Via
Ilang beses akong nagpalit palit ng pwesto sa kama. Gigilid, dadapa, o nakahilata. Hanggang sa bumangon nalang ako nang hindi ko parin makuha ang tulog ko. Ramdam ko narin ang lamig ng panahon.
Tumayo ako at kinuha ko ang makapal kong dyaket at sinuot. Nasa kwarto na sila mama at papa. Tiningnan ko ang oras at 9 pm palang naman.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Umupo ako at nilapag sa lamesa ang mainit na tubig na baso. Nasa isip ko parin ang sinabi ni Kian sa akin.
Totoo ngang si Vim ang may pakana gaya ng narinig ko sa CR noon. Mayaman si Vim at isa ang pamilya niya ang nagbibigay ng scholarship sa mga ibang studanteng nakaavail at isa doon sina Andrea at Lalaine.
Nakita niya sigurong mas mahina si Andrea kay Lalaine kaya una niya itong pinaglaruan. At napakaclear na sa akin na mas ibigay ang sisi kay Andrea ang gabing iyon dahil alam nilang malaki ang mawawala kapag madadawit ang pangalan ng anak nila.
Via"Sinong may gawa sa iyo niyan?" Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Jarus. Nilingon ko siya.Sa uniform ko siya nakatingin. Seryoso ang mukha. Bahagya ko itong pinunasan."Natapon ko lang yung pagkain ko kanina sa canteen." pasisinungaling ko.Inangat niya ang mata niya sa akin."Sigurado ka?" Hindi sang-ayong tanong sa akin. Tiningnan ko rin siya."Oo."Sa likod niya ay napansin kong kakalabas din ni Trisha sa CR na pinanggalingan ko. Lumingon doon si Jarus. Dirediretso lang ang lakad nito hanggang sa lagpasan niya kami. Napansin ko pa ang talim ng tingin niya sa akin saka inirapan ako. Binalik ko ang paningin ko kay Jarus na ngayon ay kay Trisha nakatingin."Galing kayo sa praktis?" Pag-iiba at tanong ko ng mapansin ang suot nito. Nakashirt ng puti at Jersey na short lang at rubber shoes.Tumango ito ngunit ganun parin ang reaction ng mukha. Parang nagdududa at the same time, nag-aalala."Ma
Via"Thank you Kian. Dito nalang ako." pasasalamat ko ng makarating kami dito sa kanto."Malapit nalang ba iyong bahay niyo dito?" tanong niya.Tumango ako saka tinuro ang bahay namin na tanaw na mula sa kinatatayuan namin."Iyong lang ang bahay namin." saka ako ngumiti. "Magdidilim na. Uwi ka na din." aniya ko. Tiningnan niya ako at ngumiti."Sige." Malawak akong ngumiti saka kumaway."Ingat. Salamat ulit." tumango ito sa akin bago siya umalis.Sa oras na ito ay nangiti parin akong pinapanood itong umaalis. Para bang nakadikit na sa labi ko ang ngiting huli kong nakita sakanya.Magmula kaninang niligtas niya ako sa muntik kong pagtawid ng wala sa oras dahil sa kalutangan ko. Pagsabay niya sa akin sa paglalakad at ngayon ay sa paghatid pa. Tiningnan ko ang palad kong hinawakan niya para kumapit sakanya kanina at hindi mahulog mula sa pagkakaangkas ko sa bike niya. Parang umusbong ang kakaibang damdamin sa akin rason para lumawa
Via"Woahh. Hindi na ako magpapalate next time." narinig kong sinambit ng isang kasama naming lalake na habang nililibot ang lugar kung nasaan kami ngayon.Hawak namin ang tig iisang walis at plastic garbage. Nasa pinakalikod at labas na kami ng school ngayon. Maraming basura ang nagkalat at halos hindi namin maatim ang ibang amoy dito."Ang panghi dito!" Singhal at reklamo ng isang kasama namin.Napatakip din ako ng ilong."Sino ba kasi nagtatapon ng basura dito? Hindi ba nila alam kung saan ang tamang lagayan ng basura?" Galit na singhal ng kasama naming babae.Napahigpit ang hawak ko sa walis. Para akong nanghina. Nalate lang naman ako ng gising at pasok pero sobra ata sa parusa ito. Paglinisin na ako sa buong campus, huwag lang dito. Sayang ang niligo ko kung dito rin ang diretso ko.Malawak ang lilinisan namin at mukhang aabutan kami ng kalahating ora
Via"Sorry Kian." paghihingi ng tawad muli ni Trisha.Napahinto kami nang magkamali na naman si Trisha sa praktis namin. Ang masaklap ay lagi nitong naapakan ang paa ni Kian."Are we still presenting this Trisha? Hindi ba pwedeng pili nalang? Yung talagang maalam sa pag waltz at graceful ang galaw? Hindi kami bagay sa pangmahinhin na sayaw. Sa rock pwede pa." suhestyon ng isang kaklase namin."I agree! Masyadong old at nakakahiya ang iprepresent natin sa harap ng mga studante. Magiging katawa tawa lang tayo." Sang-ayon naman ni Vim."Botohan nalang kung sino ang magprepresent. Yung nakakasunod." Singit ni Gio."Ako!" napatingin lahat kami kay Lalaine nang magsalita ito."Gusto mong sumayaw?" Manghang tanong ni Gio."Sira! Ako, boboto ako ang ibig kong sabihin." Paliwanag niya saka tumingin sa akin. "Gusto kong magpartner si Kian at Via. Parehas silang nakakasabay sa steps."Namilog ang mata kong tumingi
KianTumigil ako pagkatapat ko sa convenience store namin. Dala ang bike ko ay nilagay ko ito sa gilid at tiningnan ang isang itim na sasakyan. Mula sa labas ay tanaw ko sa loob ang kaganapan.Pumasok ako at dirediretsong naglakad na hindi na sila tinitingnan. Pumasok ako sa pintuang papasok sa tinutuluyan namin ni mama sa mismong loob din ng store.Pagkapasok ko sa loob ay sumunod din si mama na napansin ang presensiya ko. I went to the sink and wash my face. Pagkatapos non ay kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig."Anak." Hindi ako huminto sa ginagawa. I kept on doing what makes me escape to this situation. Ininom ko ang basong tubig na hawak ko."Kian." It's him. Hindi ko siya tinapunan ng tingin pagkatapos niya akong tawagin."Anak Kian." lumapit ang mama ko sa akin."Pagod po ako ma. Sorry po." Tinungo ko agad ang pintuan ng kwarto ko at pumasok doon. Nilock ko agad.Umupo ako sa kama. Tiningnan ko ang pi
ViaNasa harapan kami ngayon ng bahay nila Andrea. Nakailang katok na kami pero wala paring nagbubukas.Nakatingkayad akong sumisilip sa taas ng gate nila."Baka wala sila sa loob." hula ko ng wala akong masilip na kahit anino sa loob.Sumunod naman si Kian na sumilip sa taas ng gate kung may tao o wala sa loob. Sa tangkad niya ay hindi na siya nag-effort. "Mukha ngang walang tao." Pagsasang-ayon niya.Nagtinginan kaming dalawa na walang idea kung ano ang susunod naming gagawin. Maya maya ay may dumaan na babae at may kasamang batang maliit."Ate." Tawag ko at tumakbo akong lumapit dito. "Alam niyo po ba kung saan po pumunta iyong nakatira dito?" turo ko sa bahay nila Andrea. Kumunot ang noo nito."Matagal ng walang nakatira sa bahay na iyan." Imporma niya na nagpangilabot sa akin."M-matagal na po?" ulit ko."Oo. May sampong taon naring nakalipas nang umalis ang may bahay diyan." Na
ViaPinagmamasdan ko ngayon dito sa malapit ang isang MK's food house. Nalaman ko lang ito ng tawagan ko ang number na nasa papel na binigay ni tita sa akin.Nang buksan ko ang brown envelop na binigay sa akin ay akala ko kasing laki din ng laman pero wala pa sa kalahati ang lapad ng papel. Phone number lang ang nakasulat. Ngayon naman ay para akong stalker na ngayon ay nagtatago sa harap ng isang apartment building na katabi lang ang MK's Food house na pinagtratrabahuan ngayon ni Andrea.Si Andrea ngayon ang pinagmamasdan at sinisilip silip ko kapag walang taong nadadaan. Aware ako na parang akong ewan dito na nakatayo ng ilang minuto at napapansin din ng ilang taong labas pasok sa appartment.Nang tawagan ko ang number na nakasulat doon ay isang matandang lalaki ang sumagot. Sinabi niya ang lugar kung nasaan ngayon si Andrea at heto nga't andito ako.Dahil sa ramdam ko na ang pagkalam ng tiyan ko ay nagpasya na akong pumasok roon. Nakit
ViaI've been consistently convincing and shunning myself not to fall for him but myself won't cooperate.He was sweating and breathing so fast and heavily. Medyo magulo at basa ang buhok nito na parang naligo na sa pawis. Nakasuot ito ng plain white t-shirt at pantalon pero halatang pati damit ay basa din.Tumakbo ba siya?He was looking around like he's looking for someone. Siyempre ako yun. Ako lang naman ata ang pinunta niya dito. I grinned."Andito na pala siya." narinig kong sambit ni Dale sa likod ko ng matapos silang mag-ayos at ligpit dito sa food house. "Kian!" tawag niya na kinalingon naman ni Kian sa kanya hanggang sa dumapo sa akin ang tingin.That was the time that our eyes met. Hindi natanggal ang mata ko sakanya. Lumapit ito sa amin."You're sweating dude. Tumakbo ka?" Dale teases him. Kian glared him.Nagulat kami ng may marinig kaming nabasag sa loob ng kusina."Andrea naman! Konting pag-iingat
Via A month after the proposal, we got married. It was the happiest moment of my life. Yung hindi mo inaasahan lahat. Grabe pala makasurprise si Kian at ngayon ko lang yun nalaman. Lumipas ang ilang buwan ay marami nang nagtatanong sa akin kung may laman na ba. I was hoping too na sana ay meron na but sad to say ay wala pang positive result sa ilang beses na pagsusubok namin. Everytime na bumibisita ako kina Lalaine ay nakakaramdam ako ng inggit sa tuwing napapatingin ako sa matambok nitong tiyan. 5 months preggy na ito. Si Gail naman ay 1 month pregnant nadin. Nauna ang laman bago ang kasal. Alam kong dissappointed si tito pero andon na eh. "Love, bilisan mo." pagmamadali ko kay Kian. Araw ng kasal ni Gail at Elthon ngayon kaya dapat maaga kami. Ako kasi ang maid of honor at si Kian naman ang best man. Oh diba? Napilitan lang niya tinanggap dahil ayaw niyang ipartner ako sa iba. "Relax love, we'll be there in just 15 minutes." sagot niya. "Huwag mong sabihin paliliparin mo na nam
Via"Ha? Ano daw ang kaso? Bakit hinuli?""Talaga? Kaya pala hindi na natin sila nakita kahapon.""Grabe, kasing demonyo pala ng mukha ang mga ginawa niya.""Sabi na eh, sa mukha palang ni sir Kenji papatay na talaga ng tao yun."Sari sari't komento ng mga empleyado dito sa kumpanya ang naririnig ko mula sa balitang panghuli sa mag-inang Prescila Del Valle at Kenji Del Valle kahapon. Nagsilabasan ang ebidensya na halos hindi ko alam kung saan nanggaling. Maski sa news ay naipakita rin ang naretrieve na video ng CCTV na pagpasok ni Kenji sa bahay namin bago ito masunog. Speechless ako pero nakaramdam na kaginhawaan sa pakiramdam ko dahil nakamit ko ang hustisya sa pagkamatay ng magulang ko."Napakahayop ng mag-inang iyon. Mabuti at hindi ka nahulog sa pinapakita ng baliw na lalaking iyon noon Via." ngumiti lang ako sa sunod sunod na lintaya ni Nadine at Guia sa gilid ko."Mabuti nalang at hindi siya totoong Del Valle kundi malaking kahihiyan ang idudulot niya sa buong kumpanya. Hayp di
Third person POV"Don't be too obvious Kenji, lalo kang pagduduhan ni Kian.""Paano ako hindi mapapakali kung nakalabas na pala sa kulungan ang Joy na yun.""I told you to calm Kenji. Hindi ka ba nakakaintindi? Nothing will happen if you know where to place yourself." sermon nito sa anak. "I have a plan now on how to get rid of that lady, so don't ever middle again." warning sa anak."Wala akong gagawin mom? I want to help!" Lumapit agad ang ina nito sakanya. Napaatras naman siya ng bahagya at kita nito sa mukha ng ina ang matang nagpipigil sa galit at inis na pinapakita nito."When I told not to help, just obey." diin nito na waring may laman at ibig sabihin. Nanginig bigla si Kenji sa narinig mula sakanyang ina. Kilala niya ito kaya tumango siya agad na may takot sa mukha at pilit na ngumiti sa harapan ng ina. "That's my boy." she smirked and tap the cheek of her son.Umalis ang ina nito at naiwan si kenji sa kwarto nitong hindi parin makapaniwala sa nasaksihang ugali ng ina. Biglan
Third person POV5 years agoNakailang lakad at balik si Lyn sa harap ng isang malaking gate. Sa loob nito ay isang malawak, maganda at malaking bahay."Dodoorbell na ba ako?" tanong nito sa sarili. Huminga ito ng malalim saka pinindot ang doorbell.Agad may nagsalita na kinagulat niya."Ano po iyon maam?" Hinanap niya iyon pero wala naman siyang makita sa paligid."Sino ka?" tanong nito na may takot at kaba sa dibdib."Gwardiya po dito. May kailangan po kayo?" dagdag tanong nito."Ah o-opo. Kung pupwede ko bang makausap si Senior Del Valle?" Hiling nito."Ano ang pangalan?""Marilyn Gutierrez.""Saglit lang po." Makalipas ang ilang minutong pag-aantay ay binuksan na ang gate. "Pasok na po kayo."Pumasok si Lyn na mangha sa mga nakikita sa paligid."Wow. Totoo ba ang mga yan?" Mangha niya sa halaman at disenyong nakikita niya sa labas palang. Punong puno ito ng makukulay na bulaklak na para bang alagang-alaga ang mga ito."Opo. Dito po ang daan. Sa unang pintuan ay kumatok po kayo doo
Via POV Nakakainis talaga yung Trisha na yun. Alam na nga na out yung bola hinabol at tinira pa. Edi sa kabila ang points dahil hindi rin naman pumasok yung tira niya. Nakakasakit sa ulong kateam ito. Masyadong pasikat. Badtrip kong tinapon ang sumbrero ko sa upuan. Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Kian pero hindi ko siya mahanap. "Via! Next game na! Doon tayo sa swimming pool." tawag sa akin Nadine. "Saan yung swimming pool dito?" hanap ko. "Doon sa resort nila ofcourse. Halika na." Excited nitong hila sa akin. "Wait lang, kunin ko lang yung gamit ko." Agad kong kinuha ang mga nilapag kong gamit sa inupuan ko kanina. Pagdating namin doon ay naroon na ang ibang mga kateam namin. Lumingon ulit ako sa paligid pero hindi ko parin makita si Kian. "Trisha? Andito ba si Trisha?" Tawag ni Marco. Siya nag team leader namin sa Red. 4 groups lang kami. Yellow, green, Pink at Red. "Nag CR daw." Aniya ni Adelfa. "Kanina pa yun ah." pansin ni Guia. "Baka kinarma dahil siya nagpa
Kian POV"Please. Answer the call Via." bulong ko sa sarili. Kanina ko pa tinatawagan si Via pero unattended ito kanina pa.Katatawag lang sa akin ni Rico na bumaba si Via at umiiyak itong nagmamakaawang bumaba. Hindi niya sinabi kung anong rason. "Whom are we waiting for? Let's go." utos ni lolo at sasakay na sana sila sa private plane ng magsalita ako."You can go ahead lo." saad ko. Saka tiningnan ang ilang mga kasama namin dito."What's wrong?" Tanong balik sa akin."I have to meet someone." Saka tiningnan ang watch ko. Baka maabutan ko pa si Via kung saan siya bumaba kanina."Are you sure?" pagdududa ni Chelsea.I look at her. "I won't care if you wouldn't believe me." Sagot ko dito saka tatalikod na sana ng magsalita ang nakababatang kapatid ni Kenjie na si Keanna."Baka naman tumatakas ka lang." saad nito.Nilingon ko siya."Malinis ang konsensiya ko para may takasan Keanna. Diba Kenji?" tanong ko kay Kenji na agad na kinasama ng tingin sa akin. Ngumisi naman ako."Make sure
3rd person POV"Linisan mo yan. Ang bagal mong gumalaw." reklamo ng isang babae saka binato ang isang pamunas sa kausap nito habang nagpupunas ng sahig sa seldang kinaroroonan nila.Binalingan niya ito ng matalim na tingin na agad napansin ng pumuna sakanya na agad namang kinaiwas."Sinasamaan mo ako ng tingin? Huh!" Galit nitong wika saka lumapit at hinila ang buhok na kinamilipit sa sakit ng babae."H-hindi. H-hi-hindi." sagot nito na halata ang nginig sa boses."Linda!" Tawag ng isa sa mga kasama nila doon. "Maglaan naman kayo ng kaunting awa kay Lyn. Bagong salta palang yan dito at paniguradong nani-""Baka gusto mo sayo ko ibaling ang inis ko sakanya. Gusto mo?" banta nitong agad kinatikom ng nagsalita. Marahas nitong binitawan ang buhok ni Lyn na halos masubsub ito sa sahig na nililinisan niya."Ang gusto ko lang sabihin sana ay - "Agad lumapit si Linda sa kumakausap sakanya at akmang kwekwelyohan na agad naagapan ng mga pulis na nagbabantay sa bawat selda sa kulungan."Anong n
ViaKanina ko pa kinukurot ang daliri ko. Kinakabahan ako sa maaaring malaman ko ngayon. Nasa isang coffee shop ako at halos hindi na ako mapakali dito.Nang dumating na ang mga inaantay ko ay agad akong tumayo para salubungin sila. Mukhang hindi pa sila ayos."Elthon. Ano nga pala yung sasabihin mo patungkol kay tita." Agad kong bukas.Tumingin saglit si Elthon kay Gail bago ito nagsalita."Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa tita mo at sinubukan kong hingin ang side nito pero hindi siya nagsasalita. Sinubukan kong sinearch ang pangalan niya pero puro Manilyn Gutierrez ang lumalabas. Clear ang records niya hanggang sa ibigay sa akin ng isang nurse sa hospital kung saan nakaconfine ang pamangkin mo na nahulog ito ng tita mo. Yung wallet niya." nilabas niya ito at binigay sa akin.Kinuha ko iyon at binuklat ko."May ilang pera, ID, resibo. Nandiyan din ang isang calling card na may nakalagay na pangalan na Ken Del Valle. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang ama ni Kian, tama ba?"Agad n
ViaNakarating ako sa apartment pasado 2:30 am na ng madaling araw. Sobrang napagod ako. Bente pesos nalang din natira sa pera ko. Kakasya pa kaya ito sa pamasahe kong pupunta ng office bukas?Bubuksan ko na sana ang pinto ng tumunog ang phone ko na agad kong kinuha sa bag ko at pangalan ni sir Ivan ang nagpakita doon."Hello po sir.""Salamat Via." napangiti ako at sumandal sa pader na katabi ng pintuan ko."Ako pa po dapat ang humingi ng tawad sa inyo dahil sa ginawa ng tita ko. Alam ko pong malaking kasalanan ang ginawa niya sa inyong mag-asawa. Ang pagkuha at paglayo ng anak niyo sa inyo ay mabigat na para sa inyo bilang magulang. How much more sa bata na maghahanap yan balang araw ng totoong magulang kung malalaman niyang hindi siya totoong anak nito."Yan ang bagay na hindi ginawa noong nalaman kong ampon ako. Bukod sa napakaswerte ko na at ramdam ko ang pagmamahal ng mga nilakihang magulang ko ay hindi na ako naghangad na hanapin pa ang mga ito."Malaking sakripisyo ang ginawa m