RIZWE met his friends at The Sour Vine. Ito ’yong restaurant na pag-aari ng kaibigan niyang si Val. Nang dumating kami ay naroon na ang dalawang lalaki. Ryan and Val are equally good-looking, pero si Justin pa rin ang pinakaguwapo para sa akin. Comparing the two though, mas kuwela si Ryan habang si Val ay nagpapaalala sa akin ng personality ni Justin. He was more like the serious type pero marunong naman ngumiti.Val ordered for us and he picked all the chef’s specialties. Hindi ko alam kung paano namin uubusin ang lahat ng ito. Ang kinaroroonan namin ay may sapat na privacy pero hindi rin naman ganoon ka-isolated kaya may mangilan-ngilan pa rin na customers sa paligid namin.“So tell us, Riz. Kumusta naman itong kaibigan namin bilang asawa? Malakas bang humilik?” natatawang tanong ni Ryan. I noticed he is not wearing a ring at mukhang si Justin ang unang nag-asawa sa kanila.Napatawa ako. “Minsan. Kapag pagod sa trabaho. Pero bawing-bawi naman kasi maaga ’yan gumising at ipinaglulut
RIZIT was fun getting to know Justin’s friends. And while I do not see the guys often, si Moira ay bumibisita sa akin sa shop at sa penthouse. She met my Reysa and Matet too at dahil madaling pakisamahan ay mabilis silang nagkasundo. They are planning my baby shower and it excites me.As much as I want to be involved, I want them to plan it on their own. Kung tanungin nila ako ay magbibigay ako ng opinion. Otherwise, silang tatlo ang palaging magkakausap from the theme, games to gifts, and whatever else we’re going to need.Nasa grocery store ako ngayon kasama si Moira. We are buying stocks for her pantry. They are currently renting a two-bedroom apartment in the city.“Have you told him, Moi?” Hindi ko natiis na tanungin siya nang makita ang pangalan ng tumatawag sa kaniyang cell phone. Hindi ko ’yon sinasadyang masilip pero magkatabi kami habang itinutulak ang cart.Umiling siya. “I’ve been here for two weeks but I still don’t know if I should tell him. If he really cared, he would
RIZNANG makauwi ako ay nadatnan ko ang aking ina sa lobby. Ano ba ang mayroon sa araw na ito at sabay-sabay sila kung magpakita sa akin? Kulang na lang ay sumulpot ang aking ama at kompleto na sila.“Anak,” tawag niya sa akin sa medyo malakas na boses.Kaagad siyang tumayo at sinalubong ako. Nakasuot siya ng isang hapit na blouse at maiksing shorts. Hindi pa nakontento si Nanay at nagsuot pa ng heels. Sa aming dalawa ay ako ang nahihiya sa suot niya. Pinagtitinginan siya ng mga empleyado at pagkatapos ay lilipat ang tingin sa akin. Ang iba ay gulat, habang ang iba ay natatawa at naiiling.We are rarely seen together at ngayon ang unang pagkakataon na nakita kaming mag-ina rito sa lobby. Nang makalapit siya sa akin ay hindi siya yumakap. Bagkus ay hinawakan niya ako sa braso at mahinang tinapik. That gesture is usually between two friends pero sa aming mag-ina, ni hindi ko alam kung bakit ganoon ang bati niya.“A-Ano po’ng ginagawa n’yo dito?” Kahit nasabi ni Justin na nagpunta ang ak
RIZKAHIT hindi ko sabihin kay Justin ay madaling nakarating ang balita sa kaniya tungkol sa pagkikita namin ni Nanay sa lobby. He didn’t get home until five in the afternoon but the first he asked is if I was okay. Tumango lang ako at hindi nagkomento. Justin knows not to push as well and let the matter rest.Sa maiksing pagsasama namin, alam niya na kung kailan ako magsasabi ng saloobin. And that’s why after dinner, we decided to stay outside for a bit. Kung dati ay matatakutin ako sa matataas na lugar, ngayon ay hindi na. I still prefer to live in a house, but living in the penthouse while we are here in Manila made me appreciate it more. Para bang kay layo ng mga problema sa akin at hindi nila ako maaabot.The busy streets of Manila and honking cars were a sight to see. People are always in a rush whether to get home or to go somewhere exciting. Either way, they are always on the go.“How was your day with Moi?”Justin was sitting while I remained standing near the railing to watc
RIZSA isang silid na kulay puti ako nagising. My first instinct was to hold my tummy. Kaagad na sumasal ang tibok ng puso ko nang hindi maramdaman ang pamilyar na umbok nito. Binalot ng takot ang puso ko . . . ang buong pagkatao ko.‘Please make my baby safe.’ ‘Please make my baby safe.’ ‘Please make my baby safe.’ Paulit-ulit kong dasal sa aking isip. Carrying my baby for the last six months made me more aware of my body than anyone else. Ayaw kong isipin na may nangyaring masama sa anak ko. I remember slipping in the kitchen and how much pain I felt.How I couldn’t get up.How I screamed for help.How I talked to Pauline and asked her to hold on to me tightly.I saw Justin with his eyes closed while holding my hand. His eyes were puffy as if he just finished crying.“Hey. How are you feeling?” Kahit ang boses niya ay malat at hindi gaya ng dati. Punong-puno ’yon ng sakit at pighati. Pero wala ni isang patak na paninisi sa akin.“S-Si P-Pauline?”He just stared at me for a good
RIZWHEN I saw Pauline, I couldn’t cry. I just kept looking at her pale and lifeless body. She was so small. I held her tiny fingers and I don’t want to let go. I badly want to go with her. Gusto ko na rin mamatay nang oras na ’yon. This is not how I imagined my first time meeting my daughter.Mahal na mahal ko siya kahit walang kasiguraduhan kung pananagutan ako ng kaniyang ama noon. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap at kung paano sasabihin ang pagdadalang-tao ko.Inani ko ang galit ng mga magulang ko. Magkahalong pisikal na pananakit at masasakit na salita ang natamo ko, pero kahit ganoon, hindi ko kayang isuko ang anak ko.Pauline gave me hope. My daughter gave me the strength and will to continue living my miserable life. I wanted to be a better person because of her.Her remains were cremated and I asked Justin to make it private. Sa mausoleum ng mga Calderon inilagak ang urn ni Pauline. I don’t want anyone there but me and him. It’s a moment for just our litt
JUSTINIT’S been five days since she asked me for an annulment. I know she’s just hurting. Hindi madaling tanggapin na wala na si Pauline. But it was an accident at walang may gusto ng nangyari. She blames the people around her—even me.Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Narito ako sa isang upscale restaurant. Kanina pa tapos ang meeting ko pero hindi muna ako umuwi sa bahay. I just need a little bit of time before I face her again. Ang hirap makita na nasasaktan ang asawa ko. She’s there . . . but she’s really not there.“Problem?”Nang tumingala ako ay nakita ko si Dad. Sinenyasan niya ang dalawang bodyguard niya na lumayo muna sa amin. There were only four tables in the private room at sa laki ng space ay magkakalayo ang mga mesa. It’s almost next to impossible to hear what the others are talking about. Hindi ko alam na narito rin pala siya kanina.Tipid akong ngumiti sa kaniya. “I’m okay.”Tumikhim siya. “But not really.”Sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, ang akala ko a
JUSTINI know how hard it is to lose a child. Ama ako ni Pauline. We are both her parents. It’s not a question of who was hurt the most because at the end of the day, pareho kaming nawalan ng anak. And that’s why I don’t understand why she wants to end her life when I am still here. Hindi ba puwedeng mabuhay na kaming dalawa na inaalala ang masasayang alaala nang ipinagbubuntis pa niya ang anak namin? Was it all bad?Because I remember all the rollercoaster emotions I had the first time she told me she was pregnant up to the time I saw her pale when she lost our baby. We are both hurting. Maybe we have different levels of pain because no pain is ever the same, but she still has me. Am I not enough for her to continue with her life?“Gusto mo ’kong iwan?” tanong ko sa kaniya. “Not too long ago, I remembered you needing my help.”“Hindi ko na kailangan ng tulong mo dahil wala ka nang connection sa ’kin. Wala na tayong anak,” katwiran niya sa akin.She is a mess, but she is my mess. What
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot
JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was
JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam
RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled