KELLY
IT’S Friday and normally, I will be at home by now and enjoying my weekend early, pero dahil nag-no show si Maita ay kailangan kong samahan si Suzette sa Casa Fonseca sa Quezon. Isang linggo ang kontrata nila dahil malaki ang bahay at may dalawampung silid. Dalawampu rin ang banyo na kailangan kong linisin at may dalawa pang powder room sa sala.
It’s a bed and breakfast pero temporarily closed gawa ng renovation, at ngayong tapos na ay kailangang ayusin ang lahat at i-prepare para sa pagbubukas nito two weeks from now.
Dalawang kilometro na lang ang layo ko ay biglang bumuhos ang ulan at ang kotse ko ay nabahura.
“Diyos ko naman! Kailangan bang sabay-sabay ang kamalasan ko ngayong araw na ito?” Inis na inis ako pero ano’ng magagawa ko?
Kinuha ko ang flashlight sa gilid ng kotse dahil madilim na ang langit kahit alas-kuwatro y medya pa lang ng hapon. Tatawag sana ako ng tow truck pero walang signal ang cell phone. Could this get any worse?!
Kinuha ko ang payong at isinuot ang jacket ko saka lumabas ng sasakyan. Maglalakad ako ng dalawang kilometro papunta sa casa habang hila ang maleta. Mabuti na lang at naka-rubber shoes ako, kung hindi ay siguradong hindi lang gulong ko ang nakabaon sa putik ngayon kung hindi pati takong ng high heels ko.
Bawat hakbang ko ay papalakas nang papalakas ang hangin at ulan. May bagyo ba?
Tiniis ko ang lamig dahil basa na ang pantalon at sapatos ko. At least, tuyo ang katawan ko. Salamat sa hood ng jacket dahil ang payong ko ay kanina pa sumakabilang-buhay. Siguradong ang kalat na ng makeup ko ngayon dahil basang-basa na ang mukha ko.
“Ahh!” Napahiyaw ako nang dumaan ang isang pick-up truck at sumulbot ang gulong nito sa lubak na puno ng tubig-ulan at putik.
Now I am not only wet but covered in mud too! Shit!
Sa inis ko ay binato ko ng putik ang pick-up na hindi pa nakalalayo. Tumigil ang sasakyan at bumaba ang isang matangkad na lalaki.
“Are you out of your mind? Bakit ka nambabato?” galit na wika ng lalaki.
“Ikaw ang siraulo! You could have avoided the puddle but you didn’t. And look what you did to me?!” Punong-puno na ako sa mga nangyayari sa akin ngayong araw na ito at siya ang last straw.
Napahilamos sa mukha ang lalaki at bahagya akong tinitigan. “Kel? Is that you?”
Great. Just fucking great. Fifteen years and here we are again. How can I forget Brandon Aspirez? Noong una ko siyang nakilala sa eskuwelahan ay umuulan. Nang sagutin ko siya ay biglang umulan. Nang mag-break kami ay umuulan din. At ngayon, umuulan pa rin. That’s why I hate it when it rains.
Sabi nga nila, when it rains, it pours. Walang nangyayari sa aking maganda kapag umuulan, katulad na lang ngayon.
Sa halip na sagutin ko siya ay nagsimula akong maglakad palayo at hinila ang aking maleta.
“I can give you a ride if you want. Saan ba ang punta mo? Is that your car? Nasiraan ka ba?” tanong niya sa akin pero wala akong balak sagutin siya.
I should let bygones be bygones but I can’t. Minahal ko siya nang todo ’tapos nauwi lang sa wala ang lahat.
“Don’t be stubborn. Magkakasakit ka sa ginagawa mo.”
“Leave me alone!” sigaw ko sa kaniya.
“Fine. Have it your way.”
Ano pa ba ang ine-expect ko sa kaniya? Obviously, he doesn’t care for me. Noon nga ay hindi, ngayon pa ba?
Iniwan niya ako at bumalik siya sa truck.
Parang walang katapusan ang paglalakad ko at pagod na pagod na ako. Hindi iisang beses ko naisip na bumalik na lang sa kotse at doon magparaos ng umaga. Natatakot lang ako na baka may masasamang loob ang gumala at kung mapaano ako. Isa pa, kung kailangan kong magbanyo ay alangan naman na sa gilid ako ng kalsada umihi? And what if I need to do a number two? Ugh! Para akong masisiraan ng ulo sa inis.
Sa wakas ay nakarating din ako sa Casa Fonseca. Mahaba ang driveway nito pero at least nandito na ako sa arko. Nabuhayan ako ng loob dahil sa wakas ay makapagpapahinga na ako. Bukas pa naman ang simula ng trabaho namin ni Suzette.
Ang saya ko ay biglang naglaho nang makita ko ang pick-up na nakaparada sa garahe. Siguro ay kakulay lang ito. Marami naman ang may kulay puting pick-up truck, hindi lang ang kay Brandon.
Kumatok ako sa pinto at hinintay na pagbuksan ako ni Mrs. Fonseca. Pero sa halip ay si Brandon ang nagbukas sa akin at maayos na ang pananamit niya. Mukhang bagong paligo siya at kasalukuyang nagkakape.
“Come in,” sabi niya sa akin.
“Is Mrs. Fonseca here?”
“No. My aunt just left for the States and won’t be back until three months.”
Tuluyan akong pumasok sa loob kahit tumutulo pa ang luggage at pati na rin ako.
“I’m sorry, did you say your aunt?”
“Yes. Actually, ibinigay na niya sa akin ang bed and breakfast na ito. Ang sabi lang niya ay malapit na itong magbukas at sinabi sa akin na dumito ako to familiarize myself. Hindi ko alam na ikaw ang darating. Maid ka na pala ngayon?”
Gusto kong itanggi at sabihin na ako ang may-ari ng agency, pero para saan? Paniwalaan niya ang gusto niya.
“Nandito na ba si Suzette?”
Kumunot ang noo ni Brandon. “Suzette? Iyong kasamahan mo sa trabaho? Tumawag siya dito at sinabing may sakit ang anak niya at walang magbabantay. Looks like you’re on your own,” biro niya sa akin.
Napapikit ako nang mariin. Una, si Maita, ngayon naman ay si Suzette. Ano ito, trap?
“Mabuti na lang pala at nagpunta ’ko dito, kung hindi ay mag-isa ka nang isang linggo. Ang susi nga pala ng bahay ay nasa ilalim ng paso ng rosas na pula kung sakaling walang tao dito.”
“Okay. Do you know where I’m staying?” tanong ko sa kaniya.
“In my bedroom.”
Ano daw? Sa kuwarto niya?
“Come again?” Hindi ko alam kung nakaririnig pa ako dahil masakit ang aking ulo. Mukhang tatrangkasuhin pa ako.
“Sa kuwarto ko. Dalawa ang queen beds doon. Ayaw ni Tita na may matutulog sa mga kama sa itaas dahil para ’yon sa mga unang guests. Ang kuwarto n’yo kasi ni Suzette ay natamaan ng sanga ang bintana kaya temporary lang ang iniharang kong yero kanina. Malamig doon at mukhang ilang araw pa itong bagyo. What’s the matter? Parang ngayon lang tayo matutulog sa iisang kuwarto?” biro niya.
Sa sinabi niya ay bumalik sa isip ko ang nakaraan.
KELLY, Senior High . . . PAMBIHIRA! Late na naman si Vicky. Nasa kaniya pa naman ang project na isa-submit ngayon. Kanina pa ako naghihintay sa gate at malapit nang mag-ring ang bell. Nang dalawang minuto na lang at wala pa siya ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa loob. May flag ceremony pa kami at kapag wala ako sa pila ay siguradong kakanta akong mag-isa sa unahan! I was almost there when someone knocked me over. Mabuti na lang mabilis ang reflexes niya, kung hindi ay bangas ang mukha ko sa pavement. “Ano—” Whatever I have to say to the stupid person who bumped into me was frozen in my throat. Ang lalaking nasa harap ko ay napakaguwapo kahit medyo payat. He was more the lean type at mukhang sporty din. Otherwise, paano niya ako masasalo nang ganoon kabilis kanina? “Sorry, nagmamadali kasi ako at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito,” sabi niya sa akin. Diyos ko po! Pati ang boses ay masarap sa tainga. May sinasabi siya sa akin pero parang wala akong naririnig. Iyon
KELLYBAGO pa ako nakahuma ay nakapagsalita na uli ang teacher namin. “I need you both to meet with me after class. As for the activity, well done. Behaviour, not so much.” Lumakad na siya at tiningnan ang gawa ng mga kaklase namin.I am so mad, gusto kong i-disect si Brandon. Ano ba’ng pumasok sa kukote niya at sinabi niyang girlfriend niya ako? We are not even friends!Nang lingunin ko siya ay tatawa-tawa siya. Ah, it was a prank!“I am going to kill you later after school. You better watch your back.” Sa halip na matakot ay lalo pa siyang tumawa. “Kill me with your kiss?” bulong niya sa akin. Kumuyom ang kamao ko at isang-isa na lang ay tatamaan na siya sa akin. “Takot ka nga sa bula—ahh!”***At the Principal’s Office . . .FIRST time kong magawi rito dahil napa-trouble ako. Unfortunately, nakita ako ni Miss Santos na sinuntok si Brandon sa panga. Ang ending, pinulot ako rito sa Principal’s Office. Kaming dalawa actually. “Kelly, care to tell me what happened? How did you two e
KELLY NAISIP ko na lang na magbabago rin ang isip niya. At least for now, magiging tahimik ang lahat dahil magsisimula kaming muli. This time, bilang magkaibigan. “Kumakain ka pala niyan?” tanong niya sa akin. Itinuro niya ang isaw at mga kung ano-ano pang street foods. “Oo naman. Saka malinis ang mga tinda ni Aling Saling. Bago ka pa lang kasi dito kaya hindi mo siya kilala pero hindi ka magkakaroon ng hepa d’yan.” Palagi kasing bukambibig ni Lola na huwag kumain ng street food dahil magkaka-hepa rin ako. Sa dami ng bilin niya sa akin tuwing bibisita ako sa kaniya ay ito lang yata ang hindi ko masunod. Ang sarap kasi. The whole time we were being punished by cleaning the classroom made me realize that Brandon is not really as bad as I thought he was. Natural siyang makulit pero kapag sinabihan ko naman ay tumitigil na rin siya. Typical na teenager sa mga gawi lalo at laki sa Maynila. Kaya kahit may extra kaming gawain tuwing hapon hanggang matapos ang parusa sa amin, it didn’t
KELLYIKINALMA ko ang aking sarili at nagdasal na sana paglabas ko ng banyo ay wala siya sa kuwarto. I remember what he said. Pinagpinaw ko nga siya ng sinampay noon at pinatulong dahil ang dami kong labada. He was more than eager to help me, kaya naman pala dahil mas malapit sa kaniya ang mga underwear ko. Pero sa kabila ng kakulitan niya, I also know that Brandon respected me. Ako pa nga ang unang nanghalik sa kaniya noon at hindi pa ako marunong. He knew what he was doing and tinuruan niya ako. It was his first birthday with me. We have been dating for three months but he never attempted to kiss me on the lips bukod sa yakap, halik sa noo o pisngi. But more often than not, he would kiss my hair. Walang palya niya akong inihahatid pauwi ng bahay, pero hindi niya ako sinusundo sa amin. Well, those were the days. A lot has changed since then. Hindi na kami mga paslit. Nakahinga ako nang maluwag nang mabuksan ko ang pinto at hindi siya makita sa kuwarto. I have so many things to do a
BRANDONI WOKE up early the next morning at malakas pa rin ang ulan. It’s only five in the morning at himbing pa ang tulog ni Kelly. I added another blanket sa paanan niya dahil alam kong lamigin siya. I remember taking her to Tagaytay at lamig na lamig na siya roon. Naisip ko tuloy, paano pa kaya kapag dinala ko siya sa Philadelphia? Nandoon ang sentro ng business ng pamilya namin. The only reason I was sent to Manila for a couple of years back then was because I ran into trouble at school. I was kicked out. Technically, it wasn’t my fault. But that’s a story for another day. Ang hindi namin magandang relasyon ng aking ama ay lalong pumangit hanggang sa ipinadala niya ako sa Pilipinas. Kaagad akong ini-enroll ng assistant ni Dad sa isang exclusive school pero dalawang araw pa lang ay napaaway na ako. Pero parang hulog ng langit ang nangyari. Ang driver kong si Mang Rudy ay taga-Laguna at binisita ng kaniyang asawa at anak. Tinanong ko si Mara kung saan siya pumapasok at sinabi niya
KELLYKAY agang mambuwisit ng lalaking ’yon! May tuyong laway raw ako kahit wala. ’Tapos mag-aaya na magsalo sa almusal? Neknek niya! Hindi niya ako makukuha sa mga suhol na ’yan. Mas mabuti na pa umpisahan ko na ang trabaho at bakasakaling mas maaga akong matapos dito. Kung sana ay dalawa kami ni Suzette na maglilinis, mas mabilis. At ang buwisit na bagyo ay wala pa ring tigil. Tuwing naaalala ko na nalubak si Brandon kahapon at nasabuyan na naman ako ay gusto ko siyang tirisin nang pino. Ganoon din ang nangyari sa amin noong high school. Iyon daw ang unang kita niya sa akin. Bandang alas-otso ay nakaramdam ako ng kalam ng sikmura at ang sakit ng aking ulo ay palala nang palala. Masakit din ang kasu-kasuan ko at mukhang tatrangkasuhin pa ako rito. Sabi ko na nga ba at walang magandang dulot ang pagkikita namin ni Brandon. Kasalukuyan akong naglilinis ng banyo ngayon pero itinigil ko ito at naghugas ako ng kamay saka tinungo ang kusina. Kape at tinapay lang ay ayos na. Habang hinih
BRANDONNAALIMPUNGATAN ako nang gumalaw ang kaniyang kamay. How long was I out? Half hour? An hour or so? Hindi na siya gaanong mainit katulad kanina pero may sinat pa rin siya. Tunaw na rin ang yelo sa bowl. Mabuti na lang at may ice maker ang ref. Nagkusot ako ng mga mata at saka tumindig. Bitbit ang bimpo at bowl na may tubig ay nagtungo ako sa kusina at kumuha ng panibago. Tulog pa rin si Kelly.Inilabas ko ang chicken breast mula sa freezer para maipagluto ko siya ng chicken noodle soup mamaya. For now, she need to rest.I was already halfway back to the living room when I saw her trying to get up at napansin ko ang pagkabuway niya. “Kel, wait.” Malalaki at mabibilis ang hakbang ang ginawa ko para abutan siya. Pero sadyang matigas ang ulo niya at muntik na siyang malaglag sa sahig. I tried to help her pero tinabig niya ang aking kamay.“Kaya ko,” masungit niyang sabi sa akin. There is a reason why I didn’t become a doctor or a nurse. I just don’t have the patience. Pero pagdati
BRANDONSHE slept for a couple of hours habang patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan sa labas. According to the news, bukas pa huhupa ang bagyo. Mahimbing ang tulog ni Kelly at ang bimpo ay inalis na niya at ibinalik sa planggana. Pinagpawisan siya at ang unang pumasok sa isip ko ay baka lalo siyang magkasakit kaya ginising ko siya.“Kel, gumising ka muna at magpalit ng T-shirt mo. Basa ka ng pawis.”Naalimpungatan siya at kinapa ang parte ng leeg niya. Tumango siya sa akin.“Puwede mo ba ’kong ikuha ng puting T-shirt sa luggage ko?” sabi niya sa akin.For the first time, she asked me to do something for her. Kaagad akong tumalima at kinuha ang damit niya saka iniabot iyon sa kaniya.“Talikod ka uli para makapagpalit ako,” sabi niya sa akin.“Okay.”We are in our thirties and yet she’s still the same pagdating sa bagay na ito. That’s what I love about Kelly. She’s not like other girls na halos ipakita na ang lahat sa lalaki para lang hindi iwan. She is decent. At ang pagpapalaki ng
BRANDON Three months later . . . I WILL never understand why my father had to cheat. If he was no longer happy, bakit hindi na lang niya kinausap si Mommy at nakipaghiwalay nang maayos? Siguro nga ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang tama at mali. I just know that I will be a better father to my kids and a better husband to my wife. Ngayong alam ko ang dinanas ni Mommy sa piling ng asawa niya, naiintindihan ko na kung saan siya nanggagaling. She was simply trying to shield me from harm. Sa takot niya, sumobra naman. Idagdag pa na may pangyayari mula sa nakaraan sa pagitan nila ng pamilya ng magulang ni Kelly. “I thought this day would never come,” bulong sa akin ni Kelly habang pinagmamasdan si Mommy kasama ang mga biyenan ko. Narito sila ngayon sa bahay namin ni Kelly. As soon as the doctor gave us the go signal, isinama ko ang aking ina pauwi ng Pilipinas. Gusto kong maiba ang paligid niya. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Bilang na bilang sa d
BRANDONIT’S been two weeks since the accident, and instead of going home to our condo, my wife and I stayed at my parents’ house. Pangalawang araw namin dito ngayon. Bukod sa walang kasama si Mommy, si Kelly rin ang may gusto nito para maalagaan niya kami nang sabay. Hindi raw dapat iniaasa sa kasambahay o sa nurse ang pag-aalaga sa pamilya kung mayroon namang kapamilya na available—at siya ’yon. “I didn’t expect to find you here.” Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking ama na kararating lang. He looked exhausted from his trip. Ako dapat ang magsabi sa kaniya na hindi ko siya inaasahang makita rito. My mother told me that their divorce was finalized a few days ago. Ni hindi ko nakita si Dad sa ospital at ang sabi sa akin ni Ate ay nasa Australia pa ito. “That makes two of us. What brought you here?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung aware si Mommy na darating ang aking ama ngayon. “I just came to pick up a few things. This is still my house, Brandon.” Humila siya ng isan
KELLY“SHE’S my half sister . . . but nevertheless, still a sister. My mother got pregnant pero hindi pinanagutan ng aking ama. My father married someone he loves at hindi ang nanay ko ’yon. I was a product of a one-night stand, believe it or not. Bihira kaming magkita ni Cordelia, pero tuwing dadalawin ako ni Tatay sa birthday ko ay isinasama niya ang kapatid ko. Some people don’t like it. Ayaw nila na may kahati. Pero ang pusong puno ng pagmamahal, kaya niyang tanggapin halos lahat. And I love my sister. She’s nice to me even though I think she’s a brat. Hindi sila mayaman, pero dahil iisa siyang anak ay nagagawa niya ang lahat ng ibigin—including taking your father away from your mother.”Sinabi sa akin ni Nanay ang tungkol kay Cordelia pero katulad niya ay hindi ko alam na may nakatatandang kapatid ito. “Eventually, my mother married someone, mahirap din katulad niya, pero hindi sila nagkaanak at sa kalaunan ay naghiwalay rin. I don’t know where he is now but when my mother died,
KELLYTHE woman just looked at me and left immediately. There were tears in her eyes at kahit hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman sa kaniya, pinili kong huwag makaramdam ng galit. Labas ako sa nangyari noon.Huminga ako nang malalim at inayos ang expression ng aking mukha. Nang pumasok ako ng silid ay mabilis na pinahid ni Mommy ang luha niya. “Bakit ang tagal mo?!” May angil ang pagtatanong niya. She’s trying to cover up her anger . . . and sadness. I smiled at my mother-in-law. “May pila po kasi sa cafeteria.”Mommy made a face but didn’t comment.“Hindi ko po pala naitanong kung ano’ng gusto n’yong tea. Binili ko na po ’yong tatlong available. Green tea, chamomile, at—”“Green tea na lang. Iyong chamomile, sa ’yo na para makatulog ka.” It’s funny how she’s giving me a cold treatment, and a few seconds later, she would give me words that let me know she cares. And it made of think of how she was before all this mess. Mas mapagmahal ba siya o sadyang ganito na ang uga
KELLYNANG pumasok ako sa silid ni Mommy ay nadatnan ko siyang gising at nanonood ng TV. Her leg and arm is on a cast and I feel bad for her. Kahit pangatlong beses ko pa lang siyang nakikita, I know she’s a proud woman. Siya iyong tipo ng tao na hindi tumatanggap basta-basta ng tulong. “Good evening po,” bati ko sa kaniya.She didn’t bother to look at me but she didn’t send me away so I will take it as a good sign. Naupo ako sa isang silya roon at sumandal. Gusto ko sanang itaas ang binti ko pero nahihiya ako. “If you want to put your feet up, do it,” paangil niyang wika sa akin. Hindi ako tumingin sa kaniya pero ginawa ko ang sinabi niya. Naroon ang concern sa salita niya kapag hindi pinansin ang tono. She was watching some movie that I am not familiar with. Baka naghanap lang siya ng mapanonood para pampalipas ng oras. Nilingon ko siya and that’s when I noticed the remote was too far from her. Kaya pala parang wala siya sa mood kanina pa, hindi mailipat ang channel. I wondered w
KELLY“WHAT are you doing here?”He is Brandon’s ex. At alam kong noong unang makita ko siya sa ospital ay naroon siya dahil tumulong siya sa airlift assistance ni Ate. This time though, she is not needed here.Saglit na gumuhit sa mga mata niya ang pagkagulat at umawang ang mga labi niya. I bet she wasn’t expecting my tone. Iyong tanong ko, normal ’yon. Pero iyong tono ko, that’s me marking my territory. My hunch was right when the thought crossed that she’s still pining over my husband. They were over a long time ago. And she’s pregnant for fuck’s sake. Kapatid pa ni Brandon ang ama ng bata. It’s ridiculous!“I heard about the accident on the news and I—”“He is in the intensive care right now. Visitor’s hours are over. You can leave now,” malamig kong tugon sa kaniya. If she was just a plain friend, bakit ako magagalit na dumalaw siya? May hidden agenda siya at iyon ang hindi ko gusto. I am no saint at hindi ko ugali ang makipag-away lalo na kung tungkol sa lalaki rin lang. But Br
KELLYI COULDN’T feel anything when I heard the news. Naaksidente si Bran at ang mommy niya nang pauwi na sila sa bahay ng huli. It has stopped snowing and the road has been plowed and salted nang sumakay ako ng taxi kanina papunta rito sa ospital. Susunduin sana ako ni Ate pero sinabi kong magta-taxi na lang ako at doon na lang kami magkita. Ayaw ko nang magpabalik-balik pa siya at maaksidente rin. “Kel,” tawag niya sa akin nang matanaw ko siya sa pasilyo. “Ate, kumusta sila?”Niyakap niya ako nang makalapit ako sa kaniya. Halatang galing sa pag-iyak ang mga mata niya. Ako man ay hindi matigil sa pag-iyak kanina at hindi ko na pinansin ang taxi driver na patingin-tingin sa akin. “Mom fractured her arm and leg. But Bran hit his head, may bubog din na tumama sa may tiyan niya. He lost a lot of blood. Hindi kami magka-match ng dugo. I was hoping you’re an O negative. B kami ni Mommy.” She was shaking in fear. “B rin ako, Ate. Pero si Daddy, ka-match siya ni Bran. Natawagan mo na ba
KELLYI DIDN’T have the chance to talk after she answered my question. When Bran came back to the dining room, siyang tayo ni Mommy at pinuntahan si Ate para magpaalam. She took her purse at walang lingon-likod na tinungo ang pinto. I saw her car drove away from the window. Nag-aya nang umuwi si Bran para makapagpahinga na ako. Ate wanted us to stay a little bit longer lalo na at naunang nagpaalam si Mommy pero sinabi ng asawa ko na dadalaw na lang kami uli.Nag-shower ako nang makauwi kami sa bahay at nagpalit ng damit. Suot ko ang T-shirt ni Bran nang sumampa ako sa kama. Automatic ang pagyakap niya sa akin. I noticed he hasn’t changed his clothes. “Hindi ka pa ba magpapalit ng damit?”“I will, in a second.”Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Tahimik lang siyang nakayakap sa akin. Bilang asawa niya, ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya ngayong oras na ito. It’s not easy to be around people who doesn’t like being around you. Patunay ako roon kung gaano ka-awkward ang pakira
KELLYTHE day I was dreading came after two weeks. Makahaharap ko na ang biyenan ko at hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Hindi naman ako galit sa kaniya sa mga binitiwan niyang salita kay Bran. Knowing what her marriage was like made me sad for her, actually. Kahit ’yong mga pangyayari noong high school kami ni Bran at pananakot niya sa akin ay napatawad ko na rin. She did what she thought was best for her son at the time. “Happy birthday, Ate.” Iniabot ko sa kaniya ang dala naming regalo at nang kunin niya ’yon ay binigyan niya ako ng isang mainit na yakap.“I’m glad you came. Tayo lang naman ang narito. I didn’t invite any friends because we already went out a few days ago. Kaya malaya tayong makakapagkuwentuhan.” She giggled. “I’m going to offer you wine but I don’t think it’s a good idea. Baka magkakaroon na ako ng pamangkin,” tukso niya sa akin. Nahilo kasi ako noong isang araw at si Brandon na overacting, dinala kaagad ako sa doktor. Nag-order ng urinalysis at bloodwork