C28: Gender Revealed
"Samahan na kasi kita." Pangungulit at pagpupumilit ni Travis kay Aryah na samahan siya sa check up ngayong araw dahil mas excited pa ito sa lahat na malaman ang gender ng dinadala niya.
"Kaya ko naman kasi. Ang kulit mo." Sabi ni Aryah habang hinahanap ang bag niya. Pinuntahan kasi talaga siya ni Travis para lang samahan siya. Nag-leave pa ito sa trabaho ngayon.
"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ko sinasama."
"Osige na. Pasaway. Bitbitin mo ang payong." Utos na lamang niya dito. Hindi lang payong ang binitbit nito pati na rin ang bag niya kahit ayaw niya sana ipabitbit pa.Sumakay sila ng jeep para makarating sa hospital. Todo alalay si Travis sa kanya. Sanay naman na siya dahil
C29: Happiness Is Rare Giarah "How's Belle? How's the baby?" Pangungulit ni Xia nang sa wakas sagutin na rin ni Travis ang video call ng kapatid. Nakailang tawag ito mula kagabi at hindi na nga nakatulog pero hindi masagot ni Travis dahil busy ito sa pag-aasikaso kay Aryah. Sobra ang pag aalala at pangamba nitong baka may mangyaring masama sa mag ina o isa sa dalawa. Taranta rin ito magdamag kaya walang oras na sagutin ang tawag ni Xia. "They're fine, Ate. Nasa nursery ako. Binabantayan ko si Rare." Inaantok na sagot nito sa kapatid saka pinakita mula sa camera ang bata, "Ang ganda niya, Ate. Manang-mana kay Belle." He added. "Our Rare Giarah. So pretty like mommy and tita." Nakangiting komento ni Xia, "Excited na akong makauwi sa weekend. Hindi ako nakatulog kagabi hanggang umaga. Nag aalala rin ako kay Belle eh. I have to go to
C30: Life And Relationships"Pabantay muna si Rare, Travis. May lesson ako." Nagmamadaling sabi ni Aryah na nagsimula na ulit magtrabaho pagkatapos ng maternity leave niya. Madalas niyang iwan si Rare kina Travis o sa mga magulang nito. Buti nga't mahal na mahal nila si Rare katulad ng pagmamahal nila kay Aryah. Napakasuwerte nila Aryah sa mga ito dahil tinuturing silang pamilya.Walang pasok si Travis ngayon pero may pasok si Aryah. Mas minabuti ni Aryah na magkaroon ng day off sa mga araw na walang puwedeng magbantay kay Rare. Kapag weekend ay madalas may pasok siya. Buti na lamang flexible ang schedule niya at mabait ang manager niya.Pagkatapos ng trabaho saka lang niya nababantayan ang anak, "Salamat, Travis. Kapag medyo tumaas ang sahod ko baka kumuha na ako ng babysitter para kay Rare. Masyado na akong nahihiya sa inyo. Ang
C31: Small World"This is Rare Giarah! Apo niyo po, Mommy, Daddy. Sana nakikita niyo po kami ngayon. Masaya po akong nagkaroon ako ng anak. Aalagaan at mamahalin ko siya gaya ng pag aalaga at pagmamahal niyo sa akin." Nakangiting sabi ni Aryah sa puntod ng kanyang mga magulang. Finally, nakalabas na rin siya ng probinsya ngayong araw kasama si Rare.May bit-bit na backpack si Aryah dahil kailangan niyang magbit-bit ng mga kaibigan ni Rare. Ngayon pa lamang niya ito nailalabas talaga sa probinsya mula noong ipinanganak ito. Naglatag siya ng carpet para higaan at maupuan nila katabi ang puntod ng mga magulang niya. Parang picnic kaya nagdala rin siya ng kaunting pagkain. Hindi na katulad noon ang ayos niya pero hindi pa rin naman nagkakalayo. May pagkaweird pa rin naman siya.Pagkalipas ng ilang oras na pananatili sa puntod ng kanyang m
C32: The Next Morning Confrontation Maagang nagising si Aryah para makaalis agad sa bahay ng mga Delgado. Napuyat siya sa pag-aalala hindi sa pagbantay sa anak niya dahil hindi naman talaga siya pinupuyat ni Rare. "Good morning! Kamusta ang tulog mo, dear?" Tanong ni Regina habang naglalagay ng fried rice sa kanyang plato. "Ayos naman po." Pagpapanggap ni Aryah. Kahit hikab siya ng hikab mula noong nakabangon siya. Naglagay na rin siya ng fried rice. "Hindi ka naman napuyat kagabi? Parang hindi ko narinig na umiyak si Rare eh." Komento ni Regina saka kumuha ng scrambled eggs. "Hindi po talaga iyakin si Rare. Buti na lang nga po baka makaistorbo pa kami." Nahihiyang sagot ni Aryah dito saka kumuha ng tubi
C33: Time To ThinkPagkatapos ng pag-uusap nila Aryah at Rwegian, hinatid sila ng binata sa bus terminal. Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan. Tanging ang ingay lamang ng bata ang maririnig sa loob. Madalas tumitig ang bata kay Rwegian. Nginingitian naman niya ito kahit hindi ito mahilig sa mga bata. Magaan rin ang pakiramdam niya kay Rare."Thank you sa paghatid." Kaswal na sabi ni Aryah sa binata. Naabutan nila ang pangatlong bus na paalis."Take care. I hope to see you soon and Rare." Rwegian said as he goes back to his car. May pag-asa pa rin siyang nadarama na babalik sa kanya si Aryah.Aryah needs more time to think. She still haven't heard the words she wants to hear. She is still confuse with Rwegian real feelings for her.
C34: Daddy To The Rescue Taranta pa rin ang lahat simula noong madala nila sa hospital ang bata. "No choice na tayo, girl. Wala na tayong mahanapan ng blood type ni Rare. Alam natin pareho na hindi ka rin papayag na magiging dahilan ito ng pagkawala ng anak mo." Paliwanag at pangongonsensya ni Xia kay Aryah na kasalukuyang hindi mapakali nang malamang kailangan niya ng tulong para sa anak niya mula sa ama ng anak niya. Si Xia ang nakiusap kay Rwegian na tulungan si Aryah para sa anak nito. Ngayon ay alam na ni Rwegian ang koneksyon nila Xia at Aryah, "Marami siyang koneksyon. Matutulungan ka niya. Maliban sa kadugo siya ng anak niyo eh may enough money siya to help his child kahit pa hindi niya alam na anak niya nga si Rare." Dugtong pa nito. Rwegian arrived in the hospital. Hinanap agad nito si Aryah. Stress ang mukha n
C35: Balancing and Decision Making"Watch Rare, I'll just work." Utos ni Aryah kay Rwegian na ilang araw na niyang ginagawa dito. Tatlong araw na rin kasing nananatili ang binata sa bahay nila Aryah. Inihabilin muna nito ang trabaho sa kanyang ama at ina. Plano niyang ipakilala ang anak sa kanyang mga magulang kapag pumayag na si Aryah na maidala sila o sumama sa kanya."Okay." Agad na sagot ni Rwegian. Sa tatlong araw na pananatili ng binata kina Aryah, marami na agad itong natutunan gaya ng pagpapalit ng diaper ng anak, pagtitimpla ng gatas at pagpapaligo. Walang pasensya sa ganito ang binata pero dahil anak niya ang pinagsisilbihan, wala itong reklamo.Habang nagtatrabaho si Aryah, sa maliit na hardin naman tumambay sina Rwegian at Rare."Rare, I am your fat
C36: The News Nobody ExpectedPatulog na si Aryah nang bigla siyang tinawagan ni Xia. Buti tulog na rin si Rare. Nagtaka si Aryah bakit tumawag ang kanyang kaibigan ng ganitong oras. Iba ang pakiramdam niya sa pagtawag na ito. Para malaman ang dahilan sinagot niya ang tawag."Napatawag ka? Kamusta? Uwi ka ba?" Bungad ni Aryah dito. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Xia. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita."Belle, alam mo ba ang dahilan ng pag-uwi ni Sir Rwegian?" Malumanay na tanong ni Xia.Napaisip si Aryah. Ang alam niya ay dahil may problema sa kumpanya ang binata. 'Yon lamang ang alam niya, "Sabi niya may problema daw ang kumpanya. Bakit? Ano bang nangyari? May alam ka pa bang ibang dahilan?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Aryah dito habang nap