BRANDONNAGISING akong wala sa tabi ko ang asawa ko. Bumalikwas ako ng bangon at hinagip ang boxer shorts ko sa paanan ng kama. I glanced at the bathroom and no one was there. Kitchen. She must be starving.Nang buksan ko ang pinto ay naamoy ko ang bacon at toast. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. Naroon siya at nagluluto. Saka lang ako nakahinga nang maluwag. The fear that she left me vanished. Nakakapraning naman talaga lalo at hindi pa kami nag-uusap. I was about to give her a hug but she moves so gracefully in the kitchen so I stayed behind and watched her for a bit. She has always wanted an all-white kitchen, malinis daw tingnan at madaling bagayan ng accessories. Kahit hindi siya makalat, babae pa rin siya kaya may ilang display roon. Lahat ng gamit dito sa bahay, pinili ko na siya ang nasa isip ko. The thing she would buy if we were together minus the price tag. Si Kelly kasi, kahit gustong-gusto na ang isang bagay ’tapos nalaman ang presyo, ibinabalik
KELLYSOBRANG tigas na ng tinapay na tinoast ko kanina pero ang bacon ay naisalba ko pa. While I was making crispy bacon, Bran made coffee at siya na rin ang nag-toast ng dalawang tinapay. Kasalukuyan naming pinagsasaluhan ’yon at natatawa ako kapag nakikita ang hitsura namin. I am wearing his shirt even though it’s big on me at walang suot na undies habang siya ay nakasuot lang ng boxers at hubad-baro. Aren’t we a pair?“I know it’s still the holidays but can we talk now? I don’t want to end the year without knowing what really happened.” Napayapa ako noong sabihin niya na hindi niya anak ang ipinagbubuntis ni Vina. But it bothers me that she was there at the hospital. The way she looked at my husband wasn’t just pure friendship. I don’t think he’s over him. At kung hindi lang siya buntis ay iisipin kong may balak siyang ahasin si Bran sa akin kahit alam niyang mag-asawa na kami. Iba ang titig niya. There’s longing . . . and regret.“Galit na galit si Mommy. Marami siyang sinabi na
KELLY“MY father had an affair with his secretary. I was too young to remember her face but that name, I heard that one too many times at home kapag nagtatalo ang mga magulang ko. My nanny would often take me to the playroom or in the living room to watch TV. Basta malayo palagi sa kinaroroonan ng mga magulang ko. I had Donna investigated. It’s weird how she had two children pero si Chris lang ang kasama niya. They live in Nevada. Isang simpleng bungalow ang tirahan nila at may trabaho sa opisina si Donna. She’s still working in the same company since she moved there. Chris graduated from UCLA. Anyway, the file wasn’t accessible at kahit ano’ng gawing ng private investigator ko ay hindi niya makuha ang information tungkol sa isang anak ni Donna. I think it’s irrelevant so I didn’t push for it.”“Si Chris ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Vina?”Tumango si Bran. “I saw them on the CCTV. Vina was drunk at hindi ako magtataka kung napagkamalan niyang ako ang lalaking kasama niya. She plann
KELLYMY visa was granted in no time. Mas mabilis talaga ang proseso kapag may pera at iyon ang katotohanan ng buhay lalo na sa Pilipinas. After Bran and I talked about what’s going on with his family, nakatanggap ako ng tawag mula sa hipag ko at nagpaalam siya sa akin na babalik na sa States kasama ang asawa at nanay niya. She hopes to see me soon in Philadelphia para makilala ko rin daw ang mga anak niya. Not to mention, hanggang ngayon ay hindi pa niya ako nakikilala at nakikita in person. I saw her in the hospital pero tulog naman siya nang oras na ’yon. I thanked her for the clothes and other things she bought for me na naratnan ko rito sa bahay. My husband told me that ate picked them out online at had it delivered here at home. Natawa lang si Ate at sinabi pa niya na pagbisita ko sa Amerika ay lalabas kami para mag-shopping gamit ang card ni Brandon. Pilya rin siya. “Ano’ng iniisip ng baby ko?” masuyong tanong ni Brandon sa akin habang lulan kami ng eroplano. The plane is ta
KELLYIT was just around nine in the morning when we landed at the Philadelphia International Airport. The officer at the immigration barely smiled when she was talking to me. But I had nothing to be afraid of, legal naman ang pagpunta ko rito at talagang mag-asawa kami ni Bran. Hindi kami nagpakasal lang dahil sa visa para makapunta rito. We only had one piece of luggage each plus the carryons kaya kailangan namin ng cart. Hindi naman kami naghintay nang matagal sa carousel dahil nasa unahan ang mga bagahe namin. Tinungo namin ang parking lot at kaagad akong nilamig paglabas ng double doors. Bran made sure that I’m wearing a winter coat, mittens, and a toque. Pero kahit balot na balot ako, kulang na lang ay magyelo ang mga mata ko. “Are you okay?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa labas. Hinapit niya ako papunta sa bisig niya. “My poor baby’s cold.” He kissed my forehead and rubbed my arm. Sa wakas ay nakarating kami sa kotse niya. Brandon was comfortable leavi
KELLYTHE day I was dreading came after two weeks. Makahaharap ko na ang biyenan ko at hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Hindi naman ako galit sa kaniya sa mga binitiwan niyang salita kay Bran. Knowing what her marriage was like made me sad for her, actually. Kahit ’yong mga pangyayari noong high school kami ni Bran at pananakot niya sa akin ay napatawad ko na rin. She did what she thought was best for her son at the time. “Happy birthday, Ate.” Iniabot ko sa kaniya ang dala naming regalo at nang kunin niya ’yon ay binigyan niya ako ng isang mainit na yakap.“I’m glad you came. Tayo lang naman ang narito. I didn’t invite any friends because we already went out a few days ago. Kaya malaya tayong makakapagkuwentuhan.” She giggled. “I’m going to offer you wine but I don’t think it’s a good idea. Baka magkakaroon na ako ng pamangkin,” tukso niya sa akin. Nahilo kasi ako noong isang araw at si Brandon na overacting, dinala kaagad ako sa doktor. Nag-order ng urinalysis at bloodwork
KELLYI DIDN’T have the chance to talk after she answered my question. When Bran came back to the dining room, siyang tayo ni Mommy at pinuntahan si Ate para magpaalam. She took her purse at walang lingon-likod na tinungo ang pinto. I saw her car drove away from the window. Nag-aya nang umuwi si Bran para makapagpahinga na ako. Ate wanted us to stay a little bit longer lalo na at naunang nagpaalam si Mommy pero sinabi ng asawa ko na dadalaw na lang kami uli.Nag-shower ako nang makauwi kami sa bahay at nagpalit ng damit. Suot ko ang T-shirt ni Bran nang sumampa ako sa kama. Automatic ang pagyakap niya sa akin. I noticed he hasn’t changed his clothes. “Hindi ka pa ba magpapalit ng damit?”“I will, in a second.”Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Tahimik lang siyang nakayakap sa akin. Bilang asawa niya, ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya ngayong oras na ito. It’s not easy to be around people who doesn’t like being around you. Patunay ako roon kung gaano ka-awkward ang pakira
KELLYI COULDN’T feel anything when I heard the news. Naaksidente si Bran at ang mommy niya nang pauwi na sila sa bahay ng huli. It has stopped snowing and the road has been plowed and salted nang sumakay ako ng taxi kanina papunta rito sa ospital. Susunduin sana ako ni Ate pero sinabi kong magta-taxi na lang ako at doon na lang kami magkita. Ayaw ko nang magpabalik-balik pa siya at maaksidente rin. “Kel,” tawag niya sa akin nang matanaw ko siya sa pasilyo. “Ate, kumusta sila?”Niyakap niya ako nang makalapit ako sa kaniya. Halatang galing sa pag-iyak ang mga mata niya. Ako man ay hindi matigil sa pag-iyak kanina at hindi ko na pinansin ang taxi driver na patingin-tingin sa akin. “Mom fractured her arm and leg. But Bran hit his head, may bubog din na tumama sa may tiyan niya. He lost a lot of blood. Hindi kami magka-match ng dugo. I was hoping you’re an O negative. B kami ni Mommy.” She was shaking in fear. “B rin ako, Ate. Pero si Daddy, ka-match siya ni Bran. Natawagan mo na ba