Share

Chapter 64

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2024-11-05 16:49:00

Chapter 64

Nasa kalagitnaan kami ng pagtutok sa mga detalye nang may isang tawag na dumating. Tumigil saglit si Javier at tiningnan ako ng matalim. "May nangyari," ani niya, binanggit ang isang pangalan na hindi ko inaasahan.

"Si Troy?" tanong ko, hindi maitatago ang pangambang bumangon sa aking dibdib.

"Oo. May mga galit na hindi lang basta galit. Masyadong malalim," sagot ni Javier, tinitigan ako ng matalim, nag-aalangan. "Kailangan mong maging handa sa lahat ng posibleng mangyari."

Hindi ko alam kung anong klaseng panganib ang tinutukoy niya, ngunit alam kong hindi ko na pwedeng balewalain ang mga senyales. Habang tinitingnan ko ang mga dokumento na dala ko, iniisip ko kung gaano kalaki ang mga plano nilang isinagawa sa ilalim ng aming mga ilaw. Ang bawat hakbang na gagawin namin ay magiging mapanganib, at bawat desisyon ay may kaakibat na panganib.

Bumalik ako sa aking sasakyan, ang mga dokumento at mga pangalan ni Troy ay patuloy na gumugulo sa aking isipan. Naramdaman ko ang kab
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 65

    Chapter 65Troy POVHindi ko kayang tanggapin ang balitang iyon. Hindi ko kayang paniwalaan. Nang makarating sa akin ang mensahe, ang mundo ko ay parang biglang huminto sa pag-ikot. Si Mikaela, ang asawa ko—ang buhay ko—ay tinambangan. Binabaril. At may mga nag-akusa na siya'y namatay. Ang puso ko ay hindi pa rin makapaniwala.Puno ng galit at panghihinayang, nagsimula akong magmadali. Tinawagan ko ang mga tao ko, inutusan silang magsiyasat agad. Ibinaba ko ang telepono at pinilit kalmahin ang sarili. Hindi ko alam kung anong klaseng gulo ang tinatawag nilang “panganib” na hinaharap ni Mikaela. Para bang may sumabog na pader sa pagitan namin, at iniwasan kong mag-isip ng masama—pero ang mga pangyayari ay nagsasabi ng ibang kwento.“Hindi, hindi pwede,” bulong ko sa sarili. “Wala siyang karapatan. Hindi niya pwedeng gawin ito kay Mikaela.”Ang mga mata ko ay naglalabas ng apoy. Hindi ko alam kung ang galit ko ay para sa mga taong ito o para sa aking sarili dahil hindi ko nabantayan si

    Last Updated : 2024-11-05
  • Fate's Cruel Dance   Chapter 66

    Chapter 66 Puno ng sakit at hinagpis, hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang mundo. Ang bawat sandali na dumaan ay parang isang masakit na suntok sa aking dibdib. Si Mikaela… si Mikaela ay hindi na magigising. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang umisip ng buhay na wala siya. Ngunit sa kabila ng lahat, ang doktor ay nagsabi ng mga salitang hindi ko kayang unawain: “I'm sorry, Mr. Alcaraz. We did everything we could... pero hindi na po kinaya ng katawan niya,” sabi ng doctor sa akin. Walang lumabas na tunog mula sa aking bibig. Tila ang mundo ay naglaho sa paligid ko. Hindi ko matandaan kung gaano katagal akong nakatayo doon sa tabi ng kama ni Mikaela, tinitingnan siya nang may matinding sakit sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa aking anak, kay Aerol, na wala na ang kanyang ina. Si Mikaela—ang aking buhay, ang aking pag-asa—ay nawala. Ang isang bahagi ng aking puso ay winasak. Ang mga pangarap namin, ang mga plano namin, lahat ng iyon ay

    Last Updated : 2024-11-06
  • Fate's Cruel Dance   Chapter 67

    Chapter 67 Ang mga araw pagkatapos ng pagkawala ni Mikaela ay dumaan na parang isang along—isang malaking dagat ng kalungkutan at galit. Nasa bawat sulok ng bahay namin, may mga alaala kaming dalawa ni Mikaela na nagpapahirap sa akin. Sa bawat bagay na tinitingnan ko, sa bawat paghinga ko, andun siya. Ang kanyang mga tawa, ang kanyang mga pangarap, ang mga simpleng sandali na kami lang dalawa ang nakakaalam. Pero kailangan ko magpatuloy. Hindi ko kayang maging mahina, hindi para kay Aerol, hindi para kay Mikaela. Kailangan kong maging matatag. Kaya’t sa kabila ng sakit, nagpatuloy ako sa paghahanap ng hustisya. Ipinagpatuloy ko ang mga imbestigasyon sa likod ng insidente. Hindi ako titigil hangga't hindi ko natutukoy kung sino ang mga nasa likod ng lahat ng ito. Ang pangalan ni Javier ay patuloy na bumangon sa aking isipan. Gusto kong malaman kung gaano siya kalalim sa mga koneksyon ni Mikaela at kung paano siya nauugnay sa mga kalalakihan na naglagay kay Mikaela sa panganib. Nang

    Last Updated : 2024-11-06
  • Fate's Cruel Dance   Chapter 68

    Chapter 68 Ang araw ay patuloy na lumilipas, ngunit ang bawat saglit ay naging isang mahaba at mabigat na laban. Habang ang aking mga mata ay nakatutok sa mga dokumento at mga impormasyon na aking nakalap, hindi ko maiwasang magtaka kung paano nagkaganito. Paano naging ganito ang buhay namin? Paano ang isang simpleng pagnanasa ng mga kalaban ay nagdulot ng ganitong klase ng pagkawasak sa aming pamilya? Hindi ko alam kung anong mga desisyon ang kailangan kong gawin, pero isang bagay lang ang sigurado, hindi ko na hahayaan na magpatuloy ang mga ito. Ang mga pangalan na lumitaw sa mga dokumento ay may koneksyon kay Javier at sa mga operasyon ng ilegal na negosyo sa lungsod. Binanggit din ng ilang kasamahan ko na si Carlos Javier—ang utak ng lahat ng ito—ay may mga kakayahang matindi sa ilalim ng lupa. Nag-aalok siya ng mga proteksyon sa mga sindikato, at ang pagkakaroon ng koneksyon sa mga armas at droga ay magbibigay sa kanya ng malawak na kapangyarihan. Hindi ko na kailangang maghin

    Last Updated : 2024-11-06
  • Fate's Cruel Dance   Chapter 69

    Chapter 69 Ang malamlam na liwanag ng araw na iyon ay parang hindi nararapat. Ang lahat ng nararamdaman ko ay hindi angkop sa isang mundong patuloy na umiikot. Para bang ang bawat oras na lumilipas ay isa na namang humahakbang palayo sa mga bagay na mahalaga sa akin. Si Mikaela, na sana’y andito pa rin sa amin, ngunit ito ay nawala. At ngayon, si Aerol—ang anak ko, ang nag-iisang natirang bahagi ng pamilya ko—ay ang tanging dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. Pagpasok ko sa bahay, naramdaman ko ang malungkot ng katahimikan. Hindi ko na alam kung anong klaseng buhay ang tinatahak ko, ngunit isa lang ang sigurado—hindi ko kayang mawalan ng isa pang mahal sa buhay. Kahit na ang puso ko ay puno ng galit at sakit, kailangan kong magpatuloy. Para kay Aerol. Para sa akung anak. Nakaupo si Aerol sa sulok ng sala, nakatingin sa mga larawan namin ni Mikaela. Kita ko sa mga mata niya ang tanong, ang pangarap na sana muling magbabalik ang ina. Hindi ko kayang ipaliwanag ang lahat ng

    Last Updated : 2024-11-06
  • Fate's Cruel Dance   Chapter 70

    Chapter 70Agad kong tinawagan ang mga tauhan ko para sa paglusod. "Ito na ang oras, upang wakasan ang mga taong malaking kasalanan sa akin," bulong ko sa aking sarili. Ang oras ay tila gumagalaw nang mabilis habang binabaybay namin ang madilim na kalsada patungo sa susunod na bahagi ng operasyon. Ang hangin ay malamig, at sa bawat patak ng ulan na bumagsak sa aming mga sasakyan, ramdam ko ang bigat ng paghahanda. Ito na ang pagkakataon—ang huling pagkakataon na maghahatid ng katarungan para kay Mikaela. Kung may isang bagay na hindi ko kayang tanggapin, ito ang mawalan ng hustisya. Ang bawat hakbang ko patungo sa misyon na ito ay para sa kanya, at hindi ko titigilan hanggang hindi ko nakikita ang mga nagdulot ng kanyang pagkamatay na nagbabayad sa kanilang mga kasalanan. "Maghanda kayo," utos ko sa mga tauhan ko. "Wala nang atrasan. Nasa atin ang pagkakataong tapusin ang lahat ng ito," seryoso kong sabi. Kasama ko ang ilan sa mga pinaka-tiwala kong alagad sa batas—mga kasamaha

    Last Updated : 2024-11-06
  • Fate's Cruel Dance   Chapter 71

    Chapter 71 Sa bawat hakbang ko papunta sa susunod na yugto ng operasyon, ang bigat ng aking mga desisyon ay patuloy na sumusubok sa aking lakas. Hindi ko na kayang balikan ang mga alaala ng mga sandaling kasama ko si Mikaela. Hindi ko kayang muling makita ang kanyang mga mata na puno ng saya, ng pag-asa—ng buhay. Ang mga gabi na iyon, na puno ng pagmamahalan at pangarap, ay nagsimula nang maging isang alaala na puno ng sakit. Ngunit ngayon, ang tanging layunin ko ay hindi na lang ang maghiganti. Hindi ko na kayang makita ang paghihirap ni Aerol. Kailangan ko siyang protektahan, at ang mga taong responsable sa pagkamatay ni Mikaela ay kailangan bayaran ang kanilang mga kasalanan. Ngayon, narating ko na ang puntong pinakahihintay ko. Si Javier—ang utak ng lahat ng ito. Ang tao na may hawak sa mga buhay ng mga mahal ko, at ng buong pamilya ko. Ang oras ng paghuhukom ay malapit na. Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda at mga tahimik na operasyon, nakatakda na kaming magtagpo ni Javi

    Last Updated : 2024-11-06
  • Fate's Cruel Dance   Chapter 72

    Chapter 72 Hindi ko na pinansin ang mga huling salitang lumabas mula sa bibig ni Javier. Ang mga ito ay parang hangin na wala nang halaga sa mga sandaling iyon. Isa lang ang tumatakbo sa aking isipan—ang pagkawala ni Mikaela, ang sakit na dinulot sa buhay ko at sa aking anak, at ang katotohanang hindi na magbabalik sa amin ng buhay ang aking asawa. Wala nang ibang importante kundi ang paghihiganti, at ang mga ginawa ni Javier sa aking asawa ay hindi ko hahayaang hindi ito managot sa kanyang ginawa. Ang mga mata ko ay naglalabas ng apoy—ang galit at sakit ay tumagos sa bawat hibla ng aking katawan. Sa mga sandaling iyon, wala nang atrasan pa. Kung may kalaban man na nagbigay ng sakit sa aking buhay, siya na iyon. Si Javier at ang mga kasapi nito. Ibinaba ko ang aking mga kamay, at mula sa aking gilid, ang mga tauhan ko ay mabilis na sumunod. Isang mabilis na galaw. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa. Agad kong binaril ang kanyang puso habang sumisigaw sa so

    Last Updated : 2024-11-07

Latest chapter

  • Fate's Cruel Dance   Author's Note:

    Author's Note: Mahal kong mga mambabasa, Una sa lahat, nais kong magpasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso sa inyong walang sawang suporta at pagtangkilik sa kwentong ito. Ang inyong mga komento, pagbati, at pagbabalik-tanaw sa bawat kabanata ay nagbibigay sa akin ng labis na kaligayahan at inspirasyon upang magpatuloy sa pagsusulat. Ang kwentong ito ay hindi magiging ganito ka-makabuluhan kung hindi dahil sa inyo. Sa bawat pahina, ang inyong malasakit at pagpapahalaga sa mga karakter ay nagbigay ng buhay sa kwento. Lahat ng ito ay nagiging makulay dahil sa inyong pag-aalala at pag-unawa sa mga tema ng pagmamahal, pamilya, at pagtutulungan. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik. Hanggang sa susunod na kwento, nawa'y magpatuloy tayo sa paglalakbay ng mga kwentong nagbubukas ng puso at nagbibigay inspirasyon. Muli, maraming salamat at sana'y magpatuloy ang ating pagkakaibigan sa pamamagitan ng mga salita. Lubos na nagpapasalamat, Inday_Stories Morals Ang kwenton

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 119

    Chapter 119Kinabukasan, maaga kaming gumising ni Ruby at Elias. Nagpasya kami na samahan siya ni Elias para sa check-up sa doktor. Excited kami dahil nais naming tiyakin ang kalagayan ng aking asawa at ng batang dinadala niya. Habang naghahanda si Ruby, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa magandang balita na ibinahagi niya sa akin. Hindi lang ako magiging tatay ulit, kundi may bagong miyembro pa ng pamilya.Pumunta kami sa ospital, at nang makapasok kami sa clinic, agad kaming tinawag ng nurse. Kasama si Elias na masaya at excited na makakita ng doktor. Habang si Ruby ay nagpapa-checkup, hindi ko maiwasang magmasid sa mga ginagawa nila. Tahimik lang si Elias sa aking tabi, habang ang kanyang mga mata ay puno ng kuryusidad.Pagkatapos ng ilang minuto, dumating ang doktor at sinabi ang isang bagay na ikinagulat ko."Aerol, Ruby," sabi ng doktor, "Hindi lang isa ang baby na dinadala mo, kundi dalawa. Twins!"Habang naririnig ko ang mga salitang iyon, hindi ko agad matanggap. Dalawa?

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 118

    Chapter 118Tinutok ko ang aking mata sa kanya, at nakita ko ang kaligayahan sa kanyang mga mata. "Ang pinakamahalaga, Ruby, ay yung magkasama tayo. Hindi ko na kayang mawalan pa ng ganitong buhay—ang buhay na puno ng pagmamahal at pagkalinga."Si Ruby ang naging ilaw ng buhay ko. Siya ang tumulong sa akin na baguhin ang mga maling pananaw ko. Siya ang naging katuwang ko sa lahat ng aspeto ng buhay—sa negosyo, sa pagpapalaki kay Elias, at sa lahat ng aspeto ng pagiging mag-asawa.Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na dumaan, ang pagmamahal namin ni Ruby ay naging matibay na pundasyon para sa aming pamilya. Hindi laging madali ang buhay, pero natutunan namin na magkasama, mas madali ang lahat. Ang bawat sakripisyo, bawat pagod, ay nagiging magaan dahil magkasama kami.Ngayon, habang nakaupo kami ni Ruby at tinitingnan si Elias na naglalaro sa sala, ramdam ko ang kabuuan ng buhay namin. Walang materyal na bagay na makakapantay sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Si Ruby at Elias ang

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 117

    Chapter 117Habang tinitingnan ko si Ruby, at ang anak namin na si Elias, ramdam ko ang kabigatan ng mga salitang iyon—ang lahat ng pagsubok, ang lahat ng sakripisyo na kami ay pinagdadaanan, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, alam ko na ang pinakamahalaga ay ang pamilya ko. Si Ruby, na hindi ko inisip na magiging kabuntot ko sa lahat ng laban ng buhay. Ang aming anak, si Elias, na hindi ko akalain na magiging pinagmumulan ng lakas ko sa mga oras ng pangangailangan.Minsan, iniisip ko kung paano kami nagsimula. Paano ba kami nagkakilala ni Ruby? Kung paano kami napadpad sa ganitong buhay na puno ng pagmamahal, sakripisyo, at pagtutulungan.Noong una, hindi ko inisip na magiging ganito kami. Nang una kong makilala si Ruby, hindi ko agad nakita ang lahat ng kahalagahan niya sa buhay ko. Isa siyang babaeng may sariling mundo, hindi nanghihingi ng kahit ano, at hindi madaling makuha ang atensyon. Nagsimula kami bilang magkaibigan, at unti-unti, nagbukas ang puso ko sa kanya. Hindi siya ka

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 116

    Chapter 116Nasa buhay kami ni Aerol ang mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. May mga pagkakataon na naiisip ko kung gaano kahalaga ang bawat hakbang na ginagawa namin bilang mag-asawa at magulang. Ang pagiging magulang sa isang batang tulad ni Elias ay nagbibigay ng mas malaking kahulugan sa aming buhay. Hindi na kami nagmamadali; natutunan na naming tanggapin ang bawat hakbang at ang mga pagsubok na kasabay ng buhay."Masaya ako," sabi ni Aerol isang gabi habang nag-uusap kami sa sala. "Masaya ako na ang lahat ng ito ay nangyari. Hindi ko kayang maisip kung anong buhay ang mayroon tayo ngayon kung hindi tayo naging magkasama."Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga salitang iyon. Minsan, kahit gaano kahirap ang buhay, ang mga simpleng sandali ng kaligayahan ay sapat na. Ang mga simpleng yakap, ang pagtawa, ang pagkakasama sa araw-araw—lahat ito ay nagbibigay ng lakas sa amin upang magpatuloy. Ang tunay na kayamanan ay ang mga simpleng bagay na mayroon kami ngayon."Salam

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 115

    Chapter 115 Habang tinitingnan ko si Elias na natutulog sa kanyang kama, hindi ko maiwasang magpasalamat sa lahat ng biyayang natamo namin. Minsan, mahirap paniwalaan kung paano mula sa simpleng pagkakakilala namin ni Aerol, nakarating kami sa puntong ito—isang masaya at buo na pamilya. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi kami nawalan ng pag-asa. Naalala ko pa noon, bago kami magpakasal, kung gaano kami kaligaya sa mga simpleng bagay. Madalas kaming maglakad-lakad sa parke, mag-kape sa isang maliit na kanto, at mag-usap ng mga bagay tungkol sa hinaharap. Hindi kami nagmadali. Pareho kaming nagnanais ng isang buhay na puno ng pagmamahal, hindi ng mga materyal na bagay. Si Aerol, kahit galing sa isang mayamang pamilya, ay hindi kailanman ipinagmalaki ang kanyang estado. Wala siyang pakialam sa mga materyal na bagay, ang mahalaga sa kanya ay ang pagmamahal at pagkakaroon ng magandang relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Ang simpleng buhay na mayroon kami ay mas binigyan namin ng hal

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 114

    Chapter 114 Ruby POV Habang nakaupo ako sa aming terasa, pinagmamasdan ang paglubog ng araw, hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa mga unang taon ng aming buhay ni Aerol. Minsan, naiisip ko kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano kami nagtagpo sa isang mundong magkaibang-magkaiba, ngunit sa huli, nagtagumpay ang pagmamahal namin sa kabila ng lahat ng hadlang. Naalala ko pa noong unang beses kaming nagkita. Sa isang kasal ng isang kaibigan ko, si Aerol ay isa sa mga naging bisita. Hindi ko pa siya gaanong kilala noon. Siya ay tahimik, at may hindi matitinag na aura. Hindi ko maiwasang mapansin siya sa gitna ng maraming tao, dahil kahit na mayamang pamilya siya, hindi siya mayabang. Tila ba hindi siya interesado sa mga malalaking pag-uusap o social status. Siya’y isang lalaki na hindi nagpapakita ng kayabangan, kahit pa sa kanyang mga kasuotan o sa paraan ng pakikisalamuha sa iba. Noong magsalita siya sa isang maliit na grupo ng mga bisita, ang mga mata ng mga tao ay nagliwanag—

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 113

    Chapter 113Pagkatapos ng araw na iyon, naglakad-lakad kami pabalik sa kotse, bitbit ang mga alaalang nabuo sa tabing-dagat. Nakita ko sa mga mata ni Ruby at sa ngiti ni Elias na mas lalo kaming nagiging maligaya sa mga simpleng araw na magkasama. Hindi na namin kailangan pang maghanap ng kaligayahan sa malalaking bagay. Ang kaligayahan ay nahanap namin sa bawat sandali ng pagkakasama at pagmamahal.“Nais ko lang sanang maging ganito lagi,” sabi ko sa kanya habang binabaybay ang daan pauwi. “Walang stress, walang takot, magkasama lang tayo.”“Hindi ko rin naisip na darating tayo sa puntong ito,” sagot ni Ruby. “Pero ngayon, alam ko na wala nang mas hihigit pa sa pagiging buo natin bilang pamilya. Walang mas mahalaga sa atin.”Pag-uwi namin, habang si Elias ay natutulog sa kanyang kwarto, kami ni Ruby ay nag-usap tungkol sa mga plano namin para sa hinaharap. “Mahal, siguro kailangan natin maglaan pa ng mas maraming oras para kay Elias,” sabi ko. “Gusto ko na maggrow siya na alam niyang

  • Fate's Cruel Dance   Chapter 112

    Chapter 112 Habang kami ay nagtutulungan sa mga gawain sa bahay, naramdaman ko na, sa kabila ng lahat ng pagod at pagsubok sa buhay, hindi na kami nag-iisa. Hindi ko na kailangang magsolo sa lahat ng laban. Kami ni Ruby, at si Elias, ay magkasama sa bawat hakbang, at sa bawat sandali. Habang natutulog si Elias, kami ni Ruby ay nag-uusap tungkol sa mga plano namin sa hinaharap, hindi na bilang mga indibidwal kundi bilang isang pamilya. “Mahal,” sabi ko, “ano kaya kung mas maglaan tayo ng mas maraming oras para sa ating sarili? Hindi lang sa trabaho o negosyo. Dapat tayong mag-focus sa magkasama tayo bilang pamilya.” “Tama ka,” sagot niya. “Ang mga sandaling ito, yun ang nagpapaalala sa atin na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa materyal na bagay. Ang pagmamahal at oras na binibigay natin sa isa’t isa ang tunay na yaman.” Dahil sa mga simpleng bagay na ito, natutunan kong tanggapin na hindi ko kailangan maging perpekto. Wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan ng magkasama kam

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status