At ang kagustuhan niya na iyon ang naging dahilan din upang puntahan niya sa eskuwelahan si Kiro at manmanan ang sinasabi na matalik na kaibigan ng anak niya. But then she saw Cassandra and Reiko talking. And that was proof in itself, sa mga katotohanan na narinig niya na pinag-usapan ng mag-ina. So she followed her mother-in-law and her husband’s bitch, at walang kaalam-alam ang dalawa na sinundan niya sila sa restawran na iyon kung saan sila nag-usap. And she overheard their conversation loud and clear. — "Tita Cas." Paninimula ni Reiko nang makarating sa restawran. Magkasunod na magkasunod lamang sila ng kabit ni Kenji na pumasok sa kainan na iyon. Mabuti na lamang din at matataas ang sandalan ng mga upuan doon kaya hindi siya napansin nito at maski na si Cassandra. "Reiko." sagot ni Cassandra. “Where have you been all this time? Bakit hindi ka tumawag o nag-text man lamang?" Mabilis ang naging aksyon ni Ica at agad niya na kinuha ang cellphone niya upang i-record ang usapan na
"Ica, it is a surprise to see you here so early in the morning." Hindi maitago ni Cassandra ang gulat sa kan'yang mukha sa maaga na pagdating ng kan'yang manugang sa bahay nila. Wala ang anak niya na si Kenji at nasa flight kaya siya ang maghahatid kay Kiro sa eskuwelahan ngayon. "May problema ba?" "Mama Cas." Magiliw na bati naman ni Ica sa biyenan niya, saka siya lumapit at humalik sa pisngi nito. Ayaw niya na magpunta rito at lalo na ayaw niya na harapin si Cassandra, pero walang ibang paraan kung hindi ang makipag plastikan siya sa ina ni Kenji. "Nakakapagtampo naman ang tanong na iyan, mama. Bakit mo naman naisip na may problema agad?" "Well, I apologize that my words came out wrong." Nag-aalangan na tugon ni Cassandra. Kinakabahan na siya hindi pa man niya alam ang rason ng pagpunta ni Ica sa mansyon nila. At ayaw rin niya isipin na may alam na ang asawa ng anak niya tungkol sa pagbabalik ni Reiko at sa sikreto nito na anak kay Kenji. "Nasaan si Kiro?" "Pababa na rin ang bat
"Mama, that’s my best friend." Halata ang pagkasabik kay Kiro nang masulyapan ang bata na nasa hilera ng mga upuan na naka-upo at nakangiti na kumakaway pa sa anak niya. "That’s Dreik." Napangiti si Ica sa kaalaman na magkakaharap na rin sila sa wakas ng bastardo ni Kenji. Ngunit habang papalapit sila sa bata ay unti-unti rin ang pagdaloy ng galit sa puso niya. Nang makalapit sila sa kinaroroonan ng bata ay nag fist bump pa ang dalawa at saka naman siya ipinakilala ng kan'yang anak. "Mama, this is Dreik, my best friend. Dreik, this is my mama." Gulat naman na napatitig si Dreik kay Ica. Hindi mabilis na natatakot si Dreik sa matatanda, pero sa pagkakataon na ito ay bigla siya na kinabahan nang makaharap niya ang ina ng kaibigan niya na si Kiro. Madalas na nagkukuwento sa kan'ya si Kiro patungkol sa ina nito, kaya siguro, ganoon na lamang din ang nararamdaman niya na takot sa paghaharap nila na ito. "Good morning, Mrs. Jarvis. I am Dreik Cordova." Inilahad pa ni Dreik ang kan’yang
"I am really sorry, Mrs. Jarvis, but that won’t be possible at all." "What?!" Mataray na napahampas pa si Ica sa lamesa ng kan’yang kausap dahil hindi niya nagustuhan ang mariin na pagtanggi nito sa nais niya na mangyari. "What do you mean it’s not possible? It should be possible, because clearly you are delivering the wrong message here by saying that that is alright." "Ma’am, in all honesty, this is beyond the schools’ power. We don’t discriminate against anyone here." Magalang na tugon pa ng principal sa kan'ya. "But as I said, you are sending the wrong message here by saying that being illegitimate is alright. Iyon ba ang gusto ninyo na matutunan ng mga estudyante sa paaralan na ito? Ang kumabit sila pagtanda nila at magkaanak kahit na hindi sila ang tunay na asawa? Maling-mali ang mga values na tinuturo ninyo kung gano'n." "Those statements are just absurd, Mrs. Jarvis." Hindi na maiwasan na magtaas na rin ng boses ang principal. Hindi niya inaasahan ang pagpunta rito ni Ica J
Ilan araw nang umuuwi si Dreik na parang may malalim na iniisip, at lubha na nababahala si Reiko dahil doon. Natatakot siya na maaari na gumagawa na ng mga hakbang ang mga Jarvis para ipaalam sa kan’yang anak ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao nito. Hindi pa naman nagtatanong sa kan’ya ang kan’yang anak at ayaw na niya na humantong pa iyon doon. If Dreik knows, Arden will definitely know, at ayaw niya na muli na naman sila na magkagulo na dalawa. Pero hindi rin maiwasan ni Reiko na mag-alala sa mga nakikita niya sa kan’yang anak. Something is clearly bothering Dreik, at bilang isang ina, ayaw niya na nakikita ang kan’yang anak na ganito. That is why she decided to talk to her son about what appears to be bothering him tonight. "Dude, how’s school?" Tanong ni Arden kay Dreik habang sabay-sabay sila na nasa may sala at nanonood ng tv. "Everything okay, buddy?" Tipid na ngiti ang isinagot ni Dreik sa kan'yang ama, "Yeah, all fine, dude." Patuloy naman na pinagmamasdan ni Reik
"Bakit hindi ko ginagamit ang apelyido niya? Isn't it supposed to work that way?" Napapikit na lamang si Reiko sa pahirap nang pahirap na mga katanungan na iyon ng kan'yang anak. Pakiramdam niya ay sumasailalim siya sa isang thesis defense kay Dreik. Paano ba niya ipapaliwanag sa anak niya na hindi niya maaari na ipagamit ang apelyido ni Arden dahil hindi si Arden ang tunay niya na ama? Kung nagkataon na kinasal na sila ni Arden, she could have easily done so, pero ang problema, hindi nga sila kasal pa. "Bakit, ayaw mo ba na pareho tayo ng apelyido?" Sinusubukan niya na makalusot sa usapan na ito, pero sigurado rin siya na hindi niya iyon magagawa. Dreik is too smart at times for her liking. Napasimangot ang bata at dismayado na sinabi sa kan'ya na, "Hindi sa gano’n, mom. I just wish that you got married earlier." "Baby, dad and I are going to get married soon. And you’ll be free to use his surname after that." At iyon naman talaga ang plano nila ni Arden, ang pormal na nito na a
Diretso ang mga tingin at walang kangiti-ngiti na naglalakad si Reiko patungo sa principal’s office. Kahahatid lamang niya kay Dreik, at gaya ng plano niya ay rito siya didiretso. Kailangan niya na makausap ang principal dahil sa mga nalaman niya na ginagawa ni Ica sa anak niya. Alam niya na personal na bagay na ito at labas na dapat ang eskuwelahan doon, pero dahil nasa paaralan si Dreik sa mga panahon na ginagawa iyon ni Ica, ay napagpasyahan niya na pumunta rito upang kahit paano ay mabigyan ng proteksyon ang anak niya. She can’t be with Dreik all the time, kaya kailangan niya na siguraduhin ang kaligtasan ng anak niya. Kagabi pa siya na hindi makatulog sa kaka-isip sa mga bagay na sinabi ni Dreik sa kan’ya. She wanted so much to tell Arden the truth, pero nauunahan siya ng kan’yang mga takot. Ngunit, hanggang kailan nga ba niya maitatago ang mga bagay na ito sa nobyo niya? Sooner or later, Arden will definitely know about Kenji and his family, and maybe it would be better for
"Bitch! Ang kapal din talaga ng pagmumukha mo para magpakita pa sa akin? At ang lakas din talaga ng loob mo na bumalik at manggulo pa ulit sa buhay namin ng asawa ko. Hindi ka ba nahihiya sa mga pinaggagagawa mo? Ayaw na sa’yo ni Kenji. Ayaw na sa’yo ng asawa ko." Iyon agad ang bungad ni Ica kay Reiko sa hindi inaasahan na paghaharap nila na iyon. Pigil na pigil man ang lakas ng boses niya ay kitang-kita naman ang galit sa pagmumukha niya para kay Reiko. Reiko is trying her best to control her own emotions and not stoop to Ica’s level. Nasa eskuwelahan sila ng mga anak nila at hindi niya kaya na bigyan ng kahihiyan at problema si Dreik. Hindi niya hahayaan na pag-usapan at maging sentro ng isyu ang anak niya sa lugar na iyon. Her son deserves better than to be entangled in the messy life she is dealing with. "Wala akong plano na makipagtalo sa’yo rito, Mrs. Ica Jarvis." She even said Ica’s last name with pure sarcasm. "At para sabihin ko sa’yo, mas kahiya-hiya ang ginagawa mo ngayon
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa istorya nina Reiko at Kenji. Natapos na po ang kuwento ng pag-iibigan nila at sana po ay nagustuhan ninyo. Sobrang thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga stories ko. This means so much to me. Sana po ay suportahan ninyo rin po ang iba ko pa na kuwento sa GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billlionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: The Rise of the Fallen Ex-Wife (Taglish) Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English)
Aligaga siya habang naghihintay ng abiso sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. She had been waiting for this day to come, and now that it is here, she doesn't really know if this is still what she wants. She doesn't really know if there is still something or someone out there for her when she goes out. Tatlong taon mahigit din na nakulong si Ica. Matapos siya na tuluyan na pabayaan ng kan’yang mga magulang at talikuran ng dating asawa niya, natutunan na niya ang mamuhay na mag-isa sa piitan. Hindi na nga niya inisip pa na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na makalabas muli buhat sa mundo na ito, pero isang anghel ang dumating at binigyan siya ng isa pa na pagkakataon na ayusin muli ang buhay niya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang sadyain siya ni Reiko sa kulungan. That visit was unexpected, but it was something that they both needed to find closure on everything that happened between them. —-- "Ano ang ginagawa mo rito?" Iyon agad
"Dad, do you think she’ll like this?" Nag-aalinlangan na tanong ng anak sa kan’yang ama habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang cake na nasa harapan niya. Malalim ang pag-iisip na ginagawa niya kung ano ba ang nararapat niya na piliin. "She will definitely like anything that you choose for her, son." Paninigurado naman ng ama niya sa kan’ya. "Are you sure? I’m not certain if this is her favorite or not." "More than the cake, it is your presence that will clearly matter for her, Kiro." Nakangiti na tugon ni Arden sa kan’yang anak. "Okay, let’s buy this one then." Sabay turo nito sa korteng puso na cake sa staff ng shop na iyon na agad naman na tumugon sa kan’ya at inayos ang order niya. Napapa-iling na lamang si Arden habang binabayaran ang kinuha na cake ng anak niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala sa nakikita na pagka-aligaga sa kan’yang anak. He is not really sure because he is feeling the exact same way as Kiro is feeling at this exact moment. Pareho
"Hey, you’re in deep thought." Ang boses na iyon ng asawa ko ang nagpaputol sa akin sa pag-aalala ng amin nakaraan at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, pero ang mga mata niya ay napupuno ng mga katanungan. "What are you thinking? May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nakikita ko na pag-aalala niya para sa akin. Everything is still as surreal for me as it can be. We may have been married already, but the butterflies in my stomach that she always makes me feel are still indescribable and unfathomable. Kalalaki ko na tao pero hindi ko maiwasan ang pagsirko-sirko ng puso ko sa asawa ko, lalo na kapag nakikita ko ang sobra rin na pagmamahal niya para sa akin. What we have is different from my past relationships. She is way different from all the other women that I’ve come across. And what we have will always be something that I'll treasure. "Pinapakilig mo na naman ako, misis ko. Alam mo naman na hindi
The set-up was going well for both of us. Hindi ko inakala, pero maayos naman ang naging usapan namin ni Reiko kung ano ang mangyayari sa kontrata. At gaya nang sinabi ko kay Reina, iyon din ang sinabi ko sa kan'ya. Ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Hindi namin kailangan na maging intimate sa isa't-isa. Wala akong plano na sirain ang relasyon namin ng asawa ko. Ginagawa ko lamang ito para mabawi siya sa pagkahumaling niya sa matalik na kaibigan niya. Matapos ang unang paghaharap namin nina Ica, I knew that I was back in the game. Alam ko na tama ang naging plano na ito ni Gray para muli ko na makuha ang pagmamahal ng asawa ko. Ayaw ni Ica sa kompetisyon, at nakita ko ang pagkabahala niya nang makita niya kami na magkasama ni Reiko sa restawran. And just as we have expected, Ica cannot bear the threats she sees in Reiko, and it is all the more fulfilling to see that in just a matter of days, I know this plan will succeed. And it should be, dahil hindi maaari na tumagal pa ang
I couldn’t keep the smile off my face as I watched the two most important people in my life enjoy our time together. It’s been a month since Reiko and I got married, and being married to her is the most wonderful feeling I have ever felt. I never thought I could still have the chance to find my happy ending in love. I never even believed that there was still somebody out there for me after Ica, but indeed, the right person will come at the right time. Habang pinagmamasdan ko ang mag-ina ko habang nagtatampisaw sila sa tabing-dagat, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na balikan ang aming nakaraan. Ang hindi ko inakala na pagmamahal na mararamdaman ko sa babae na pilosopa na naabutan namin ni Gray sa bahay ni Reina noon ay siya pala na makakasama ko sa habang-buhay ngayon. And who would have thought that I would even end up marrying the woman who got on my nerves the first time I saw her? Totoo nga siguro ang kasabihan na "the more you hate, the more you love", dahil ang pagmamaha
Paulit-ulit ko na sinasabi sa sarili ko, that for months I was already okay. I had been okay with the life that Kiro and I managed to have, or at least that’s what I have thought so and made myself believe. But guess what? I was so wrong to say that. Paulit-ulit ko na binabalikan ang balita na iyon na nasa feed ng social media account ko. Pilit ako na ngumingiti kahit na ang totoo ay durog na durog ang puso ko. Gusto ko na maging lubos na masaya para sa kan’ya, pero hindi ko pa rin magawa hanggang ngayon. Kahit na ano pa ang pagsisinungaling at pagtatago ang gawin ko, hindi maikakaila na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. At mas masakit na malaman na hinding-hindi na talaga siya magiging akin kailanman. Tuluyan na siya na naagaw sa akin ni Kenji Jarvis, at sa balita na iyon, muli na gumuho ang mundo ko. Kenji and Reiko had gotten married. Kahit na noon pa man nang magkapatawaran kami ay alam ko na rito rin hahantong ang lahat sa kanila. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin ak
For months, I was already okay. I had been okay with the life that Kiro and I managed to have. Nang umalis kami sa Maynila ay nagpasya ako na magpunta kami na mag-ama sa Canada upang muli na makapagsimula at ayusin ang buhay namin. Mabuti na lamang din at hindi naging mahirap ang paglipat ko sa branch ng kumpanya namin dito sa ibang bansa. And it was as if everything had fallen into place for the first time. But the decision to leave the country was the hardest decision that I had to take. It was necessary for me to leave to be able to start anew with my and Kiro’s lives. Kinailangan ko na umalis at lumayo upang tuluyan ako na makakalimot sa lahat ng mga hindi maganda na nangyari sa amin sa Pilipinas, at para makabangon ako buhat sa lahat ng sakit at mga pagkakamali sa buhay ko. And in my desire to genuinely fix everything before we move on with our lives, a day before we left, nagpasya ako na dalahin si Kiro sa kan’yang ina sa kulungan upang pormal nang makapagpaalam. Hindi man nag
"Are you ready for me, cupcake?" Nang-aakit na tanong sa akin ng asawa ko habang dahan-dahan siya na papunta sa akin sa may kama. "Handa ka na ba, Misis Jarvis, sa magdamagan na mangyayari sa atin ngayon honeymoon natin?" "Paki-ulit mo nga ang sinabi mo." Utos ko sa kan’ya habang pilit na pinipigil ang ngiti na nais na kumawala sa akin. Pinagtaas-baba niya ang kilay niya habang nakakagat-labi pa, tinapunan niya ang kabuuan ko ng malalagkit na tingin saka inulit ang sinabi niya kanina na, "Handa ka na ba sa honeymoon natin? Handa ka na ba na mapuyat at mapagod?" Napasimangot ako habang umiiling-iling pa sa kan'ya, kaya naman nagsalubong ang kilay niya sa akin. "Hindi iyan ang pinapa-ulit ko. Ulitin mo ang sinabi mo kanina, ‘yun isa." Bahagya siya na natigilan sa paglapit, saka na naman na nangunot ang noo niya sa akin. Panandalian siya na nag-isip, then he smiled sweetly at me as he seductively tried to reach me again. "Are you ready for me, Mrs. Jarvis?" And a genuine smile swept