I REMEMBER trying to fall asleep while he was driving. Ano nga ba ang pupwedeng pag-usapan ng dalawang taong magkakilala pero yung isa, hindi ka na naaalala.Bawat bukas ng bibig ko, gusto kong humagalpak ng tawa at sabihing 'Naalala mo noong..'Pero siyempre hindi niya naalala. The drive ended up silent. Madilim, walang stars, walang kasabay na sasakyan."Dito ba ako liliko?" Tanong sa akin ni Jascha."00, tapos pagkanan mo diyan, dire-diretsuhin mo lang hanggang dun sa dulo tapos kakaliwa naman tayo.""Naalala mo pa ha. Tatlong taon ka na din bang hindi nakakapunta dito?"Tumango ako. Kasalanan ni Calista ang awkward na 3hour drive to Quezon. Masakit sa ulo, sa pwet at sa puso. Iniwanan nila kami. Nagbilin na lang na sumunod na lang ako dahil may magda-drive naman pala. Along the way we ordered cheeseburger, fries and float as our dinner. Muntik pa akong matawa nang bilangan ako ni Jascha ng calorie content ng bawat isa but he ended up eating everything. Wala nga halos itira."Magan
LUMABAS si Jascha sa banyo at ako naman ang pumalit, bitbit ko na ang mga damit ko. Hindi ko na siya tiningnan pa, alam ko namang tuwalya lang ang takip niya sa katawan. Bahagya pa akong nadikit sa basa niyang balat pero hindi ko talaga nilingon! Mabilis din akong naligo at nagpatuyo ng buhok, at nang lumabas ako ay nakapuwesto na doon si Jascha sa kama. Sa madalas na pwesto niya. Lagi niyang kinukuha ang kaliwang bahagi, hindi dahil yon ang gusto niya kundi dahil gusto ko ang kanan."Game, ano na ang ipapakita mo?" Humalukipkip si Jascha at tinitigan ako."Wala sa akin." Binuksan ko ang side table at hindi ako nagkamaling naroon pa ang remote control ng hydraulic roof. I pressed a button at marahang bumukas ang bubong ng silid. Tanging clear glass roofing na lang ang tanging takip ng aming bubungan."Whoah." Manghang sabi ni Jascha habang nakatingala at binubusog ang paningin sa bituin sa langit nang bumukas ang kisame. "Did we make this?"Tumango ako. Humila ng unan humiga doon.Nak
SABI NILA, good things shall come to an end.Paano yung wala pang good things pero end na?"l missed you, Babe!" Pumikit ako habang pinapakinggan ko yung nangyayari sa labas ng bahay niya. An hour pagkatapos naming makabalik ng Manila, he has to face one of his problems.Kung problema nga bang maituturing ito. He can continue living his life. He can actually forget about me. Tapos ang problema. Exit ako sa eksena."Sandali, Gwen. We need to talk."Nanlamig na naman ang mga kamay ko. Lumamig, to the point na namanhid.Lalo na nang papunta na sila sa direksyon ko. Sa bahay ni Jascha."Pumasok muna tayo sa bahay mo. I missed you.. I want to kiss you." Malambing na humilig si Gwen sa dibdib ni Jascha. Inilagay ko ang palad ko sa dibdib ko at taimtim na pumikit para maibsan ang sakit."Wait.." Narinig kong pinigilan siya ni Jascha para pumasok.Bumukas ang pinto, nagkatinginan kami ni Gwen, bumakas ang gulat sa mukha niya pero sandali lang.Her white dress fits her perfectly. She was perfe
TAHIMIK ang buong opisina, tinitingnan nila akong naglilipat ng gamit mula sa silid ni Jascha papunta sa aking bagong opisina. Which is really small, by the way. Dating opisina ng sales manager nong hindi pa nagagawa yung bago nilang opisina sa expanded area ng floor. Merong sariling pinto, isang two seater couch, walang sariling pantry o restroom, but most importantly, nasa kabilang dulo ito ng opisina ni Jascha.Pinapanood din ako ni Jaschaa hanggang sa huling box na kinuha ko sa 100b ng opisina niya."You don't have to change office. Hindi kita pinapaalis.""No, representative lang naman ako, Mr. President. Susubaybayan ko lang ang meetings mo, ang approvals mo and give you some inputs to think about, hindi mo naman kailangang sundin." I said dryly."Kaya nga, mas mabilis kung nandito ka din. Nasa kabilang dulo ka." I am surprised with his persistence pero hindi ko iyon pinansin. Pinagpagan ko ang isang paper weight na isinama ko sa box na bitbit ko."Kukuhanin ko na lang at the end
ITINAPON namin ang mga kalat namin sa garbage bin at saka sabay na naglakad pabalik ng parking lot. Still hesitant, mabagal ang naging lakad ko papalabas ng mall at mukhang nahalata iyon ng kasama ko."Ano? Ayaw mo pang umuwi? Pasara na ang mall. Do you want coffee?" Tanong sa akin ni Geo. Umiling ako. I know na nag-aadjust pa si Geo sa timezone at malamang ay may jetlag pa. Panigurado, inaantok na talaga siya. I cannot drag him on my silly plan just because naghihimagsik ako kay Jascha. Labas siya doon. I stopped walking, Geo too.I forced a smile and tried to look as normal as I can. I fumbled my phone on my bag and acted surprised."Oh, nandito pala si Calista." I lied, looking at my phone screen."Oh?"Tumango tango ako, "Nag-aaya na manood ng sine." I lied again."At this hour?" Tumingin si Geo sa wristwatch niya.Tumango ulit ako. "Last full show.""Alright, should I bring you at the cinema?""Hindi na, ako na. Kaya ko naman." Ngumiti ako at naglakad sa direksyon papuntang cinema
"LILIGAWAN kita ng tama.. 'Panaginip o totoong buhay?No, no.. Hindi maaring true to life iyon. Dahil kung oo, bakit katabi ko ang lalaking nagsabi non? He's half naked and I am wearing his shirt, on his bed. Kung bumalik ang panahon sa 1920s, mag-dampi lang ang kamay namin ay kailangan na naming magpakasal.Ganito ba ang manliligaw?Kumilos si Jascha mula sa pagkakahiga, ibinagsak kong muli ang likod ko sa kama para magpanggap ng tulog pero bago pa man ako pumikit, nagtama na ang mga mata namin ni Jascha. Kinusot niya ang mga matz niya pagkatapos ay nginitian ako.Ayan na naman. Yung ngiti na naman na yan.Mabibihag na naman ako, tapos masasaktan. Ako lang ata ang inilalagay sa isang cycle at kabisado ko na ang panganib pero parehas na cycle pa din ang daraanan ko."Hi.." Halos bulong lang iyon. Nakangiti pati ang mga mata niya. 'Masakit ba ang ulo mo?"Bago pa man din ako sumagot ay sabay naming narinig ang pagtunog ng doorbell sa ibaba ng kanyangbahay."Can you get that?" Tanong
MERONG mahinang music sa blutooth speaker nang marating ko na ang rooftop. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng nostalgia. Merong carpet at maraming scented candles sa paligid. Naroon si Jascha, nakaupo, merong pizza at ice cream sa harapan niya."Hi.." Ngiting ngiti na bati niya.Umupo ako sa kanyang tabi at tumingala. "Maaga pa pero tanaw ko na." Itinuro ko ang buwan. Mapula ito kaysa karaniwang kulay pero mababa pa lang ito."Did you know that the last super blue blood moon was in 1866?"Tumango ako. "We're lucky.""Today is the day that we are closest to the moon and the moon, earth and sun are perfectly aligned. Alam kong alam mo.""Di ba sabi nila kapag merong ganyang phenomena, merong nababaliw?" Ngumuso ako at binuksan ang isang tub ng ice cream."Siguro ako. Baliw na nga ata ako." Tumingala si Jascha at bumuntong hininga. 'May amnesia ka lang, hindi ka pa baliw." I corrected."Baliw sa pag-ibig. Sa feelings. Dito." Itinuro ni Jsscha ang puso niya."Ang ganda ko kasi." Biro ko
"TINGNAN mo nga naman.. Napakaingrata din niyang biyenan mo. Hindi pa pala siya tapos sa hatred niya sayo, ano?" Maingat na iniabot sa akin ni Calista ang isang tasa ng tsaa at umupo sa couch sa pansamantalang magiging kuwarto ko. Parehas kaming nakasilip sa bintana at tanaw ang swimming pool ng kanilang pamilya.There's a void on my stomach but I cannot take a decent meal to eat. Panay ang iyak ko. Kahit ang mga salita ko ay naging limitado simula nang dumating ako sa pamamahay ng mga Jacinto."lkaw na nga ang nag-adjust, ikaw pa ang palalabasing masama. And what? Ikaw ang nagtangka sa buhay ng sarili mong asawa? Pangteleserye na nga ang fact na nagka-amnesia siya, tapos ngayon meron pang plot twist?! Ikaw pala na mismong asawa ang suspect!"Pinunasan ko ang luha ko at ibinato ang tissue na basang basa na ng luha. "Sana talaga hindi ko na lang sila pinagbigyan na sila ang mag-alaga sa asawa ko. Sana tiniis ko na lang na ang bukambibig niya ay iba ang mahal niya. Sana hindi na umabot
WE went to a restaurant that Jascha's mother booked.Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Jascha na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return. 'Mga apo.." Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Jascha."Kumusta ka?" Aleana asked me. "Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina."Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Jascha para sa sarili naming business."Oh, the perfume business." Granny smiled with acknowledgement. "Napakacute ng business mo, Cass. Bagay na bagay sa personality mo."Tumango ako, "Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito
BUMANGON ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Jascha. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast."Magkasama kami ng room." Mabilis kong sinabj sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti."Oo naman, Ma'am..""Sinisiguro ko tang, I don't really want to stay in a room, alone." Ulit ko.Napatingin ako kay Jascha nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, "Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don't want to be eaten by the demon. That's it.""Ako din naman." Umakbay sa akin si Jascha. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn't need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The roo
DIRE-DIRETSO ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. llang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Jascha, napalunok ako."Cassandra." There's no warmth or any trace of smile on his face when he saw me."H-hi.." Umangat ang isang palad ko."Jascha!" Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Jascha. Napasinghap ako.Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!"Cassandra."Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo."Cass!" The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Cass sa ingay.Hindi ako lumin
THE DAYS may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako."Ah! Ang baboy mol" Maarteng napapikit si Tonio.Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila."Sorry.." I burped."Hoy!" Mula sa likuran ay binatukan ni Calista si Tonio, "Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Cassandra, kumain ka pa." Inilahad sa akin ni Calista ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am."Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?" Tanong ni Tonio."Babalik ako sa States.." Paalala ko."Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong
"PUMIKIT.."I did as I told."Tapos dumilat ka.""Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat.." Tumigil ako sa pagsunod."Ano ba? Sabi ko pikit! Ba't di ka pumikit!""Niloloko mo ba ako?""Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa'kin?""No. My wife believes you." Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion.Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Cassandra, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang untiuntiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her.Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in
UMUNGOL ako sa matinding pananakit ng ulo.Dark, it was so dark. Naririnig ko ang ugong ng aircon at ang mahinang tawanan mula sa labas.Napabalikwas ako. Nasaan ako?Pinakiramdaman ko ang aking sarili ko, wala akong nararamdamang pananakit ng katawan bukod sa pananakit ng ulo marahil dahil sa malalim na pagtulog.My hands traveled to my body and my eyes widened to find out that I am completely naked! Binuksan ko ang ilaw ng lampshade at nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong naroon pa din ako sa hotel room ko.I heard a groan, agad kong nilingon kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko doon si Geo sa tabi ko, kagaya ko ay wala din siyang malay."Geo..." Agad ko siyang kinalabit. "Hey, Geo." But to no avail, wala talaga siyang malay.The drink. That was the last thing I remember. Tumayo ako agad para hanapin ang mga damit ko. Nasa ganoong ayos nang bumukas ang pinto mula sa adjacent room ni Jascha. If I was horrified, Jascha was ten times more. Agad akong napal
"YOU HEARD, Stephanie. Include Cassandra's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Jascha habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? lisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito."Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Jascha habang naglalakad, nahihiya."Psst.. Cassandra.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon."Water?" Alok ni Jascha nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.Umiling ako pero tu
"ANG HAROT HAROT kasi! Ayan ang napapala mol" Inginudngod ako ni Lexy sa kaharap kong mixture ng polvoron na ipapamahagi ko bukas para madami ang magchi-cheer sa akin sa Miss DVC. Akala ng Jascha na yan, magpapaawat ang kagandahan ko sa paghahanash niya!"Bakit? Ikaw ba ang pinahiya? Ako naman di ba? Akala ko ba tutulungan ako non? Gusto lang ata akong soplakin non para makaganti. Ano bang ginawa ko kay Jascha?" Sunod sunod na tanong ko. Natulala sa akin si Lexy at nakapamewang na napailing."l don't know. I wish I know. I tried to ask pero mukhang sa inyong dalawa lang ang dahilan ng break up niyo eh." Napakamot ng ulo si Lexy na halatang naguguluhan din."Sa daldal kong ito, nailihim ko pa sa iyo?""Maybe because it is too painful.. You changed a lot when you broke up." Nakuha ni Lexy ang atensyon ko dahil sa kanyang sinabi."Gaya ng?""Well, surprisingly, you became better, strong, independent woman. Hindi ko nga iniisip na mabubuhay kang wala si Jascha. But you made it, you are se
MAGBA-BRA o tatanggalin ang bra? Eh paano yun kapag natukso? Eh di kasalanan ko na naman. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin!Eh paano naman kung magka-breast cancer ako dahil matutusok ako ng bra wire kapag natutulog?Ang tagal kong nag-iisip sa harap ng salamin habang nakaambang tatanggalin ang hook ng bra ko. Tsk, hindi ko na nga lang tatanggalin. Ako na lang ang magaadjust. Isang gabi lang naman ito. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng banyo nang matigilan.Humarap akong muli sa salamin at pinagmasdan ang suot kong pajama, hindi naman ito revealing kaya dapat hindi manggigil si Jascha sa presensya ko. Walang wala naman ang pananamit ko kumpara sa damit ni Gwen. Nung highschool pa lang kami, pa-sexy na yon eh. Lagi nga niya akong binubully dahil magastos daw ako sa tela. Aktibista ata yun ng mga sinulid at silk worms kaya galit na galit sa mga matataba na nakakaconsumo ng maraming tela. Anong kayang adbokasiya niya? 'Kungangmga ahas nga kinakaibigan mo pa. Mga uuod pa kaya?