FIVE SENSESCHAPTER 16: THE GHOST BRIDE PT. II"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalala na tanong ni Kino ng magkita sila ni Andy sa gilid ng pool area. Umupo si Kino sa tabi ni Andy at inilubog rin ang paa sa tubig.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok ang dalaga. Bumabagabag sa kanyang isipan ang iilang mga tanong na mukhang si Kino ang makakasagot.Hindi siya kumibo at mataman na tiningnan si Kino. Medyo nagulat ang binata sa tinuran ni Andy."Bakit?" pinilit na ngumiti ni Kino."Sinabi ng mama mo na aalis na dapat si Denum kaya nagulat sila ng bumalik ito." binasa ni Andy ang mga labi. "May nangyari ba sa pagitan niyong dalawa?" diretsahan niyang tanong.Hindi nakakibo kaagad si Kino at napaiwas ng tingin kay Andy. Tumango si Andy at hinawakan sa isang braso si Kino."Magkuwento ka, makikinig ako." seryosong sabi ni Andy.Muling tumingin si Kino bago tumango."Nagkasagutan kami." pag-amin nito."Bakit?""Dahil sa iyo.. Nagalit ako dahil muntik ka na ma
FIVE SENSESCHAPTER 17: REASON"Pagkatapos nating kumain ay may mga pupuntahan tayong muli. I'm sure na magugustuhan niyo ang mga lugar." tila nananabik na sabi ni Demmy sa mga bata habang nag-aagahan.Pinilit na ngumiti ni Entice dahil binabagabag pa rin siya ng ginawa niya kay Andy. Hindi niya maiwasan na sumulyap sa dalaga na nakatulala habang kumakain."Kino, Andy, are you okay? Para kayong kinulang sa tulog." puna ni Kris habang nakatingin sa kaliwang bahagi ng mesa kung nasaan si Kino at Andy na mukhang matamlay dahil kinulang sa tulog.Walang gana na tumingin si Kino sa ama."Dad? Pwede bang hindi na kami sumama ni Andy? Gusto pa namin matulog." pamimilit ni Kino sa ama ngunit tinanggihan nito."NO. Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin dahil umuwi ka ng lasing." may halong inis na sabi ni Kris.Napanguso si Kino bago inilapat ang likuran sa upuan at lumiyad."Agh, nagbibiro nga lang ako no'n." palusot ni Kino.Sinamaan siya ng tingin ng ama."Puwes, ako hindi. B
FIVE SENSESCHAPTER 18: GOODBYES"Ang ganda ng bakasyon natin, ngayon lang ako muling nag-enjoy ng ganito." natutuwang sabi ni Demmy habang bumibiyahe sila pauwi.Madaling araw palang kaya natutulog sina Denum at Entice sa likurang bahagi ng sasakyan. Si Andy at Kino naman ay nakikinig sa sinasabi ni Demmy na nakatingin sa asawang nagmamaneho."Masaya akong marinig iyan, hindi ka na mahihirapan kapag bumiyahe tayo mamaya papuntang Singapore." tugon ni Kris sa asawa.Napangiti sina Kino at Andy sa narinig bago nagtinginan."Ngayon ko lang napansin na dala mo si Komasan.." puna ni Kino habang tinitingnan ang malaking stuff toy na yakap ni Andy.Pinilit na tumawa ni Andy ng mahina."Kasi hindi ko naman siya nilalabas, ayoko madumihan." sabi niya bago inupo sa gitna nilang dalawa ang stuff toy. "Hi ka kay Kumag, baby. Namiss ka niya." nakangiting sabi ni Andy habang kinakaway ang stuff toy sa harapan ni Kino.Napangiwi si Kino bago hinawakan ang kamay nung stuff toy."Hi baby Komasan.." b
FIVE SENSESCHAPTER 19: AUDITION"Ayoko." pagtanggi ni Andy habang hinihila siya ni Kino papunta sa Music Club."Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong sumali sa Music Club para mas makilala mo si Lylia." pamimilit ni Kino. Kumunot ang noo ni Andy."Kakasabi ko lang na ayaw ko siya para sa Club natin at hindi ko siya papakisamahan. Tapos gagawin ko 'to?!" naiinis na tanong ni Andy."You don't have any choice because she will be our member whether you like it or not, you should be helping me in developing our Club." maawtoridad na wika ni Kino.Nakasimangot at pinipilit magpabigat ni Andy upang hindi siya mahila ni Kino. Nilingon siya ng binata at tiningnan ng masama. Pinilit na ngumiti ni Andy bago umupo na parang bata at nagpahila kay Kino."Hindi ka ba tatayo?" naiiritang tanong ni Kino ng huminto ito sa paghila kay Andy.Ngumiti na parang aso si Andy bago umiling. Napahilamos ng mukha si Kino bago muling tumingin kay Andy."Kapag hindi ka tumayo diyan, bubuhatin kita at pagkapasok
FIVE SENSESCHAPTER 20: VOICE OF AN ANGELMasama ang timpla ni Andy ng makita ang pagpasok ni Kino sa Clubroom nila. Kaagad niya itong binato ng mga bolang papel na nabuo niya kakahintay sa binata. Hindi inaasahan ni Kino ang gagawin ni Andy kaya hindi siya nakaiwas at nasalo ang mga bolang papel na binato nito."Anong problema mo?" naguguluhang tanong niya kahit may ideya na siya. Mabilis na tumayo si Andy bago paika-ikang lumapit kay Kino. Pantay ang kilay nito bago inalagay sa beywang ang mga kamay."Ang problema ko ay ang pangtri-trip mo sa akin at panlalait sa akin nung babaeng iyon na halata namang may gusto sa iyo." mataray na sabi ni Andy.Natawa si Kino dahil sa inaasal ni Andy."Para kang nagseselos na girlfriend.." mahinang sabi ni Kino ngunit hindi narinig ni Andy at nagpatuloy sa pagsasalita."Dahil sa pakikipagharutan mo sa Lylia na iyon ay hindi na tayo nakapagpractice, ano na lang ang gagawin natin mamaya? Pagtatawanan nila tayo?!" natatarantang sabi ni Andy.Hindi na
FIVE SENSESCHAPTER 21: MURDER OR SUICIDE? Nilapitan ni Andy ang kaluluwa ng lalake habang pinapanood siya ni Kino. Nang makapunta siya sa harapan ng lalake ay kinuha niya ang atensyon nito."Ako nga pala si Andy, isang Paranormal Club member. Narito ako para tulungan ka." pakilala ni Andy.Kumunot ang noo ng lalake."Saan mo ako tutulungan?" tanong nito."Hahanapin namin ang pumatay sa iyo, sinabi ng lalakeng iyon.." tinuro ni Andy si Denum. "Na murder ang nangyari."Mariing umiling ang binata."Hindi murder ang nangyari dahil nagpakamatay ako." pag-amin ng binata na ikinagulat ni Andy."Ano? Kung nagpakamatay ka, bakit may babae akong nakita kung saan ka nahulog?" naguguluhang tanong ni Andy.Pinilit na ngumiti ng lalake."Dahil pinigilan niya akong mag-suicide." sagot nito.Napaatras si Andy at hindi makapaniwala sa sinabi ng lalake. Nalilito siya at wala ng pumasok na ideya dahil sa pagkalito niya sa mga nangyari. Magsasalita pa sana siya ng mapapikit ang mga mata niya."Pero—" h
FIVE SENSESCHAPTER 22: DOUBLE TROUBLE"Sabihin mo nga, paano mo nasabing murder ang nangyari?" kunot-noo na tanong ni Andy kay Denum habang kumakain ng french fries na natira nilang dalawa ni Kino nung nakaraang gabi.Umangat ang isang sulok ng labi mi Denum habang tinitingnan ang pagkain ni Andy na mukhang napaglipasan na ng panahon ang kalagayan. Napansin ni Andy ang tingin ni Denum sa kinakain niya kaya inalok niya ito."Gusto mo ba? Kumuha ka lang."Napangiwi si Denum at hindi makapaniwala sa sinabi mi Andy."Eww, mukhang pinulot mo lang sa kung saan ang kinakain mo tapos iaalok mo sa akin. Kadiri!" napapailing na sabi mi Denum na ikinairap sa kawalan ni Andy."Ang arte mo, kagabi lang 'to! Natira namin ni Kino dahil inilibre niya ako." paliwanag ni Andy na mas ikinangiwi ni Denum."Tinanong ko ba? Wala akong pake kahit sa date niyo pa galing iyan." masungit na sabi nito bago umupo sa tabi ni Andy.Nililimliman sila ng mga dahon ng mga puno sa likurang bahagi ng Paaralan. Nakatin
FIVE SENSESCHAPTER 23: THE ONLY FRIEND"Bakit hindi mo sinabi na si Jonil Suarez ay ang secret true friend mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy kay Denum ng sabihin nito ang dahilan ng pagluha niya."Dahil maraming magsasabi na kaya ko lang hinahanapan ng hustisya ang pagkamatay niya ay dahil sa pagiging magkaibigan namin, walang maniniwala sa akin kung ipapakita ko na naapektuhan ako sa pagkamatay niya." paliwanag ni Denum."Kagaya kanina, nadala ka ng galit mo," nagpantay ang mga kilay ni Andy, "Pero bakit palihim lang ang pagiging magkaibigan niyo?"Napayuko si Denum kaya hinawakan ni Andy ang balikat nito."Huwag kang mahiya na magkwento, wala namang makakalabas sa ating dalawa." paniniguro ni Andy.Lingid sa kanyang kaalaman ay pinapanood sila ng dalawang binata na nasa hindi kalayuan."Bakit ba tayo nandito? Bakit hindi natin sila lapitan?" nagtatakang tanong ni Krem habang nagsisiksikan sila sa maliit na espasyo ng halaman."Kasi mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ano
TURN OF TABLES"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia."Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila."Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga."Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban
CHAPTER 52“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang l
CHAPTER 51VOICEANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.“Kanan...”Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.“Bangin!”Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan.
CHAPTER 50It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.Habang sumusulat ay hi
CHAPTER 49"Andy..."May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain."Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bah
CHAPTER 48PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang."Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.Sinamaan siya ng tingin ng dalaga."At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni AndyMay pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa
CHAPTER 47: MISSINGTAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao."Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang m
Chapter 46"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama
CHAPTER 45: STRANGERAs the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.Monggii, wala na talagang nagbalak na