habang umaasa na hindi siya tatanungin ng boss niya tungkol sa kambal. Ziancio was never interested in other people's lives, so she assumed that he wouldn't be curious about the twins that much.She wanted to act normal while working with him because she didn't want him to notice that she's anxious about it. Akala niya ay magiging madali lang 'yon at agad na kakalimutan ng boss niya ang nangyari. Pero nagkakamali siya dahil mukhang hindi na makakalimutan ng kaniyang boss ang tungkol sa dalawang anak niya.Here he is, staring deep into her eyes, asking her if she would agree to letting him become the father of her twins. Hinanda niya ang sarili kung sakaling magtatanong ito sa kambal, pero hindi niya inaasahan na ito ang itatanong nito sa kaniya!"Sir, ano bang pinagsasabi mo diyan?" Nanginginig ang kaniyang labi pero nagawa niya pa rin ang magsalita nang tuwid. "You're a single mother. Walang kinikilalang ama ang kambal mong anak, that's why
"That lady is so gorgeous!" namamanghang wika ng babaeng si Viva nang umalis si Divine sa harapan nila.A smile formed on Ziancio's lips when he heard her compliment Divine. Kilala niya si Viva, she wouldn't compliment someone else if she's not being truly honest. "She's my assistant. Maganda talaga 'yon." proud na pagmamalaki ni Ziancio habang pinagmamasdan ang daan na tinahak ni Divine paalis. Tumaas ang kilay ng babaeng kasama niya. "Oh, what's that strange look? May gusto ka sa kaniya?" Mapanuksong ngumiti si Viva nang itanong 'yon. He felt shy about it but he didn't deny it. "Bakit hinayaan mong umalis? We could have lunch together."He heaved a sigh. Naging awkward na sila simula nung nangyari sa opisina kaya hindi na rin sila masyadong nagkakausap sa trabaho. He wanted to invite her to eat in a restaurant but he knew that she had something else to do. Mukha pang nagmamadali ang babae kaya hinayaan niya na lang ito umalis.God knows how he wanted to beg her to stay and spend m
"Kita niyo na? We told you that we also have a father like everybody else! Nandito na ang daddy namin at isusumbong namin kayo sa kaniya!"Mas natahimik ang lahat sa silid-aralan dahil sa matapang na sigaw ng batang si Zaurus. Mahigpit ang yakap nito kay Ziancio na ngayon ay nakakaramdam ng matinding galit dahil sa nangyayari. How could these precious children be bullied like this? Sa sobrang galit ay pinasok niya ang opisina ng chairman ng eskwelahan para kausapin at magreklamo dito.He ended up talking to the chairman of the elementary school who turned out to be someone he was acquainted with. Nakilala agad siya ng chairman kaya naman paulit-ulit itong humingi ng tawad at ipinangakong hindi na mauulit sa kambal o sa iba pang estudyante ang nangyari. At ang guro naman na hinayaang mangyari ang kaguluhan ay matatanggal sa trabaho kahit na umiyak at nagmakaawa pa ito. The principal, who happened to be the grandfather of the child bullying the twins, talked to him and promised that he
Without a word, Divine took a sip of the coffee handed to her by her boss Ziancio, who was now staring at her intently. She suddenly felt flustered and avoided making eye contact with him. Kababalik lang niya sa trabaho mula sa leave niya pero ito agad ang mararanasan niya.Nandito sila ngayon sa isang honesty coffee shop para mag-usap. Tago ang coffee shop na 'to kaya naman sila lang ang tao sa lugar. Hindi niya natanggihan ang boss nang yayain siya nito dahil inisip niya na maaring may importante itong sasabihin. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi pa ito nagsasalita hanggang ngayon. Is he playing with her again?Sa totoo lang, ayaw niya naman sana talagang harapin si Ziancio pero wala naman siyang magawa dahil boss niya ito. Bakit kasi hindi na lang 'yung babaeng niyakap siya sa mall 'yung yayain nito magkape sa coffee shop na 'to? "Divine," Umangat ang tingin niya sa lalaki nang tawagin siya ni Ziancio. He finally decided to speak and stop making things awkward. "Yes,
Hindi maitatago ang pagkabusangot ni Divine habang kumakain mag-isa sa employee's lounge. Ibinaon niya ang sarili sa trabaho para makalimutan ang nangyari kagabi nang ihatid niya ang boss sa condo nito pero hindi pa rin 'yon mawala sa kaniyang isipan. Mabuti na lang ay wala si Ziancio sa trabaho dahil may sakit pa rin ito. Mas marami ang gawain niya ngayong araw dahil wala ang boss niya, pero mas mabuti na rin 'yon kaysa makita niya ang nakakairitang mukha ng lalaking iyon. How dare he kiss her when she was trying to help him! He's definitely toying with her again. Kung alam niya lang na 'yon ang gagawin ni Ziancio, edi sana hinayaan niya na lang magutom at magkasakit ang lalaki! Mas lalo siyang napasimagot. She kept complaining but she couldn't remove the lingering feeling of his soft lips on hers. Inis na inis siya sa lalaki pero hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso sa tuwing naaalala kung paano siya tinititigan nito sa paraan na nahuhulog siya habang walan
Divine's sobs echoed through the hospital corridor as she paced back and forth. Her steps were restless and filled with worry. The news of what happened to her son made her world crumble. When Ziancio told her what happened, she almost fainted and lose her mind.Ang may mangyaring masama sa anak ang pinakamasakit na bangungot na maaring matanggap ng isang ina— isang bangungot na kailanman ay hindi ginustong maranasan ni Divine. Ngunit ngayong nangyari na ito, talagang hindi matigil ang pagbuhos ng luha niya dahil sa labis na pag-aalala. She could endure any hardship, but seeing her children suffer was a pain she could never bear.Pakiramdam niya ay naging pabaya siyang ina. Masyado siyang napanatag at nag-focus sa paghahanda ng birthday party na matagal na kinasabikan ng mga anak niya kaya hindi niya na naisip ang ibang mga delikadong bagay na mangyari. If something were to happen to Zaurus, she knew she would carry the weight of guilt and pain for the rest of her life."Ate, tulog si
"Ziancio... nawawala ang mga anak natin!"Namilog ang mga mata ni Ziancio dahil sa labis na gulat. He immediately took his phone out from his pocket and dialed the driver's number who is supposed to take the kids to the place. Ilang ring lang ay sinagot na ni manong ang tawag."Manong, where the hell is Aurora and Zaurus?!"Divine wasn't able to hear Manong's response but she could already tell what he heard base on his expression. His face paled, his jaw clenched, and a flicker of sheer fear and panic flashed in his eyes."Fvck!" he shouted, slamming his hand on the table in frustration.Mas lalong namutla si Divine. Tears streamed down her cheeks, and her body trembled as she confirmed her worst fear—something terrible had happened to Aurora and Zaurus while they were on their way."Divine." Ziancio grasped her trembling hands firmly. "Don't worry. I'll make sure we find them. I won't let anyone harm our kids."But his words did little to ease the heavy weight pressing on her chest.
"OMG! AHHHH!"Halos mabitawan na ni Divine ang hawak niyang phone dahil sa lakas ng tili ng kaibigan niyang si Zion habang naka video call. Kasalukuyan itong nasa China at sa kasamaang palad, hindi ito makakadalo sa birthday celebration ng kambal kinabukasan. Tumulong na lang ito gumawa ng plano para sa party at nangakong babawi sa mga pamangkin pagkauwi niya."Huwag kang maingay diyan! Hindi ba't nasa public place ka? Ayaw pa naaman ng mga chino sa mga maiingay,"Nasa loob siya ng employee's lounge para sa ilang minutong break niya. Siya lang ang mag-isa dahil abala ang iba niyang mga katrabaho sa mga gawain sa opisina."Wala akong pake, mas importante 'to! I mean, I already expected it to happen, pero iba pala talaga kapag naging totoo na! So, are you finally going to tell him the truth?"Napangiti siya at tumango. She is planning to tell Ziancio the truth after the twin's birthday celebration tomorrow. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito pero hinanda niya na ang sarili sa ma
"Ayan na si Miss Hermona!"All eyes immediately turned to Divine when she stepped into the office. Ramdam niya ang tingin ng mga kasamahan pero nagpanggap siyang walang napapansin at dumeretso sa puwesto niya. Nang makaupo siya sa swivel chair, agad siyang pinaligiran ni Anna at ng iba pa para salubungin siya ng maraming katanungan."Girl! Long time no see! Super na-miss kita Kamusta ang Barcelona?" nasasabik na tanong nito."Ang OA mo. Isang linggo lang kami doon." natatawa siyang umiling-iling nang lingunin ang mga ito. "Everything went smoothly and the partnership was successful. I got to do some sightseeing too, napakaganda ng lugar na 'yon.""Sana all na lang talaga!" sabay-sabay nilang saad kaya napangiti siya.She placed her bag on the table and took out the keychains she bought from Barcelona. Mayroon kasi siyang nadaanan na souvenir shop kaya naisipan niyang bilhan ang mga katrabaho. "Oh heto, mga souvenir na binili ko para sa inyo. Alam ko namang magtatampo kayo kung wala a
"I missed you so much, Zian! I can't believe I got a chance to meet you here!" matinis at nasasabik ang boses ni Marielle habang tuwang-tuwang niyayakap si Ziancio.Maraming taon na ang nagdaan subalit hindi pa rin nakakalimutan ni Divine kung sino ang babaeng ito. Kulay pula at maikli na ang dating mahaba nitong itim na buhok. Mas lalo ring pumuti ang balat at mas naging marangya ang pananamit. She has become even more beautiful over time.Divine felt her heart clenching and her blood boiling. Ikinuyom niya ang kamao habang pinipigilan ang sarili na sabunutan ang babae at hilain ang buhok nito palayo sa manliligaw niya. Her mind suddenly got clouded with dark and negative thoughts that she could never express in reality because she is not that kind of woman.She observed Ziancio to see his expression. Halata pa rin na nagulat ito nang labis at halos hindi makagalaw dahil sa sobrang pagkabigla. It was as if he is suddenly reminiscing on their beautiful love in the past.Tila bigla rin
Today is their last day in Barcelona. Sobrang abala nila sa trabaho ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng oras para pumasyal kasama ang kambal. The twins have grown closer to Ziancio, and Divine is appreciating how kind and loving he is to them. Palagi itong pagod mula sa business meetings pero palagi pa rin itong nakikipaglaro sa mga bata. The more she looks at it, the more she sees him as a good father to the children.Kasalukuyan siyang nag-aarrange ng mga importanteng papeles nang pumasok si Ziancio sa hotel room. Halata na bagong ligo pa lang ito at may hawak na tasa ng kape."Good morning, Divine. What do you want for breakfast?" bungad nito nang may matamis na ngiti. "Coffee or me?"Ipinaikot niya ang mga mata at tumawa. "Coffee makes me awake, while you say cheesy lines that make me feel sleepy. So, I choose the coffee."It was just a joke she always tells around as his secretary. Hindi na bago sa kanila ang ganoong klaseng asaran kahit noong nasa opisina pa sila dahil palagi
"S-Sir..."Mariing ipinikit ni Divine ang kaniyang mga mata nang ilatag siya ni Ziancio sa kama. Her white t-shirt and black cycling shorts are now off. Ang tanging suot niya na lamang ay ang underwear na halatang gustong-gusto na ring tanggalin ng lalaking nasa harapan niya."Don't call me that. Call me by my name, affectionately." Ziancio uttered as he caressed her cheeks gently.Divine feels like she is trapped in a situation from which she cannot escape—or perhaps she should say, in something she does not want to break free from. She bit her lip with a deep, heavy breath. "Ziancio...""My name turns wonderful whenever you utter it like that," he whispered, his breath tickling her ears.He kissed her once again. Pakiramdam ni Divine ay pasimple siyang tinutukso ni Ziancio sapagkat paiba-iba ang paraan ng paghalik at paghawak nito sa kaniya. Ziancio's hands wandered, caressing her gently and even daringly touching her breast in a circular motion over her bra."Just fvcking remove i
Pakiramdam ni Divine ay nabingi siya matapos marinig ang sinabi ni Ziancio. All she could hear was the thunderous thumping of her heart and his unexpected confession echoing in her mind. "B-But Zion told me you like someone..." hindi makapaniwalang saad niya. "What?" Kumunot ang noo ni Ziancio pero agad ring umangat ang kilay nito, tila naiintindihan ang ibig sabihin niya. "Oh, I did tell him that I like a woman." he said, running a hand through his unruly hair in frustration. Divine's heart sank. Was this all a cruel joke? "May gusto ka naman palang babae pero bakit ako ang—" "I was talking about you. My brother and I weren't that close, so I didn't mention your name. Pero Divine, ikaw ang babaeng gusto ko." Divine felt her breath hitch once more. She could hardly believe his words, but she knew she was hoping that everything he said was the truth. "Liar. You have a woman... 'Yong babae na yumakap sa'yo sa mall." She couldn't hide the tremor in her voice as she looked a
"Mommy, why are you not yet sleeping?"Divine was typing on her laptop when she heard Aurora's sleepy voice. Gabi na at kasalukuyan silang nasa hotel room na inihanda ni Ziancio para sa kanila. Mayroon itong king-sized bed kaya naman kasyang-kasya siya at ang mga anak niya sa maluwag na kama. Pinauna niya na matulog ang ang kambal habang inaasikaso niya ang schedule ng kaniyang boss para sa business trip na ito."I am working, anak. Sleep ka na, tatapusin ko lang itong ginagawa ko tapos tatabi ako sa inyo ni Zaurus." malambing niyang saad sa batang babae.Ilang beses na kumurap ang mga mata ng batang si Aurora bago tumango. Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge bago bumalik sa kama. Divine stretched her arms as she took a deep breath. Sinulyapan niya ang kambal na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kama. Siniguro pa ng kambal na mayroon siyang puwesto sa gitna. Napangiti siya dahil dito.She stood up and decided to go to the balcony for some fresh air. Nasa mataas na pal