ASAMI’S POV
Nanonood ako ngayon ng movie. The Hows of Us ang title. Sa mga hindi pa nakakanood, manood na kayo. Super maganda ‘to. Meron nito sa iWant.
Paalis na dapat ako ngayon para sa isang job interview pero nare-sched siya kaya ito na lang napag-abalahan ko. Malapit na magtanghali pero wala pa rin si Jai. Nasaan na naman kaya yung babaeng yun?
Maya-maya pa ay may narinig na akong nagbukas ng gate. Siya na siguro ‘to. Tinanghali na naman ‘to ng uwi. Saan na naman kaya ‘to nagpunta.
“Ate nandito na ko,” rinig kong sabe niya. Pinuntahan ko naman siya sa kusina dahil ibibigay niya sa akin yung napagbentahan ng pandesal.
“Bakit ganito lang ‘to? Bakit kulang?” tanong ko habang binibilang ulit yung pera.
“Bumili ako ng kape at nitong buns,” sagot niya.
“Jairah, saan mo nga ginamit?” tanong ko ulit.
“Napadaan kase ako kanina sa computer shop kaya nakapaglaro ako ng ilang oras.”
“Jairah naman. Alam mo namang kailangan natin makaipon dahil hirap tayo ngayon. Wala pa akong trabaho kaya sa paggawa muna ng pandesal tayo umaasa ng magagamit panggastos sa pang-araw-araw. Kung sa pagkain mo sana ginamit okay lang kase alam ko namang gutom ka sa pagbebenta mo. Tapos kaya pala tanghali ka na dumating kase nagcomputer ka na naman.”
“Gusto ko lang naman makapaglibang Ate kahit sandaling oras lang,” tapos tinalikuran niya ako. kukuha lang pala ng tasa. Hindi talaga ‘to makapaghintay. Alam namang galit ako.
“Jairah, huwag mo kong tintalikuran. Kinakausap pa kita. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo muna ‘yan. Miski naman nung nag-aaral ka ‘yan dahilan mo eh. Kaya ang bilis maubos ng allowance na binibigay ko sayo.”
“Jai, nasa tamang edad ka na. Hindi ka na high school student. Huwag mo ng uulitin ‘to ha? Malilintikan ka talaga saken,” dagdag ko pa.
Pagkatapos ng mahaba-habang sermon ay iniwan ko na siya sa kusina para makakain na rin siya. Bumalik na ako sa salas para manood ulit.
Kahit kailan talaga si Jai napakatigas pa rin ng ulo. Napakabait naman niyan pero nung tumungtong yan ng high school bigla na lang yan nagbago. Isang araw bigla na lang may tatawag sa akin na teacher na pinapapunta ako sa school dahil may nakaaway daw si Jai. Minsan naman may dadating na sulat na nagsasabing hindi pa nagbabayad ng tuition kahit nabigyan ko na siya. Nagpapasalamat ako dahil hindi naman siya natatanggal sa school.
Akala ko magbabago na siya pero nung dumating na siya sa college. Mas malala pa pala ang mangyayari. Mababalitaan ko na lang na nagcu-cutting siya o kaya naman may prof siya na ginalit. Nagtataka nga ako eh, kababaeng tao tapos parang lalaki kung umasta. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang sa kanya. Napalaki ko naman siya ng maayos. Wala na kaming mga magulang kaya ako na lang mag-isa ang kumakayod para magkaroon ng panggastos sa araw-araw.
Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya nagkakaganito. Kulang siya sa gabay ng magulang. 24 years old na nga pala ako. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Ginagawa ko naman lahat para maalagaan siya hindi lang bilang ate kundi bilang nanay at tatay sa kanya. May pagka-istrikto akong tao lalo na sa kapatid ko pero mabait naman ako. Napagkakamalan lang talaga akong mataray, una dahil na rin siguro sa mukha ko na singkit tapos may pagkamaldita pa na awra.
Pinatay ko na ang tv pagkatapos kong manood. Magluluto pa nga pala ako ng pagkain para sa tanghalian namin. Pagkadating ko sa kusina, wala na dun si Jai.
“Jai talaga. Hindi man lang inimis ang pinagkainan sa lamesa.”
Pumunta ako sa lababo para kumuha ng basahan sa lamesa.
“Hindi man lang nahugasan ang tasa na ginamit. Babaeng talagang yun, hindi na natuto.”
Pinunasan ko na muna ang lamesa at sinunod ko naman ay ang pinagkainan ni Jai na iniwan niya sa lababo. Kahit ilang beses ko naman ipaalala sa kanya, hindi niya gagawin. Napakatamad talaga nun. Kaya nga pinatigil ko na siya sa pag-aaral dahil tinatamad na siyang pumasok. Kaysa naman masayang yung pera na pinangbabayad ko, pinatigil ko na. Anong magagawa ko kung ayaw na talaga niya mag-aral?
Ginawa ko naman lahat para tulungan siya sa pag-aaral bilang nakakatandang kapatid niya. Matalino naman yan eh. Nung elementary lagi siyang honor. Napabarkada lang talaga siya nung high school.
Matapos kong linisin ang pinagkainan niya ay nagsimula na ako magsaing ng kanin.
“Malapit na pala maubos bigas namin. Kailangan ko na ulit bumili bukas. Agahan ko na lang ang alis para mapadeliver dito sa bahay,” sabi ko sa sarili ko.
Mabilis lang naman ako nakapagsaing dahil rice cooker gamit ko. Sinunod ko naman ay ang pagluluto ng ulam. Dahil manok lang ang nasa ref namin ay ito na lang muna lulutuin ko. Kailangan ko na rin palang mamili bukas ng pang-ulam bukas.
Inadobo ko na lang ‘to dahil paborito itong ulam ni Jai. Hindi yan basta-basta kakain ng adobo ng hindi ko luto. May pagka-pihikan din yan minsan. Habang hinihintay ko maluto ang adobo ay umupo muna ako saglit.
Napatingin naman agad ako sa refrigerator namin kung nasaan ang picture naming dalawa. Jai is such a beautiful lady. Unang kita mo agad, malalaman mo na may pagka-Japanese siya dahil sa mata niya. Mahaba ang buhok niya pero mas gusto niya na lagi itong nakapusod. May pagkamaliit nga lang siya. Katulad ko, maputi rin siya. Hindi ko alam kung bakit may pagka-boyish ‘to, babae naman kapatid niya. Pero kahit ganyan ugali niyan, hinding-hindi ako susuko na parangalan siya. Alam kong darating din ang araw na magbabago siya. Kung hindi man ako yung makakagawa para mapabago siya, may isang tao na magiging dahilan para magbago siya. Sana dumating na siya. Sana dumating ka na sa buhay ng kapatid ko.
JAIRAH’S POV*unat *unat*Napakasarap talaga matulog. Kung hindi lang dahil sa sinag ng araw hindi ako magigising ngayong umaga. Ano na bang oras na? Pagtingin ko sa wall clock ko ay hindi na pala ito naandar. Nakalimutan kop ala magpabili ng battery kay Ate. Nasan na ba phone ko? 7:30 am pa lang pala.ANO??!! 7:30 NAAAAA!!Mayayare ako nito kay ate. Magtitinda nga pala ako ng pandesal dapat kanina pa akong ala-5 ng umaga gising. Bakit hindi ako ginising ni ate? Nandito ba siya?Dali-dali ako bumangon at iniwan ang higaan ko. Mamaya na lang ako mag-iimis. Hinanap ko ang tuwalya ko. Nasaan ka na ba? Wait, maliligo pa ba ako? Mamaya na nga lang. Maghilamos na lang ako. Kailangan ko na magmadali.Pagkatapos ko maghilamos ay nag toothbrush naman ako. Nagpalit ng damit na medyo oversized at short na above the knee. Suklay ng kaunti, ipupusod ko na lang. Okay na ‘to. Bumaba na agad ako dahil baka mara
AGA’S POVPasakay na sana siya ng bike ng makita ko yung tuhod niya.“Wait lang miss, may sugat ka sa tuhod mo. Gusto mo dalhin kita sa clinic o ospital para maipagamot yan?”“Ang O.A mo po. Malayo ‘to sa bituka. Ako na bahala dito. Nga pala, pag-aralan mo sana kung paano tumawid ha para hindi ka nakakapahamak.”Napaka taray naman nung babae na yun. Ako na nga nagmamalasakit dahil alam kong ako ang mali pero inaway pa ako. Bahala nga siya. Kailangan ko na magmadali dahil male-late na ako sa school. 9am na tapos ang klase ko 10am. Kung hindi lang dumating yung babae na yan kanina pa ako nakasakay.Ako nga pala si Agassi Ching. Aga for short. Twenty-six years of age. Fourth year college na ako at nagte-take ng HRM na course. My mom is pure Filipino while my dad is a Japanese. Ang pangalan ng mom ko is Aimi Ching at Akihiro Ching naman sa dad ko. Wala akong kapatid kaya o
JAIRAH’S POVPagkarating ko sa bahay ay nilagay ko na ang bike ko sa isang gilid sa may terrace namin. Nakita ko si ate na nagluluto na ng pagkain para sa tanghalian namin.“Bakit ngayon ka lang?” narinig kong tanong ni ate na nasa kusina. Naramdaman siguro niya na nandito na ako.“Ehh kasi--““Eh kasi ano? Tinanghali ka na naman ng gising o tinamad ka lang gumising ng maaga?”“Tinanghali ako ng gising kaya late na ako nakapagtinda.”Binitawan niya yung sandok at lumapit sa akin.“Ash naman, di ba sabe ko naman lagi sayo mag-alarm ka para hindi nale-late ng gising? Tapos nagkataon pa na maaga ako umalis kaya hindi kita nagising.”“Nakalimutan ko mag-alarm.”“Ayan na nga lang gagawin mo, hindi mo pa magawa. Ayan
AGA’S POV*kring kring*Nagising ako ngayon dahil sa may tumatawag. Sino ba ‘to? Agang aga naman eh.“Hello,” wika ko.“Hello, Hiro. Nasaan ka na?”Pagtingin ko sa cellphone ay si Lance pala ang natawag.Patay! May gagawin nga pala kaming report ngayon.“On the way na.”“Gasgas na yang linya nay an. Halatang kakagising mo lang.”“Sige na. Liligo na ako.”“Sige. Bilisan mo na.”Pinatay ko na rin yung tawag. Sabado ngayon kaya nawala sa isip ko na may gagawin kaming report. By group yun, nagkataon na kaming tatlo nina Lance at Kenneth ang magkakagrupo.Nag-online muna ako. May chat pala sila kagabi sa groupchat. Maaga ako natulog kagabi kaya hindi ko na nakita ‘to. Maaga naman ako natulog pero tinanghali pa rin ako ng gising.Nagmadali na ako bumangon para maligo at magbihis. Sa pagmamadali
CASSANDRA’S POV5pm na pala nang magising ako. Bumangon na ako para bumaba. Mukhang wala pa si Chandra ah. Tiningnan ko ang phone ko para itext siya, sakto naman na nagtext siya. Pauwi na siya.Magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Cassandra Cortez. 25 years old. May pagkamaldita ako at maarte pero pagdating sa kapatid ko, nagiging mapagmahal akong ate. Gusto ko na rin naman umuwi ng Pilipinas dahil graduate na ako pero kaya lang ako nagtagal doon dahil kay Aga, sinundan ko lang siya dito. Ang desperada ba tingnan? Mahal ko eh.Speaking of Aga, kahapon pa ako text ng text sa kanya pero hindi pa rin siya nagrereply. Kahit sa chat, online naman. Malaman ko lang na may babae yun naku. Pagsisisihan ni girl na lumapit siya sa boyfriend ko.Narinig kong may nagbukas ng gate namin. Mukhang nakarating na si Chandra. At hindi nga ako nagkamalii.“Hi, ate. Gising ka na pala. Tamang-tama dahil nag-take out na lang ako ng
AGA’S POVKanina pa ako text ngtext at tawag ng tawag kay Cassandra pero hindi pa rin siya nagrereply. Ginagantihan ba ako nito? Pero alam ko namang hindi siya ganun dahil hindi niya ako matitiis.Last na tawag na ‘to, kapag hindi pa rin niya sinagot pupuntahan ko na talaga siya bukas sa kanila.The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try you call later.Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Baka nagalit na talaga yun saken. Chat ko na lang yung kaya yung friend niya. May kilala naman ako na friend niya sa Japan.After one minute ay nagreply na ito.Umuwi siya ng Pilipinas. Hindi mo alam?Umuwi siya ng hindi nagsasabi saken? Puntahan ko na lang siya bukas sa kanila. Alam ko naman address niya.-6 am pa lang ay gumising na ako dahil aagahan ko ang punta kina Cassandra. Linggo naman ngayon kaya okay lang. After 30 minutes, nakaligo na ako at nakap
JAIRAH’S POVKakagaling ko lang kina Chandra dahil nag-order sila ng pandesal. Gusto ko man pumasok sa kanila para makilala ang ate niya pero tumanggi ako dahil baka malate na naman ako ng uwi. Mapagalitan pa ako ni ate.Dadaan muna ako sa palengke para bumili ng flowers kay ate. Makikipag-ayos na ako sa kanya. Alam ko namang mali ako sa mga sinabi ko at inasta ko sa kanya kahapon. Iiwan ko muna saglit sa may parking sa ilalim ng mall itong bike ko.Pagka-park ko ay lumabas na ako sa ilaim ng mall para pumunta sa pwesto ng bilihan ng mga bulaklak. Naglalakad na ako nang makita ko na may nagkakagulo sa di kalayuan.“Magnanakaw!”Narinig kong sigaw ng isang babae.Kinabahan ako bigla dahil hindi naman ako sanay na magpunta dito. Ngayon na lang ulit ako nagpunta tapos ganito pa ang mangyayari.Napatigil na lang ako bigla dahil hindi ko alam ang gagawin, nagkakagulo na ang mga tao. Babalik
ASAMI’S POV---Flashback---Unang araw ko ngayon sa trabaho kaya inagahan ko ang pasok ko. Alam niyo naman kapag first day kailangan agahan talaga. Alangang first day na first day, late ka. Nakakahiya di ba?Dito ako sa isang supermarket nagtatrabaho bilang cashier. Hindi na masama dahil marangal naman na trabaho at ang mahalaga naman ay may trabaho ako ngayon at mayroon na akong pangdagdag para sa panggastos namin sa araw-araw. Pang-morning shift ako ngayon.Bago pa ako pumasok ay nakapaggawa na ako ng pandesal na ititinda ni Jai. Mayroon ding nadagdag sa ginawa ko dahil umorder yung kaibigan niya. Sana naman maaga magising si Jai at huwag na ulit siyang tanghaliin. Sayang naman yung mga suki na naghihintay sa amin.Mag-uumpisa na akong mag-umpisa sa duty ko bilang cashier ng biglang may tumawag sa akin sa cellphone.“Hello po. Goodmorning,” sambit ko.“Hello. This from police station. Is this
JAIRAH’S POVNagising ako mula sa mahinang katok sa pinto n gaming kwarto. Pagmulat ko ng aking mata ay napansin kong wala na sa kaniyang kama si Kyla. Tumingin ako sa bintana at nakita kong madilim na sa labas. Kinuha ko agad ang phone ko, 7pm na pala.Napatingin ako sa pinto at niluwa nito si Kenneth na mukhang kakagising lang din dahil magulo pa ang buhok nito. Nakasuot lang siya ng shorts at jacket.“Nagising ba kita?” tanong nito. Pumasok na siya at pumunta sa kama ni Kyla para umupo.“Oo pero okay lang. Napasarap pala tulog ko.”“Dinner na raw tayo sabi ni Mommy.”“Sige. Mag-aayos lang ako.”“No need. Maganda ka na naman kahit walang ayos.”Umiling-iling ako pagkatayo ko sa kama. “Mr. Bautista, gasgas na ‘yang ganyang
JAIRAH’S POVMagkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na alam kung nasaang lugar na kami at bakit wala man lang akong makitang bahay kahit isa?“T-Tulong! Tulungan niyo po k-kami! Nasusunog po ‘yong s-sasakyan!”Sa huling pagkakataon ay nilapitan ko isa-isa ang pamilya ni Kenneth pero hindi ko sila magising. Puro dugo na sila dahil sa lakas ng pagbangga namin sa puno. Sobrang sakit na rin ng ulo ko.“A-Ate…”“Jai, Jai, gising. Nananaginip ka.”Isang boses ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at si Kenneth ang una kong nakita. Maayos ang hitsura niya kaysa sa kanina. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na ako na lang pala ang nasa sasakyan nila. Mukhang nabasa naman ni Kenneth ang nasa isip ko.&
JAIRAH’S POVIt was already 5am nang magising ako dahil sa boses ni ate. Ngayon ay Linggo at ngayon ang araw kung saan isasama ako ni Kenneth sa outing nila ng kaniyang family at mga kaibigan sa Tagaytay.“Gumising ka na diyan baka mamaya nandyan na si Kenneth,” utos sa akin ni ate.Kenneth told me na dadaanan na lang daw nila ako ako mamaya. Noong una ay ayoko pumayag dahil nakakahiya naman pero dahil mapilit siya ay hinayaan ko na lang. Bumangon na ako pagkalabas ni ate ng kwarto. Inayos ko na ang hinigaan ko sabay kuha ng aking tuwalya para dumeretso sa aking pagligo.Inabot ako ng halos 20 minutes sa banyo. Gusto ko sana bilisan dahil sobrang lamig ng tubig kapag madaling-araw pero dahil mabagal ako kumilos ay inaabot ako minsan nang hanggang kalahating oras sa banyo.Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako at nag-ayos ng sarili. Kinuha ko na a
Hindi na ako nakapagpasalamat ulit ng maayos kay Kenneth dahil para akong nawala sa sarili nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ko namalayan na paalis na pala siya.“S-Sige.”Ang huling salita na sinabi ko sa kaniya nang magpaalam siya. Sumakay na siya sa van niya at sumilip sa binatana nito upang kumaway sa akin habang naandar na ang sasakyan paalis. Kinawayan ko rin naman siya dahil nakakahiya naman kung hindi ako kakaway.Pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala pa rin pala si ate. Siguro ay sobrang busy nito sa trabaho niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit na pang-tulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Kenneth.Bakit ba ako namomroblema eh ligaw lang naman? Pero kakakilala pa lang naman namin. Baka masyado lang siya nadala sa damdamin niya. Kung magtatanong naman ako kay ate, siguradong yare ako do’n dahil ayaw pa
JAIRAH’S POV“So, tara na?” yaya niya.“Tara.”Tuwang-tuwa naman ang mga staffs ko dahil pumayag si Kenneth na sumama sila. Nagulat naman ako paglabas namin dahil akala ko kotse ang dala niya, van pala.Isa-isa nang pumasok sa van ang mga staffs ko. Nakita ko na may kasama pala si Kenneth na driver. Mayaman pala talaga siya.“What a coincidence? Buti pala van ang dinala mo,” sabi ko sa kaniya habang nasa biyahe kami.“Syempre, alam ko kasing hindi ka papayag na hindi sila kasama lalo na ngayon na kailangan niyo mag-celebrate.”“Thank you for that.”“Always welcome, my queen.”Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang huling dalawang salita na sinabi niya. Totoo ba ‘yon o baka nabibingi lang ako. Hin
JAIRAH’S POVIlang buwan na rin ang nakakalipas simula noong nagsimula akong magtrabaho rito sa bakery restaurant na ibinigay sa akin ni ate. Masaya ako dahil ngayon ay nakakatulong na ako sa kaniya. ‘Yong dating Jairah na laging kaaway niya, ngayon ay kasundo na niya. Dati, masaya ako kapag wala akong ginagawa sa bahay kasi hindi ako napapagod pero narealized ko na kung hindi ako kikilos, paano na ang future namin? Kung hindi nagsumikap si ate, siguro wala kami kung nasaan kami ngayon. Wala kaming business na pinagkakakitaan.Masaya kong pinagmamasdan ang paligid ng Delightful Pastry. Halos araw-araw ay hindi kami nauubusan ng customers. Umaabot pa kami sa point na natataranta kami kapag malapit na maubos ang mga menus namin. Kaya nagpapasalamat ako dahil nandito ang mga staffs ko para tulungan ako. Siguro kung ako ‘yong dating Jai, init ng ulo at sigaw ang aabutin nila sa akin. May mga nagtatawanan na magbabarkada, mas
JAIRAH’S POV Maaga akong nagising ngayon dahil maaga pa ang work ko. Ganoon din naman si ate pero mas nauna na siyang umalis sa bahay dahil may bibilhin pa raw siya. Ako naman ngayon ay nag-aayos na dahil kakatapos ko lang maligo. About sa nangyari kagabi, I’m so happy dahil sobrang nagustuhan ni ate ‘yong surprise ko sa kanya. Talagang tiniyak ko na magiging successful itong birthday surprise na ito kasi first time kong isurprise si ate. Sa mga nagdaang birthday niya, hindi ko man lang siya magawan o maipagluto ng handa niya. Siya lang lahat ang nakilos. Kaya ngayon, it’s time para bumawi sa kanya. Kung noon kaming dalawa lang nagcecelebrate, ngayon marami na dahil sa mga kaibigan niya. Kailangan ko nang bilisan ang kilos dahil commute lang ako ngayon at baka abutin na naman ako ng traffic. Ngayon ko lang na-realize na sana pala pumayag na ako sa gusto ni ate na ibili ako ng kotse pero siguro mas maganda kung sa
AGA’S POV “Hello, love. Good evening. How’s your day?” “Okay naman, Love. Medyo pagod lang.” “Do you want to take a rest na ba?” “No. It’s okay. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapag-usap ng ganito.” Dalawang araw na ang nakakalipas noong huli kong nakausap si Cassandra. Nakakapagchat pa rin naman kami sa isa’t isa pero iba pa rin talaga kapag nakakausap at nakikita mo ‘yong mahal mo kahit sa video call lang kaya naman sinusulit ko na ang pagkakataon na ito para makausap siya. “Sure ka ha? By the way, kumusta naman business niyo?” “Okay naman. Thanks God dahil parami nang parami ang mga customers. Sana magtuloy-tuloy na.” Ito ‘yong business nina Mom and Dad na pinaayos ko lang para mas gumanda pa at ma-attract ang mga tao na pumunta sa amin. “Ikaw? Kumusta ka naman diyan?
AGA’S POV“Saan ka ba galing, Aga? Kanina pa kita hinahanap.”Jairah, Jai. Parang nakita na kita dati o baka naman dejavu lang.“Aga? Huy!”Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ng kaibigan kong si Lance. Kasama ko siya ngayon dahil nagjogging lang kami sa park kanina tapos nagpasama siya sa palengke dahil may bibilhin daw siya.“Ano nga ulit ‘yon?” tanong ko.“Sabe ko, saan ka galing bigla ka na lang nawala?”“May tinulungan lang akong babae kanina, naholdap eh. Kawawa naman kung hindi ko tulungan, mukhang importante sa kaniya ‘yong bag.”“Ah. Ayon ba ‘yong kausap mo kanina?”“Oo. Ang weird nga lang kasi para bang nakita ko na siya dati, para bang nagkakilala na kami.”