"Pero sa totoo lang, bagay talaga kayo." Pabulong na saad ni Hendrix sa dalagang katabi niya na si Sasha. Kasalukuyan silang nasa loob ng storge room kung saan sila madalas kumakain at nagpapalipas ng break time.
"Ano 'yan, ano 'yan ah? sali niyo ako diyan." Sabay upo naman ni Kath Mendoza sa tabi ni Sasha, na malapit din sa kaniya.
"Heto kasing si Sasha, pakipot pa!" dugtong pa ng binata sa kaniya. Hindi naman siya pinapansin ni Sasha at nakatuon lang ang atensyon niya sa kinakain niyang kanin at siomai na ginawa niyang ulam na paborito rin naman niyang kainin."E ano ba kasi yung pinag-uusapan niyong dalawa diyan? tungkol na naman ba 'to kay Aziz?" pagkabanggit ni Kath sa pangalan ng binata ay bigla naman natigilan sa pagsubo ang dalaga at salit-salitang nilingon ang dalawa niyang kaibigan na katabi niya ngayon."Puwede ba, huwag niyo mabanggit-banggit sa akin ang pangalan niya dahil parang nawawalan ako ng gana sa mga kinakain ko." Ani ni Sasha na may guhit ng kunot sa kaniyang noo at magkasalubong ang dalawa niyang kilay. Pagkatapos non ay muli niyang tinuonan ng atensyon ang kinakain niya. Nagpalitan naman ng tingin yung dalawa at kahit hindi nila bigkasin ang mga salitang nais nilang sabihin sa isa't-isa ay parang nagkakaunawaan naman sila sa pamamagitan ng pagtitig sa kanilang mga mata.
Napangisi tuloy si Kath at umiiling sa kaniyang ulo. Napansin iyon ni Sasha, kaya umangat ang tingin niya kay Hendrix at pinanlakihan niya ng mata ang binata, dahilan para matahimik ito at umiwas ng tingin sa kaniya.Maya-maya pa ay natapos na rin silang kumain. Nagsipilyo muna saglit si Sasha at tumungo sa banyo. Pagbalik niya sa storage room ay napansin niyang wala ang mga kasamahan niya roon, pero tumuloy pa rin siya sa loob at binalik sa bag niya ang ginamit niyang sipilyo."Saan kaya nagpunta ang mga 'yon? sinabi ko na nga sa kanila na sandali lang pero hindi naman nila ako hinintay. Mga atat na yatang gumala." Saad nito sa kaniyang sarili habang inaayos ang mga gamit niya sa bag. Nilabas niya mula sa loob ng bag ang isang balot ng napkin at tsaka inilapag sa sahig. Naisipan niyang ayusin ang mga gamit nito sa loob, tutal may ilang minuto pa naman siyang natitira bago mag-duty ulit at tsaka wala namang ibang tao roon maliban lang sa kaniya.
Ilang saglit pa ay bigla namang bumukas ang pintuan at nakangiti siyang napalingon sa likuran niya sa pag-aakalang sina Hendrix at Kath na yung pumasok sa loob ng storage room.
"Sabi ko na nga ba babalikan niyo ako—" pero kaagad din siyang natigilan sa pagsasalita nang mapagtanto niya na si Marcelo pala yung pumasok sa loob. Napatingin tuloy ang binata sa kaniya at napagtanto na nandoon pala siya sa loob.
"Ay, sorry. Kukuha lang sana ako ng stock," nakangiting saad ng binata sa kaniya sabay nilagpasan siya nito upang kumuha ng motzarella sa loob ng freezer.Nagmistulang bato si Sasha sa kinauupuan niya, lalo na nang mapagtanto niya na si Marcelo pala 'yon, ang team leader nila at yung lalaking lihim niyang hinahangaan.
Natulala na lang siya at napalunok ng malalim. Narinig niyang kumakanta-kanta pa ito at parang komportable lang sa kaniya, kahit parang mahihimatay na siya sa loob dahil sa matinding kaba na nararamdaman niya mula sa kaniyang dibdib.
Sheesh! tumahimik ka, puso. Baka marinig niya tayong dalawa. Saway niya mula sa kaniyang isipan."Kumain ka na ba?" biglang tanong nito sa kaniya na ikinagulat naman niya."Po?" sagot niya at halatang nagulat ito sa itinanong niya."Ang sabi ko, kung kumain ka na ba?" malumanay niyang tanong habang kumukuha ng motzarella sa loob ng freezer.
"O-opo, sir." Nahihiyang tugon niya na may pagtango sa kaniyang ulo.
"Edi, good!" sabay isinara ang freezer at nakangiting nakatingin sa kaniya.
Mabilis siyang napayuko ng ulo at umiwas ng tingin sa kaniya nang magtama ang mga tinginan nila sa isa't-isa.
"Magpahinga ka na lang muna diyan, sulitin mo yung break time mo." Dugtong pa nito nang makalagpas na sa kaniya.
"Y-yes sir." Mahina niyang tugon.
Lumabas na ito ng storage room pero tulala pa rin si Sasha at hindi makapaniwalang nakausap niya ito kahit ilang minuto segundo lang.
Napangiti tuloy siya ng malawak dahil sa sobrang kilig at parang gusto niyang magwala sa loob ng storage room pero siyempre hindi puwede. Kaya kinurot na lamang niya ang sariling pisngi at parang bulate na sumasayaw sa puwesto niya."Buo na naman ang araw mo, Sasha." Bulong niya sa sarili nang bigla siyang makarinig ng kaluskos mula sa mga nakatambak na karton roon at laking gulat niya nang may bigla bumangon doon na tao.Tipong sisigaw na sana siya ng malakas pero kaagad din niyang napagtanto na si Aziz pala yung taong iyon, na kanina lang ay mahimbing na natutulog doon.
"Bwisit talaga, kung kailan sasaya na sana ang araw mo bigla naman nagkamalas-malas." Mahinang saad ng dalaga sa kaniyang sarili habang nakahawak sa kabilang dibdib niya.Nag-unat unat naman ng katawan si Aziz at tila hindi nito alam na nandoon siya, kaya laking gulat niya nang makita ito sa loob at halos napaupo siya sa kinaroroonan niya nang magtama ang mga tinginan nila sa isa't-isa.
"Sus, hinay-hinay kasi pagkakape." Ani ni Sasha sa kaniya, sabay binitbit ang bag niya at inilagay sa loob ng locker.
"A-anong ginagawa mo rito? bakit ka nandito?" nangangambang usisa nito sa kaniya at animoy nakakita ng multo kung makatingin ito sa dalaga.Ngumisi naman sa labi ang dalaga at isinuot ang hair net sa kaniyang buhok."Nasobrahan ka na talaga," umiiling niyang sambit. Hindi naman tumugon ang binata sa sinabi niya at kinusot na lamang nito ang dalawa niyang mata gamit ang sariling mga kamay.Kusa siyang tumayo at inayos ang mga nakatambak doon na karton. Pagkatapos non ay nagtungo naman siya sa locker niya na animoy inaantok pa at humihikab.
Nakaharap pa rin sa salamin ang dalaga at kahit dumaan ito sa harapan niya ay wala pa rin siyang pakialam pa sa kaniya.
Sandali nga lang, hindi kaya narinig niya yung sinabi ko kanina tungkol kay Sir. Marcelo? paglalayag sa isipan ng dalaga.
Nang dahil doon kaya natigilan siya at napasulyap sa kinaroroonan ng binata.
Narinig kaya niya? malakas pa naman yung pagkakasabi ko kanina. Paano na lang kung ichismis niya 'yon sa mga katrabaho namin? naku, nalintikan na. Dugtong pa niya na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha. Nagkataon namang napatingin si Aziz sa kaniya, pero kaagad din niya itong iniwasan ng tingin at siyaka tinalikuran.Bakit naman kasi sa dinami-rami pa ng taong makakarinig sa sinabi kong iyon ay ang karapata pang ito?!
Imbis na palampasin ko yung panggugulat niya kanina parang bigla tuloy akong nagkaroon ng utang sa kaniya.Ano kaya ang puwede kong sabihin sa kaniya?Tatanungin ko ba siya, kung narinig ba niya yung sinabi ko kanina o hindi?
Paano kung i-deny niya? tapos ikalat pa niya sa iba?Kumalma ka lang, self. Huwag kang magpadala sa emosyon mo dahil hindi ka nakakapag-isip ng maayos.
Habang naglalayag ang isipan nito ay hindi niya namalayan na kanina pa palang nakamasid ang binata sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.
"Sino ang kinakausap niya roon? may nakikita ba siya na hindi ko nakikita?" bulong nito sa kaniyang sarili habang nililibot ng tingin ang buo niyang paligid. Hindi na lang sana niya papansin ang dalaga nang mahagip ng tingin niya ang pamilyar na bagay sa sahig."Oh?" nilapitan niya ito at dinampot na may pilyong ngiti sa kaniyang labi."Sino naman kaya ang nag-iwan ng diaper dito?" pagkasabi niya ay bigla naman napalingon ang dalaga sa kaniya at laking gulat nito nang makita ang isang balot ng napkin niya na kasalukuyang pinipisil-pisil ng pilyong binata sa kaniyang kamay.
"Hoy, akin 'yan!" sigaw niya. Apurahan siyang lumapit kay Aziz na may guhit ng kunot sa kaniyang noo. Pero imbis na iabot ito sa kaniya ng binata ay mabilis siyang umilag at itinaas pa ang isang braso niya, dahilan para magtalon-talon siya upang abutin ang kamay nito.Panay naman ang pagtawa ni Aziz at tila aliw na aliw pa siya sa ginagawang pang-aasar sa dalaga."Parang ano naman 'to!" inis na sabi ni Sasha sa kaniya.
"Parang ano? sige parang ano?" pangungutya niya.
"Akin na sabi 'yan e!" "Sa'yo ba 'to? e 'di kunin mo!" dugtong pa niya. Panay naman ang paglundag ng dalaga habang inaabot ang kamay ng pilyong binata pero kahit anong talon o lundag pa ang gawin niya ay sadyang matangkad talaga ito sa kaniya at hindi niya kayang abutin."Ano na? bilisan mo naman dahil nangangalay na ako," nakangiwing turan niya sa dalaga.
Sa kakalundag nito ay bigla naman niya natapakan ang isang paa ng binata, dahilan para mabigla ito at mabitawan ang hawak niyang napkin. Tipong pupulutin sana ng dalaga ang gamit niyang iyon pero nagkataon namang napayuko rin si Aziz upang damputin din yung napkin, pero sa kasamaang palad ay nagkauntugan silang dalawa ng ulo. Sa lakas ng pagkakatama niya sa ulo ng dalaga ay bigla siya nakaramdam ng panghihilo at nawalan ng balanse sa sarili dahilan para matumba siya.Sa pagkakatumba niyang iyon ay naisama niya ang dalaga at nadaganan pa niya ito sa pagkakabagsak. Pero nasalo din naman niya kaagad ang ulo nito gamit ang isa niyang kamay kaya hindi malubhang nabagok ang ulo niya sa sahig.
Laking gulat nilang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanilang paningin ang ilang mga katrabaho nila, kabilang na roon ang dalawa niyang kaibigan na sina Hendrix at Kath.Nahinto at natigilan ang mga ito sa pagtatawanan nang maabutan ang dalawa sa ganoong posisyon.
"A-anong ginagawa niyong dalawa diyan?" tulalang saad ni Kath sa dalawa. Hindi naman nakapagsalita kaagad sina Aziz at Sasha, gayung hindi rin naman nila alam ang dapat nilang isagot sa kanila."Bakit kayo nagkukumpulan diyan sa labas? pumasok nga kayo sa loob-" maging si Marcello ay natigilan at nagulat sa kaniyang nakita.
"Anong ginagawa niyong dalawa!" malakas niyang sigaw sa dalawa na magkasalubong ang dalawa niyang kilay.
"Attention, everyone! may mga bago tayong trainees ngayon, kaya turuan niyo sila ng mga standards natin dito at kung puwede lang ay pakitaan niyo sila ng mga skills niyo, hindi yung puro kalokohan lang ang ituturo niyo sa kanila. Winawarningan ko kayong lahat kapag may nabalitaan ako mula sa kanila na tinuturuan niyo sila ng mga labag sa rules ng store owtomatik may tig-iisa kayong report sheet. Nagkakaitindihan ba tayo ro'n?" ani ng head store manager nila."Yes ma'am." Ang tinugon naman ng mga old crews nila roon."By the way, nasaan nga pala yung back up boys niyo?" usisa ng ginang kay Marcelo Andrada, isang team leader at inatasang mamuno sa mga crews na nagtatrabaho roon."Absent po si Rico, ma'am. Kaya yung isa pong nakarest day ngayon yung tinawagan ko para magduty." Ang tinugon naman ng binata sa kaniya."Bakit, ilan ba ang naka-off sa kanila ngayon?" muling tanong nito sa kaniya."Dalawa po," mabilis niyang tinugon."So, sino sa kanilang dalawa ang tinawagan mo?" nakapamewang
"Uy, Sha. Mukhang nakahanap ka kaagad ng inspirasyon ah?" pabirong turan ni Hendrix kay Sasha na may kasamang pagsiko sa braso niya.Napalingon tuloy ang dalaga sa kaniya na may matalim na titig sa mata at nakataas ang isang kilay niya, habang abala naman ito sa paghihiwa ng mga sibuyas."Tigil-tigilan mo ko, Drix ah? hindi mo ba nakikita 'tong hawak ko ngayon?" nakabusangot na tugon nito sa kaniya habang pinapakita ang matalas na kutsilyong hawak niya.Napalunok naman ng malalim ang binata at pasimpleng napakamot sa likod ng ulo niya."Ikaw naman hindi mabiro. Pero," huminto siya saglit sa pagsasalita at pinapanuod ito sa paghihiwa ng mga sibuyas."Ano?" pataray niyang saad na may pagtaas ng isa niyang kilay."Mukhang mabait naman siya at tsaka-" hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sinasabi nang bigla itong lumingon sa kaniya at muli siyang tinaasan ng isang kilay."Tapos? ano ang gusto mong iparating sa akin? iniisip mo ba na baka patulan ko ang garapatang 'yon?" ani ng dalaga at
"Pero sa totoo lang, bagay talaga kayo." Pabulong na saad ni Hendrix sa dalagang katabi niya na si Sasha. Kasalukuyan silang nasa loob ng storge room kung saan sila madalas kumakain at nagpapalipas ng break time."Ano 'yan, ano 'yan ah? sali niyo ako diyan." Sabay upo naman ni Kath Mendoza sa tabi ni Sasha, na malapit din sa kaniya."Heto kasing si Sasha, pakipot pa!" dugtong pa ng binata sa kaniya. Hindi naman siya pinapansin ni Sasha at nakatuon lang ang atensyon niya sa kinakain niyang kanin at siomai na ginawa niyang ulam na paborito rin naman niyang kainin."E ano ba kasi yung pinag-uusapan niyong dalawa diyan? tungkol na naman ba 'to kay Aziz?" pagkabanggit ni Kath sa pangalan ng binata ay bigla naman natigilan sa pagsubo ang dalaga at salit-salitang nilingon ang dalawa niyang kaibigan na katabi niya ngayon."Puwede ba, huwag niyo mabanggit-banggit sa akin ang pangalan niya dahil parang nawawalan ako ng gana sa mga kinakain ko." Ani ni Sasha na may guhit ng kunot sa kaniyang noo
"Uy, Sha. Mukhang nakahanap ka kaagad ng inspirasyon ah?" pabirong turan ni Hendrix kay Sasha na may kasamang pagsiko sa braso niya.Napalingon tuloy ang dalaga sa kaniya na may matalim na titig sa mata at nakataas ang isang kilay niya, habang abala naman ito sa paghihiwa ng mga sibuyas."Tigil-tigilan mo ko, Drix ah? hindi mo ba nakikita 'tong hawak ko ngayon?" nakabusangot na tugon nito sa kaniya habang pinapakita ang matalas na kutsilyong hawak niya.Napalunok naman ng malalim ang binata at pasimpleng napakamot sa likod ng ulo niya."Ikaw naman hindi mabiro. Pero," huminto siya saglit sa pagsasalita at pinapanuod ito sa paghihiwa ng mga sibuyas."Ano?" pataray niyang saad na may pagtaas ng isa niyang kilay."Mukhang mabait naman siya at tsaka-" hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sinasabi nang bigla itong lumingon sa kaniya at muli siyang tinaasan ng isang kilay."Tapos? ano ang gusto mong iparating sa akin? iniisip mo ba na baka patulan ko ang garapatang 'yon?" ani ng dalaga at
"Attention, everyone! may mga bago tayong trainees ngayon, kaya turuan niyo sila ng mga standards natin dito at kung puwede lang ay pakitaan niyo sila ng mga skills niyo, hindi yung puro kalokohan lang ang ituturo niyo sa kanila. Winawarningan ko kayong lahat kapag may nabalitaan ako mula sa kanila na tinuturuan niyo sila ng mga labag sa rules ng store owtomatik may tig-iisa kayong report sheet. Nagkakaitindihan ba tayo ro'n?" ani ng head store manager nila."Yes ma'am." Ang tinugon naman ng mga old crews nila roon."By the way, nasaan nga pala yung back up boys niyo?" usisa ng ginang kay Marcelo Andrada, isang team leader at inatasang mamuno sa mga crews na nagtatrabaho roon."Absent po si Rico, ma'am. Kaya yung isa pong nakarest day ngayon yung tinawagan ko para magduty." Ang tinugon naman ng binata sa kaniya."Bakit, ilan ba ang naka-off sa kanila ngayon?" muling tanong nito sa kaniya."Dalawa po," mabilis niyang tinugon."So, sino sa kanilang dalawa ang tinawagan mo?" nakapamewang