(Missamy Charm POV)
Di ko nakita yung gulo kasi sinarhan kaagad ni Kuya. Nasilaw nga ako sa flash ng camera kanina.
Parang yelo na ako sa sobrang kaba talaga. O yung aircon ng sasakyan? Na sa totoo lang dinaig ko pa ang aircon sa panlalamig ng kamay ko.
Whooooo! Relaxs Charm!
Di ka naman talaga ikakasal para kabahan ng ganyan. Relaxs.
Umusad na yung sasakyan papasok sa gate ng simbahan.
Totoo ba itong nakikita ko? Halos mga taga- media ang nakikigulo?
Promise bigla na lamang maraming kabayo ang tumatakbo pabalik balik sa aking dibdib.
Tubig! Oo, di ako nakainom ng tubig. I need water please!
Kuya asaan ka? I need water na po.
Until nakapag-park na yung sasakyan sa labas mismo ng simbahan. Sa tapat ng pintuan na nakasara at may naghihintay lang na ilang tao. Habang nakapaligid ang mga lalaking naka-suit.
Com’on! I NEED WATER!
Ayun. Natraffic na nga ng mga security yung mga taga media. Kala naman nila ako si Keith na ikakasal kay Prince William.
Kawawang si Ako. Parang pagfifiestahan ako sa balita nito. Tapos huhukayin yung picture ko na ultimate throwback kung sino ako.
My ghad! Goodness naman tayo nito.
Please lang sana makuha ninyo yung cute naman po ako.
Nakita ko na may familiar na mukhang papalapit sa sasakyan. Kasama yung ilang security. Si Kuya.
Binuksan ni Kuya ang pinto.
“Para ka nang kakatayin sa hitsura mo Charm. Kinakabahan ka? Halatang-halata.”
Ang sarap ni Kuya hampasin ng bouquet kong hawak.
Siya na ang isusunod na ikakasal. Siya unang nakasalo.
Sino naman talaga kasi ang hindi kakabahan?! Huhuhu.
Siya nga rin halatang-halata na kinakabahan. Ang putla na ni Kuya.
“Kuya…” Humaba pa yung nguso ko. Sa napasimangot ako.
“I'll be your support Charm. Huwag kang mag-alala. Okey? So, kailangan mo na sigurong lumabas?”
Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Parang isang princippi na makikipag-sayaw sa kawawang princessa.
Malaki ang tiwala ko sa kanya. Sa lahat ng tao siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa mundong ito.
Naalala ko no'ng tatawid kami sa tulay. Gawa sa lubid at kahoy. Hanging bridge.
At sa ibaba ang malalakas na ragasa ng tubig. Dahil mahangin at malakas na ulan ang sumalubong sa amin nung nag- camping kami.
Pinagtatawanan ako ng mga kapwa ka-girls scout ko. Di ko magawang maglakad dahil sa sobrang takot.
Si Kuya naman noon ang Team Leader ng ibang pangkat. Kaya malayo siya sa akin at ibang pangkat ang kasama ko.
Ngunit namalayan ko na lang may kamay na humawak sa akin. Napaangat ng paningin ko sa may ari. Si Kuya.
“Kaya natin to Charm. Don't be weak.”
Ngayon heto na naman ang pakiramdam na yun. Kahit natatakot siya para sa amin matapang parin niyang hinaharap.
Sa mga oras na yun, kapag isa sa amin ang nadulas maaring ika-aksidente naming dalawa.
Until we reach the end of the bridge na meron akong tiwala kay kuya na malalampasan nga namin.
Ngayon saan ako ihahatid ng kuya ko?
Inabot ko ang aking kamay ko ulit. Tiwalang-tiwala parin ako sa kanya.
Ngumiti siya. At ang ngiti niyang yun, parang ang saya niya para sa akin.
Kahit nanginginig ang mga kamay ko.
Sa hawak lang ni Kuya ng aking kamay, na-ikampante ko ang aking sarili. Napatango ako sa kanya.
Sa paglabas ko ng sasakyan, lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga kamay ni kuya. Sinalubong kaagad ako ng flash nang camera. Biglang nagkaroon ng commotion sa likuran namin. Yung mga media na halos mahirapan ang security na pigilan sila.
“Huwag kang lilingon. Look forward Charm.”
Napatango ako sa kanya.
Maraming tao ang naghihintay sa labas ng simbahan. Naglakad kami ni Kuya with escort ng mga security.
Sana maglaho na lamang ako bigla! Yung tipo na para kang bula. Wala na. Disappear na.
Pero… NO! I must do this!
Wag kang duwag Charm!
Di ko tatalikuran ang kapatid ko.
Ano ‘to? Imagine kapag tinakbuhan ko ang event na to bigla. Yung balita na runaway bride? Naks naman.
Si Jeff tinakbuhan ng bride niya?
At sa tingin ko te-trending yan kapag nagkataon.
Namalayan ko na lamang ang sarili ko na namangha sa ganda ng pagkaka-ayos ng simbahan.
Labas pa lang ang ganda na! Paano pa kaya sa loob?
Nagliliparang white feathers at petals ng rosas. Parang umuulan nang ganoon sa simbahan.
Ay wow! Ang gastos nito. Sobra.
Larong pinagkagastusan para di halatang laro lang to.
Sarado yung pinto ng simbahan. Lahat ng mga tao na nasa labas ang mga mata nila'y sa akin nakatuon. Ngayon lang ba sila nakakita ng ikakasal?
Tsk. Matutunaw po ako! Please lang.
“Charm?”
“I'm fine Kuya.”
“Huh?” Halatang di nakumbinsi sa sinabi ko.
“Whooooo! Ang totoo niyan, sobra na akong kinakabahan. Parang namamanhid na ako Kuya sa sobrang kaba. Parang totoo na ikakasal ako.”
“Halata. Your hands were cold as an ice. Lalo na kung aalisin natin ang gwantes! You're trembling too.” Napilitin ako ngumiti.
“Siguro Kuya naninibago lang ako sa dami ng tao. Di ako sanay na madaming tao ang nakatingin sa akin. At feeling ko din Kuya bigla tayo nag teleport sa Alaska.”
Kahit ten o’clock pa lang nang umaga at tirik na tirik ang araw, feeling ko nasa Alaska talaga ako eh.
Ganoon ang nararamdaman ko. Saka parang may drummer na nagkokoncert sa puso ko.
“Can I leave you here? Kaya mo ba maglakad mag-isa? Don't worry, aantayin kita sa gitna ng aisle.”
“Kuya.”
“Kaya mo yan Charm.” Saka niya binitiwan yung kamay ko. Then, tinalikuran ako.
Binitiwan ni Kuya ang kamay ko?
Lalo nga akong natakot.
Parang lalamunin na ako sa kaba. Yung bulaklak na hawak ko parang mafo-froze na sa sobrang lamig.
@Death Wish
Hi sa lahat!
Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.
Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!
Drop kayo ng napakagandang comment!Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]Fated to Mary the Devil [TAGALOG]Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]Alpha King Checkmate [TAGALOG]Nine Months [Tagalog]The Devilish Billionaire [Tagalog]
Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!
(Missamy Charm POV) Parang lalamunin na ako sa kaba. Yung bulaklak na hawak ko parang mafo-froze na sa sobrang lamig. God, give me strength po. Kakayanin ko'to. Fight lang Missamy Charm! Inayos nila yung damit ko. Yung belo na parang Calla Lily ako tignan dahil slim ang gown sa katawan ko. Napapikit ako. Sa pagmulat ko sumalubong sa tenga ang kantang, Thousand Years… Nang bumukas ang pinto sa harapan ko. Lahat sila nakatayo. Ang mata nila, sa akin nakapako. Parang di ko kaya ihakbang ang mga paa ko. At halos mangiyak ako ng makita ko nga si Kuya. Naghahantay sa akin para ihatid ako ng tuluyan sa larong to. Ngumiti ito sa akin. Napatango. Lalong nagpapakaba sa akin ang kanta. Parang totoo na matatali ako sa kasalan na ito. Kahit nagdadalawang isip, sumilay ang mga ngiti sa aking labi ng mak
(Jeff POV) “Look Jian! Bumabawi ang big Bro natin. Ang galing naman ni Bro Jeff. Di natin to inaasahan.” si Shin. Kasabay ng pagpapakita niya ng dyaryo. Ngunit inis naman na pinalipad yun ni Jean. “Tss. Determinadong maging Family Head.” Irap nito sa kapatid niyang nakangiti sa ibinalita. “Wag niyong sasabihin na magpapatalo kayo kay Jeff. Alam niyo namang nakabuntot sa kanya ang kamalasan.” Ang stepmom ko. “Ma, reason why he won right now. Heto pala yung alas na tinatago ni Big Bro! Ang galing niyang magtago ah!” “Ma! Bakit di niyo alam na ganoon na pala ang takbo ng buhay ni Jeff?!” Galit na diin ni Jean sa kanyang ina. “Jusmiyo Jean.” Kinuha ni Stepmom ang tsaa. Humigop at mahinang iginiit na… “Nagulat rin kami ng malaman namin sa kanya ang tungkol sa pamilyang itinago niya sa loob ng limang taon.”
(Jeff POV) “Jeff, kapag nasa puder mo na ang kapatid ko. Wag na wag mo siyang sasaktan kung maari alagaan mo siya.” Parang matatawa ako sa sinabi ni Carlos. Trabaho ang ipinunta ng kapatid niya sa puder ko. At alam naman niya kung paano ko tratuhin ang mga empleyado ko. “Ilang taon na ba ang kapatid mo para alagaan ko pa?” sakrasto kong tugon kasama ang ngiting aso. “I didn't mean she need a childcare. She is still a woman Jeff. Specially she’s, my sister. You can harm me instead kesa ang kapatid ko. Mas mahalaga para sa akin ang kalagayan niya.” Tumayo siya. “Excuse me, may kailangan pa akong ayusin.” But before he left, I told him. “One thing I can promise Carlos. Sundin ang ginawa nating agreement.” Di niya ako nilingon. Tss. Too stubborn. Carlos was my childhood friend. Still, he is stubborn one. Kaya
(Jeoff POV) Marami rin akong inayos para bukas. Our wedding day. Fake pero kailangan pagkagastusan. Tsk. Karamihan na umayos ang dalawa kong sekretarya na nakikipag kompetensya sa isat-isa. Si Jay at Carlos. Tss. Wedding fuss. Bukas alam ko mapapagod ako ng husto sa pagkukunwari. I need to perform very well too. Nakatulog ako sa pag iisip. Nang magising ako… naghahabulan ang aking hininga. Heto na naman ang nakakatakot na panaginip. Di na ako nilulubayan. Tss. This is totally madness. Tsk! Such a gay having a horrifying nightmare. Ang problema kapag nagigising ako, di ko na maalala kung ano ba ang napanaginipan ko. Sh*t. Napahilamos ako ng kamay sa mukha saka ako bumangon. Nakita kong umiilaw ang led ng phone ko. Kinuha ko at may tumatawag. Si Ivy ang caller. Heto na naman siy
(Jeff POV) “Want to call my sister to come here?” “No. I don't want to see your sister. You can handle to explain everything to her.” “State it.” Masyado siyang ma demand. Tsk. Inilapag ni Butler Nang ang folder na pipirmahan ng kapatid niya. “First, she will act as my perfect wife.” Nakita ko kaagad sa kontrata. “Di dapat ipahalata ng kapatid mo na umaarte lang siya. Kung hindi, the benefits and salary will never deliver on her account. And mind you Carlos, nakataya ang buhay ko dito at ng kapatid mo. Kapag nalaman ng Elder na pinapa ikot natin sila sa kasinungalingang ito at wala pa sa tamang oras, mapapatay nila kami. So, please explain this to her. Act properly and appropriate.” “Sinabi mo na rin ba yan sa sarili mo? Kailangan mo din galingan Jeff.” Napahigop ako sa tsaa na inihanda sa akin. “I'm pro on it. Don
(Jeff POV) “Fourth.” Nagbabasa din si Carlo sa ibinigay kong kontrata. Tinitignan kung naroroon nga ang mga sinabi ko. “She’s healthy at walang sakit.” Mahinang tumawa si Carlos. “Kung andito siya malalaman mo kung bakit ako tumatawa ngayon.” “Why?” “She is energetic, enthusiasm, and a positive person Jeff. Kaya nga natatawa na lang ako sa mga ginawa mong kasunduan.” “Fine, at least di siya magkasakit sa loob ng limang buwan. Ayoko ng gastos Carlos.” At simpleng ngiti na lang ang natira sa labi niya. Alam niya kung gaano ako kakuripot. One thing na kailangan matutunan ng isang businessman. “She will not take any expenses on your behalf Jeff. I assure that to you.” “Fifth. About my status. Or I say, she needs to respect my fiancée. Ivy.” “
(Jeff POV) “So, she is my Granddaughter, Jeff?” Yung Elder. Humupa na ang galit niya. Bata eh. Nakikita niya na ang buhat kong bata ay apo niya. “Yes Dad. Icy, meet your Grandpa Frank.” Palusot kong ibinaba yung bata. Mabigat talaga. Tumakbo naman ito… kay Shin? Bakit? “Hi Grandpa.” Kinuha yung kamay ni Shin at napa-mano. Natawa bigla si Shin. Nang ito ang hampasin ng Elder ng baston niya. “Joke lang Dad. Ayaw niyo niyan, bata pa kayo.” Napagkamalan ni Icy na si Shin ang tinutukoy kong Grandpa. “I'm your Uncle Shin Baby. And that grumpy old man, was your grandpa. Kiss him to lessen his abhorrence to your Dad.” Kung makapagbiro si Shin, kuhang kuha niya ang pasensya ng Elder. Good for him na di niya ito sineseryoso. Icy kissed the Elder's cheek at binuhat yung bata. Di na ako magugulat kung mapapareklam
(Missamy POV) Mahigpit akong nakahawak kay Kuya. Heto na ang lalaking minsan ko na ngang nakilala. Humakbang siya sa amin at halata naman ang ngiti nito na di totoo eh. Alam ko ang tunay na ngiti. Yung pati mata tumatawa. Parang si Buddha. Charmieee! You can do this! Fighting! Wag papatalo sa kanila. Para sa kinabukasan ninyong magkapatid. Fighting! Nagkatitigan kami ng lalaking, si Jeff. Ang campus crush ng school ko na never ever umapak sa school namin, pero crush siya ng mga sira ulo kong kaklase. Jeff Lee Chan. Isusumbong talaga kita kay Kuya. Ikaw yung nagmura sa akin diba? Ang lalaking sa buong buhay ko, ang di magandang makabanga. Kasi nagmumura talaga siya. Sarap chopchopin ng bibig niya. Ayoko talaga sa mga taong mahilig magmura. Ngumiti ako sa kanya. Alam ko na nakikita niya ang pagmumukha ko sa belo ko diba? Jeff Lee Ch
(Jeff POV)“Nathaniel.”Narinig ko ngang tinatawag ni Missamy ang anak namin. At bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng anak ko.“Shhh…” Isang daliri niya sa kanyang labi.“Hide me Dad please.”Ang mga mata niyang innosente na itatangi ko din sa kulit nito.“What did you do?”“Just hide me Dad.”Saka nga napatago sa ilalim ng desk ko.Bumukas ulit ang pinto, at iniluha ang asawa ko.“Wag na wag mong kakampihan si Nathaniel.”Ngumiti lang ako.Alam ni Missamy na nasa ilalim ito ng mesa ko.“Anong ginawa niya?”“Yung cake na ginawa ko para kay Icy at Seven, sinira niya!”“Ahhh…“
(Shin POV)May mga taong nagsasabi na wag natin pakingan ang sinasabi ng iba. Ngunit pilit man natin magbingi-bingihan sadyang nakakadepress ang mga sinasabi nila. Kaya paniwalaan ang sariling kakayanan. Wag na wag kang sisiksik sa sulok na kala mo di ka mumultuhin ng mga kinakatakutan mo.Face your fear kung baga. Dahil pagkatapos nito, masasabi mo na lang sa sarili mo kapag na-overcome nga.“Yun ba ang kinakatakutan ko? Ang tanga ko naman para katakutan ang bagay na yun?”Yeah. Tandaan. Ang maaring tumaboy for a lifetime ng mga kinakatakutan natin ay yung tapang na di talikuran ito.Let the fear of your na matakot sayo.Di rin ako naniniwala sa swerte at malas.Jeff, lahat ng tao sa mundong ito, may nakakalamang at nakaka-higit kahit sino pa man yan.Yung kwentong merong lalaki na naglalakad at mabuti pa daw yung nadaanan niyang merong bisekleta.
(Jeff POV)Dahil nga walang magawa ang midwifesa katigasan ng ulo ni Missamy.Narinig ko ang ere niya. Baka may masamang mangyari sa panganganak niya dahil sa gantong position.This is my first touch for a long time na di ko nga siya nakita.I miss her.Bakas sa mukha niyang nagulat sa pagdating ko nga.Yeah, everything is in right timing Missamy.Lagi na lang diba?Pinagtatagpo tayo sa mga oras na di naman natin inaasahan.But I am here right now Missamy.Naihiga ko siya.Hinawakan ang kamay niya.“Listen to them okey?”Di siya makapagsalita.Even me Missamy, ngunit…“You’re doing this Missamy for the baby. Wag kang matulala. Mamaya na yan.”Nagulat na lamang ako ng umire si Missamy. May kasama pang i
(Jeff POV)Tumigil kami sa tapat ng elevator, naghihintay nga.Hangang sa bigla na lang nagkagulo yung ilang stuff ng hospital dahil nga sa…Narinig ko ang tahol…At bumukas ang elevator. Papasok na sana ako ng marinig ko…“Pimplesssss!”Pimples? Tahol?At ang resulta ng isipan ko ang binili naming aso ni Missamy.Nakita ko nga sa hallway ang mabuhok na kulay puting aso.Tinahulan ako at parang sa akin ang punta niya.Hinarang ito ni Shin at hinuli nga saka binigay sa mga staff na naghahabol.“Parang yung aso lang na binili niyo ni Missamy.”Muling tinapunan ko ng paningin ang aso, saka nga tumahol ito pabalik sa akin habang nilalayo sa amin.Napailing na lamang ako.Saka napapasok na nga ng elevator, at narinig ko na lamang…“Thank you
(Shin POV)“Si Missamy?”“Yes Dad.”“Asaan sila?”“Uhmmm. Nasa labor room?”“Labor room?!”“Oo.” Maingat kong sagot.“Anong ibig sabihin nito Shin!”“Uhmmm. Meron na kayong apo kay Jeff. Dad, kailangan niyo gawin ngayon. Ayusin ang marriage contract nila ni Jeff. At kapag nalaman ng panganay niyong anak ang tungkol nga sa ginawa niyong pakiki-alam. Dad, alam niyo na.”“Binabantaan mo ba ako?”“Hindi, binabalaan lang. In case na kumilos nga kayo.”“Wag mo akong pinagbibiro Shin!”“Di ako nagbibiro Dad! Edi sana may ‘joke lang’ na pahabol diba?”Hangang sa binabaan ako nito.
(Jeff POV)Na-igalaw ko na ang aking mga katawan. Sinusubukan magsalita.Bulol na naiinis ako ng sobra.Sinusubukan ko I type nga sa screen ang tanong ko kung nasaan ang aking asawa.At sa pagpapagod ko na magawa yun. Nakahinga ako ng matapos ko.Binasa ito ni Shin.Napayuko ito.Anong ibig sabihin nito?Nagulat ako sa desisyon ng Elder.Masaya na diba dahil gising na si Jeff at lakas loob naman itong nire-recover ang sarili. Kaya lang…“Malinaw na naalala ni Jeff kung sino-sino tayo. At darating ang oras na tatanungin ni Jeff ang tungkol sa asawa niya. Sabihin niyong patay na ito.”Halos maibuga ko ang iniinom ko.“Dad. Tigilan niyo ito. Ako na mismo ang tumatangi sa gusto mong mangyari.”“Di na natin mahanap si Missamy. Ibig lang sabihin nito patay na s
(Missamy POV)“Pero…”“Kuya, oras na para sipain ang mga toxic na taong kagaya niya.”“Mahal ko si Jeff! Mahal din niya ako! Bakit—.”“Hindi mo mahal ang anak ko Missamy!”Nagulat akong pahayag ng Elder. Parang aatakihin na naman ito.“Ikaw!” tawag niya sa kanyang secretarya.“Tulungan mo si Missamy na ayusin at tapusin kaagad ang divorce nila!”“Dad!” sigaw ni Jean.At naglakas loob na akong magsalita.“Oo, nagsimula kami sa kontrata. Sa laro ng anak niyo. Pero maniwala man kayo o hindi, mahal ko ang anak niyo!”“Nang dahil sayo Missamy napapahamak si Jeff. Tangapin mo na ang katotohanan na hindi kayo para sa isat-isa. Madumi na ang pangalan ng pamilya namin ng dahil sa inyo.”&nbs
(Jeff POV) Naramdaman ko ang mabigat at mainit na bagay na siyang bumaon sa aking katawan. Hangang sa huli kong ngang narinig ang boses ng asawa ko. Ang nakikita ko ngayon ang chessboard na minsan na namin nilalaro ni Juan Carlos. At pag-angat ko nga ng aking paningin, siya nga. May ngisi sa labi. Napailing sa akin. Inilahad ang board na tanging yung king at horse na lang ang natitira sa kanya. Yung horse piece na itinago noon ni Missamy sa kanyang kapatid. Ulit napatitig ako sa kanya. “You don't need to end your game here Jeff. Your rook and king were your last chance to avoid the checkmate.” Saka nga tinuro niya ang kabayo. Tinitigan ko, saka ngumiti sa akin. Umiling at tumayo. Napamulsa saka tahimik na ngang lumabas ng basement sa pamamahay ko. Agad kong sinundan ngunit ang tumampad sa akin ang isang napakadilim na walang ha
(Jay POV)“Master Jeff, patayin niyo na ako. Wala akong kwentang sekretarya.”Saka nga niya ako hinila sa harapan niya.Napa-kwelyo…“Ngunit Master Jeff, sa huling pagkakataon, nailigtas ko naman ang asawa niyo bilang regalo sa inyo.”Ngumisi ako sa kanya.“Anong ibig mong sabihin Jay…”“Matatapos na ang paghihirap niyong dalawa. Wala nang Jude na mamagitan sa inyo. Wala nang Montiveros na mahilig nga mam-blackmail ng mga tao. Kaya lang Master Jeff…”Saka nga naiyak na ako.“Kailangan ko ng lisanin ang mundong ito dahil sa mga kagagawan ko.”Saka lumapit ako sa mesa at kukunin na sana ang baril, nang binaril ito ni Master Jeff.Nang napalingon ako sa kanya at sumalubong nga ang kamao sa akin. Ginulpi ako.“Wala kang karapatan na mamatay Jay! Wala! Walanghiya ka! In