"Ang landi mo kainis!" Matapos sabihin ito ni Anne, binaba niya ang telepono at binuksan ang kabinet upang maghanap ng mga damit para kay Hector. Ngunit nang kunin niya ang mga damit, hindi niya maiwasang mapansin ang pink na lingerie na ibinigay sa kanya ni Mary. Manipis ito na parang pakpak ng balang, at ang mga burdang bulaklak ay tatlong-dimensyonal at maganda. Isa itong fairy-like at sexy na high-end lingerie. Hindi pa siya nakakagamit ng ganitong ka seksi lingerie. Pagkatapos mag-isip ng ilang segundo, kinuha din niya ang lingerie. Ay! Bahala na! Mag-asawa naman kami. Sa isip-isip niya ay wala namang masama kung tutulungan niya ang asawa niyang may kapansanan na maligo! Kinuha ni Anne ang lingerie at pumasok sa banyo, nagpalit ng lihim, at nagsuot ng puting bathrobe sa ibabaw. Pagkatapos punuin ang bathtub at i-on ang heating, itinulak niya si Hector papuntang banyo. Maingat niyang tinulungan si Hector papunta sa mga hakbang ng double bathtub. Tahimik lang si Hector, hin
Napalunok si Anne, at parang batang nagkamali, mahina niyang sinabi, "Kasi... muntik na akong maagrabyado ni Damian, at napahiya ka. Kung... sa hinaharap, malaman ng iba na ang asawa ng sikat na Hector sa Tondo ay muntik nang mahipuan ni Damian, mawawalan sila ng respeto sayo." "Hindi 'yan ang dahilan kung bakit ako galit!" Umiling si Hector at seryosong sinabi, "Anne, si Damian at si Charles ay mga walang kwentang tao, kasalanan nila 'yun, hindi mo kasalanan. Sa kabaligtaran, ginawa mo ang tama. Para protektahan ang sarili mo, binasag mo ang ulo ng lalaki yun at tumakas ka. Tungkol naman sa sinabi mong mawawalan sila ng respeto sakin, hindi totoo 'yan. Ang mga taong tunay akong nirerespeto ay natural na magbibigay galang at hindi ako hahamakin dahil sa mga walang kwentang bagay. Ang mga gustong pagtawanan ako ay palaging makakahanap ng dahilan, kahit hindi nangyari ito. Anne, ako si Hector, at habang nabu-buhay ako, hindi ko kailanman iintindihin ang opinyon ng ibang tao. Ku
THIRD PERSON POV Pagkaraan ng ilang minuto, hinubad ni Anne ang kanyang puting bathrobe, kitang-kita ang kanyang makinis at bilog na mga balikat at seksing flesh-pink lingerie. Ang kaniyang lingerie ay natalsikan ng tubig, napalunok ng laway ni Hector. Pagkatapos hubarin ni Anne ang kanyang bathrobe, nag-ipon siya ng lakas ng loob na hawakan ang mukha ni Hector "Hector, you’re too good, gusto kitang halikan." Habang sinasabi niya iyon ay nagkusa siyang halikan ang labi ni Hector. Dumampi ang malalambot na labi sa maninipis na labi ni Hector, at bahagya itong idiniin at akmang lalayo. Hinawakan ni Hector ang kanyang leeg na may kapilyuhan "Ganoon lang?" "Ano pa ba ang dapat?" Natigilan si Anne, "Diba naghalikan na tayo?" "Silly girl, hindi ganoon ang paghalik. Sweetie para kang manok na tumutuka ng kanin o isang ibong tumutusok ng mga insekto. Ganito pala ang sinasabing halik.." Pagkatapos noon, hinawakan ni Hector ang likod ng kanyang ulo at hinalikan siya. Mabangis. S
Malakas siyang tumawa pero demure “sorry, pero hindi ko talaga gusto ang tungkol sa mga archeology na topic pero dahil sa gusto yun ni Vince at dahil ng mga panahong iyon ay boyfriend ko siya, kaya kahit boring ay pinapakinggan ko siya. Nagsasawa na din ako na palaging ganuon ang topic namin ni Vince! Saka yung kasama niyang babae, palaging ganyan yun. Sa tuwing tatawagan ako ni Vince bigla siyang sumisingit at sinasabing may bago siyang na diskubre. Pero sa tuwing sasabihin ko yun kay Vince, na palagi akong sinusungitan ng babaeng yun. Wala lang sa kaniya, tatawanan lang niya ako at saka niya sasabihing nagseselos lang ako kaya ganun. Hayst wala ng nagbago!” Nang makita ko ang ekspresyon ni Anne, napaawang ang bibig ko sa tuwa. Matapos patuyuin ni Anne ang kanyang buhok, tinulungan niya ako na makaakyat sa kama, at pagkatapos ay hinubad niya ang kanyang lingerie at humiga. Malambing ko namang binuhat ang kaniyang katawan at hinawakan ko siya at inihilig sa aking braso ,ipinatong ko a
ANNE POV Agad kong kinuha ang telepono ni Mary at tinignan ko ang sinasabi niya. Tulad ng inaasahan, puno ito ng parehong mga mensahe sa aking personal na voting homepage. [Ano ba yan? May nandaya sa botohan, hindi naman maganda ang ganyan?!] [Walang hiya, eksperto sa pandaraya ng boto!] [Huwag niyong iboto ang gurong ito, may problema siya sa kanyang pagkatao at kumuha pa ng kompanya para dayain ang mga boto.] [Nakakadiri! Isang guro na nandaraya sa boto para lang manalo!] Ibinalik ko kay Mary ang kaniyang cellphone, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng panlulumo dahil sa mga message na nabasa ko. Nagulat naman ako ng bigla akong hilain ni Mary sa bakanteng balkonahe at tawagan si Hector. "ahh…He... hon." Hindi talaga ako sanay na iniiba ang tawag ko kay Hector. Alam kong galit ito kung tatawagin ko siya sa pangalan niya. Pero ngayon muntik ko na siyang matawag sa pangalan niya ng hindi ko sinasadya. Ngunit ng maalala ko ang ginawa namin ni Hector kagabi, kung paano niya
THIRD PERSON POVHindi nagtagal, nakita ng lahat na may napakahabang mensahe sa ibaba ng pahina ng pagboto ni Anne.Marami sa mga komento ay napatotohanan ng mga tunay na pangalan, at ang mga ito ay mukhang tunay na tunay. Halimbawa, mayroong komento mula sa isang taong nagngangalang Renz:[Ang gurong ito ay napakahusay magsalita! Hindi ko alam kung paano sasabihin na siya ay nagsasalita nang napakahusay, ngunit ang nilalaman ng kanyang mga lektura ay labis na nabigla sa akin, at naghangad sa akin na maging isang mag-aaral sa elementarya at kumuha ng klase ng gurong ito! Kung mayroon akong guro noong bata pa ako, hindi ako makakagawa ng 400-salitang sanaysay sa panahong ito...]Nang makita ni Anne ang komentong ito, hindi niya maiwasang mapangiti. Iniunat ni Mary ang kanyang leeg upang tingnan ito, at ang kanyang bibig ay kumibot: "Masamang estudyante ang taong ito, tama ba? Mukhang hindi gumagana nang maayos ang utak niya."Pagkatapos sabihin iyon, si Mary ay nakaramdam ng pagkakas
THIRD PERSON POVKilala ang restaurant na ito para sa mga elite person. Dahil ang restaurant na ito ay tumatanggap lamang ng walong mesa ng mga kilalang bisita araw-araw. Ngayon, ang maliit na pisara sa pinto ay may nakasulat na. Only 1 table is available. Kung sinuswerte nga naman, pagdating lang ni Anne, sabay-sabay ding dumating si Jennie at ilan pang mga babae.Sinundan ng ina ni Vince na si Jennie ang limang mayayamang asawa ng mga negosyante at sabay na dumating sa pintuan ng Restaurant. Sa oras na ito, isa sa mga amiga nito ang unang nakakita kay Anne. "Hoy - Jennie, hindi ba si Anne ito yung magiging manugang mo?" Sabi ni Mrs. Sanvictores, na may ngiti sa kanyang mukha, ay masiglang naglakad at hinawakan ang kamay ni Anne. "Anne, matagal na kitang hindi nakikita. Miss na miss ka na ni tita." Gaya ng sinabi niya, si Mrs. Sanvictores ay tumingin ulit kay Jennie nang may paninibugho, "Naiinggit talaga ako sa iyo Jennie, nagkaroon ka ng isang mamanuganging kagaya ni Anne, hin
Agad na nakuha ng asawa ni Chairman Dave Sanvictores ang punto at tinitigan si Jennie nang may gulat. "Ano ba yan Jennie, nilagyan mo ng droga ang ininom ni Anne? Ang cheap mo naman!"Pagkasabi noon, medyo nakaramdam ng hiya si Mrs Sanvictores at dagdag pa niya, "Jennie, alam mo naman, prangka akong tao. Sinasabi ko lang kung ano ang nasa puso ko. Wala akong paligoy-ligoy, huwag mong dibdibin." Lalong nanigas ang mukha ni Jennie... Pero bago pa siya makapagsalita, muling nainis ang asawa ni Chairman Dave Sanvictores at padabog na nagstampida ng paa. "Hay naku naman Jennie!, ang sama mo naman! Pinagplanuhan mo ang magiging manugang mo, tao ka ba talaga? At saka, hindi ba gustong-gusto ng anak mo si Anne? Pagbalik niya, paano mo ipapaliwanag kung bakit ka gumawa ng ganitong walang puso at hindi makataong bagay? Bukod pa doon, bakit hindi na lang ang anak ko ang ipinlot mo? Ang dami na nating beses na nagsalo sa pagkain, alam mong gusto ko si Anne, pero hindi mo man lang ako sinabih
"Maganda kung ganun, dahil sa totoo lang wala akong kapatid na kagaya mo, kaya hindi ka na dapat nakikipag-ugnayan pa sa akin. At saka, kung gusto mong pagtawanan ako, mukhang hindi na yata yan mangyayari. Huwag mong kalimutan, Misis Valderama na ako ngayon. Kahit na bumagsak pa ang asawa ko , bilang isang Valderama ay igagalang pa rin ako sa buong Tondo!” "At saka, si Elaine, na pinakamamahal niyo, ano man ang gawin niya ay hinding hindi siya magiging Valderama."Hindi na ako nagtagal pa, in-screen shot ko ang tawag na iyon at pinatay ko diretso ang tawag ni Charles at ipinadala iyon kay Elaine."Elaine, tignan mo nga naman, si Charles mismo ang tumawag sa akin. Ang saya-saya ko!” Pagkatapos kong ipadala iyon, iniwan ko na ang cellphone ko at nagpatuloy ako sa pag-ihaw ng mga oysters.Kahit na may mga problema sa buhay, mas lalo ko nang na-appreciate ang pagiging medyo "makulit" na Anne ngayon. Iniiwasan ko na ang maging mabait at sunud-sunuran kanino man.Natigilan ako sa ginagawa
Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo
Sumunod agad ang isa pang executive ay nagmamadaling magpaliwanag."Oo, tama! Maganda nga iyan saka sa pagkaka-alam ko ang mga indgredients niyan ay organic kaya usually siyang pino-promote ng mga sikat na personalidad! Kaya din naging malakas ang item na yan. Alam ko long last iyan!” Mukhang unti-unting lumuluwag ang tensyon, pero biglang sumingit ang isang bagong executive."Tama! Hindi ibig sabihin nito na may problema si Mr. Valderama sa aspetong iyon!"Renz: ...Lahat ng nasa meeting: !!!Muling lumubog sa awkwardness sa buong paligid.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko at galit ko itong sinagot.Sa kabilang linya, malakas at tuwang-tuwang boses ni Direktor Manuel ang bumungad sa akin."HAHAHAHA... Hector, narinig kong hindi ka na daw tinatayuan?” Hindi ko mapigilan ang lalong magalit sa narinig ko. "Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?""Sino pa, edi ang Asawa mo! Siya mismo ang lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa kondisyon mo. HAHAHA! Hector, kung may nangyari sa'yo
Pagpasok ko pa lang sa loob ng principal’s office ay naglatag ng ilang picture si Principal Leoncio sa harapan ko. At ang mga picture na yun ay mga picture ko.Ang unang picture ay kuha noong araw na gusto akong hostage-in ng mga tauhan ni Papa sa harap mismo ng school.Sa isa pang picture, makikita akong nag-uutos sa mga bodyguard ng pamilya Valderama na itali ang mga taong iyon at dalhin sila sa teahouse sa kabila ng kalye kung saan naruruon ang Papa ko na nag-utos sa kanila.Sa anggulong ginamit sa kuha, nagmukha akong isang boss na matapang, may awtoridad, parang isang malaking boss sa isang mafia film.Nakita kong palihim na lumunok ng laway si Principal Leoncio , marahil ay natakot din siya..Dati, kaya pa niya akong kontrolin. Pero ngayon? Ibang Anne na ang nasa harap niya.Matagal siyang nag-isip bago maingat na nagsalita."Ganito kasi, Teacher Anne... may mga natanggap kaming reklamo mula sa maraming mga parents na may kasamang mga picture, at sinasabi nilang... nag-aalala s
Pinisil ko ang labi ko at ngumiti nang bahagya. "Sa totoo lang Mary, mas gusto ko ang sarili ko ngayon." Tinapik ni Mary ang balikat ko saka ngumiti "Dapat matagal mo nang ginawa 'yan!" Pero sa halip na mapangiti ako, naramdaman kong may bumabagabag pa rin sa akin. Napansin iyon ni Mary at sinulyapan ako. "Bakit? Tapos na ang pinakamalaking problema mo, pero mukhang hindi ka pa rin masaya?” Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin ito. Walang kinalaman ito tungkol sa nangyari sa akin. Dalawang gabi nang kakaiba ang ikinikilos ni Hector at hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang beses na niya akong tinatanggihan. Sa huli, napilit din nila akong magsalita. Pagkarinig pa lang niyon, napamura si Mary. "My God! Hindi na ba tumatayo ang tit* ni Hector?” “Hindi... hindi naman, hindi ganoon ang ibig kong sabihin ano ka ba yung bibig mo talaga nakakahiya kay Mrs.Sanvictores" mabilis kong sagot at pilit na ibinababa ang ulo ko. "Okay naman siya noon..." Umiling sa akin
"Naniniwala ako," sagot ko nang walang emosyon. "Pero alam mo naman ang ugali ni Papa, hindi ba? Tignan na lang natin kung paano ka niya paparusahan kapag nalaman niya ito." Sa sinabi ko kitang-kita ko kung paano siya napalunok at napaatras nang bahagya. Hindi na maitatago ang matinding takot sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi basta-basta palalampasin ni Papa ang ganitong usapin at kilala namin pareho kung paano magalit si Papa lalo na kung malalaman niyang iniiputan siya sa ulo ni Mama. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dati , noong biglang yakapin ng isang baliw si Mama , halos mapatay na siya ni Papa sa bugbog. Dun pa nga lang sa bagay na hindi naman niya ginawa, paano pa kaya ngayon kapag nalaman ni Papa na ginamit niya ang pera ni Papa para ibigay sa ibang lalaki bilang tip? “Hindi. Hindi dapat malaman ni Rolando.” Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Mama, ang kanyang mga ngipin ay mahigpit na nagkakaskasan habang nagsalita. "Hayop kang bata ka! Sabihi
ANNE POV Nararamdaman ko ang bigat ng tingin sa akin ni Mrs. Sanvictores. Mababakas sa kaniyang mukha ang pakiramdam ng naaawa sa sitwasyon ko, isang emosyon na matagal ko nang hindi natatanggap mula sa kahit na sino. Pero wala akong pakialam. Hindi na ako nagulat na ganyan ang reaksyon niya. Alam kong darating ang sandaling ito. Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko-si Mama, ang babaeng dapat ay nag-aruga at pumu-protekta sa akin, pero mas pinili niyang tratuhin ako na parang hindi niya anak. Walang bahid ng emosyon sa aking mukha nang bitawan ko ang isang pangalan. "I-a-n C-a-s-t-i-l-l-o." Binanggit ko ito ng dahan dahan. Agad siyang napaurong at ang kayabangan sa kaniyang mukha ay biglang naglaho. Kung titignan ang kulay ng mga labi ni Mama ay aakalain mong nakainom siya ng napaka-raming suka. Ang kaninang naka-arko niyang kilay at labing nakataas ay biglang bumagsak. At kagaya ng inaasahan ko. Ayun na nga. Ang biglaang desperasyon sa boses ni Mama. Ang mga balukto
Lumingon siya kina Mrs. Sanvictores at Mary.Tumango ang dalawa sa kanya, hudyat na handa na sila.Ilang saglit pa, isang tunog ng pagbukas ng kandado ang narinig.“Click.”Bumukas ang bakal na pinto ng detention center, at lumabas si Felyn na parang wala sa sarili.Magulo ang kanyang buhok, lukot ang kanyang suot na damit, at tila walang sigla ang kanyang mga mata habang naglalakad.Bago siya tuluyang lumabas, may sinabi pa ang isang staff ng detention center sa kanya.“Felyn, ngayong malaya ka na, sana naman ay maging mabuting tao ka na! Sumunod ka sa batas! Huwag mong balewalain ang isang paglabag. Kapag nilabag mo ulit ang batas, siguradong ipapadala ka ulit dito para sa administrative detention.”“Oh,” sagot ni Felyn nang walang emosyon, bago niya ibinaling ang tingin sa paligid, hinahanap kung sino ang sumundo sa kanya ang kanyang asawa ba? Si Elaine? O ang tatlo niyang anak na lalaki?Ngunit ang narinig lang niya ay ang sunod-sunod na pagbukas ng mga pinto ng sasakyan.Bang, b
HECTOR POVPagdating ng gabi ay bumalik na ako sa kwarto upang maligo.Pagkatapos kong maligo ay bumungad agad sa akin si Anne.Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ang sinturon ng kanyang windbreaker at itinali ito sa aking leeg.Napakagat ako sa loob ng pisngi at napatingin sa kanya, ang tinig ko ay bahagyang napaos. Hinila ko siya palapit at pinaupo sa aking kandungan. "Anne, sa tingin ko ay naging mabait naman ako ngayong araw. Wala naman akong maling sinabi, hindi ba? Maaari ko bang malaman kung bakit mo ako tinatali?"Hinila niya ang sinturon nang mas mahigpit, inilapit ako sa kanya, at saka niya ikinuskos ang kanyang ilong sa ilong ko. "Dahil gusto kitang itali rito, para hindi ka makaalis kahit saan."Napangiti ako at naalala ko ang plano niyang magkaanak kagabi. "Anne, mukhang hindi yata pwede. Kailangan kong pumunta sa study room at mag-overtime kasama si Renz ngayong gabi."Nakita kong nagbago agad ang ekspresyon niya hindi siya natuwa sa sinabi ko. Kaya agad niyang h