Share

Chapter 3

STEVEN KYLE DELA VIDA

Well, alam ko naman na ang ginagawa ko eh, sadyang ganyan lang si Daddy. He's too caring. One month ng nasa America sila kaya ako muna ang namamahala sa company. Napilitan lang akong umuwi dito sa Pilipinas from Hawaii cause I have to.

Kailangan ni Mom ang matreat ng mabuti kasi nasa critical condition na siya sa sakit niyang breast cancer. For the sake of our family and our business umuwi ako at iniwan si Sandra.

"OKAY DAD" sabi ko nalang at binaba ko na.

Speaking of Sandra, she's calling

"YES HON?" sagot ko

"VIDEO CALL TAYO HON" she said. What the f*ck! Hindi pwede dahil makikita niya na nasa hospital ako.

"HON LATER NALANG. I'M ON A MEETING HON" palusot ko.

"WRONG TIMING NA NAMAN AKO. PALAGI NALANG GANITO" pagsusumamo niya. Alam ko na naman ang reaction niya ngayon, nakasimangot na naman at naka pout ang labi. She's so cute.

"SORRY HON, I WILL CALL YOU LATER KAPAG HINDI NA AKO BUSY" pagsusuyo ko

"KYLE I MISS YOU ALREADY! KAILAN KA BABALIK DITO?"

"I DON'T KNOW HON. ALAM MO NAMAN ANG REASON KO WHY I'M HERE RIGHT?" pagsusuyo ko parin.

"PERO HON ONE MONTH IS TOO LONG NA" pagdradrama niya.

"HON UNDERSTAND ME PLEASE! JUST FOR ONCE. ALAM MO NAMAN NA KAILANGAN AKO NINA DADDY AT MOMMY" paliwanag ko. Hindi siya nagsalita at may narinig akong boses ng lalake saying 'let's go'

"KYLE I HAVE TO GO" saka na nito pinatay. Sanay na ako na ako ang nabababaan ng tawag mula sa kanya. Alam ko rin na marami siyang kaibigan na lalake pero hindi ko yun binibigyan ng pansin because I trust her and I love her.

Pero minsan matopak siya, minsan hindi siya nakakaintindi sa mga sitwasyon ko tulad ngayon. Kahit naman gustuhin kong bumalik sa kanya hindi pa pwede dahil ako lang ang inaasahan ni Daddy na mang manage sa kumpanya namin. Tsaka hindi basta-basta nagtitiwala si Daddy kung sino-sino lang maliban kay Evander.

One month na ako dito sa Pilipinas at simula ng umalis ako sa Hawaii dalawang beses lang kami nag usap ni Sandra through video call. Ayaw ko kasing nakikita siya dahil mas lalo ko lang siyang namimiss and I need to focus here.

NAZLI LEIN ALCANTARA

Bwiset na lalakeng iyon! Sinabihan ba naman niya ako ng STUPID!? Anong klaseng lalake yun? Ang gwapo -gwapo tapos ganun siya mag treat sa mga babae?

Bwiset talaga siya! Dalangin ko na sana hindi na muling magkrus ang aming landas dahil kung mangyari man yu naku! hindi ko na alam ang gagawin ko sa bwiset na lalaking iyon! sayang lang ang pagod ko!

I wasted my time to him and honestly that's the bullsh*t I've ever done! Nakarating ako sa bahay na bwiset na bwiset. Uminom muna ako ng tubig at pinapakalma ang aking sarili ng magring ang cellphone ko. At sino naman kaya ito? Sumasabay pa sa init ng ulo!

"YES HELLO? SINO TO?" sarkastikong tanong ko. Hangover pa sa init ng ulo ba hahaha. Hey hindi lang sa mga lasing nagkakaroon ng hangover no? pati din sa sakit ng ulo!

"HOW ARE YOU MS. NAZLI?" wika ng kabilang linya. Familiar ang boses sa akin and if I'm not mistaken si Master ito.

"OKAY LANG PO SIR BAKIT PO KAYO NAPATAWAG?" tanong ko.

Obviously Nazli! Dalawa lang ang dahilan, una ay papagalitan ka niya dahil binastos mo ang anak niya o dikaya'y para pabalikin ka niya para bantayan ang monster na lalaking yun.

"PLEASE MS. NAZLI I'M BEGGING YOU TO STAY WITH MY SON. BANTAYAN MO SIYA" he's pleasing me. Tama ako ng hinala.

"WALA KAMI DIYAN SA PILIPINAS PARA BANTAYAN SIYA L, I TRUST YOU MS NAZLI PLEASE!" paki-usap niya muli. My heart melted honestly. I missed my Dad too! 

Swerte pa yung damuhong lalaking yun dahil may ama siya na nag aalala sa kanya samantalang ako wala na akong ama simula nung nagloko ang nanay ko at sinamahan pa ng nag-iisa kong kapatid.

Naiinis ako sa kanila! Hindi sana namatay si Daddy at sana hindi ako nagtitiis bilang announcer sa pinapasukan kong mall! Hindi sa ganitong buhay ang pinangarap at ginusto ko!

"SIR, I'M SORRY PERO HINDI KO MAIBIBIGAY ANG KAHILINGAN MO. NAPAKA BIPOLAR PO NG ANAK NIYO SIR " I honestly stated.

"BUT MS. NAZLI AS A FATHER PLEASE! GIVE ME FAVOR I WILL DOUBLE YOUR SALARY OR I WILL GIVE YOU EVERYTHING YOU WANT" pagpapatuloy nito. Naiinis ako pero naaawa rin.

"SIR IT'S NOT ALL ABOUT MONEY" taas noo kong sagot.

"I KNOW MS. NAZLI BUT I'M BEGGING YOU PLEASE!" halos maiyak na ang matanda. 

O sino naman ako para hindi lumambot ang puso? kahit papaano may awa at malasakit ako.

"OKAY SIR I WILL" pagtatapos ko.

"THANK YOU SO MUCH MS NAZLI! BASTA PAGTIYAGAN MO LAMANG SI KYLE AND I ASSURE THAT HE IS KIND" pagbibida pa nito sa bwiset na anak niya.

"SIGE SIR TRY KONG PAKISAMAHAN SIYA" sagot ko rin.

"OKAY AGAIN THANK YOU! MAGPAHINGA KANA AT BUKAS MO NALANG SIYA BIBISITAHIN PARA BANTAYAN"

"SIGE SIR" sagot ko saka ko na binaba.

Pabagsak akong naupo! Iisipin ko palang na makikita ko na naman ang pagmumukha ng lalaking iyon ay talaga namang nakakainis na kahit gwapo. Oo gwapo nga kaso ang pangit naman ng ugali.

Kinabukasan maaga akong nagising para bisitahin na naman ang aroganteng lalaking yun, hindi para sa kanya kundi para sa tatay niya.

Dalangin ko nalang na hindi ako mabwiset. Sa ganitong oras sana tulog pa ako dahil nine o'clock pa ang pasok ko sa pinapasukan kong mall. Nagtaxi nalang ako para mabilis akong makarating.

"GOOD MORNING SIR!" bungad ko sa kanya. Sympre nakangiti ako.

"GOOD MORNING TOO" bati din niya sa akin. Isang himala na binati din niya ako pero hindi

nakatakas sa paningin ko ang awra ng mukha niya. Seryoso parin ito.

"SIR KUMUSTA KANA?" kunwaring close lang ang dating ko

"I'M FINE. HOW ABOUT YOU?" nagitla ako sa tanong niya. Really? kinakamusta niya ako? ayyy grabe ah!

"OKAY LANG" sagot ko haha. Alam ba ninyo yung feeling na awkward? awkward ako haha. Paano ba naman kasi ang gwapo -gwapo niya! Nakakaintimidate grabe!

"I'M HUNGRY. SIMULA KAGABI WALA AKONG KAIN"reklamo niya

"ANO BA GUSTO MONG KAININ? AH! WAIT TANONG KO MUNA KAY DOC KUNG ANO ANG PWEDE AT BAWAL SAIYO" sabi ko at hindi ko na siya hinintay na sumagot at umalis na ako.

Mahirap na, baka mapapakain ko siya ng bawal yun pa ang dahilan ng ikamamatay niya haha. Pumunta ako sa nurse station para doon hanapin ang naitalagang Doctor ni Mr. De Lavida.

"EXCUSE ME PO. NASAAN PO ANG DOCTOR NI MR. DE LAVIDA?" tanong ko sa isang nurse na nakaupo lamang.

"OH! IKAW PO PALA ANG BANTAY NI MR. DE LAVIDA" ngiting sagot niya. Ngumiti lang din ako sa kanya.

"MAMAYA PA ANG PASOK NI DOC WENDELL MA'AM EH" ngiting hayag niya. Napakaganda naman ng nurse na ito! sabi ng isip ko

"AH GANUN BA? TATANUNGIN KO LANG SANA KUNG ANO ANG PWEDE AT BAWAL NIYANG KAININ? NAGUGUTOM NA DAW KASI MA'AM EH" paliwanag ko

"AH YUN BA MA'AM. PWEDE NIYANG KAININ LAHAT NG GUSTO NIYANG KAININ MALIBAN LAMANG SA PRUTAS NA APPLE, BANANA, AT PINEAPPLE INCLUDING JUICES OF THESE FRUITS DAHIL ALLERGIC SIYA SA MGA YAN. SAKA SA PEANUT DIN PO. SENSITIVE KASI ANG DUGO NIYA MA'AM"paliwanag niya.

What the hell!? Mapapamura ka talaga sa mga allergies niya! Anong klaseng dugong meron siya? Grabe!?

"GANUN PO BA MA'AM" saka ako tumango

"DAGDAG MO NARIN MA'AM ALLERGIC DIN SIYA EGG" dagdag pa niya. Grabe na ito! Sobra na haha.

"OKAY MA'AM, NOTED PO YAN" ngiting sagot ko saka na ako nagpa-alam at bumalik na sa kwarto ni Kyle.

"MR. DE LAVIDA, ANONG GUSTO MONG KAININ?" tanong ko pagkapasok ko. Nakahiga lang ito at nakapikit. Hindi ko alam kung tulog ba o hindi,basta hindi siya gumagalaw! 

Oo nga! Hindi siya gumagalaw!? Patay na ata juskoo po! Hindi ito maaari! lagot ako dito! Seriously kinakabahan ako!

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dibdib niya habang nakatingin ako sa may tiyan niya baka sakaling gumagalaw dulot ng paghinga niya pero wala akong nakikitang paggalaw!

Patay na ata talaga! Sh*t! Tinutok ko ang index finger ko sa tapat ng ilong niya pero hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdaman haha. Natatakot na talaga ako guys! Ano gagawin ko? Mag conduct na ba ako ng CPR sa kanya or tawag na ako ng nurse?

Hindi pa ako nakontento at inilapit ko pa ang aking mukha sa kanyang dibdib para masiguro ko talaga. Medyo tumagal ako sa ganoong posisyon dahil pinapakiramdaman ko.

"WHAT ARE YOU DOING?" biglang sabi niya. Halos tatalon na ako sa gulat. Nakakahiya!

Nakakainis din! naabutan niya ako sa ganoong posisyon at baka kung ano na lang ang iisipin niya! baka isipin niya na pinagpapantasyahan ko siya! Hindi nga ba aber? Mas mabilis pa sa alas- kwatro ang galaw ko at umayos ako ng tayo

"AKALA KO KA-KASI PATAY KA NA" mahina kong sabi. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay na tila nainis sa sinabi ko

"GUSTO MO NG KUMAIN? ANONG GUSTO MONG KAININ?" pag-iiba ko sa usapan para na din matanggal ang hiya at nerbyos ko

"BASTA MORNING BREAKFAST. IKAW NA ANG BAHALA" sagot niya

"OKAY" tugon ko at aalis na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status