TYLER'S P.O.VI couldn't contain my annoyance. Sa gitna kasi ng meeting ko ay bigla na lang tumawag si Georgina para lang sabihin na kailangan ko silang ilibre dahil may kailangan din daw kaming i- celebrate.I want to shout at her on the phone, but I didn't want it that much so. Dahil sa totoo ay gusto ko rin naman silang makita. Lalo na siya.Sinabi ko na lang na maghintay sila ng kahit isang oras dahil may kailangan pa akong tapusin. Buti na lang din at mahaba ang pasensiya ng kliyente ko na kausap ko ngayon. Dahil kung hindi ay mawawalan pa ako ng kliyente dahil lang sa pagtawag at pagpapalibre na iyon nina Georgina. Tss.Kaya pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko ay agad ko nang tinawagan ang babaeng iyon. Nakalimutan ko kasing itanong kung saan ko sila susunduin.Bukod pala sa panlilibre ko ay may iba pa akong pakay kaya mabilis akong pumayag sa gusto nilang dalawa. At iyon ay ang sermunan si Athena.Yeah, I will be scolding her so badly! Kung bakit hindi na naman niya sinipot a
TREVOR'S P. O. VAfter having a conversation with her, I immediately drive home to fetch Georgina.Finally, umayon na sa akin ang pagkakataon.Hindi man planado at napaghandaan, at least, nangyari pa rin. And right now, I couldn't contain my happiness as I imagine what possible things can I do with her.Matagal- tagal ko na ring inaasam- asam na mangyari ito. And now, it is happening!Nang mapansin kong malapit na ako sa bahay ay inihinto ko na agad ang sasakyan ko. May kailangan lang akong ayusin.Tumapat ako sa salamin ng sasakyan ko para makita ang kabuuang ayos ng mukha ko. Baka kasi mamaya ay magulo pala ang buhok ko, o di kaya'y may malaking muta sa mga mata ko. Baka may bangas pa ako, at kung anu- ano pa. I want to make sure that I will look presentable to her, of course. I mean, oo nga at halos araw- araw naman na kaming nagkakausap at nakatira pa nga kami sa iisang bubong. But this time is different.I'll be having a sort of date with her. And that makes today extra different
JUSTIN'S P. O. VI have this feeling that urges me to go home and postpone my meet with Dustin.Pero kung anuman iyon, pinagpasiyahan ko na na pabayaan na lang at huwag nang pansinin pa.Nandito na kasi ako sa sasakyan niya at papunta na kami sa kung saan man na gusto niyang mangyari ang 'pag-uusap' daw naming dalawa. Kaya ngayon pa ba ako aatras?Well, may makakapagpaatras pa naman talaga sa akin. And do you know what's that? Simple lang naman. Kung magpapatuloy pa ang magaling kong kakambal na ito sa hindi pagsagot sa mga tanong ko at sa pangbibitin sa akin. Tss."Tungkol saan ba kasi ang gusto mong pag-usapan natin, ha? Aren't you too busy everyday that you really made a way for this shit and—”"Mamaya na nga kasi. Huwag kang atat.”Iyon lang, at gaya ng kanina ay napatahimik na lang din ako.This jerk. May balak pa yata siyang patayin ako sa kuryosidad, eh.Few minutes had passed, and all that I did was to sit beside my brother. Tahimik lang ako na animo'y batang napagalitan. Paano
JUSTIN'S P. O. VFuck? Tama ba ang pagkakarinig ko sa mga sinabi ng lokong kakambal ko na ito? He is getting married?!Hindi ko naiwasan na mapamura dahil doon."It's not the perfect time to joke, dude. I istorbo mo ba ako para lang pag-trip-an? Oh, come on!” hindi pa rin makapaniwala na saad ko.Hindi siya kumibo at nanatili lang na walang imik."I wish so, too, that I was just joking. Kung pwede lang maging biro ang bagay na iyon, sana nga ay ganoon na lang iyon.” mayamaya ay seryoso niyang saad.And right now, I must say that all I am seeing in his face is sadness. And uncertainty."Ano ba kasing nangyari? And why aren't you not happy that you're going to be married? I'm sure, matagal mo nang pinapangarap na lumagay sa tahimik. Tama ba ako?” sabi ko ulit."Yeah. Kahit noong mga bata pa lang tayo, alam kong alam mo na na isa talaga sa mga pangarap ko pagtanda ang makasal at magkaroon ng sarili kong maayos na pamilya. But that isn't the case here, Justin. I dreamt of being married, ye
ATHENA'S P. O. VNang halos dalawang oras na ang lumipas mula nang mag ikot-ikot ako dito sa park ay napagdesisyunan ko nang umuwi na lang.Ang boring din naman kasi kung mag-isa lang akong gagala-gala dito. Baka magmukha lang akong tanga at mapagtawanan pa ako.Kung sa Pinas ay sanay akong lumalakad mag-isa, dito ay hindi. Siguro, dahil nasanay ako na unang paglilibot ko pa lang dito ay kasama ko na sina Jane at Trevor— pero teka lang…Speaking of Jane and Trevor… sila ba ang dalawang iyon?!Napasinghap ako nang aksidente akong mapalingon sa pila ng bilihan ng ticket para sa mga gustong sumakay sa ferris-wheel. May dalawang tao kasi doon na magkasama, at kamukhang-kamukha talaga nina Jane at Trevor!Lalapitan ko sana sila para kumpirmahin kung sila nga ba ang mga kaibigan ko o kamukha lang, pero nagbago rin agad ang isip ko. Sa halip kasi na lapitan nga sila ay may naisip akong mas magandang ideya.Napangisi ako sa sarili ko dahil na rin sa mga pumapasok sa isip ko.Dahan-dahan akong
JUSTIN'S P. O. VI couldn't be mistaken. Alam ko at sigurado ako na si Athena nga ang nakita ko kani-kanina lang.Pero paano? Magkaibang-magkaiba sila ng babaeng iyon. Sa pisikal na anyo pa lang ay ang laki na ng pagkakasalungat nila.All that Athena has is natural beauty. Kumpara sa babaeng iyon na bagama't manipis ay may bahid pa rin naman ng makeup ang mukha. Even the way they dress is just… different. Isa pa, alam kong hindi kayang mabuhay ni Athena na wala ang malaki niyang salamin sa mga mata. Unlike that woman I just bumped into earlier.I admit, that woman is gorgeous, yes. But I must admit, too, that I like Athena's natural style that her.Kaya kahit gaano pa kalakas at ulit-ulit na sabihin sa akin ng utak ko na baka si Athena nga ang nakita ko kanina, isinisigaw naman ng isa pang bahagi niyon na imposible talagang mangyari iyon.Idagdag pa kasi ang paraan ng pagsasalita ng babaeng iyon kanina na kahit nakakatawa ang accent nito ay hindi naman ganoon ang pananalita ni Athena a
JANE'S P. O. VAfter we've been on the ferris-wheel, and after that funny and super random moment with Justin, Manong and I decided to take a break first. Kaya heto kami ngayon, nasa restaurant para kumain muna sandali.Habang hinihintay namin na i-serve ang mga pagkain na in-order namin ay nagpaalam si Manong na may ire-review daw muna siyang case file. He even said 'sorry' dahil kung hindi lang daw talagang urgent iyon ay hindi-hindi niya gagawin na isingit ang trabaho niya sa paglabas naming iyon.Sinabi ko naman na sa kanya na ayos lang iyon pero sa kabila noon ay halata pa rin sa kanya na parang sobrang nagui-guilty siya sa hindi ko malamang dahilan.And while he's browsing his case file, and as much as I wanted to look away from him, I don't know but I just couldn't.Parang may kung ano sa sarili ko na nagsasabing manatili lang sa pagkakatitig sa kanya. At parang may kung ano rin na nagsasabi sa akin kung gaano siya ka-gwapo sa paningin ko ngayon. He's so handsome and I am certai
ATHENA'S P. O. VI can't help not to notice the locket I picked up earlier on the amusement park. Nilagay ko lang iyon sa ibabaw ng study table ko kaya naman kahit saan ako nakaposisyon dito sa bahay ay talagang madali ko lang iyon makikita at mapapansin.And the first thing I notice on that thing is that, it is made out of pure gold. Kaya kung sinuman ang may-ari ng locket na iyon ay siguradong iniingatan nito iyon ng sobra.Ang hindi ko lang maintindihan, bakit may larawan iyon ng dalawang bata na kamukhang-kamukha ni Justin? And didn't he already mention that he has a twin brother? What if… sa kanila nga ang locket na napulot ko?Pero kung sila nga ang nasa picture at kung sa kanila nga ang locker, paano naman iyon napunta sa mga kamay ng babaeng nakabanggaan ko kanina?Sa tingin ko ay mas bata sa akin ng ilang taon ang babaeng naka-encounter ko kani-kanina lang. And it is not impossible for them— Justin and his twin, to have a sister at that lady's age. Kahit sino naman siguro na m