“Daddy Miguel,” sigaw ng kambal.Masayang sinalubong ni Miguel ang mga kambal.“Oh, dahan-dahan kids baka madapa kayo,”nakangiting sabi ni Miguel sa mga paslit.“Dahan-dahan mga anak,” paalala naman ni Loisa.Nang mapang-abot ay agad nag-aagawan ang dalawa kung sino ang maunan makarga ni Miguel.“Oh, huwag mag-agawan kids kaya kayong buhatin ng daddy,”masayang sabi naman ng lalaki.Hindi niya mawari kung bakit sobrang saya niya ngayong nakita muli si Loisa at ang mga bata.“Mga anak, naku pagod ang tito Miguel ninyo huwag n’yo munang istorbohin,” nag-aalala pang sabi ni Loisa.“Naku, it’s okay Loise nothing to worry dahil nakita ko na kayo biglang nawala ang halos isang buwan ko nang nararamdamang pagod,”nakangiting sabi ni Miguel ng makita si Loisa.“Ayan ka na naman nambobola,”nakangiti na ring sabi ni Loisa.“Hindi kaya, di ba Aling Marie magandang araw nga po pala,” bati naman ni Miguel sa matanda.“Magandang araw din iho, kamusta ang byahe?” Tanong ni Aling Marie kay Miguel.“Nak
“‘Yan ang hirap sa’yo Roy kapag humihingi ako ng pera ang dami mong reklamo at rason, hindi ba pwedeng sabihin mo man lang na gawan mo ng paraan?” Galit na sabi ni Loisa.Ganito ang kanilang drama noong magkasama pa sila sa iisang bubong maging hanggang ngayon. Tuwing humihingi siya dito ng pera ay nauuwi sa sigawan ang kanilang pag-uusap. Buong akala niya ay nag bago na ang lalaki makalipas ang halos limang taon. Kaya nga sinubukan n’yang tawagan ito at nagbabakasakaling meron itong iaabot kahit papano, katwiran niya nga sa sarili ay anak pa rin naman ni Roy si Loyd. Ngunit mali siya ng inakala.“Talaga naman ah, wala akong pera anong gusto mong gawin ko magnakaw?!” Pabalik na tanong ni Roy.“Ewan ko sa’yo kung gusto mong makulong bahala ka, may utak ka naman gamitin mo nga!” Hindi niya rin napigilan na hindi sigawan ang nasa kabilang-linya.“Matagal na tayong hiwalay bakit ka ba nanghihingi pa sa akin? Akala ko ba kaya mong buhaying mag-isa ang bata, baka nakakalimutan mo ipinamukha
“Good morning, miss kanina ko pa po kayo napapansin na nakatayo riyan sa tapat ng pinto at pasilip-silip,”puna dito ng gwardiya. “Ah e, mamang ano k-kasi po..,”naputol ang kanyang sasabihin ng biglang tumalikod at tumakbo ang kanyang kausap ng marinig nito ang pamilyar na bosena ng kotse. “Bastos ‘yon ah, may sasabihin pa ako at bigla na lang akong iniwan dito,”maktol na sabi ni Loisa sa sarili. “Maayos naman ang itsura ko ah,”dagdag pa nitong wika ng mapagmasdan ang sarili sa wall glass ng building. Biglang tumunog ang cellphone ni Loisa, ng makita ang pangalan ng kanyang kaibigan ay agad nitong pinindot ang receive call. “Good morning, beshy nasa loob ka na ba ng building? Tinawagan kasi ako ng dati kung kaklase, tinatanong kung nasaan ka na raw?”Sabi nito sa kaibigan. “Beshy, nandirito pa ako sa labas e, nilapitan nga ako nong guwardiya kaya lang nang sasabihin ko na sana ang pakay ko e, bigla akong tinalikuran at tumakbo ng walang pasabi.”Sumbong nito kay Ysabelle. “Bakit
Tumunog ang telepono sa lamesa ni Ciara.“Monteclaro Corporation, Good morning, this is Ciara Lapid may I help you?”Nakangiting bati ni Ciara sa kabilang-linya.“It’s me Ciara, let her in,”utos ni Abegail dito.“Yes po ma’am,”sagot naman ni Ciara.“Miss Loisa Sanchez, pumasok na raw po kayo ulit sa opisina ni Sir Steve sabi po ni Ma’am Abegail.”Sabi ng batang sekretarya kay Loisa.“Ha? Ah e, ganon ba?”Kinakabahang tanong niya sa sekretarya.“Huwag na po kayong mag-alala, kapag ganyan pong si Ma’am Abegail na ang nag-utos na papasukin po kayo ay malamang natalo na po si Sir Steve sa tungali nilang mag-pinsan.”Pakalma nitong wika sa babae.“Sana nga Ms. Ciara hindi na galit ang amo mo,”sabi nito sa kausap na kinakapa pa rin ang dibdib sa kaba.“Sigurado po ‘yon Miss Loisa,”nakangiti nitong sabi.Kumatok muna ng tatlong beses si Loisa bago niya narinig ang hudyat para sa kanyang pagpasok.“Have a seat Miss Sanchez,”sabi ni Abegail sabay turo sa bakanteng upuan na nasa harapan ng lamesa n
“Hey! Where’s my dad?”Bulyaw ng batang babae kay Loisa. “Aba! Kay bata-bata mo pa wala kang galang ah! Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo kung ano ang magandang asal? Bastos to ah!”Gigil na sabi ni Loisa ng nalingunan niya ang may-ari ng munting boses. Abala sya noon sa pag-aayos ng mga folders sa cabinet nang bigla siyang sinigawan ng bata. Kaya hindi rin siya nakapagtimpi at kinagalitan niya ito. Nakapamaywang pa siyang tinaasan ng boses ang batang babae. “Bakit mo sa akin hinahanap ang ama mo? Taguan ba ako ng tatay?”Matapang na tanong niya sa bata. “Isusumbong kita sa daddy ko,”umiiyak ng sabi ng bata. “E, di magsumbong ka, tawagin mo ng maturuan ko rin ng leksiyon ang konsentidor mong ama,”dagdag pa nitong sabi sa batang umiiyak. Nasa ganon silang sitwasyon ni Loisa at ng batang babae ng halos magkasabay na dumating si Ciara mula sa stock room, samantalang si Steve naman nagmula sa opisina ni Abegail na nasa 5th floor. “What happened baby?”Alalang tanong ni Steve sa anak ng
“Be honest with me Miss Sanchez, ano ba ang totoong nangyari?”Malumanay na tanong nito sa bagong sekretarya. Dinala siya ni Abegail sa opisina nito pagkagaling nila sa opisina ni Steve Monteclaro. Awang-awa siya sa babae, unang araw pa lang nito sa trabaho ay ang bulyaw na agad ni Steve ang pa-welcome sa kanya. “Huwag kang mag-alala Miss Sanchez hindi ko kinokonsente ang ano mang maling ginagawa ng mga empleyado ng Monteclaro Corporation, walang exemption dito kahit ang CEO pa ng kumpanya.”Seryoso niyang sabi kay Loisa. “P-pasensiya na po Ma’am Abegail, hindi ko po sinasadyang pagtaasan ng boses ang bata kanina.”Nakayukong sabi nito sa among babae. “Hindi ko rin naman po masisisi si Sir Steve na magalit po sa akin kaya huwag nyo na po siyang awayin Ma’am Abegail,”dagdag pang sabi ni Loisa. “It’s okay, ganyan talaga kami ni Steve, laging nagbabangayan. Kung minsan naman kasi ay sumusobra na siya, gaya ngayon pyshical injury na ‘yang ginawa niya sa iyo.”Sabay turo nito sa pasa na n
“Inay!”Masayang salubong sa kanya ni Loyd pagpasok niya ng kanilang bakuran. Kasalukuyang naglalaro si Loyd gamit ang mga bagong biling laruan ng kanyang ninang Ysabelle. Masigla na naman ang bata sa katunayan pa nga ay nagagawa na nitong tumakbo. “Oh dahan-dahan anak baka madapa ka,”ngiting sabi nito sa bata. Nagyakap ang mag-ina na tila ilang dekadang hindi nagkita. “Kamusta ang araw ng baby ko, hindi ba naging pasaway kay nanay Marie?” Ngiting tanong nito sa bata. “Good boy po ako inay,”ngiti nitong turan sa ina. “Talaga? Nanay Marie good boy po ba si Loyd?” Kunwari hindi siya naniniwala sa bata. “Aba oo naman iha, mabait na bata naman si Loyd e, hindi siya nagpasaway kay nanay Marie.”Ngiti ring sagot nito kay Loisa. Si Nanay Marie ay ang kanilang kapitbahay na matagal ng biyuda. Mula nang nagsipag-asawa ang kanyang apat na mga anak ay mag-isa na lamang siyang naninirahan sa kanilang bahay. Doon naisipan ni Loisa na kunin ang serbisyo nitong mag-alaga kay Loyd at mag-asikas
“Good morning po sir,” nakangiting bati ni Ciara sa bagong dating na amo. Kunot ang noo ni Steve na hinarap si Ciara nang mapansin nitong mag-isa pa lang ang babae sa kanyang lamesa. “Alone?”Seryoso ang mukha nitong tanong sa babae. “Ah e, sir paakyat na raw po si Miss Loisa, medyo matagal raw po kasing naka-alis ang sinsakyan niyang jeep kanina kaya po nahuli siya ng kaunti,”mahabang paliwanang ni Ciara sa kanyang among lalaki na kay aga-aga ay masungit na naman. “M-magandang u-umaga po sir,”hinihingal na bati ni Loisa kay Steve nang makita ito sa opisina nina Ciara. “How good it is in the morning Miss Sanchez?” Walang ngiti sa mukha na wika nito sa babae. “Fix yourself and follow me in my office,”dagdag pa nitong sabi. Kinakabahan na naman si Loisa, gayunpaman ay sinunod pa rin nito ang utos ng kanyang boss. Saglit niya lamang inaayos ang kanyang sarili at tinanong ang kasama kung maayos na ba ang kanyang itsura. “Okay na ‘yan Miss Loisa, maganda ka na sa ayos mo. Bilisan mo
“Daddy Miguel,” sigaw ng kambal.Masayang sinalubong ni Miguel ang mga kambal.“Oh, dahan-dahan kids baka madapa kayo,”nakangiting sabi ni Miguel sa mga paslit.“Dahan-dahan mga anak,” paalala naman ni Loisa.Nang mapang-abot ay agad nag-aagawan ang dalawa kung sino ang maunan makarga ni Miguel.“Oh, huwag mag-agawan kids kaya kayong buhatin ng daddy,”masayang sabi naman ng lalaki.Hindi niya mawari kung bakit sobrang saya niya ngayong nakita muli si Loisa at ang mga bata.“Mga anak, naku pagod ang tito Miguel ninyo huwag n’yo munang istorbohin,” nag-aalala pang sabi ni Loisa.“Naku, it’s okay Loise nothing to worry dahil nakita ko na kayo biglang nawala ang halos isang buwan ko nang nararamdamang pagod,”nakangiting sabi ni Miguel ng makita si Loisa.“Ayan ka na naman nambobola,”nakangiti na ring sabi ni Loisa.“Hindi kaya, di ba Aling Marie magandang araw nga po pala,” bati naman ni Miguel sa matanda.“Magandang araw din iho, kamusta ang byahe?” Tanong ni Aling Marie kay Miguel.“Nak
“Magandang araw po ma’am, nandito na po lahat ang resulta ng imbestigasyon ko po tungkol kay Kimberly,” sabi ng lalaki.“Good morning too, sarhento,” bati rin ni Abegail.Inabot ng babae ang sobre at isa-isang tiningnan ang mga litrato na nakapaloob dito.“Kuha po ‘yan noong isang araw ma’am,” sabi naman ng sarhento.“Kung hindi ako nagkakamali dito to sa Negros, tama ba sarhento?” Tanong ni Abegail sa lalaki.“Tama po kayo ma’am,” kumpirma naman ng lalaki.“Sa pagkaka-alam ko ay hindi taga-rito sa Kimberly,”nagtatakang sabi ni Abegail.“At sino naman itong lalaking kasama niya?” Dagdag pa niyang sabi.“Tama po kayo ma’am hindi po tagarito si Kimberly, tubong Maynila po siya ma’am. Ang lalaki pong kasama niya siya po si Arnel ang dating kinakasama ni Kimberly,” kwento naman ng lalaki.“Si Arnel po ma’am ay dating preso dahil sa pag gamit at pagbibinta po ng mga ipinagbabawal na gamot. Siya rin po ang kakuntsaba ni Kimberly sa planong kidnapin ang mga kambal na anak ng isang mayamang
“Tingnan mo lang ‘tong babaeng ‘to tatawag-tawag tapos biglang papatayin ang telepono,” inis na sambit ni Ciara sa sarili.“Matawagan nga,”bulong pa niya.Maka-ilang ulit niyang tinipak ang numero ni Kimberly ngunit hindi niya na ito makontak. Ang ipinagtataka niya ay parang kinakabahan ang babae at tila ba may narinig din siyang biglang bukas ng pinto at boses ng lalaki.“Hay naku alam kong may galit ka sa amin ni Loisa, Kimberly pero bakit parang nararamdaman kong nasa panganib ka?” Sambit pa ni Ciara.Upang mawala ang pagkabalisa ni Ciara ay tinawagan niya ang kanyang amo na si Abegail upang makahingi ng opinion kung bakit kinausap siya ni Kimberly.“Oh, Ciara napatawag ka?” Nagtatakang tanong naman ni Ciara.“Magandang araw po Ma’am Abegail, kasi po ma’am may sasabihin lang po ako sa inyo okay lang po ba?” Nahihiya pang sabi ni Ciara.“Go ahead it’s fine, what is it?” Sabi naman ng babae sa kabilang-linya.“Kasi po tumawag sa akin si Kimberly ma'am, kababago lang po,” sabi ni Ciar
“Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito
Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi
“Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k
“Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a
“Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r
“Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”