Natigalgal at kumabog nang napakalakas ang aking puso nang marinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. Helen at hindi Helena. Nang sandaling iyong tila isang mahika ang kanyang salita at hindi ako gumalaw o gumawa man lang ng ingay at hinayaan ko lamang siya na yakapin ako at pakinggan ang tibok ng aking puso.
Matapos ang ilang segundo ay saka lamang nagsalita si Joaquin.
“Alam ko noong simula pa lang,” mahinang saad ni Joaquin.
“Ha?” naguguluhan kong reaksyon sa kanya.
Inalis niya ang kanyang pagkakayakap sa akin at saka ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.
“Noon pa man simula pa lang na magkita tayo alam kong hindi ka si Helena,” saad niya.
“Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
Napatingin ito sa taas at iniligay ang kanyang kamay sa ilalim ng baba na tila nag-iisip. “Paano nga ba?” tanong niya sa kanyang sarili at natahimik
TAMA ba ang naririnig ko? Hindi ba ako nabibingi? Totoo ba ang sinasabi niya?“Paanong—”“Akala mo ba hindi ko mapapansin ang mga pagbabago sa mga ikinikilos mo?” tanong niya.Hindi ako makasalita ng maayos pilit kong kinukolekta ang aking sarili sa mga nangyayari.“Matagal ko ng kilala si Helena mula pa pagkabata ay kilala ko na siya kaya alam ko ang bawat kilos, pananalita, hilig at maging ang kanyang pag-uugali kaya sa tingin mo hindi ko mapapansin ang mga pagkakaiba ng kilos niya noon at nang makilala kita?” tanong ni Joaquin sa akin.“Kung matagal mo ng alam na hindi ako si Helena, bakit wala kang sinabi? Bakit wala kang ginawa para komprontahin ako?” tanong ko sa kanya nang maikumpas ko na ang aking sarili.“Dahil hindi ako sigurado noong una, akala ko ay nagbago ang iyong ikinikilos dahil sa pagpunta mo ng Maynila ngunit habang tumatagal unti-unti kong napapatunayan na hindi
Biglang bumigat ang aking dibdib nang marinig ko ang kanyang sagot. Tama nga ako. Ang sakit dahil sa sandaling sinambit niya ang aking pangalan ay natangay at napapaniwala ako na ako nga talaga ang babaeng mahal niya at hindi si Helena. Ang tanga ko pata umasa ako na ako ang mamahalin niya. Si Helena pa rin pala talaga ang babaeng mahal niya at hin—“Natatakot na baka ang tanging tao na nagbigay ng kulay sa aking buhay, ng tuwa at tumanggap ng aking nararamdaman ay tuluyan mawala.” Hinawakan niya ang aking kamay. “Natatakot ako, Helen na maging ikaw na tumanggap sa lahat ng aking nararamdaman ay mawala sa akin.”Kumabog nang napakalakas ng aking puso matapos kong marinig ang kanyang sinabi ngunit mabilis kong binawi ang aking mga kamay sa kanyang pagkakahawak at ikinumpas ang aking sarili.“Tama na, Joaquin! Huwag mo akong lituhin ng mga salita mo dahil maliban sa pinapaasa mo ako ay sinasaktan mo ako lalo. Kaya kung p'wede la
MATAPOS ang maingat at mainit pagpapalitan namin ng mga halik ay nabalot kami ng labis na katahimikan na sobrang nakakailang sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay nabudol ako ni Joaquin kani-kanina lang at binasag ang malaking shield na bumabalot sa akin para hindi ako madala sa kanyang mga salita pero heto ako ngayon sa kanyang mga bisig nakakulong dala ng karupukan ko sa kanya. Kailangan may magsalita sa aming dalawa ng mawala ang nakaka-awkward na feeling na ito mas lalo ako kinakain ng pagkailang habang tumatagal. Naghintay pa ako nang ilang segundo ngunit mukha walang balak si Joaquin na basagin ang katahimikang pumapaligid sa amin kung kaya wala akong nagawa kun’di ang basagin iyon at bigyan din ng kasagutan ang bumabagabag sa aking isipan.“Matagal mo na bang alam ang lahat, Joaquin?” panimula kong tanong sa kanya.“Oo,” maikli niyang tugon na siyang ikinabalikwas ko at mapatingin sa kanya.“Ano? Matagal mo ng alam pero nanat
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tanong sa akin. “Saan mo natutunan ang salitang iyan? Sa kanya rin ba?” namumula kong tanong sa labis na hiya at inis sa kanyang tanong sa akin.“Sabi na nga ba! Masamang tao ‘yang Trey na ‘yan! Ka-doktor-doktor tinuturuan ka ng mga maling asal! Huwag na huwag ka ng lalapit sa lalaki na ‘yan, Joaquin! Sinasabi ko sa ‘yo ‘yan kung ayaw mong maging isang tulad ng manlolokong doktor na ‘yan!” gigil na gigil kong sabi sa kanya.Tinignan niya lang ako at walang salitang lumalabas sa kanyang bibig,“Anong tinitingin-tingin mo riyan? Hindi ka ba sasagot?” gigil kong tanong sa kanya.Habang naghihintay kung anong kanyang sasabihin ay bigla na lang umangat ang gilid ng kanyang labi at hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at tuluyan na siya nagpakawala ng sunod-sunod na pagtawa.“Anong nakakatawa sa sinasabi ko? Bakit ka tumatawa?&r
LUMIPAS ang mga araw, habang narito si Don Emilio sa Brgy. Pinagsanjan ay ibinigay niya lahat ng mga pangangailangan ng mga taong narito lalo na ang gamot para sa mga tinamaan ng cholera. Labis akong nagpapasalamat dahil sa kanya ay natugunan ang pangangailangan ng mga tao at wala na ni isa sa mga mamamayan ang nanganib ang buhay. Sa mga nagdaan ding mga araw na iyon ay hindi nawala ang mga tingin ni Joaquin sa akin simula ang araw na nangyari sa amin sa ilog ng Pagsanjan.“Maraming salamat, Binibining Helena. Malaki po ang inyong naitulong sa amin lalo na pagligtas ng mga buhay ng mahal namin sa buhay. Labis kaming nagpapasalamat,” wika ni Mang Waldo.“Wala po iyon. Hindi niyo po kailangan na magpasalamat sa akin ginawa ko lang po ang alam kong makakatulong sainyo,” mapagkumbaba kong sabi. “Kahit na may ilang buhay ay hindi ko nagawang maisagip,” mahina at malungkot kong saad.“Hindi niyo po kasalanan ang lahat ng
“MALAYO pa ba?” tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad at unti-unti nang nakakaramdam ng pagod ang aking mga binti dahil sa layo ng aming nilalakad.“Malapit na,” maikling tugon ni Joaquin.“Kanina po ba sinasabi ‘yan pero hindi pa rin tayo nakakarating sa paroroonan natin,” pagod na angal ko.“Konting tiis na lang, malapit na talaga tayo,” wika ni Joaquin.“Sana nga malapit na dahil hindi ko na talaga ka—”Naputol ang aking pag-angal ng biglang sumigaw si Joaquin.“Narito na tayo!” masaya niyang sigaw.“Sa wakas, nakarating din,” nakahinga kong sabi.Matapos ang hindi ko malamang oras ay sa wakas nakarating— Hindi ko na nagawang ituloy ang aking sasabihin nang makita ko ang nasa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko napakagandang talon sa aking harapan.“Napakaganda,” sabay
NANUMBALIK ang aking malay nang makaramdam ako ng isang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Idinilat ko ang aking mga mata ngunit bahagya itong nanlalabo kaya mangilang ulit ko iyon ipinikit-dilat para maka-adjust sa paligid.“Helen, ayos ka lang ba? Kumusta na pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod na tanong ni Joaquin sa akin.Kinusot ko ang aking mata para luminaw ang aking paningin hanggang sa tuluyan ko nang makita si Joaquin at inalalayan niya akong makaupo. Iginala ko ang aking mga mata at nakita ko ang talon na nasa aming harapan naroon din ang mga mayayabong na mga puno na nakita ko kanina.“What the hell did happened?” mahina kong tanong sa aking sarili.“Helen? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Joaquin sa akin.“Ilang oras ako nawalan ng malay?” mabilis kong tanong sa kanya.“Wala pa kalahating oras na nawalan ka ng malay,” sa
BUMAGAL ang oras nang sandaling dumapi ang mga labi ni Joaquin sa aking mga labi. Sa bawat pagkain niya sa aking mga labi ay siya ring pagkain ng aking bibig sa kanyang mga labi at habang lumalalim ang mga halik namin ay kusa na ring gumalaw ang ibang parte ng aming mga katawan. Ang aking mga kamay na dahan-dahan na hinihimas ang matikas na pangangakatawan hanggang sa inilingkis ko ang mga iyon sa kanyang leeg. Hinila niya ako papalapit sa kanya dahilan para dumikit ang aming mga katawan at maramdaman namin ang init na inilalabas ng aming mga katawan dahil sa aming maigting na paghahalikan. Kapwa habol ang aming paghinga nang pakawalan niya ang aking mga labi.“Mahal kita, Helen,” aniya na punong-puno ng emosyon.“Mahal din kita, Joaquin,” tugon ko at muli niya akong hinalikan nang mariin habang dinadala niya ako papasok sa k’weba na nasa likod ng talon.Pumunta kami sa tila batuhan na naroon na animo’y na may altar at doon na
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.