RIZNABITIWAN ko ang plato nang marinig ko ang sinabi ni Matet mula sa telepono. I ordered a birth certificate and a copy of my marriage contract with an annotation indicating it being annulled. Kararating lang ng papeles sa bahay ng kaibigan ko. She and Ryan along with their daughter is visiting me in California two days from now at nang sabihin niya sa akin na dumating na ang order ko ay pinabuksan ko iyon sa kaniya.What I didn’t expect is to find my marriage still intact. No annulment proceedings were done. Ang ibig sabihin ay mag-asawa pa rin kami sa mata ng Diyos at mata ng tao. I only needed these documents to renew my passport.Sa loob ng walong taon . . . kasal pa rin pala ako sa kaniya. All this time, I thought we’re no longer together. He never came to see me. Although sometimes, I think I feel that he’s watching me. Parang may nagmamasid sa akin. At kapag malapit na ang death anniversary ni Pauline, nakatatanggap ako ng isang puting rosas sa may pintuan. There’s no CCTV in
RIZ, ManilaWALA pa akong tulog pero dumeretso na ako sa opisina ni Justin. Naligo lang ako sa hotel na ipina-book ko bago umuwi hindi kalayuan dito. I didn’t call or anything beforehand, at kahit hindi ko alam kung naroon siya o wala, nagpunta pa rin ako. As soon as I entered the building, I heard gasps. It’s been eight years pero alam kong natatandaan pa rin nila ako.“If it wasn’t the prodigal wife . . . buhay ka pa pala,” bati sa akin ni Veronica. How can I forget her face? I can still remember our first meeting in Batangas like it was yesterday.Hindi ko siya pinansin at sa halip ay nilampasan ko siya.“Still no sense of fashion, I see.” Ang hilig niyang manuya. Lucky for her, I don’t have time for her tirades. I have other matters to tend to and she’s not included on my list.Dumeretso ako sa elevator ni Justin. Walang gumagamit nito kung hindi siya lang, at ako, noong dito pa ako nakatira. Nothing has changed in the last eight years except for a few new employees that I don’t r
RIZ“That’s not a problem. I can file it now.”He will file it. Great! Dapat matuwa ako, pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Lalaya na kami pareho. Magiging masaya na siya. As for me, I will find my own happiness in time.“Is there anything else?” Hindi ako nakaimik kaagad. I was still standing where I was when I came in. Nakatingin siya sa akin at nakapamulsa. “You know, if you called, it would have saved you the trouble of coming here. Nangangalumata ka at wala ka pang tulog. I noticed you’ve lost weight too.”He spoke as if I looked horrible. Bagay nga sila ni Veronica. Umirap ako sa kaniya at tumalikod.“That would be all.” I walked as fast as I can but he caught up to me. “Sinusundan mo ba ’ko?”Tumikhim siya at napakamot sa may kilay . . . still wearing the fucking poker face. It’s so annoying!“I’m meeting someone for coffee and I’m not taking the stairs to get to the lobby. Masama bang gamitin ang elevator ko?” Kumunot ang noo ko. Nang bumukas ang private elevator niya ay lum
RIZWHEN I got back to the hotel, nakita ko ang isang pamilyar na mukha sa lobby. Si Justin. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin? At paano niya nalaman kung saan ako tumutuloy?“What are you doing here?” tanong ko sa kaniya nang makalapit ako.“Picking up someone,” sagot niya sa akin na para bang normal niya iyong ginagawa.“Hindi ako sasama sa ’yo.”Kumunot ang noo niya. “Did I say I was picking you up? I don’t remember saying your name.”Gumapang ang hiya sa buong katawan ko. Kulang ang sabihin ko na gusto ko na lang bumuka ang sahig at lamunin ako nang buo. He was right. Wala naman siyang sinabi na susunduin ako o narito siya sa hotel para sadyain ako.Sa hiya ko ay mabilis akong naglakad palayo sa kaniya. Noon ko nakasalubong ang isang magandang babae na matangkad at morena. She looked hot. At hindi ako nagkamali nang lumapit siya kay Justin at bumati sa kaniya. Masaya silang nag-usap habang naglalakad. Hindi man lang ako nilingon ng asawa ko.Asawa ko. Wow. Big word.Nagng
RIZ“OVER a shirt? You’re really doing this over an old shirt?” Hindi pa rin ako makapaniwala. Justin is way over his head at pati ang isang lumang T-shirt ay pinag-iinteresan pa niya.“Why not? It’s mine.” Sumimsim siya ng kape. “You wanted to be free from me, so why keep my shirt? Unless mahal mo pa ’ko.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero ngumiti siya sa akin nang nakaloloko.“Huwag kang assuming. I’ll pay for the shirt. Magkano?”Umiling si Justin. “I told you. It’s not for sale. If you really want one, magpagawa ka na lang ng bago. The fabric is already thin. Honestly, I didn’t think it would still be around. Akala ko matagal na ’yang gutay-gutay at naging basahan.”“It’s the memories I have with it, that’s why I want to keep it. Walang memory ang isang bagong T-shirt kung magpapagawa ako ng katulad nito.”Nagkibit-balikat si Justin at para bang sinasabi sa akin na wala siyang pakialam. “I already told you my terms. If you want to keep it, live with me. Otherwise, give i
RIZ“What?” Halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig.Hinaplos ni Justin ang pisngi ko at puno ng pagmamahal na tumingin sa akin. “I came to see you every year. Hindi totoo ang iniisip mo na hindi kita pinuntahan.”My knees buckled at kung hindi niya ako nasalo ay lumagapak na ako sa carpeted na sahig. He picked me up then sat at the edge of the bed. I am fully aware that he is still naked habang ako ay may suot nang panty at T-shirt. Gusto kong matawa sa hitsura namin pero higit ang kagustuhan kong marinig ang mga sasabihin niya. It seemed that the last eight years were not what I thought it was.“Hindi kita nakita sa—”“Because it wasn’t my attention to show myself to you. It was hard for me to let you go. At kapag nagkaharap tayo at nagkausap, it’s going to be difficult to leave you.”“Hard? Ako pa nga ang una mong pinapirma!” Malungkot siyang ngumiti sa sinabi ko. “Don’t tell me it’s all an act because—”“But it is. It was all an act. Baby, you were destroying yourself slowly
RIZNANG dumating ang pagkain ay masaya kaming kumain. I sat on his lap at daig pa namin ang nasa honeymoon stage. Well, it is really a honeymoon for us. Pagkaraan ng walong taon, bumawi talaga siya nang bongga. And I plan to do the same for him.“You missed your appointment,” wika niya sa akin habang kumakain. His arm was around my waist at isang kamay lang ang gamit niya sa paghawak sa fried chicken. Justin is no longer naked but he refused to get dressed. Nagsuot lang siya ng robe at hindi man lang nahiya kay Rowan nang tanggapin niya ang pagkain. He didn’t let Rowan in anyway.“Can you help me renew my passport?” masuyo kong tanong sa kaniya.“Nope. Baka iwan mo na naman— Ouch!” Hinapit niya ako palapit sa kaniya. “Of course, I will help you.” He kissed the tip of my nose and continued eating. “Eat before it gets cold.” Dinampot ko ang tinidor at sinimulang kumain ng spaghetti. “May iba ka pa bang pupuntahan?”“I was going to visit Pauline after my appointment. Can we go there?” T
RIZHINDI pa ako nakababawi sa narinig ko kay Justin tungkol sa pagtatrabaho ng aking ina sa shop pero heto at nasa harapan ko na si Madam. Pakiramdam ko ay pilit akong sinusubok ng panahon kung hanggang saan ang pasensiya ko . . . kung talagang kaya ko nang piliin ang kapayapaan kaysa sa galit.“Madam,” bati ko sa kaniya at bahagyang ngumiti. I acknowledged her presence but other than that, hindi ko alam kung dapat ba kaming tumigil ni Justin para makipag-usap sa kaniya. There’s nothing to talk about.“I thought I saw you at the mall yesterday evening but I wasn’t sure until today.”“Sige po.” Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya. My therapist said that no matter how unhappy I am with the person, dapat ko pa rin siyang pakiharapan bilang tao. At sa ngayon, maayos naman ang pakikitungo niya sa akin. Siguro dahil kasama ko si Justin.Wala na akong narinig pa mula sa kaniya at nang makasakay ako sa kotse ay tinanong ako ni Justin. He looked worried.“I’m fine. I thought she’d throw ins
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot
JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was
JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam
RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled