Share

Chapter 4

Author: J Villarreal
last update Last Updated: 2021-08-25 09:21:45

"Bakla! Pasalubong ko?"

Inirapan ko si Ors dahil sa sinabi niya. Hindi pa naman maganda ang timpla ko ngayon dahil pagkatapos ng gabi na nagkasama kami ni Nero roon sa veranda ng hotel, kinaumagahan ay bumalik na sila sa Pilipinas. Puro sermon ni Daddy ang naririnig ko araw-araw na nasa Spain ako kaya hindi ako nakapaglibot.

"Fuck you, Ors," I uttered then raised my middle finger at him. Tinawanan lang ako ni bakla.

Naglalakad kami sa hallway papunta sa room namin nang makita namin ni Miya na kaaakyat lamang sa kabilang hagdan.

"Oh, Avi! You're here!" sigaw niya saka tumakbo papunta sa amin ni Ors. Tumalon papunta sa akin si Miya saka ako niyakap ng mahigpit.

"Teka lang, bakla! Para kang ahas kung makapulupot kay Avi ah. Hands off," sabi ni Ors saka inalis ang mga kamay ni Miya na nakapulupot sa akin.

"You're so kj talaga, Ors," wika ni Miya saka napanguso.

"Enebe itey... Bakit ba tayo Avi nagkaroon ng conyo na kaibigan?" tanong sa akin ni Ors, inaasar na naman si Miya.

"Kaibigan ba natin 'yan? Bakit hindi ko matandaan? Wala naman tayong kaibigan na ganyan, hindi ba?" Nakisabay ako sa trip ni Ors.

"Aish! You two! Why are you like that sa akin?" naiinis na sambit ni Miya kaya natawa kami ni Ors. Nasa gitna ako kaya naman inakbayan ko silang dalawa at nagsimula nang maglakad.

"Hindi ako nakagala ng todo sa Spain kaya hindi marami ang pasalubong ko. Bigay ko sa inyo mamaya kapag sinundo na ako," bulong ko sa dalawa kaya naman impit silang napatili.

Napailing na lang ako. Parang uhaw sa pasalubong samantalang mayaman din ang pamilya ng dalawang 'to.

"Do you think Sir will give us a quiz ngayon?" tanong ni Miya.

"Subukan lang niya... Gosh, it's the first day after the sembreak. Sana naman chill muna," tugon ko.

"Agree ako diyan, bakla. Kaloka 'yon si Sir kahit short quiz eh. Akala mo naman magaling magturo," wika ni Ors na agad tinutulan ni Miya.

"Hey, magaling naman magturo si Sir ah," sabi ni Miya habang nakatingin kay Ors.

"Aber! Ilan ang grade mo sa kanya?" Napatigil kami sa paglalakad at nakalas ang pagkakaakbay ko sa kanila dahil nagpamewang si Ors.

"One!" malakas na tugon ni Miya. Parehong napakunot ang noo namin ni Ors dahil sa tugon niya.

"Ano?" tanong ko habang naguguluhan.

"Ilan nga grade mo sa kanya?" ulit ni Ors.

"Isa nga!"

"Gago!" sabay na utas namin ni Ors kaya tumawa si Miya.

"Tara na nga. Baka malate pa tayo," anyaya ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Magaling daw magturo si Sir... Crush mo lang 'yon eh kaya ganyan sinasabi mo," sabi ni Ors na naging dahilan ng pamumula ng pisngi ni Miya.

I shrugged because of her reaction.

"Kinikilig ka, Miya? Yuck," sabi ko saka inirapan siya.

"Aish Avi. You're so bitter," tugon ni Miya na isinawalang-bahala ko. Pumasok na ako sa aming room at sinalubong kami ng mga bati ng aming kaklase. Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa nagsimula na ang klase.

"Orson Fernandez?" ani Sir.

"Present!" maarteng saad ni Ors. May tinawag pang ibang kaklase namin bago tinawag si Miya.

"Miya Salazar?"

She tucked her hair that's covering her face at the back of her left ear then said, "Present, Sir."

Sarap batukan nitong si Miya. Ang pabebe kapag nandiyan si Sir.

"Avianna Stusick?"

"Present," sagot ko sa tamad na tono.

Natapos na ang pagchecheck ng attendance ni Sir.

"Okay, get ¼ sheet of paper," wika nito. Sabay-sabay pa kaming napamura ng mga kaklase ko kaya napatawa si Sir.

"Chill! Just kidding." Itinaas pa nito ang kanyang mga kamay at tinawanan kami.

"Ang pangit mo magbiro, Sir," sabi ni Ors na may pangiwi-ngiwi pa.

Walang naganap na quiz at kaonting discussion lang ang nangyari. May sumunod pang subject hanggang sa snack time na.

Matao sa loob ng cafeteria kaya naman dali-dali kaming dumiretso sa counter.

"What will you eat, Avi?" tanong ni Miya.

"Cheesecake lang at pineapple juice," sagot ko habang nakapila kami. Nasa unahan ko si Miya at nasa likuran ko naman si Ors.

"Hoy, bakla! Hindi mo ako tatanungin?" Nakataas ang kanang kilay ni Ors kay Miya.

"Avi, do you hear something? Is that langaw?" Nagpigil ako ng ismid dahil sa sinabi ni Miya. "Mahabagin, sampung taon na sa Pilipinas, conyo pa rin!" sigaw ni Ors kaya natawa na ako.

"Aish, I really hate you, Ors. You're so kaasar."

"You're so kaasar," sabi ko, ginagaya si Miya.

"Avi!" Napipikon na si Miya kaya naman hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Kidding!" saad ko habang tumatawa.

Naorder na namin ang aming pagkain at pupunta na sana sa usual table namin ng biglang may nakatapon sa akin ng iced tea!

"What the hell!"

Napatingin ang halos lahat ng tao sa cafeteria dahil sa sigaw ko.

"Oh gosh! Your uniform is basa na, Avi," wika ni Miya. Kinuha niya ang kanyang panyo at nagsimulang punasan ang uniform ko.

"Won't you say sorry?" tanong ni Ors sa babaeng nasa harap namin.

I scanned her body. She looks years older than me. She's probably a college student. She has this pitch black hair that falls on her shoulders. She also has white skin and I guess she's an inch taller than me. But what caught my attention is her eyes. She has victorian blue eyes just like mine.

"Bakit naman ako magsosorry?" Tinaas nito ang kanang kilay at humalukipkip sa harapan ko.

I smirked. What a brave ass.

"Do you know who I am?" tanong ko saka humakbang palapit sa kanya. Napaatras siya ng isang beses pero nakapukol pa rin sa akin ang masamang tingin.

"Wala akong pakialam kung sino ka. And I don't owe you an apology," sagot niya sa matapang na tono.

Naipilig ko ang ulo ko saka tamad siyang tiningnan.

"I shouldn't be wasting my time at you 'cause it's not worth it but I guess..."

Binuksan ko ang hawak kong canned pineapple juice at tinapon ang laman 'non sa mukha niya. Napasigaw siya at maging ang mga taong naroon sa cafeteria at napasinghap.

"It's a tie now."

I showed her my sarcastic smile then marched out of the cafeteria. Nakasunod sa akin si Ors at Miya.

"Taray! Deserve niya 'yong ginawa mo!" Pumapalakpak pa si Ors.

"But you know, maybe hindi niya sinadya when the iced tea was thrown at Avi's uniform," sabi ni Miya.

Sa aming tatlo, si Miya talaga ang mabait samantalang kami naman ni Ors ay pinagkaitan ata 'non.

"Mahabagin! Miya naman! Alam naming mabait ka pero sana naman hindi ka na conyo!" Sinimangutan lang ni Miya si Ors.

May biglang humablot sa kaliwang braso ko kaya napalingon ako sa kaliwa at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Allaistair. Mula sa aking mukha ay bumaba ang tingin niya sa aking uniform na basa na at kulay iced tea.

"Ano na namang nangyari sa cafeteria?",tanong niya sa seryosong tono. Bahagya siyang dumistansiya sa akin at hinubad at suot niyang jacket. He handed me his black jacket and I accepted it.

"Just an encounter with a brave ass." Nagkibit-balikat ako.

"Ikaw talaga!" Ginulo niya ang buhok ko kaya naman tinapik ko ang kamay niya.

"Bebe time papa itey! Tara na nga, Miya!"

"Gago!" sigaw ko saka natawa.

"Tumigil ka nga, Ors," saway sa kanya ni Allaistair.

Allaistair and I are friends since I entered Carson International School. He's a HUMMS student kaya magkaiba ang class namin. Madalas kaming tuksuhin ni Ors pero tinatawanan ko lang ito. Allaistair is handsome but he's just my friend. Hanggang doon lang iyon and I think he's like that to me, too.

Inakbayan ako ni Allaistair saka nagpatuloy sa paglalakad. "Huwag ka nga palaging makikipag-away. Mahirap pa naman umawat kapag away babae eh," ani Allaistair.

"Enemies just bump at me, Allaistair. Don't blame me. Sa nangyari kanina, it's her fault. Natapunan niya ako ng iced tea and she got the guts to say that she doesn't owe me an apology? You know that I can't let that pass," depensa ko. Sinimulan ko na ring kainin ang cheesecake ko dahil nagugutom na ako.

"Oo na. Kailan ba ako nanalo sa'yo sa mga bagay na ganito?" Tumawa siya at saka napailing. "Sabay tayong apat sa lunch ah." Nilingon niya 'yong dalawa na abala rin sa pag-uusap.

"Ay buti naalala mo pa kami, Allaistair!" saad ni Ors na ikinailing lang ng lalaking kasama ko. Nakita niya ang cheesecake na hawak ko kaya naman kumagat siya roon.

"Ano ba? Kumuha ka ng sa'yo," sabi ko at nilayo sa kanya 'yong cheesecake.

"Nagsnack na ako eh."

"Eh bakit nakikikain ka pa sa cheesecake ko?" tanong ko habang kunot ang noo. Hindi talaga ako madamot at hindi rin ako laway conscious pero kapag gutom talaga ako ng sobra ay ayaw ko na may kumukuha sa pagkain ko.

"Isang kagat lang eh." Ngumuso pa si Allaistair kaya inirapan ko siya.

Sabay-sabay nga kami naglunch nina Allaistair at nang uwian na ay binigay ko na ang pasalubong ko para sa tatlo kaya tuwang-tuwa sila.

When I went home, I immediately entered my room. Napahiga ako sa kama at napapikit. Nero's face flashed on my mind. Napangiti ako. I stood up and when to my cabinet that is full of art materials. Kumuha ako ng isang canvas, brushes and paints.

I want to paint him.

Related chapters

  • Flying to You (S1)   Chapter 5

    "Miya, hindi ka ba talaga puwede ngayon?" I asked over the phone.[Avi, I'm sorry. Daddy is here and I can't takas. You know naman na he doesn't allow me to gala during this hour.]"It's only 10 in the evening, Miya," sabi ko sabay irap kahit hindi niya nakikita.[Exactly, Avi! It's 10 pm na! Gabi na so you should go home na.]"May bibilhin lang naman akong art materials."[Why didn't you call, Ors?]"May kabebe time. Iiyak na naman 'yon next week," sabi ko sabay iling. Tumawa naman si Miya dahil sa sinabi ko. "Bye na," paalam ko.[Bye! Ingat!]Nilagay ko na ang phone ko sa bulsa ng maong shorts ko at nagpatuloy na sa paglalakad sa loob ng mall.Pumasok ako sa National Bookstore at nakitang marami-rami pa ang mga tao. Papunta na sana ako sa gawi ng mga art materials nang may mamataan ako.&

    Last Updated : 2021-09-19
  • Flying to You (S1)   Chapter 6

    Nero_Castro 502 following1,478 followers“He’s quite famous,” I uttered. Nalipat ang tingin ko sa kanyang bio.LA“Maybe he’s dream destination? Los Angeles?” pagkausap ko sa sarili. “Hindi siya masyadong active in social media,” dagdag ko.If it wasn’t obvious, I’m stalking Nero’s IG account. He doesn’t post too much. I clicked the button follow and looked at this posted photos. Napatitig ako sa isang picture na pinost niya.It was a photo taken at a beach. The sunset was flexed in the photo and a figure of a woman. Nakatalikod ‘yong babae habang nakaupo sa buhanginan. The photo was taken from a distance.Beautiful.That was the caption.Kaano-ano kaya niya ‘yong babae? Maybe just some random stranger na caught

    Last Updated : 2021-09-20
  • Flying to You (S1)   Chapter 7

    “Miss Avi, nandoon na po sa dining area ang Mommy at Daddy niyo po.” I stopped walking midway of the living room when I heard what the maid said. Bitbit ko pa ang bag sa aking kanang balikat at tamad na tiningnan siya. “Pakilapag na lang diyan sa couch,” utos ko sabay abot sa kanya ng bag. Dali-dali naman siyang lumapit at kinuha ang bag sa akin. Maglalakad na sana ako papunta sa dining area nang magsalita naman siya. “Hindi po ba muna kayo magpapalit, Miss Avi?” “Parang hindi mo kilala sina Daddy…They don’t like waiting,” saad ko saka humalukipkip at naglakad na papunta sa dapat kong patunguhan. May nakaserve ng pagkain sa table pero hindi pa sila nagsisimulang kumain. “Good evening,” bati ko kahit hindi iyon bukal sa aking loob. “You’re late.” Napatingin ako kay Daddy nang sinabi niya iyon. Sinulyapan ko ang aking relo at nakita na 8

    Last Updated : 2021-09-21
  • Flying to You (S1)   Chapter 8

    "Bakit ka nasa Précis?"Saglit na napatingin sa akin si Nero bago binalik sa daan ang kanyang paningin."Shouldn't I ask you that? You're still a minor yet you are at a club," tugon niya sa mariing tono."I can handle myself.""Talaga? Eh bakit hindi ka makapalag doon sa nanghalik sa'yo?" he asked. "Sino ba 'yon?""That's my ex," simpleng tugon ko."Ang bata mo pa pero may ex ka na."I snorted while looking at him. "Being at this age doesn't take my freedom to have a relationship with anyone. Besides, Zal is a good ma-""Good man, huh? Harassing you was a good act?" Tinaasan niya ako ng kilay.Napahawak ako sa noo ko. "He's just driven by alcohol."To be honest, Zal is really a good man. Noong kami pa, he does the things that an ideal man usually do. But I guess,

    Last Updated : 2021-09-25
  • Flying to You (S1)   Chapter 9

    Akalain mo nga naman, kahit hindi ko sineryoso ang senior high school, gagraduate na ako."Avi, sa'n na mommy at daddy mo?" tanong sa akin ni Ors habang inaayos ang suot niyang kulay blue na toga.I laughed in disbelief. "Gago, baka nga 'di nila alam na graduation ngayon." Bumaling ako sa salamin na nasa harapan ko.Nandito kami ngayon sa room namin at isang oras na lang ay gaganapin na ang graduation ceremony."Gaga ka, bakla! Sinabihan mo ba?" Tinaasan pa niya ako ng kilay."Paano ko sasabihan eh nasa ibang bansa sila... At saka, 'di ka pa nasanay. Recognition ngang hindi rin sila umaattend," wika ko saka inayos ang pagkakatali ng aking buhok."Aray! Ano ba?" Matalim kong tiningnan si Ors dahil binatukan niya ako."Bakla! Hindi talaga sila aattend ng recognition n'ong junior high tayo at saka grade 11 dahil hindi ka naman kasali. Wala kang award, remember?" Tawa nang tawa si Ors."Happy, Ors? Wala ka r

    Last Updated : 2021-09-29
  • Flying to You (S1)   Chapter 10

    "It's your 18th birthday two weeks from now, Avianna. Where do you want to celebrate it?"I chewed my food before answering Mom's question."I want here in the house, Mom.""We are in the States that time so we'll just get someone to prepare that-""I know, Mom. Hindi talaga kayo aattend ng 18th birthday ko. No need to inform me." I smiled at her before standing and went out of the dining room.Napairap na lang ako dahil sa inis. Kahit sa 18th birthday ko, wala na naman sila. Why do I even expect na nandito sila n'on? They don't even care about me. Negosyo lang naman ang mahalaga sa kanila."Ma'am, angat po ng kamay."Sinamaan ko ng tingin itong designer na nakuha nila Mommy. She's very slow! For Pete's sake, I have things to do!"Can't you be a little faster? Naglilimang-minuto ka sa bawat sukat mo, ang b

    Last Updated : 2021-10-03
  • Flying to You (S1)   Chapter 11

    "Happy birthday, Avi!""Ano ba?!" sigaw ko nang bigla silang nagpasabog ng confetti. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.Sino ba ang nagbigay ng susi sa dalawang bwisit na 'to?"Avi, gising na. You have to get ready, it's 10 na. Pupunta pa tayo sa venue, my gosh." Sinimulang agawin ni Miya ang kumot ko pero nakipag-agawan rin ako sa kaniya."Inaantok pa ako," naiinis kong saad."Hoy, bakla! Aba bangon na! Nakakaloka ka!"Wala na akong nagawa nang hablutin ni Ors ang kumot at sapilitan akong pinaupo sa kama."I hate you, bitch," I murmured while looking sharply at Ors.He raised his middle finger at me kaya naman napangisi ako."Sorry, Ors pero... hindi ako nakikipag-sex sa bakla-""Yuck! Ew! Kadiri! Masuka ka nga sa pinagsasabi mo, Avianna! Sabun

    Last Updated : 2021-10-08
  • Flying to You (S1)   Chapter 12

    "Finally, I'm free." Napatingin ako sa susi na binigay sa akin ni Daddy kaninang umaga. Iyon ang dahilan kung bakit ang saya-saya ko ngayon. Sinimulan ko kaagad ang pag-empake. Now that I have a reason to get out of this house, I can't lose it. Binigyan nila ako ng condo unit for my 18th birthday. I already told them my plan to be independent from now on at hindi man lang sila umangal. Why would they? Wala naman silang pakialam sa akin. I went out of my room and pulled all my luggages. Pababa na sana ako ng hagdan nang maisipan kung bakit ako ang nagbubuhat ng gamit ko. There are other people in this house that can do that thing for me. Nagtawag ako ng maid para ipadala ang mga gamit ko hanggang sa labas. One of the people of ours offered to bring me to the place where I'll go but I rejected the offer. I already said that I want to be independent, that means no support from anyone

    Last Updated : 2021-10-14

Latest chapter

  • Flying to You (S1)   Chapter 23

    "I thought you are missing."I looked at my side and frown. Nero is leaning against the door of his unit. Isa pa 'to eh. Sakit din sa ulo."Talk to the wall." Irritated, I went to the door of my unit and get the key out from my shoulder bag. Pumasok ako sa loob at didiretso na sana sa couch nang may humawak sa braso ko. As if a self-defense, pinilipit ko ang kamay ng humawak sa akin."Damn it!"Napatili ako at nabitawan ang kamay ni Nero. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kaniyang kanang braso habang napapadaing sa akit."The heck! What are you doing in here? 'Yan tuloy!" Paninisi ko sa kaniya.After several deep breathings, he started to calm down and the pain is decreasing."The door is open. You didn't lock it."I arched a brow. "But that doesn't mean that I want you here inside!"

  • Flying to You (S1)   Chapter 22

    "Hmm?" Utas ko nang sagutin ang tawag ni Riggs.["Bebe, alam mo ba kung nasaan si Nero?"]Napairap ako at saka napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kama."Riggs, I'm not a lost and found section," I sarcastically said.["Nagtatanong lang eh. Baka alam mo?"]"Tsk, I don't know. I saw him hours ago but I don't know where he is now. Please, ayaw ko na marinig ang pangalan niya."["Nagbabagong buhay ka ba?"]I heard him chuckled."Nye nye."["Kung kailan ka na may pag-asa eh..."]May kinuha ako sa ilalim ng kama kung kaya't hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya."Ano 'yon, Riggs?"["Wala! Kapag nakasalubong mo si Nero, tawagan mo ako ah!"]"Sayang ang load sa'yo."["Afford mo naman kaya o

  • Flying to You (S1)   Chapter 21

    "Miss Avianna Stusick?""Yes?" I lazily lifted my head to see the professor in front."May you introduce yourself?"Tumayo na ako saka pumunta sa unahan. Nilibot ko ang aking paningin sa buong classroom saka ngumiti.The boys whistled because of what I did."Hi. I'm Avianna Stusick, 18 years old. Im here so probably I'm taking Tourism Management. So yeah, that's it."Bumalik na ako sa pagkakaupo at naabutan ang katabi kong babae na nakataas ang kilay sa akin. I also raised my right eyebrow at her."Mandy Alberts?"Tumayo ang babaeng katabi ko saka pumuwesto sa unahan. She plastered a smile."Good morning! I'm Mandy Alberts, 18 years old. I hope that all of us can get along. But I also think that I can't get along with all of you..." Tumingin siya sa akin kaya napahalukipkip

  • Flying to You (S1)   Chapter 20

    "Move.""Huh?" Maang na tanong niya."Ba't ba ang lapit mo sa'kin?" Sinamaan ko siya ng tingin pagkaharap ko sa kaniya.It made him chuckled. "Thank you mo ba 'yan? You're welcome ulit."Inirapan ko lang siya saka inayos ang jacket na nakapatong sa balikat ko. Naupo ako sa buhanginan at naupo rin 'tong kapatid ni Nero."Why are you still here?" I asked him while looking at the waves that are approach us."Baka kasi kailangan mo ng kasama."Mataray ko siyang tiningnan at magsasalita na sana nang marinig ko ang sinabi niya."Kailangan mo nga ng kasama.""Tss, pinapalayo ako ng kapatid mo pero ikaw lumalapit sa'kin. Ano ba talaga trip niyo?""Ba't mo ba nagustuhan si Nero?""Why are you asking?" tanong ko pabalik."He doesn't deserve you.

  • Flying to You (S1)   Chapter 19

    Napatingin ako sa isang platform na nasa hindi kalayuan sa akin. Katatapos lang kumanta ng isang banda. May isang gitara roon na pumukaw sa aking atensiyon. I went to the platform and talked to the guy who's the guitarist in the band. "Can I borrow your guitar?" Napatingin siya sa kaniyang gitara pabalik sa akin at nginitian ako. "Sure. You wanna perform?" His airy voice sounds pleasing in the ears. I nodded and give him a little smile. "Smile more. Mas lalo lang gumaganda kapag nakangiti." I just jokingly rolled my eyes of him and laughed a little. "Bolero." Iniwan ko na siya roon saka ako pumunta sa gitna ng platform. I tapped the mic to make sure that it was on making all the the people's attention to be on me. I almost rolled my eyes when I

  • Flying to You (S1)   Chapter 18

    Am I really rude to suffer all of these? My life sucks. The man that I like hates me, my parents don't have a damn care about me and oh come on, I even have a bitch half sister.Sister? Disgusting.Napatigil ako sa paglalakad nang may humablot ng braso ko. Nanlilisik ang aking mga mata nang balingan ko si Gianna.Really, Dad? Katunog pa talaga ng name ko?That explains her blue eyes. Kapatid ko pala ang babaeng 'to."What do you want? Happy now? Nakita mo akong sinampal ni Dad, 'di ba?""Yeah, I'm really happy, Avianna." She plastered a smile that greatly irritates me.I just rolled my eyes at her."Solohin mo sila kung gusto mo. Huwag mo lang akong pakikialaman.""Oh, who told you that I'll meddle with your life? I won't. I'm happy here."Napatingin ako sa k

  • Flying to You (S1)   Chapter 17

    "Oh, heck!" Tinulak ko siya kaagad paalis sa ibabaw ko.My head is still spinning but it seems like my soul is back on me again.We just kissed! It's a freaking kiss!Natutulalang napahawak ako sa aking labi.I've been kissed by a lot of men, good kisser men but why is that accident kiss the best from all the kisses that I had?!I was about to lash out on him but everything went blurry the next seconds.Nagising ako na nakahiga sa aking malambot na kama. Napahawak kaagad ako sa aking ulo nang maramdaman na parang mabibiyak ito."Ayaw ko nang uminom," I whispered.But obviously, that was a lie.Iika-ika akong pumasok sa cr at naghilamos. Nanlaki ang aking mga mata nang makita na iba na ang suot ko.Who the hell changed my clothes?!Kahit natataranta a

  • Flying to You (S1)   Chapter 16

    Aren't we in the modern age? Scientists discover many things but why the hell can't they discover a cure for a broken heart?"Black label, please," I said."Bakla, may problema ka ba ha? Pwede mo namang sabihin sa amin."I looked at Ors who's sitting beside me on the couch of this club. The different lights can be seen on his face."Ors, I'm okay! Hindi naman masakit, parang sinaksak lang ako." I chuckled before leaning at the backrest of the sofa. My eyes went to Miya who's worriedly looking at me."Avi, what nangyari ba? Is it about the guy na crush mo?" she asked.I laughed a bit because of her statement."Drop the crush. Hindi ako masasaktan ng ganito kung crush ko lang si Nero."Dumating na ang Black Label at ang bucket ng beer sa table namin. I immediately got a bottle of beer and drink on its mouth.

  • Flying to You (S1)   Chapter 15

    My life is like gray color. It's dull, lifeless. How come life becomes lifeless? Is it even possible?I was busy with my laptop when someone continuously knocks on the door. Kung sino man iyon, tanga siya. Meron namang doorbell.Iritang-irita ako nang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapag ang laptop bago nagtungo sa pinto.Nang buksan ko iyon ay halos manlaki ang mata ko nang makita si Nero!"Anong ginagawa mo rito?"Tiningnan niya ako gamit ang kaniyang langong mga mata. Smell of alcohol lingered in my nose.Lumapit siya sa akin at may sasabihin na sana nang mawalan siya ng balanse kaya napakapit siya sa magkabilang-balikat ko."Nero!"Dali-dali ko siyang inalalayan. I can't bring him inside my condo, baka bigwasan niya ako kinabukasan. Hate pa naman ako ng taong 'to.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status