“Kanina ko pa napapansin na malungkot ka, Loisa may problema ba?”Nababahalang tanong ni Ciara.Nasa loob sila ng common CR na malapit sa canteen matapos kasi silang kumain kanina ay dumaan na muna sila dito bago bumalik sa kanilang opisina.“Wala naman, medyo pagod lang siguro ako kasi alam mo naman di ba andami nating trabaho lately,”sagot naman ni Loisa.“Sabagay, uminom ka kasi ng vitamins para medyo blooming ka naman tingnan,” suhestiyon naman ni Ciara.“Ano naman koneksiyon nong vitamins sa blooming-blooming na ‘yan aber,”kunwari pagtataray niyang sabi sa kasama.“Naku marunong ka nang magtataray ngayon ha kesyo wala si sir,”natatawang sabi ni Ciara.“Ay alam ko na, Loisa na mi-miss mo si sir Steve ano, umamin ka,”panunukso pa nito sa babae.“O di kaya buntis ka kaya ka matamlay,”natatawang sabi pa ni Ciara.“Tumigil ka nga, mamaya may makarinig sa iyo e,”namumula pang saway ni Loisa sa kaibigan.“Sabi ko na nga ba nami-miss mo si sir e, hindi ka magba-blush ng ganyan kung sinun
“What!”Gulat na sabi ni Steve.“This is crazy Ma, nababaliw na yata po kayo,”galit na wika ni Steve.Hindi alam ni Steve kung saang parte pa ng pagkatao niya huhugutin ang respeto para sa ina. Hindi niya na matanggap na maging hanggang ngayon ay minamanipula pa rin siya ng ina. Buong akala niya hindi na mangungulit pa ang ina tungkol sa kagustuhan nitong pagpapakasal niya kay Crystal dahil nasabi niya na man din minsan na hindi siya pakakasal sa babaeng hindi niya mahal.“Son, watch your words!”Saway naman ng ama ni Steve.“Ang asawa nyo po ang pagsabihan n’yo Pa huwag ako,”galit na sabi ni Steve sa ama.“Damn it! Hanggang ngayon ba naman gusto n’yong kuntrolin ang buhay ko Ma?”Sarkastikong sabi niya sa ina.“Puwes itong tandaan n’yo Ma ako lang ang pipili ng babaeng gusto kong pag-alayan ng aking pag-ibig at mamahalin ng habambuhay,”dagdag pa ni Steve.“Kung gusto mo si Crystal maging parte ng pamilya natin ampunin nyo,”pa-insulto pa niyang sabi sa ina.“Ikaw naman babae, tigil-tigil
Hindi maintindihan ni Loisa ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling ‘yon habang tinitingnan ang pregnancy test kit na kanyang hawak. Makalipas ang ilang linggo matapos siyang biruin ni Ciara na siya ay buntis minarapat niya na rin suriin kung totoo nga ba ang hinala ng kanyang kaibigan at maging siya na rin. Maliban kasi sa madali siyang mapagod at inaatok palagi ay matakaw na rin siya sa manggang hilaw kung saan hindi niya naman kinahihiligang kainin dati, maliban diyan may mga pagkakataon din na siya ay naduduwal. “Buntis ako?”Kinakaban man ngunit nangingiti pa ring sambit ni Loisa sa sarili. Dalawang pulang guhit ang nagmamarka na kanyang nakikita sa kanina pang hawak-hawak na kit. “Malamang, ano sa tingin mo negatibo ang resulta?”Bulong ng isang bahagi ng kanyang isip. “Hindi maaari to, mali ito,”biglang taranta niyang sabi sa kanyang sarili. “Magpa-check up ka sa doktor ng maliwanagan ka kaya,”patuloy pa ring bulong ng kanyang isipan. “Tama, pupunta ako ng ospital, pero
“Salamat, Ciara kundi dahil sa iyo hindi ko alam kung anong alibi ang ibibigay ko kay Ma’am Abegail para lang makapagpa-check up,”nakangiting sabi ni Loisa kay Ciara. Nasa loob sila ng clinic ng ob gyne na kilala ni Ciara, sinamahan siya nitong magpa-check upang makumpirma na nga niya kung totoo ngang nagdadalang-tao siya. “Wala ‘yon, ano ka ba okay lang ‘yon,”sabi ni Ciara. Nagdahilan lang kasi si Ciara na magpapa-check up siya gawa ng ilang buwan na ring sumasakit ang kanyang puson at ipinaalam niya sa kanilang among babae na magpapasama siya kay Loisa dahil natatakot siya. Ngunit ang hindi alam ni Abegail, alibi lang ‘yon ni Ciara dahil ang totoo ay si Loisa ang kelangang magpatingin sa doctor. “Congratulations, Mrs your almost three month pregnant, kung sakali first baby n’yo po ba?”nakangiting bati ng doktura kay Loisa. “Naku, Doc pangalawang baby na po nila,”si Ciara na ang sumagot ng mapansing nakatulala ang kaibigan. “Loisa, congrats buntis ka raw,” mahinang bumulong si
“Sina Loisa at Ciara ‘yon ah,” takang samabit ni Kimberly sa sarili. “At galing sila sa clinic ng isang ob gyne? Bakit naman, hindi kaya buntis si Loisa?” Mga tanong na naiisip ng babae. “Mapuntahan nga ang clinic,”dagdag pa nitong bulong sa sarili. Matapos makapagpa-alam sa ina na siya ay aalis muna saglit ay ngayon nakatayo na si Kimberly sa harapan ng clinic ng isang ob gyne na nilabasan nina Loisa at Ciara kanina. Akmang kakatok na sana siya ng bumukas ang pinto. “Ah good afternoon po ma’am,” Bati niya sa palagay niyang sekretarya ng doctor. “Good afternoon din po ma’am, magpapalista po ba pasok po kayo,” Tanong naman ng babae. Nang makaupo ay doon nakumpirma ni Kimberly na sekretarya nga ang babaeng nagbukas sa kanya ng pinto. “Naku hindi po ma’am, itatanong ko lang po kung may nagpa-check up po ditong nag-ngangalang Loisa Sanchez?” Deretso niyang tanong sa sekretarya. “Pasensiya na po hindi po kami authorized mag labas ng mga pangalan ng client ni doc ma’am,” hinging p
“Pasensiya ka na Lois, masyado talagang madaming gawain ngayon sa school,” hinging paumanhin ni Ysabelle sa kaibigan. “Huwag kang mag-alala kapag ngayong bakasyon at hindi na ako abala, magbabakasyon tayo nina Loyd at Nanay Marie, okay ba ‘yon sa ‘yo?” Dagdag pang sabi ni Ysa sa kaibigan. Magkausap sila ngayon sa telepono ilang buwan na nga bang hindi sila nag-uusap na magkaibigan, hindi na mabilang yata ni Loisa. Ayaw niya rin naman istorbohin ang kaibigan sa pagtuturo nito. Kahit siya rin naman mula ng maging parte ng Monteclaro Corporation ay bibihira na rin magkaroon ng time na makausap ang kaibigan kahit sa telepono man lang. Maswerte nga ngayon dahil nagpang-abot ang kanilang mga oras, ‘yon nga lang panandalian lang. “Ano ka ba, okay lang Ysa,” sabi naman ni Loisa. “Natutuwa ako kasi kahit papaano may oras ka pa ring sagutin ang tawag ko ngayon,” dagdag pa niya. “Bakit may problema ba?”Nasa boses ni Ysa ang pag-alala sa kaibigan. “Naku wala, huwag kang mag-alala okay lan
“Heto, inumin mo muna ng lumuwag-luwag ang pakiramdam mo,Lois,” sabi ni Ciara na awang-awa sa kaibigan. Habang humahagulhol kasi ito ng iyak kanina ay dali-dali na rin siyang kumuha ng isang basong tubig para dito. At ng tumahan na nga ito ay iniabot niya na rin ang baso. Tinanggap naman din ‘yon ni Loisa. “Kamusta ng pakiramdam mo?” sabi ni Ciara sa nag-aalalang boses. “Okay na,” tipid na sagot ni Loisa. “’Yong totoo?” seryosong tanong ni Ciara. Tanging iyak lamang ang sukli ni Loisa. Makalipas ang kalahating oras. “Ano bang problema alam mo namang mag baby diyan sa sinapupunan mo,” alalang sabi ni Ciara. “Kasi, Ciara sobrang sakit,” naiiyak na naman niyang sabi. “Bago ako pumasok dito may tiningnan akong isang article, ang sabi ay i-ika-ika,” hindi maituloy-tuloy ni Loisa ang sasabihin bagkus ay pumapatak na naman ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya may nagbabara sa kanyang lalamunan sa tuwing bibigkasin niya ang mga katagang ikakasal na sa ibang babae ang lalaking in
“Nasabihan mo na ba?” Tanong ng babae sa kabilang-linya.“Opo, ma’am malamang magang-maga na ang mga mata ni Loisa sa kakaiyak po,” sagot naman ni Kimberly sa kausap.“Good, nice to hear that,” sabi ng babae.“Ipapadala ko ang bayad later sa account mo,” dagdag pa nito.“Maraming salamat po ma’am,” natutuwang sabi ni Kimberly.“O siya, tatawagan na lang kita ulit,” sabi ng malaarteng boses.Hindi na narinig pa ni Crystal kung ano ang sagot ni Kimberly sapagkat bigla na niyang pinutol ang kanyang linya.“Kulang pa ‘yang sakit na nararamdaman mo ngayon Loisa,” galit na sabi ni Crystal.“Huwag kang mag-alala dudurugin kita ng paunti-unti pangako ‘yan,” dagdag pa nitong sabi.Natigil si Crystal sa kakamuni ng biglang tumunog ang kanyang telepono.Si Mrs. Monteclaro.“Good morning po, tita kamusta po?” nakangiti niyang bati sa ina ni Steve.“Good morning din sa iyo iha,” panimula ng ginang.“Naku iha dapat masanay ka ng tawagin akong mama, dahil ilang buwan na lang din ay ikakasal na kayo
“Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito
Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi
“Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k
“Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a
“Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r
“Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”
Nakahanda na ang lahat ng gamit ni Crsytal pabalik ng Pilipinas, kinuha niya ang telepono sa bag upang tawagan ang ina ni Steve.“Hello po mama, good morning po,” bati ni Crystal kay Mrs. Monteclaro.Kahit nasusuka na siyang makipag-mabutihan sa ginang ay nagkukunwari pa rin siya sa pakikitungo dito para meron siyang kakampi upang mapasakanya si Steve.“Oh, iha magandang umaga rin sa ‘yo,”masayang bati rin ng ginang.“Kamusta ka na iha halos isang linggo ka nang hindi nagagawi rito sa mansiyon, nag-away ba kayo ni Steve?”Nag-aalalang tanong pa niya.“Alam n’yo naman po si Steve mama daig pa po ang babae dahil sa pabago-bago ng pagtrato niya po sa akin,” sabi ni Crystal sa ginang.“Pero huwag po kayong mag-alala ma, sanay na po ako sa ugali ng anak ninyo,” dagdag pa niyang sabi.“Pagpasensiyahan mo na muna si Steve iha, hayaan mo kakausapin ko siya ulit na maging mabait sa iyo,” sabi ng matanda.“Huwag na po kayong mag-alala mama, okay lang po sa akin na ganon si Steve,” sagot naman ni
“Nanay Marie, sa palagay n’yo po ay kumpleto na itong lahat na gagamitin natin para po sa kaarawan ng kambal?” Kinakabahang tanong ni Loisa sa kanyang nanay-nayan.“Naku iha meron pa tayong dalawang linggo para mailagay sa ayos ang lahat kaya huwag ka ng kabahan diyan,” nakangiting sabi ni Aling Marie.“Dahil pati ako ay natataranta sa ‘yo,” dagdag pa nitong sabi.“Hindi ko din po alam Nanay kung bakit po ako natataranta at kinakabahan hindi naman po ako ganito nong dati,” sabi ni Loisa. “Naku normal lang ‘yan iha kasi di ba nga lumalaki na ang kambal at marunong ng magtanong at maghanap,” sabi naman ni Aling Marie.“At natural lang ang nararamdaman mong kaba kasi maging hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkikita ni Steve,” dagdag pang sabi ng matanda.“Ilang taon na din ang lumipas iha, hindi kaya panahon na para makita at makilala ni Steve ang mga anak n’yo?” Masinsinang tanong pa ni Aling Marie kay Loisa.“Para saan pa po, Nanay ayoko pong makagulo sa pagsasama nila ng kaibigan ko
“Finally nahanap na rin kita, Loisa,” masayang wika ni Crystal.Matapos ibinalita ni Kimberly kay Crystal na nasa kabilang-linya ang matagumpay na paghahanap ni Arnel sa kinaroroonan ni Loisa at ng mga anak nito.“Ah, Ma’am Crystal ngayong alam n’yo na po kung nasaan si Loisa pupuntahan n’yo na po ba?” Nakangiting tanong ni Kimberly sa babae.“Nag-iisip ka ba, Kimberly saksakan ka talaga ng kabobohan, sa palagay mo ano ang gagawin ko matapos kung ipahanap sa inyo ang malanding babaeng ‘yan?!” Biglang singhal naman ni Crystal.Subrang naiinis siya sa katangahan ni Kimberly, hindi niya alam kung bakit hindi nito nagagawang pag-isipan muna ang bawat tanong na ibinabato sa kanya.“Sorry po Ma’am Crystal,” hinging paumanhin naman ng babae.“Alam mo bago ka mag-tanong sa akin kung pwede lang sana, Kimberly pag-isipan mo munang mabuti kung dapat mo bang itanong sa akin o hindi,” inis na sabi ni Crytsal sa babae.“Do you understand me, sa palagay mo bakit gumasta ako ng malaking pera para lan