Nanlaki ang mga mata ni Luigi at nagsalita “ibig mong sabihin, drinoga ka ng hipag mong yun?” Magiliw siyang tumango na animo’y gusto din niya ang ngyari . “Pero teka lang, hindi ba mataas ang dosage mo sa mga drogang ganun?! Teka nga. Diba lagi mo lang naman nilulubog ang sarili mo sa malamig na tubig kapag ngyayari yun sayo? Kahit nga halos mamatay ka na sa dami ng dugong nawawala sayo kayang-kaya mo. Pero ngayon?... talagang natulog ka sa tabi ni Anne? Knowing na nag-sex talaga kayo?” halos pahina ng pahina naman ang boses ni Luigi habang sinasabi ito. Tila hindi siya naniniwalang dahil ito sa drogang nainom niya. Bahagyang tumaas ang gilid na bahagi ng labi ni Hector ng may halong pang-aasar sa mga kaibigan. “Anong magagawa ko? Nung nakita ko siya, lalo lang nagliyab ang pakiramdam ko. Hindi ko na makontrol ang sarili ko kaya sinunggaban ko kagad kesa mawala pa sakin.” “O wow! Talaga lang? Sa dinami-dami ng babaeng nakakasama mo ngayon ka lang nagkaganyan.” Tumaw
ANNE POVNang makarating ako sa unit na binigay sakin ni Hector sa Forbes Park, nakita ko ang kagandan ng buong paligid. Kaya napag-desisyunan kong libutin ang mga facility nila at nakita ko ang luntiang paligid ng komunidad. Parang lahat ng mga halaman ay inayos ng mga land scaper sa perpektong pagkakahubog. Na-appreciate ko din ang ramp passage para sa mga disabled person , kaya panigurado akong ito ang dahilan ni Hector kaya niya kinuha ang penthouse unit na ito. Nang marating ko na ang 21st floor. Hindi ako makapaniwalang ganito kalaki ang unit na binigay ni Hector para sa akin, isang unit para sa buong floor. Wala akong kahit na isang kapitbahay. Pagbukas ng elevator ay diretso na ito kaagad sa aking unit, maganda ito lalo na sa mga kagaya kong hindi mahilig sa social life. Dahil sa may card key ang elevator hindi naman ito basta-basta mapapasok ng kahit na sino. Pagbukas ko sa malaking pintuan gamit ang electronic card, ay bumungad sa akin ang isang malaking floor-to-ceiling na
THIRD PERSON POVTumingin si Anne sa mga platong hinanda niya sa lamesa, tumingin siya kay Hector at nagtanong, “kumain ka na ba?”“Hindi pa…” sagot nito sa asawa“Ipagsasandok na kita ng kanin, sabay na tayong kumain”“Okay”Masayang nakamasid si Hector sa asawa habang nakatalikod ito sa kaniya at nagsasandok ng pagkain. Hindi niya maiwasan ang pasimpleng mapangiti sa kilig sa lalong pagkahumaling na kaniyang nararamdaman. Pagharap nito ay isang simple ngiti ang kaniyang ibinigay habang nilalapag ni Anne ang isang plato ng tinolang isda. Nang magsimula na silang kumain ay naglakas loob na mag suggest si Anne. “um.. Hector ano kaya kung i save natin ang number ng isa’t isa sa whats*pp para kung may mga importante tayong kailangan sa isa’t-isa ay madali tayong magka-kontakan?”Pagkasabi niya, biglang tumunog ang cellphone ni Anne na nasa lamesa. Isang tunog ng “ding” at lumiwanag ang screen. Nagkatinginan silang dalawa at nakita niya ang notification ng Whattsa*pp mula kay Vince. Nangi
ANNE POV“Ako ng bahala dito Hector. Saan mo gustong magpahinga?” tanong ko sa aking asawa.“Siguro sa study room na lang muna ako, may mga kailangan lang akong asikasuhin.” sabi niya sa akin. Itinulak ko na ang kaniyang wheelchair hangggang sa study room.Pagkatapos ay bumalik na ako sa kusina para ligpitin ang aming pinagkainan. Hindi na din ako nagtagal sa kusina , pagkalinis ko sa aming pinagkainan ay nagtungo na ako sa aming kwarto . Pagdating ko ay nandun na si Hector na nakahiga at nagre-relax. Dumiretso ako sa study table ko at hinanda ko na ang mga exam para sa mga estudyante ko kinabukasan, hindi ko siya masyadong binigyan ng pansin, sa dami ng gawain ay inabot na ako ng hanggang alas diyes ng gabi. Pagkasarado ko ng laptop, biglang tumunog ang telepono ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay nawala na naman ako sa mood. Napabuntong hininga ako saka ko sinagot ang tawag.“O Kuya Charles bakit?” pagsagot na pagkasagot ko sa tawag, isang nakakarinding bulyaw ng kapatid
“Maging masunurin ka na lang sakin Anne! Makinig ka sa payo ko, ibaba mo ang pride mo, pakisamahan si Damian, at magpanggap kang kunwari ay gusto mo rin siya. Ganun lang ang nangyayari sa pagitan ng lalaki at babae. Pagkatapos mong ayusin si Damian, magiging asawa ka na ng isa sa pinaka-makapangyarihang tao sa bansa."Ipinikit ko ang mata ko sa kahihiyan, sa lahat ng mga pinagsasasabi ng kuya ko parang ako ang nakaramdam ng hiya sa kaniya. Halos bumaliktad ang sikmura ko habang patuloy siyang nagsasalita na animo’y baliwala sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Damian sa akin. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko, halos madurog ang cellphone ko sa tainga ko. Diring-diri ako sa pamilyang meron ako! Huminga ako ng malalim saka ko siya mahinahon na tinanong“Kuya, naririnig mo ba ang sinasabi mo?”Natulala si Kuya Charles sa pagiging palaban ko sa kanila, ngayon lang ako nakasagot sa kanila ng ganito pero wala na akong pakielam. “Hinihiling mo sa kapatid mo ang makisiping sa isang lal
Sa sobrang galit ko gusto kong maghiganti sa kanila! Sa oras na magkaroon ako ng pagkakataon sa hinaharap, ipararanas ko sa kanila ang sakit na idinulot nila sa akin! Huminga ako nang malalim at nagpasya. Kalamado akong nagsalita kay Kuya. “Kuya Charles wala ka ng pakielam kung sino ang pinakasalan ko. Anyway, wala naman itong kinalaman sayo. Simula ngayong araw, tinatapos ko na ang pagiging magkapatid natin. Wala na akong Kuya. Wala na akong nakakatandang kapatid mag mula ngayon! Tandaan mo yan Charles!” Pagkasabi ko sa kaniya ng lahat ng yun, gumaan ang pakiramdam ko. “Sige na Charles, ngayong gabi ang unang gabi ng kasal ko, at sana naman irespeto niyo ang wedding night ko! Ayoko ng makipag-usap pa sayo! At wala ka ng ibang detalyeng makukuha sakin, kailangan ko pang bumalik sa piling ng asawa ko para sa aming baby time!”Hindi ko na hinintay na sumagot sa akin si Charles at pinatayan ko na siya ng telepono . Pag angat ko ng aking mukha ay narinig ko ang masaya at mapanuksong b
Naisip ko na tama naman si Hector. Mag-asawa naman kami, at nasa sarili naming bahay kami, kaya’t wala siyang dapat ipag-alala. “Sige, pero konti lang a…,” sagot ko kay Hector ng nakangiti. Kinuha ko ang baso na may red wine, kaunti kong tinikman ito at nagulat ako sa sarap ng lasa nito. “Wow… ang tamis nga aa…”“But you are more sweeter than that sweetie.”Nakita ko ang bahagyang pag arko ng mga labi ni Hector at napangiti, itinaas niya ang braso at malambing na hinaplos ang aking kamay, ang pagtatama ng aming baso ay lumikha ng malutong na tunog. Malapot kaming magka-titigan habang iniinom ang alak sa aming baso. “Happy Wedding … Mrs. Valderama”“Happy Wedding Hector”“You look so beautiful Anne…” nakangiti niyang sabi sa akin. Lalo siyang lumapit sa akin.Nailang ako panandalian “a… thank you Hector”. THIRD PERSON POVMuling lumagok si Anne mula sa basong may laman ng wine, kitang kita ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Pero kahit na hindi pa siya nakakapag-inom ay alam niyang mama
“Anong ngyari ngayon? Bakit parang ang layo din ng loob niya sayo?” “Siguro kasi, paulit ulit na ganuon ang ngyayari sa amin. Lumilipas ang taon at ganun ang palaging sinasabi ni Mama sa kaniya kaya siguro tumatak nAnnen sa utak niya, sa sobrang kaka brain wash nila nagkaruon ng poot sakin ang mga kapatid ko. Kung anong rason nila? Hindi ko din alam!” Pilit na inabot sa akin ni Hector ang dalawang envelope kaya’t tinatanggap na din niya ito ng maluwag sa kaniyang puso “Okay lang Hector kung matawa ka sa naging reaksyon ko, sa totoo lang unang beses kong nakakapit ng sobreng pula sa mga kamay ko ng hindi kinukuha” Napatingin si Anne sa bulaklak na binigay ni Hector at muling nagpasalamat “saka sa pa-bulaklak mo, salamat..ngayon lang ako nakatanggap ng boquet of roses sa buong buhay ko” HECTOR VALDERAMASaglit akong natigilan. Nakakabilib talaga si Anne dahil malayo ang ugali niya sa pamilya niya. Nakaramdam ako ng awa sa asawa ko ng makita ko ang mamula mula niyang mata ng m
Ngunit agad na tumayo si Joana at hinarang siya na may bantang nakasulyap kay Elaine "Anong balak mong gawin? Gusto mong hawakan ang ama ng anak ko? Sinasabi ko sa'yo, hindi mo na magagawa ‘yan! Dati, wala akong karapatan. Pero ngayon na buntis ako, hinding-hindi ko papayagan ang kahit sino na manggulo sa relasyon namin ng ama ng aking anak!" "Ah—! Walanghiya kang babae!" Galit na napasigaw si Elaine. "Anong pinagsasabi mo! Hindi mo naman siya asawa!" "Pero ipinagbubuntis ko ang ika-apat na henerasyon ng pamilya Valderama! Sabi ng manghuhula, malaki ang posibilidad na lalaki ang anak ko! Ano sa tingin mo ang halaga ko ngayon?" "Ulol ka! Gusto mong magkaanak ng lalaki? Nananaginip ka!" Hindi matanggap ni Elaine ang sinabi ni Joana kaya sinagot niya ito ng matalim, "Sa tingin ko, babae lang ang laman ng tiyan mo! At kahit ano pa ‘yan, hindi pa sigurado kung maisisilang mo nang maayos!" Nang marinig ni Joana na isinumpa ang kanyang anak, agad siyang nakipagtalo kay Elaine. Lalong
Narinig ni Anne ang pagsusuri ni Hector at mas lalo niya itong hinangaan. Sa sitwasyong ito, naisip pa rin nitong maging responsable sa mga shareholders. Mas malawak ang pananaw niya kumpara kay Vince. Alam niyang hindi tama na pagkumparahin niya ang dalawa pero hindi niya maiwasan na ang laki ng pagkakaiba ng mag tiyuhin na ito! Tumango si Donya Estrelita bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Hector. "Sa ngayon, isa lang ang dapat gawin—patagalin muna natin ito! Kailangan natin ng oras para makapaghanda at malaman natin ang totoong nangyari. Hayaan muna natin si Joana manatili dito, pagkatapos, alamin ng mga tao mo Hector ang sitwasyon ng pamilya ni Joana. Kasabay nito, kailangang suriin niyo kung may posibilidad na hindi kay Vince ang batang ito." Sumagot si Hector ng maikling pagtango. Tumango rin si Henry nang may kasiguraduhan, saka tumingin kay Vince at sinabi ng seryoso, "Dapat kang matuto sa tiyuhin mo. Huwag kang mataranta kapag may nangyayari, dapat magkaruon ka ng diskar
Si Vince ay natulala gayun din ang iba pang tao sa loob ng silidMayabang namang nagsalita si Hector "Ang asawa sa pakiramdam na mahal ako ng asawa ko!” "Kung may sasabihin ka man, gawin mo iyon ng maayos. Kung hindi mo gagalangin ang Uncle mo at babastusin mo siya, i swear Vince bilang asawa niya ay hindi ko iyon palalampasin!” bPagkatapos ng sinabi ni Anne, naramdaman ni Vince na parang may malalim at mababaw na sugat na umabot sa kanyang puso."At hindi mo ba alam kung para kanino ginagawa ito ng Uncle mo?"Hindi alam ni Vince kung tatawa o iiyak ba siya "Para ba sa akin?""Vince, kahit na galit ka sa akin at kahit na sa tingin mo ay ginagawa ko ito ng sinasadya wala na akong magagawa dahil yan ang opinyon mo. Pero kahit na anu pang isipin mo, pamangkin kita at tiyuhin mo ako. Magkapareho tayo ng apelyido at iisa ang pamilyang pinagmulan natin. Sa tingin mo ba sasaktan kita?"Itinaas ni Hector ang kanyang kilay at tiningnan si Vince ng kalmado.Ngunit si Vince ay labis na nagulat
Muling nagulo ang emosyon ni Joana dahil sa pamilya Valderama. Pakiramdam niya ay nawawala siya sa sarili.Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya at nagsalita:"Noong araw na iyon, may nangyari sa pamilya ko. Sinamahan ako ni Kuya Vince pabalik sa probinsya para asikasuhin ito, kaya kinuha rin niya ang dividend card sa bahay nila."Sandali siyang tumigil, pagkatapos ay tiningnan niya si Anne."At ang araw na iyon... ay siya ring araw nang dalhin ni Ate Anne ang ina ni Kuya Vince sa istasyon ng pulisya..."Sa totoo lang ang gusto niyang palabasin ay si Anne ang may kasalanan ng lahat ng ito! Tumagilid ang mukha ni Anne, at narinig niyang magpatuloy si Joana sa pagsasalita."Masama ang mood ni Kuya noong araw na iyon kaya uminom siya ng maraming alak, at pagkatapos... inisip niya akong si Ate Anne..."Sumabay ang mapait na tawa ni Anne. Inaayawan siya ni Vince!Ayos lang, hindi siya yung klase ng tao na madaling maayawan."Joana, hindi mo yata akalaing na hindi lahat ng tao dito a
[Henry: ...Humihingi ka ba talaga ng pasensya? Malinaw na sinusulit mo lang ang pagkakataon para ipakita ang lambingan niyo!]Matapos itanong ni Anne ang tungkol sa kalagayan ni Hector, naalala niya ang sinabi ni Donya Estrelita.“Kuya pinapatawag ka ni Mama, nanduon si Joana. Sinasabi niyang buntis siya at may abugado din na gumagawa ng kasulatan para sa kanilang utang niya kay Vince.”“Anong kalokohan ito!” mabilis na tumayo si Henry at nagtungo sa silid ni Donya Estrelita.Nang makaalis si Henry ay agad din siyang sinundan ni Hector."Halika, itulak mo ako papunta sa kwarto ni Mama. Manonood tayo ng kaguluhan."Hindi nakapagsalita si Anne sa pagiging tsismoso ng kaniyang asawa. Habang dumaraan sila sa sala, nakasalubong nila sina Felix at Cielo. Ipinaliwanag ni Hector ang sitwasyon."Bilang tiyuhin at tiyahin ni Vince, pupunta rin ba kayo para makita ang kaguluhang iyon?"Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad siyang bumawi "Ay, mali, ibig kong sabihin... pupunta ba kayo para mag
Pero hindi ko inasahan na magiging ganito ang reaksyon ni Vince nang malaman niyang hindi ko ininom ang birth control pills na binigay niya. Gusto ko lang sanang manipulahin ang sitwasyon, pero ang galit na nakita ko sa mukha ni Vince ay mas malupit pa kaysa sa inaasahan ko.Wala na akong ibang mapuntahan kundi ang pamilya Valderama. Alam kong makakahanap ako ng tulong sa kanila. Ang mga mayayaman at makapangyarihan ay pinahahalagahan ang kanilang mga tagapagmana. Hindi nila hahayaan na mawala ang sariling dugo at laman ng pamilya nila."Lola, tulad ng nakikita ninyo, buntis ako sa anak ni Vince. Isang aksidente ang pagdating ng batang ito, pero..." Habang sinasabi ko ito, tumingin ako kay Anne. Hindi ko kayang tingnan siya ng diretso sa mata, kaya't nahihiya kong inilihis ang aking tingin."Pero, Lola, wala akong kakayahang palakihin siya. Lalo na't si Kuya Vince ay napakaraming naitulong sa aming pamilya noon. Kumuha pa siya ng isang milyong piso mula sa dividend card para matulunga
Isang malambing na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Donya Estrelita, at marahan niyang hinaplos ang likod ng aking ulo. “Tsk, napaka-inosente mo talagang bata ka. Kaya gustong-gusto kita,” sabi niya, at muling nagbigay ng init sa aking puso.Ngunit bago ko pa man makasagot, dumating muli ang katulong at yumuko. “Donya Estrelita, ipinaabot po ng babaeng nasa labas ang isang… visiting card.”Mabilis akong kumalas mula sa yakap ni Donya Estrelita, pinahid ko ang mga luha ko sa sulok ng aking mata, at napansin ko ang alanganing ekspresyon ng katulong habang hawak nito ang isang B-ultrasound form. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero pakiramdam ko’y isang malaking bagay ang mangyayari.Kinuha ito ni Donya Estrelita at may bahagyang pangungutyang ngiti sa labi. “Papasukin mo siya.”Napamulagat ang aking mga mata.Buntis si Joana... kay Vince?!Ibig sabihin, kahit hindi pumayag si Vince na makipaghiwalay sa kanya noon, nagawa pa rin niyang buntisin si Joana?!Anong klaseng hayop siya?!
Nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng doorbell, agad na lumaba ang katulong para silipin kung sino ito. Tila may bisita na hindi namin inaasahan. Maya maya ay lumalakad papasok ang katulong at kinausap si Donya Estrelita"Donya Estrelita, may babae po sa labas, ang pangalan daw niya ay Joana. Sabi niya, kasamahan daw po siya ni Sir Vince. Sabi niya gusto raw niya kayong makita," sabi ng katulong Naputol ang magulong mga saloobin ko nang marinig ko iyon. Parang nagkaroon ng biglaang katahimikan sa aking paligid at tila ang bawat tunog ay naging mas malinaw sa aking pandinig. Lumingon ako kay Donya Estrelita. Matalim ang kanyang tingin, at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip."Huwag mong papasukin. Ayoko siyang makita!" Sigaw niya, habang ang kanyang kamay ay iniunat at parang padabog na nagsalita. Ang lakas ng kanyang boses ay parang nagbigay ng malamig na hangin sa buong silid.Tumayo siya at kinuha ang isang kulay green jade bracelet. Agad niya itong isinuot sa aking pu
*"Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong kalaking bagay sa pamilya sa panahong ito! Anne, hindi mo ginusto ang pagpapakasal sa anak ko at alam kong napilitan ka lang. Kung ayaw mo talaga... maaari pa akong magsalita ng ilang salita, at hindi kita pipilitin na manatili." Napakagaan ng loob ko sa kanya. Ma, handa akong magsikap upang maging mabuting asawa ni Hector." Nangilid ang luha sa mga mata ni Donya Estrelita, luha ng kaginhawahan at sunod-sunod siyang tumango "Good, good! Sa totoo lang, si Hector ay talagang mabuting tao. Kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa kanya, siya ay aking sariling laman at dugo. Kaya alam ko ang totoo! Ang tatlong magkakapatid na ito ay may iba’t ibang personalidad, iba’t ibang hilig, at iba’t ibang paraan ng paggawa ng mga bagay, ngunit lahat sila ay karapat-dapat sa tradisyon ng pamilya Valderama!" Sa labis na emosyon, mahigpit na hinawakan ni Donya Estrelita ang kamay ni Anne "Kung ganoon, ipagkakatiwala ko na sa iyo ang