THIRD PERSON POVMagkakaharap sina Mr. David Ferrari, Supremo at Vincent sa balcony. Ini-report ni Vincent sa matanda na hindi niya naabutan sa dorm ang may-ari at caretaker lamang ang kaniyang nakausap kaninang umaga."Ang sabi ng caretaker, nasa South Korea raw po ang may-ari ng building. Si Mrs. Kate Min. Simula noong nakaraang taon hindi pa s'ya umuuwi rito sa bansa dahil sa business n'yang naka-base roon sa Gangnam-gu, Korea," paliwanag ni Vincent."Wala bang sinabi kung kailan ang uwi n'ya? Kung paano natin s'ya p'wedeng makausap o ma-contact man lang?" usisa ni Mr. David, ang lolo ni Supremo."May ibinigay na email address ang caretaker. P'wede po tayong magpadala ng email kay Mrs. Min, pero sa tingin ko ay mas maganda pa rin kung makakausap natin s'ya nang personal." Humigop ng tsaa si Mr. David matapos iyon sabihin ni Vincent. Kasunod ang malalim nitong buntong-hininga, tila nag-iisip. Tahimik namang sumulyap si Supremo sa katabi—kay Vincent. Kanina pa niya kasi ito gustong
TRIDA POVLinggo ng hapon na ngunit wala pa rin si Ivy. May plano pa kayang bumalik sa dorm 'yon? Ang sabi niya kasi sa text message niya kaninang umaga ay bago raw humapon, narito na siya. Ngunit malapit na magdilim ay hindi pa rin siya dumarating.Hindi kaya naipahamak na s'ya ng katangahan n'ya?"Ate Mildred, wala pa si Ivy?" tanong ko pagbaba ko sa lobby. Naabutan ko siya roon, nanonood pa rin ng tv. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumaba dahil lang sa kahihintay sa bruhang 'yon."Wala pa." Saglit niya lang akong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa screen. Bumuntong-hininga ako at pabalik na sana ulit sa itaas nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Napahinto tuloy ako sa unang baitang ng hagdan. Baka si Ivy na 'to.Ngunit ang malapad kong ngiti ay biglang naglaho nang ibang tao ang sumulpot. Si Kierzyuwi. Sa kanilang lima ay siya pa lang yata ang unang dumating. Huminto siya noong nasa tapat ko na siya at saka niya ako tiningnan sa mga mata. At ngayon ko la
TRIDA's POVPagdating namin sa laundry shop, in-islide ni Yuwi ang pintuang salamin at nauna siyang pumasok sa loob."Narito ka pala pogi." Nakangiting lumingon sa amin ang babae na medyo may edad na. Namamalantsa siya sa isang gilid."Kukuhanin ko na po 'yung dinala ko rito nu'ng—" he turned to me, asking for help, "last week ba 'yon?" tanong niya. Tila naninigurado."Last week after the last," bulong ko rin. Iyon kasi ang pagkakatanda ko.Bumaling ulit siya sa babae. "Last couple of weeks. I don't exactly remember.""Pangalan?" tanong ng babaeng nakangiti nang todo sa kaniya."Trida Montana," he responded. Tinigil muna nito ang ginagawa at hinanap ang pangalan ko roon sa log book nila. "Patingin na lang ng ID."Yuwi turned to me again, tilting his head. Parang sinasabi niyang ibigay ko ang ID ko."Hindi ko dala. Bakit 'di mo sinabi na kailangan pa ng ID?" kunot-noo kong reklamo sa kaniya."I tried to ask you but you cut me off with your little drama of revenge," he shot back. Ngang
IVY POVPagdating ko sa dorm, hindi ko inabutan si Trida sa kwarto. Nasaan kaya siya? Inilapag ko ang bag ko, pati na rin ang binili kong pagkain sa nadaanan naming restaurant kanina.Kinuha ko ang cell phone ko at naisipan ko siyang tawagan. Ilang ring lang 'yon bago siya sumagot."Nasaan ka?" bungad ko sa kaniya."Pauwi na.""Sa'n ka galing?""Kinuha ko 'yung damit natin sa laundry shop. Hiyang-hiya naman ako sa'yo, wala ka ng isusuot bukas, e!"Nanumbat pa talaga. "Sana kasi hinintay mo na lang ako. Sino kasama mo? Mag-isa ka lang ba?""Kasama ko si Yuwi.""Mabuti kung gano'n. Delikado kung mag-isa ka. Baka kuhanin ka na naman ng naka-van. Anyways, dalian mo. May pag-uusapan tayong impotanteng mahalaga.""Ano?""Basta. Mamaya. 'Wag kang excited!" I ended the call and threw my phone on the bed. Dumiretso na rin muna ako sa banyo para mag-shower saglit. Ngayon ko sasabihin kay Trida na pumapayag na akong hanapin namin si Supremo. Na makikipagtulungan na ako sa kaniya.Kung nangyayar
IVY's POVMONDAY. 12:30 pm. Pagkatapos ng huling klase namin ay nagmadali agad kaming umuwi ni Trida sa dorm.Nakuha na niya kagabi kay Ate Mildred ang list ng mga lalaki sa 3rd at 4th floor at ngayon pa lang kami magsisimula sa misyon namin. Ang paghahanap kay Supremo.Pagpasok namin sa kwarto, dali-dali kong ini-lock ang pinto at kinuha naman niya ang kaniyang laptop. Binuksan niya 'yon habang nakaupo siya sa sariling kama."Magsimula na tayong mag-search. Nasaan 'yung list? Dali! Dali!" apura niya sa akin. Agad naman akong tumungo sa kama ko at nilusot ko ang kamay ko sa ilalim ng unan dahil doon ko tinago ang listahan.*FLASHBACK*(Sunday night after Trida's presentation)Bumaba kami sa lobby at hinanap namin si Ate Mildred. Naabutan namin siyang nanonood ng tv kaya nilapitan namin siya.Tumabi kami sa kaniya ni Trida, magkabila kami."Ate Mildred," nakangiting sabi ni Trida. "May sasabihin sana 'ko sa'yo.""Ano 'yon?" tanong naman nito sa amin.Lumapit si Trida sa tainga niya par
IVY's POVAgad nagyaya si Trida sa bookstore pagkatapos ng huling klase namin. Bibili raw kami ng notebook na gagamitin namin sa pag-write down ng mga mahahalagang bagay na mapapansin namin sa lima. Kina Kierzyuwi, Haze, Matthew, Zee at Kayden.Magkaiba kami ng direksyon. Nasa kabilang estante siya, nasa kabila naman ako."Uso pa ba 'yung diary na may passcode?" tanong ko habang binubuklat ang mga naka-display na diary sa shelf. Dati kasi akong mayroong gano'n, noong elementary pa ako. Ewan ko lang ngayon kung may nabibili pa rin."Tama!" she almost yelled at sinilip pa ako sa siwang ng estanteng nakapagitan sa amin. Agad siyang naglakad para umikot sa puwesto ko. "That's a good idea, Ivy. 'Yung may passcode ang kailangan natin. Halika, magtanong tayo." Hinigit niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa cashier. "Ate, may diary po ba kayo na may lock? 'Yung may code?" tanong niya sa dalawang babaeng nakapuwesto roon."Mayro'n po," sagot ng isang babae."Pabili po. Dalawa." Sabay dukot
IVY POV"Thank you, Zee!" pahabol ni Trida habang paakyat na ang dalawa sa hagdan papunta sa floor nila. At hindi na namin sila narinig pang sumagot dahil abala si Matthew sa pagbungisngis. Hindi raw kasi nila alam kung paano gagawin ang kanilang project."Let's start," baling ko kay Trida nang makapasok na rin kami sa kwarto, nakasara na ang pinto."Set muna natin 'yung code," sagot niya naman. Naupo siya sa gilid ng kama niya. Ibinaba ko naman ang bag ko at saka ko inilabas ang diary ko. Sa gilid ng bed ko rin ako naupo. Magkatapat lamang kami at parehong abala sa pagse-set ng passcode. "Sabihin mo sa 'kin ang code mo, ha? Sasabihin ko rin sa'yo kung ano'ng sa 'kin," dagdag niya. "Oo naman. Alangan naman maglihiman pa tayo!" sagot ko kahit na hindi siya nililingon. At dahil makakalimutin ako, sinet ko ang sa akin sa apat na zero (0000). "Ano'ng code ng sa'yo?""1234. 'Yung sa'yo?"Kumunot ang noo ko sabay angat ng tingin sa kaniya. "1234? Napakadaling hulaan n'yan! Ano ka, bata? Ba
IVY POV"Ano na? Sino ang tama sa 'min?" baling sa akin ni Trida. Pati silang lima ay nakatingin sa akin, hinihintay nilang sabihin ko kung sino ang mga nakahula ng hindi totoo sa sinabi ko.I cleared my throat before answering. "Matthew at Trida," tipid kong sagot sabay yuko.Iniiwasan kong mapatingin kay Matthew dahil may kakaiba sa pakiramdam ko. At hindi ko alam kung ano. Pero, oo. Tama naman siya. Lie ang pagsasabi ko ng younger sister dahil ako ang bunso sa amin ni ate."Yes!" Narinig kong sabi ni Trida at nakipag-high five pa ito kay Matthew bago siya nito ituro."Ikaw na Trida." Siya naman ngayon ang pinuntirya nito. Talagang uunahin nila kaming dalawa?TRIDA POV"I have an older brother. Marami rin akong kaibigan noon. Pero binully nila ako," litanya ko habang nakatingin sila sa akin."Sssp..." Yuwi tilted his head while looking at me intently. "Akala ko ba two truths and one lie? Why do they seem to be two lies and only one is true?" he said, confused.Natawa naman ako sa si
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k