"Okay." maiksi kong sagot, saglit akong napatalikod at palihim na napaawang ang bibig ko. nagbibiro ka ba? Siyempre mamahalin ang singsing na ito, dahil ito ang marka na magsasabi sa lahat na asawa kita!At ayokong tanggalin ito dahil gusto kong ipagsigawan sa mundo na akin ka na Anne, na ikaw ang legal kong asawa! Sigaw ng isip ko.“Sweetie, ihahatid ka na muna namin ni Renz sa eskwelahan saka ako didiretso sa office ko.”“Okay sige, salamat”Habang nasa byahe kami ay hiniling ni Anne kay Renz na biglang ihinto ang sasakyan sa supermarket na aming madadaanan. Ilang minuto siya sa loob at hindi nagtagal ay lumabas siya kapit ang isang kahon ng chocolate. “Hector, magbigay ka nitong chocolate sa mga kasamahan mo, para magdala ng swerte sa pagsasama natin” Sa katunayan, gumawa siya ng desisyon nang magpasya siyang isuot ang singsing sa paaralan. Ngayong may asawa na siya at tuluyan nang binitawan ang nakaraan, hindi na niya ito maitatago kung saan-saan. Siya na ang asawa ni Hector ngay
Pakiramdam ni Anne lahat ng tao sa loob ng faculty office ay may kaniya kaniya ng haka-haka sa kanilang isip. At dahil kilala ang pamilya Valderama ay makikita ang iba’t ibang pagka dismaya sa kanilang mga mukha. "Ano ba kayo?! Maganda kaya ang flash marriage!" biglang sigaw ng isa sa mga guro. “Oo nga, saka kung yung mas matanda kay Vince ang napang-asawa niya, ibig sabihin mas okay yun. Paniguradong mas maayos na yun inside and out dahil matured na ito.”“Oo nga, tignan niyo nga ang sing-sing ni Anne, hindi iyan ma-a-afford ng isang simpleng tao lang, diba?”“And that’s for sure, sino ba namang hindi su-swertehin pag si guro Anne ang pinakasalan, maganda, sexy, matalino at mabait”Totoo naman iyon, asaran ng mga lalaki sa campus nuon na si Anne ang pinaka maganda sa lahat ng guro. Madaming mga binatang kalalakihan ang gusto siyang yayain lumabas. At ang mga lalaking yun ay kasama din nila ngayon. Gayunpaman, nang maglaon, nang mabalitaan ng lahat na mayroon siyang fiance, ang an
Nang marinig ko ang mga sinabi ni Mary natawa ako at sumang-ayon kay Mary. “Ang tawag doon ay blessing in disguise.”“Sige, sige, ikaw na ang award-winning na guro, at ako, isang guro ng pisikal na edukasyon, ay walang laban sa’yo. Anyway, halos pareho rin naman ang ibig sabihin.”“Ikaw talaga, kung ako ang naging guro mo sa English, malamang ikamatay ko ang pagka inis ko sayo.” tinignan ko ng masama si Mary dahil sa pang-aasar nito sa akin, ilang segundo kaming nagtagal sa ganuong posisyon bago ako tuluyang kumalma .“Okay lang yan Anne, matagal mo din namang gustong umalis sa bahay niyo. Ngayon na nailipat na ang rehistro mo, hindi na nila magagamit iyon para takutin ka at pilitin kang gawin ang mga bagay na ayaw mo. Bilang matalik mong kaibigan, umaasa pa rin ako na ito na ang simula ng mas maganda mong buhay.”Hinawakan ni Mary ang kamay niya at nagbabala: “Kung hindi maganda ang trato sa’yo ni Hector, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin. Ako, si Mary, ang ika-18 na henerasyo
Nakinig naman sa akin si Ms. Leoncio sa paliwanag ko pero nakita ko ang pagkainip sa kaniyang mukha. "Bakit hindi mo na lang aminin na hindi mo pa talaga kaya? At hindi ka pa eksperyensado? Bakit ang dami mong sinasabi!"Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito!, kung sabagay kagaya ng mga sabi-sabi nila. Sa loob ng maraming taon ni Ms. Leoncio bilang principal, ito ang unang beses na nakaranas siya mula sa isang bagong guro na hindi kaagad sinunod ang gusto niya! Kaya nagpigil ako ng hininga at mahinahon na nagsalita.“Ms. Leoncio, natatakot po ako na baka kapag dinagdag ko ang takdang aralin ng mga bata. Kasuhan na naman ako ng mga magulang dahil sa sobrang pressure para sa mga anak nila."Nang maramdaman ni Ms. Leoncio na nagsasalita ako pabalik sa mga sinasabi niya, nakita ko ang panlalamig sa kanyang mukha , kaya hindi na ako nabigla sa iniutos niya sa akin.“Sige Anne! Ngayon pumunta ka sa grupo ng mga magulang upang liwanagin ang bagay na ito sa lahat. Ano ang mga homework n
Matapos ipadala ni Mary ang mensahe sa asawa ko, agad kong binawi ang cellphone at pinandilatan siya ng mata. “Mary, ano ka ba? Nakakatanda sa atin si Hector. Hindi mo siya dapat kinausap nang gano’n.”“Wala akong pakialam kahit nakakatanda siya! Asawa mo siya, Anne, kaya ibig sabihin nun, kapantay ko na siya! Kung gusto niyang maging asawa ng bestfriend ko, dapat lang ipakita niya sa akin na karapat-dapat siya!” sagot ni Mary na may kasamang mataray na tingin.Walang pakialam, hinila ni Mary ang upuan at mayabang na ngumiti sa akin. Naantig ako sa ginawa niya, kaya hindi ko napigilang yakapin siya nang mahigpit. “Ikaw talaga ang pinaka-the best sa lahat.”Walang sinuman sa pamilya ko ang naging ganito kabait at maasikaso sa akin tulad ni Mary. Proud niyang itinaas ang ulo at sinabing, “Of course! Anne, tandaan mo ito—ang papel ko sa buhay mo bilang bestfriend mo ay habang buhay. Walang expiration, okay?!”“Okay!” sagot ko, sabay tawa.Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. “DING!” May
Matapos ipadala ang link sa mga kaibigan at kamag-anak, pakiramdam ni Hector ay hindi pa sapat iyon. Matingkad ang titig niya kay Renz at seryosong sinabi:"Magpadala kaagad ng emergency document, kinakailangang bumoto ang lahat ng empleyado ng kumpanya para sa asawa ko. Tatlong boto bawat tao bawat araw! Walang boto ang dapat maiwan! Sa madaling salita, hindi dapat matalo ang asawa ko!"“Naku naman boss, kaya ka ba nakasimangot kanina pa dahil lang dito?” nagtatakang tanong ni Renz“At saka, kailangan mong mag-ulat sakin bawat oras tungkol sa sitwasyon ng pagboto sa aking asawa. Kung sakaling mapunta siya sa 2nd place, kailangan nating mag-isip ng isang bagong plano." nakangiti kong sabi habang nag iisip "ano ba Renz! Ba't di ka magmadali?! Gusto mo bang mawala ang asawa ko?"Binato siya ni Hector ng tila isang matalim na kutsilyong nakatitig sa mga mata ni Renz, nakita niyang napapailing ito sa takot, at nagmamadaling kumilos para gawin ang mga pinapagawa ni Hector. Pagkatapos niy
Napabuntong-hininga si Charles. "Hindi kasi nakikinig ang nakababata kong kapatid. Napalo siya nina Mama at Papa ng ilang beses, kaya namaga ang mukha niya. Hindi siya makalabas ng bahay para humarap sa tao. Naisip ko na lang na kapag gumaling na ang mukha niya, saka ko siya dadalhin para humingi ng tawad sa'yo." Sinulyapan siya ni Damian. "Totoo ba?""Yes totoo ang sinasabi ko! Hindi mo kasi naiintindihan ang ugali ng mga magulang ko. Kakampi mo kami. Kasalanan lahat ito ng kapatid ko. Napaka-walang utang na loob niya!"Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Damian. "Charles, sasabihin ko sa'yo, talagang gusto ko ang kapatid mo. Simula nang makilala ko siya, pakiramdam ko lahat ng iba pang bagay sa labas ay walang kwenta. Masyadong mababaw at hindi pasado sa paningin ko. Bukod diyan, hindi na ako magsisinungaling sa'yo. Talagang gusto kong pakasalan si Teacher Anne. Bilang isang lalaki, dapat magpakasal ka sa isang mabuting babae na kayang mag-alaga ng pamilya at magturo sa mga anak
Nang makita niyang marahas na tinuturo ni Charles si Anne, gusto niyang tumayo at diretsong basagin ang mga daliri. Pero hindi niya magawa. Hindi niya makalimutang ang kanyang pagkatao para sa kalokohang bagay na ito. Si Charles na walang kaalam-alam na halos patay na siya sa paningin ni Hector ay pinandilatan ng mata si Anne na galit na galit na hindi makapagsalita.“Bilisan mo Anne, pumunta ka sa harapan ni Damian, anong tinatayo-tayo mo diyan!”Pagkasabi ni Charles ay kinuha niya ang upuan at pinaupo si Damian. Mabilis na umupo si Damian na animo’y isang hari, naka dikwatro siya, at mababang tinignan si Anne. Galit na galit si Anne sa ginawang iyon ni Charles, halos gusto na niyang sumabog sa sobrang galit! Bago pa man siya makapag salita, mariing hinaplos ni Hector ang likod ng kaniyang kamay at malamig na nag-tanong. “Excuse me, anong ginawa ng asawa ko sayo para humingi siya ng tawad?”Itinuro ni Charles ang ulo ni Damian.“Bakit? Nakita mo ang ginawa ng magaling kong kapatid
Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo
Sumunod agad ang isa pang executive ay nagmamadaling magpaliwanag."Oo, tama! Maganda nga iyan saka sa pagkaka-alam ko ang mga indgredients niyan ay organic kaya usually siyang pino-promote ng mga sikat na personalidad! Kaya din naging malakas ang item na yan. Alam ko long last iyan!” Mukhang unti-unting lumuluwag ang tensyon, pero biglang sumingit ang isang bagong executive."Tama! Hindi ibig sabihin nito na may problema si Mr. Valderama sa aspetong iyon!"Renz: ...Lahat ng nasa meeting: !!!Muling lumubog sa awkwardness sa buong paligid.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko at galit ko itong sinagot.Sa kabilang linya, malakas at tuwang-tuwang boses ni Direktor Manuel ang bumungad sa akin."HAHAHAHA... Hector, narinig kong hindi ka na daw tinatayuan?” Hindi ko mapigilan ang lalong magalit sa narinig ko. "Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?""Sino pa, edi ang Asawa mo! Siya mismo ang lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa kondisyon mo. HAHAHA! Hector, kung may nangyari sa'yo
Pagpasok ko pa lang sa loob ng principal’s office ay naglatag ng ilang picture si Principal Leoncio sa harapan ko. At ang mga picture na yun ay mga picture ko.Ang unang picture ay kuha noong araw na gusto akong hostage-in ng mga tauhan ni Papa sa harap mismo ng school.Sa isa pang picture, makikita akong nag-uutos sa mga bodyguard ng pamilya Valderama na itali ang mga taong iyon at dalhin sila sa teahouse sa kabila ng kalye kung saan naruruon ang Papa ko na nag-utos sa kanila.Sa anggulong ginamit sa kuha, nagmukha akong isang boss na matapang, may awtoridad, parang isang malaking boss sa isang mafia film.Nakita kong palihim na lumunok ng laway si Principal Leoncio , marahil ay natakot din siya..Dati, kaya pa niya akong kontrolin. Pero ngayon? Ibang Anne na ang nasa harap niya.Matagal siyang nag-isip bago maingat na nagsalita."Ganito kasi, Teacher Anne... may mga natanggap kaming reklamo mula sa maraming mga parents na may kasamang mga picture, at sinasabi nilang... nag-aalala s
Pinisil ko ang labi ko at ngumiti nang bahagya. "Sa totoo lang Mary, mas gusto ko ang sarili ko ngayon." Tinapik ni Mary ang balikat ko saka ngumiti "Dapat matagal mo nang ginawa 'yan!" Pero sa halip na mapangiti ako, naramdaman kong may bumabagabag pa rin sa akin. Napansin iyon ni Mary at sinulyapan ako. "Bakit? Tapos na ang pinakamalaking problema mo, pero mukhang hindi ka pa rin masaya?” Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin ito. Walang kinalaman ito tungkol sa nangyari sa akin. Dalawang gabi nang kakaiba ang ikinikilos ni Hector at hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang beses na niya akong tinatanggihan. Sa huli, napilit din nila akong magsalita. Pagkarinig pa lang niyon, napamura si Mary. "My God! Hindi na ba tumatayo ang tit* ni Hector?” “Hindi... hindi naman, hindi ganoon ang ibig kong sabihin ano ka ba yung bibig mo talaga nakakahiya kay Mrs.Sanvictores" mabilis kong sagot at pilit na ibinababa ang ulo ko. "Okay naman siya noon..." Umiling sa akin
"Naniniwala ako," sagot ko nang walang emosyon. "Pero alam mo naman ang ugali ni Papa, hindi ba? Tignan na lang natin kung paano ka niya paparusahan kapag nalaman niya ito." Sa sinabi ko kitang-kita ko kung paano siya napalunok at napaatras nang bahagya. Hindi na maitatago ang matinding takot sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi basta-basta palalampasin ni Papa ang ganitong usapin at kilala namin pareho kung paano magalit si Papa lalo na kung malalaman niyang iniiputan siya sa ulo ni Mama. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dati , noong biglang yakapin ng isang baliw si Mama , halos mapatay na siya ni Papa sa bugbog. Dun pa nga lang sa bagay na hindi naman niya ginawa, paano pa kaya ngayon kapag nalaman ni Papa na ginamit niya ang pera ni Papa para ibigay sa ibang lalaki bilang tip? “Hindi. Hindi dapat malaman ni Rolando.” Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Mama, ang kanyang mga ngipin ay mahigpit na nagkakaskasan habang nagsalita. "Hayop kang bata ka! Sabihi
ANNE POV Nararamdaman ko ang bigat ng tingin sa akin ni Mrs. Sanvictores. Mababakas sa kaniyang mukha ang pakiramdam ng naaawa sa sitwasyon ko, isang emosyon na matagal ko nang hindi natatanggap mula sa kahit na sino. Pero wala akong pakialam. Hindi na ako nagulat na ganyan ang reaksyon niya. Alam kong darating ang sandaling ito. Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko-si Mama, ang babaeng dapat ay nag-aruga at pumu-protekta sa akin, pero mas pinili niyang tratuhin ako na parang hindi niya anak. Walang bahid ng emosyon sa aking mukha nang bitawan ko ang isang pangalan. "I-a-n C-a-s-t-i-l-l-o." Binanggit ko ito ng dahan dahan. Agad siyang napaurong at ang kayabangan sa kaniyang mukha ay biglang naglaho. Kung titignan ang kulay ng mga labi ni Mama ay aakalain mong nakainom siya ng napaka-raming suka. Ang kaninang naka-arko niyang kilay at labing nakataas ay biglang bumagsak. At kagaya ng inaasahan ko. Ayun na nga. Ang biglaang desperasyon sa boses ni Mama. Ang mga balukto
Lumingon siya kina Mrs. Sanvictores at Mary.Tumango ang dalawa sa kanya, hudyat na handa na sila.Ilang saglit pa, isang tunog ng pagbukas ng kandado ang narinig.“Click.”Bumukas ang bakal na pinto ng detention center, at lumabas si Felyn na parang wala sa sarili.Magulo ang kanyang buhok, lukot ang kanyang suot na damit, at tila walang sigla ang kanyang mga mata habang naglalakad.Bago siya tuluyang lumabas, may sinabi pa ang isang staff ng detention center sa kanya.“Felyn, ngayong malaya ka na, sana naman ay maging mabuting tao ka na! Sumunod ka sa batas! Huwag mong balewalain ang isang paglabag. Kapag nilabag mo ulit ang batas, siguradong ipapadala ka ulit dito para sa administrative detention.”“Oh,” sagot ni Felyn nang walang emosyon, bago niya ibinaling ang tingin sa paligid, hinahanap kung sino ang sumundo sa kanya ang kanyang asawa ba? Si Elaine? O ang tatlo niyang anak na lalaki?Ngunit ang narinig lang niya ay ang sunod-sunod na pagbukas ng mga pinto ng sasakyan.Bang, b
HECTOR POVPagdating ng gabi ay bumalik na ako sa kwarto upang maligo.Pagkatapos kong maligo ay bumungad agad sa akin si Anne.Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ang sinturon ng kanyang windbreaker at itinali ito sa aking leeg.Napakagat ako sa loob ng pisngi at napatingin sa kanya, ang tinig ko ay bahagyang napaos. Hinila ko siya palapit at pinaupo sa aking kandungan. "Anne, sa tingin ko ay naging mabait naman ako ngayong araw. Wala naman akong maling sinabi, hindi ba? Maaari ko bang malaman kung bakit mo ako tinatali?"Hinila niya ang sinturon nang mas mahigpit, inilapit ako sa kanya, at saka niya ikinuskos ang kanyang ilong sa ilong ko. "Dahil gusto kitang itali rito, para hindi ka makaalis kahit saan."Napangiti ako at naalala ko ang plano niyang magkaanak kagabi. "Anne, mukhang hindi yata pwede. Kailangan kong pumunta sa study room at mag-overtime kasama si Renz ngayong gabi."Nakita kong nagbago agad ang ekspresyon niya hindi siya natuwa sa sinabi ko. Kaya agad niyang h
Natahimik ako sandali.Si Euleen? Halos sumabog na.Nang marinig ko ang salitang "baby ko" mula kay Hector, hindi ko napigilang umangat ang sulok ng aking labi. May kakaibang kilig na dumaloy sa katawan ko, at hindi ko namalayang nagpakita ako ng isang mahinhin at mahiyaing ekspresyon tulad ng isang babaeng lubos na inaalagaan.Sa kabilang banda, si Euleen naman ay mukhang aatakihin na sa puso.Binaba ko ang tawag at mabilis kong kinuha ang bag ko mula kay Euleen habang siya ay naiwang tulala pa rin, saka ako umalis na hindi man lang lumingon.Naiwan siyang nakatitig sa aking likuran, ang tingin niya ay halos magyelo sa sobrang lamig.Hindi niya inaasahan na si Hector ang lalaking kilala sa pagiging matigas at walang inuurungan ay may ganitong klaseng pagka sweet at may matinding pagpapahalaga sa babae.At ang mas masakit pa rito? Ang lahat ng ito ay para sa akin.Ako.Ako na labis niyang kinaiinisan.Paanong hindi siya magagalit nang ganoon na lang?THIRD PERSON POVSa puntong ito, l