Araw ng Lunes kaya't maagang pumasok si Rada sa iskwela. Mahirap nang mapagsarhan ng gate at siguradong mag a-ala 100-meter dash na naman sya sa track field. Agad na sinukbit niya ang bag at nagmamadaling umibis sa kotse. May trenta minutos pa syang natitira pero maigi na iyong nasa loob na sya ng akademya. Pagpasok pa lamang ng entrada ay kinunutan na sya ng noo. Pansin niyang pinagtitinginan sya ng mga kapwa niya estudyante tapos sabay magsisipagbulunga. Ang iba nga ay literal talaga na nagtatawanan pa habang nakamasid sa kanya. Sinuri niya ang sarili. Maayos naman ang pagkakasuot niya ng kanyang uniporme. Wala naman kung anong butas o tastas sa suot niyang blusa at palda. Bagong shines at linis rin ang kanyang itim na sapatos. Naligo naman sya bago pumasok kaya imposible na mangamoy ang kili-kili niyang naka deodorant. Hinugot niya sa loob ng bag ang kanyang face powder. Binuksan iyon at pasimpleng tinignan ang sarili sa salamin. Maayos naman ang pagkakatali sa kanyang buhok. M
“Sigurado bang sangkot si Miss Rada dyan?" banggit ng isa pang kaklase sa grupo. Sa mukha ay naroon ang pag-aalinlangan. Tila hindi ito naniniwala lalo na at nasabi na nga ni Carlito na mapaggawa ng istorya si Carolina. "Sya nga ang sumulat nitong love letter diba? Ayan o ang liwa-liwanag ng pagkakasulat ng pangalan niya sa signature line. Sa dami ng pinirmahan niyang slambook noong asa high school pa lamang imposibleng di ko makilala ang handwriting niya." anang isa pa na siguradong -sigurado sa kanyang sinabi. Biglang kumunot ang noo ni Carlito sa narinig. Napatingin ulit sa grupo na patuloy sa pagkakagulo ng mga ito. Muli niyang Tinawag ang tinanong na kaklase kanina. "Ano ikamo love letter? Tanong ulit niya. Pahapyaw na tumango ang kaklase nilang babae na tila hindi naman interesadong makipag diyalogo sa kanya. Ang pansin nito ay nakatuon sa mga kasama at sa kanilang pinag-uusapan. Love letter? - ulit ni Carlito sa sarili. Naku! - anito nang may biglang naalala. Agad na kin
Sabay-sabay na nagsipag-tunguhan sa open field ang lahat. "Anong kaguluhan ang nangyayari?" Pansin ng ilang mga guro. Isa na roon si Mrs. Irma Esperanza habang larawan ng pagtataka at kunot na kunot ang noo. Ipinaliwanag naman ni Carol ang naging truce nila ni Rada. Hindi sang-ayon ang ibang mga maestra. Ngunit hindi si Mrs. Esperanza para rito interesante ang bagay na narinig mula sa estudyante. "Are you sure with this Miss Buenavista?" tanong ng propesora sa dalaga. "Yes ma'am." matipid subalit siguradong sagot ni Rada. "Kung gayon, ano pang hinihintay natin. Let's go then. " ang tila na-excite na sambit ng maestra. Sa sinabing iyon ni Mrs. Esperanza ay sukat naghiyawan ang mga tao sa paligid. Napailing na lamang din ang ibang mga kapwa guro ng propesora na una nang nagpaabot ng pagtutol. "Sigurado ka ba talaga sa gusto mong gawin Rads?" ang nag-aalala pa rin na tanong ni Bing. Tumango si Rada sa kaibigan. “Wala nang atrasan to Bing. Ibibigay ko ang gusto ni Carolina at
Wala silang naging imikan ni Rafael habang buhat sya nito sa likod. Mabuti na lamang at tumila na rin ang ulan. Isang traysikel ang pinaswitan ng binata na agad namang lumapit sa kanila. Maingat siyang ibinaba ni Rafael at iginiya pasakay sa nakahintong trike. Buong akala niya ay isasakay lamang sya nito roon pero laking gulat ni Rada nang sumunod ang lalaki at tinabihan sya sa loob. Jusmiyo ito na naman ang puso niyang ayaw paawat sa pagkabog. Nanatili siyang tahimik na animo nalulon ang dila. Tila ngayon lang nag sink in sa utak niya ang katatapos lang na palabas. Hiyang-hiya tuloy sya kay Pael. Hindi nya sukat akalain na naroroon lang pala ang binata sa akademya ng mga oras na iyon. Panggabi kasi ang klase ng lalaki kaya naman buo ang paniniwala niyang walang Pael na lilitaw na ala prince charming. Isa pa naroon pa rin ang kanyang pag-aalinlangan na baka hindi rin siya pagbigyan ng binata kahit na umabot pa sa kaalaman nito ang pangyayari. Hindi nga ba at ayaw na nitong magkaroon
"Daydreaming?”anang boses mula kay Clara. "Mom?" bulalas ni Rada sa ina nang lingunin ito. Napatuwid siya ng tayo at napasapo pa sa kanyang dibdib na halatang nabigla. Ngiting-ngiti na nakasandal sa may hamba ng pinto ang Senyora. Larawan ito ng katuwaan habang napapantastikuhan na nakamasid sa anak dahil sa masaya nitong awra nito. Limang araw din ang inilagi niya sa Maynila. At kararating lang niya ngayon mula sa dinaluhang convention na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Bukas pa nga dapat ang uwi niya ng San Isidro kasabay ng asawang si Ramon. Subalit ay naalala niya na ngayong gabi gaganapin ang Masquerade Ball Party ng SM academy Kaya naman ay dali-dali syang nagbook ng flight pabalik ng probinsiya at nagpasundo na lamang kay Mang Kanor sa paliparan. Pagdating ay agad siyang umibis ng sasakyan. Sinalubong siya ni Manang Yoly na noo'y inabot ang iba niyang mga dala-dala. Kinumusta niya ang anak sa matanda at ang malaking bahay. Anang Manang Yoly ay maayos naman ang l
"Napakaganda niyo po Miss Rada." bungad na bati ng isang usherette na agad sumalubong pagkakita palang sa kanya. Nginitian niya ito ng maluwang at pinasalamatqn. Sumunod naman rito ang mga kasamahan sa table na pawang nakalarawan sa mga mata ang pamamangha. Ang isa ay hindi pa nakatiis at hinaplos ang gown niya. Pero pagkatapos ay biglang nahiya. At katulad ng nauna ay binigyan nya ang mga ito ng palakaibigang ngiti. Iginiya na sya ng tatlong usherettes sa bungad ng ballhall. At bago pagbuksan ng pinto ay Ipinaalala ng mga ito ang kanyang maskara. Agad naman niyang ikinabit ang kanyang sparkly cerulean beaded mask. Isang malalim na paghinga muna ang ginawa bago tinanguan ang usherette na siyang magbubukas sa kanya ng pinto. Pagbungad pa lamang ni Rada sa bulwagan ay agad na umagaw ng kanyang pansin ang stage deco with chandeliers, string curtains, candelabras, feathers lanterns, and drapes. Everything she sees exudes sophistication and mystery. Alongside a theatrical presentation
“Maaaari ko bang maisayaw ang isang prinsesa?" Rada was stunned for a while. Is there someone talking at her back? Kahit na malakas ang sounds sa paligid ay namutawi pa rin ang buo at baritonong tinig na iyon sa kanyang pandinig. She slowly turned her glance at her back. Then her eyes furrowed. The man beside her is wearing black medieval clothing with a half mask on his face in addition to the mystery look. His cast like a Renaissance prince in a royal costume. When the sudden feeling of familiarity comes in. She swallowed twice at the sight of a stunning-looking man in front of her. Bigla na lamang ay tumambol ang kanyang dibdib. Tila sya napako sa kinauupuan na nakatitig na lamang sa binatang dumating. Ang totoo ay nahihirapan syang paniwalaan ang nakikita. Kaya naman ay hindi niya maialis agad ang mga titig rito. Baka kasi ilusyon lamang ang lahat at bigla rin naman itong maglaho kapag dumating na sa kanya ang isang reyalisasyon. "Papanoorin mo na lang ba ako na parang peli
"Are you all ready?" ang tumataginting na boses ng, presenter. I a-anunsyo na kasi nito ang pinakamataas na parangal sa gabing iyon at lahat ay pawang mga sabik sa mga huling pangalan na mababanggit. "The Masquerade Royal King and Queen-” the host paused a bit. Pabitin kumbaga. “The Royal King and Queen are Rafael Samaniego, from the Agriculture Department, and Rada Buenavista from freshmen Btech.” loud and clear na pahayag ng program host. Umugong ang masigabong palakpakan. Sila Cathy at Bing ay hindi naiwasang mapahiyaw sa labis na katuwaan. Bunying-bunyi ang dalawa para sa kaibigan at kay Rafael. Si Rada bagama't nagulat ay nanatili ang composure. Sinulyapan nito si Pael na tahimik lang din sa kinauupuan nito. Ang totoo ay mas lamang ang pag-aalala sa dalaga. Hindi kasi sanay si Pael sa mga ganitong uri ng aktibidades. Medyo kinabahan tuloy sya. "Go Ibarra-" ani Bing sa lalaki. Na senegundahan naman ng iba pa nilang mga kasama. Makalipas ang ilang sandali ay tumayo si RAFA
Noon nama'y ramdam na ramdam ni Pael ang panginginig ng babaing sinaklolohan. Marahan niya itong ibinababa sa lupa at maingat na isinandal sa punong muntik nang pagsalpukan ng sasakyan nito. Inayos niya ang ulo ng babae sa pagkakasandal at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa makinis nitong mukha. Subalit nauwi ang binata sa labis na pagkagulat nang tuluyang mapagmasdan ang babaeng nadisgrasya. Hindi agad nakakilos si Pael, animo binuhusan ito ng pagkalamig-lamig na tubig sa katawan at napako na lamang ang tingin sa babaing nasa harapan.Kahit na nanatiling nakapikit ang mga mata ni Rada ay alam ng binata na may malay ito base sa pasalit-salit na pag galaw ng mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang pagtaas-baba ng dibdib ng babae na tila naghahabol ng hininga. Sa tingin niya ay ninerbiyos ito sa muntik na pagkakapahamak kayat nakararamdam ng sobrang pagyugyog ng katawan. Pinalis ni Pael ang pag aalala pagka't sigurado syang maayos ang lagay nito. Umangat ang kanyang kama
Isang taon pa ang lumipas. Masaya at may pananabik na binabagtas ni Rada ang daan habang minamaneho ang isang top-down Jeep Renegade. Hindi alintana ng dalaga ang mabako at maalikabok na kalsada kung saan ay nahagip pa niya ng tanaw ang isang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis dahil halos kumain na ito ng alikabok sa bilis nang pagpapatakbo niya. “Welcome home, Rada!” wika ng dalaga sa sarili nang sa wakas ay matanaw ang malaking arko papasok sa bayan ng San Isidro. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nasasabik na siyang makita ang mga magulang. Limang taon halos din siyang namalagi sa San Francisco sa kagustuhan ng ama na doon sya makapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa masyadong mataas ang standard ng daddy niya pagdating sa kalidad ng edukasyon ay may isang mabigat na dahilan ito kung bakit sya ipinadala sa pangangalaga ng tiyahin niya sa California. At ang bagay na iyon ay ayaw na niyang balikan pa. Pagka"t nagdudulot lamang ito ng ibayong sakit at poot sa damdamin
Dahil maaga pa ay humantong sila Rada at Clark sa Alamo Square Park. Napagkasunduan nilang dalawa na mamayang gabi na lang gumimik. Clark takes a deep breath. Iginala ng binata ang tingin sa palibot ng parke. Pamoso ang nasabing lugar dahil sa painted houses na siyang pangunahing dahilan nang pagbisita ng maraming turista roon. Kadalasan kasi ay napapanood ito sa mga movies o sitcoms. “Great view of the city overlooking the bay.” He thought of the city. “It's so lovely, isn’t it?”Rada said amusingly. “Yeah. Worth visiting place because of its breathtaking beauty,” he replied while still overlooking the surroundings. Clark rested his gaze on her after his exploration. Kasalukuyang inilalatag ni Rada ang dalang blanket sa damuhan. Ibinaba na muna ng binata ang hawak na basket na pinaglagyan ni Aunt Lucia ng baon nilang pagkain bago tinulungan nito ang kaibigan sa paglalatag. “Para lang tayong nasa burol niyo hindi ba?" ani Rada na naupo ng pa Indian sit. Hindi naman maiwasan ni
Mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Rada mula sa binabasa niyang magazine. Sumungaw mula sa pintuan ng kanyang silid ang nakangiting si Aunt Lucia. Tila ay excited ang tiyahin base sa panliliit ng mga mata nito. "Honey, someone is looking for you in the living room,” she said. Rada quirked her eyebrows. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Katunayan ay tumanggi na siyang sumama sa mga kaibiganng Franciscans na magpunta ng Monarch club mamayang gabi dahil mas gusto niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng mga paborito niyang babasahin for a change. Unang araw ng spring break. Mahaba-haba ring bakasyon sa iskwela. Gusto niyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa mga makabuluhang bagay. Pass na muna sya sa mga social activities like dancing at clubs, big parties, and live music concerts. Nightlife in other words. Babawasan na rin muna niya ang pag-iinom. Pansin niya ay nagiging alcoholic na sya. “Who is looking for me, Auntie Lucy? I don’t e
Mahal ko, Kumusta ang iyong araw? Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay hangad kong nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magka-usap. Nais kong ipaalam saiyo na labis ang aking nararamdamang pangungulila saiyong presensya. Pinanabikan kong marinig ang matutunog mong halakhak. Higit sa lahat ay nais kong masilayan ang ngiti saiyong mga labi at mapangusap na mga mata. Kung ako ang iyong tatanungin ay maayos naman ang aking lagay ganoon rin si Inay, bagama't napupuno ako ng kalungkutan. Mahal ko, isang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin mo ang San Isidro. Subalit ni isang sagot sa aking mga ipinadalang liham ay wala akong natanggap na kasagutan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala saiyong kalagayan riyan sa ibang bansa. Katulad nang nasabi ko sayo noon ay naririto lamang ako sa San Isisdro at maghihintay saiyong pagbabalik. Pinagsusumikapan kong abutin ang ating mga pangarap upang maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo. Gus
Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael. Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga. “Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?" Nilingon ni Pael ang ina na kadarating lang mula sa pagsisimba nito. Agad siyang napangiti sa biro ni Lourdes. Tumayo siya at inabot ang palad ng ina para magmano.“Mano po, Inay." magalang niyang wika sa babae.“Kaawaan ka ng Poong Maykapal." tugon ni Lourdes na medyo hinihingal pa.Kaya naman ay agad itong inalalayan ni Pael para makaupo.“Sigurado akong naglakad na naman po kayo pauwi ni Lola Mareng mula sa Bongto." marahan niyang sambit rito.Mahigpit na bilin niya sa ina na huwag nang naglalakad pauwi kapag naluluwas ito ng bayan. May kalayuan rin kasi ang Bongto mula sa kanilang baryo. May hika ang ina kaya't ayaw niyang napapagod ito.“Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala niyang wika.“Mabuti naman ako anak, h
Pagkagaling sa Laoyon ay tumuloy na sila Rada at Clark sa San Sebastian kasama si Kate. Nakilala ng dalaga ang pinakamatalik na kaibigan ng kababata na si Vincent Villaroman. Naging mainit naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lola Consuelo nito na siyang may kaarawan. Inestima silang mabuti at ipinakilala sa mga naroong bisita. At dahill iisang circle lang naman ang ginagalawan ng kani-kanilang mga magulang ay hind naging mahirap para sa mga bisita ang killalanin silang magkakaibigan. Hindi rin sila masyadong nagtagal sa San Sebastian at tumulak na rin pauwi ng San Isidro pagdating ng hapon. Alinsunod sa bilin ni Senyor Roman kaya't maaga silang bumiyahe pabalik.Ngunit bago si Rada maihataid ng magkapatid sa hacienda ay sinadya nila sina Cathy at Bing. Gayun na lamang ang naging katuwaan ng dalawang kaibigan niya nang magkita-kita silang tatlo. Subalit nalungkot rin ang mga ito nang magpaalam siya na pansamantala munang aalis ng San Isidro para manirahan sa ibang bansa at
Naluha ang dalaga. Tila yelo na natunaw sa magkahalong saya at lungkot ang damdamin niya. Tuloy ay namalisbis sa luha ang kanyang mga mata. Mabilis naman iyong pinahid ni Pael gamit ang mga daliri nito. "Ikaw talaga, mahal, huwag ka nang umiyak. Baka akalain ni Zantillan ay pinapaiyak kita. Allergic pa naman sa akin ang kababata mong iyon" pabulong na biro ni Pael. Impit na natawa si Rada kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha. Tinulungan niya si Pael na tuyuin iyon sa pamamagitan ng panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa." Hindi ko alam na kenkoy ka rin palang kausap." kunwa'y ismid niya sa nobyo.Tumawa ng mahina si Pael.“Pinapasaya ko lang ang paligid. Dahil nalulungkot rin ako. Ayaw ko lang na maghiwalay tayo na parehong may dinaramdam. Nauunawaan niyo po ba iyon mahal na prinsesa?" tukso naman nito sa kasintahan.Ubod tamis na ngumiti si Rada at makailang beses na tumango sa nobyo. Alam niyang pinapagaan lamang ni Pael ang nagbibigat nilang pakiramdam dahil sa nalalap
"Kumusta po kayo Aling Lourdes?" may ngiti sa labi na bati ni Clark sa nanay ni Pael pagkapasok sa bahay. “Mabuti naman Clark." magiliw na tugon ni Lourdes sa binata. Kahit na pangalawang beses pa lamang niyang nakakaharap si Clark ay magaan ang loob niya rito. Kilalang may mabubuting kalooban ang mga magulang nito na sila Don Franco at Donya Isabel. Kaya't hindi na siya nagtaka na sa kabila nang hindi nito pagkakaunawan ng anak na si Pael ay maayos at may paggalang itong nakikisalamuha at nakikipag-usap sa kanilang mag-ina. Pinalapit ni Clark ang kapatid na si Kate at ipinakilala sa kanya. Katulad ng binata ay mukha rin itong mabait at magalang. “Nakababata ko pong kapatid si Kate." anito. “Nagagalak akong makilala ka Kate." bati ni Lourdes sa dalagita. “Ako rin po Aling Lourdes." Tugon ni Kate kasabay ng pagmano sa kanya. “Matagal na hong nababanggit sa akin ni kuya ang mala-paraiso niyong bakuran hindi ko akalain na mas higit pa pala roon ang isinasa-larawan ko sa aking isi