KABANATA 6
Nakaupo siya sa couch at hindi maipinta ang mukha habang mariin ang titig sa akin.
Mukha syang galit kaya hindi ko alam kung lalagpasan ko ba sya o itatanong kung nakauwi na si Sydney.
Sa huli, minabuti ko na lang na iiwas ang tingin at umakyat sa kwarto.
Nakakailang hakbang pa lang nang tawagin nya nag pangalan ko.
Automatic akong pumihit paharap sa kanya but this time, I can't look at him because I'm so nervous.
"Where have you been? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" he asked in a low and dangerous tone.
"A-ah... K-kasi hinanap ko si Sydney kanina kaso naligaw a-ako."
Halos sampalin ko na ang sarili ko. I did just stammer in front of him. The hell...
"And why would you do that? Sydney grows up in this place, our family owns this kaya walang mangyayaring masama sa kanya dito sa loob ng resort."
I bit my lower lips and glued my eyes on the floor.
What can I say? Tama naman sya. Baka nag-over react lang ako kanina dahil na guilty ako nang mag walk out si Sydney.
"O baka naman hindi yun ang dahilan."
Bigla akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi nya.
"Hindi kita maintindihan."
He smirked.
"Hindi? Talaga?" his eyes full of sarcasm turned blank "Akala mo ba hindi ko nakita kanina? Kasama mo ang kapatid ko. Ano nag date ba kayo? Masaya ba na kasama mo sya habang halos mamatay na ako sa kakaisip kung nasaan ka?"
I panicked.
Ano bang iniisip ng lalaking to?
"T-teka... Kung si LA ang tinutukoy mo, hindi kami nag date. Nag magandang loob lang sya na ihatid ako dito kasi hindi ko maalala ang daan pabalik."
"Sa kanya pa talaga?" he asked in a mocking tone.
Tumawa pa sya na parang sinasabing 'hindi ako naniniwala sayo Praia'.
"Kapatid mo sya, hindi ba dapat matuwa ka na inihatid nya ko dito?"
"Why don't you call me para masundo kita?"
"Nakalimutan ko ang phone ko kanina!"
Naningkit ang mga mata nya.
"Bullshit! Why can't he just fucking tell you the direction instead of bringing you infront of my damn house?"
Natigilan ako hindi lang sa biglaang pagmumura, kundi sa reaksyon nya mismo na para bang kaunting kalabit ay mananapak.
Kinalma ko ang sarili ko at inalala kung paano i-handle ni mommy ang ganitong sitwasyon.
"Ask him."
A long moment of silence filled into the air of the living room. Sa sobrang tahimik parang naririnig ko na ang hampas ng alon sa dalampasigan kahit hindi ko alam kung malapit ba yun dito.
He still looks pissed pero mukhang kumalma na sya ng konti. I'm not sure if I got it right pero natigilan sya sa sagot ko. Baka hindi nya inaasahan na magiging ganon ang respond ko sa kanya.
"Sorry hindi na to mauulit. Wag kang mag alala kahit hindi mo isama sa sweldo ko ang para sa araw na to kasi hindi ko naturuan si Sydney." I sigh "May sasabihin ka pa ba?"
"Hindi na ako magpapadala ng pagkain dito. Sa restaurant tayo kakain. Palitan mo ang damit ni Sydney at pagkatapos mag ayos ka na rin"
Hindi ko alam kung paano mag a-approach kay Sydney dahil hindi ko alam kung galit sya o ano.
Habang nandito ako, gagawin ko na ng maayos ang trabaho ko dito kahit clueless ako sa tamang pakikisama sa isang bata.
"Hi... Pwede ba kong pumasok?" tanong ko habang nakadungaw sa pinto.
Humarap sya sakin at tumango-tango kaya nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok doon.
Umupo ako sa kama at tiningnan ang iPod na pinagkakaabalahan nya.
I cleared my throat.
"Sorry nga pala kasi hindi ako nakabalik on time para turuan ka."
"Ayos lang..." tipid nyang sagot at sinulyapan lang ako saka nagbalik ng tingin sa iPod.
"Busy ka ba? Sabi kasi ng daddy mo kakain daw tayo sa labas kaya papalitan ko muna ang damit mo."
"Okay. Nasa drawer ang mga damit ko."
"May specific ka ba na gustong isuot?" tanong ko habang binubuksan ang drawer.
"Wala ikaw na lang ang pumili"
I smiled while looking at the dresses inside the drawer. I remembered how much my mom loves to dress me up like a barbie girl when I was young.
Sinulyapan ko sya at muling ibinalik sa mga damit ang tingin. I pull out a sunday dress and go near her.
"Eto... This would fit very well!"
Excited ako habang isinusuot ang damit sa kanya. Wala naman akong narinig na complain kaya inayos ko pati ang buhok nya. Ako rin ang hinayaan nyang pumili ng sapatos.
"Tada..." I exclaimed.
Sobrang lawak ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang itsura nya. She's so adorable with that yellow orange sunday dress na umabot sa tuhod. Naka French braid ang itim na buhok at suot nya ang puting flat shoes na pinili ko.
"Ano tapos na ba?" inip na inip nyang tanong.
Hindi ako nagsalita. Binuhat ko lang sya at itinayo sa harap ng salamin.
"Ako ba to?" she asked while staring at her reflection.
Isa lang ang naalala ko sa kanya. Si Florence. Kamukhang kamukha nya yun dun sa grade school picture na nakita ko sa internet.
"Ewan ko, Sydney ba ang pangalan mo?" I joked.
Hindi nya ko pinansin at tinitigan lang nya ang salamin na parang unang beses nyang makita ang sarili nyang repleksyon.
"Sige magpapalit na din ako," paalam ko ng maalala na malapit ng mag dinner.
"Wait..."
Napatigil ako sa pag hawak sa door knob dahil akala ko nag ha-hallucinate lang ako.
"Thank you," walang kaemo-emosyon nyang sabi.
Napailing-iling na lang ako habang papasok sa kwarto ko.
Bipolar kid. Parang tatay nya.
Hindi na ako masyadong nag effort na mag ayos dahil dinner lang naman yun. Pinili ko ang damit na comfortable pero presentable kahit paano, a fitted statement shirt and denim shorts, sandals na lang rin ang sinuot dahil sa pagkakatanda sa ko kanina, nasa may beach side ang mga kainan.
Nagsusuklay ako ng buhok nang makarinig ako ng katok sa pinto. Binuksan ko yun at nabungaran ang nakangusong si Sydney.
"Tapos ka na ba?" she asked in a flat tone.
Pambihirang bata talaga. Inayusan ko, nagpasalamat nga mukha namang labas sa ilong, tatawagin ako, mukha namang nagde-demand.
"Oo, teka ibabalik ko lang ang suklay"
Ginawa ko ang sinabi ko at sumunod sa kanya pababa ng hagdan.
Tumayo agad si Zurich ng makita kami at nag decide syang lakarin na lang namin ang restaurant.
Nauuna sila ni Sydney sakin habang tahimik kaming naglalakad.
Hindi naman malayo ang restaurant, ng malagpasan namin ang mga villa ay konti lang ang nilakad namin para makarating sa C&M Restobar.
It was a huge place with the romantic and modern ambience. It was covered with glass at tama nga ako, malapit sya sa dagat kaya kitang-kita namin ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na langit. May maliit na stage kung saan may lalaking nagpe-perform.
Zurich pick a table near the glass wall where we can have a better view of the majestic sea.
Magkatabi kami ni Sydney at nasa harap nya si Zurich.
"What do you wanna eat?"
Nagkatinginan kami ni Sydney at bigla nyang inabot sakin yung menu. I scanned it and picked lobsters, pineapple juice and a strange food called fish mushroom soup with something I don't know.
"Yun din ang akin dad," segunda ni Sydney ng masabi ko kung ano ang order ko.
He looked at us like we are some weird creatures from Mars before giving our orders to the waiter he called Chuckie.
We were so silent kaya ibinaling ko ang mata ko sa dagat dahil ako ang nakaupo sa side na yun.
May mga iilang guest na nag na-night swimming, yung iba nasa buhangin at yung iba nasa lounger. Ang papasikat na buwan at mga nakahanay na torch ang nagbibigay ng liwanag sa kanila.
Napabalik lang ang atensyon ko sa mesa ng dumating ang order namin at nagsimula na kaming kumain.
Natigilan ako ng makitang nahihirapan si Sydney sa pagkain ng lobsters dahil masyadong malaki yun para sa maliit nyang kamay. Bigla akong nakonsensya dahil nung ako ang nasa edad nya, may mommy ako para magtanggal ng shell para sakin.
Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at kinalabit sya.
"Tulungan kita, gusto mo?"
She glanced at her father first before shyly nodded on me. Sumulyap din ako kay Zurich na natigil sa pagkain. Parang gusto ko syang irapan. Hindi nya ba napapansin na nahihirapan yung bata? Tss... What a father?!
Iniwasan kong sumulyap ulit sa kanya sa buong panahon na kumakain kami dahil pakiramdam ko palagi syang nakatingin sakin.
"Are we heading home o may iba pa kayong gustong gawin?" Zurich asked habang palabas kami.
"I'm tired dad. How about you?"
Nagulat ako ng bigla nyang hingin ang opinyon ko.
"Ah... Uwi na tayo kung pagod ka na."
Dumiretso kami ni Sydney sa kwarto nya para makapag half bath sya at makatulog. Samantalang nagpaalam si Zurich na may gagawin daw sa office nya.
"May pamilya ka ba?" tanong bigla ni Sydney habang sinusuklay ko ang buhok nya na medyo nakulot dahil sa braid.
"Oo, mabait ang parents ko," nakangiti kong sagot.
Suddenly, I missed my parents. If my mom was here, matutuwa syang damitan ang malditang bata na to na mukhang barbie.
"Siguro only child ka noh?" patuloy nyang pag-uusisa.
"Pano mo nalaman?"
"Simple lang, mukhang alagang-alaga ka sa inyo?*
"Owss?"
"Kahapon ko pa tinitingnan ang legs mo, milky white tsaka walang gasgas. Mayaman ba kayo? Bakit sabi ni daddy, may sakit ang mommy mo at kelangan mo ng pera para sa kanya? Nandito ka ba talaga para mag yaya at tutor sakin o para makuha ang loob ng daddy ko?"
Napatawa ako sa tanong nya at tinapos ang pagsusuklay sa kanya bago sya hinarap.
"Alam mo? Kahit m*****a ka at masungit sakin, feeling ko lalaki kang genius kasi ang mga bagay na alam mo ay hindi bagay sa edad mo."
Tumaas ang kilay nya.
"Gaya ng paghawak ng baril? Pagtawid sa real life laser traps? Pangha-hack ng wifi ng mga tito ko? Pagtalon mula sa second floor papunta sa mga dwarf santan ni lola? Normal lang yun, Monteclaro ako eh."
I shook my head in disbelief. Kakaiba talaga...
"Halika na nga, matulog ka na. At bukas ituturo ko sayo ang dapat gawin ng isang batang four years old."
Humiga sya sa kama at kinuha ang isang libro mula sa mga nakalagay sa night stand.
"Magbabasa ka?" curious kong tanong.
"Oo. Ginagawa ko to bago ako matulog."
"Hindi ka ba binabasahan ng daddy mo o ng mommy mo?"
"Busy si daddy sa trabaho, naiintindihan ko yun dahil para naman yun sa future ko. Wag ka ng magtanong tungkol sa mommy ko," sinulyapan nya ko "Ayoko syang pag-usapan."
May kung anong mainit na humaplos bigla sa puso ko at nakalimutan ko na ang pangit na impression ko sa kanya. Ang gusto ko lang ay gawing saya ang nababanaag kong lungkot sa mga mata nya.
Tumabi ako paupo sa kama nya at niyakap sya.
She frozed dahil mukhang hindi nya inaasahan ang ginagawa ko.
"From now on, ako ang magbabasa ng bed time story mo hanggang sa makatulog ka... Ayos ba?"
"Really? Let's start then" excited nyang inabot sakin ang story book na Cinderella at umayos ng higa sa kama.
Binasa ko yun habang hinahaplos-haplos ang buhok nya kaya mahimbing syang nakatulog kalagitnaan pa lang ng kwento.
Pinagmasdan ko muna sya ng ilang saglit bago ko inayos ang kumot nya at binuhay ang lampshade.
I guess this kid was just a brat seeking for attention and love.
Naghahanda pa lang ako para matulog ng makarinig ako ng tatlong mahihina at sunod-sunod na katok.
Inayos ko ang bathrobe ko bago binuksan ang pinto dahil alam ko na kung sino yun, tatlo lang naman kami dito sa bahay.
"May kailangan ka?" tanong ko kahit ang totoo'y tumatambol na ang d****b ko sa kaba.
"Wala. Gusto lang kitang pasalamatan dahil sa pag-aalaga mo sa anak ko."
"Trabaho ko naman yun eh.a"
He sigh.
"Pasensya na kung medyo na-spoil ko sya, hindi lang halata pero mahal na mahal ko ang anak ko. Sana pag tyagaan mo sya dahil walang tumatagal na yaya sa kanya."
"Kulang lang si Sydney sa pagmamahal ng nanay."
Natigilan sya bigla kaya agad kong binawi ang sinabi ko.
"Sorry, I mean... Ikaw lang kasi ang kasama nya dito kaya naa-adopt nya ang manly attitude mo," agad kong bawi.
He smirked.
"Good night Praia."
"Good night."
Damn. Ano bang sinabi ko? Mukhang hindi maganda ang relasyon ni Zurich at ng asawa nya. Curious tuloy ako kung anong pangalan ng mommy ni Sydney.
Teka ano bang pakialam ko eh buhay at problema nila yun? May sarili akong problema na dapat kong pagtuunan ng pansin.
KABANATA 7Maaga akong nagising kinabukasan. Sinilip ko muna kung natutulog pa si Sydney sa kwarto nya bago ako pumunta sa kusina at naghanda ng breakfast, baka sakaling maisip ni Zurich na sumabay samin kaya dinamihan ko na ang luto. Besides natutuwa ako na kompleto ang kitchen utensils at grocery nya.I was humming a nursery rhyme as I pick up the last batch of sausages on the pan when Sydney suddenly puffed at the kitchen."Good morning!" I cheerfully greeted her."Morning," tamad na tamad nyang bati rin sakin habang nagkukusot ng mata nya.She was still wearing her bunny printed pajamas and walking towards what I cooked, barefoot."I cooked breakfast, tulungan mo kong i-set ang dining..."
KABANATA 8After we all ate the breakfast I made, pumasok si Zurich sa kwarto nya dahil may 'importante' daw na gagawin samantalang nagyaya si Sydney na mamasyal kaya agad kaming naghanda para hindi kami maabutan ng sobrang init ng araw."You're pretty," komento ni Sydney na naghihintay na naman sa labas ng kwarto ko.She said we won't go swimming so I wore a maroon beach dress."Thank you. Ikaw din, you're so cute."Sinimangutan nya ko."You're the one who pick my clothes, of course you will say I'm cute."I pinched her cheeks."Lesson number three, always be kind."
KABANATA 9Nang humupa ang bigat sa dibdib ko ay kinuha ko ang isang glass pitcher na may lamang tubig at pumunta sa hanay ng mga baso para makabalik na ako sa sala.Napatigil ako ng makitang nakaharang si Zurich. Nakasandal sya sa hamba ng pintuan na para bang kanina pa inip na inip na makausap ako.His expression was unreadably dark and near blank.Inilapag ko ang dala ko sa island counter at hinarap sya."May problema ba?"Nagsimula na namang magtambol ang puso ko dahil sa kaba.Hindi sya sumagot at tiningnan lang ako."Zurich? Are you okay?"My f
KABANATA 10"Praia... Join us!" yaya ni Denver ng bumaba ako sa sala para i-check sila.Agad akong sumulyap kay Zurich pero nagkibit-balikat lang sya sakin kaya tinanggap ko ang inaalok na beer in can ni LA. Hinawakan ko lang yun pero hindi ko naman ininom.Umupo ako sa isang one seater sofa at tiningnan sila.Si Cairo pangisi-ngisi na habang tinutungga ang laman ng beer, halatang may tama na, ganon din si LA at Denver. Mukhang si Zurich na lang ang matino.Itinuloy nila ang naudlot na usapan tungkol sa problema ni LA sa babae."Wag mo na kasing isipin yun tol, the more you think, the harder you will fall" ani Cairo."
KABANATA 11Nasa bahay ng grandparents nya si Sydney dahil kadarating lang ng mga ito, kaya mag-isa ako sa bahay. Zurich called yesterday na kelangan nyang mag extend ng three days sa Manila dahil sa isang business convention. Which means, hindi sya makakauwi until Monday.I missed him. I may sound pathetic but a day without his presence was like a year without December. I miss him so bad kahit dalawang araw pa lang syang wala.I wasn't like this. Yeah, I'm a bit idealistic when it comes to love and romance but I know my limitations too. I got two boyfriends back in high school and one during college but nobody makes me feel this way.I was about to pick a nighties when my phone rang.Unknown number.&
KABANATA 12My head was throbbing real bad when I wake up.Medyo nahilo ako dahil biglaang pagbangon kaya nahilot ko bigla ang aking sentido. After I recovered, saka ko lang napansin na wala ako sa sariling kwarto.The interior's dominant color is gray, black and white.My eyes widened as a realization hit me.This is owned by a man. Where the hell am I?I checked myself and I was still wearing my undies but it was covered with a big white t-shirt— or let's say, just over sized for me.The room's door opened and I let out a sigh of relief when I saw Zurich entered."Hi. Anon
KABANATA 13I still can't believe that his mother actually told me to feel at home— and she looks freaking sincere. Tapos na kaming mag lunch at naku-kwentuhan na lang pero parang nakalutang pa rin ako."Anong course ba ang natapos mo Praia?"Napapitlag ako ng marinig ang pangalan ko mula sa daddy ni Zurich."Business Ad, major in finance po.""You don't have to be too formal iha, alam mo kasi nami-miss ko na ang bunso ko. Baka kaedad mo sya," anang matandang lalaki.Hindi lang ako nagpapahalata pero nakikinig akong mabuti sa sinasabi nya. Anything about Florence is helpful considering that informations about her is very limited. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.
KABANATA 14Like what I've said, maaga pa lang nasa sun lounger na kami ni Sydney at naghahanda para lumangoy. We brought food, swan floater and other stuffs para ma-enjoy namin ang pagsi-swimming.I'm not expecting that I would enjoy diving and swimming at deep sea level because I have to watch over Sydney. Marami ang guest sa resort kaya kelangan ko syang bantayan ng mabuti."Let's swim... Gusto kong sumakay sa floater tapos papanuorin kitang lumangoy. Tara..." yaya sakin ni Sydney habang hinihila ang kamay ko.Basa na sya ng tubig dagat dahil lumangoy na sya habang naglalagay ako ng sun block."Wait baby..."Tinanggal ko muna ang see through kimono dress ko bago ang aviator sunglasses at sum
KABANATA 50HALOS wala kaming imikan ni Zurich habang papasok sa villa. Parang pareho na kaming kontento sa katahimikan at Hindi na kailangan pa ng mahabang usapan. We spend the whole day with his brothers, kwentuhan lang. Sydney was with them dahil may balak yata silang pumunta sa Manila para i-surprise visit si Florence bukas."So..." tanong nya habang paakyat kami sa hagdan.He was holding my hand like I'm gonna escape from him anytime.I won't do that even if I get a chance. Why would I choose a life without him when I can freely spend the rest of my life with him?"Hmmm?""Are we okay now?""What do you think?"Magkahawak kamay kami pero hindi naman sya nahirapan na buksan ang pinto ng kwarto nya. Napasulyap pa ako sa pinto ng dati kong kwarto bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ni Zurich.
KABANATA 49Inirapan ko sya at padarag na naupo sa isang sawaling upuan. As if makakatakas ako diba? Ipinamimigay na nga ako ng nanay ko hindi ba obvious? Isa pa, nakatayo sya sa tapat ng pinto kaya sa haba ng braso at binti nya mahahablot nya ako kaagad."Bakit ba kasi?" pagalit kong tanong.Kung mag-uusap kami, this might be fast coz I still have a boat to catch, kung ayaw ni mommy sa bayan ako pupunta para sumakay sa kahit ano na magdadala sakin sa Sta. Elena."Make it fast coz as you can see I'm in a rush" ulit ko ng hindi sya sumagot."Aalis ka?" tanong nya sa isang malamig na boses.Hindi ako nagpatinag at tinarayan sya imbis na matakot."Oh ano naman sayo?""Wait a minute" aniya at humakbang palapit sa akin.He bent off one of his knees down and held my hand."The
KABANATA 48"AALIS ka na ba talaga?" Sydney asked in a teary eyes.May isang bodyguard na lumapit para kunin ang maleta ko kaya ibinigay ko muna iyon bago lumuhod sa kahoy na board walk na kinatatayuan namin para maging magkapantay ang mga mukha namin.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at pilit na ngumiti para ibsan ang sarili kong lungkot. Her tears are like knives stabbing my chest."Yes. Bye Syd, wag mo akong kakalimutan ha?" pumiyok na ako sa huling salita dahil sa pinipigil na emosyon."P-Praia..."Patuloy sa pagpatak ang mga luha nya kaya pinalis ko iyon gamit ang mga hinlalaki ko."In case na magkita tayo in the future, please don't snob me"Nagpipigil ako ng hikbi habang sinasabi ko iyon."Sshhh... Don't cry. I love you okay? Remember that"
KABANATA 47Bumakas ang gulat sa mukha nya pero natakpan din iyon ng nag-aalalang ekspresyon."You know like for good or something" dagdag ko nang hindi sya magsalita."You won't go back to Manila?" alanganin nyang tanong na mukhang tinitimbang pa Rin ang reaksyon ko.Nagkibit balikat ako dahil Yun Ang totoo."I still don't know mom""Why don't you just stay here---""If you dont want me to come with you, I'll go to Paris or maybe Florida---""Fine. Come with me, at least I know where you are" she finally said.Nagawa kong ngumiti ng tipid dahil sa sinabi nya."Okay thanks mom""Let's eat?" aniya.Tumango-tango ako at nagsimula na sa pagkain."Can I ask for a favor?" I asked again.Tumango-tang
KABANATA 46SAKIT ng katawan ang unang rumihestro sa utak ko ng bumalik ang aking malay tao. Naging napakahirap na mag-adjust para sa akin na mag adjust sa liwanang dahil pakiramdam ko, ilang araw na hindi nakakita ng matinding liwanang ang mga mata ko.May benda ang braso ko na sa pagkakatanda ko ay natamaan ng kutsilyo habang nananakit naman ang likod kong tumama sa matigas na pader. My breathing was perfectly fine but my head is not. Sumakit yun at bahagyang kumirot ng sinubukan kong alalahanin ang nangyari.Inilibot ko ang paningin sa puting kwarto at agad na nakita si mommy na kapapasok lang."M-Mom?" mahinang tawag ko sa kanya sa paos na tinig.Alerto syang lumapit sa akin at agad na sinipat kung may diperensya ba sa akin."How are you?""I'm fine""Lumabas na ang resulta ng CT Scan mo at maayos ang kinala
KABANATA 45IT'S a total pain in my sight to watch him go but I don't have a choice. Hinayaan ko lang syang umalis at hindi na nagtanong pa. Those things should be out of my business.I sigh and take a last sip on the smoothie I ordered."Babalik din yun"Nilingon ko si Cairo na biglang nagsalita sa tabi ko.Parang alam nya kung sino ang laman ng isip ko."Syempre may bahay yun na babalikan dito" pambabara ko na ikinahalakhak nya."Babalik din yun sayo" nakangisi nyang paglilinaw.Umiling-iling ako at tumayo na para muling bumalik sa hotel.Pagkaalis ni Zurich sa suite ko, naghintay lang ako ng isang saglit at lumabas na para magpalipas ng oras sa The Coffee Shop. I know it's not healthy but I ate cake and smoothie for dinner dahil wala talaga akong gana na kumain ng mga super hard foods.
KABANATA 44Inubos ko ang laman ng kopita at tumayo na para pumunta sa kama. I don't bother to pick it all up because the house keepers are cleaning everyday.Nakakailang hakbang pa lang ako pero muntik na akong matumba dahil sa biglaang pag alon ng paningin ko. Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Zurich para umalalay pero biglaang nag flash sa utak ko ang mukha ng girlfriend nyang si Marcela."I'm fine. Thank you..."Inalis ko ang pagkakahawak nya sa balikat ko at muling sinubukan ang marahang paghakbang. Nang pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin ang mabilis na ikot ng paningin ko ay nag indian sit ako sa sahig habang nakapikit.I can hear Zurich uttering different curses but he's not doing anything. Hinayaan nya lang ako sa gusto ko gaya ng sinabi ko.Pagkaraan ng ilang saglit ay nagmulat ako. The shakiness of my line of vision was quite bearab
KABANATA 43"WHO gave you this?"Halos madulas ako palabas ng banyo ng biglang magsalita si Zurich na nakatayo di kalayuan na mukhang hinihintay talaga ang paglabas ko.Una kong sinulyapan ang madilim nyang ekspresyon sa mukha bago ang sulat na hawak nya."Kanino to galing?" ulit nya sa tanong."I don't know" kibit balikat ko at dumiretso sa tokador para kumuha ng suklay.Mabuti na lang pala naisipan kong magbihis na sa banyo, dahil kung hindi lalabas ako nang naka towel lang."This are death threats Praia and you're so calm?" iritado nyang tanong.I boredly looked at him and tilted my head to prove a point."You told me it's safe here. I trust you""Even so, bakit wala kang ginagawa? You don't even bother to tell me""Pang-ilang sulat na to?
KABANATA 42"SYD?"Napamulagat ako ng makita na sya ang kumakatok sa pinto ng suite. I'm expecting my mom or even Zurich, but not her."Hi!"Lumuhod ako bahagya para magpantay ang level ng mga mukha namin at nagulat ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit."I missed you" bulong ko habang niyayakap din sya pabalik."Yeah... Me too"Kumalas sya sa pagkakayap sa akin and if I got it right, nagpunas sya ng luha sa gilid ng mata."Wanna have breakfast?" nakangisi nyang tanong."Yeah sure, bababa na rin naman sana ako eh"Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na ako agad palabas sa suite ko.She's still the kid I love. Straight forward, maldita pero totoong magmahal. Sydney is just such a gem.Sa The Coffee Shop kami napadpad at gaya ng dati,