Pagkalayo ni Anne, biglang dumilim ang ekspresyon ni Hector. Tinawagan niya si Mr. Sanvictores ang Chairman ng isa sa mga kumpanyang nasa ilalim ng kaniyang pamamalakad at diretsong nagreklamo. "Dave, pagsabihan mo ang asawa mo, tinawag niya akong baldado sa harapan ng asawa ko!” Saglit na nanahimik si Chairman Dave sa kabilang linya, pagkatapos ay nagkunwaring galit na galit at sinabi "humihingi ako ng paumanhin sa iyo Hector, Hindi ito tama! Pagbalik niya, kakausapin ko siya! Paano niya nagagawang kuntsain ang kapintasan ng ibang tao?"Pagkasabi nito, lumambot ang tono ni Chairman Sanvictores at napabuntong-hininga "Pero, Boss Hector, yan ay kung makakapasok pa nga ako ng kwarto. Natutulog pa rin ako sa sahig ng study room! Alam mo, malalaman mo rin kapag nag-asawa ka na—hindi ganoon kadaling pagalitan ang asawa." "Alam ko!." "Alam mo? Paano mong nalaman?"Gulat na gulat si Mr. Sanvictores. “I’m married” Bahagyang tumaas ang mga sulok ng labi ni Hector na may bahid ng
Matapos pakinggan ang payo ni Jennie, ibinaba ni Damian ang telepono at mapait na napangisi. "Peste kang babae, tinutulak mo akong mamatay! Pero ni ikaw, wala ka ring kwenta!"Ang babaeng iyon, nilagay pa sa kama ng tiyuhin ng kaniyang fiance si Anne. Anong tingin niya sa akin, daga akong ipapain niya sa bibig ng pusa? Ang hayop na babaeng iyon. Akala niya tanga ako!GAnnenpaman, ang kanyang iba pang mga sinabi... ay medyo may silbi. Hinawakan ni Damian ang kanyang baba at bahagyang pinikit ang kanyang mga mata. Nagpasya siya at tumawag sa telepono upang Annesin ang bagay.Sa oras na ito, si Anne, na naghahapunan sa Restaurant, ay walang ideya na may isa pang madugong bagyo na naghihintay sa kanya. Sunod-sunod na ipinakita ang mga magagandang pagkain na hinahain sa restaurant na iyon. Napakatingkad na ngumiti si Mary at binigyan si Hector ng thumbs up"Ang galing mo Mr. Valderama! Tawang tawa ako sa itsura ng nanay ni Vince. Halos mangitim na sa sobrang galit. Ang sarap sa pakiramda
MARY POV Sa kabilang banda, kakahatid lang ni Renz sa akin, mula sa tapat ng pintuan ng aming bahay nang biglang may mahabang tassel na tumama halos sa windshield ng sasakyan ni Renz. Isang milimetro na lang ang layo bago magasgas ang salamin ng kanyang sasakyan, dahilan upang manlaki ang mata ni Renz sa pagka-gulat. Kaya naman dali-dali kaming bumaba ng sasakyan . “Dad—anong ginagawa mo?!” Hindi ko alama ang magiging reaksyon ko, halos mapatalon ako sa matinding pagkagulat at pagka-inis. Lumingon si Renz sa direksyon ng kinatatayuan ni Daddy at nakita niya si Daddy na kapit ang mahabang tassel—fifty years old na si Daddy pero napaka tigas pa rin ng ulo niya, nakasuot ito ng asul na pang-sports, at may tindig na matikas. Bahagya akong itinulak ni Daddy papalayo , saka siya sumilay ng singkit na titig kay Renz, halatang hindi natutuwa. Sa isang iglap, itinuro niya ng mahaba niyang tassel ang pagitan ng mga kilay ni Renz na may kasamang tunog na "whoosh." Hindi natinag si Re
Bigla akong nakaramdam na parang tinadtad ng matatalim na kutsilyo ang aking puso. “Lahat ng 45 student sa klase at ang 45 na parents ay pumirma! Anne, ipinagmamalaki mo talaga ang ating paaralan! Hindi pa ito kailanman nangyari rito.” Habang nagsasalita, pinagtapik ni Mrs. Leoncio ang kanyang mga daliri sa mesa, lumilikha ng tunog na “tap tap.” Pakiramdam ko ay parang pinipilipit ang aking puso. Tinatanong ko ang sarili kung may nagawa ba akong mali sa mga estudyante ko, pero hindi ko talaga maunawaan kung bakit ganito ang naging reaksyon ng mga magulang laban sa akin. Ito na marahil ang pinakamalaking insulto sa aking propesyon! “Pumunta ka na at ipasa ang klase ngayon din. Wala akong pakialam gaano kayo kalapit sa isa’t isa! Tandaan mo, ito ay isang lugar ng trabaho, at kailangan mong sumunod sa mga utos ng iyong nakatataas. Kung may reklamo ka, pumunta ka sa dep-ed division at ayusin mo ito mismo!” Pagkatapos nito, ikinaway ni Mrs. Leoncio ang kanyang kamay, na sinenya
Hindi masasagot ng dahas ang isa pang dahas. Sa murang edad ng mga bata, bilang guro, hindi ko dapat ipakita ang isang masamang halimbawa. Hindi ko rin dapat saktan ang magulang ng aking estudyante. Pinigilan ko ang kirot at hinanakit sa aking puso, pilit na ngumiti, at lumapit kay Malou, at hinaplos ang kanyang ulo. “Bumalik ka na sa klase. Makikipag-usap nang maayos si teacher sa Mommy mo.” Ngunit bago pa man ako matapos magsalita ay malakas akong tinulak palayo ng Mommy ni Malou, at sumisigaw at sumisigaw. "Huwag ka nang magpanggap pa. Gusto mong mag-iwan ng magandang impression sa anak ko para maging stepmother ka niya, pero sinasabi ko sayo , hindi iyon mangyayari! Habang nabubuhay ako, huwag mo nang isipin na magiging madrasta ka ng anak ko!” Sa sandaling iyon, bumalik ang aking katinuan. Dahan-dahang kong hinigpitan ang aking kamao bago ibinaba ang aking kamay. Pagharap ko, bumungad sa akin ang magulong emosyon sa mga mata ng isang payat na batang babae. Doon ko
Biglang nagbago ang boses ko pagkarinig ko sa sinabi niya. Akala ko noong una ay nawalan na ng mukhang maihaharap si Jennie sa nangyari sa harapan ng restaurant kahapon, at ngayon ay tinawagan niya ako para malungkot? Pero hindi pa rin siya umaamin na may kinalaman siya sa nangyari kaninang umaga? Mahinahon ko siyang tinanong. "anong sinasabi mo Jennie?” Isang malumanay na tawa ang narinig ko mula sa kabilang dulo ng telepono: "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi mo ba naiintindihan? Anne, hindi mo kailanman matatapakan ang ulo ko! Kahapon sa harap ng high end restaurant, akala mo nanalo ka? Ngayon, ipapakita ko sa'yo kung gaano ako nasaktan kahapon, at pag-babayaran kita ng sampung ulit ngayon! Naalala mo ba kung ano ang sinabi ko sa'yo sa banyo? Anne, sisirain kita. Bago dumating si Vince, gagawin kitang maruming babae. Mapapahiya ka saan ka mang lugar magpunta sa Tondo! Mula sa pagiging tracher hanggang sa pagiging maruming babae na tinitignan ng lahat ng may paghamak, mararamdam
Pakiramdam ko ay hindi ko kayang tanggapin ang matinding pagkatalo. Kung mabibigo ako ni Hector, mararamdaman ko ang buong mundo ko ay magiging kulay abo. Sa sandaling ito, napagtanto ko kung bakit siya pumunta kay Hector. Dahil nang marinig ko na ang babaeng pinagseselosan ko noon ang sumagot ng tawag ko para kay Vince naramdaman kong muli na namang sinaksak ang puso ko. Kailangan ko ang mainit na yakap ni Hector upang sabihin sa sarili kong karapat-dapat pa akong mahalin sa mundong ito. Upang sabihing hindi pa nawala ang lahat. Si Hector lang ang huling pag-asa ko! Malalim akong huminga at kumatok sa pinto. Isang boses ng lalaki ang narinig mula sa loob, ngunit hindi si Hector. "Come in." Pagkasabi ko ay nakita ko si Luigi na itinulak ang pinto ng opisina, at saka ko ibinaling ang tingin ko kay Hector na nakatayo pa rin sa hindi kalayuan, at agad na pumutok ang ugat sa aking mata!! "Oh my god!" THIRD PERSON POV Mabilis na kumilos si Luigi at tumakbo papunta kay Hector,
Hindi alam ni Anne kung bakit, pero nang marinig niya ang steady na boses ni Hector, bigla siyang nakaramdam ng kapayapaan sa kanyang puso. Parang noong araw na sinabi niyang pakakasalan siya at gagawin ang lahat para alagaan siya, ang boses ni Hector ay kasing init ng simoy ng hangin sa bundok, na nagbigay sa kanya ng bihirang pakiramdam ng seguridad. Inilipat ni Hector ang wheelchair at umupo sa sopa. Nang makaupo, tinawag niya si Anne "Halika, dito ka." Sumunod si Anne at pag-upo niya sa tabi ni Hector, niyakap siya ng mahigpit ni Hector. "Sabihin mo sa'kin, anong nangyari? Bakit malungkot ka?” Sa isang pangungusap, biglang umiyak si Anne sa mga bisig ni Hector. Hindi nagsalita, patuloy lang siya sa pag-iyak. Malakas ang iyak niya sa simula, may kasamang panginginig, parang gusto niyang ilabas lahat ng hinagpis sa kanyang puso. Nang maglaon, humina ang iyak at naging mahina na parang ungol ng kuting. Siguro pagod na siyang umiyak at unti-unting humupa ang kanyang emosyo
"hmp….Huwag mong sabihin..." Mabilis na tinakpan ni Anne ang kanyang bibig, "Paano mo nasabi lahat ng ito?""Misis ko ang pagkain at sex ay likas sa tao. Nag-aalala ako na kung hindi ko ipapakita ang tunay kong mga hangarin sa iyo, baka isipin ng misis ko na hindi ako sapat."Anne: ...Bigla akong nakaramdam na parang ako ang nagpapakawala ng bala sa aking sariling paa."Eh...ehh, wag ko na lang kayang isulat. Nakakahiya" Ang ulo ni Anne ay nakayuko ng mababa, nakasandal sa akin na parang isang munting quail.Talaga namang minahal ko siya sa ganitong paraan at hindi ko maiwasang biruin pa siya ng husto. "Ay hindi pwede. Paano kung tumanggi si Mrs. Valderama na magbayad? Kailangan ang utang ay binabayaran ng may interes. Tandaan mo negosyante ako"Sinasabi ko iyon habang kinakagat ang earlobe ni Anne "At may nakasulat na akong handwritten note para sayo hon... Hindi ba't dapat lang na ang Misis ko ay magsulat din para sa akin? O hindi ba ako mahal ng misis ko?"Pinagdikit ni Anne an
"Okay naiintindihan ko, pero hon, ano’ng naging resulta?""Ang resulta, kami ang tumira sa kanilang mga pangunahing kumpanya, at ng makuha na namin ito at hindi na nila kayang tumayo. Hinayaan na nila ang Tondo Pharmaceutical Industry at hindi na nangahas pang manghimasok. " hindi ko namamalayang lumakas pala ang tono ko at puno ng kapangyarihan at pagplano. Ang puso ni Anne ay kumabog na parang may tumama sa kanya.Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ako ng direkta "hayst, ang galing talaga ng asawa ko! Gumastos ka ba ng malaking pera para durugin ang mga taong yun?""Oo." Tumango ako. "Malaki talaga ang unang puhunan. Nang mag-invest kami, unti-unting bumagsak ang mga stocks nila. Pero nung kinolekta na namin ang huling neto kagabi, lahat ng investments namin ay dumoble. At kumita kami ng malaking kita!"Ang dugo ni Anne ay uminit nang marinig iyon, at lalo pa niyang pinapuri ako."Honey, ang galing mo! Ikaw talaga ang pinaka-magaling na asawa sa buong mundo!"[sa isip ni A
Bahagyang itinaas ni Vince ang mga labi niya at tinitigan si Hector na may kakaibang tingin sa mata.Alam niyang hindi ginalaw ni Hector si Anne ng gabing iyon! Tinutukso niya ang lahat, para ipaalam na hindi niya kayang gawin ang nagawa niya!Sa katunayan, hindi naman talaga niya kaya!Si Hector ay tinitigan ng mga tao at ang mukha niya ay malamig tulad ng yelo sa isang kuweba.Pinagawa niya kay Renz ang 20,000 frog jumps pero sa tingin niya ay mukhang kulang pa rin iyon!Si Hector: ...Si Anne: ...Nahulog ang talaba sa bibig ni Don Antonio "Ano ito? Bakit kinakain ito ni Hector?"Tinakpan ni Anne ang kanyang mukha sa sobrang hiya "sorry Pa, wala po ito, nagkamali lang talaga ako."Hindi naintindihan na ni Don Antonio ang ibig niyang sabihin at tumingin siya ng may pagkalito sa kanyang panganay na anak.Tumingin si Felix sa mga talaba na may kakaibang ekspresyon "Pa dapat ka rin niya para malakas ang mga tuhod mo!” Kaagad na nag-react ang matandang lalaki "Ay naku, matanda na ako,
"Maganda kung ganun, dahil sa totoo lang wala akong kapatid na kagaya mo, kaya hindi ka na dapat nakikipag-ugnayan pa sa akin. At saka, kung gusto mong pagtawanan ako, mukhang hindi na yata yan mangyayari. Huwag mong kalimutan, Misis Valderama na ako ngayon. Kahit na bumagsak pa ang asawa ko , bilang isang Valderama ay igagalang pa rin ako sa buong Tondo!” "At saka, si Elaine, na pinakamamahal niyo, ano man ang gawin niya ay hinding hindi siya magiging Valderama."Hindi na ako nagtagal pa, in-screen shot ko ang tawag na iyon at pinatay ko diretso ang tawag ni Charles at ipinadala iyon kay Elaine."Elaine, tignan mo nga naman, si Charles mismo ang tumawag sa akin. Ang saya-saya ko!” Pagkatapos kong ipadala iyon, iniwan ko na ang cellphone ko at nagpatuloy ako sa pag-ihaw ng mga oysters.Kahit na may mga problema sa buhay, mas lalo ko nang na-appreciate ang pagiging medyo "makulit" na Anne ngayon. Iniiwasan ko na ang maging mabait at sunud-sunuran kanino man.Natigilan ako sa ginagawa
Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo
Sumunod agad ang isa pang executive ay nagmamadaling magpaliwanag."Oo, tama! Maganda nga iyan saka sa pagkaka-alam ko ang mga indgredients niyan ay organic kaya usually siyang pino-promote ng mga sikat na personalidad! Kaya din naging malakas ang item na yan. Alam ko long last iyan!” Mukhang unti-unting lumuluwag ang tensyon, pero biglang sumingit ang isang bagong executive."Tama! Hindi ibig sabihin nito na may problema si Mr. Valderama sa aspetong iyon!"Renz: ...Lahat ng nasa meeting: !!!Muling lumubog sa awkwardness sa buong paligid.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko at galit ko itong sinagot.Sa kabilang linya, malakas at tuwang-tuwang boses ni Direktor Manuel ang bumungad sa akin."HAHAHAHA... Hector, narinig kong hindi ka na daw tinatayuan?” Hindi ko mapigilan ang lalong magalit sa narinig ko. "Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?""Sino pa, edi ang Asawa mo! Siya mismo ang lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa kondisyon mo. HAHAHA! Hector, kung may nangyari sa'yo
Pagpasok ko pa lang sa loob ng principal’s office ay naglatag ng ilang picture si Principal Leoncio sa harapan ko. At ang mga picture na yun ay mga picture ko.Ang unang picture ay kuha noong araw na gusto akong hostage-in ng mga tauhan ni Papa sa harap mismo ng school.Sa isa pang picture, makikita akong nag-uutos sa mga bodyguard ng pamilya Valderama na itali ang mga taong iyon at dalhin sila sa teahouse sa kabila ng kalye kung saan naruruon ang Papa ko na nag-utos sa kanila.Sa anggulong ginamit sa kuha, nagmukha akong isang boss na matapang, may awtoridad, parang isang malaking boss sa isang mafia film.Nakita kong palihim na lumunok ng laway si Principal Leoncio , marahil ay natakot din siya..Dati, kaya pa niya akong kontrolin. Pero ngayon? Ibang Anne na ang nasa harap niya.Matagal siyang nag-isip bago maingat na nagsalita."Ganito kasi, Teacher Anne... may mga natanggap kaming reklamo mula sa maraming mga parents na may kasamang mga picture, at sinasabi nilang... nag-aalala s
Pinisil ko ang labi ko at ngumiti nang bahagya. "Sa totoo lang Mary, mas gusto ko ang sarili ko ngayon." Tinapik ni Mary ang balikat ko saka ngumiti "Dapat matagal mo nang ginawa 'yan!" Pero sa halip na mapangiti ako, naramdaman kong may bumabagabag pa rin sa akin. Napansin iyon ni Mary at sinulyapan ako. "Bakit? Tapos na ang pinakamalaking problema mo, pero mukhang hindi ka pa rin masaya?” Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin ito. Walang kinalaman ito tungkol sa nangyari sa akin. Dalawang gabi nang kakaiba ang ikinikilos ni Hector at hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang beses na niya akong tinatanggihan. Sa huli, napilit din nila akong magsalita. Pagkarinig pa lang niyon, napamura si Mary. "My God! Hindi na ba tumatayo ang tit* ni Hector?” “Hindi... hindi naman, hindi ganoon ang ibig kong sabihin ano ka ba yung bibig mo talaga nakakahiya kay Mrs.Sanvictores" mabilis kong sagot at pilit na ibinababa ang ulo ko. "Okay naman siya noon..." Umiling sa akin
"Naniniwala ako," sagot ko nang walang emosyon. "Pero alam mo naman ang ugali ni Papa, hindi ba? Tignan na lang natin kung paano ka niya paparusahan kapag nalaman niya ito." Sa sinabi ko kitang-kita ko kung paano siya napalunok at napaatras nang bahagya. Hindi na maitatago ang matinding takot sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi basta-basta palalampasin ni Papa ang ganitong usapin at kilala namin pareho kung paano magalit si Papa lalo na kung malalaman niyang iniiputan siya sa ulo ni Mama. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dati , noong biglang yakapin ng isang baliw si Mama , halos mapatay na siya ni Papa sa bugbog. Dun pa nga lang sa bagay na hindi naman niya ginawa, paano pa kaya ngayon kapag nalaman ni Papa na ginamit niya ang pera ni Papa para ibigay sa ibang lalaki bilang tip? “Hindi. Hindi dapat malaman ni Rolando.” Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Mama, ang kanyang mga ngipin ay mahigpit na nagkakaskasan habang nagsalita. "Hayop kang bata ka! Sabihi