FIVE SENSESCHAPTER 22: DOUBLE TROUBLE"Sabihin mo nga, paano mo nasabing murder ang nangyari?" kunot-noo na tanong ni Andy kay Denum habang kumakain ng french fries na natira nilang dalawa ni Kino nung nakaraang gabi.Umangat ang isang sulok ng labi mi Denum habang tinitingnan ang pagkain ni Andy na mukhang napaglipasan na ng panahon ang kalagayan. Napansin ni Andy ang tingin ni Denum sa kinakain niya kaya inalok niya ito."Gusto mo ba? Kumuha ka lang."Napangiwi si Denum at hindi makapaniwala sa sinabi mi Andy."Eww, mukhang pinulot mo lang sa kung saan ang kinakain mo tapos iaalok mo sa akin. Kadiri!" napapailing na sabi mi Denum na ikinairap sa kawalan ni Andy."Ang arte mo, kagabi lang 'to! Natira namin ni Kino dahil inilibre niya ako." paliwanag ni Andy na mas ikinangiwi ni Denum."Tinanong ko ba? Wala akong pake kahit sa date niyo pa galing iyan." masungit na sabi nito bago umupo sa tabi ni Andy.Nililimliman sila ng mga dahon ng mga puno sa likurang bahagi ng Paaralan. Nakatin
FIVE SENSESCHAPTER 23: THE ONLY FRIEND"Bakit hindi mo sinabi na si Jonil Suarez ay ang secret true friend mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy kay Denum ng sabihin nito ang dahilan ng pagluha niya."Dahil maraming magsasabi na kaya ko lang hinahanapan ng hustisya ang pagkamatay niya ay dahil sa pagiging magkaibigan namin, walang maniniwala sa akin kung ipapakita ko na naapektuhan ako sa pagkamatay niya." paliwanag ni Denum."Kagaya kanina, nadala ka ng galit mo," nagpantay ang mga kilay ni Andy, "Pero bakit palihim lang ang pagiging magkaibigan niyo?"Napayuko si Denum kaya hinawakan ni Andy ang balikat nito."Huwag kang mahiya na magkwento, wala namang makakalabas sa ating dalawa." paniniguro ni Andy.Lingid sa kanyang kaalaman ay pinapanood sila ng dalawang binata na nasa hindi kalayuan."Bakit ba tayo nandito? Bakit hindi natin sila lapitan?" nagtatakang tanong ni Krem habang nagsisiksikan sila sa maliit na espasyo ng halaman."Kasi mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ano
FIVE SENSESCHAPTER 24: SUSPENSION"Seryoso ka ba? Suspended ka ng dalawang buwan at may detention pa dahil sa pagtulong mo sa mga taong iyon?" nabiglang tanong ni Lylia ng ikwento ni Krem ang nangyari.Natahimik ang dalawang kabanda nila ng marinig ang pag-uusap ni Lylia at Krem. Hindi sila makapaniwala sa narinig.Tumawa ng mahina si Krem bago ginulo ang may violet na parte ng buhok ni Lylia."Ginusto ko naman na tulungan sila, hindi mo lang alam kung gaano kami kasaya habang nasa detention kami dahil kay Andy. Sinong maniniwala na sumayaw kaming apat nung wap wap challenge na iyon dahil natalo kami sa laro, hahahaha." paliwanag niya kay Lylia.Mariing umiling si Lylia, "Pero hindi mo ginusto na masuspend." may inis na sabi nito.Natawang muli si Krem, "Bakit ka ba sa akin nagagalit? Sisihin mo yung teacher na nag-suspend sa amin."Nakasimangot na tumayo si Lylia sa upuan."Saan ka naman pupunta?" tanong ni Krem dahil hindi pa sila tapos mag-agahan.Hindi sumagot si Lylia at nagmama
FIVE SENSESCHAPTER 25: THE TWINSNapatakip si Andy ng bibig dahil sa hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita. Talagang magkahawig ang dalawang tao sa harapan niya pero hindi kaagad mapapansin dahil sa magkaiba ng pormahan ang mga ito.Lylia is used to wear her black make up, black eyeliner, and black lipstick but it doesn't change the face of an angel she has, only the looks, not the behavior. Plus, the highlight of the violet on her black hair gives everyone a goosebumps, she's a look alike of a mobile game character.On the other hand, there is Krem who used to wear his headphone 24/7. He always wear his good behavior everytime. Contrast to his twin, who always wear the most irritating smile you've ever seen. She can easily annoys anyone, everyone.Kaya hindi agad maiisip na kambal sila, pero halos magkapareho sila ng korte ng mukha, bibig at mata kaya napaniwala kaagad si Kino at si Denum na tahimik na nakikinig.'Bakit hindi ko man lang napansin?' tanging naitanong ni Andy sa
FIVE SENSESCHAPTER 26"Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinihintay?" kunot-noong tanong ni Lylia kay Krem ng maabutan siya nito sa gate ng bahay nila.Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Krem habang tinitingnan ang kakambal."Ikaw ba talaga 'yung nagpakalat ng tsismis patungkol kay Andy?" tanong ni Krem pabalik na hindi sinagot ang tanong ni Lylia.Ilang segundo na natahimik si Lylia bago tinaasan ng kilay ang kakambal at mabilis ang isang kamay na dumapo sa batok nito."Aray!" daing ni Krem ng mabatukan siya ni Lylia."Nababaliw ka na ba? Tingin mo magsasayang ako ng oras para kausapin ang mga walang kwentang estudyante sa school natin? Alam mo naman kung gaano kagaling gumawa ng tsismis ang mga tao, baka may isa sa kanila na nagselos sa babaeng iyon." naiiritang sagot ni Lylia sa kakambal.Nawala ang ngiti ni Krem, mukhang may naninira nga kay Andy at balak ng taong iyon na sirain ang pagkakaibigan ni Andy at ng mga lalakeng nakakasama nito.Nasa malalim na pag-iisip si Krem ng
CHAPTER 27SERYOSO ang mga mukha nina Andy at Kino habang nagsusukatan ng tingin sa loob ng kanilang Clubroom. Hindi masagot ni Kino ang tanong ng dalaga dahil alam niyang magagalit ito.Tumingin sa ibang direksyon si Kino bago pinilit na ngumiti, "Akala ko ba ay tutulungan natin si Denum na malaman ang totoo?" pag-iiba ni Kino ng usapan.Naningkit ang mga mata ni Andy, "Paano natin siya matutulungan kung galit siya dahil sa mga sinabi mo?" napairap sa kawalan si Andy, "At ngayon, ayaw mo pang sabihin kung ano iyon."Huminga ng malalim si Kino bago inayos ang asul na sombrero at mataman na tiningnan si Andy."S–sinabi ko lang naman na condolence dahil sa pag–pagkamatay ng kaibigan niya," napakagat ng ibabang labi si Kino bago nahihiyang magsalita, "A–at sana, mahanap niya ang hustisya kahit wala talaga."Pagkarinig ni Andy ay dismayado siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Kino."Tapos sasabihin mo na hindi ka masaya na makita sa ganoong sitwasyon si Denum. Mongggii!
CHAPTER 28NAKAUPO si Denum sa isang bench habang umaambon at pinapanood ang mga dumaraan na taong may bitbit na payong.Hapon na ngunit hindi makikita dahil sa madilim na kalangitan. Ilang oras na siyang tahimik dahil iniisip niya kung bakit hindi siya natuluyan sa nangyari. Ilang segundo pa ay bigla siyang tumawa."Muntikan ka ng mamatay tapos tumatawa ka pa?!" hindi makapaniwalang tanong ni Andy bago umiling, "Grabe ang demonyong 'to."Habang tumatawa si Denum ay dahan-dahan naman itong umiyak. Mabilis na binalingan siya ng tingin ni Andy. Kahit naguguluhan sa pagbabago ng reaksyon ni Denum ay marahan niyang inilapat ang mga braso sa balikat ng binata bago lumapit dito para yakapin ito.Mabuti na lang at walang naging bayolente na reaksyon si Denum, hinayaan niya si Andy sa pag-aalo sa kan'ya.Pinilit na ngumiti ni Denum, "Ayokong mabaliw pero sana huwag mo muna akong iwan. Natatakot akong mag-isa ulit, baka may mangyari na naman sa akin." hiling niya kay Andy.Tumango si Andy. Ila
FIVE SENSESCHAPTER 09: A KNIGHT AND SHINING DEMONWarning: Many scenes are more on violence. Not suitable for a very young readers.Nangingiting lumapit sa kanya ang lalake bago iniluhod ang isang paa at pumantay sa kanya. Itinaas nito ang hawak na scalpel bago ngumisi sa kanyang harapan."Hindi ko inaasahan na magagamit ko 'tong muli matapos ang sampung taon." nakakapangilabot na wika nito na mas ikinapangamba ni Andy.Marahas nitong inalis ang mga kamay ni Andy na nakatakip sa mukha bago idinikit ang scalpel sa mukha nito. Napapikit si Andy at pinipilit na ilayo ang mukha ngunit sinampal siya ng lalake kaya napahiga siya."Kung hindi mo inungkat yung kaso na iyon, wala ka sana rito. Sayang ka, mukhang may mga manliligaw ka pa naman." biro nito na ikinakunot ng noo ni Andy bago ito mabilis na sinuntok sa mukha."Manliligaw? Wala nga akong plano na mag-asawa!" naiinis na tugon niya rito.Napahiga siyang muli nang suntukin naman nito ang tiyan niya. Naramdaman niya ang pagsuka at nanl
TURN OF TABLES"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia."Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila."Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga."Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban
CHAPTER 52“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang l
CHAPTER 51VOICEANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.“Kanan...”Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.“Bangin!”Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan.
CHAPTER 50It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.Habang sumusulat ay hi
CHAPTER 49"Andy..."May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain."Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bah
CHAPTER 48PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang."Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.Sinamaan siya ng tingin ng dalaga."At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni AndyMay pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa
CHAPTER 47: MISSINGTAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao."Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang m
Chapter 46"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama
CHAPTER 45: STRANGERAs the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.Monggii, wala na talagang nagbalak na